CHAPTER 55: UNEXPECTED REACTION
KIEN’S POV
It’s been 2 days after ng napakasayang New Year celebration ng buhay ko. hanggang ngayon kinikilig parin ako. may after shock eh bakit ba?! Haha! Yung kasing pasabog nya nung Christmas eh ginawa nya ulit nung New Year’s Eve. Ibang set up. Ibang pakulo at talagang naiyak nalang ako sa tuwa sa mga efforts nya.
“Kien hija? May tumatawag sayo sa telepono sa baba.” Sabi ni manang na bigla lang sumulpot sa kwarto ko. mala kabute lang manang? Haha.
Tumango lang ako at magkasunod kaming bumaba. Sinagot ko yung nakahold na tawag.
“Kien speaking. Sino to?” agad kong tanong. Ganyan talaga ako sumagot kapag sa telepono ako sumasagot pag sa phone ko kasi, tanong lang agad. Hehe.
(is that you Kien?) sabi sa kabilang linya.
Bingi ba to? Sinabi ko na ngang Kien speaking eh? -_-
“sino to?” iritableng tanong ko.
(ay antaray naman. Sabi ni Jellie bumait ka na daw ulit pero parang hindi naman?) nagtaka naman ako sa sinabi nya. Sino ba to?
Magsasalita na sana ako ulit ng bigla siyang magsalita ulit.
(ang saklap namang di mo na ko kilala. It’s me..... Jane.) Sabi nya.
Napanganga naman ako ng sabihin nya ang pangalan nya. Kaya pala pamilyar ang boses. Nako na-offend ko pa ata. :C
“r-really? Jane?” paninigurado ko.
(yeah! It’s me. and I’m back baklaaaaaa!) tili nya sa kabilang linya at napalayo ko naman yung telephone sa tenga ko. di parin nagbabago isang to.
“sino yan? Lakas ng boses.” Biglang sulpot ni Chase sa likuran ko. uso ba biglang sulputan ngayon? Haha.
Sinenyasan ko sya ng wait lang at tumango naman sya.
“makasigaw ha? Kelan ka pa umuwi?” tanong ko kay Jane.
(sino yung narinig kong lalaki. Sya ba yung ka live-in mo?) nanglaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.
“ANO?!!” - ako. nagulat ako sa sinabi nya eh.
(sabi ni ate Kiera eh kasama mo daw fiancé mo sa iisang bahay.) – Jane.
“pano mo naman nakausap si Ate?” tanong ko.
(tumawag ako sa inyo. Tas sya yung nakausap ko then binigay nya tong telephone number nyo.) – paliwanag nya.
“ah.......” sagot ko.
Nawalan ako ng sasabihin eh hahaha.
(so ano may ka live-in ka nga?) tanong nya ulit.
“utang na loob Jane. Hindi kami naglilive-in!” sagot ko.
Pero diba parang ganun na nga yun, kasi tumitira kami sa iisang bahay? Tss. Sila Papa naman may pakana nito eh.
(hahaha! Sabi na eh. Nang aasar lang ako Kien hahaha.) – Jane
Tss. Baliw na babaeng to.
(Kien punta ko dyan sunduin mo ko. same house pa rin. Sige na!) pakikiusap nya. Tss. May magagawa ba ko eh miss ko na rin to.
“geh. Tawagan mo si Jelly. Sunduin ko kayo after 1 hour. Liligo lang ako. bye.” Sabi ko. tapos binaba nya na rin.
“ sino yun?” sabi ni Chase na binibigyan ako ng naghihinalang tingin.
Eh? What’s with that look?
“Si Jane. Yung isang pa naming kaibigan ni Jelly.” Sagot ko.
Tinaasan nya lang ako ng kilay. Psh. Nagseselos sya? Hahaha.
“Cha, kaibigan ko lang yun. Tsaka... babae yun! Narinig mo diba? Anong ini-inarte mo dyan?”
“wala. Hindi ako nag iinarte ah.” defensive na sagot nya.
“asuuuus! Wag magkunyari. Haha.”
“psh!” sabay pout.
“hey. Stop it!” pasuway ko sa kanya.
“stop what?”
“stop pouting! It’s... t-tempting.” Kyaaaaaah! Nakakahiya! Bakit ko sinabi yun?
Nakita kong ngumiti sya ng nakakaloko. Tsk! Ayan na. >/////<
“that’s new! Natetempt ang Babylove ko sa pag pout ko.” sabi nya tapos sabay pout ulit!
Iniwas ko nalang yung tingin ko. baka... baka... baka mahalikan ko na sya!
“hahaha! Ikaw lang naman inaantay ko Kie. Sige na. mag ayos ka na ng sarili mo. May pupuntahan ka diba?”
Ay oo nga pala! Hahaha.
“yeah sige.”
“kiss ko?” pangungulit nya pa.
“magtigil ka!”
“hahaha! Love you too!”
“baliw!”
“sayo!” shet! Shet! Shet! Kinikilig ako. bwisit!
>/////<
“bakit ka namumula?” tanong nya.
“hindi ah! sige akyat na ko.” kailangan ko umiwas!
“haha! Ah babylove. Pupunta nga pala dito si Jan at Cole ah.”
“okay! Sunduin ko lang si Jelly at Jane. Gusto pumunta ni Jane dito eh.”
“sige papahanda nalang ako ng meryenda kay Mana.”
Tumango nalang ako tapos umakyat na ko sa kwarto. ang kulit lang naming dalawa ngayon haha. Sana lagi nalang kaming ganitong dalawa. Hihihi!
-4 in the afternoon-
CHASE’S POV
Naglalaro kami ng xbox ng dumating sila Kie.
“owww...” – reaksyon ni Cole ng Makita si Kie at Jellie kasama yung isa pa nilang kaibigan na Jane daw ang pangalan.
Sinapak ko sya sa braso. “anong ‘ow’ ka dyan? Wag mo sabihing didiskartehan mo yan?” tanong ko.
“psh. Kahit hindi na.” sagot nya sakin. Bakit parang kilala nya?
“Jaaaaaaaan!” biglang tili ni Jellie kaya naagaw ang pansin naming tatlo at napatingin sa kanya.
“ingay.” -_- sagot ni Jan.
Wow ah! ang topak din ng lalaking to. Sweet tapos cold. Ang hirap nya lang intindihin. I wonder, paano sila nagkakasundo.
“ang sungit mo!” sabi naman ni Jelly sabay pout. Kita ko ang pagbabago ng expression ni Jan. Hinapit nya si Jellie at tsaka hinalikan sa noo.
“sorry na po.” Sabi nya lang. Tapos nginitian sya ng matamis ni Jellie.
Kung nagtataka kayo sa status nila. Isa lang masasabi ko. they are now a happy(?) Couple. Ilang buwang ligawan din yan ah. haha!
Ayun naglambingan nalang yung magshotang abnoy kami nalang ni Cole yung naglalaro.
Bigla naman akong tinawag ni Kien kaya iniwan ko na muna si Cole. Medyo naninibago ako kay Cole. Ang tahimik bigla. Di naman sya ganya eh.
Pinakilala sakin ni Kien si Jane. At magkaugali pala tong dalawa ni Cole. Parehong mapangtrip. Pinipilit nyang nag lilive in kami ni Kie. Kaya umuo nalang ako. ayaw paawat eh.
Naghanda na si Mana ng Meryenda kaya lahat kami nagpunta sa sala. Dun na nila gusto. Nakapalibot kaming lahat sa table paikot. Normal na samin ni Kie ang tahimik pero si Jellie? Hindi to tahimik na tao. At si Cole? Bakit parang walang bibig? Napapansin ko rin na kanina pa sila nagsusukatan ng tingin ni Jane. Magkakilala kaya sila?
“This is awkward!” pambasag katahimikan ni Jane.
“Ikaw lang yun.” Sagot ni Cole.
“teka nga!! Magkakilala ba kayo?!” tanong naman ni Kie. Nakahalata na rin pala sya.
“HINDI!” sabay na sagot ni Cole at Jane. Halatang defensive.
“ako pa niloko mo Jane? As if you can.” – Kien.
“spill it.” Sabi ni Jan habang deretsong nakatingi kay Cole.
“Psh. Childhood.” Tanging sagot ni Cole.
Ahhhh. Gets ko na. sya pala. Sya pala yun. Tsk tsk! Goodluck emo! Ayusin mo na kasi to.
Sya pala yung kinukwento ni Cole samin. Sya pala ang dahilan ng lahat. I wonder, ano kayang nararamdaman ngayon ni Cole? He seems to be cold and emoyionless, but I really feel something strange in him now. he’s not the usual Cole eh.
Kaya pala nagbago yung mood nya eh. Is he still affected? Tsk. I didn’t expect to that unexpected reaction on him now.
Goodluck Bro. Kaya mo to.
[A/N: okay, una sa lahat sorry po kasi ang tagal bago ako nakaupdate. The last time na nag update ako is January pa. Sorry talaga. Naging sobrang busy po kasi. Sorry.
Pangalawa, Thanks sa lahat ng nag aadd ng story ko sa mga reading list nila. Sa mga nagpafollow sakin. Sa mga votes and comments. Nakakainspire Makita yung mga nakakatuwang comments nyo. Thank you po talaga. Sana samahan nyo ko hanggang ending ng IPMHIP. ^__^
Lastly, pasensya na sa UD ko ngayon. Sa sobrang stress po kasi nawala na ako sa plot. Pero hindi parin nagbabago yung idea ko sa magiging ending nito. Kaya please bear with me nalang sa mga susunod na update ah. thank you!
HINDI PA PO TO LAST CHAPTER AH. PERO MALAPIT NA. MALAPIT NA TAYO SA ENDING. ^___^
GOMAWO! :*