CHAPTER 14 -- ANG MAHIWAGANG T-SHIRT
SHERI GONZALES
Natapos ang summer term at ilang linggo lang na bakasyon ang ibinigay sa amin, kaya hello first sem kami kaagad!
Fourth year na kami! Yipee!
Actually sabay kaming ga-graduate ni Sam kasi engineering ang course nya.
Syempre, tambayan pa din namin ang office ng club lalo na kapag Saturday.
Pagpasok ko sa office namin may nakita akong paper bag na nakapatong sa table ko.
“Kanino ‘to?” Tanong ko kay Apple.
“Aba ewan ko, sabay lang tayong pumasok di ba?” Pamimilosopo nya.
Kinuha ko yung paper bag at chineck kung kanino yun. Ayoko namang mag-assume na sa akin yun. Hehe!
Sheri
Yun lang ang nakasulat sa card na kasama nung paper bag.
Binuksan ko yun at may laman syang shirt sa loob.
Pink and white stripes yung shirt at may small pocket sa left chest na may naka-embroider na puso pero half lang.
“Ang cute,” sabi ni Apple nang makita nya din yung shirt. “Kanino galing?” Tanong nya.
“Walang nakasulat,” sagot ko.
“Baka galing kay Keizer,” sabi ni Apple.
“Siguro.”
“Anong meron? Bakit ka nya binigyan nyan?”
“Ewan ko.”
“Ayiee! Parang yung flowers lang, eh. Binibigay kahit walang occasion.”
Pero nagdududa ako sa damit na ito, eh. Kaka-IBA.
“Iwan muna kita dito, mag-c-cr lang ako,” sabi ko kay Apple.
Paglabas ko ng office nakasalubong ko si Keizer. Nang nakita ko sya, natigilan ako.
Sabi ko na, eh.
“Nakita mo na ba yung nasa table mo?” Tanong nya kaagad.
Tumango ako. “Para saan yun?”
“Wala lang.” Nag-smile sya. “Terno tayo,” sabi nya.
Yung bigay nyang shirt, COUPLE SHIRT!
Ang suot nya kasi ngayon, kaparehas nung damit na bigay nya sa akin, navy blue lang at white yung stripes nung kanya! At meron din yung small pocket! Nandun din ang kalahati nung heart na naka-embroider.
“Pinasadya ko yung damit para wala tayong katulad.”
Bakit kami may couple shirt eh hindi naman kami???
“Bakit?” Yun na lang ang naitanong ko.
“Anong bakit?”
“Couple shirt ba ang binigay mo?” Straight na tanong ko.
Tumango lang sya.
“Bakit?” Tanong ko ulit.
“Sheri, alam kong hindi pa tayo, pero gusto ko lang talagang bigyan ka ng ganyan. Hindi naman halata na couple shirt, ah.” Pagmamalaki nya.
Hindi nga naman halata. Mahahalata mo lang kapag nakita mo yung kalahating heart na naka-embroider.
Pero kahit na! Ayokong mag-suot ng couple shirt! Huhuhu!
“Basta isusuot mo yun, ha. Una na ako, may klase pa ako eh. Dumaan lang ako para tingnan kung nakuha mo na yung gift ko.”
“Okay, thank you dun sa shirt.” I faked a smile.
Ang sama ko ‘no? Ako na nga itong binigyan ako pa ang nagkakaganito.
Eh, nako-kornihan lang talaga kasi ako sa mga ganyang bagay!
“Ah, Sheri,” tawag nya. Hindi pa kasi sya nakakalayo eh.
“Bakit?”
“Sabay tayong uuwi, ha. Bye!” Umalis na sya ng tuluyan.
Tsk.
Hindi pa tapos yung internship nila kaya nagkaroon sila ng alternative class every Saturday. Maapektuhan kasi nung intern nila yung class nila na dapat ay M-W-F kaya pinatapos muna sila ng intern till next week para maibalik sa normal yung klase nila.
Pagkagaling ko sa CR bumalik ako sa office.
“Bakit ang tagal mo naman yata?” Tanong ni Apple.
“Nakita ko kasi si Keizer at sa kanya nga galing ang damit na ‘to.”
“Ang sweet nya ha. Bawi kung bawi ang drama nya! Napansin ko simula nung nagkabati kayo, naging sobrang sweet naman yata nya. Inihahatid ka araw-araw sa bahay nyo, may flowers kahit walang occasion, tapos ngayon, may regalo din.”
“Hay, kahit nga ako nagtataka na din. Ganun ba talaga ang nanliligaw?” Sensya na ha, walang experience eh. Haha.
“Depende naman yun sa nanliligaw. Eh kung sa ganyan naman talaga sya manligaw, wala tayong magagawa. Ang taray ng lolo mo manligaw!” Natatawang sagot ni Apple.
“Alam mo bang couple shirt ‘to?”
“Weh?!” Gulat na tanong ni Apple. “Asan yung ka-partner?” Tanong nya ulit.
“Suot na nya.”
“Anong itsura nung kanya?”
“Ganito din, pero navy blue and white lang yung stripes nung sa kanya.”
“So nasa pocket nung shirt nya ang kalahati ng heart na ito?”
“Oo.”
“Ay, di ba sabi mo sa amin dati, kapag nagka-boyfriend ka, ayaw mo na magsusuot kayo ng couple shirt? Paano na ngayon?”
“Hmp! Hindi ko nga alam kung paano ko ba ito isusuot!” Sumimangot ako.
“Isuot mo na lang din.”
“Ano pa nga bang magagawa ko? Lahat ng ayoko, ginagawa nya.”
“Pero kinikilig ka?” Nahuli ako dun ni Apple.
Napangiti naman ako bigla. “Syempre.”
“Kita mo na! Pakunyari ka pang ayaw mo nitong shirt, eh gusto mo naman!”
“Hay, ewan ko ba.”
“Bakit ba kasi ayaw mong mag-suot ng ganyan? Ang cute kaya!”
“Eh nako-kornihan nga kasi ako,” sagot ko.
“Nyeks! Alam mo baliktad kayo ni Keizer. Sya yung guy, pero sya pa yung may gusto na mag-couple shirt kayo, tapos ikaw naman itong may ayaw.”
“Praning na sya talaga. By the way, i-ready mo na yung mga list ng applicants para sa interview sa Monday,” paalala ko kay Apple.
“Grabe ka naman makapag-ready parang isang daan sila! Sampu lang yung mga nagpalista! Hahahaha.”
Dahil nag-graduate na yung iba naming kasama dito sa club, kailangan namin ng mga bagong members.
Ten nga lang ang nagpalista. Kaya siguradong mabilis lang ang interview portion.
Nang maka-uwi ako sa bahay, ini-hanger ko yung shirt na bigay ni Keizer.
Tiningnan ko yun ng mabuti. Cute naman talaga yung shirt, eh. Ako lang talaga ang maarte.
Kinuha ko yung planner ko at sinulat ko dun yung iba pang activities na gagawin namin for June.
Nang marating ko ang June 22 bigla kong naalala na birthday yun ni Keizer.
Hmmm…Ano kayang ibibigay ko sa birthday nya?
Ang hirap namang mag-isip para dun.
Biglang pumasok sa isip ko na itext sya. Wala lang, namiss ko lang sya. CHOS! Inihatid nya ako pauwi tapos miss agad? Timang lang? Haha.
“alm mo, lht ng ayoko gnagwa mo
…pro lht ng ayoko,nagugustuhan ko bsta ikw ang gumagawa nun para sa akn :)” -- Ako
Ayieee! Mabuhay ang mga cheesy! Hahaha!
Mabilis naman syang nag-reply.
“aln ung mga ayw mo n gnagwa ko?hndi ko na ult ggwin, wg kng magalit skn pls :(” --Keizer
Hala! Hindi uso sa kanya ang scroll down? Hahaha.
“basahin mong mabuti ung txt ko.scroll down.” -- Ako
Hindi na sya nagreply.
Are you ready kids?
I said are you ready?
who lives in a pineapple under the sea
Spongebob SquarePants
Tumawag sya.
“Hello,” sagot ko.
(“Ano yung mga ayaw mo pero ginawa ko?” Tanong nya kaagad.)
“Madami. Una ayoko na palagi akong tinatanong kung kumain na ‘ko.”
(“Bakit naman?”)
“Eh kasi parang ang dating sa akin, napaka-irresponsible ko para hindi kumain sa tamang oras,” paliwanag ko.
(“Concern lang ako sayo, kaya kita palaging tinatanong. Ano pa?”)
“Yung paghahatid mo sa akin sa bahay. Kaya kong umuwi mag-isa, malaki na ako.”
(“Pero babae ka, madaming pwedeng mangyari sayo na hindi mo inaasahan.”)
“Ayoko yung pinagbubuksan ako ng pinto kapag sasakay ako sa sasakyan. Kaya ko namang gawin yun.”
(“Isn’t it normal na pagbuksan ng isang lalaki ang isang babae ng pinto, para makalabas sa sasakyan? Gentleman lang talaga ako.” Tumawa sya.)
“Alam ko naman yun.”
(“O, ano pang ayaw mo?”)
“Yung flowers. Nahihiya akong magdala nun sa daan.”
(“Well, I just want you to know how much I appreciate you. Normal lang din yun, Sheri.”)
“Lastly, ayokong magsuot ng couple shirt,” pag-amin ko.
Hindi sya kaagad nakasagot, nagalit yata.
(“So ayaw mo yung shirt?” Plain na tanong nya.)
“Di ba tinext ko naman na sayo, na basta ikaw ang gumagawa para sa akin nung mga bagay na ayoko, nagugustuhan ko? Ganon yung nangyayari ngayon sa akin.” Explain ko.
(“I’m glad na ganon ang nararamdaman mo. Atska ginagawa ko yung mga bagay na yun kasi gusto kong gawin yun para sa taong mahal ko.”)
“Ano ba ako sayo?” Bigla ko na lang yung naitanong.
(“Girlfriend ko.”)
HUH?!
Napangiti naman ako sa sagot nya. KINILIG AKO BIGLA!
“Girlfriend mo ako? Eh wala naman akong boyfriend.”
(“Basta girlfriend kita, kahit hindi mo ako boyfriend.”)
“Seryoso ka?”
(“Sobra.”)
After naming mag-usap, unti-unti kong na-realize kung bakit ayoko yung mga bagay na ginagawa nya.
Siguro, nasanay lang ako na walang gumagawa ng ganoon sa akin dati. Walang nagtetext sa akin kung kumain na ba ako, never may nagbigay sa akin ng flowers, at wala akong ka-partner na magsusuot ng couple shirt.
Pero masaya ako, dahil si Keizer ang gumagawa ng mga bagay na yun para sa akin. Si Keizer, ang crush ko, na may birthday next week at wala pang regalo mula sa akin. Hahaha!