When Love Ain't Just Enough

iamcyril द्वारा

151K 1.3K 177

sapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba... अधिक

Panimula
Just saying...
CHAPTER 1 - 092782*****
CHAPTER 2 - MGA BAWAL ISUOT SA DATE (SABI NI KUYA)
CHAPTER 3 -- Ako ang Best Actress!
CHAPTER 4 -- Betcha By Gulay!
CHAPTER 5 -- Isang Libong Piso
CHAPTER 6 -- Ang Number ni Top 2
CHAPTER 7 -- The Truth
CHAPTER 8 -- Tara Mag-swimming!
CHAPTER 9 -- Drastic Measures
CHAPTER 10 -- A+ For Effort
CHAPTER 11 -- Grocery Shopping
CHAPTER 12 -- Napadaan Lang
CHAPTER 13 -- Caught in the Act
CHAPTER 14 -- Ang Mahiwagang T-shirt
CHAPTER 15 -- Nosebleed!
CHAPTER 16 -- Buti na lang Swimmer Ka
CHAPTER 17 -- Ikaw kasi si Hanna
CHAPTER 18 -- Paano Manghiram ng Payong
CHAPTER 19 -- Masokista Lang ang Peg
CHAPTER 20 -- Defensive
CHAPTER 21 -- Pictorial Galore
CHAPTER 22 -- Tricked
CHAPTER 23 -- Nakakahilo
CHAPTER 24 -- In Her Room
CHAPTER 25 -- Close Encounter
CHAPTER 26 -- Insensitive
CHAPTER 27 -- He Made Me Smile with Tears
CHAPTER 28 -- Lonely Birthday to Me
CHAPTER 29 -- Ang Aking Savior, Mortal Enemy Pala?!
CHAPTER 30 -- Learning the Art of Moving On
CHAPTER 31 -- Nasaan Ako?
CHAPTER 32 -- Won't Get Tired of Playing Hide and Seek
CHAPTER 33 -- Pick Up Lines. Tsk!
CHAPTER 34 -- I Can Wait to Have You
CHAPTER 35 -- Excited sa Future
CHAPTER 36 -- When He Lies
CHAPTER 37 -- When Love Ain't Just Enough
CHAPTER 39 -- Happy Retreat Kay Sheri!
CHAPTER 40 -- Happy Retreat Kay Keizer!
CHAPTER 41 -- Kelan Kaya Tatama ang Akala?
CHAPTER 42 -- Taking Advantage
CHAPTER 43 -- He's A Mess Without You
CHAPTER 44 -- Kinabahan Ako Sa Pitong Bote ng Alak
CHAPTER 45 -- Limang Taon

CHAPTER 38 -- Mama's Advice

2.6K 27 2
iamcyril द्वारा

CHAPTER 38 -- MAMA’S ADVICE

SHERI GONZALES

          “Good afternoon po. Pinatawag nyo daw po ako.” Andito ako ngayon sa Department Chair’s office.



          “Kailangan kasi kitang makausap,” sabi nung Dept. Chair namin.



          Umupo ako sa chair na nasa harap ng table nya.



          “Bakit po?”



          “May pinoproblema ka ba iha?” Umpisang tanong nya.



          “Wala naman po,” pagsisinungaling ko.



          “Nagulat kasi ako sa naging result ng thesis defense nyo. I never thought na your group will receive the lowest grade in the oral defense to think na you’ve written an exceptional paper.”



          Natahimik ako. Kasalanan ko naman talaga kung bakit kami yung lowest eh. Nung kasing may itinanong ang panel tungkol dun sa isang part ng paper namin na ako ang gumawa, hindi ko yun nasagot. Hindi din ako nag-contribute ng answers sa iba pang tanong.



          “You seemed bothered these past few days. Hindi ka na nga din masyadong active sa class ko at napapansin din yun ng iba mong professors,” dagdag pa ni Dept. Chair.



          “I’m sorry po.” Tumungo ako.



          “Ms. Gonzales, kung ano man ang dinadala mo sa loob mo sana hindi nun maapektuhan yung grades mo. We both know that you’re running for honors. Hindi mo yun makukuha kung patuloy kang magkakaganyan. Masasayang lang ang four years of labor mo,” advice nya.



          “May mga bagay lang po talaga na nagpagulo ng isip ko lately,” sagot ko.



          “Family problems?”



          Umiling ako.



          “Very personal ba yan?”



          “Opo.”



          “You want me to refer you to the guidance counselor? I’m sure she can help you,” offer nya.



          “No, thank you. Okay lang po ako. I’m trying to be myself again.”



          “O sige. I trust you, but just in case you need help, you’re very much welcome here.”



          “Thank you po.” Lumabas na ‘ko sa office nya.



          Ano na nga bang nangyayari sa ‘kin?



          Minabuti kong pumunta na lang sa office namin.



          “Sheri, hinihintay ka ni Ms. Meryl sa room nya,” sabi ni Apple pagdating ko.



          “Thanks.”



          Binuksan ko yung room ni Ms. Meryl tapos napatingin sya nang pumasok ako.



          “Have a seat,” alok nya sa ‘kin.



          “Thank you po.”



          Itinigil nya yung ginagawa nya.



          “Alam kong may problema ka at alam kong hindi mo naman yun sasabihin sa ‘kin. Pero may gusto akong itanong sayo.”



          “Ano po yun?” Tanong ko.



          “Gaano kalaki yang problema mo at nagkakaganyan ka?”



          Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi masukat yung problema ko.



          “I received a call this morning and I learned about your defense. Anong nangyari?” Tanong nya.



          “Well, I was not myself then,” sagot ko.



          “I hate to tell you this, pero I’m putting you under probation.”



          “Po?” Nagulat ako sa sinabi nya.



          “Sheri, alam mo naman na top priority ng school ang academics, sunod pa ang mga extracurricular activities. Hindi nagiging maganda yung mga grades mo and you know the rules here.”



          Kapag naging consistent ang low grades na nakukuha ng isang student, it’s either he’ll be under probation or he’ll be forced to leave the org.



          “Nung una naisip kong bigyan kita ng leave. It’s not termination from the org pero parang bakasyon. Pero I know it wouldn’t be of help. Alam ko kung gaano ka kadedicated sa craft mo kaya naman ginawa ko na lang na probationary ka.”



          “Ms. I’ll do my best para mawala yung pagiging probationary ko.”



          “Dapat lang. Isa ka sa inaasahan ng grupong ito. You have to be strong para ma-lift mo yung org.”



          “Yes, I will.”



          “O sige na, gawin mo na yung dapat mong gawin.”



          “Thanks for your time, Ms. Meryl.”



          Umupo na ako agad dun sa tapat ng computer ko para gawin yung mga unfinished works dito.



          Masyado na nga lang din siguro akong nagpaapekto sa nangyari sa ‘min ni Keizer. Pero tulad ng sinabi ni Ms. Meryl, I have to be strong, pero hindi para ma-lift ko yung org kundi para ma-lift ko yung sarili ko.



          Babawi ako kasi kelangan.



          “Girls, mag-dinner tayo mamayang apat,” invite ni Kim nang pumasok sya sa office namin.



          “Sige sasama ako!” Sagot ni Apple.



          “Payag din si Tina. Ikaw Sheri?” Lumapit sa akin si Kim.



          “Sige,” sagot ko.



          “Ayan! Tayong apat ang magkaka-date ngayong Valentine’s Day!” Masayang sinabi ni Kim.



          Bigla akong napatigil sa ginagawa ko. Valentine’s Day pala ngayon. Ngayon pala yung araw na pinakahihintay ko noon. First time ko sanang mag-Velentine’s na may boyfriend, kaso wala din pala.



          “Saan tayo sasakay?” Tanong ni Apple.



          “Ako na ang bahala sa sasakyan,” sagot ko.



          “Yehey! Tuloy na tuloy tayo mamaya ha!” Sabi naman ni Kim.



          “Oo, promise,” sagot ko.



          “O sya, gogora na ‘ko sa pub! Babu!” Lumabas na si Kim.



          “Sheri, ano palang sabi sayo ni Ms. Meryl?” Usisa ni Apple.



          “Under probation daw muna ako,” kwento ko.



          “Ha? Bakit daw?”



          “Mababa kasi yung mga nakukuha kong grades recently, tapos ako din yung naging dahilan kung bakit bumaba yung grade natin sa oral defense.”



          “Hay, wag mo ng isisi sa sarili mo yung nangyari sa defense natin.”



          “Ngayon na lang din kasi nag-sink in sa ‘kin yung mga possibilities, eh. Kung naging maayos lang sana yung defense, sana nakuha natin yung award for Best Thesis.” Kung bakit ba naman kasi eengot-engot ako.



          “Ano ka ba? Okay lang yun. Ang mahalaga tapos na yung defense, hindi naman award ang habol natin, eh.”



          Buti hindi nagalit sa ‘kin si Kim at si Apple sa nangyari.



          “Pasalamat nga ako at hindi ako pinag-leave dito sa org.” Akala ko talaga sasabihin ni Ms. na magpahinga muna ako sa mga club activities.



          “Yaan mo na yun, probation lang naman, eh. At least hindi ka na-terminate,” optimistic na sagot ni Apple.



          After school, umuwi na ako sa bahay to change clothes para sa dinner naming apat mamaya.



          “Pa, may date po ba kayo ni mama?” Tanong ko.



          Baka kasi meron, pag nagkataon wala kaming sasakyan. Hindi pa kasi umuuwi si kuya tapos si Sam naman siguradong ka-date nya si Ate Cindy.



          “Nakapag-lunch date na kami kanina ng mama mo. Bakit?”



          “Pwede ko po bang hiramin yung sasakyan nyo?” Nag-aalangang tanong ko.



          Once palang pinahiram ni papa yung sasakyan nya. Kay kuya palang, kaya nahihiya akong hiramin yun.



          “Saan ka pupunta?” Tanong nya.



          “Kakain po sana kami nila Kim sa labas,” sagot ko.



          “Ah, may date ka pala with your friends,” sabi nya.



          “Opo.”



          “Kunin mo na lang sa key cabinet yung susi. Mag-ingat ka sa pagda-drive ha,” bilin nya.



          YES!



          “Thanks Papa!” Niyakap ko sya.



          “Mabuti na yung lumalabas ka kasama yung mga kaibigan mo kesa magmukmok ka dito sa bahay. Enjoy,” sagot nya.



          “Sige po, mauna na po ako.” Umalis na ‘ko sa room nila.



          Sinabi ko naman sa bahay yung totoo na ako ang nakipaghiwalay kay Keizer, pero iba ang sinagot kong dahilan. Sabi ko sa kanila, nakipaghiwalay ako kasi hindi ko pa pala kayang makipagrelasyon ngayon. I told them that I decided na tapusin ko muna yung studies ko bago ako magpakaseryoso sa isang relasyon.



          Si mama lang ang may alam ng totoong dahilan kung bakit kami naghiwalay.



          Kinuha ko na yung keys ni papa at sinundo ko na yung tatlo.



          “Bongga ka ha, paiba-iba ka ng sasakyan!” Natatawang sabi ni Kim sa ‘kin.



          “Kay Papa ‘to,” sagot ko. “Teka saan ba tayo kakain?” Tanong ko.



          “Kahit saan basta masarap,” sagot ni Apple.



          “Sa resto kaya sa mga malls?” Suggest ni Tina.



          “Eh siguradong madaming tao dun kasi Valentine’s Day,” kontra ni Kim.



          “Drive ako ng drive tapos wala pala tayong pupuntahan. Magdecide kayo agad, sayang ang gas!” Sabi ko tapos nagtawanan kaming apat.



          “May idea ako!” Sigaw ni Apple.



          “Ano?” Sabay na tanong ni Kim at Tina.



          “Dahil siguradong madaming lovers na nagde-date sa mga resto, mag-drive thru na lang tayo sa kahit saang fast food. Iwas bitter mode pa tayong apat.” Yun yung idea ni Apple.



          “Saan mo kakainin yun? Dito sa sasakyan? Naku, Apple siguradong todas ako kay papa kapag nag-amoy fries at burger itong sasakyan nya,” sabi ko.



          “Eh hahayaan ba kitang matodas? Syempre hindi!” Sagot nya.



          “O eh saan nga natin kakainin yun?” Tanong ni Tina.



          “Para saan pa’t may hotel sina Sheri, eh di dun tayo kakain!” Sabi ni Apple.



          “Oo nga, pwede yun,” pagsang-ayon ni Kim.



          Well, pwede din nga yun. “O sige, pero hindi pwedeng dun tayo matutulog ha. Kailangan kong ibalik ‘tong sasakyan,” sagot ko.



          “Wow! Ang saya nito!” Sabi ni Tina.



          Dumaan muna kami sa isang fast food chain para mag-take out ng dinner, tapos dumaan din kami sa isang convenience store para bumili ng iba pang pagkain.



          “Hindi ako pwedeng uminom ngayon, “sabi ni Tina.



          Nagbabalak na naman kasing mag-inom itong si Kim at si Apple.



          “May laban kayo?” Tanong ni Apple.



          “Oo, kaya good girl muna ako.” Natatawang sagot ni Tina.



          “Hay naku, wag na lang tayong mag-inom kung tayong dalawa lang naman yung may gusto. Syempre hindi din iinom yang si Sheri kasi sya ang driver.” Ibinalik na ni Kim yung kinuha nyang mga bote.



          Umalis kami dun sa store at dumiretso na kami sa hotel namin.



          “Good evening,” bati sa amin nung receptionist.



          “Key for the family room, please,” sabi ko sa kanya.



          Sa hotel namin, isa lang yung family room at yun ay para sa amin lang.



          “I’m sorry ma’am but the family room is exclusive for…”



          “Ma’am here’s the key.” Iniabot sa akin nung isa pang receptionist yung key.



          “Thank you,” sagot ko.



          “Sorry ma’am, bago po kasi sya kaya hindi nya pa kayo kilala,” sabi nya sabay turo dun sa receptionist na ayaw ibigay sa ‘kin yung susi.



          “Okay lang yun.” Ngumiti ako.



          Pumunta na kami sa family room.



          Syempre kinain na namin agad yung dinner namin dahil sobrang nagutom talaga kami.



          “Grabe, gutom na gutom ako,” sabi ni Kim.



          “Hindi kasi natin kaagad na-plano yung date natin,” sabi naman ni Apple.



          “Buti na lang magaling mag-isip ‘tong si Apple,” puri ko sa kanya.



          “Kung nagkataon, bitter na bitter tayo sa gitna ng restaurant na puno ng lovers,” pabirong sabi ni Tina.



          Nagtawanan na lang kaming apat.



          “Siguro kapalaran na nga lang talaga natin ang i-celebrate ang Single Awareness Day ng sama-sama,” sabi ni Kim.



          “Oo nga, eh. Mukhang wala talaga tayong swerte sa lovelife,” pagsang-ayon ni Tina.



          “Ay sus! Mas magaganda naman tayo dun sa mga ipinalit sa ‘tin ‘no!” Natatawang sabi ni Apple.



          “Hahahaha! Isang malaking check yang sinabi mo!” Sagot ni Kim.



          Ang lakas talaga ng fighting spirit ng mga ‘to, hahahaha.



          Nang wala ng mapagkwentuhan, tinanong ko na kay Tina yung kanina ko pang gustong itanong.



          “Tina.” Tumingin sya sa ‘kin. “Kamusta si Keizer?” Tanong ko.



          Halata namang nagulat yung tatlo sa tanong ko. But I’m dying to know.



          “Sa nakikita ko, malungkot sya,” sagot ni Tina.



          “Wala ba syang sinasabi tungkol sa nangyari?” Second question ko.



“Unlike sa nangyari sa kanila ni Angela, hindi sya nagsasalita regarding sa nangyari sa inyo. Noong sinabi mo na nag-break kayo, tinanong ko sya tungkol dun, pero ayaw nya talagang pag-usapan. Wala na nga din akong binabanggit sa kanya tungkol sayo. Basta hindi ko pa sya nakakausap about sa nangyari sa inyo,” kwento nya.



“Pero sa palagay ko, dapat pinakinggan mo muna si Keizer,” sabi ni Apple.



“Sapat na sa ‘kin yung mga nakita ko at narinig ko mula kay Angela.”



After ng iba pa naming kwentuhan, nagyaya na silang umuwi. Baka daw kasi sobrang gabihin ako, eh ihahatid ko pa sila.



Ugali ko na din kasing ihatid sila isa-isa sa bahay nila. May sasakyan naman kasi ako kaya okay lang.



“Sheri, sana magkaayos na kayo ulit ni Keizer. Sobrang laki kasi ng pinagbago nya after ng break up nyo,” sabi ni Tina bago sya bumaba sa sasakyan ko.



Sya kasi ang huli kong inihatid.



“Malaki din naman ang pinagbago ko after nung break up, eh. Pero siguro, ngayon lang yan. Makaka-move on din kami pareho,” sabi ko sa kanya.



After kong maihatid si Tina, umuwi na ‘ko sa bahay. Pagdating ko, hinihintay ako ni mama sa living room.



“I need to talk to you,” sabi nya sa ‘kin.



“Tungkol po saan?” Ang seryoso ni mama, natatakot ako.



May ginawa ba ‘kong kasalanan? Sobrang late na ba ako nakauwi? 10 palang naman, eh.



“Magwash up ka muna. Pupuntahan na lang kita sa room mo,” utos nya.



Umakyat na ako agad sa kwarto ko. Iniisip ko pa din kung bakit ganon si mama.



Lagot ako.



Nagmadali akong nagbihis ng pantulog ko. After a while dumating na si mama sa room ko.



“Mama, bakit po?” Kinakabahang tanong ko.



Umupo sya sa kama ko at tumabi ako sa kanya.



“Tumawag sa ‘kin ang department chair nyo kanina, and she told me na you got the lowest grade sa oral defense nyo. Hindi ka na din daw masyadong nagpa-participate sa klase and lastly, you’re under probation sa org nyo. Anong nangyayari sayo?” Tanong nya.



Hindi naman galit si mama, pero halatang disappointed sya sa mga nalaman nya.



          “I’m sorry Ma. Distracted lang po talaga ako these past few days. Inamin ko naman po sa kanila na I was not myself noon,” sagot ko.



          Naiiyak ako kasi na-disappoint ko si mama.



          “Baby, naiintindihan kong masakit yung pinagdadaanan mo ngayon, pero don’t make it a reason for you to go down.”



          Inakbayan nya ako tapos ipinatong nya yung ulo ko sa balikat nya, niyakap ko naman sya.





          “There are times we feel so much pain, because happiness is on its way. Baka kasi God’s will kung bakit kailangang magkahiwalay kayo ni Keizer kasi someone better is coming.” Hinaplos nya yung buhok ko.



          “Pero baby, it doesn’t always take another man to mend your broken heart or to fix you. Sometimes, all you need is yourself and a great determination to get up and say you can carry on,” sabi ni mama.





          Napaluha na ‘ko sa sinabi nya. Tama naman si mama, eh. Kailangan kong tumayo para sa sarili ko.





          “I want you to self-heal, tandaan mo ‘to, walang bumibili o tumatanggap ng sira, kahit second hand pa yan. Guys are like good buyers, they always want the best buys. A guy is not made to heal a broken heart, because he always wants the best girl.”





          “I’m not the best girl kasi broken hearted ako,” sagot ko sa kanya.





          “No. You’re just on your way towards becoming the best girl. Because a broken hearted girl, who knows how to stand up for herself and knows how to self-heal, is the best girl.”



          Ang mga nanay talaga madrama pero sila yung nagsasabi ng totoo.



          “Wag mong basta ibibigay sa iba yung puso mo ngayon. You can’t just give your broken heart to another man and let him fix it. You always have to give your heart wholly…not broken, but stronger and wiser.”





          “I’ll keep that in mind. I’ll try to be stronger, kahit masakit pa rin,” sabi ko.



          “Basta lagi mo ding isipin na hindi porket mahal mo, dapat nasayo. Minsan talaga kailangan mo syang bitawan at hayaang makasama nya yung taong nagpapasaya pala talaga sa kanya. Minsan kasi sa pagbitaw mo, he’ll realize na ikaw pala yung mahal nya, na ikaw pala ang kailangan nya para mas maging masaya sya.” She paused.



          Sana nga ma-realize nya yun.



          “Although, minsan naman sa pagbitaw mo at pagsama nya sa iba, dun mo naman mare-realize na hindi pala sya ang kailangan mo. There are times kasi na akala natin may kulang sa buhay natin kaya hindi tayo masaya, yun pala may labis. Kaya nung pinili mong mawala sya, mas naging masaya ka pa,” dagdag ni mama.



          “Either ways, all I want you to do is to let love find you again. Don’t be afraid to fall in love again, just because the first one’s a failure. It might hurt you big time, but who knows, the next is the right guy.”

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Marry Me ケレン द्वारा

किशोर उपन्यास

20.8K 501 43
#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala s...
His My Boss Shikotori ko to द्वारा

किशोर उपन्यास

27.4K 464 6
His My Boss sa tagalog siya ang amo ko hehe charing lang . ito po ay story ng isang babaeng alalay ng isang pinaka mayamang pamilya sa buong mundo pe...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
Play The King: Act Two akosiibarra द्वारा

किशोर उपन्यास

281K 19.5K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...