Gorgeous Six

By alhiemoon

3.3K 106 8

"Gorgeous 6" Old Title: "I Love You more than I Hate You!" -Playdoll_Alhie ~~~~~~~ ~All Rights Reserved @ Pl... More

~♡♤◇♧☆~
Prologue/Characters :)
G6 • 1
G6 • 2
G6 • 3
G6 • 4
G6 • 5
G6 • 6
G6 • 7
G6 • 8
G6 • 9
G6 • 10
G6 • 11
G6 • 12
G6 • 13
G6 • 14
G6 • 15
G6 • 16
G6 • 17
G6 • 19
G6 • 20
G6 • 21
G6 • 22
G6 • 23
G6 • 24
G6 • 25
G6 • 26
G6 • 27
G6 • 28
G6 • 29
G6 • 30
G6 • 31
G6 • 32
G6 • 33
G6 • 34
G6 • 35
G6 • 36
G6 • 37
G6 • 38
G6 • 39
G6 • 40
G6 • 41
G6 • 42
G6 • 43

G6 • 18

48 2 0
By alhiemoon

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 18 •

*Jiro's POV*

"Ang tagal naman nung babaeng yun, nagugutom na ako, mamatay nalang itong apoy ng wala pa sya eh, yari talaga sa----" Di pa ako tapos magsalita ng dumating itong Poornget.

"Kesa dakdak ka ng dakdak dyan ba't di mo nalang kunin toh!" She said sabay abot sa akin ng paper bag napinakukuha ko sa kanya.

"Akin na nga!" I said.

"Di ka man lang marunong mag-thank you?" tanong naman nya.

"Hindi ko kaylangang mag-thank you, hindi naman malaking bagay yan aah."

"Pssh! Alam mo nakakainis ka talaga. You're welcome huh!"

"Manahimik ka na nga lang dyan."

"OPO! ABNORMAL!" she said in a sarcastic tone.

Naupo lang sya sa isang tabi at nanahimik nga sya, nagcellphone lang sya habang ako nagtutuhog ng marshmallows para iroast sa fire at gumawa ng smores.

At ng matapos akong magroast ng isang mallows inilagay ko ito sa isang cookie at ng kagat-kagat ko na yung cookie saka naman nagsalita itong Poornget na toh.

"Bata ka ba para gawin yan?"

"Paki-alam mo ba? Eh sa trip ko toh eh."

"Ahahah, nakakatawa ka huh."

"Arte mo, wag mong subukang humingi sakin huh!!"

"Whatever!"

May naisip na naman ako, try ko kayang inggitin itong poornget na toh, ahahah. Oo nga. So nagroast ako ng maraming mallows and nag-umpisang ilagay ang mga yun sa cookies, saka ako tumayo at naglakad papunta sa kanya, ng malapit na ako sa kanya saka ako umupo sa harap nya.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong nya.

"Watch me." I said then dahan-dahan akong kumain ng cookie smores sa harap nya na parang gumagawa ako ng comercial. Nakatingin lang sya sa akin and...

"Tapos?"

"Watch me eat this.."

"Hindi ako naiingit, isa pa busog na a----" She said ng bigla nalang tumunog yung tummy nya sign as she's hungry.

*BURRRRRRR*

"Busog pala huh."

"Hindi ako nagugutom!" pagmamatigas pa nya, saka ko sya nakitang napalunok.

"Akala mo naman bibigyan kita? Hindi rin noh! Ahahahah, manigas ka dyan!" saka ako tumayo while eating cookies na parang nasa comercial pa rin, ahahaha.

Di rin nagtagal, mejo nagsasawa na ako kaya tinanong ko sya kung gusto nya. Agad naman syang lumapit na parang tuta na nangingintab ang mata. Yung tipong nagmamakaawang bigyan mo, ganun.

"Magmakaawa ka muna sa akin, sabihin mo Sir Jiro, bigyan mo naman ako." I said.

"Pssh, hindi na noh."

“Ganto nalang, tawagin mo muna akong Master.”

“Wow ha?”

"Sige ka, uubusin ko toh."

"Kasi naman, hindi ba pwedeng bigyan mo nalang ako?"

"Okay, bibigyan kita." Kumuha ako ng isang cookie at aakto na sana akong isusubo sa kanya kaso inilayo ko iyon sa kanya.

"Luh, asa ka."

"Grrr." she said.

"Gutom ka na noh, ahahaha, wala pa namang pagkain sa bahay ngayon." banta ko naman kahit meron naman kahit papano.

"Ewan ko sayo, wag na nga lang."

"Ahaha, suko ka agad? Oh eto. iyo na!" I said saka ko inabot sa kanya yung mga cookies.

Natatawa lang ako sa kanya, para syang bata kumain yung tipong ngumingiti-ngiti pa, parang adik, ahahaha.

"So, sino sa atin parang bata ngayon? Di ba ikaw?! Ahahaha."

"Pssh, nakakainis ka." She said. Natutuwa talaga akong pagtripan tong babaeng to eh.

"Ahahaha."

Hinayaan ko nalang syang kumain doon, inayos ko nalang yung mga lanterns dito na hindi pa nasisindihan, nasira kasi yung sinindihan ko kanina. Nakita naman ni usyoserang poornget yung lantern.

"Uyy, lantern!!!"

"Hindi, Kandila siguro!”

"Nambabara ka?"

"Hindi, kinakausap ka siguro ng maayos."

"Pssh, ewan ko sayo, anyway, anong gagawin mo dyan?" tanong nya.

"Itatago."

"Hindi mo sisindihan?"

"Hindi."

"Di ba yan yung sinisindihan?"

"Hindi, yung nililiyaban siguro."

"Adik ka kamo!"

"Ano na naman bang problema mo't nandito ka?"

"Gusto kong itry yang Lantern, Abnormal!"

"Ayoko nga! Ano ka sinuswerte?"

"Oo."

"Shoo! Alis, dun ka nga! Wag kang dumikit sa akin baka nakakahawa yang kapangitan mo!"

"Buseet! Hindi mo ba alam kung bakit panget ako?"

"Hindi, at wala akong balak malamaman."

"Isa ako sa nagdodonate ng looks kaya pasalamat ka sa amin ang ganda ng mga lahi nyo."

"Ganun ba yun? Teka, paulit ulit ka dyan, sinabi mo na yan dati aah."

"Oo, para magsawa ka na pagtripan ako."

"Baliw, maghanap ka nga ng kausap mo!"

"Uhm, Jiro."

"ANO?"

"High pitch agad? Hihingi lang ako ng isang Lantern eh."

"Pano kung ayoko."

"Dali na, isa lang eh."

"Arg! Nakakairita ka talaga! Oh ayan, manahimik ka na!" I said saka ko sya binigyan ng isa at tinago na yung iba baka humingi pa toh eh.

Tinignan ko sya kung anong gagawin nya sa Lantern, aba't may sa bobo din pala itong babaeng to hindi alam kung paano sindihan nairita ako kaya lumapit ako sa kanya.

"Marunong ka bang magsindi nyan? Mukha kang tanga kamo."

"Nakalimutan ko kung paano eh, sorry."

"Naku! Bobo ka ba o bobo-bobohan lang? Ganito lang oh, tignan mo." at inexplain ko sa kanya kung pano iyon sinisindihan.

"Teka! Hawakan mo sa gilid." I said.

"Nakahawak na.." She said habang ako hawak ko naman yung kabilang gilid, nasindihan naman ito.

"Woah!" She said.

"Oh ngayon, sabay na nating bitawan." At sabay nga namin itong binitawan.

I look at her at mukha na naman syang bata na natutuwang makakita ng fireworks, yung ganun. Saka naman sya napatingin sa akin at sinabi.

"Ang ganda talaga ng Lantern kapag nasa ere na." She said iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya dahil bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Ano yun?

"Pssh, parang yan lang."

"I wish kasama ko ang Parents ko sa pagla-light ng Lantern."

"Eh di ba kasama nila Mom ang Uncle mo, and wait, where's your parents?" I asked her, and nakita ko naman na tumalikod sya sa akin and told me that…

"Wala na sila."

"What do you mean wala na sila?"

"They're already gone, they passed away."

"What? Oh Sorry."

"Hindi, okay lang, tanggap ko na naman na wala na sila eh." Ang daldal ko naman kasi eh.

"Anyway, tara na. Nandyan na yata sila, parang may nakita akong Van eh."

"Aah, ganun ba.”

Pinatay ko nalang yung campfire saka kami nagpunta sa rest house at tama si Poornget nandito na nga sila.

Pero bago pa namin sila malapitan eh may matandang lumapit sa amin ni Poornget at nagsabi ng tungkol sa Legends ng Lantern dito sa lugar namin, dahil madilim at nakatapat ang ilaw ng flashlight nya sa amin ni poornget, hindi ko sya mamukhaan kung sino.

"Hijo't Hija, nakita nyo ba yung nagsindi nung lantern?" tanong nung matanda.

"Aah O-----" poornget said pero hindi nya tinuloy kasi tinakpan ko yung bibig nya.

"Hindi ho, bakit po?"

"Natutuwa lamang ako, dahil may magkakatuluyan na naman.”

"What do you mean?"

"Hindi nyo ba alam ang kwento ng Lantern na yun?"

"Hindi po?" poornget said.

"Kung sino man ang sabay na magsindi at paliparin ang Lantern na yun sa may kakahuyan eh maaaring sila ang magkatuluyan.."

"Is that a joke?" I said.

"Haka-haka lang naman yata po yan manang." poornget said.

"Hindi ako nagsisinungaling... Believe in me, and you will know the truth.." saka umalis yung manang palayo sa amin and still, hindi ko pa din sya namukhaan. Bakit may matanda dito sa gubat?

Ano ba yun? Joke, Hindi ako naniniwala dyan. Kung totoo man yun, gagawin ko yun ng maayos at maganda ng kasama si Anne.

*Nicca's POV*

Hays, alam nyo, habang tinitignan ko si Jiro na gumawa ng bonfire napapansin ko na may pagkukusa pala sya, kahit na utos dun utos dito ampeg nya. Specially nung sinindihan nya yung Lantern with me, hindi nya alam na nakatingin ako sa kanya that time pero he's cool, then pumapasok din sa isip na na ang gentleman nyang tignan that time, swear walang halong biro.

But wait, yung sinabi kaya nung Manang is that true? Sana hindi kasi mas gugustuhin ko pang si Chris ang makasama ko sa ganun kesa kay Jiro na parang araw-araw may ubo sa utak sa lakas ng topak mantrip. Kaso sa hindi sinasadyang oras at pangyayari si Jiro ang nakasama ko that time.

Hindi daw nagsisinungaling si Manang eh pero bakit parang ayaw kong maniwala? Parang ayaw mag-sink in sa utak ko yung mga sinabi nung Manang? Siguro dahil hindi ko pa napapatunayan na totoo nga yung sinasabi nya.

Pero parang imposible eh? Kasi ako? maiinlove sa taong hate na hate ko dahil sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi nya sa akin? No way!

Okay, sabihin na nating nagiging positive na ang tingin ko kay Jiro, oo inaamin ko yun, pero lahat ng yun ay naging negative again as in back to zero ng sabihan nya na naman ako ng POORNGET. Hindi na talaga sya nagbago. Pinaglihi siguro sya sa sama ng loob.

Well anyway, nandito ako ngayon sa room with the girls, kelangan na naming matulog dahil bukas na ang start ng mga Activities namin pero hindi pa kami makatulog kasi Angela is telling us the story about her and Andrei at mukhang kilig na kilig sya.

"Girls!!! You know what? Nagconfess na sa akin si Andrei na he still loves me." Angela said.

"Really, congrats eh ano na status nyo ngayon?" Sharmaine said.

"Hmm, Friends." Angela answered.

"WHAT? FRIENDS?" tanong naming tatlo.

"Akala ko ba nagconfess sya na mahal ka pa nya eh bakit friends lang kayo?" Dagdag pa ni Shuzette.

"Oo nga, he still loves me and we're friends kasi hindi ko sya pinayagang manligaw-------" Cut answer ni Angela.

"EH BAKIT DI MO PINAYAGANG MANILIGAW?" Sigaw ni Sharmaine.

"Chill Shamie." Shuzette said.

"Patapusin nyo muna ako okay? Hindi ko sya pinayagang manligaw habang nandito tayo sa Retreat dahil hindi tayo nandito para magnilandi, we're here 'coz we need to face our punishment." Angela said.

"Yan si Angela, mautak talaga. Sabagay, tama ka dyan Angela. Kelangan nating magfocus sa gagawin sa atin dito more than love life." Shamie said.

"So isasantabi mo si Jun?" Shuzette ask.

"Maybe Yes kapag nasa Activities tayo, No naman after."

"Okay, sabi mo eh, but wait, Ica, hindi ka yata sumasali sa amin?"

"Aah? Eeh? Kasi ano eh." I said.

"Ano ba yun?" tanong naman sa akin ni Angela.

"Kung may someone na weird na biglang nakita nyo sa daan at may sinabi na old stories maniniwala kayo? Tapos sasabihin pa nya totoo daw yun.." I said.

"Hmm... weird ba kamo? maybe no?" Sharmaine said.

"Hindi rin ako.." dagdag pa ni Angela.

"I think no either, eh bakit mo natanong?" Shuzette ask.

"Eh kasi habang papunta kami nung abnormal sa inyo eh may Manang na nagpakita sa amin and told us about Lantern Legends dito sa lugar na toh."

"Oh? Really? Tell us, what did that Manang told you?" Shamie asked.

"Sabi nya kasi, 'Kung sino man daw ang sabay na magsindi at paliparin ang Lantern sa may kakahuyan eh maaaring sila ang magkatuluyan.' Yun ang sabi nya."

"Really?"

"Oo eh, tapos umalis na sya."

"Baka naman Mumu yun?"

"Hindi, totoo sya, nahawakan ko pa nga sya eh pero hindi ko sya na mukhaan kasi naman yung ilaw nya nakatapat sa mukha namin."

Then habang nagkekwentuhan kami, saka may kumatok Shuzette look at it and it's the maid na ngayong night lang pinapunta.

"Excuse me mga Hija. Pero maaari ko ba kayong maistorbo?" Sabi nung old lady. Hindi ko sya tinitignan kasi napapaisip talaga ako kung ano yung sinabi ng matanda sa amin ni Jiro.

"Ahh, Opo, pasok po muna kayo sa kwarto namin." Pag-aaya ni Shuzette.

"Ah, salamat."

Pumunta si Manang and Shamie sa pwesto namin, may malapit na Sofa doon at doon pinaupo yung matanda. Lumapit ako sa kanila and based sa boses nya, parang narinig ko na sya.

"T-teka? Kayo po yung Manang kanina aah." I said kasi kahit hindi ko sya na mukhaan, napakiramdaman ko naman lalo sa tono ng boses nya.

"Oh? Sya ba?" Tanong ni Shuzette.

"Oo, sya nga yun, teka, bakit hindi po kayo sumabay sa amin ni Jiro pumunta dito?" tanong ko.

"Aah, may kaylangan pa kasi akong gawin bago ako pumunta dito.."

"Aah ganun po ba.."

"Pero maiba tayo, napag-uusapan na din lang ang nasabi ko sa inyong dalawa ng Apo ko edi ikukwento ko na sa inyo ang storya."

"Teka lang po? Apo nyo? Sino po?" tanong ni Shuzette.

"Ahaha, ay, hindi nyo pa pala alam ano. Apo ko si Jiro.."

"Aah, si Jiro-----WAIT? WHAT? SI JIRO PO ANG APO NYO???" Shocked na tanong naming apat kay Manang.

"Eh bakit po kayo nakamaid uniform?" pagtataka naman namin kasi nakasuot sya ng damit ng maid.

"Aah, napagtripan ko lang, maganda kasi ang design eh, kaya sinuot ko, isa pa, para akong nagcocosplay, modern lola ano? Well, tawagin nyo nalang akong Lola, mas okay yun sa akin."

"Teka? Nawawala na tayo sa usapan, ano na nga po pala yung kwento??" Excited na sabi ni Angela.

"Aah, sige ganito kasi yun, ang lugar na ito ay tagpuan ng mga magsing-irog nung kapanahunan namin, masaya ang paligid at punong puno ng pag-ibig ang buong lugar. At sa tuwing may sabay na nagsisindi at nagpapalipad dito ng Lantern na sinasabi ko, sila ang nagkakatuluyan."

"Eh, Lola, pano nyo naman po mapapatunayan yan sa amin?"

"Osya ganito. Kahit simpleng kakahuyan lang ang malapit dito eh mas daig pa nito ang mga parke sa paligid. Dito kami nagkakilala ng lolo ni Jiro. Sa hindi sinasadyang pangyayari nagkataong sabay namin nasindihan ang iisang lantern. Tama nga ang sabi ng mga mas matatanda pa sa amin, sinasadya mo man o hindi basta't kasama mo ang isang tao sa pagsindi't paglipad nito, magiging kayo't kayo sa huli. gaya ng Lantern na inilipad nyo sa ere, magiging matayog din ang pag-ibig na darating sayo."

"Nakaka-inspired naman yan! Tara! Sindi tayo ng Lantern." Aya ni Shamie.

"Are you kidding me Shamie? Hindi pwede noh."

"Okay."

"HALA!!!!" Sigaw ko naman.

"Oh? Anong Problema Hija?" tanong ni Lola sa akin.

"Aah, wala po, wag nyo akong pansinin."

"Sigurado ka?"

"Opo."

"Oh, sya, magsitulog na kayo at bukas mag-uumpisa na ang Activities nyo."

"Salamat po Lola, good night."

"Good night din sa inyo.." Lola said saka sya umalis ng kwarto namin.

Akalain mo yun, Lola pala sya ni Jiro. Ba't hindi nya sinasabi sa akin? Or sa amin man lang? Ano bang problema nya? Hayzz, kesa isipin pa toh mabuti pang itulog ko nalang toh para may lakas ako bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...