New Year's Resolution

2.1K 10 0
                                    

NEW YEAR'S RESOLUTION

Sa tuwing sasapit ang bagot taon
Hinding hindi mawawala ang new year's resolution
Tila isang hamon
sa ating bawat sarili
Upang baguhin na ang dating masasamang gawi
para sa'ting ikabubuti
Nandyaan ang Magda-Diet na 'ko
Maggi-gym na 'ko
Mage-excercise na ko
Ititigil ko na ang bisyo 'ko
Magiipon na 'ko
Magbabago na ako
Pero ako?
Isa lang ang new year's resolution ko
Yun ay ang kalimutan ka na
At mag move on na sa nakaraan nating dalawa
Oo yun ang hamon ko
sa sarili ko
Bagay na alam kong napakahirap gawin
Dahil hanggang ngayon ikaw pa rin
Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula
O kung makakaya ko ba
Kung nagawa kong itigil ang bisyo ko sa nakaraang dalawang taon
At ang magdiet noong nakaraang taon
Baka kaya ko din tong gawin
Oo kakayanin
Masasanay din ako
Na wala ka na sa tabi ko
Masasanay din ako
Na wala ng tayo
Masasanay din ako
Na sa tuwing makakasalubong kita
Hindi na sakit ang aking madarama
Masasanay din ako
Na sa tuwing kakain ako sa paborito nating karinderya
Hndi na ikaw ang aking maalala
Oo masasanay din ako na wala ka
Hanggang sa makalimutan na kita
At magawa ko na
Ang new years resolution ko
para sa sarili ko
Sana nga magawa ko
Dahil gusto ko sa susunod na taon
Iba na ang s'yang maging aking new year's resolution
Yun ay ang hayaan ko na ang sarili ko
Na buksan muli ang aking puso
Para naman sa ibang tao
Sa ibang taong karapat-dapat papasukin dito
Yung taong mamahalin ako
At mamahalin ko din ng buo.

********
Happy new year sa lahat! 🎉🎉🎇🎆😘

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now