Patawad, Mahal pa din kita

1.6K 13 5
                                    

PATAWAD, MAHAL PA DIN KITA

Nandito ako ngayon at nakatunghay sa aking bintana
Dinadama ang bawat pagdampi ng malamig na hangin sa'king mga mukha
At pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan
sa madilim na kalangitan
At kasabay ng bawat pagpatak ng ulan
ay ang pagbuhos ng mga ala-ala sa nakaraan
Ala-alang hinding-hindi ko makakalimutan
Dahil iyon ang mga ala-alang gugustuhin kong balikan
At gusto ko pang madugtungan
At kasabay ng pagbuhos ng mga ala-ala sa nakaraan
ay ang pagpatak ng aking mga luha
Tanda ng pangungulila ko sayo sinta
at pagsisisi sa lahat ng aking mga kasalanang nagawa
Noong tayong dalawa pa ang magkasama
Oo tama ka
Nagsisisi ako sa'king mga nagawa
Dahil alam kong nasaktan kita
At ako ang naging dahil ng iyong mga pagluha
Patawad, Mahal hindi ko sinasadya
Hindi ko sinasadyang masaktan ka
Dahil noong nasaktan ka
Dobleng sakit ang aking nadama
Eto na ata ang aking karma
at ganti sa'kin ng tadhana
Dahil ako ngayo'y nagdudusa
sa kasalanang ako naman ang may sala
Dahil lumipas man ang panahon
at magpahanggang sa ngayon
Ikaw pa din ang Mahal ko, Sinta
At sana hindi pa huli ang lahat para sa'ting dalawa
Dahil handa akong gawin lahat ng aking makakaya
Upang bumalik ka
At kapag iyon ay nangyari na
Hindi na kita muling pakakawalan pa
at hahawakan ko ng mahigpit ang mga kamay mo
At sabay nating tatahakin ang mundo
ng tayong dalawa
Oo tayong dalawa
Ikaw at ako, Mahal ko.

******
Kapag hawak mo na kasi wag mo ng pakakawalan pa.

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now