When Love Ain't Just Enough

By iamcyril

151K 1.3K 177

sapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba... More

Panimula
Just saying...
CHAPTER 1 - 092782*****
CHAPTER 2 - MGA BAWAL ISUOT SA DATE (SABI NI KUYA)
CHAPTER 3 -- Ako ang Best Actress!
CHAPTER 4 -- Betcha By Gulay!
CHAPTER 5 -- Isang Libong Piso
CHAPTER 6 -- Ang Number ni Top 2
CHAPTER 7 -- The Truth
CHAPTER 8 -- Tara Mag-swimming!
CHAPTER 9 -- Drastic Measures
CHAPTER 10 -- A+ For Effort
CHAPTER 11 -- Grocery Shopping
CHAPTER 12 -- Napadaan Lang
CHAPTER 13 -- Caught in the Act
CHAPTER 14 -- Ang Mahiwagang T-shirt
CHAPTER 15 -- Nosebleed!
CHAPTER 16 -- Buti na lang Swimmer Ka
CHAPTER 17 -- Ikaw kasi si Hanna
CHAPTER 18 -- Paano Manghiram ng Payong
CHAPTER 19 -- Masokista Lang ang Peg
CHAPTER 20 -- Defensive
CHAPTER 21 -- Pictorial Galore
CHAPTER 22 -- Tricked
CHAPTER 23 -- Nakakahilo
CHAPTER 24 -- In Her Room
CHAPTER 25 -- Close Encounter
CHAPTER 26 -- Insensitive
CHAPTER 27 -- He Made Me Smile with Tears
CHAPTER 28 -- Lonely Birthday to Me
CHAPTER 29 -- Ang Aking Savior, Mortal Enemy Pala?!
CHAPTER 30 -- Learning the Art of Moving On
CHAPTER 31 -- Nasaan Ako?
CHAPTER 32 -- Won't Get Tired of Playing Hide and Seek
CHAPTER 33 -- Pick Up Lines. Tsk!
CHAPTER 34 -- I Can Wait to Have You
CHAPTER 35 -- Excited sa Future
CHAPTER 36 -- When He Lies
CHAPTER 37 -- When Love Ain't Just Enough
CHAPTER 38 -- Mama's Advice
CHAPTER 39 -- Happy Retreat Kay Sheri!
CHAPTER 40 -- Happy Retreat Kay Keizer!
CHAPTER 41 -- Kelan Kaya Tatama ang Akala?
CHAPTER 42 -- Taking Advantage
CHAPTER 43 -- He's A Mess Without You
CHAPTER 44 -- Kinabahan Ako Sa Pitong Bote ng Alak

CHAPTER 45 -- Limang Taon

3.2K 71 69
By iamcyril

(Final chapter na po ito...pero wala sanang violent reaction sa kung anumang kahahantungan ng kwentong 'to ha..wahahahaha...)



CHAPTER 45 -- LIMANG TAON

SHERI GONZALES



          Bigla akong nakaramdam ng sobrang pagka-ubo. Ubo ako ng ubo tapos na-feel ko na lang na may tubig na lumabas sa bibig ko.



          “Sheri,” narinig ko na namang may tumawag sa ‘kin.



          Iminulat ko yung mga mata ko at nakita ko si Keizer na nakaluhod sa tabi ko.



          Pagkakita ko sa kanya, agad akong bumangon at niyakap ko sya.



          “Wag mo na ulit gagawin yun ha!” Naiiyak na sabi ko sa kanya.



          Iniharap nya ako sa kanya tapos parang galit sya.



          “SAYO KO DAPAT SABIHIN YUN! WAG KA ULIT TATALON DUN SA SWIMMING POOL NG BASTA-BASTA! KUNG HINDI KO NAHAWAKAN ANG KAMAY MO, BAKA TULUYAN KA NG NALUNOD!” First time nya akong nasigawan.



          Natigilan ako at hindi ako makapagsalita. Tapos naramdaman ko na lang na umiiyak na ‘ko.



          Hinigit nya yung braso ko at niyakap ako.



          “I’m sorry, hindi ako galit. Natakot lang ako ng sobra sa ginawa mo,” mahinahong sabi nya.



          “Gusto ko lang naman na i-save ka,” umiiyak na sagot ko.



          “Bakit mo kailangang gawin yun?”



          “Eh kasi lasing ka tapos tumalon ka dyan sa pool nyo! May tendency kang malunod, ‘no!”



          Magkaharap na naman kami.



          “Sinong may sabi sayong lasing ako?” Halata sa boses nya na bad trip sya.



          “Di ba umiinom ka? Ang dami mo ng nainom, o.” Tinuro ko yung mga bote dun sa kabilang side nitong pool.



          “Wait for me here.” Tumayo sya.



          Nagpunta sya dun sa kabilang side at kinuha yung mga bote.



          “Ito ba ang sinasabi mo?” Tanong nya sa ‘kin nang makabalik sya.



          Tumango ako. Ibinaba nya yung mga dala nya.



          “Look.” Pinakita nya sa ‘kin yung mga bote. “Wala pa akong nabubuksan kahit isa dyan. Hindi pa ako nakaka-inom kahit isang patak, kaya hindi ako lasing,” explain nya.



          “Kinabahan kasi ako,” sagot ko.



          Umupo sya sa tabi ko.



          “You have nothing to worry. Okay ako,” sabi nya sa ‘kin.



          “Bumalik ka na sa team.” Bigla ko na lang nasabi.



          Napatingin sya sa ‘kin.



          “Kanino mo nalaman? Kay Tina?”



          “Si Angela ang nagsabi sa ‘kin kanina. Narinig daw nya dun sa dalawang teammates mo.”



          “Ang daldal talaga ng mga yun.”



          “Bumalik ka na,” encouraged ko.



          Tumahimik sya.



          “Kung babalik ka sa ‘kin, babalik ako sa team,” hamon nya.



          “Nakabalik na ‘ko di ba? Atska sabi ni Carol, hindi naman tayo naghiwalay.”



          “Hindi nga. Pero inisip mo at inakala mong wala na tayo, tama?”



          “Oo. Eh malay ko ba sa cool off.” Nahihiyang sagot ko.



          Ngumiti sya.



          “Bakit ka pala nagpunta dito?” Tanong nya.



          “Aksidente lang ang pagpunta ko dito. Si Harold kasi pinuntahan ako sa school, pinagyabang nya na champion daw sya nung last competition.”





          “Mayabang talaga yun.”



          “Kaya kung ayaw mo na syang magmayabang ng tungkol dun, bumalik ka na sa team.”



          “Babalik na po.”



          “Dapat lang. Nasabi ko na sa kanya na lalaban ka ulit, eh.”



          Tumahimik kami saglit.



          “Ayaw mo na ng space?” Pabirong tanong nya.



          Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.



          “Valid answer na ba ‘to?” Nakangiting tanong ko.



          “Yung pagpunta mo palang dito, valid answer na,” sagot nya.



          “I’m sorry kung naniwala ako kay Angela. I’m sorry kung hindi kita pinakinggan. I’m sorry kung humingi ako ng space kahit walang dahilan. I’m sorry kasi nasaktan kita. I’m sorry kas--” He cut me off.



          “Tama na. Okay na. No need for you to say sorry. Ako dapat ang mag-sorry. Tama ka, there was a time na nagsinungaling ako sayo. I’m sorry for that.”



          “Wala na yun. Ngayon, alam ko na talaga kung ano ang totoo. Sana makalimutan na natin yung mga nangyari.”



          “Yeah. We’ll make more happy memories para ma-cover natin yung nangyari sa ‘tin.”



          “I know mas magiging strong yung relationship natin dahil sa nangyari.”





          May kulang pa pala dun sa mga na-realize ko noon na mga kailangan para mag-work ang isang relasyon. Kailangan mo din palang maging source of strength ng partner mo. Kaya dapat, strong kayo para sa isa’t isa.



          Nung nawala ako kay Keizer at nung nawala sya sa akin, pareho kaming nawalan ng gana na ipagpatuloy yung mga passions namin. Pareho kaming tumigil na ma-reach yung mga goals namin. Therefore, kailangan namin ang isa’t isa para maging better persons kami.





          “Alam mo may mas valid answer ka pa na pwedeng ibigay sa akin,” sabi nya.



          Inalis ko yung yakap ko sa kanya.



          “Ano naman yun?” Tanong ko.



          He held my face, then he pressed his lips against mine.



          “That’s the most acceptable answer. I love you,” nakangiting sabi nya.



          Ngumiti din ako. “I love you.”



          “Wag ka ng hihingi ng space, ha. Hindi na kita bibigyan,” natatawang sabi nya.



          “Magpakabait ka kasi!”



          “Mabait naman ako, ah. Teka, magbihis ka na baka magkasakit ka pa.”



          “Hihiram na naman ako ng damit kay Ate Kelly? Nahihiya na ako,” sabi ko.



          “Okay lang yun. Tara na sa loob,” yaya nya.



          Sumama ako sa kanya tapos iniwan nya ako sa room ni Ate Kelly.



          “If you need something, puntahan mo lang ako sa room ko,” bilin nya.



          Syempre, tulad ng dati nakialam na naman ako sa mga gamit ni Ate Kelly. Ipapalaba ko na lang ‘to mamaya pagdating ko sa bahay para maibalik ko din bukas.



          After kong maligo, pinuntahan ko si Keizer sa kwarto nya.



          “Keizer!” Tawag ko habang kumakatok ako.



          Wala namang sumasagot.



          “Keizer, papasok ako ha,” paalam ko.



          Dahan-dahan kong binuksan yung pinto pero walang tao sa loob. Nakarinig ako ng bumukas na shower nang makapasok ako. Maliligo palang sya.



          Napangiti naman ako sa nakita ko sa bedside table nya. May dalawang picture frames dun, yung isa picture ko tapos sa tabi nun yung picture naming dalawa.



          Umupo ako sa kama nya tapos tiningnan ko yung picture namin.



          Ang gwapo ng boyfriend ko! Hihihi!

KEIZER OLIVARES



          Paglabas ko sa banyo, nagulat ako sa nakita ko.



          Nakahiga na si Sheri sa kama ko at tulog na tulog. Paano ko sya ihahatid sa kanila kung napakahimbing ng tulog nya?



          Dito ko na lang sya papatulugin. Inihiga ko sya ng maayos sa kama ko.



          Lagot ako kay ate kapag nalaman nyang pinatulog ko si Sheri sa kwarto ko, pero wala naman akong gagawing masama. Syempre, hindi ko kayang mag-take advantage sa kanya.



          Hindi pa sya kumakain ng dinner, kaya nagdala na lang ako ng dinner nya sa room ko. Baka magising din sya mamaya at least may kakainin na sya.



          Nanood ako ng TV, pero hindi pa din nagigising si Sheri. Nang makita ko yung oras, pass midnight na.



          Inaantok na din ako kaya tumabi ako sa kanya.



          I hugged her, and I fell asleep.



          Pagkagising ko, nakayakap sa ‘kin si Sheri, tapos yung ulo nya nakapatong sa chest ko.



          I combed her hair with my fingers.



          Maya-maya gumalaw yung ulo nya tapos humarap sya sa akin.



          “Good morning,” nakangiting bati ko.



          “Good morning.” Nakangiti din sya.



          Unti-unti namang nawala yung smile nya. Then, nanlaki yung mga mata nya tapos umupo sya sa kama. Sinampal nya yung sarili nya pati ako!



          “Aray! Bakit ka nananampal?” Tanong ko sabay upo din sa kama.



          “Hindi ako nananaginip?” Tanong nya.



          “Hindi.”



          Bigla nya akong itinulak.



          “Bakit wala kang damit?!” Tanong nya.



          “Ganito ako matulog, eh,” sagot ko.



          “Sabihin mo nga, anong ginawa mo sa ‘kin?”



          “Wala akong ginawa sayo. Natulog lang tayo, wala na.”



          “Sigurado ka?!”



          “Oo. Wala ka bang tiwala sa ‘kin?”



          “May tiwala ako sayo, pero maganda na yung nagsisigurado ako.”



          “Wala akong ginawa sayo, okay?”



          “Nakakainis ka! Pwede mo naman akong gisingin para nakauwi man lang ako sa amin,” reklamo nya.



          “Ayoko nga! Eh di hindi ako nagising ng masaya ngayon.”





          “Ewan ko sayo!” Tumayo na sya at naglakad papunta sa pinto. “Nakakahiya kapag nakita ako nila Tita na dito natulog,” sabi nya.



          “Wag kang mag-alala, wala sila dito.”



          Tumayo na din ako at nag-sando.



          “Dapat nga masanay ka na, eh. Five years na lang at araw-araw ka ng gigising na ako ang una mong makikita,” sabi ko.



          “Gutom lang yan, Keizer. Mag-breakfast na tayo. Hahaha!” Lumabas na sya sa kwarto.



THE END

_____________________________________

Salamat po sa lahat ng sumuporta at nagbasa ng storyang ito…sana po mabasa nyo yung iba ko pang stories sa watt..

HAPPY TEARS (kwento ng isang babaeng takot umibig..)

CLAIRE’S LOVE LETTER (BASED ON A TRUE STORY)..(kwento ng buhay pag-ibig ko noon.)

This would be my last story for now..kapag nagkaroon ako ulit ng mahabang panahon, sana makasulat ako ulit..pero for now io-on hold ko muna ang sarili ko mula sa pagsulat..hehe..sana nagustuhan nyo yung kwento..maraming salamat!

sobrang nag-enjoy ako sa pagsulat ng kwentong 'to..at dahil nga sa kakaisip ko dito, tatlong gabi ko ng napapanaginipan si crush! wahahaha..sana nga ung totoong Keizer ay kagaya ni Keizer na ginawa ko sa story na ito..hindi ko kasi kilala yung personality ng tunay na Keizer, eh..basic info lang ang alam ko, syempre dahil ako ay isang hamak na tagahanga lamang na kontento ng nakatingin sa kanya sa malayo..



naku naku..kapag nagkakilala kami nun, sisiguraduhin kong mahuhumaling sya sa akin! CHAROT! wahahahahaha..JOKE LANG yun..



basta, super bonggang thank youness sa pagdaan sa isa kong storya..sana madaanan mo din yung iba pa ha...madaming bonggabels na thank you!

[acknowledgement: google.com, youtube.com and lyricsbox.com]--sources ko simula pa dun sa una kong story..hehe.sila ang aking mga kasangga! hahahaha.

Ciao!





God bless! ((:





Continue Reading

You'll Also Like

688K 15.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
282K 19.6K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...