Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 72: His Girl

1.9K 35 3
By kevayDREAMER

hi! Congrats po sa mga bagong graduates na! Dedicate to Jenny and Pauline. Congratulations! :)

****

"Thanks Ash ah."



"wag ka ngang umiyak dyan! Ang panget mo umiyak! Hindi bagay! Hahaha!"



"grabe ka! Ngayon nga lang ako umiyak sayo. Tears of joy yan!"


Inaasar ko si Carlo. After namin magsayaw ni Vince, nagchange partners. Napunta ako kila Lawrence, Bryan tapos sa iba pang players hanggang eto, kay Carlo. Hindi ko akalain na iiyak sya sa akin. Mga kalalaking tao, players pa man din sila. PFFFT.



Pero, tama naman pinunta ko diba? PROM NIGHT ngayon. Bakit may mga umiiyak?!


Actually, natotouch ako kay Vince saka kay Carlo. Sila lang yung ilang lalaki sa mundo na nagpapatunay na meron paring seryoso sa pagmamahal.



"Ash,naalala mo nung Christmas Ball? Akala ko hindi na kami magiging ok ni Khate. Malakas na sampal yung sinabi mo sakin dati na nagparealize sakin na tinamaan talaga ako kay Khate"



bahagya syang ngumiti bago nya ko yakapin. Naalala ko tuloy yung kanina kay Vince. Yung itsura nya nung sabihin ko na i lelet go ko na sya. Halos hindi sya makapagsalita at nakatitig lang sya sakin. Ang gusto ko lang naman yung makamove on sya,yung makahanap sya ng iba. Yung mas better kesa sakin.


Hindi ko alam kung ilang kanta na ba yung nasayaw namin. Nagpapakiramdaman lang kami sa isa't isa. Pero bago nya ko ibigay kay Lawrence, inassure na nyang Bestfriends parin kami at gusto nyang ibalik yung kami, noon.



"Ash, bakit ganun? Eto ba yung sinasabi nilang karma? Kung kelan ako naging seryoso dun pa..."



hindi na nya matuloy-tuloy yung sasabihin nya. Hinanap ng mata ko si Khate, at napansin kong magkasayaw sila ni Vince.



"alam kong g*go ako, pero sya yung dahilan ng pagbabago ko! Gusto ko pa syang makasama ng matagal Ash. Gusto ko sya yung makasama ko habang buhay. Pero paano mangyayari yun? Kung...Kung.. Mawawala na sya"



napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Alam ko kung gaano kasakit yung nararamdaman nya ngayon.

"mali bang mahalin ko sya? Mali bang mahalin yung taong may taning na yung buhay? Kung pwede lang ibigay yung buhay ko sakanya,gagawin ko. Ayoko syang makitang nahihirapan sa sakit nya! Ayoko ng dumating yung araw na tuluyan na syang mawala! Ang sakit sakit Ashley! Kung kelan ako nagpakaseryoso, dun ako g*g*hin ng tadhana!"



hinahaplos ko lang yung likod nya. Hinahayaan ko muna syang umiyak lang ng umiyak. Hindi ko nga alam kung may nakakapansin ba na dalawang lalaki na yung umiiyak sakin. Galing din ng mga ito eh, yayakap lang para itagong umiiyak sila. Bading!



Ramdam ko rin naman kung gaano nasasaktan ngayon si Carlo. Kung ibang lalaki lang siguro yun, baka layuan na ng tuluyuan si Khate. Pero si Carlo, patuloy parin nyang pinaparamdam kay Khate na mahalnya talaga sya. Hindi sya sumusuko.



"Carlo, naniniwala ka ba sa miracle? Yung magkagusto lang sayo yung crush mo, parang miracle na yun diba? Yung mga bagay na hindi mo ineexpect na mapupunta sayo. Minsan hindi rin masamang maniwala sa miracle. Kahit 99% lang yung chance na hindi mangyari yun, may 1% ka parin na reason para umasang matutupad yun. And that is your miracle"




hinigpitan ko yung yakap ko sakanya dahil ito lang ang alam kong way para icomfort sya. Pinapakinggan lang nya ko pero ramdam ko parin yung paghikbi nya.


"masakit umasa diba? Pero madalas patuloy parin tayo sa pag-asa. Lagi tayong umaasang may miracle kasi dun tayo humuhugot ng lakas para maging masaya..para magpatuloy. Ikaw ba, bakit ka patuloy na umaasa?"



"kasi naniniwala akong kahit gaano ako kag*g* papakinggan parin ako ni Lord."


napangiti ako sa sagot nya. Tumingin sya sa akin at mukhang ok na sya ulit ngayon.

"Ano sabi nung doctor? Miracle na lang ang kelangan natin. So, meron tayong 1%, 2%, 3% or pwede rin nating paabutin ng 100%, basta wag lang tayong susuko Carlo. Kakayanin ni Khate toh. Samahan natin sya hanggang sa huli. Miracle lang ang mapanghahawakan natin ngayon. At gawin na natin ang lahat ng magpapasaya sakanya, para kung dumating man yung araw na yun, iiwan nya tayo ng punong-puno ng memories. Mawala man sya, pwede parin sya magpatuloy dito, satin."


tinuro ko kung nasan yung puso ko.Sa totoo lang, takot din naman akong mangyari yun. Pero umaasa ako na makakasama parin namin sya ng matagal. Hindi naman masamang umasa diba? Naniniwala ka lang naman na may miracle. Not exactly sa gusto mong mangyari, pero sa plan ni God.



Sandali pa kaming nag-usap bago bumalik yung 'Half-human, half-animal like' ni Carlo. PSH. kanina parang batang umiiyak, tapos ngayon batang pasaway! Kulit kulit.


"Tingin mo talaga Ash? 100% sure?"


"hindi lang 100. 143%"

"psh. Nahahawa ka na kay Daniel ah. Tara na nga. Balik na kita"


hinawakan pa nya kamay ko pero pinigilan ko sya. Pinaharap ko sya kung saan nakapwesto sila Khate.


"Kung ako sayo isasayaw ko na sya bago pa sya mapagod kakasayaw sa iba." nasa likod nya ako at nakahawak sa magkabilang balikat nya. "Go na! Wag ng patorpe! Bading mo"


bigla ko syang tinulak. Aangal pa sana kaso napangiti na sya. May paheart heart sign pa sya sakin bago puntahan si Khate.


Hayst. Kaiyak! Nagmamature na si Carlo. Huhu! Binata na sya!PFFFT! Ahahaha! Parang nanay lang ang peg ko? Yikes!


So, ano pang gagawin ko? Hanapin si Daniel. Actually kanina ko pa sya hinahanap. Hindi man lang ako isayaw nung mokong na yun.



Pumunta na ko sa table at naabutan ko syang mag-isa. Seriously? Nakaupo lang ba sya dyan simula kanina?

Parang nakaramdam naman ako ng guilt sa naisip ko. Imposible namang ganun? Pero pano nga kung hinihintay lang nya ko? Eh kasi naman ASHLEY! Ikaw yung girlfriend tapos nakuha mong makipagsayaw sa iba at iwan sya? Samantalang dapat sya yung laging kong kasama ngayon.



"sige zoom pa."

umupo ako sa may tabi nya. Nagulat pa nga yata sya kasi bigla nyang inoff phone ko. Aysus! Trip na naman nya pictures ko. Makazoom wagas! Kaya ayokong pinapahawak sakanya yan eh.



"Hindi ka pa ba nagsasawang titigan mukha ko? Kelangan talaga izoom pa."


umiling lang sya at ngumiti. kinuha ko nasakanya yung iPod. Hayst. Malungkot nga sya ngayon, at dahil yun sakin. Kasi usually kukulitin nya ako agad or ituturo nya yung nakakatawa kong picture, mang-iinis sa pisngi ko, lalambingin or babanat ng cheesy words nya pero hindi yun yung nangyari.




"Kanina ka pa nakaupo dito? Bakit hindi ka sumama kila Carlo? Andun kaya ako. Nasayaw na nga nila akong lahat dun."


"hinihintay kasi kita"



lub.dub.lub.dub


napatingin ako sakanya pero umiwas lang sya sakin. Pakiramdam ko nagseselos na naman sya kay Vince. Kasi nga naman, sya dapat PromDate ko, kaso iniinsist ko talaga na kami dapat ni Vince magkapartner ngayon.


"baliw. Hinahanap nga kita dun. Naghihintayan lang pala tayo.Lapit ka nga dito, picture tayo! Onti palang pictures natin."



ang awkward na. Ayoko naman maging malungkot Prom nya. Tungek kasi! Hindi nalang mag-enjoy. Kelangan talaga laging kasama ako?


"ako nalang magpipicture sayo"



"eee. Gusto ko dalawa tayo."


"nakakahiya kasing tignan, nagpipicture tayong dalawa lang? ahaha! Ikaw nalang, akin na"



"so, kinahihiya mo ko Mr. Justine Daniel Sanchez? Nakakahiya na palang magpapicture sa boyfriend?"



nakapout na ko. Napakamot na sya ng ulo. Hindi na nyan ako matitiis. AHAHAHA! Halatang nag-aalangan sya.


"ok lang sana kung hindi lang maraming tao. Nakakailang magpicture,baby"

 

Hindi ako nagsalita. Nilapit ko yung upuan ko sakanya, as in pinagdikit ko na tapos tumingin sakanya with my puppy-eyes look while pouting. Pinipigilan kong matawa sa ginagawa ko. AHAHA! kelan ko nga ba sya ulit ginamitan ng ganitong technique? Ang effective kasi. Ayan na oh, hindi na nya malaman kung saan titingin. Napakagat na sya sa lower lip nya. Pffft!



"hayst. Talo na naman ako. Iba ka talaga baby ko"


pinisil pa nya yung pisngi ko. Napangiti naman ako. See? He can't resist me!



"Game! Game! Dali"

nagpicture na kaming dalawa. Nakakailang nga kasi may mga dumadaan. Ahaha! Pero ayos lang. Wapakels na!



"nakakainis ka! Ang panget! Hindi naman ganyan yung ngiti mo eh"



"anong problema sa ngiti ko?"



"parang hindi naman ikaw yan eh. Hindi ka ba masaya ngayon?"



sige! Itanong mo pa Ash. Maganda yan! PSH. ang tipid lang ng ngiti nya. Halata namang wala sya sa mood ngayon,tinanong ko pa. Napilitan lang talaga sya dahil gusto ko.


"tara na. Ulitin nalang."

hindi nya sinagot tanong ko. nakangiti sya pero ramdam ko na hindi sya masaya.


Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi na kinagulat naman nya. Namula tuloy sya bigla sa ginawa ko.


"I love you baby ko"


napangiti na sya. Yung ngiting kanina ko pa hinahanap sakanya. Inakbayan nya ko sabay halik sa noo ko at pisil sa ilong ko.



"I love you too! Bakit ang sweet ng baby ko ngayon?"



"eh kasi malungkot ka."



"hindi. masaya na ko kasi kasama na kita. Ako na nga magpipicture"



ayan na! Balik Daniel na ulit sya. Mas gusto ko na ganito sya. Kahit na gaano sya kakulit o pasaway, basta ayaw kapag malungkot sya.


Inaasar na naman nya ko. Ginagayalahat nya ng mga pose ko, kainis! nakukurot ko tuloy sya.



"ahaha! Ang cute nga ng pose mo. Aray! Oh eto na. one..two.."



"DANIEL! Delete mo yan!"



nakanguso kasi ako tapos bigla syang humalik sa pisngi ko. Ayan tuloy! Napicturan!

"Best shot! Wag mong didelete toh. Kapag dinelete mo may iaupload ako."

"Psh.ok fine! Fine! Ayoko na nga."


nang ba-blackmail na naman po sya. Nakakainis! Trip na trip nya kasing irecord yung phone calls namin. Kaya minsan ayokong sagutin tawag nya or maging sweet sakanya sa phone. Asar!



"Galit ka na nyan? Ahmm. Gusto mong puntahan natin sila Khate?"

napatingin ako ulit sakanya matapos kong itago sa pouch ko yung phone. Mukha syang ewan! Parang nahihiyang hindi makatingin sakin.


"problema mo?"

napapakagat sya sa labi nya at namumula na yung mukha nya. Wag mong sasabihing najejebs sya? PFFFT! pero dapat namumutla sya, hindi namumula.


"nahihiya kasi ako. baka ayaw mo o kaya pagod ka na"



"ano ba yun? May pahiya-hiya ka pang nalalaman."



"ano ba yan hindi mo parin gets?"



"psh. Kung nililinaw mo diba?"



Nakasimangot na ko. Ang gulo nya kasi, hindi pa sabihin.



Tumayo sya bigla. Akala ko kung anong gagawin pero lumuhod LANG NAMAN sya sa harap ko. OMG! Anong ginagawa nya?


"May I have a dance with you, my princess"



"Do I have a choice? Para kang baliw!"



Binigay ko na sakanya yung kamay ko at hindi ko maalis yung ngiti ko. Matatanggihan ko ba sya? Eh kanina ko pa nga hinihintay na yayain nya kong magsayaw!



Pumunta kami sa may pinakacenter pa, dun daw nya gusto. Ang arteee! Ang dami nyang alam! Kinakabahan daw sya kanina, kasi first time nya ko yayain sumayaw. YEP! first time!, pano kasi nung Christmas Ball hindi nya nagawa. Kahit na boyfriend ko na sya, may mga times talaga na nagkakaroon kami ng ilangan. Hindi pa kami ganun kasanay.


"Mukha ka talagang princess"


"napansin ko lang na kanina mo pa ko binobola, may kelangan ka sakin?"



"wala. Ano pa ba hihingiin ko sayo, eh akin ka na"



hinapit nya pa ko lalo sakanya. Nagsasayaw na kami at puro pambobola naririnig ko sakanya.


"Sus! Sige. Pogi ka na."



"kanina sabi mo hindi?"

 

"Kelan ka pa hindi naging pogi? Mas lalo ka lang pumogi sa black suits mo then sa hairstyle. Pero mas gusto ko yung buhok mo na walang gel"


gusto ko talaga yung parang sa vaseline lang yung buhok nya. Nagflafly away. Ganun lang sya kapag nagbabasketball, ang hot lang tignan ng buhok nya kapag tumatakbo or nagshoshoot. Kyaaah!~



puro ang ganda mo, saka I love you sinasabi nya. Parang tungek lang talaga. Ang sakit na ng paa ko pero hindi ko naman masabi sakanya dahil ngayon palang nya inienjoy yung Prom.



"Bakit kasi andun ka lang kanina? Eh di sana kanina pa tayo magkasayaw. Sinayaw na ko ng mga tropa mo,ikaw nalang talaga kulang"



"malay ko ba? Akala ko after ni Vince babalik ka sa table"


"eh pinagpasa-pasahan na nila ako. Nga pala, bakit hindi mo isayaw si Khate? Or yung classmates mong girl? Para sana hindi ka na naghintay dun"



"kasi nga, gusto ko first and last dance kita."


lub.dub.lub.dub


ang unfair ko ba kung hindi ko naisip yun? Automatic na sya na yung last dance, pero yung first.... Gusto ko si Vince.


"Saka isasayaw ko pa ba si Khate? Mukhang ayaw narin sya bitawan nung isa uh."


"alam mo umiyak si Carlo sakin kanina pati..... Pati narin si Vince"



nasabi ko bigla yun ng makita ko yung ngiti Carlo. Aww. ang daldal talaga ng bibig ko. Hindi ko sana sasabihin yung about kay Vince pero ayan na. Napipiyok piyok pa ko.



"oh? Crying shoulder ka na pala."

"Ngayon lang yun, hindi na iiyak mga bading na yun sakin, Promise! Ikaw lang pwede"



parang naman may kasalanan ako para mag-explain pa? kasi naman! Naman! Naman! Yung ngiti saka titig nya, alam na alam ko ng may something na naman yun.


"What do you mean? Papaiyakin mo ko?"



"hindi ah! Ikaw lang pwedeng sumandal sa balikat ko."



"aah. Ok lang naman yun, kaibigan mo sila at kelangan ka nila kaya naiintindihan ko yun"




oh diba? Napakaunderstanding lang ng boyfriend ko. Nakakaiyak sa sobrang bait.

"May sasabihin rin pala ko sayo"


hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan. Ewan ko ba. Lalo pangnagpapakaba sakin yung titig nya. Walang kaemosyon emosyon.



"Ano naman yun?"

napasandal ako sa dibdib nya, ayaw kong tignan sya. Lalo akong kinakabahan eh. Wala pa naman akong idea kung anong sasabihin nya.


Niyakap nya pa ko habang hinahaplos yung buhok. Ang tagal nya sumagot! Pasuspense! Hindi nya ba alam na nahihilo na ko kakaisip sa reason nya. Malay ko kung may problema ba kami or makikipagbreak na sya. Malay ko ba kung ayaw na nya dahil kay Vince! Eh pano nga kung nagsasawa na sya kasi mas pinili kong maging partner si Vince kesa--



"Bading ako"



hayst. Bading lang naman pala sya---napatingin ako bigla sakanya. Yung ngiti nya, parang kulang nalang sabihin nyang 'I got you! Kinakabahan sya' AISH! may paseryoso seryoso pa sya ng mukha.


Tinitigan ko sya, yung as in titig na nakakamatay!



"uy joke lang. Ahahaha! Wag mo nga kong titigan ng ganyan, baka mahalikan kita--Aray! Aray! Hindi na girl! Hindi tayo talo. Awch!"


kinukurot ko sya sa braso nya. Ang bading nya kasi! Natatawa ako! HAHAHAHA! ang panget kasi tignan sakanya. Hindi bagay magbading badingan.


"araay! Masakit girl! Sumbong kita kay fafa Carlo. Away mo ko"


"Baby hindi bagay sayo! Ahahaha! Pero ganyan ka nalang lagi girl. Ang kyut kyut mo,swear!"



"psh. tinry lang, natuwa ka naman. Nakakakilabot kaya. Ayoko ng ulitin. Kadiri"



maka-kadiri naman sya. Eh ang kyut nga nya tignan, lalo na yung way ng pagsasalita. PFFFT! GIRLIE!


"sige na please! Bading ka nalang. Endearment nalang din natin yung Girl, wag ng baby"


"Baby hindi pwede. Sayang lahi ko. Ahahaha"



nalungkot naman ako bigla. Akala ko pa naman may kaclose na kong bading. Bibihira naman kasi bading sa campus. Si Carlo lang saka si Bryan. HAYST.

"baby ko, wag ng ipilit. Paminsan minsan lang dapat, wag palagi ha? Nakakahiya kasi girl"



"yiiee. Okay! Okay! Alam mo hindi na tayo nagsasayaw."


biglang singit ko. Parang nakatayo lang kami at nag-uusap. Ahahaha!  Kasi si girl eh!



"hindi ba? Eh di game na"



kinuha nya yung kamay ko at pinaikot ako. Meron pa na siya yung umiikot na parang bading lang. Napapatingin tuloy samin yung iba. ang hyper kasi! Para na nya kong hinahagis. Yung tipong dinadala nya ko, nagsway sway pa as in parang matutumba ako, nawawalan ako ng balance dahil sa nakaheels pa ko. Pero hindi ako natatakot kasi hawak nya mga kamay ko....



Alam kong hindi nya ko bibitawan.



*****



"Ayaw mo ba talagang ihatid kita?"


"Wag na. Keri na ni Vince yan. Si Khate na yung ihatid mo, kinakabahan ako kapag si Carlo yung nagdadrive. Atleast pag-ikaw alam kong safe"


"so,ako yung driver nila?"



napahinga pa sya ng malalim pagkatapos nya ikabit yung seatbelt ko. WAAAHH! ano ba dapat kong gawin? Kanina pa sya nag-iinsist sa paghahatid sakin. Alam kong sobra-sobra na yung pagkaunderstanding nya sakin, pero ngayon lang naman eh. Ayoko lang maiwan si Vince.


"baby, nagtatampo ka?"



"hindi. Sige na tawagin ko na si Vince. Ingat kayo ah. Thank you for this night."


he smiled then ginulo pa nya yung buhok ko bago isara yung pinto ng kotse. Psh! Dinadadaan daan lang nya sa pagngiti! Nakakokonsensya lalo.



Bago pa sya makaalis, binuksan ko agad yung bintana.



"psst!. Asan yung kiss ko?"



tinuro ko yung pisngi ko. Halata yung pamumula ng mukha nya sa sinabi ko. PFFFT. Kitang kita ko yung pagblablush nya, ang pogi lang talaga ni Daniel. Kapag pala ganitong hindi nya ineexpect mga sasabihin ko, mabilis syang magblush. Parang kanina lang din sa may table.


Nakahawak pa sya sa may batok nya,paglapit nya ulit. At yung ngiti nya, emeyghed! Water please! Ayan na naman yung smile nya.


Lub.dub.lub.dub



Mas lalo akong naiinlove sakanya.

"I love you Ashley" hindi na nya binuksan yung pinto, pinasok lang nya ulo nya sa may bintana tapos hinalikan nya ko ng matagal sa pisngi.


"I love you too. Ingat sa pagdrive ah?"

"yes boss! Sa sunday, wag mong kakalimutan yung date natin 4pm, sunduin kita."

"Opo. Babye na. Tawagin mo na si Vince. Para makapagpahinga narin si Khate."

Aangal pa sana sya eh. Kesho nagpakiss lang daw ako. Sus. Ayaw lang nya kong pauwiin.

Nauna kami umalis ni Vince. Itong lalaking toh naman, kung hindi ako binabara sinusungitan sa byahe. PSH. pero yung way naman ng pagsusungit nya sakin tulad lang din ng dati pabiro lang.

"Aray ko! Pag tayo na bangga B!wag mo nga kong hampasin!"

"eh kasi naman ikaw! Sagutin mo na kasi tanong ko B. Wala ka na bang ibang crush sa campus?"

"wala nga. Kulit nito"

nabuburyo na talaga ko kay Vince. Sya na nga tutulungan ko makahanap ng lovelife, ayaw pa.

"Balita ko B, may crush daw sayo si Jenny yung Cheerleader ng basketball team. YIIIEE. Diba sinayaw mo sya kanina? Naks!! Kinikilig ka nuh?"

nakaharap ako sakanya. Seryoso magdrive samantalang ako nanggugulo. Pffft. Mapapagalitan na naman nyan ako ni Vince. Gusto ko talaga iniinis sya tulad kay Daniel, sumisingit kasi mata nila. KYOT!

"Ay saka pala B, si Paulene! yung cheerleader naman ng soccer team nyo. may gusto rin sayo yun diba? Wow! POGI naman talaga. Puro chicks ah. Labanan ba nang captains ng cheering squad? Sinong mas bet mo? Huy! Huy B! Joshua Vincent Garcia!"

Sinusundot ko yung tagiliran nya pero hindi man lang nakikiliti. Bigla syang nagbreak na dahilan pa ng muntik na pagkasubsob ko.

"hinahamon mo ba ako B?"

napausog ako agad at hinarang yung mga kamay ko. NO WAY! Yung ganyang titig nya.. Alam naman nyang talo ako pagdating dyan! Weakness ko talaga yan!


"wala ka pala eh. Tsk. Tsk. Weak"

urgh! Ang yabang! Kasalanan ko bang malakas kiliti ko?! Siopao yan! Pasmirk smirk pa. Parang nakalamang talaga sya sakin. K! talo na naman ako.

"Gusto ko lang naman malaman. Syempre bilang bestfriend mo, titignan ko muna kung papasa sya. Dapat kasing ganda ko rin."

"Sinabihan lang kita na maganda nawili ka na agad? Ahaha! Oo maganda sya,kaya wag ka ng magworry"

napatingin ako ulit sakanya. As in yung gulat na gulat. Maganda SYA? Sinong sya?!


Natauhan naman ako ng pitikin nya ko sa may noo. Seriously? Sino yun?!


"Gulat na gulat lang B? O nagwapuhan ka na naman sakin?"

napasimangot ako bigla. Tawa pa eh! Dami na nyang sinisikreto sakin!

Pinaandar na nya ulit yung sasakyan. Ibang topic naman yung tinatanong ko ngayon. Sino yung girl?! Naiinis na ko kakaisip kung sino pwede. Kaso ayaw nya talagang sabihin! Irita!


"psh! Next time ko na papakilala. Hindi pa naman kami kaya wag ng magulo"


"kasi naman B!" hinampas ko pa sya sa braso nya bago ako umupo ng maayos. Ayoko na! Hindi nya talaga sasabihin sakin. "Hayst. Basta kapag nagkagirlfriend ka, papakilala mo sakin agad. At saka dapat bestfriend mo parin ako ah? Baka kasi hindi mo na ko kakausapin porket meron ka na. Gusto ko ganito parin tayo B"

hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko. Nakayuko lang ako at nilalaro yung mga daliri ko. Nahihiya akong tumingin sakanya. EWAN KO KUNG BAKIT! Nalilito ako. I admit, hindi ako masayang malaman na may iba syang gusto. Parang nakaramdam ako ng takot na baka may mag-iba samin. Pero diba ako na nagpupush sakanya para magmahal sya ng iba?


"oo naman. Bestfriends tayo diba? Kahit anong mangyari wala naman yatang magbabago dun.... Kasi hanggang doon lang tayo"

****

to be continued :)

VOTE COMMENT FOLLOW>

THANKIES <3

Congrats din pala sa mga bagong ISKA and ISKO. yieee. be grateful. sa 40K+ na nagexam, 20% I think yung kota. so, Congratulations! aral mabuti. :">

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 43.5K 57
Ex-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous str...
1.7M 49.4K 62
In the universe there are only two worlds that the person can call home, one is for the good and one is for the bad. It is really a good thing when y...
15.8M 780K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
27.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...