Takte Mahal Kita

By blackleaf26

310K 14.1K 2.2K

Dahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko. More

Takte Mahal Kita
TMK 1
TMK 2
TMK 3
TMK 4
TMK 5
TMK 6
TMK 7
TMK 8
TMK 9
TMK 10
TMK 11
TMK 12
TMK 13
TMK 14
TMK 15
TMK 16
TMK 17
TMK 18
TMK 19
TMK 20
TMK 21
TMK 22
TMK 23
TMK 25
TMK 26
TMK 27
Mas Tinaktehan 1
Mas Tinaktehan 2
Mas Tinaktehan 3
Mas Tinaktehan 4
Mas Tinaktehan 5
Mas Tinaktehan 6
Mas Tinaktehan 7
Mas Tinaktehan 8
Mas Tinaktehan 9
Mas Tinaktehan 10
Mas Tinaktehan 11
Mas Tinaktehan 12
Mas Tinaktehan 13
Mas Tinaktehan 14
Mas Tinaktehan 15
Mas Tinaktehan 16
Takteng Takte Part 1
Takteng Takte Part 2
PuTakte

TMK 24

4.8K 253 26
By blackleaf26



Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong..


"Onse okay ka lang? Bakit parang binubulate ka diyan? Tsk tsk sabi ko sayo magpurga ka eh. Halatang kadiri sa katawan ha" asar sa akin ni Kuya Benjie habang nag-aagahan kami.



"Ahhh...o..okay lang" utal kong sagot dito habang ibinabaling ko ang atensyon ko sa pagkain.



"Benjie tigilan mo ang pang-aasar nasa harap tayo ng pagkain. Onse makiki-abot nga nung pitsel" pakiusap ni Kuya Jawo pero nang kinukuha ko ito ay nagulat na lang ako dahil hindi ko ito mainanaw at mahawakan. Parang nagblur ang paningin ko at tanging liwanag lang mula sa labas ng bahay ang naaninaw ko.



Dalawang linggo na after ng check-up at ngayon unti-unti ko nang nararamdaman yung ibang symptoms ng glaucoma. Takte! Hindi ko maiwasang hindi matakot! Bakit kasi sa mata ko pa eh?! Ayoko rin namang sabihin ito kay Kuya Jawo dahil ginagawan ko na naman ng paraan sa pamamgagitan nang pag-inom ng gamot.  Pero hindi eh! Habang lumilipas ang araw mas lalo lang naguumpisang lumabo ang mata ko.



"Onse ano na? Ang bagal mo naman" paepal ni Kuya Benjie




"...o..o saglit kang" sabi ko dito habang kinakapa ko yung mesa papunta sa pitsel dahil sa bigla na lang panlalabo ng mata ko.




"Onse...?" Tanong ni Kuya Jawo




"Oh? Sandali lang..." sagot ko pa sana nang bigla ako nitong hilain papunta sa sala.




"Hindi bat sinabi ko sayo na kung may mararamdaman kang hindi maganda sa mata mo ay sasabihin mo sa akin!" Seryoso nitong tanong sa akin



"Wala naman Kuya eh! Okay lang ako medyo nasilaw lang ako kanina " dahilan ko dito



"Ano bang nangyayari Kuya? Onse?" Singit na tanong ni Kuya Benjie na nakasunod pala sa amin.



"Tapatin mo nga kami Onse! Mga kapatid mo kami! Ano bang nangyayari sayo? May itinatago ka ba sa amin ha?!" Bulyaw ni Kuya Jawo habang ako naman ay tahimik lang na nakayuko.



"Onse? Pagkatiwalaan mo naman kami..." dagdag ni Kuya Benjie


"May sakit ako.....glaucoma" nakayuko kong sabi



"Tang*na!!" Dinig kong sabi ni Kuya Jawo



"Namana ko daw ang sakit ni mama. Mabubulag din ata ako tulad niya. Tsanggla nga eh!" dagdag ko pa habang pilit kong nilalabanan yung pagtulo ng luha ko. Takte kasi eh! Ang pangit naman kung iiyak ako! Hindi pa naman ako mamatay...baka nga lang mabulag.



"Tol wag ka naman agad mag-isip nang ganyan" dinig kong sabi ni Kuya Benjie



"Ayoko mang isipin pero takte! Doon din punta nito eh hahaha hindi ko na makikita yang mukha mong nakakabadtrip Kuya Bejie" tumatawa kong sabi nang biglang magdabog si Kuya Jawo



"HINDI! HINDI KA MABUBULAG! Walang mabubulag" sigaw nito kaya yumuko na lang ako.


After nang paguusap na iyon ay kaagad akong niyaya ni Kuya Jawo na bumalik sa Ospital para muling makapagpatingin. Parehas na din kaming hindi nakapasok sa kanya-kanyang naming trabaho dahil sa kagustuhan nito na makausap yung doktor ko. Takte ! Sawa din ako sa sermon habang papunta sa Ospital kesho daw kelan ko balak sabihin? Bakit daw kailangang ilihim? Kung gusto ko daw ba talagang mabulag? At kung anek anek pa. Hay naku parang mas nakakatakot ang sermon ni Kuy Jawo kesa sa mabulag ako eh.



"Dok gawin nating lahat ang ways para hindi mabulag yang gagong yan" sabi agad ni Kuya Jawo matapos iexplain ni Doktora an lagay ko



"Mr. Dimagiba for now tinitignan natin ang epekto ng gamot na nireseta ko sa kanya. Last option natin ang for operation" sagot ni Doktora na mukhang hindi nagustuhan ni Kuya Jawo



"With all due respect doktora pero last time na narinig kong sabihin mo yan ay nabulag ang mama namin. Doktora sa mga symptoms na nararamdaman ng kapatid ko malalaman na natin na malapi....." ani ni Kuya Jawo



"Kuya naman.." pigil ko sana dito



"Kotong ka sa akin! Mahahimik ka diyan. Hindi tayo pwedeng maghintay dito umaasa sa gamot na nireseta mo habang palala naman ng palala ang lagay ng kapatid ko. Doktora mas delikadong glaucoma ang meron si Onse. What were needing now is a concrete solution" pahabol ni Kuya Jawo



"We're sorry Mr.Dimagiba dont worry we'll do our best for Onse's safety. Kakausapin ko na din ang mga kilala kong ophthalmologist if they can suggest other means for Onse" kalmadong sagot ni Doktora habang ako naman ay napayuko na lang.



Takte kasi to ni Kuya Jawo eh! Eskadaloso ang puta! Kailangan nanggigigil? After ng check up na yun ay yayain ko sanang kumain si Kuya Jawo sa Jollibee pero wag na lang! Baka ako na naman sermunan nito kaya no choice na lang kung hindi umuwi.



"Bukas na bukas Onse, magresign ka sa trabaho mo." Sabi ni Kuya Jawo nang makapasok kami sa bahay


"No Sir. I care about my job...and I care about you" pilosopong kong sagot dito na ginaya ko pa sa dialogue ni Sharon Cuneta sa The Caregiver




"Magseryoso ka ha! At hindi biro yang sakit mo...buti sana kung nanigas lang yan na muta. Kailangan mo magpahinga at umiwas sa stress" sabi nito



"Ehhhh! Kuya Jawo naman eh! Hindi ako baldado! Yakang-yaka ko naman magtrabaho kaya no need to worry! Oy! English yun! Grabe naaadapt ko na talaga ang BPO industry" mayabang kong sagot dito pero mukhang wala lang kay Kuya Jawo ito



"Wala akong paki-alam. Magresign ka bukas" sabi lang nito bago pumasok sa kwarto niya. Takte!!! Nakakainis si Kuya Jawo..ang OA...umiinom na nga ng gamot eh! Hindi pa ako bulag pero kung tratuhin ako parang baldado.



Pero dahil na din sa takot ay wala ring nagawa ang mga prinsipyo at kapilosopohan ko sa buhay kaya kinabukasan ay nagresign din ako sa trabaho.




"Ohmygosh Onse..mabubulag ka na pala! Hindi mo na makikita ang pagsikat at paglubog ng araw! Ang mga naggagandahang paru-paro sa hardin kasama ng mga tutubi na masayang lumilipad. Paano na lang ang napakagandang mga ilog na kulay asu....." OA na namang reaksyon ni Lindsy na nakikitsismis habang kausap ko si Sir Samuel



"Tumigil ka na.... gaga ka sa condo ka nakatira kaya wag kang mag-inasong nakakakita ko noon, Hanggang ilog pasig ka lang" bara ko dito na ikinasimangot naman nito




"Im really sorry to hear that Onse. Ayaw ko man na paalisin ka sa kumpanya ay wala akong nagagawa most especially dahil may kinalaman to sa kalusugan mo. Get well soon Onse. Mababawasan na naman kami ng isang magaling na agent" Maunawaing sabi ni Sir Samuel



"Pasensiya na talaga Sir. Dont worry papagaling po ako" assure ko naman dito okay na sana nang bigla na namang sumingit si Lindsy




"Sir...ako din po magreresign...medyo matagal tagal ko na din po kasing iniinda itong sakit ko...may dysmenorrhea po ako..." seryoso nitong sabi



"Oh I see. Okay sabihin ko na lang sa HR para maasikaso ang separation pay mo" agad na sabi ni Sir Samuel




"Ano ba yan?!! Pag sa akin? Sige agad? Alis agad? Wala man lang bang...nakakalungkot marinig yan..? Yung mababawasan kami ng magaling na ageng?! Walang ganun Sir Samuel?!" Reklamo nito



"Lindsy remember may complain pa sayo yung isang customer dahil lyrics ng kanta ang sinagot mo sa kanya?" Seryosong sabi ni Sir Samuel



"Ay joke lang pala yun hahaha oo...joke yun! Jusko whatta filling whatta flavor..whatta whatta whatta tops" kamot ulong sabi ni Lindsy bago ito bumalik sa cubicle niya.




"Im really hoping na gumaling ka Onse. If in case kailangan mo ng tulong namin...tulong ko..don't hesitate to call me ha." Bilin ni Sir Samuel nang makaalis si Lindsy



"Salamat Sir..." sagot ko dito



"Nakakalungkot lang isipin na hindi mo kasama at karamay yung syota mo dito. By the way alam niya na ba? Alam na ba ni Cen ang kondisyon ng mata mo?" Tanong nito na medyo ikinatigil ko.



Hanggang ngayon kasi ay pinagiisipan ko pa kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Syempre naman mga pre ayoko ng dumagdag sa mga iisipin ng ulul na yun...saka gagalig din naman ata ako dito. Mas kailangan niyang magfocus sa mama niya ngayon kaya next time ko na sasabihin.




"Ahhh. Hehe sikretong malupit yun Samuel hahaha" sagot ko



"Hahahaha Samuel talaga ha" natatawa nitong sabi



"Bakit hindi na kita boss ha? Pwede na nga kitang itumba eh. Ano suntukan tayo oh?" Nanggagago kong sabi dito



"Hahaha no, I wont hurt you Onse. Kung sa akin ka...hindi kita hahayaang masaktan at mag-isa" sabi nito na medyo ikikunot ng noo ko



"Luh? Nabaliw na! Sige na alis na ako! Dami mong alam Samuel" sabi ko dito sabay takbo palabas ng building.




Tsanggala tong si Sir Samuel ang daming sinasabi akala mo naman nagegets ko. Gets ko pala pero ayokong bigyan ng kahulugan dahil hindi ako dictionary...im just a simple guy whos so inlove with you. Hahaha kanta pala amputa.

==================
Enjoy!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
121K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...
201K 7.3K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
144K 9.4K 43
Hanggang sa Lokohan na nga lang ba?