Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 77: Dream

1.8K 29 9
By kevayDREAMER

Aww. Ngayon lang. sorry pooo. ;3 mahaba naman ih ^^

Read. read. read!

vote.comment.follow.after 

****

"Baby, bangon na. Akala ko ba magrereview tayo?"



Pilit nya kong pinapabangon pero ang lakas talaga ng magnet ng kama ko ngayon. Inaantok talaga akooo!. Hindi pa ko nakakatulog ng maayos. After ng class diretso sa practice game nila Daniel, gabi na kami nakauwi, then inabot na ko ng madaling araw kakagawa sa projects, research and other requirements na papasa lahat sa monday! JUSKOOO! Bakit po kayo ganyan Ma'am Sir! Kelangan sabay-sabay?! Pati exams sabay-sabay?!



"10minutes more."



"kanina pa yang 10minutes mo. Naka-30minutes ka na nga"



"aww. Last na. Promise, power nap lang."


naramdaman ko yung mga kamay nya sa likod ko, parang inaalalayan nya kong umupo. I CAN'T!!!!



"ahh. Lakas ng force ng gravity. Hindi ka naman ganito kabigat dati"



"Sorry. Bukas ka nalang pumunta, wala ring papasok sa utak ko ngayon. Sige na ha? Thank you!"



napakapit pa ko sa batok nya. Parang naduduling ako, kelangan ko na talagang pumikit.


"don't.. Don't close your eyes...I..i might kiss you."



nag-iisstammer sya. Iniimagine ko palang mukha nya, natatawa na ko. Ano bang meron kapag nakapikit ako?




Bahagya akong dumilat.Nakapikit sya at mukha ngang nagpipigil. Good! Buti naman tumutupad na sya sa usapan namin. No kiss without my permission.



"I love you"


I gave him a peck on his lips. Mukhang nagulat pa nga sya nung una. Pumikit na ko ulit. Sumasakit na yung ulo ko sa sobrang antok.



Naramdaman ko yung lips nya, nagresponse ako sa kiss nya pero parang lalo akong nanghina. Napabitaw na ko ng kapit sakanya. Para na kong nalalasing.


"I love you. Matulog ka na nga, ayokong hinahalikan yung puyat parang napipilitan lang. Psh. baka isipin mo pa tinatake advantage ko yang antok mo."  halata sa boses nya yung pagtatampo. Naramdaman ko ulit na parang binubuhat na nya ko.



"umayos ka ng higa para makatulog ka rin ng maayos. AAAH! Baby, bakit ang bigat mo ngayon?"

Hindi ko na pinansin pagrereklamo nya. Para na kong nasa heaven. Nafifeel ko na yung unan ko, pati si deydey. Ang saraaap matulog!



"Sleep well my princess."



hinalikan pa nya ko sa may noo. Magtthank you pa sana ako kaso tuluyan na kong nakatulog.




***


'Don't... Just don't go.. Please...'



unti-unti na syang bumitaw sa kamay ko.


'No! Please.. No!!!!!!'



napabangon ako bigla. Eto na naman yung panaginip ko. Paulit-ulit simula nung isang araw. Hindi ko alam kung sino ba sinasabihan kong wag umalis. Malabo yung mukha nya, pero may possibility na si Daniel yun.



"Are you okay?"



napalingon ako sakanya. Nakasandal sya sa may headboard habang naglalaptop.



Andito nga pala sya. Pero..akala ko umalis na sya? Kanina pa ba nya ko binabantayan matulog?



Naghilik ba ko kanina? Baka tulo laway ako?!! Ghaaad! Kahiya!




"Nananaginip ka pa ba?"



"Psh. Hindi. Anong oras na? Akala ko umalis ka na kanina."



"6:15pm. So, nakatulog ka lang ng 5hrs and 5minutes."



fi-five hours?!! Tinignan ko yung alarm clock ko at tama nga sya! 6:15 na! URGH! Sabi ko NAP lang! Ang dami ko panggagawin, hindi pa nga ko nakakapagreview! Ang rest day sunday Ashley! Hindi saturday!



"Bakit hindi mo ko ginising?! Aish!"



bigla akong nagpanic at hindi ko na alam uunahin ko. Nakukuha pangtawanan ako nung isa!



"Chill lang! Tinapos ko na research mo. May presentation ka narin. Check mo nalang kung ok"


seriously? Binigay nya yung laptop at halos mapanganga ako. Tapos na nga nya! Ang cute pa ng gawa nya sa powerpoint ko. OMO! Eto yung ginagawa nya habang natutulog ako?




"ahmm. Edit mo nalang kapag may mali"



"aww. Hindi mo na kelangan gawin toh. Nakakahiya na"


"ok lang. Yung project sa arts gagawin ko sana kaso ayoko palang nagdedecorate. Sa drafting, anong plan nalang ba kulang mo?"

WAAAAHH! Iyak na ko! Parang nabawasan stress ko sa buhay. HAYST! 



"Make your own house,pero ako na bahala dun. Kaya ko na yun. Sobra-sobra na  natulong mo sakin,baby"



"I insist. Ako na! Dradrawing ko bahay natin"


"Natin? Wag na. Nakakahiya na talaga sayo. Hindi ko na alam kung pano ka pasasalamatan nyan"



"psh. Anong nakakahiya dun? Alam mo simpleng thank you lang at isang hug ok na! Solve na"



hindi na ko nagdalawang isip pa. Yinakap ko sya ng mahigpit. AAAHH! Don't you think I'm too lucky to have him? Lahat na yata ginagawa nya kahit hindi ko sabihin. Nakakakonsensya tuloy na madalas hindi ko sya pinagbibigyan sa gusto nya, lagi ko pa syang kinokontra, inaaway. HAYST! Bakit ba kasi ako ganito?


"sarap naman ng yakap mo"

"sus. Kelan ba naging hindi? Gusto mo lang talagang niyayakap kita."



"oo. Gustong-gusto kong niyayakap ako ng baby ko na tamaaaad"



"aww! Yung ilong ko!" pinisil nya yung ilong ko. Aish! Napalayo tuloy ako sakanya "Akala ko kasi March pa ipapasa!"

"March na nga. Tsk.tsk. Ayan natatambakan ka tuloy"



ang yabang,Yabang! Porket tapos na sya! Na wala lang kasi talaga sa isip ko. Marami akong pinoproblema last time, syempre wala ako sa mood gumawa at saka SUSPENDED SYA FOR 1WEEK so talagang magagawa nya yun agad!


"yabang! Psh! Hindi ka ba nagugutom? Baka gusto mo magmerienda?"


"Hindi. Busog pa ko"



bigla nyang hinawakan yung lips nya. A-anong ibig sabihin nya?!



Tumayo na sya at yung ngiti nya lang nang-aasar. Sinamaan ko sya ng tingin pero lalo syang lumayo.



"Baliw! Anong ginawa mo kanina?!"
binato ko sya ng unan pero nasangga rin nya. Kainis!


"Pinagmerienda na ko ni Manang Loring kanina kaya busog pa ko. Feeling mo naman. Pffft. Nasa baba ako kanina, bumalik lang ako dito kasi akala ko gising ka na"



tinatawanan pa ko. Gusto talaga yung napapahiya ako! AISH! Malay ko ba?! Sa itsura palang nya kasi hindi na kapani-paniwala!

"totoo yan? Bawal mag-secrets, bawal din mag-lie diba?"


"u-uhmm. Oo. Tanungin mo pa si Manang. At saka isa lang naman yun, hindi ka nga nagising diba--aww!"



Sinapul ko sya ng unan sa mukha. Loche! Sabi ko na nga ba! Magpapaliwanag pa, ganun rin yun!



"nagpapaka-honest na nga. Dapat pala hindi ko na sayo sinabi. Psh. Gagawin ko na drafting mo boss"



"aish! Wag na nga kasi. Mahahalata ni ma'am, sabihin nagpagawa ako sa iba."


imbis na makinig sya sakin, puwesto na sya sa may study table ko at pinagkukuha yung materials ko sa pagdradrawing. Aba, aba! Walang paalam?


Nagawi yung tingin ko dun sa may teddy bear na nakapatong sa table ko. Magkatabi yung teddy bear na binigay ni Daniel saka ni Vince. URGH! Ang engot ko! Hindi pa alam ni Daniel yung about dyan!


"Bahala ka nga!"



WAAAAH! Please! Sana hindi nya mapansin. Sana! sana hindi na sya magtanong.



"Baby"

Patay malisya na sana akong babalik sa kama, kaso natigilan ako nung magsalita sya.


Dug.dug.dug.dug



Ayan na yung kaba ko.


"Kay Vince ba galing ito?"

patay! Ayan na nga ba sinasabi ko.

"Alin?" pakunwari pa kong walang alam sa sinasabi nya. Lumapit na ako sakanya pero patuloy lang sya sa pagdradrawing. Hindi ko tuloy makita expression ng mukha nya. "aaahh! Yung teddy bear? Ang galing nuh baby, ayaw talaga silang paghiwalayin"



push mo lang talaga yan Ashley. Ano na naman tong pinagsasabi ko?



Hawak hawak ko yung dalawang teddy bear habang hinihintay yung sasabihin nya. Awkward! Hindi sya kumikibo.




"uhmm. Dun muna ako ah? Ayusin mo yan. Dapat maganda yan ah"



tinapik ko sya sa may balikat. Paalis na sana ako nung bigla nya kong hilain. Napaupo ako tuloy bigla sa may lap nya. Shz!



"uy! Alis nga!"


hindi ako makaalis sa pagkakayakap nya. Yung puso ko hindi mapakali. URRRGH!


"Kelan pa yan? Kung hindi ko tatanungin, hindi mo pa sakin sasabihin"

mahina lang yung pagkakasabi nya. Aww. Sabi ko na nga ba magtatampo sya sakin. Hindi naman nya ko masisisi kung sinikreto ko, iniisip ko lang naman na baka magselos sya or may iba syang isipin.



Sinandal nya yung ulo nya sa may balikat ko. Why do you have to do this? Whyyy? Lalo tuloy akong nakonsensya. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sakanya.



"Nung tuesday din. Ayaw na nya nga sanang ibigay, kaso nakita ko na at ako nagpumilit kunin. S-sorry"


kung hindi ko naman kasi kukunin, pano na si Vince?


Hindi naman nya kasalanan kung pareho silang nakaisip na kunin yun para sakin.

"kaya ba bigla syang nawala nung sunday?"

"o-oo daw."


nauutal ako halatang kabado. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko yung totoo. Baka magalit sya kay Vince, syempre boyfriend yun ng kapatid nya.



"ahmm. galit ka ba? Kung galit ka, sakin nalang wag kay Vince. Ganun naman talaga sya sakin noon pa, nasanay lang siguro na kung ano yung gusto ko kahit hindi ko sabihin ibibigay nya. Tulad mo."


"Hindi naman ako galit sakanya. Kaso nga lang bilang lalaki, boyfriend mo pa, hindi ba parang nakakababa ng pride yun? Pano kung hindi ko pala binalikan yung teddy bear? Parang isang suntok sakin yun..na kayang ibigay ng bestfriend mo yung bagay na magpapasaya sayo tapos ako na boyfriend mo hindi. Sakit kaya nun"


tama nga naman sya. Hindi ko naisip na pwedeng yun ang maging reason nya. Hindi lang sya pwedeng magselos, pwede rin syang masaktan. Pero anong gagawin ko? Wala rin namang kasalanan si Vince. Ilang taon na kaming magkaibigan, mahirap mag-adjust para sa iba. Yung mga nakasanayan na, na mahirap pangbaguhin.


"Hindi ka dapat mag-isip ng ganyan. Una sa lahat kaibigan ko si Vince, pangalawa may mga bagay talaga na mapapasaya ako ng iba. Ok lang naman siguro yun,kasi ikaw, matic na 24/7 pinapasaya mo ko sa ibang way na hindi naman nagagawa ng iba."

hinawakan ko yung kamay nyang nakayakap sakin.

Eto pala yung sinasabi sakin ni Vince na mahihirapan kaming papasukin yung ibang tao sa buhay namin. Yung kelangan mo pang ipaliwanag lahat ng bagay na kami lang ni Vince ang nakakaintindi. Kelangan pa naming mag-adjust para sa iba.


"ibig bang sabihin nun mahal mo ko kesa sakanya?"

Ano kayang tanong yun? Layo ah!




Hinawakan nya yung mga kamay ko at hinigpitan yung yakap sakin. Hinahalikan pa nya ko sa may balikat. Anong trip na naman nito? Kinakagat-kagat na nya yung tshirt ko. Ano yan, kapag nag-NO ako kakagatin na nya ko ng tuluyan?! PSH.



"ano ba yan?! Gutom ka ba? Wag mo ngang kainin yan puro laway mo na tshirt ko! Yuckkk! Kaderder na!"



"yuck daw. Sus! Kinikiss mo pa nga ko. Sagutin mo na tanong ko, wag kang sumegwey"



diretsahan talaga?! Napaka! Kapag narinig lang sya nila Dhie, lagot na! Pati yung ayos naman ngayon, ay naku! Hagis sya sa bintana. PFFFT. Kakawayan ko nalang sya.




"obvious naman diba? Eh di hindi! Duh!"



"baby naman! Seryoso ako. Mas mahal mo ba sya sakin?"



natatawa ako sakanya. Ayan na, tinignan na nya ko at ang sama ng titig. Ano na naman ginawa ko? HAHAHAHA!


"Mahal ko kayong dalawa. Ok?! Alis na nga! Gagawa na ko para maturuan mo na ko sa math."

"hindi pwedeng pareho kami. May lalamang parin."

"para kang tungek! Kelangan talaga itanong yan? Mababatukan na kita! Alam mo namang loves na loves na loves kita itatanong pa. Tabi na, sayang oras. Para makatapos ako agad."

"yesss! I love you!"

hinalikan nya ko sa pisngi bago nya ko pakawalan. Tuwang tuwa? Parang ngayon lang nya nalamang mahal ko sya. Aish! Daniel talaga!


Inaasar pa nya ko na namamanhid daw binti nya, bigat ko daw kasi. Kapag sya nga natutulog sa lap ko, nagrereklamo ba ko?! TSS. Pang-asar!


"Alam mo, kung nagrereview ka na kaya? Basahin mo yung sa physics hindi yung nakatitig ka lang sakin"

Ang bilis lang nya natapos sa drafting ko, ewan ko lang kung anong itsura, ayaw nya pang ipakita hanggang hindi pa daw ako tapos. Arte! Tapos nakapagdinner na rin kami pero wala talaga syang ginawa kundi humiga sa may tapat ko, yung higang nakatagilid na akala mo may pictorial. Nakakaconcious tuloy, natetense ako kasi nakatingin lang sya talaga sakin parang pinapanuod ako.



"ayaw. Mas gusto kitang titigan kesa sa libro"

"psh. Tinatamad ka lang. Eto na. Tapos na ko. Patingin na nung gawa mo"

bumangon sya agad. Anyare? Parang mas excited pa sya kesa sakin?


"May I present to you, our Home sweet home!"

umupo sya sa tabi ko at pinakita yung gawa nya. Ghaaaaad! Literally, napanganga ako sa gawa nya.


Santos-Sanchez Family


Fuuuuudge! Anong pinaggagawa nya? Maganda nga yung bahay pero bakit may mga drawing na tao?! Mukhang ako pa yung babae na may bitbit na bata, tapos malamang sya yung katabi ko na may batang nakasakay sa ulo. Binilang ko pa yung ibang bata...


"yan magiging family natin. Ikaw yan, tapos ako ito kasama mga anak natin."

"11 Daniel?! 11?!!! Anong gusto mong gawin sakin palahian?! At saka Dream House lang, hindi dream family slash basketball team!"



"uy 12 yan! May baby pa nyan sa loob ng tiyan mo, tignan mo nakaturo yung isang bata sa tiyan mo. Cute noh? Magtatayo tayo ng basketball team. Ako Coach, ikaw manager"


Seriously? Tinignan ko sya ng masama pero tuwang tuwa parin sya sa gawa nya. HAYST! Master piece! Napakagaling!

"Sanchez Family for the win!"

Seriously? Pinaninindigan talaga nya kalokohan nya? Ang ganda na sana talaga ng drawing nya, elivs na nga ko kaso mukhang nasobrahan sa effort. Imbis na gusto ko syang yakapin, gusto ko syang sakalin!!


"Hindi mo ba gusto? Burahin na nga natin yung iba, gawin na nalang tatlong bata. Hayst. Kulang na yung team,magrecruit nalang tayo ng iba"

lungkot na lungkot sya, mukhang sineryoso yung drawing nya.

Minsan iniisip ko nga kung eto ba talaga yung lalaking mahal ko? Ang daming kalokohan! Pareho sila ni Vince, ang sarap pagkukutusan!


"gusto. Ang ganda nga, sa sobrang ganda baka hindi na checkan ni ma'am. Paframe na nya yan tapos iuwi sa bahay."
ang sarcastic lang ng pagkakasabi ko. Pumunta ko sa study table. No choice! I need to do it on my own.



Kukunin ko na sana yung materials ko ng mapansin yung paper sa may table. Nilingon ko si Daniel, hindi ko na yata kelangan tanungin dahil mukhang alam ko na.


"Thank you! Kaso gagawa parin ako. Halatang hindi ako yung gumawa sa ganda ng drawing mo"

I swear! Ang ganda talaga. Parang professional na yung gumawa. Detailed at mas maganda talaga sya kesa kanina. Nagawa nya toh agad? Pati yung isa? Ang husaaaay! Nakaka-amaze sa galing!


"sarcasm parin ba yan?"

"No! Ang ganda talaga! Kaso kasi alam naman natin na hindi ako ganyan kagaling gumawa"

"ok lang yan. Hindi na magtataka si ma'am dyan, dream house mo nga yan syempre papagandahin mo talaga"
kaso kasi, parang kahit si Vince mahahalata nyang nagpagawa ako. Alam nilang hindi ko kayang magdrawing ng ganyan kahit paghirapan ko pa. DUH! Drawing?!Basta may bintana, pinto, pader, bubong, bahay na yun!
"dito lang ito ah? Wag mong tatapon."

dinikit pa nya sa table yung drawing nya na may tao. Aish! Talagang kumuha pa sya ng scotch tape!


Hinayaan ko nalang tutal maganda naman at saka nag-effort sya para gawin yun.



Nagstart na kaming magreview. Akala ko maisstress ako sakanya, sabi nya kasi sa physics daw sya nahihirapan pero nasasagot naman nya lahat ng tanong ko. At sa pagkakaalala ko nga, sya yung highest sa quiz nung nagturo ako sakanila. Bakit ganun? Define 'mahirap' Daniel?! Aish! Bakit ang talino nya? Neseye ne eng lehet~


"inaantok ka na? Sabi ko naman kasi sayo umuwi ka na"

Nakapikit na kasi sya habang hinihintay nya kong matapos sa pinagawa nyang exercise. Math na kami! WAAAAHH! Hinuli namin ito para makapagfocus talaga ako. Ang sakit lang sa ulo! Ghaaaad! Bakit hindi ako mahal ni MATH?! Ayoko narin sakanya! EVER!


"anong oras na papauwiin mo pa ko? Pano kapag may nangyaring masama nyan sakin? Mamaya makatulog ako sa bus o kaya maholdap ako, makidnap, matripan ng lasing, marape ako dyan sa daan,o kaya ma--"

"aishhh! Oo na! Oo na! Porket sinabi ni mhie na matulog nalang dito, gagawin nga."

psh! Gusto nya lang talagang matulog dito. Dami pangdahilan! Si mhie naman kasi, iniispoiled si Daniel! Parang mas anak pa nga nya si Daniel kesa sakin. TSS! Wala tuloy kaming magawa ni Dhie, wala sya boss sa bahay. Wawa kami.


Napatingin ako sa oras. 11:14pm na. Aww! Kawawa nga naman sya kung papauwiin ko pa.

"wag na nga lang, uuwi na ko. Good Night,bye! *yawn* Hayyy! Good Luck nalang sakin. Sana makauwi ako ng ligtas--"

"eto na nga po oh. Tatayo na po ako para kumuha ng unan. Sandali lang po boss ah?"

napabalik sya agad sa kama. Paawa effect. Kung hindi lang talaga masyadong late papalayasin ko sya. Kaso commute lang sya ngayon. Hindi kaya sinadya nya talagang wag dalhin motor nya?


Nakasalubong ko pa sila dhie, dadalhin na pala talaga nila sa kwarto ko yung foam saka unan para kay Daniel. Inis! Dapat kasi dun nalang sya sa kwarto ni kuya jake! Asar!


"sweetie,wag kayo masyadong magpupuyat. Matulog na kayo agad"

"hoy ikaw! I'm watching you!"

"tama na nga yan.! Mag-review na kayo. Patulugin mo na si Daniel, sweetie. Bisita mo yan"

"opo mhie."

aish! Hindi talaga ako naniniwala sa like mother like daugther! Patunay kami dun!


"haaaay! Ang sarap!"

humiga sya agad paglock ko sa pinto. kanina lang antok na antok pero ngayon, painat-inat pa.

"hoy! Kama ko yan! Dun ka sa lapag!"

"oo na. Humihiga lang. Damot."

Bumangon sya at kinuha yung sinasagutan ko. Oh? Anong gagawin nya? Hindi pa ko tapos!


"mali yung sign. Halika nga! Dito nalang tayo"
bago pa ko makaangal hinila na nya ko at pinaupo sa foam. Akala ko ba inaantok na sya kanina?
"titignan mo kasi lagi yung sign mo. Kapag may isang namali ka na sign, mali na lahat"

"ay oo nga! Ulitin ko. Tabi! Dun ako sa kama, matulog ka na dito. Good Night!"

"dito ka na muna. Hintayin mo ko makatulog. Please! Sige na,baby!"

ayaw nyang bitawan kamay ko. Pano ko kaya masasagutan yung pinapagawa nya?!

"iiih nagsasagot ako. Matulog ka na dyan. Andun lang naman ako sa kama."

"sige na kasi. Ngayon lang ako magrerequest. Dali na, ha?"

"oo na! Kanina ka pa nga request ng request. Psh!"

parang binabawi nya lahat ng ginawa nya sakin kanina ah? Hindi pala for free yun! Daya!


Akala ko uupo lang ako sa tabi nya, pero sinabay nya ko bigla sa paghiga. Ano toh?! Mukhang naisahan na naman nya ko! Aish! Nadadala ako sa pagmamakaawa nya.


"hoy! Pano ako nyan sasagot? Alisin mo nga yang kamay mo!"

hindi ako makabangon kasi nakayakap sya sakin. Daniel!!! Madaya talaga!


"gusto kitang katabi. Payagan mo na ko. Alis ka nalang kapag tulog na ko,ok?"

"ewan ko sayo! Ang hirap hirap magsagot oh! Nakaharang pa kamay mo"

"Inaantok talaga ako. Pagbigyan mo na ko, kanina naman hinayaan kitang matulog"

Tinignan ko sya at nakapikit na nga sya. Mukhang inaantok na nga talaga sya. Naalala ko tuloy kanina kung gano kahirap pigilin yung tulog. Kawawa naman. Siguro puyat din nga sya, kasi nga naman may practice game sila lagi tapos hinahatid nya pa ko pauwi. Late na sya nakakauwi tapos pinapunta ko pa sya dito ngayon para i-review ako sa math.


Konsensya naman Ashley.. Kinakawawa mo lagi si Daniel.


"Good Night! Sweet dreams"

"thanks! Good Night! Mag-review ka ng maigi, kapag naperfect mo yung exam may libre ka sakin."

"sige sige! Anong libre? Perfect talaga? Walang bawas dun?"

Parang ang imposible namang makaperfect ako dun. 40 over 50 nga lang tinatarget ko.


Tinignan nya ko. Napansin yatang nag-aalala ako kung pano makakaperfect.

"dapat perfect para may libreng kiss ka sakin"

"loche! Sayo na yan! Wag na!"

siopao! Ayun lang pala! Hindi na uy! Sya lang may benefits dun.


"joke lang. Basta may surprise ka kapag perfect, pero kapag may mali ka kiss talaga, sa school. Deal yan!"

"ewan ko sayo! Tulog mo lang yan. Antok ka na"

hindi talaga sya takot may makakita sa school. Bawal yun eh! VicePres pa man din ako. Ano?! Hindi sumusunod sa rules?!


Nagreview na ko ulit. Baka totohanin, kapag sinabi kasi nun gagawin nya talaga! Aish! Kaya ko toh! Fighting Ashley!


Medyo nagegets ko narin naman. Ang hirap kasi intindihin nung kay ma'am.


"baby may tanong ako"

nagulat ako nung magsalita sya. Gising pa pala toh? Pero nakapikit sya. Baka nanaginip?


"naalala ko lang bigla, kanina ko pa gustong itanong ito"


"oh? Akala ko tulog ka na. Ano ba yun?"

tinatamad na ko sumagot. Nilapag ko muna yung paper at humarap ako sakanya. Niyakap ko pa sya dahilan para mapatingin sya sakin.


Lub.dub.lub.dub

bakit parang kinabahan ako bigla? Dahil ba sa ang lapit namin sa isat isa? o may nagawa na naman akong kasalanan sakanya na hindi ko alam?


"curious lang ako. Ano panaginip mo kanina? Tinawag mo kasi yung name ko tapos nag-I love you ka"

"Asa dude! Baka panaginip mo yan?"


nakakahiya! Nagsleeptalk na naman ba ko kanina? Pero wala akong maalalang panaginip ko kanina na nag-I love you ako. Baka trip na naman ako nito? Tsk!



"hindi. Nagsalita ka nga kanina. Kikiligin na nga sana ako kaso...





Kaso binanggit mo rin yung name ni Vince."

 

***

to be continued :)

VOTE.COMMENT.FOLLOW

hart hart ♥

DREAMER

Continue Reading

You'll Also Like

9.7M 162K 62
Highest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was ev...
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
5.8M 13 1
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...