Dare to Play a Game Called Lo...

By Kutielicious

383K 5.4K 915

[TAGALOG] This is not another Romeo and Juliet love story, nor Aladdin and Jasmine. Not even close to Jack an... More

Dare to Play a Game Called Love? - Prologue
Chapter 1 - Waking Up
Chapter 2 - School Time!
Chapter 3 - Poolside Talk
Chapter 4 - Restaurant
Chapter 5 - Amnesia?
Chapter 6 - The Plan
Chapter 7 - Meeting the Idiot
Chapter 8 - Humiliation
Chapter 9 - The Finalists
Author's Note - Please Read! :]
Chapter 10- New Feelings
Chapter 11 - First day of Fair ( Math and Science Fair )
Chapter 12- Second Day Fair
Chapter 13 - Last Day Fair
Chapter 14 - The Contest
Chapter 15 - And The Winner Is...
Chapter 16 - Friends?
Chapter 17 - Get Ready!
Chapter 18 - Banat!
Chapter 19 - For Real?
Chapter 20 - Valentines' Coming!
Chapter 21 - The Confession
Chapter 22 - Ball Date
Chapter 23 - The Raffle Draw
Chapter 24 - The Dinner Date
Chapter 26 - The Ball <3
Chapter 27 - Second Step
Chapter 28 - He's Back!
Chapter 29 - Meeting his Family
Chapter 30 - Hot! >_<
Chapter 31 - Agawan?
Chapter 32 - Pogi Points
Chapter 33 - Overnight Swimming MAD-ness
Chapter 34 - Flag Ceremony
Chapter 35 - Pain and Jealousy
Chapter 36 - The Finals
Chapter 37 - Fallen
Chapter 38 - Hello Sophomore!
Chapter 39.1 - It's Official
Chapter 39.2 - It's Official
Chapter 40 - Broken Heart
Chapter 41 - Back to School!
Chapter 42- Kidnapped?
Chapter 43 - The Ring
Chapter 44 - Unexpected News
Chapter 45 - The Last Date
Chapter 46.1 - The Breakups
Chapter 46.2 - The Breakups
Chapter 47 - The Regret
Chapter 48 - New Friend ^_^
Chapter 49 - One Last Cry
Chapter 50- CHRIS-tmas Gift
Chapter 51 - Goodbye, States!
Chapter 52 - The Comeback
Chapter 53- Back Together
Chapter 54 - Picnic Panic!
Chapter 55- Masquerade Ball
Chapter 56- Payback Time?
Chapter 57 - Swear it Again
Chapter 58 - Jealousy version 2.0
Chapter 59- New Issue
Chapter 60 - Ivanah Strikes...NOT
Author's Note: Part Two (Please Read ^_^)
Chapter 61- Pregnant Alert!
Chapter 62- Mystery Girl
Chapter 63- Graduation Ball
Chapter 64- The Proposal
Chapter 65 - Still the One
Chapter 66- Final Goodbye
Chapter 67- Holding On
** Special Chapter
Chapter 68 - Moved On
Chapter 69 - Never Too Late
Author's Note: Part Three
Chapter 70 - This I Promise You
Epilogue

Chapter 25 - Juriel's Lovelife?

6.2K 92 14
By Kutielicious

Paolo’s POV 

Haaaaaay! Eto na ang pinakahinihintay kong araw! Ang masolo si Juriel! Buti nalang talaga, nabunot siya! Wala kasi akong makitang paraan kung pano siya makakausap.

 Knock! Knock!

  

Pasok! Gising na ako. ” Sabi ko.

 “ Talagang dapat ka ng magising dahil may pasok ka pa. Oh, ako na mismo ang nagdala ng susuotin mo! ” Teka.. Holy Cr-- . Paglingon ko... 

Lo – Lolo? Bakit ka nandito? ” Sabi ko.

Ganyan ka ba makipagusap sa lolo mong bagong dating lang? ” Sabi niya. Sabi ko nga! Pumunta ako sa kanya para mag-mano. 

Oh, Lolo! Napadalaw ka! Kamusta na po? ”  Sabi ko.

 “ Ikaw bata ka. Hindi ka parin nagbabago! ” Sabay palo sa akin ni lolo ng baston niya.

Aray ko! Lolo! Ano nanamang ginawa ko?! ” Sabi ko. Aray! Masakit ha! 

 “ Sa kagandahang palad, wala naman. Gusto lang kitang paluin kasi namiss kita. Nag-iisa kong apo. ” Sabi niya. Ano? Pinalo niya ako dahil na-miss niya ako?!

 " Lolo naman eh! Ganyan mo rin ba batiin ang apo mo? Lolo, pasalamat ka at masaya ako ngayon. Kung hindi… ” Nilagay ko yung kamay ko sa baba ko at nag-isip.

Kung hindi ano? Ikaw bata ka talaga! ” Sabay palo ulit sa akin. 

Aray ko lolo! Joke lang naman po yun eh! Hindi ka na mabiro! ” Sabi ko.

 “ Masaya ka? Bakit apo? Anong nangyari? Anong meron? ” Tanong ni Lolo. 

Lolo, alam mo ba yung feeling na, hindi ka makatulog sa kakaisip sa isang tao? Yung nababaliw ka araw-araw dahil hindi ka man lang pinapansin? Tsaka, yung… Ewan! Basta Lolo, kakaiba eh! ” Sabi ko. 

Tinamaan ang apo ko. Kaso apo, hindi ka pinapansin kamo? Eh, sinong babae yan? Biruin mo, nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng Reyes, tapos, aayawan ka lang? ”Sabi ni Lolo.

 “ Yun nga Lolo eh! Kaya nga iba siya sa ibang babae. Hindi siya mukhang pera at ikumpara mo sa ibang babae, siya lang yung nagliliwanag sa mata ko eh! Siya lang. ” Sabi ko. 

Alam mo apo, ganyan din ang Lola mo. Nung kabataan pa namin, ayaw na ayaw niya rin ako. Pero, sa huli, ako parin ang pinili niya. Alam mo kung bakit? Kasi ginawa ko lahat ng kaya kong gawin para lang makuha ko ang puso niya. Hindi ako sumuko. Kaya ayun, sa simbahan din ang tuloy naming dalawa. Ang Lola mo, hindi siya mayaman. Isa ring nagustuhan ko sa kanya ay hindi siya tulad ng iba na pera lang ang habol sa akin noon. Sobra  ko siyang mahal kaya lahat ginawa ko para lang mahalin niya rin ako. Ganun ko kamahal ang Lola mo, apo. ” Wow! Buti pa si Lolo! Ako kasi, may atraso sa babaeng mahal ko. 

Wow Lolo! Like Grandfather, like grandson! Eh ganyan din ang lovelife ko eh! Kaso ang problema, wala kang nagawang kasalanan kay Lola. Pero ako, malaki ang kasalanan ko sa babaeng mahal ko. ” Sabi ko. 

“ Kung anong kasalanan man yan apo, humingi ka ng tawad. Yung sincere at siguro naman, kaya ka may nagawang kasalanan ay may rason diba? Kaya kung ano mang rason yan, sabihin mo sa kanya para magkaliwanagan kayo. ” Sabi ni Lolo.

 “ Oo nga noh! O sige Lolo, gagawin ko yan! Thank you talaga, Lolo! You’re the best! ” Sabi ko at nag-thumbs up.

Osha! Maligo ka na at baka ka ma-late! Di porket stockholder ang magulang mo, pwede ka ng magpa-late! Kilos! ” brutal talaga si Lolo!

O sige Lolo! Kita nalang tayo sa baba! Maliligo na ako! ” Sabi ko at umalis na si Lolo. Dumeretso na ako sa CR at naligo. 

Juriel’s POV

Goodmorning to me! Nyahaha! Haaaay! Ang ganda ganda ng araw! Pero pwede bang umulan nalang para hindi matuloy yung date ko ngayon? 

Biglang nagvibrate yung phone ko. 

From Mika:

Sis! Good Morning! Nakatulog ka ba ng maayos? Osha, maligo ka na at mag-ayos ka ha! Kita kits sa school! Bye! :*

From Krysh:

Good Morning Sis! Oy, wag mong kalimutan yung sinabi ko sayo kagabi ha! Oh, bangon na! Paka-ganda ka sis! Mwah! :*

From Shay:

Sissy! Good Morning sayoooo! Kita tayo sa school ha! Ingat ka! Tsaka, don’t forget to make paganda! Bye! :*

  

Wow! Everyday, ganito! Ang saya ng may nagmamahal na kaibigan sa iyo! Osha, bumangon ka na Jam at mag-ayos! Hindi uulan ngayon. Wag ka ng umasa. 

  

Sa school

  

Pssst! Hoy! Andito na ako! ” Sabi ko.

Tara na? Mamayang lunch, deretso tayo dun sa sinasabi mong bilihan Krysh ha! ” Sabi ko.

Siyempre! ” Sagot niya.

 Fast Forward…

Tara na dali! Natatakot ako! Baka wala akong masuot! ” Sabi ko.

Ano ba! Marami yun! Don’t worry! ” Sabi ni Krysh.  

After naming mag-tricycle papunta doon sa sinasabi ni Krysh, naghanap na kami ng damit. Totoo nga! Andaming magagandang damit. Mura pa. Tapos ayun, namili na kami ng damit.

  

Ang pangit! Di bagay. ” Sabi ni Shay kaya balik fitting room ulit ako.

Mukha kang matanda jan. ” Sabi ni Mika. Balik ulit! 

Masyadong maikli yung pambaba. Tsaka, hapit masyado yung pantaas. Magmumukhang sine-seduce mo siya! ” Sabi ni Krysh. Okay, ako na pabalik balik.  

After 25 minutes ng pabalik-balik sa fitting room.

Wow! Ayan! Mas maganda! ” Sabi ni Mika. 

Ang ganda mo! Mai-inlove na sayo si Paolo! ” Sabi ni Krysh. Nagkunot-noo ako.

Sabi ko nga, wag na siyang pag-usapan. Joke lang naman eh. Hahaha. ” pahabol niya.

Jam! Hindi kita nakilala! Yan na kunin mo! ” Sabi ni Shay. Okay, yun na kinuha namin. Ayos lang yung damit kasi hindi baduy, hindi rin seductive tignan.

Haaaay! Salamat naman at nakahanap din tayo ng damit! Balik na tayo ng school! ” Sabi ko.

  

Sa school

  

“ Sa lahat ng pairs na nabunot sa Valentine’s Special ng Sophomores, please proceed to the Audio Visual Room. May makikita kayong isang taong may hawak ng number kung pang ilang pair kayo nabunot. Tapos, kunin niyo yung card kung saan yung venue nung date niyo. Thank You and goodluck! ” Sabi nung nagsalita sa may office.

Sis! Samahan ka na namin sa AVR Alamin mo na yung location para kami na ang maghahatid sayo. Magbibihis ka pa, remember? ” Sabi ni Krysh. 

Sige. ” tapos pumunta na kami sa AVR. Andun yung babaeng may hawak ng number nine. Tapos inalam ko na yung location. 

Miss, kung dumating yung isang number nine, paki-sabi, hindi ako sasabay sa kanya ha. Magkita nalang kami dun sa venue. Salamat! ” Tapos umalis na kami.

Paolo’s POV

Good luck! Hahahaha! ” Sabi ni Ethan.

 “ Ang malas mo! Pero parang bihis na bihis ka? Po-pormahan mo yang date mo no? Huy! Diba kapatid yun ng isa mong ex? ” Sabi no Josef.   

Bakit hindi mo pa nakakalimutan yun? Oo, kapatid siya ni.. Sino ba yun? Nakalimutan ko na yung pangalan. ” Sabi ko. 

Pano ko hindi makakalimutan, eh palaging panira ng lakad natin yung ex mong yun. Napaka-clingy! ” Sabi ni Josef. 

Paolo. Wag mong paglalaruan yang date mo. Tsaka, ingatan mo yan! Kargo mo yan ngayon. ” Sabi ni Chris

 “ Opo! Alam ko. Hindi ko naman paglalaruan itong date kong to eh. ” Siyempre! Mahal ko siya eh. Hindi ko magagawang paglaruan to!

 "O sige, alis na ako. Bye! ” Tapos pumunta na ako ng AVR. Nakita ko na yung may hawak ng 9 pero wala parin si Juriel. 

Miss, wala pa ba yung date ko? ” Sabi ko. 

Ay, sabi, magkita nalang daw kayo doon sa venue. Susunod daw siya. Mauna ka nalang daw. ” Sabi niya. Ano? Iniwan ako dito?! Kinuha ko na yung card kung nasaan yung venue nung date namin tapos nag-drive na papunta doon.

  

Juriel’s POV

  

Aray! Teka, dahan dahan! ” Sabi ko. 

Teka, eto na, inaayos ko nalang yung zipper sa likod. Tsaka yung belt. Medyo higpitan mo. ” Sabi ni Shay. 

Oo nga! Nakoooo! Si Paolo yang date mo. Ingat sis ha! ” Sabi ni Krysh.

 “ Aba! Subukan lang niya! Humanda siya sa akin! ”Sabi ko.

 “ As if sis! Baka malaglag ka sa charming powers ng unggoy na yun ha! ” Sabi ni Mika.

 “ Nako, never noh! Oh? Tapos na ba? ” Tanong ko.

 “ Ayan! Ang ganda ganda mo na talaga! Teka, ayusin natin buhok mo! ” Sabi ni Shay.

 “ Eto nalang oh! Headband na white! Bagay sa damit niya! Nabili ko kanina! ” Sabi ni Mika.

 “ Sige! Bagay nga! Gamitin natin! Salamat Mika! ” Sabi ni Shay. 

Ayan! Picture perfect na ang itsura mo, sis! ” Sabi ni Krysh. 

Hay nako, hindi naman kasi kailangang ganito kaganda eh. Hindi ako sanay! ” Sabi ko.

 “ Masasanay ka rin kapag girlfriend ka na niya. ” Sabi ni Shay.

 “ Ano? ” Sabi ko tapos nagsalubong ang kilay ko.

 “ Ay, hindi. Sabi ko, ang ganda mo! Joke lang yun! Wag na magalit! Papangit ka, sige! ” Sabi ni Shay.

 “ Tch. Hay nako. Baka nag-aantay na yun! Dalian natin! ” Sabi ko.

Aye! Tapos na po! Tara, hatid ka na naming dun sa restaurant! Hanggang pinto lang kami ha! Ikaw na bahala. Alis narin kami kaagad. Goodluck sis! ” Sabi ni Krysh. Tapos pumunta na kami sa Restaurant na yun. Mukhang mamahalin pa.

 "Oh, eto na. Bye na! ” Sabi nila. Tumango ako at pumasok na. Asan kaya siya? Ah, ayun! Naka-talikod.

  

Paolo’s POV

  

Shit! Pupunta ba yung babaeng yun dito?  ” Sabi ko sa sarili ko. 

Excuse me! ” Tinignan ko pero hindi si Juriel kaya hindi ko na pinansin.

 “ Ahem! Paolo! Ano bang hinahanap mo? ” Sabi nung ulit babae. Nakaka-irita naman to! Sino ba ito? Kilala pa ako! 

Miss, hinahanap ko yung date ko. Sorry pero kung gusto mo akong maka-date, next time nalang. May date na ako. ” Sabi ko. 

Ah ganun? Salamat naman. Makakauwi narin ako at hindi ko na paninindigan itong walang kwentang Valentine’s Special ng Sophomores. ” Ano daw? Valentine’s Special? Pagtingin ko ulit…

Juriel? ” Yun nalang nasabi ko dahil hindi ko siya namukhaan! 

Oo! Ako nga ito! Ano ba! Para kang naka-kita ng multo! ” Sabi niya. Hindi! Naka-kita ako ng anghel! 

 “ Ah, sorry. Hindi kasi kita namukhaan. ” Ay! Ang tanga mo, Paolo. Pahalata ka eh!

 “ Tch. Oh. Anong gagawin dito sa date na to? Panira ng oras! ” Grabe talaga ang galit niya sa akin. Makakaporma pa ba ako? Okay, alalahanin mo ang sinabi no Lolo. Do you best to win her heart. Patience is a virtue!

 “ Siyempre, kakain at hindi mawawala ang pagba-bonding. ” Sabi ko.

Bonding? We’re not even close. ” Sabi niya.

Kaya nga magde-date tayo eh. Para makilala ang isa’t isa. Okay. Let’s start! ” Sabi ko at nag-cue sa isang waiter para kunin yung order namin.

 " I’ll have what he’s having. ” Sabi niya agad. Tapos, sinabi ko na yung order ko. Dinamihan ko yun kaya nanlaki yung mata niya. 

Babayaran nila lahat to? ” Tanong niya.

Oo. Kaya makonsiyensiya ka kapag umayaw ka sa date na to.” Hala! Bakit ko nasabi yun!

Oo na. Fine. Isang buong hapon lang naman ito eh. Titiisin ko. ” Aw. Galit parin talaga siya sa akin. Tapos, hindi parin dumadating yung order after 5 minutes. God! The silence is killing me! Okay, mabasag ng itong nakaririnding katahimikan na ito.

 “ Look at me. Yung nagawa ko sa kapatid mo noon, I’m so sor- ” Sabi ko pero pinutol niya

 “ No. You, look at me. Sorry? Paolo, ano bang ginawa ng kapatid ko at sinaktan mo siya. Kung mananakit ka ng babae, mamili ka naman! Hindi yung kung sinu-sino ang pinagtritripan mo! ” Sabi niya.

 “ Una sa lahat, mahirap maging girlfriend ang kapatid mo dahil sobrang clingy. ” Sabi ko.

 “ Clingy? Dahil doon, iniwan mo siya? Wow! You’re unbelievable. Dapat nga, matuwa ka pa kasi loyal siya sayo.  ” Sabi niya.

 “ Pangalawa. Dahil sa sobrang clingy niya, yung mga lakad naming magkakaibigan, nagugulo. Ang hirap maging girlfriend ng kapatid mo, Juriel! ” Sabi ko.

 “ Wow! Sobra na talaga! Alam mo, hindi mo na dapat itinuloy yung pagpapakita mo ng motibo sa kanya para hindi na siya umasa!

I know! I know! Sorry na okay? Sorry, I screwed up! Sorry because I hurted her and I’m SORRY… ” na-emphasize ko yung last na sorry. 

I’m sorry for using your sister just to get close to you because I LOVE YOU, Juriel. I LOVE YOU and I’m very sorry! ” Sabi ko. Ayan, nadulas na ako.

 “ What? ” Sabi niya. Nasabi ko na eh. Ituloy ko na.  

Oo Juriel. I used your little sister just to get close to you. Ginawa ko yun kasi alam kong hindi mo ako mapapansin. Wala na akong maisip na gawin kasi sobra akong desperadong mapalapit sayo. Siguro hindi man maging tayo pero atleast, malapit ako sayo. ” Sabi ko. 

Are you crazy? You used my sister just for that… that stupid, childish reason?! ” Sabi niya. 

Yes. Inaamin ko. I screwed up, okay? Pero ano bang magagawa ko? Ni hindi mo nga ako mapansin eh! Alam mo yun? Araw-araw! Araw-araw, Juriel, halos mabaliw ako kakaisip ng paraan para mapansin mo ako. Pero hindi eh! Alam mo yun? Masakit! Masakit kasi, sa kahit anong paraan na gawin ko, walang nangyayari. This stupid love of mine makes me really, really crazy! ” Sabi ko. 

Love? How can you even say that word? If I know, kalahati na ng babae sa school, naging girlfriend mo na! Is that what you call love? Huh? Paolo! Answer me! Is that what you call love? ” Sabi niya na naiinis na talaga. 

“ I don’t know! Okay! Oo, kasalanan ko na lahat! Ako na ang masama! Pero Juriel, hindi mo ba naisip na nagpapakatanga ako palagi para lang mapansin mo ako? Lahat na, ginawa ko! I hate my heart because it only beats for you! Juriel, ano ba talaga ang daan jan sa puso mo? Ano bang dapat gawin ko? Answer me! ” Sabi ko. Buti nalang, medyo malayo yung pinili kong table. Hindi kami masiyadong rinig. 

Dapat mong gawin? Gusto mo ng sagutin ko? Gusto ko- ” Sabi niya kaso dumating na yung order namin kaya natigil muna siya. Haaay! Buti nalang! Ayokong marinig ang gusto niyang sabihin eh. 

Juriel’s POV

Love? Mahal niya ako? Ano daw? Ginamit niya ang kapatid ko para lang sa rason na yun! How pathetic! Nakaka-inis talaga siya! Gusto kong pumatay ngayon! Pero Juriel, totoo ba ang mga narinig mo? Si Arvin Paolo Reyes, MAHAL ka? As in, MAHAL? Hindi. Teka, mali lang siguro yung narinig ko dahil sobra ng nag-iinit ang ulo ko sa kanya. Wait, wait, wait! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko siya iniisip? Hindi! Hindi pwede to! Wake up! Wag kang magpaapekto jan sa womanizer na yan! Kumain ka nalang! 

Juriel…” Sabi niya. Nagulat ako at nabilaukan. 

Okay ka lang? ” Sabi niya agad. 

Ayos lang ako. Kumain ka lang. Saan ang next na pupuntahan natin? ” Sabi ko. Ha? Anong sabi mo Juriel? Pupuntahan niyo? Ano ba, magising ka nga!  

Kahit saan mo gusto. ” Sabi niya. Fine. 

Amusement Park. ” Sabi ko agad. 

Amusement Park? Isn’t that too public? ” Sabi niya.

Kung ayaw mo, edi wag.” Sabi ko. 

Ah, hindi naman. Sige. Amusement Park. ” Sabi niya. Ohyeah! 

Tch. Takot ka lang na makita ka ng mga babae mo. ” Sabi ko.

What? No! Bahala sila sa buhay nila basta ang kasama ko… ikaw. ” Sabi niya. Kinilig ako. Pero wait, kilig? What the hell is happening to you, Jam? 

  

After naming kumain, pumunta na kaming Amusement Park. Big time talaga etong mokong na to. Feeling ko, ubos na yung pocket money na bigay nung sophomores pero, dinala niya parin ako dito.

  

Oh, anong gusto mong unang ride? ” Sabi niya.

 “ Doon oh. Sa mataas na yun. ” Sabi ko.

 “ Ha? Ah, eh. ” Sabi niya at bigla siyang napalunok.

Ano? Nagiinarte ka nanaman? ” Sabi ko. 

Takot kasi ako sa matataas. ” 

Ah. Ganun ba? Sige, dun nalang tayo. ” Sabi ko.

After 2 hours na pagra-ride, napagod din ako. Grabe! Nag-enjoy ako sobra! Ikaw ba naman ang ilibre sa ganitong lugar? Ang iniisip ko lang na amusement park, yung mumurahin eh. Tapos, dito pa ako dinala. Ang swerte ko talaga! Pero Jam, bakit ang saya saya mo? Wag mo sabihing nahuhulog ka na jan sa Paolo na yan! Wake up! Wake up! Pero matagal na rin naman yun at nakahanap na ng bagong bf si Jorraine. Siguro nga, it’s time to forgive him. 

  

Paolo’s POV

Nag-enjoy ka ba? ” Sa galit ba naman nung tao, nag-enjoy ba yan kasama mo? Ang bobo mo rin talaga Paolo ano? 

Oo. Sobra. Salamat ha? ” Salamat? Oo? Mali ba ako ng dinig?

 "Ha? ” Yun nalang nasabi ko.

 “ Sabi ko, nag-enjoy ako ng sobra. Salamat. ” 

 “ Wala yun! Masaya rin ako kasi kahit isang beses lang kitang nakasama, napasaya kita. Salamat sa mga 2nd year dahil nangyari to. ” Sabi ko. Pero hindi siya nag-react. Instead..

 “ Tara doon oh. Mukhang masaya doon. ” Sabi niya. tapos ang tinuro niya.. teka, horror dun ah? Wait! Ayoko doon! Natatakot ako!  

Ha? Ikaw nalang, pwede? Dito nalang ako sa labas, aantayin nalang kita. ” Sabi ko. 

Ha? Antayin? Iiwan mo akong mag-isa sa loob, eh ang dilim dilim doon! O baka naman kaya…. Natatakot ka? Bading ka ba? Hahahahaha! ” what?

Oo, natatakot ako okay? Pero, hindi ako bading! Sige, sasamahan kita! ”  

Kumuha na kami ng tickets at pumasok sa loob. Si Juriel naman, naa-amaze pa! Mga babae nga naman! After ilang minutes nag-iba na yung music sa loob. Yung super creepy na music. Si Juriel naman, naglalakad parin. Parang walang paki sa mundo. Hello! Natatakot yung date mo dito! Sige, maglakad ka lang, Paolo! Be brave! After ilang steps…

  

Waaaaaaa! ” Sabi nung mga tao. 

Waaaaaaaaaaaa! ” Napatili ako ng parang bading at napakapit kay  Juriel.

Hahahahaha! Nakakatuwa ka rin ano! Osha! Papayagan kitang kumapit sa akin pero hanggang matapos lang ito ha! Ang bading mo! ” Sabi niya.

  

Sabing hindi ako bading eh! Pero, pinapayagan niya akong kumapit sa kanya? Am I dreaming or what? Whatever. Chance na to! Pwede ng dumamoves! Hindi ko na inintindi yung mga nakakatakot na creatures around at kumapit nalang kay Juriel. Siyempre, nagkukunwari akong natatakot para mas lumapit at humigpit pa yung kapit ko sa kanya. After ilang minutes, lumabas narin kami at… nakakapit parin ako sa kanya. Pumunta kami sa may bench.

Oh, bitaw na. ” 

Ay. Sorry. ” Sabi ko sabay napakamot sa ulo ko. 

Andami mo palang kinatatakutan. Ngayon ko lang nalaman. Ako ba ang unang nakaalam? ” Sabi niya. 

Ah, hindi. Alam ng barkada na ayaw ko sa heights at takot ako sa mythical creatures. ” Sabi ko tapos ngumiti siya. Am I really dreaming? 

Oh. Pero ako ang unang babaeng nakaalam? ” Tumango ako.

“ Whoah! Biruin mo? Only heir ng mga Reyes, marami rin palang flaws. Andami kong nalaman ngayon araw. Takot ka sa heights, takot ka sa mythical creatures at… ano pa ba? ” Sabi niya. 

Nalaman mong mahal kita. Mahal na mahal. ” tapos, nabigla siya kasi niyakap ko siya. Oh, akala niyo, hahalikan ko no?

  

Juriel’s POV

Nalaman mong mahal kita. Mahal na mahal.  ” Okay, ako na nagulat sa dinugtong niya. pero mas nagulat ako nung niyakap niya ako. Should I forgive him? 

I’m sorry. ” Sabi ko tapos bumitaw siya sa pagkakayakap at tinignan ako. 

Ako dapat ang nagsasabi niyan. Bakit ka nagso-sorry? ” Tanong niya. 

Well, first of all, hindi naman ako yung nasaktan mo, pero nag-over react ako. Second, nagi-guilty ako sa ginawa ko sayo. Well, sobra akong galit sa iyo kasi mahal na mahal ko yung kapatid ko pero sinaktan mo. Hindi ko nga siya sinisigawan or sinasaktan kasi nagiisa ko siyang kapatid pero ikaw, ang laki ng guts mo para saktan siya. ” Sabi ko. 

I’m so- ” pero pinutol ko. 

Hindi pako tapos. Pang-huli, pakiramdam ko, ang selfish ko. Hindi naman ako yung nasasaktan eh. Kung hindi ikaw. And, hindi man lang kita napansin. Though, the way to get my attention is really stupid, I was touched. Kaya, sorry sa lahat ng yun. And, pinapatawad narin kita. ” Sabi ko. Then, ngumiti siya ng malaki. As in, parang si Ronald Mcdonald!

 “ Talaga? Pinapatawad mo na ako? Thank You! ” tapos binuhat niya ako at inikot ikot.

 “ Ano baaaa! Ibaba mo ako! Arvin Paolo Reyes! Ang kulit mo! Ibaba mo ako sabi eh!” Sabi ko at binaba niya ako. Nagtawanan kaming dalawa.

 “ Eh, about dun sa sinabi ko? Yung, mahal kita? Can you... reconsider? ” Sabi niya. Oh. I almost forgot. I don’t know what’s happening to me pero kinikilig ako! Ganito pala ang feeling ng may nagmamahal sayo? Kaya pala palaging blooming si Mika eh. 

Yes. But! You still need to court me! ” Sabi ko. Tapos, nagtatatalon siya sa tuwa. Baliw ka na talaga, Jam. 

Yes! Sabi mo yan ha! Promise! I’ll court you kahit ilang taon pa! Basta, I’ll keep my loyalty to you! ” Sabi niya. Okay? Ako na kinilig! 

Are you sure you can do that? Eh, kung sino sino nga ang date mo. Iba iba pa araw araw! ”Sabi ko. 

Yes, I’m pretty sure I can. Tsaka, ginagawa ko lang yun para pagselosin ka. Kaso di ume-effect!  ” Sabi niya. Pagselosin? Tch. Pati ba naman yung way na yun, naisip niya? Kaya pala harap harapan siyang nambababae eh! Then, kinuha niya yung kamay ko at nilagay sa chest niya. Yung part kung nasaan yung puso.

 “ Promise, Juriel, ikaw lang ang laman nito. I’ll keep my loyalty to one and only girl. At ikaw yun. I love you Juriel. ” Sabi niya. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagiging sincere. Ganito pala ma-inlove ang mga mayayaman? 

Tama na. Tara na nga!” Tapos, hinawakan ko yung kamay niya. 

Lord, thank you! Kapatawaran lang ang hinihiling ko, pero umabot pa sa pagpayag niyang ligawan ko siya! You’re the best bro! ” Narinig kong sabi niya.

 

Your decision’s right, Jam. Oras na para ikaw naman ang maging masaya. 

Continue Reading

You'll Also Like

3K 66 22
"Taste the sweet blends of coffee, sweet thoughts with pastries, and bottomless true love and genuine happiness." Ano nga ba ang mai-offer sa'yo ng...
859K 2.6K 7
THIS STORY WILL BE REMOVED FROM WATTPAD SOON :(
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.1M 78.4K 70
Hindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa...