Panandaliang Silong

118 1 0
                                    

PANANDALIANG SILONG

Ilang araw na nga ba ang nagdaan?
Ilang minuto na ba ang lumipas?
Ilang segundo na ba ang umikot sa orasan?
Ayoko ng bilangin pa
Ayoko ng mag-intay pa
Ayoko ng balikan ang mga nakaraang hindi na maibabalik pa
Mga nakaraang hindi ko alam kung naging totoo ka ba
O ang lahat ay isa lamang pa lang malaking kasinungalan?
Kasinungalingang lubos kong pinaniwalaan
Mga pangakong sobra kong kinapitan
Kaya nga ako'y nahulog sa'yo ng tuluyan
Kaya nga kita minahal ng lubusan
Dahil ang sabi mo sakin noon ay 'Mahal, wala ng iwanan'
Pero anong nangyari mahal at ikaw ngayo'y wala na sa'king tabi?
Bakit nung umpisa hindi mo agad sinabi?
Bakit hinayaan mo pang mahulog ako ng tuluyan?
Kung sa umpisa pala'y iiwan mo lang din naman
Bakit kung kailan hirap na kong ilakad ang mga paa ko paurong
Ay tsaka ko malalaman na hindi lang pala ang ngalan ko ang iyong binubulong
Hindi lang pala ako ang sa puso mo'y nakakulong
Mahal, hindi lang pala ako
Sana sinabi mo
Sana pinaalam mo
Sana nalaman ko
Sana hinayaan mo na lang ako
Sana
Ang dami kong sana
Na hindi na muling maibabalik pa
Dahil tapos na
Ginawa kitang mundo ko
Pero sayo isa lang pala akong parte nito
Umasa ako sa mga pangako mong walang hanggan
Kumapit ako ng mahigpit dahil ang sabi mo'y walang iwanan
Ang sabi mo hinding-hindi tayo maghihiwalay
Pero Mahal, bakit ikaw pa ang unang bumitaw?
Akala ko natagpuan ko na
Hindi pa rin pala
Mali nanaman ako
Nagkamali nanaman ako
Dahil yung mga masasayang araw pala na tayo'y magkasama
Ay hindi pala s'yang tanda na ikaw na ang itinakda
Yung mga sakripisyo ko palang ginawa
Ay hindi pala sapat upang manatili ka
Yung mga pangakong binitawan pala natin sa isa't-isa
Ay hindi pala kasiguraduhan ng walang hanggang bukas na kasama ka
Dahil isa ka lamang palang panandaliang silong 'ko
Silong ko na binigyan ako ng panandaliang kilig at saya
At ang silong na kailangan ko ng lisanin
Dahil hindi ka nga pala akin
at kahit minsa' y hindi naging akin.

******************
Yung bigla mong nalaman na di ka lang pala nag iisa sa puso niya. Saet! 💔

Im bacccckkkkk 😁

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now