Takte Mahal Kita

By blackleaf26

310K 14.1K 2.2K

Dahil mukhang lasing si kupido nang panain niya kami ayun badtrip ang minahal ko. More

Takte Mahal Kita
TMK 1
TMK 2
TMK 3
TMK 4
TMK 5
TMK 6
TMK 7
TMK 8
TMK 9
TMK 10
TMK 11
TMK 12
TMK 13
TMK 14
TMK 15
TMK 17
TMK 18
TMK 19
TMK 20
TMK 21
TMK 22
TMK 23
TMK 24
TMK 25
TMK 26
TMK 27
Mas Tinaktehan 1
Mas Tinaktehan 2
Mas Tinaktehan 3
Mas Tinaktehan 4
Mas Tinaktehan 5
Mas Tinaktehan 6
Mas Tinaktehan 7
Mas Tinaktehan 8
Mas Tinaktehan 9
Mas Tinaktehan 10
Mas Tinaktehan 11
Mas Tinaktehan 12
Mas Tinaktehan 13
Mas Tinaktehan 14
Mas Tinaktehan 15
Mas Tinaktehan 16
Takteng Takte Part 1
Takteng Takte Part 2
PuTakte

TMK 16

7K 323 46
By blackleaf26

Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha. Sa mga nagrerequest po ng mahabang update..I kennat po kasi tapos na po ang story and iniisa-isa ko na lang po ang update. Kaya sorry tsong..


"Ang aga mo naman atang mangapitbahay?" Bungad ko kay Cen nang madatnan ko siya sa kusina namin ngayong umaga.


"Dapat ba gabi?" Nakangisi nitong sagot sa akin


"Eh kung paduguin ko yang nguso mo? Bakit ka nga nandito?!" Inis kong sabi dito



"Baliw bahay to ng syota ko kaya dapat lang na nandito ako lagi" sabi nito habang busyng busy siya kakagayat ng sibuyas. Ano bang meron at dito nagluluto ang ungas na ito? Wala ba silang kusina? Takte ano to ?! Grabe naman yang si Aling Ninay di man lang nagpatayo ng kusina nila.


Hinayaan ko muna si Cen sa kusina at hinanap ko ang mga kapatid ko. Linggo kasi ngayon at wala ring pasok si Kuya Jawo kaya malamang sa malamang ay nakatambay lang yun at magbabaskteball mamaya.



"Hoy bakit niyo pinagluluto si Cen doon?" Tanong ko kay Kuya Jawo nang makita ko ito sa sala kasama si Kuya Benjie




"Maka Hoy! Maka Hoy!" Inis na sabi sa akin ni Kuya Jawo na sinabayan niya pa ng batok


"Uhm gago!" Asar ni Kuya Benjie



"Kuya naman kasi bakit niyo pinagluluto si Cen doon? Baka isipin ng tao inaalipin at pinahihirapan siya dito. Sige kayo baka itsismis pa kayo ni Aling Ninay" sabi ko na lang




"Siya ang may gusto niyan Onse. Gusto ka daw niyang pagsilbihan,alangan namang pigilan namin. Saka okay din yan para mapatunayan niyang malinis ang intensyon ng syota mo. Sorry plus makakatikim pa tayo ng masarap na luto hindi yung lagi na lang walang lasa ang kinakain natin." seryosong sabi ni Kuya Jawo na ikinasimangot naman ni Kuya Benjie



"Kahit n..." sagot ko sana nang magsalita si Cen sa likod ko



"Ako ang nagpumilit Onse. Gusto ko lang ipakita sayo yung pagmamahal ko sa mga simpleng bagay. " sabi nito na ikinakunot ng noo ko




"Tangina tol! Ang cheesy mo ha! Hahahaha nakakakilabot na hahaha" komento ni Kuya Benjie



"Manahimik ka Benjie. Oh ayan Onse ha sa syota mo na mismo nanggaling siya ang may gusto niyan. Saka maganda rin na laging nandito yan sa bahay para naman mas makilatis at makilala namin yang syota mo" sabi ni Kuya Jawo kaya nagkipit-balikat na lang ako at bumalik sa kusina para sana tulungan si Cen sa niluluto niya




"Ano ba yang niluluto mo?" Tanong ko




"Wag na Onse, panuorin mo na lang ako diyan. Dahil ako na ang bahalang magsilbi sa mahal na prinsipe ko" nakangisi nitong sabi na ikinainis ko kaya binato ko siya ng hawak kong bawang.



"Tigil-tigilan mo ako sa mga ganyang linyahan mo ha. Matatampal kitang hayop ka" namumula kong sabi nito pero todo tawa pa rin ang gago.




"Hahaha bakit ba ayaw mo? Dapat sinasanay mo na ang sarili mo na pinakikilig ng gwapong tulad ko. Ganun talaga ang nagmamahal Onse. Saka pag naging mag-asawa tayo lagi mo namg maririnig yung mga sweet na banat ko kaya masanay ka na" sabi nito na sinamangutan ko na lang.



"Gago! Ang dami mong alam..author ka ba nito?" Sagot ko na lang dito



Kagaya nga nang sinabi niya ay wala na akong nagawa kung hindi manuod sa ginagawa niyang pagluluto. Nakakabilib din tong isang ito eh, ang daming alam lutuin at mukhang sanay na sanay pa, siguro isa siyang Masterchef at hinahanap niya lang ang sikretong sangkap na makikita lang sa barangay namin. Takte nabaliw na naman ako! After maluto siya medyo garapal ang mga kapatid ko at nauna pang kumain sa amin,tuwang tuwa naman si Cen dahil puro papuri ang natanggap niya mula sa luto niya. Hindi ko na rin naman idedeny na talaga nga namang masarap at may ipinaglalaban ang luto ni Cen, nanapak yung lasa eh.



"May lakad ka ba ngayon?" Tanong nito habang nasa sala kami busyng nanunuod ng ASAP



"Wala naman. Pero gapang meron ako hahahaha" Sagot ko habang tutok pa rin ako kay Morissette na binabatan ang kantang Crazy in Love ni Beyonce.




"Date tayo?" Bulong nito kaya tumingin din ako sa kanya ng seryoso



"Date tayo oo, ikaw at ako..." rap ko sana sa kantang Gayuma nang bigla itong sumimangot



"Tsanggala naman Onse eh. Seryoso nga, labas naman tayo. Magiisang linggo na tayong magsyota eh, gusto ko sanang magsimba kasama ka" nakasumangot nitong sabi dahilan para pitikin ko ang ilong nito.



"Tangina sa simbahan mo pa ako lalandiin eh! Kilala kita Cen!" Sabi ko dito



"Ulul! Hindi ako ganun noh! Sige na bilis na,simba lang tayo" pilit pa nito



"Oo na. Sige uwi ka na muna,maliligo at magbibihis lang ako" sabi ko dito habang tinutulak ko siya palabas ng bahay.



"Sabay na lang kaya tayo? Para mapractice naman natin yung dapat mapractice pag mag-asawa na tayo" nakangisng-aso nitong sabi sa akin




"Ulul! Magpractice ka mag-isa mo! Uwi ka na nga doon baka bigwasan pa kitang hayop ka!" Taboy ko dito na sinagot na lang nito ng kindat.




Hindi na rin ako naginarte pa at kaagad na din akong naligo. Ewan ko ba bakit parang excited na excited ako ngayon eh dati naman yamot na yamot akong lumabas dahil tiyak na malalagasan na naman ako ng pera. Para tuloy akong gagi habang naliligo dahil hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Aruy! In love na si dodong!



Dahil hapon na din naman ay isang maikling cargo shorts at gray polo ang napili konh suotin. Basta alam niyo na yun! Yung uso ngayon na pinartneran ko na lang nh topsider para kunwari galing ako sa mayamang pamilya. Hahaha kapal! Patapos na akong maghanda ng dumating si Cen sa bahay na nakasuot ng simpleng V-neck white shirt at ripped jeans na sinira pa ata ni wolverine.



"Tara na?" Tanong ko dito pero nakatingin lang sa akin si gago




"Bat nakashorts ka?" Seryosong tanong nito


"Mainit kasi eh! Saka hapon na din naman. Tara na bilis gagabihin tayo eh!" Sagot ko dito pero ayaw pa rin nitong umalis.




Daig pa ang pulis nito kung makainspeksyon sa akin dahil inikutan pa ako ni gago.



"Takte ano na!?" Yamot kong tanong dito dahil inip na inip na ako.




"Hindi pwede. Sinong nagsabi sayong magshorts ka? Saka Onse shorts na nga yan tinupi mo pa, eh di sana nagboxer shorts ka na lang!" Inis din nitong sabi sa akin na ikinagalit ko na.



"Hoy Cen! Tigil-tigilan mo nga yung pangingialam sa suot ko saka bakit ba ang dami mong tanong sa suot ko? Fashion quiz bee ba ito?!" Singhal ko dito




"Onse nagaalala lang ako sayo. Baka mabastos ka ng mga pamintang manyak diyan! Hindi mo kasi alam eh!" Sabi naman nito



"Lalaki pa rin ako Cen ha! Kakaltukan kita eh! Saka anong hindi ko alam! Alam ko ..." galit ko pa ring sabi dito




"Onse! Hindi mo alam! Ang laki ng likuran mo at kahit na sinong lalaking may bahid ng pagkaberde maaakit sayo! Ako nga nastraight tinatamaan eh! Tangina bakit kasi ganyan yan katambok!" Inis nitong sagot sa akin na ikinalaki ng mata ko. Ano?!!




"Gago ka ha! Minamanyak mo akong hayop ka ha!" Sabi ko dito sabay suntok sa braso niya.





"Hindi! Hindi! Onse sinasabi ko lang. kaya nga gusto konh magbihis ka dahil ayokong tignan ka ng may pagnanasa ng mga lalaki eh. Saka hindi kita mamanyakin...yun ang huling bagay na gusto ko gawin sayo" sinsero nitong sabi kaya medyo natameme naman ako.


====================

Enjoy!

Continue Reading

You'll Also Like

87.3K 2.7K 26
Description to be updated....
4.5K 424 22
(COMPLETED) Nikolai (Singto) has always been dreaming of having a boyfriend for a long time now, but doesn't seem to have someone who wants him -or a...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...