Seducing My Husband

By frappiness

5.7M 55.3K 3.7K

Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang... More

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
SMH
Question :>

Chapter 19

95.9K 960 84
By frappiness

CHAPTER 19

SUPER GLUE

Nandito ako sa police station. Grabehan, first time 'to. Makukulong na ba ako? Si Jeff kasi nakikipag-usap pa dun sa mga pulis. Ako nakaupo lang dito. Yung katabi ko sa kanan, parang adik lang. Yung nasa kaliwa naman lasing kaya humihilik habang natutulog. Gusto ko na umuwi.

Paano ako napunta sa police station? Hay nako, nagsimula lahat 'to kay Eric eh.

Naalala ko nun.

Eric is kissing me.

Nakatayo lang ako dun. Hindi ako makagalaw. Nanlalaki ang mata. Totoo ba 'to?! Hinahalikan niya talaga ako? Pero bakit? Sa sobrang gulat, hindi ako agad nakakilos.

Naghihiyawan ang mga tao pero wala akong naririnig. Napatayo na pala lahat ng ka-opisina ni Jeff, hindi ko man lang napapansin.

Teka! Si Jeff! SI JEFF! Nakikita kami ni Jeff! Bigla akong natauhan, at tinulak si Eric palayo. Nakatingin lang siya sa'kin.

"Eric! Anong ginagawa mo? Bakit mo ako—"

Hala, nasa floor na si Eric. May sumuntok sa kanya. "JEFF?!"

Hinawakan niya sa kwelyo si Eric tapos sinuntok ulit.

"T-teka Jeff! Wait wag kayo mag-away." Ang awesome parang action movie lang. Pero magkakasakitan lang sila nito. "Hala Eric wag mo suntukin si Jeff!"

Gumaganti na kasi si Eric. Nagsuntukan pa rin sila. Yung mga tao naman naghihiyawan. Yung mga ka-opisina ni Jeff, inaawat na yung suntukan. Anong ginagawa ko? Wala lang, nasa gilid, nagchicheer. Joke. Syempre pinipigilan ko sila.

"Tama na yan! Please naman wag na kayo mag-away. Teka lang Jeff! Eric!"

Nagsusuntukan pa rin sila. Pati ang manager ng bar, sinisigawan na sila. Ayaw talaga magpaawat. Alam ko na!

KRING! KRING!

Nagsigawan ang mga tao tapos tumakbo palabas ng bar. Nagkakagulo na, kasi sabay-sabay lumabas. Nagpaawat na rin sina Jeff at Eric nang narinig nila ang tunog. Pinaghiwalay na sila nung mga natirang tao pero nagtitinginan pa rin sila ng masama.

Anong ginawa ko? Wala naman. Pinatunog ko lang yung fire alarm. Kaya nga ako nasa police station.

Si Jeff din nireklamo ng manager. Siya kasi ang naunang sumuntok. Tapos ako, nireklamo rin. Nawalan daw siya ng customers nang dahil sa'kin. Pero ginawa ko lang naman 'yun dahil gusto ko ng peace and order.

Si Eric? Ang weird, bigla na lang siyang nawala. Simula nung nagkagulo hindi na siya nakita tapos nung dumating ang mga pulis, wala na siya. Sa bagay, hindi naman siya nireklamo nung manager. Wala naman daw siyang kamalay-malay, basta bigla na lang sinuntok ni Jeff.

Naku naman, siguradong super super super galit na sa'kin si Jeff. Nakita niya pa talaga na hinahalikan ako ni Eric?Oh no, kailangan ko talaga mag-explain. Hindi ko naman ginusto 'yun .

"Limang minuto lang."

"Huh?"

Inabot sa'kin nung pulis yung telepono.

"Pwede kang tumawag ng abogado o kahit sino. Pero isang tawag lang pwede."

Naiirita niyang paliwanag sa'kin. Ang scary naman ni Mr. Police. "P-pwede po kayang dalawang tawag? Kailangan ko po kasing—"

Tinitingnan niya ako ng masama. Napalunok na lang ako. Sabi ko nga eh, isang tawag lang.

"Nagsisimula na ang oras mo." Sabi niya lang tapos umalis na. Game, game 5 minutes lang. Sino bang tatawagan ko? Si Mom or si Dad? Dapat kasi dalawang tawag pwede.

Teka lang. Diba sabi niya, pwedeng tumawag ng abogado? Lawyer naman si Jeff ah. Kanya-kanya ba dapat 'yan? Fine, tatawag ako ng sarili kong lawyer.

Bakit hindi niya sinasagot, I dial her number, sagutin mo na.

"Miss gusto mo?" Yung parang adik kong katabi sa upuan ay inaalukan ako ng bubblegum. Yung nginuguya niya kaning bubblegum, inoffer nyia sa akin. "This tastes yummy." Tapos sinubo niya ulit at ngumuya-nguya pa siya.

Gusto ko ng umuwi!

"H-hello?"

"ANJ! BUTI SUMAGOT KA NA!" Meet my lawyer, si Anj. Sugurin nyia lang ang mga pulis dito, for sure wala silang binatbat.

"Ano ka ba Teeny Weeny. Alam mo ba kung anong oras na? Hatinggabi na kaya!" sabi ni Anj habang humihikab.

Naku nagising ko hata si Anj. Kaya pala medyo sleepy voice pa siya. "Anj sorry! Pero kasi sabi nila kailangan ko daw tumawag ng lawyer then dapat five minutes lang kaya binibilisan ko talaga magsalita tapos yung katabi ko binibigyan ako ng kinagat na nyang chewing gum samantalang yung isa naman super lakas humilik tapos—"

"Sandali nga Tin. Dahan dahan nga lang—"

Maghahyperventilate na ako. "Syempre gusto ko na nga umuwi kanina pa pwero hindi naman ako pinapaalis dito tapos si Jeff kanina pa sya nakikipag-usap dun hindi naman nya ako pinapansin kaya kanina pa ako nakaupo na walang ginagawa eh hindi ko naman talaga alam kung—"

"TIN! SSHH! SANDALI LANG!" Narinig ko siyang nagsigh. "Nabaliw ka na ba talaga? Wag ka nga magpanic dyan! Ano ba talagang nangyari, hindi kita maintindihan eh."

"ANJ NASA POLICE STATION AKO!" Nanahimik naman si Anj sa phone pero maya maya lang.

"Weh?"

"Anj naman eh!! Hindi 'to joke. Andito nga ako talaga!"

"Weh?"

"Anj please makinig ka naman! Five minutes lang ako pwede. Ayan nga o, tinitingnan na ako ng masama nung pulis."

Matatapos na ba agad ang time. Wala pa akong nasasabi. Narinig ko naman siyang tumawa.

"Seryoso ba yan Tin? Ikaw? Nasa police station? Ikaw talaga?" Tumawa ulit siya. "Wow, congrats."

"Congrats ka dyan. Ito naman eh, seryoso nga."

Tumawa ulit siya. " Ano ba kasing nangyari? Bakit andyan ka?"

"Basta Anj sinuntok kasi ni Jeff si Eric, tapos nagkakasakitan na sila. Then syempre pinatunog ko yung fire alarm kaya nireklamo ako ng manager."

Lumapit na sa'kin ulit ang pulis.

"Wow talaga? Si Jeff mo nakipagsuntukan? Ha! Tama nga ata yung theory ko." Tapos bumulong pa siya. "Selos lang pala eh."

"Huh? Ano sabi mo Anj?" Tinuturo na nung pulis ang relo niya. "Uy ano na, ano nang gagawin ko? Tapos na yung oras ko sa phone 'no. Pupunta ka ba dito?"

Sumesenyas ako sa pulis na wait lang. Nagcross arms naman siya.

"Nope Tin. Hindi ko na kailangan pumunta dyan. Makakalabas ka naman kahit wala akong gawin 'no."

"Hala naman Anj! Please gumawa ka ng paraan, isa lang yung pwedeng tawag na gawin ko eh."

"Chill ka lang Teeny Weeny. There's only one thing you need to do."

"Ano naman yun?"

"Kailangan mo maging.... isang SUPER GLUE!"

"What?" Nababaliw na talaga 'to si Anj.

At syempre nababaliw na rin ako. Sinusunod ko naman kasi lahat ng sabihin niya. Syempre naman, Master Anj kaya 'yan.

Hala si Jeff. Tapos na hata sya makipag-usap. Nagkamayan pa sila ng pulis. Wow, friends agad? Kanina lang, ipapakulong na siya. Okay game, kailangan ko namaging Super Glue.

Lumapit na ako sa kanya. "J-Jeff."

Hala. May pasa siya sa mukha. Ang sakit na naman niyan panigurado. Tumingin siya sa'kin saglit tapos nag-iwas agad ng tingin. Hindi niya ako kinakausap.Nagsimula na siya maglakad.

"T-teka Jeff. Pwede na ba tayo umalis?"

Lakad pa rin siya. "Teka lang Jeff. Kukunin ko lang yung dala ko. Sabay na tayo umuwi."

Dala ko pa rin kasi ang lunchbox na dapat ibibigay ko sa kanya kanina. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa rin siya tumitingin sa'kin. "Ako lang ang pwede umalis."

"Huh? Bakit ikaw lang pwede?" Ayan na naman siya sa hindi niya pagsasalita. Di na naman niya ako kinakausap. "Kung ganun, iiwan mo ako dito?"

Hindi pwede. Ayoko na rito. Gusto ko na umuwi. Akala ko di niya ako papansinin. Kaya nagulat ako nang bigla siyang humarap sa'kin at nagsalita.

"Ayaw na kitang makita pa."

"Huh?"

Nagsimula na ulit sya maglakad.

"T-Teka lang Jeff!"

Naglakad lang siya hanggang nakalabas na siya ng police station. Hindi pwede 'to. Pano ako magiging Super Glue nyan? Pano ako didikit ng didikit kay Jeff kung maiiwan ako dito? Hindi pwede! Sinugod ko ang pulis. Nagulat hata siya nang bigla akong lumapit.

"May problema ba Miss?"

"Totoo po bang pinayagan nyong makalabas dito si Jeff?" Tinuro ko yung may pinto.

"Ah si Mr. Lee? Pwede na syang lumabas dahil nakausap na nya ang manager. Hindi na sya sasampahan ng kaso."

Tumayo ako ng diretso. Tiningnan ko siya sa mata. "Kung ganun, kayo po ba ang tao na in-charge para mapalabas sya?"

Tiningnan naman niya ako ng naguguluhan. Pero nagstraight body din siya. Tiningnan din ako sa mata. "Ganun na nga. Ako nga ang nagpalabas sa kanya. May problema ba?"

Tama! Siya na nga! Lagot sa'kin 'tong pulis na 'to. Hinawakan ko naman bigla ang kamay niya. Nagulat hata siya. "Mr. Police! Mr. Police! Parang-awa mo na palabasin mo na rin po ako! Mabait naman po akong tao eh. Sorry na po hindi na ako ever magpapatunog ng fire alarm. Promise talaga magpapakabait na po ako. Please please please Mr. Police. Please please!"

Nakakunot naman ang kilay niya sa'kin. "Ano bang sinasabi mo dyan Miss?"

"Diba kayo po yung nagpalabas kay Jeff? Kung ganun pwede nyo din po ba akong palabasin? Sige na naman po Mr. Police!!"

Tinanggal naman niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Napatungo na ako. Oh no, hindi siya papayag. I knew it.

Kaya lang bigla syang tumawa? Napatingala ako ulit. "Ano ka ba Miss. Pwede ka na naman talagang umalis eh. Kinausap na ni Mr. Lee ang manager. Alam ko nga binayaran na din nya yung mga nasira sa bar pati na yung nawalang kita sa mga customer. Kaya hindi na din sya magsasampa ng kaso sa'yo."

"Talaga?! Pero bakit sabi po ni Jeff—"

Well oo nga. Wala naman siyang masyadong nasabi. Si Jeff talaga kailangan ko siyang mahabol. Kailangan kong maging Super Glue!

Nagthank you na lang ako kay Mr. Police tapos kinuha ko ang bag ko. Tumakbo na ako palabas sa police station. Nasaan na si Jeff? Iginala ko ang mata ko. Ayun! Nakalagay sa bulsa ang kamay habang naglalakad. Babalikan nya hata yung kotse niya sa bar. Tumakbo naman ako palapit sa kanya. "Jeff!"

Napatigil siya ng konti pero tumuloy din agad sa paglalakad. Sumunod na lang tuloy ako sa likod nya. Sumitsit pa ako. "Jeff." Sabi ko habang naglalakad at sumasabay sa kanya. "Thank you nga pala. Kinausap mo pala yung manager para makalabs ako agad. Akala ko nga maiiwan ako dun eh."

Hindi man lang siya lumilingon. Pero infairness, ang gwapo pa din kahit nakatalikod.

"Jeff kumain ka na ba? Madaling-araw na pero kung hindi ka pa nagdidinner meron ako ditong—"

"Hindi ako uuwi." Hala! Naglalakad pa rin siya pero at least nagsasalita na siya. Yes!

"Bakit naman? Umuwi ka na muna! Sabay na tayo."

It's official. Ang sexy ng likod ni Jeff. Kanina ko pa tinitngnan. Ayos, ipapaint ko 'to.

"Tsk. Umuwi ka na nga! Magpasundo ka dun sa Eric mo, o kahit sino pa man. Wala akong pakialam."

Bakit biglang ang sungit na naman niya? "Hay. Bakit ba lagi nyang sinasali si Eric sa usapan?" Bulong ko sa sarili ko. Lagi na lang talaga.

"Anong sabi mo?!"

"H-Huh? Hindi wala. Pero Jeff bakit mo ba kasi ako pinapasundo kay Eric? Eh ikaw naman yung gusto kong sabayan eh."

Napahinto naman siya sa paglalakad. Tapos umikot at humarap sa'kin. "WAG MO NGA AKONG SUNDAN!"

Tapos tumalikod ulit sa'kin at naglakad. Akala ko naman kung ano nang sasabihin. Syempre naglakad pa rin ako sa likod niya. "Hindi kita sinusundan Jeff 'no! Pareho lang talaga tayo ng pupuntahan. Dito rin kasi ako pupunta."

"Tsk." Binilisan naman niya ang lakad. Binilisan ko rin. Kumaliwa siya. Kumaliwa rin ako. Tumakbo siya. Tumakbo rin ako. Nagtumbling siya. Nagtumbling rin ako. Joke lang, syempre hindi kasali ang tumbling. Parang timang lang kami habang hinahabol ko siya. Buti na lang talaga madaling-araw pa lang kaya wala masyadong tao sa daan.

Pumasok na sya ng kotse niya. Syempre pumasok rin ako sa passenger's seat. I AM A SUPER GLUE! Hindi niya ako mapapaalis 'no.

"TSK. AKALA KO BA HINDI MO AKO SINUSUNDAN?!"

Nagseatbelt na ako. "Hindi kita sinusundan Jeff 'no. Akala ko lang kasi taxi yung kotse mo. Kaya napasakay ako."

Nagbuntung hininga naman siya. "PWES HINDI TAXI 'TO! KAYA BUMABA KA NA!"

Binuksan ko ang radyo. "Lalalalala." Kumanta na lang ako.

"TSK." Tinapakan ni Jeff ang accelerator.

Then I died.

Joke lang, buhay pa 'ko. Mamamatay na nga lang any moment. Nakahawak ako ng malupit dito sa upuan pati na dun sa hawakan sa taas

"JEFF DAHAN-DAHAN LANG!!"

Binilisan niya pa lalo. Kanina pa ganito ang takbo namin. Super bilis! Sumisigaw na ako pero wala naman hata siyang naririnig. Grabe ano ba 'to si Jeff. Hindi naman siya dati magbilis magpatakbo ng kotse. Pero ngayon bakit gigil na gigil sa accelerator?!

"JEFF! RED LIGHT! RED LIGHT! GUSTO MO BA ULIT BUMALIK SA POLICE STATION??" Hala nilampasan niya pa rin kahit red light. Wala kasing pulis ng mga ganitong oras.

"MOM! DAD! MAHAL KO KAYO!" Lord, pakisabi na lang sa kanila. Sorry if mamamatay na ako ngayon.

"ANO BABABA KA NA BA?!" sigaw ni Jeff

BInilisan pa ulit ni Jeff. "HINDI AKO BABABA! HINDI AKO BABABA! ISA AKONG SUPER GLUE!"

"WHAT?!"

"HINDI MO AKO MATATANGGAL! DIDIKIT AKO NG DIDIKIT SA'YO!." Sumisigaw pa rin ako. Ang bilis pa rin namin. Gusto ko pa mabuhay!Lord!

Mayamaya pa, tinigil na ni Jeff ang kotse. Tapos bumaba na siya. Grabe hingal na hingal ako. Hindi naman ako ang nagdrive. Pero napagod ako kakasigaw. Humingal, hingal muna ako ng konti bago ako lumabas. Buwis buhay yun.

Teka? Bakit kami nandito? Sa office building niya? Ang aga-aga pa. Magtatrabaho na siya agad? Pumasok na rin ako. Di bale na, Super Glue naman ako eh. Kahit sa'n pa siya pumunta, susundan ko siya. Pasara na ang elevator na sinasakyan ni Jeff. Tumakbo naman ako at napigilan ko itong sumara. Akala mo Jeff aa.

Sumara na tapos pinindot niya ang 10th floor. Hala naman, magtatrabaho na ba siya agad? "Grabe Jeff magtatrabaho ka na agad? Eh alas dos palang ng madaling-araw eh."

Nagcross arms naman siya. "Umuwi ka na kung gusto mo."

"Hindi ako uuwi. Hindi ako uuwi. Hindi ako uuwi." I AM TIN THE SUPER GLUE!

Hindi na naman isya nagsalita. Naku pano yan, kapag nakarating na kami sa office niya, panigurado magtatrabaho ng magtatrabaho na naman 'to. Hindi na naman ako kakausapin. Kailangan ko gumawa ng paraan. Kailangan talaga.

Pero paano? Ano namang magagawa ko?

Ting!

10th floor na. Hay bahala na. Pagkabukas ng elevator, pinindot ko agad ang close button. Nagulat naman si Jeff sa ginawa ko kaya hindi niya napigilan yung pagsara. Hindi na rin siya nakababa.

"ANO SA TINGIN MONG GINAGAWA MO?!"

Pinindot ko ulit papunta sa ground floor. Sorry Jeff.

"KUNG GUSTO MO UMUWI, WAG MO AKONG IDAMAY!"

"Ehhh. Jeff naman eh. Ayoko pang umuwi. Pero ikaw hindi ka din pwede magtrabaho. Hindi mo na naman ako papansinin eh."

"MADAMI AKONG KAILANGANG GAWIN! TSK!!" Super dami ba talaga? 2AM dapat start na? Naman.

Ting!

1st floor na ulit. Bumukas na ang elevator.

"Bumaba ka na." Sabi naman bigla ni Jeff. Napatingin tuloy ako sa kanya. Grabe mukha na siyang pagod, puyat, at payat. O diba, 3 P's! kaya dapat hindi ko talaga siya iwanan.

"I'm a Super Glue. Hindi ako aalis."

"Tsk. Bahala ka nga."

Pinindot na niya ulit ang close button. Tapos 10th floor button. Grabe. Wala na ba talaga akong magagawa pa? Hindi ko na ba talaga siya mapipigilan?

Nanlaki ang mga mata ko kasi parang lumindol?

"Hala Jeff! Lumilindol ba? Bakit gumagalaw?" Gumalaw talag. Tumingin naman si Jeff sa elevator buttons. Nasa 1st floor pa rin kami.

Gumalaw na naman at napasigaw ako. Napahawak naman ako sa arm ni Jeff. Hindi ko rin sinasadya 'yan. Napahawak lang talaga.

Pero syempre, hindi muna ako bumibitaw. 'Yun talaga, sinasadya ko na.

Gumalaw na naman at bigla namang namatay ang ilaw sa loob ng elevator. Tumigil bigla sa paggalaw.

"Tsk."

Pinindot ni Jeff ang mga buttons. Ayaw na magbukas. Madaling-araw pa lang. Wala pang tao sa building para tulungan kami. Sinusubukan ni Jeff buksan ang elevator. Pero kahit anong gawin nya, hindi pa rin niya mabuksan.

Curious ba kayo kung anong ginagawa ko? nakatayo lang. Nakangiti. 'Yung totoo, bakit ang swerte ko?

Continue Reading

You'll Also Like

82.7K 1.5K 43
Jerk. That's how you will describe Steve Alex Gonzales 4 years ago. Nakukuha niya ang babaeng gusto niya in a blink of an eye. Pero mukhang mapaglaro...
145K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
409K 5.3K 39
Ang "and-they-lived-happily-ever-after" kind of life na inakala ng lahat ay mabilis na nauwi lang sa tragic ending. Ito ay dahil sa runaway husband n...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...