Mga Binhi: Antolohiya ng Isan...

By zandcruzher

2.1K 201 200

Mga katagang pinagbuklod ng kaisipang mapang-alipin. Mga taludturang nililok ng mga karanasan. Mga saknong na... More

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing Makata
Paghihiganti
Hinanakit ng Isang Taksil
Nahuhusgahan rin ang Mapanghusga
Nagkakalamat, Nababasag, Natututo
Kung Naipagbibili Lamang
Sapagkat ang Salita
Kung sa Mundo'y Walang Pera
Bungkal sa Lupa, Lubog sa Dalita
Butil ng Kanin
Ang Baboy
Ugat, Umugat, Inugatan
Simbolo'y Ano?
Tingkad
Dahong Nalalanta
Inuuod na Ngiti
Kapag Narating Na Ang Langit
Pinapasang Krus
Madarama
Mukha ng Kabutihan
Kalaban ang Araw
Pinaglalamayan, Pinagsusugalan
Suntukin ang Tuldok
Kinikilig, Dinidildil, Pinuputang Ina
Inaasam-asam na Taas-Baba
Napipiga ang Kutsara, Nagdurugo ang Luha
Nabubuhay sa Tinapay
Sugatan Mo si Nene
Nanlaban
Naglalakad na Bangkay
Mga Binhi
Pangwakas na Pananalita

Daang Matuwid, Nagkasanga-sanga

47 6 6
By zandcruzher

Habang-buhay ba tayong magtitiis, magpapasan,

Ng krus ng kalbaryong tinatawag na kahirapan?

Bahagi ng sistema ng Pilipinong nilalang,

Mabuhay ng gutom, magpauto sa magugulang.

Nawawalan na nga tayo ng mumunting pag-asa,

Na ang langit ng kaunlaran ay makakamtan pa,

Sa halip na gumaling, lalo lamang lumalala,

Itong hindi malunas-lunasang pagkadukha.

Ilang pulitiko na rin ang siyang napaupo,

Bakit ang ating bayan, hindi makatayo-tayo?

Habang buhay na lang bang hihilata at susuko,

Dinildil na mga asin, didiligan ng dugo?

Nasaan nga ba ang mga pagkukulang,

Sa kanilang mga ganid, o tayong nahihibang?

Hindi nga sila titigil sa pagnanakaw, panlilinlang,

Kung mismong tayo ang siyang nagbubulag-bulagan.

Ang daang matuwid ngayon nga’y nagsanga-sanga,

Napuno nang balakid, hindi na nga nadarama,

Wala na ngang mangyayari kung di magkakaisa,

Inaatupag lang ay walang sawang pamumuna.

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 474 60
Katulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masa...
1.6K 628 103
Sapantaha, a hunch or assumption. The what ifs and the rumination of day dreamer. English and FIlipino Poems Status: Completed Date Started: June 11...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...