When Love Ain't Just Enough

By iamcyril

151K 1.3K 177

sapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba... More

Panimula
Just saying...
CHAPTER 1 - 092782*****
CHAPTER 2 - MGA BAWAL ISUOT SA DATE (SABI NI KUYA)
CHAPTER 3 -- Ako ang Best Actress!
CHAPTER 4 -- Betcha By Gulay!
CHAPTER 5 -- Isang Libong Piso
CHAPTER 6 -- Ang Number ni Top 2
CHAPTER 7 -- The Truth
CHAPTER 8 -- Tara Mag-swimming!
CHAPTER 9 -- Drastic Measures
CHAPTER 10 -- A+ For Effort
CHAPTER 11 -- Grocery Shopping
CHAPTER 12 -- Napadaan Lang
CHAPTER 13 -- Caught in the Act
CHAPTER 14 -- Ang Mahiwagang T-shirt
CHAPTER 15 -- Nosebleed!
CHAPTER 16 -- Buti na lang Swimmer Ka
CHAPTER 17 -- Ikaw kasi si Hanna
CHAPTER 18 -- Paano Manghiram ng Payong
CHAPTER 19 -- Masokista Lang ang Peg
CHAPTER 20 -- Defensive
CHAPTER 21 -- Pictorial Galore
CHAPTER 22 -- Tricked
CHAPTER 23 -- Nakakahilo
CHAPTER 24 -- In Her Room
CHAPTER 25 -- Close Encounter
CHAPTER 26 -- Insensitive
CHAPTER 27 -- He Made Me Smile with Tears
CHAPTER 28 -- Lonely Birthday to Me
CHAPTER 29 -- Ang Aking Savior, Mortal Enemy Pala?!
CHAPTER 30 -- Learning the Art of Moving On
CHAPTER 32 -- Won't Get Tired of Playing Hide and Seek
CHAPTER 33 -- Pick Up Lines. Tsk!
CHAPTER 34 -- I Can Wait to Have You
CHAPTER 35 -- Excited sa Future
CHAPTER 36 -- When He Lies
CHAPTER 37 -- When Love Ain't Just Enough
CHAPTER 38 -- Mama's Advice
CHAPTER 39 -- Happy Retreat Kay Sheri!
CHAPTER 40 -- Happy Retreat Kay Keizer!
CHAPTER 41 -- Kelan Kaya Tatama ang Akala?
CHAPTER 42 -- Taking Advantage
CHAPTER 43 -- He's A Mess Without You
CHAPTER 44 -- Kinabahan Ako Sa Pitong Bote ng Alak
CHAPTER 45 -- Limang Taon

CHAPTER 31 -- Nasaan Ako?

2.6K 20 0
By iamcyril

CHAPTER 31 -- NASAAN AKO?

SHERI GONZALES



          “Maganda ba yung girlfriend ni Keizer?” Natigilan ako nang marinig ko yung tanong na yun.



          Galing sa kabilang shelf yung boses. Sinilip ko kung sino yung nag-uusap pero hindi ko sila kilala. They’re three girls.



          “Yung bago?” Tanong ni girl #2.



          “Oo.” Sagot ni girl #1.



          “Maganda,” sagot ni girl #2.



          I know right! Hahahahaha! Thank you!



          “Pero mas maganda pa din si Angela,” sabat ni girl #3.



          Batuhin ko kaya sya ng libro? Kakahiya naman sa kagandahan nya!



          “Sayang hindi ka umattend ng CTHM Night, hindi mo tuloy nakita yung ginawa ni Keizer,” sabi ni girl #2.



          “Ano bang nangyari?” Asked girl #1.



          Pinapakinggan ko pa din silang tatlo habang kumukuha ako ng books dito sa shelf.



          “Kinantahan sya ni Keizer.” Kinikilig pang kwento ni girl #2.



          “Ang sweet, pero alam mo mas bagay si Keizer at Angela ‘no?” Sagot ni girl 3#.



          Kung kaya ko lang itulak itong shelf ginawa ko na! Nang mabaon na sa lupa itong si girl #3! Bakit ba bitter sya sa akin?!



          “Oo nga. Akala ko nga noon sila hanggang huli, eh. Sayang.” -- girl #2



          Mali kayo ng akala!



          “Pero alam nyo, recently madalas ko pa ding nakikitang nag-uusap sina Angela at Keizer,” girl #1 told the girls.



          “Talaga? Ang galing naman friends pa din sila kahit nag-break na sila.” -- girl #3



          “Last time nga, may nakakita pa daw na pinupuntahan pa din ni Angela si Keizer sa pool area kapag may training sila.” -- girl #1



          “Alam kaya nung bagong girlfriend nya na ganun ang ginagawa ni Angela?”



          HINDI. Hindi alam ng girlfriend ni Keizer na ganon ang nangyayari.



          “Siguro naman alam nya. Atska friends lang naman sina Keizer at Angela, wala naman syang dapat ikagalit.” -- girl #2.



          Wala nga ba akong dapat ikagalit?



          Hindi ko alam na magkaibigan na pala ulit silang dalawa at hindi ko din alam na pinupuntahan ni Angela si Keizer sa training nya. At ang lahat ng yun, hindi sinasabi sa ‘kin ni Keizer. Wala ba akong dapat ikagalit dun?



          Umalis na ako ng library. Umakyat ako sa office namin at kinuha ko yung camera ko.



          “Oy, saan ka pupunta?” Tanong ni Apple.



          “Maghahanap ng subject? Ewan. Bahala na, kahit saan.” Sunod-sunod kong sinabi.



          “BV lang ‘teh?” Tanong nya ulit.



          “Bye.” Lumabas na ako.



          Saan ba ako pupunta?



          Dinala ko ang sarili ko sa park. Stress reliever ko na talaga ang magpicture ng kung anu-ano. Kapag naiinis din ako, nagagalit o depressed camera ko lang lagi ang kasama ko sa pagpunta sa kung saan-saan.



          Picture lang ako ng picture. Kahit walang kwenta ang subject, gora lang ako sa pag-click.



          Yung last picture, nagulat ako nang isang pamilyar na tao ang nag-register sa cam ko.



          “Bakit ka nandito?” Tanong nya.



          “Bawal ba? O sige, aalis na lang ako. Nabili mo na yata ‘to eh,” pagtataray ko.



          “Whoah! Ang taray mo ah! Meron ka?” Pang-asar na tanong nya.



          “Who cares kung meron ako?!” Sigaw ko sa kanya.



          “Bakit ba kasi ang init ng ulo mo? Chill lang.”



          “Kapag sinabi ko ba sayo kung bakit, may magagawa ka?” Tuloy lang ako sa katarayan.



          “Malay mo naman.” Sagot nya.



          I took a deep breath. “Bwisit ako kasi hindi ko alam na yung boyfriend ko at yung ex nya ay friends na pala at ang isa pang mas nakakabwisit, pinupuntahan sya ng ex nya sa training nya nang hindi ko nalalaman! Happy?!”



          Ngumiti sya. “So nagseselos ka pala.”



          “Ay hindi! Tuwang-tuwa nga ako sa nalaman ko eh,” sarcastic na sagot ko.



          “Kayong mga babae, nakakatawa kayo. Konting napalapit lang kami sa iba, nagseselos na kayo kaagad.” Natatawang sabi nya.



          “Alam mo kung wala kang matinong masasabi, umuwi ka na lang sa inyo!” Umalis na ako.



          Pero hinabol nya ‘ko at hinawakan ang braso ko.



          “Papauwiin mo ako tapos ikaw ang aalis? Baliw ka din, eh ‘no?” Tumawa sya ng malakas.



          “Bitawan mo nga ako!”



          “Ayoko. Sumama ka sa ‘kin.” Hinila nya ako.



          Napunta kami sa may dulong part nitong park.



          “Hoy Harold, anong ginagawa natin dito?” Tanong ko.



          “Sigaw,” utos nya.



          “Ano?”



          “Sumigaw ka. Isigaw mo yang sama ng loob mo.”



          “Bakit ko gagawin yun?”



          “Para mabawasan ang sama ng loob mo.”



          Pumunta sya sa likod ko at hinawakan nya ang balikat ko.



          “There’s no harm in trying. Sigaw na,” sabi nya.



          Huminga ako ng malalim.

“HOY ANGELA! NAKAKAINIS KA! PAGKATAPOS MONG IWANAN YANG BOYFRIEND MO, KUKUNIN MO SYA SA AKIN?! ANO TAYO NAGLOLOKOHAN?! HUMANAP KA NG SAYO!” I shouted at the top of my lungs.



          “Feeling good?” Tanong ni Harold.



          Tumango ako. “Pwedeng isa pa?” Tanong ko.



          “Free kang sumigaw dito,” sabi nya.



          “KEIZER!!!” Nung binanggit ko ang pangalan nya bigla akong naiyak. “MAHAL KITA PERO BAKIT NAKAKAINIS KA?!” Umiyak na ako on my last word.



          “Wag ka ng umiyak, baka akalain nila pinaiyak kita,” sabi ni Harold.



          “Ikaw naman kasi talaga ang may kasalanan ah! Hindi naman ako iiyak dito kung hindi mo ‘ko pinasigaw!” Umiiyak na sagot ko.



          “Hay, ako na nga ang tumulong ako pa ang napasama. O eto.” Inabutan nya ako ng panyo.



          Kinuha ko yun at pinunasan ko yung mga luha ko.



          “Ang arte-arte mo,” comment nya. “Paano mo ba nalaman yun?” Usisa nya.



          “Narinig ko kanina sa library na pinag-uusapan yun ng tatlong babae,” sagot ko.



          “Narinig mo lang naman pala, eh. Tsk. Hindi mo naman pala nakita tapos kung mag-iiyak ka dyan akala mo mamatay na si Keizer.”



          Umupo sya dun sa damuhan.



          “Sorry ha, ang OA ko kasi!” Sarcastic ulit ako.



          “Buti naman alam mo.”



          Hindi ko sya pinansin, bigla kasing may flock of birds na lumipad kaya agad ko yung pinicturan. Sayang naman kasi kung papalampasin ko yun.



          “Kakaiba ka talaga,” sabi nya.



          “Bakit?”



          “Pagkatapos mong mag-iiyak, kukuha ka ng mga pictures? You’re weird.”



          “Pakialam mo? Eh sa maganda yung picturan,” katwiran ko.



          Umupo ako sa tabi nya.



          “Ilang years na ba kayo ni Keizer?” Bigla nyang naitanong.



          “Almost 4 months pa lang kami,” sagot ko. August naging kami tapos December na ngayon.



          “Ah kaya naman pala nasa stage ka pa na sobrang possessive mo sa kanya.”



          “May possessive stage ba sa relationship?” Naguguluhang tanong ko.



          “Hindi ko alam.”



          Ang gulo kausap nito.



          “Wag na nga nating pag-usapan yun.” Kakainis makipag-usap sa taong hindi pala alam ang sinasabi nya.



          Bigla syang tumayo kaya sinundan ko sya ng tingin. Nilapitan nya yung isang group ng mga bata na nandito sa park. Parang nag-aaway nga eh.



          Kinakausap nya yung mga bata tapos parang natigil yung away. I don’t know why, pero napangiti ako.



          Natutuwa ako sa mga lalaking magaling makisama sa mga bata.



          I took some photos of him with the kids.



          “Anong ginawa mo dun?” Tanong ko nang makabalik sya sa tabi ko.



          “Away-bata.”



          “Kaya nakisali ka?”



          “Kung nakisali ako dun, baka pinagsasapak ko yung mga batang yun. Syempre pinag-ayos ko sila.”



          “Wow ang galing mo namang maghandle ng mga away-bata. Napagbati mo kaagad, eh,” pagpuri ko sa ginawa nya.



          “Para saan pa’t early childhood ang course ko.”



          “Early childhood?” Hindi ako makapaniwalang balak nyang maging pre-school teacher!



          “Oo, kakasabi ko lang, ah.”



          “Seryoso ka?”



          “Oo nga.”



          Napangiti ako.



          “Alam mo nakakatuwa ang mga lalaking magaling makisama sa mga bata,” sabi ko.



          “Bakit naman?”



          “Sabi kasi ng iba, magiging mabuting tatay daw sila.” Yun yung naririnig ko, eh.



          “So gusto mong magkaanak sa ‘kin?” Pang-aasar nya.



          “Gusto mong hindi ka na makalangoy kahit kelan?!!” Naiinis na sigaw ko.



          “AHAHAHAHAHAHA!” Nauubo na sya sa pagtawa. “Joke lang yun! Hahahahaha!”



          Naiinis pa din ako. Babawian ko sya!



          Nang matapos sya sa pagtawa nag-pick up line ako.



          “Ice ka ba?” Tanong ko.



          “Bakit? Kasi crush mo ‘ko?” Sagot nya.



          Ngumiti ako at umiling.



          “Eh ano? Ah! Kasi masarap akong ihampas sa pader?” Nagtry ulit sya.



          “Hindi pa din.”



          “Eh bakit?”



          “Kasi ang sarap mong tusuk-tusukin ng ice pick hanggang maging pino ka! Nakakabwisit ka!”



          He just laughed out louder!



          May pinag-usapan pa kami, pero hindi ko kinaya ang antok ko. Napahiga na lang ako sa damuhan at nakatulog.



          Pagmulat ng mata ko…





          Nasa kwarto na ako ni Harold!



Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
20.8K 501 43
#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala s...
687K 15.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.