Gorgeous Six

By alhiemoon

3.3K 106 8

"Gorgeous 6" Old Title: "I Love You more than I Hate You!" -Playdoll_Alhie ~~~~~~~ ~All Rights Reserved @ Pl... More

~♡♤◇♧☆~
Prologue/Characters :)
G6 • 1
G6 • 2
G6 • 3
G6 • 4
G6 • 5
G6 • 6
G6 • 7
G6 • 8
G6 • 9
G6 • 10
G6 • 12
G6 • 13
G6 • 14
G6 • 15
G6 • 16
G6 • 17
G6 • 18
G6 • 19
G6 • 20
G6 • 21
G6 • 22
G6 • 23
G6 • 24
G6 • 25
G6 • 26
G6 • 27
G6 • 28
G6 • 29
G6 • 30
G6 • 31
G6 • 32
G6 • 33
G6 • 34
G6 • 35
G6 • 36
G6 • 37
G6 • 38
G6 • 39
G6 • 40
G6 • 41
G6 • 42
G6 • 43

G6 • 11

60 1 0
By alhiemoon

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 11 •

Morning, parang ang haba talaga ng day ko nung saturday and sunday, feeling ko lang, ang dami kasing mga nangyari. Monday na today, muntik ko nang makalimutan na may atraso sa akin yung Gunggong na yun, yung pagnakaw nya ng 1st kiss ko! T^T pag-naaalala ko talaga parang gusto kong umiyak eh, badtrip talaga yun! Tss.

Well, kaylangan ko munang pumasok sa school, aba! di ako pwedeng umabsent, graduating ako ngayon. Nakalimutan ko rin palang sabihin sa inyo na 4th year high school lang ako, yung mga galunggong 6 College yung mga yun, iisang school lang kami lahat, kumpleto kasi dito eh, kaya pagCollege ko dito na agad ako diretso sa Richford.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili ko, saka ako lumabas ng kwarto. Sabay na naman kami ni Abnormal na nagbukas ng pinto, pero again, nung nakita nya ako ganun na naman yung ginawa nya.

Ano pa nga ba? Edi bagsak ng pinto, Tsss.. wala ng pag-asa yang abnormal na yan na tumino!

Naglakad nalang ako papunta sa hagdan, pero bago pa ako makaabot sa hagdan naramdaman ko naman na may humawak sa right shoulder ko kaya napalingon ako. It's the Abnormal! Ang bilis din pala kumilos nito? Di ko namalayan na kasunod ko na pala sya sa paglalakad, nilingon ko sya and he greet me ng good morning in Jiro's Way.

"ANG BAGAL MO! AKO DAPAT ANG MAUNANG MAGLAKAD SAYO, HAMPASLUPA!"

"Tss. ewan ko sayo."

Oh, di ba? Napakamahinahon nyang magGood morning sa akin. Talagang HIGH PITCH! May sakit talaga sa utak itong lalaking ito? Daig pa ako kapag nagkakaroon ng period sa nakakalokang mood switch nya. Ang aga nya rin mangasar ng Hampaslupa. Grr. Tiis lang Nicca, habaan mo pa pasensya mo, kalma lang.

Okay, nandito na kami sa dinning area, may mga nakalagay na sa table na breakfast, nandito na rin si Ate Kara, she's reading news paper, parehong pareho sila nang Dad nya, astig! Like Father like Daughter nga lang.

"Papasok ka na agad sa Richford?" tanong ni Jiro.

"Oo, bakit?" sagot naman sa kanya ni Ate Kara.

"Tss.."

"Ayaw mo yata akong papasukin dun eh?"

"Oo, ayoko!"

"Silly, ahahah, kaylangan kong pumasok dun noh, di ko pwedeng pabayaan yun lalo na't ngayong wala si Daddy, walang mag-aasikaso dun ngayon."

"Whatever." Jiro said in gay tone.

"Pfft.." pagpipigil ko ng tawa, kaya naman napatingin silang dalawa sa akin.

"What so Funny?" tanong nung may dalaw, ahahah.

"Di mo alam Jiro?" tanong naman sa kanya ni Ate.

"Tss." Inis na respond naman ni Jiro.

"Tigilan mo yang gay mode mo! Baka matuluyan ka dyan, sige ka! Baka maging MY HUSBAND'S LOVER ang peg ng Love Story nyo ni Nicca, naku! Di pwede yun! Ahahahaha." sabi naman ni Ate, kaya naman bigla akong nasamid sa sinabi nya ganun din si Jiro pero si Jiro naibuga nya yung juice na iniinom nya.

"Oh, Okay ka lang Nicca? ikaw, OA ka lang Jiro?"

"Grr. Badtrip ka talagang mangkukulam ka! Sinong nagsabi na magkakaroon kami ng Love Story nyang dukhang hampaslupa na yan! Never akong magkakagusto dyan noh! bukod sa mahirap na, PANGET PA! Sinalo nya ata lahat ng kapangitan sa mundo eh."

"Hoy! FYI! Dapat nga maging thankful ka pa sa aming mga panget eh, kung di dahil sa amin wala kayong mga magaganda ang mukha!"

"Aah, ganun, ang kapal mo ding pulubi ka noh! Wag kang magfeeling, di bagay sayo! Wag kang magmaganda! Dahil di ka maganda!"

"May sinabi ba akong maganda ako?"

*Clap* *Clap*

"Okay Love birds, stop arguing, masyado na kayong nakakakilig. Ahahaha"

"Ate!" sigaw naman ni Jiro.

"Grr." yan lang nasabi ko kay Jiro habang si Ate ang lapad ng ngiti, namana nya yung Smile ni Tita, parang may meaning na nakakatakot, yung ganun.

Nag-umpisa na kaming kumain, long silence ang naganap....

As in Long Silence.................

Ano ba! Long Silence nga eh!........................... Ahaha, pero oo, tahimik lang kaming kumakain ng almusal, taz bigla namang nagsalita si Ate Kara.

"Nicca, pano ka pala pumapasok ng school?"

"Ah, nag---"

"Isinasabay ko sya sa kotse ko." Tss. Di pa nga ako tapos magsalita saka naman sumingit itong si Jiro ng kasinungalingan nya.

"Aah, ganun ba."

"Oo, bakit? ano na naman bang balak mong bruha ka?"

"Napakasweet mo talaga sa Ate mo Jiro." sabi ko.

"Manahimik ka nga dyan, di ikaw ang kausap ko!" saway naman nya sa akin.

"Fine. Eto na, tatahimik na."

"Ahaha, agree ka Jiro na sumasabay si Nicca sayo? Eh samantalang dati yung girlfriend mo di mo man lang maisabay papuntang school aah. Ano nga ulit name nun? Uhhmm. Anne?"

"Manahimik ka nalang, isa ka rin eh, ang daldal mo!"

"Girlfriend? Uyy si Jiro, may tinatagong LANDI!" asar ko naman sa kanya, natawa naman si Ate sa sinabi ko.

"Waahahahaha, Oo Nicca, may tinatagong landi talaga yang si Baby Bro koo."

"Wag mo nga akong tawaging baby bro! Di ako bata para tawaging baby!"

"Chill, Ahaha."

"Dyan na nga kayo, nakakairita kayo! Bagay kayong magsama! Isang Tatanga-tangang uto-uto at ang mangkukulam." Jiro said sabay walkout. DRAMA KING! ahahaha. napatingin lang kami ni Ate sa isa't isa taz...

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" tumawa lang kaming dalawa ng makita namin si Jiro na nagwalk out, pareho pala kami ng nasa isip, DRAMA KING!

After namin sa Breakfast, teka wait? Jiro? Asan yun? Waaaahhhh! Wala akong kasabay papunta ng school.. T^T, Ohw. Tama lang pala! Ahahah, dapat pala matuwa ako, kesa iwan na naman nya ako kung saan kagaya nung una akong sumabay sa kanya mas ok pa na maglakad ako. Walang akward moments.

Maya-maya lang nakita ko na si Ate na papasakay na sa kotse nya.

"Ingat ka ate."

"Thanks, teka, asan si Jiro?"

"Nauna na yata umalis?"

"Edi pano yan? Wala kang kasabay papuntang school? Mejo malayo pa naman yun, taz ang dami pang Loko sa daan."

"Eeh?"

"What I mean is.... Sakin ka na sumabay ngayon, ahahah"

"Naku! Wag na ate, Okay naman na maglakad ako eh."

"Tss, nahiya pa, sige na."

"A-a---" hindi na ako nakatanggi pa dahil hinatak na nya ako at pinapasok sa kotse nya.

"Ate.."

"izzzttt... Wala ka nang magagawa, nandito ka na sa kotse ko, so, let's go..."

Ang layo ng ugali ni Ate dun kay Jiro, ilang beses ko nang nasabi toh, kaloko kasi, parang hindi sila magkapatid, then habang nagda-drive si Ate papuntang school saka naman sya nagdaldal.

"Do you want to know Jiro's Ex-girlfriend?"

"Eh, a----"

"Ganito kasi yun." Tss. eto! dito! magkaugali na sila, di ako pinapatapos magsalita.

"That girl changed him, to be honest, nainlove sa kanya ang kapatid ko and I don't know the reason why, mabait naman sya eh, ano nga ulit name nun??? Uhhh.... Anne.... Ah! Anne Sanchez, half japanese half filipina, legal yung relationship nila sa amin, pero dun sa girl hindi, kaya yung parents nung girl inilayo sya kay Jiro." Hmm, mukhang interesting ang Love Story nya sa ex-girlfriend nya.

"Bakit hindi legal sa parents nung girl?"

"Only child lang kasi si Anne, and they think na Anne is too young pa para sa relationship, pinabackground check din nila si Jiro, hindi nila nagustuhan yung palaging naiinvolved si Jiro sa mga basag ulo, masyado kasing barumbado si Jiro eh, palaging laman ng Police Station yan dahil sa pakikipagbasag ulo nya kahit saan and also ayaw ng Family ni Anne na mainvolved sa mga malalaking tao sa industry because of the Rumors na kumakalat about our family before when our Grandfather was still alive."

"Rumor?"

"Yah! The rumor said that our Family was a Mafia, Manipulative and napakalaki ng influenced which is true naman talaga before, but now? I don't think it was like that gaya ng sinasabi na."

"Oh, I see. Pero pano nagbago si Jiro dahil kay Anne?"

"Natuto si Jiro na umiwas sa kahit anong gulo, di na rin sya ganun uminom ng Liquors, and also naging mabait sya sa amin, parang anghel lang yung peg ni Anne sa kanya, pero para sa akin di sya bagay kay Jiro."

"Bakit naman?"

"Kasi ikaw ang gusto ko para sa kanya, ahahaha."

"Aah, ako.... WA-WHAAAT?" ano ba yan! Wala ako sa sarili ko! ano bang nangyari sa akin? Nadala sa kwento ni Ate?

"Ahahaha, tell me Nicca, may crush ka ba sa baby brother ko?"

"A-ah, wala aah."

"Are you sure?"

"Oo naman."

"Ahahaha, got you Nicca! Ahaha, pero possible ba na magkagusto ka kay Jiro?"

"............."

"Ba't natahimik ka?"

"Walang posibilities Ate! a big "X", cake sya, pandesal ako, steak sya, cornbeef lang ako kaya imposible."

"Well, pareho naman silang kinakain eh, kaya may posibilities, ahahaha."

"Ah, basta.. Di pwede. I hate him."

"Bakit naman?"

"I hate him kasi..."

"Kasi?"

"Kasi...."

"Kasi mahal mo na sya?"

"Ate naman, hindi noh."

"Kidding. Ahahah. Tara na nga, nandito na tayo."

Sa daldalan namin ni Ate Kara, di ko na namalayan na nandito na kami sa school. Nawala pa ako sa sarili ko.

"Sige, salamat Ate sa pagsabay sa akin, mauna na ako."

"Sus, wag mo akong itulad kay Jiro na nahihiyang may kasamang commoner, isa pa you are not just our housemate, your one of our family now specially magkaibigan ang mga parents natin."

"Sorry, Ate."

"Ahaha, sige na, mauna ka na, kaylangan ko rin kasing ipark itong baby Bluebell ko eh."

"Ah, sige po, mauna na po ako."

"Okay :)"

Mabuti nalang at walang studyante sa pinagbabaan sa akin ni Ate kaya naman agad akong pumasok sa loob ng HS Division Building at naglakad sa hallway papuntang room habang iniisip yung sinabi ni Ate kanina.

Konsenya on the GO!~ "You hate him kasi mahal mo na sya".... "You hate him kasi mahal mo na sya".... "You hate him kasi mahal mo na sya".... "You hate him kasi mahal mo na sya".... "You hate him kasi mahal mo na sya".... Kaylangan talagang paulit-ulit? Tae naman kasi, bakit naman kasi naging topic pa namin ni Ate yung kanina eh... Sa kakaisip ko kaya naman ako......

*Pakkk*

"Oh Tanga!" may sumigaw malapit lang sa akin..

"Aray!" sabi ko naman habang nakadapa.

"Wahahahahaha! Ang Tanga mo talaga! Wala ka ng pag-asa!"

"Grrr! Kanina ka pa aah! Nakakainis ka na!"

"Ahahah, dyan ka na nga! Sa susunod matuto kang tumingin sa dinadaanan mo para hindi ka nadadapa! Yung utak mong sinlaki ng tig-pipisong mani nasa ere! Kunin mo baka mawalan ka ng utak! Ahahaha."

"Grr... Tss... Baliw kang Abnormal ka!" tawa lang sya ng tawa habang papalayo sa akin, buti nalang walang nakakita sa akin... Prrr... Erase! Correction, buti nalang sya lang ang nakakita sa akin dito sa hallway kung hindi AGAIN and AGAIN nasa Front Page na naman ako ng School Papers. Di ko naman kasi napansin na may 2 steps pataas sa hallway eh.

"Uh! Tanga ko talaga." susubukan ko sanang tumayo pero...

"Aaray! Aww." Tss. Okay! Good luck nalang sa akin, ang sakit ng paa ko, namali pa ako ng tapak! Combination! Ako na reyna ng sablay! Ang aga-aga ganito pa ang salubong sa akin! Tss.

"Are you okay?" bigla namang may lumapit sa akin pero di ko nililingon.

"Aww..." sabi ko naman habang hawak yung left foot ko, ewan? para akong maiiyak, baliw na ako.

"Let me help you with that."

"A-ah, naku---- Teka! isa ka sa Galunggong 6 diba?"

"Galunggong 6?"

"Oo, bakit?!"

"Aah, you mean Gorgeous 6? Oo isa nga ako sa kanila."

"Ba't ka nandito?"

"Nandyan lang ako sa gilid, nakita kitang nagswimming sa sahig."

"Grr. Umalis ka na nga lang dito, nang-aasar ka pa eh."

"Tutulungan na nga kita eh."

"Wag na kaya ko na sarili ko..." sinubukan kong tumayo pero natutumba naman ako, di ko kayang ilakad yung paa ko, nasprain ata.

"Sabi ko na sayo eh, tutulungan na kita, wag ka nang maarte, daan muna kita sa Clinic." waahh! Ba't parang ang bait ata nito sa akin? Taz sa pagkakaalam ko Silent Prince toh aah? Ba't ang daldal? Anong nangyari sa kanya? Nakakain ng sili? Pero wait...

"Anong ginagawa mo?"

"Pinapasan kita, para naman makabawi ako."

"Makabawi sa--- Oo nga pala, may atraso kayo sa akin, yung pagpa---"

"Shhht! Kalimutan mo na yun, tara na."

"Ayoko! Nakakahiya, isa pa, pwede naman akong maglakad eh." tinuktukan nya ako then...

"Pwede kang maglakad sa tingin mo? Eh yung tumayo ka nga lang natutumba ka na, maglakad pa kaya?"

"Tss."

"Tara na."

"Wooaaahyyy, T-teka!" aayaw pa talaga sana ako kaso wala na akong nagawa kasi pinasan na nya ako papunta sa Clinic.

Nang makarating kami sa Clinic, may mga student na girls doon na ang sama ng tingin sa akin dahil sa pagkakapasan sa akin ni Chris, nagbubulungan pa sila na akala mo naman ay di ko rinig, eh ang lakas kaya, sabi nila inuumpisahan ko nang gayumahin si Prince Chris nila, na inaakit ko na raw si Chris. Whatever! Nakakainis, eto ang ayaw ko eh.

"Anong nangyari sa kanya, Chris?"

"Nadapa kasi sya eh." nung marinig nung mga girls yung sinabi ni Chris na nadapa ako saka naman sila naglakas ng tawa.

"Wahahahaha, poor na nga lampa pa."

"What are you girls talking about?" tanong ni Chris sa mga girls na tawa ng tawa.

"That Commoner! Lampa pala sya no!"

"Tss." di ko lang sila inimik, pero si Chris.

"Shut up you girls, and by the way, class hours na aah, bakit ginagawa nyong tambayan itong Clinic?" nganga yung mga girls, slightly galit palang ata itong si Chris pero natakot na sila? Wow huh.

Nakatingin lang ako sa kanila habang tinitignan ng doctor yung paa ko. Natunganga lang ako kay Chris kasi di ko naman akalain na idedefend nya ako sa mga girls na yun, imagine isang gwapong palaka este nilalang, ay ewan! pagtatanggol ang commoner na katulad ko! Waaah!

"So how is she?"

"Okay naman sya, nagka-sprain lang, ilang araw lang mawawala na ito, di naman malala eh pero wag pwepwersahin."

"Talaga po Doc?"

"Oo naman, kaylangan ko lang lagyan nito and some medicine for the pain."

"O-okay po, salamat po." sagot ko naman.

Nilagyan ng doktor yung paa ko ng benda. Pero anyway, anong oras na ba? Napatingin ako sa orasan dito sa Clinic and it's 7:30 am na. Oo nga pala, Class Hours na kanina pa! Ang malas ko talaga ngayon, late pa ako. Hays.

"Late ka na sa Class mo." I said.

"Ahaha, Okay lang yun, College ako kaya I can do whatever I want."

"E-eh? ganun ba yun?"

"Yeah, walang pakialam ang mga Profs namin sa amin."

"A-ah ganun ba?!"

"Oo, tara na, hatid na kita sa room mo, dyan lang yun sa kabilang building diba? 4th year HS?"

"Ah Oo, pero di mo na ako---"

"Tanggi ka ng tanggi, di ba pwedeng magthank you ka nalang sa akin."

"Oo na, thank you."

"Yan, Tara na, okay ka na naman daw sabi ni Doc eh."

Sinamahan nya ako hanggang sa Room ko, bawat daanan namin na room ni Chris nagtitinginan naman yung mga girls sa amin. Tsismis lang sila, Go! I look at Chris, gwapo talaga sya, infairness, I am starting to like him. What? I like him? No way! Pero--- Peroo--- Uhhhh! Okay fine! Crush ko na sya, crush lang! Di na pwedeng umabot sa ibang level, alam nyo naman Hate ko ang group nila.

"Good morning Ms.Julie." Greet naman ni Chris kay Ms.Julie.

"Oh, Good morning Chris." sabi ni Ms.Julie kay Chris sabay tingin sa akin ng masama at..

"Ms.Ramos, Why are you late?" mataray na tanong nya sa akin.

"A-Ms.Julie kasi----"

"Ms.Julie, please excuse her, nagkaroon po kasi sya ng injury eh." sagot naman ni Chris as my excuse.

"Oh-Okay, sige na, you may go to your seat, Ms.Ramos"

"Thank you po Ms."

Nangmaka-upo na ako sa upuan ko saka naman sya tumingin sa akin at kumindat saka sya umalis. Hala? Nangindat? Eeh? Bigla naman umingay yung class namin, dahil nakita ng mga girls na kumindat si Chris. Ignorante lang? Ngayon lang nakakita ng gwapong kumindat? Huh?

"Mamaya ka sa amin, MS.RAMOS!" banta naman sa akin nung isang classmate ko na dedz na dedz kay Chris.

Ang bait nila noh? Tss. Naku, di ko nalang sila initindi, nagfocus nalang ako sa mga lessons.

~Afternoon Session~

Monday ngayon kaya nandito kami ngayon sa school fields dahil sa Art Class kami ngayon. Kaylangang magdrawing ng magandang nakikita sa nature. Maganda? Hmm. Wala naman akong makitang maganda eh, bukod sa mga nasa paligid ko huh, yung mga classmates ko pang mga mologs. Akala mo naman nasa Parade, kung makamake-up naman ng todo, mala-kamatis na mukha, yung mga nguso nila parang pinahalik sa plunger.

Arg! Nicca! Sinabing wag intindihin yung mga classmates mo, focus! Focus! Aah! Alam ko na, yung iiisketch ko nalang yung fountain doon sa garden. Pwede naman kasi umalis dito sa field eh, basta babalik ka ng tamang oras.

Nagpunta na ako ng garden, maganda talaga dito, inumpisahan ko nang magsketch ng fountain. Nang makita ko naman si Shuzette na papalapit sa akin.

"Hello Ica."

"Oh, Hi Shuzette."

"Art Class nyo today?"

"Aah, Oo eh, ba't ka nga pala nandito?"

"Napadaan lang, papunta sana ako ng field."

"Aah, anong gagawin mo doon?"

"Nandun kasi yung class namin, Training namin ngayon eh."

"Aah, class nyo pala yung mga naka-P.E uniform doon."

"Yeah, so gotta go, see ya later :)"

"Okay :)" Sporty talaga nila, ba't ba di ako naging katulad nila.

*Shuzette's POV*

Eto na naman ang araw na ayoko, P.E namin, di lang halata kasi kasali ako sa sports eh, nakita ko si Nicca na busy sa art class nila...

"Hello Ica." greet ko sa kanya.

"Oh, Hi Shuzette." sagot naman nya sa akin.

"Art Class nyo today?"

"Aah, Oo eh, ba't ka nga pala nandito?"

"Napadaan lang, papunta sana ako ng field."

"Aah, anong gagawin mo doon?"

"Nandun kasi yung class namin, Training namin ngayon eh."

"Aah, class nyo pala yung mga naka-P.E uniform doon."

"Yeah, so gotta go, see ya later :)"

"Okay :)"

Saka ko na sya iniwan sa garden, napapansin ko lang, ba't parang nagiging tambayan ata ni Ica yung Garden? Wala akong idea? Siguro dahil bibihira ang mga studyanteng nagpupunta dito. Anyway, nandito na ako sa school fields, nandito na rin yung mga classmates ko just what Ica said. Nandito rin yung class nila, yun nga lang di sila nasa lugar namin, mejo malapit lang.

Nag-umpisa na ako magwarm up, ewan ko ba dito sa Coach slash Prof namin, pinapagod ako, ahahah, joke lang, kaylangan talaga ito, training ng buong class namin eh, magkakaroon kasi ng School Festival sa mga susunod na weeks, ang atat lang ng Prof namin. Pero masaya yung School Festival, yung Kinder-Garten and Grade School Division may sarili din silang Theme ng Festival, yun nga lang pang-bata, alam nyo na bata sila eh.

Yung division naman ng High School and College magsasama sa iisang theme ng Festival, kaya makakasama namin si Ica sa Festival, sa section kasi namin napunta yung 4-B ng HS eh, kaya kasama namin si Ica, yun nga lang di pa nya alam yun kasi baguhan palang sya dito sa school eh, bilis lang ng mga event dito, pero masaya naman, 3 days nagaganap yung School Fest pero sa 3rd day may awards night ng mga pinakamaganda and creative also sporty na Class, kaya alam nyo na kung bakit kami nagt-train?! Mahigpit na kalaban namin yung Class ng G6 eh. Epal kasi yung mga yun. ahahah.

"Ms.Park, ikaw na."

"A-Huh?"

"It's your turn na, Hello, Track and Field?"

"Aah, Oo nga pala, Sorry."

Ayan, nawala pa ako sa sarili ko. Ahaha.

*Kara's POV*

"So, how's the preparation for the School Fest?"

"As of now Ms.Clifford okay naman po, most of the students are preparing for that event, pero ilang weeks pa naman po yun di ba?"

"Yeah, I know, we still have more weeks to prepare, kaylangan maging maganda ang kalalabasan ng event may mga darating palang mga taga-ibang school sa event natin kaya we should add some more guards and securities also magstand by kayo ng mga Medics incase something happens, Ok? If everything was settled, mag seset na din ako ng exact date for the fest."

"Okay po Directress."

"Sige na, go back to work."

"Thank you Ms.Clifford."

Ang aga-aga palang ang dami ng works dito sa office, si Daddy naman eeeeh! Iniwanan yung school sa akin na maraming gawain, Tss. Di bale, may ilang weeks pa para umpisahan na ang una kong plano sa Fest pero yung Plano ko muna kay Jiro ngayon. Ahahaha.

So, I called Andrei's digits....

*Phone Talk*

"Yes Hello Babe? Sorry, di ako makakarating mamaya..." di pa nga ako nagsasalita may sinabi na agad itong Playboy na toh! Napaghahalataang ang daming babae eh. Tss.

"Hoy! Gago ka ba! Anong Babe? Nanay mo toh!" wahaha, biro ko naman sa kanya.

"Ma-Mom!" matatawa na talaga ako dito sa taong toh, di yata kilala yung voice ko sa phone, well ngayon ko lang kasi sya tinawagan eh, kaya malamang ngayon lang nya narinig yung boses ko sa phone.

"Oo!" dagdag ko pa.

"Bakit po kayo tumawag?" wahahah, yung boses nya nanginginig na ewan, nakakatawa talaga.

"Ahahahah! Gago si Kara toh! Ahahaha. Kala mo nanay mo noh?" Wahahaha, naawa na ako, kaya nagpakilala na ako, kaylangan ko sya plan ko, kaya dapat di sya magalit.

"Grr.." kasasabi ko lang na dapat di sya magalit eh, ayan, galit tuloy, ahahaha.

"Anong kaylangan mo?" tanong naman nya.

"I need you." sabi ko sabay banat naman nya ng...

"Sure Babe, anytime." Gago ba to o nakasinghot ng katol?

"Gago ka talaga! Don't call me Babe or gusto mong balatang kita ng buhay?"

"Eto naman, joke lang eh, oh, ano yun kaylangan mo sa akin?"

"Aah, pumunta ka dito sa Office ko, dito natin pag-usapan, wag kang mag-isip ng kung ano kung hindi tatamaan ka talaga sa aking gunggong ka!"

"Oo na! Oo na, pupunta na!"

"Isa lang sagot, ayoko ng paulit-ulit, di ako bobo."

"Baliw! Ewan ko sayo, pupunta nalang ako dyan."

"Ok.." *toot*

*End of phone talk*

*Migs POV*

"Hey! Guys may text si Andrei."

"Ano daw sabi?" Chris said. Parang napapansin kong dumadaldal na itong si Chris aah?

"We're going to violate some rules here sa school, are you in?"

"Go! I'm in" sagot na naman ni Chris.

"I'm in, in na rin dyan si Lance" Jun said.

"Oo, ako pa ba?" sabi naman ni Lance.

"Ikaw Jiro? Are you in?" tanong ko naman kay Jiro.

"Oo." parang si Jiro naman ata ngayon yun natahimik, ANYARE?

"WOAH! GOOD! Replyan ko lang itong si Andrei."

~~~
To: Andrei

We're in Drei, tell us what your planning to do. Nandito kami sa G~Room.

Sending...

Sent..
~~~

As you read, nandito kami sa G~Room kahit Class Hours, eh sa ayaw naming pumasok eh, nakakatamad kaya yung mga nagtuturo. Anyway, ba't ang tagal ni Andrei? Habang inaantay namin dito si Drei sa G~Room.

"Gago talaga tong si Jiro!"

"Oh, anong ginawa ko?"

"Hinagisan mo ako ng ubas."

"Ahahaha, maliit lang yan nagrereklamo ka na kay Jiro." sabat naman ni Lance.

"Tol, sayang ang food, di nakakakain yung iba, taz kay tinatapon nyo lang?" sagot naman ni Chris.

"Hoy Chris! Kelan ka pa natutong dumaldal ng ganyan?"

"Ngayon lang. Bakit?"

"May sapi si Chris, tara alis na tayo."

"Isa ka ring Gago eh no! Wala akong sapi! Baliw."

"Eh anong meron sayo? Ba't ganyan ka?"

"Oo nga noh? Dumaldal ka nga Chris." sabi naman ni Jun.

"Masama bang maging madaldal ako paminsan-minsan?"

"Siguro may nangyaring maganda sayo noh? Ano? Sinagot ka na ng nililigawan mo?" pagkasabi ko nito saka naman nasamid si Jun.

"Ahahah, wala naman, isa pa wala akong nililigawan! Taena to! Teka, ba't ka naman nasamid Jun?"

"Sinagot na sya finally ni Sharmaine." sabat naman ni Jiro.

"Taena! Daldal mo Jiro! Isa ka rin eh."

"Kahit itago mo, malalama't malalaman nila yan."

"Eh pano mo naman nalaman?"

"Nabasa ko lang."

"Saan?"

"Aah basta! Wag mo nang alamin."

"Loko talaga tong taong toh!"

"Hey! baka mag-away kayo nyan, anyway Congrats Jun, kayo na pala ni Shamie huh."

"A-ah Ehhh."

"I O U!"

"Ano? Vowels lang lalabas sa bibig mo?! Ahaha"

"Tanga hindi, dinugtungan lang ni Lance ng IOU eh, vowels agad."

"Eh ano sa tingin mo? Ahaha".

"Ewan ko sa inyo."

"Tol! Ano ba yang kilos mong yan, so gay."

"Gago, sinong Gay? Jiro!"

"Ikaw!"

"Taena talaga nitong lalaking toh!"

"Chill Tol! Badtrip lang yang taong yan."

"Bakit? Dahil ba kay Nicca!"

"Sino yun?"

"Maang-maangan ka pa eh, sino pa ba? Edi yung commoner na nasa bahay nyo!"

"Tss. Asiwa na ako sa mukha nun, umay na umay, wag nyo nga mabanggit sa akin yung hinayupak na yun."

"Bakit naman naging hinayupak?"

"Siguro di ka pa rin makaget-over sa suntok nya sayo noh? Ilang linggo na lumipas nun ah, di mo pa rin nakakalimutan? Ginawa na natin yung mga light to moderate waves natin but it doesn't work on her."

"Tss. Ewan ko sa inyo, kayo na nga lang mag-usap dyan."

"Ahahaha, di mo nga nakalimutan, ahahaha."

Maya-maya lang dumating na si Andrei...

"Oh! Drei, ba't ngayon ka lang."

"Pumasok na pala dito sa School yung Directress."

"Oh? Si Kara Bruha?" sabi naman ni Lance.

"Oo. Ba't di mo naman sinabi sa amin Jiro?"

"Bakit? Nagtanong ba kayo sa akin?"

"Hindi."

"Hindi pala eh. So bakit ko kaylangang sabihin sa inyo?"

"Tss. Wag nyo na nga lang pansinin yan, bad mood talaga yan ngayon."

"Ahahah, alam mo Jiro sa inaasal mong yan Jiro para kang babaeng may dalaw." asar naman ni Chris.

"Gago!"

"Ahahaha. So, ano nga pala yung sinasabi mo sa message mo kanina sa amin Drei?"

"Ahaha, we're going to have a secret party sa old library malapit dun sa kabilang building ng HS Division."

"Teka, kelan mo pa na-organize yang Party?"

"Matagal na! Ahaha, basta pumunta kayo, marami na rin akong sinabihan about it sa Richford GC para maraming pumunta, puro colleges lang, bawal ang HS, mamayang gabi na yon."

"Oh? Ang bilis naman."

"Eh sa mabilis ako magplano eh."

"Ahahaha, sige, pupunta kami."

"Oo, pupunta ako" Jun said.

"Ako din." Lance said.

"Syempre di ako pwedeng mawala dyan." Chris said.

"Ikaw Jiro?"

"Malamang."

"Okay, lahat pupunta, ahahah. Dapat lang na pumunta si Jiro sa Party para mawala yang pagkabadtrip mo! Ahahaha."

Magkakaroon ng Party sa loob ng School na walang permission ng School Heads, astig toh! Ahahah, pagmagkahulihan alam na! Sibat agad, parang snatcher lang eh noh?! Mahigpit na ipinagbabawal kasi ang Party lalo ang pagdadala ng Liquors dito sa Richford lalo na't sa Old Library pa na malapit sa kabilang building. So ibig sabihin mejo malapit yung venue sa HS Division. Cool. Ahahaha.

Kung tinatanong nyo kung bakit magkakaroon ng Party well yun ay wala lang, trip lang namin, pero go lang sa flow namin ang mga students dito, alam na, gustong makaparty ang mga gwapong nilalang, at kami yun, ahahaha. Palag? Paslang, gusto mo?! Party master kasi yang si Andrei, go din sya sa Party basta maraming girls. And wait, bakit nya nabanggit si Kara kanina? Nakakapagtaka?

*Nicca's POV*

4pm, uwian na, buti nalang di naman ganun kahirapan yung fountain na dinrowing ko kanina kaya agad naman akong natapos, ganun din sa ibang subjects ko, favorite subject ko talaga yung BREAK TIME and UWIAN kahit wala naman talagang ganung subject.

Anyway, kaylangan ko nang pumunta ng Library para sa work ko as Student assistant, alam nyo na, yun lagi ang gawain ko after class kaya masanay na kayo. Ahaha.

"Sir Ton, nandito na po ako."

"Oh, Ica, buti naman, iwan muna kita dito saglit, pupunta lang ako sa Office ni Directress saglit, ikaw na muna bahala dito."

"Aah, Okay po."

Umalis si Sir, saglit lang daw sya eh, as always din, magulo ang Library, may mga students talaga na di marunong magbalik ng books, akala mo naman bata sila, eh hindi naman, Tss. ang lalaki na eh, tamad pa. Well, kesa magreklamo nag-umpisa nalang akong mag-ayos ng mga libro, binalik ko sa mga tamang lalagyan, ganun din pinunasan ko na yun mga tables, taz nagwalis na ako. Ang daming papel. Sinasadya ata nila ito eh dahil alam nilang student assistant ako.

Maya-maya may nagbukas ng pinto...

"Si---" akala ko naman si Sir Ton na...

"Hey You." sabi nung girl.

"Eh? Ako?"

"Oo, sino pa bang nandito?"

"Ikaw, pati yung mga kasama mo."

"At namimilosopo ka pa huh?"

"Anong kaylangan nyo sa akin?" I said habang nagbabalik ng Libro. Lumapit sila sa akin taz itinapon yun mga books na hawak ko.

"Ikaw! Bakit kasama mo ang Boyfriend ko?"

"Boyfriend? Sino?"

"Duh? Boyfriend nya si Prince Chris." sabat naman nung isang babaeng kasama nya.

"E-eh?"

"Inuumpisahan mo na syang akitin noh? Ang kapal naman ng pagmumukha mo."

"Hindi aah." sabi ko naman sa kanila saka nila ako itinulak kaya napasalampak ako sa sahig.

"Aray---Teka nga! Nakakasakit na kayo huh."

"Talagang masasaktan ka, kung hindi mo lalayuan si Chris." saka naman sila lumapit sa akin at..

*Slapp*

Sinampal ako at hinigit ako sa buhok ko.

"A-a-array! Ano b-ba! Ma-sakit aah!"

"Girls, nasan yung gunting?" tanong naman ni girl.

"Eto oh." sabi naman nung isa saka naman abot ng gunting dito sa talangkang nakahawak sa buhok ko.

"T-teka, anong gagawin mo?"

"Di ba panget ka na? Edi papapangtin ka pa namin para di ka na lapitan ng mga Prince ko. Girls, papasukin nyo yung 2 guys, dali!" pinapasok naman nung isa yung dalawang lalaki.

"T-teka.."

*Cut* *Cut* *Cut*

"Go Guys! You can do whatever you want to her! Sa inyong sa inyo sa sya."

"Hoy! A-ano ba! T-tigilan nyo nga ako! A-ano ba!" ginupit ng mga babaeng yun yung blouse ko dahilan para makita yung panloob ko sa taas.

"Wag ka ng pumalag Miss, saglit lang ito." ng i-pin down ako ng dalawang lalaking ito habang yung ibang mga babae naman ay nakahawak sa dalawang paa ko.

"A-ano ba! Alis! Tulong!" Naiiyak na ako, naku po! Jusko po! Tulong! Natatakot na ko.

"Okay pala itong babaeng toh tol eh! Hipon! yung mukha walang ibubuga pero yung katawan, pwede!"

"Ano ba! T-tigilan nyo nga ako sabi eh!"

"Ang ingay mo naman!"

"Hmmmm! Hmmmm!" tinakpan naman nung 2 monggoloids yung bibig ko, this time naiyak na talaga ako, yung 3 girls naman tinatawanan lang ako habang tumutulong sa kabalastugang ginagawa sa akin ng dalawang lalaking ito.

Suddenly may nagbukas ng pinto and narinig ko yung voice na familiar...

"Hoy! Anong ginagawa nyo dyan?" tanong agad nya ng mapalingon sya sa amin at makita ako.

"P-prince..."

"Anong ginagawa nyo sa kanya?"

"P-Prince Chris... Aah, ano kasi.." sabi nung 3 powder puff girls.

"Hey! You Two!."

"Anong problema mo tol huh?" sagot nung isang monggoloid.

"Di nyo dapat ginagawa yan sa babae! Mga walang galang!"

*Pakk!* *Paakkk*

"Tara na tol! Si Chris pala yan." napuruhan ni Chris ang mukha ng dalawang mologs at ng makilala nila kung sino ito saka sila nagtakbuhan yung dalawang monggoloid palabas ng Library.

"Oh kayong tatlo! Anong tinatanga tanga nyo dyan! Gusto nyo bang sabihin ko ito sa Guidance? HS students kayo right? Severe Punishment is what you all deserve." nakakatakot ang tono ng pananalita ni Chris.

"N-no Prince Chris."

"Apologize to her!"

"But Chris!"

"Say it!"

"So-sorry!" sabi nilang tatlo sakin.

"Get out of here! Now!" galit na sabi ni Chris sa tatlong powder puff girls.

Lumapit si Chris sa akin, he take off his coat and kinover ito sa akin...

"Are you okay?"

"Chris..." Di ko na napigilan yung mga luha ko sa sobrang takot ko sa mga nangyari.

"Wag ka ng umiyak, nandito na ako." naiyak lang talaga ako sa mga nangyari, nakakainis! Dahil sa mga G6 kinukuyog na ako ng mga Students dito sa school, mapa-College or High School man. Kay Chris naman kasi ang dahilan ngayon. Obsessed yung mga fans nitong si Chris, grabi!

"Thank You Chris." Pero di ako nagkamali na naging crush ko sya and this time, naging savior ko pa sya sa mga manyak na schoolmates kong yun.

"Don't mind it Ica, dapat siguro lagi na kitang samahan para di na ulit mangyari ito sayo."

"Na-naku, wag na Chris *Sob*, baka lalo lang nila akong kuyugin."

"Bakit naman?"

"Nakita ng girlfriend mo yung pagpasan mo sa akin kanina papuntang Clinic."

"What? Girlfriend? You sure?" pagtataka naman nya.

"Oo, yun ang sabi nya eh *Sob*"

"Ahaha, that's funny, wala akong girlfriend Ica."

"E-eh? Eh sino yun?"

"Ewan ko? Di ko nga kilala yun eh."

"Huh! E-eh sabi kasi nya---"

"Psst. Shut up, sinabi ko na, hindi ko sya kilala."

"Aah, o-okay..."

"Pero, kamusta ka? May ginawa ba sayo yung mga mologs na yun?"

"W-wala naman... Huhuhu"

"Wala pala eh, bakit ka umiiyak dyan?"

"Natatakot ako."

"E-eh?"

"Natatakot ako. Huhuhu." pagkasabi ko nito saka sya lumapit sa akin at niyakap ako.

"Don't worry Ica, I will be your savior." Huhuhu! Iyak lang ako ng iyak, pero lalo ko namang nagiging crush itong si Chris. Masyadong mabulaklak para sa akin yung mga words nya. My Goodness! Sabi ko sa sarili ko before bawal akong magkagusto sa kahit isa sa mga Galunggong six eh, kaso... kaso.... waaaah! Nicca Ramos! Baliw ka na talaga! Promise.

Maya-maya lang dumating na yung school librarian na si Sir Ton, nahimasmasan na ako, kaya nagpaalam na ako kay Sir na umuwi, mabilis akong natapos sa pag-aayos dito sa library kasi tinulungan ako ni Chris. Pinalagpas ko na din sa ngayon yung mga nangyari dahil sa ngayon talaga, shock pa ako pero kelangan nilang harapin yung Punishment nila for what they have done is hindi talaga nakakatuwa.

"Sumabay ka na sa akin, Ica, ihahatid na kita."

"A-ano kasi, di ako pwedeng sumabay sayo," mahirap na, sabi ni Jiro wag ko raw ipagsabi kung saan ako nakatira ngayon eh.

"Bakit? Dahil kina Jiro ka nakatira ngayon?"

"Oo an---- EEH? PA-PANO MO NALAMAN?" O__O gulat naman ako, pano nya naman nalaman?

"Jiro told us." tignan mo yung abnormal na yun, sabi nya wag ko daw ipagsabi eh sya naman pala itong nagpapakalat. Grabi huh.

"E-eeh?"

"Oo, kaya sakay na! Wag kang mag-alala, di ako kagaya nila."

"O-okay.." wala, mapilit eh, edi pagbigyan.

Nag-umpisa na syang magdrive papunta sa bahay ng mga Cliffords, pero ako nakatulala lang, di ako makapaniwala sa mga nangyayari, ewan? Parang ang weird kasi? Yung G6 na kinaiinisan mo yun pa yung tumutulong sayo ng di mo halata. Well sabihin na nating halata. Kagaya nalang nito ni Chris, si Jiro mejo pero di naman sya yung nagpatira sa amin ni Uncle sa bahay nila eh, si Tito't tita kaya. Taz si Lance naman he do apologize.

"We're here."

"Salamat ng madami Chris ha."

"Welcome Ica." bumaba na ako ng kotse nya, hindi ko na sya hinayaan na pagbuksan ako ang pinto.

Pumasok na ako ng gate ng Clifford's Mansion, saka na sya umalis...

"Good Evening Ms.Nicca"

"Aah, Good Evening din po Manong, Ica nalang po tawag nyo sa akin."

"Nakakahiya naman po Ms.Nicca, bilin po kasi sa amin ni Madam Kara na tawagin kayong Ms.Nicca eh."

"Ehehe, ganun ba, edi bilin ko rin sa inyo na tawagin nyo akong Ica lang."

"Pero.."

"Pzzt.. Ica Please."

"O-okay po Ica."

"Salamat po manong, sige po,pasok na po ako."

"Oh sige po."

Nakapasok na ako sa loob ng bahay ng mapansin ni Ate Delle yung tops ko..

"Ica, bakit parang iba yung uniform mo pangtaas?"

"A-ano po kasi---May nagpahawak po sa akin nitong Coat eh, taz di na ako binalikan."

"Oh? Ganun ba?"

"O-oh sige po, akyat na po ako.."

"T-teka Ica.."

Wew! Wala na akong ibang maisip nadahilan, tss nakapagsinungaling pa ako kay mayordoma. Saktong 6pm nang makarating ako dito sa bahay, pansin kong wala pa si Ate Kara and Jiro. Wala kasing maingay na naglalaro ng Tekken sa kabilang kwarto eh, taz walang nagti-tea sa rooftop. Nagbihis nalang ako at nahiga saglit sa kama ko nang may mareceive akong text message...

~~~
From: +631234567890

Ica, tara, punta tayo sa party sa school mamayang 7pm, I'll wait for you...

Kanino naman galing toh? Di nakaregister sa cellphone ko.. Wala akong load, pano ko malalaman kung sino ito? Di ko mareplyan. Maya-maya nagtext ulit yung UNKNOWN CORPSE.

~~~
From: +631234567890

Ica, si Sharmaine pala ito, I got your number from my investigator. Ahahah, joke, basta, I'll wait for you, sa school, 7pm old Library sa building near sa HS Division, ok? Kasama ko na sila Shuzette and Angela. :) See ya!
~~~

Ayun! Si Sharmaine naman pala yung nag-text, di naman kasi nagpapakilala agad eh, nakaugalian ko kasing UNKNOWN CORPSE ang ilalagay kong name kapag di ko kilala yung nagtext eh.

Ano na? Pupunta ba ako o hindi? Pupunta o hindi? Oo na! Pupunta na! So nag-ayos naman ako ng simple lang, malay ko ba kung anong party yun? Wala namang nabanggit si Sharmaine na suot eh, malamang hindi formal yun. Simpleng yellow Shirt, maong shorts, taz simpleng steppins lang. Tinanggal ko rin yun benda, mejo naiirita kasi ako eh.

"Ica, saan ka naman pupunta?"

"Aah, sa school po Ate Delle."

"Aah, pupuntahan mo ba si Madam Kara?"

"Parang ganun na nga po."

"O sige, ipapahatid na kita kay Manong Driver."

"Ay naku Ate Delle, wag na po, kaya ko na pong pumunta ng school mag-isa"

"Pero--"

"Ate Delle, wag na po okay?"

"Hay, bata ka! O sige, pero mag-iingat ka huh, at saka eto oh." sabi ni Ate Delle sabay abot sa akin ng isang bagay na di familiar sa akin.

"Ano po ito?"

"Pepperspray, para proteksyon mo yan kung sakalaing may makasagupa ka."

"Makasagupa talaga Ate Delle?"

"Ahahah, Oo, ganun na nga, oh sige na, mag-iingat ka."

"Ok po, salamat :)"

Lumabas na ako ng bahay at ng gate, naglakad na ako papuntang school, mejo maliwanag pa naman kasi eh, kaya keri pa ng powers ko, pero pag di na masyado kaya ng paa ko. Aah! magta-trycicle nalang ako pauwi. Ahahah. Kaylangan kong igalaw-galaw itong paa ko noh! Para mabilis gumaling, yun kasi ang lagi kong ginagawa kapag may sprain eh, pero wag lang i-over force, sabi nga ni Doc diba.

Nang nandito na ako sa School nakita ko naman agad sila Sharmaine sa gate ng school, papasok palang sila. Nahagip naman ni Angela ng tingin nya sa akin kaya...

"Nicca! Kanina ka pa dyan?"

"Di naman, kararating ko lang."

"Oh, ahahah, tara na."

"O-okay.."

Hinawakan na ako ni Angela sa kamay ko saka kami nagpunta sa old library, maingay na doon eh papalapit palang naman kami, may mga iba't ibang kulay ng ilaw-ilaw pa, masakit sa mata, di kasi ako sanay sa mga ganitong party eh.

"Oh, Baby ko, nandito ka na pala." Jun said to Sharmaine.

"Yes Baby, inantay ko pa kasi yung 3 friends ko eh."

"Sino?"

"Eto sila oh. Si Shuzette, Angela and Ica."

"Wait, para sa mga college students lang ang party Baby."

"I don't care, si Ica lang naman eh, Please." *Puppy Eyes*

"Pss.. Ahehe, Sige na nga, sige na, pasok na kayo."

"Salamat Baby."

"Welcome Baby."

Ayoko na sanang pumasok sa loob eh kaso ayaw naman bitawan ni Angela yun kamay ko, napilit tuloy akong pumasok. Naupo lang ako sa isang sulok, pero katabi ko naman sila, tahimik lang ako, parang may nararamdamam akong di magandang mangyayari eh. Ewan? Parang ganun.

Dumating naman yung G6, kaya naman pala di pa umuuwi si Jiro nandito sya sa party sa school. Ano ba itong party, puro liquors! Maarte na kung maarte pero dapat talaga di na ako nagpunta dito, ano ba naman kasing pumasok sa isip ko't naisipan kong pumunta dito? Tss.

"So mga tol, I wan't you to meet Shamie, my girlfriend, hahaha di nyo na sya known as friend lang, now it's official." sabi naman ni Jun sa G6.

"Congratz tol! Kayo na rin sa wakas, sayo din Shamie." greet naman sa kanila ni Lance.

"Salamat, dito na kayo maupo."

"Pwede?" Tanong naman ni Chris.

"Oo naman, ahaha. Friends naman tayo dito eh."

"Pwede naman pala eh, ahahaha." Andrei said sabay naupo doon sa gitna nila Angela and Shuzette.

"Tigilan mo yang pagiging chickboy mo Andrei, wala ka sa lugar." sita naman ni Lance saka umupo sa tabi ni Shuzette, maalala ko pala, may gusto si Lance kay Shuzette. Pss.

Ahahah, bahala sila dyan basta ako nandito sa sulok. Kukuha na sana ako ng juice sa table namin kaso napansin naman ako ni Chris.

"Hey! Ica, your here."

"Aah, Oo eh, Sharmaine invited me."

"Aah, kaya pala, pwede bang dito ako sa tabi mo?"

"O-okay lang."

"Thanks." umupo sa tabi ko si Chris, napansin ko naman na nakatingin sa amin si Jiro using his tiger eyes na para bang anytime pwede maglabas ng lightning.

"Ikaw Jiro, wala kang balak umupo?" tanong ni Chris.

"Ayoko dito, panget ng atmosphere." ano daw? Atmosphere? Nasa outer space ba sya.

"Anong panget? Wala naman Jiro aah, oh siguro iniiwasan mo lang si Ica." sagot naman sa kanya ni Andrei.

"Di ko sya iniiwasan, ayoko lang talagang may makasamang Panget na hampaslupa dito. She wasn't invited though, why is she here? She's not a College."

"Sharmaine invited her so you have nothing to do about it, kilala mo naman si Sharmaine, once she said it, she really mean it."

"That spoiled brat!"

"Tss. Arte, kala mo ikaw lang ang may ayaw, well ikaw din! Ayokong kasama ka! Nakakasira ka ng Mood." sabat ko naman.

"Aah, ganun, nakakasira pala ng mood huh." Jiro said sabay tabi sa akin dito sa right ko. Napagigitnaan ako ng dalawang gwapong palaka, ohw, nilalang pala, sorry, pwedeng pwede na akong ma-nose bleed dito. PENGENG TISSUE!!!!

"Sisirain ko yang mood mo para naman matuwa ako." bulong naman nya sa akin. Tss. BADTRIP talaga itong taong to.

Yung mga kaibigan kong sila Angela, Shuzette and Sharmaine mukhang naeenjoy naman nila itong Party, ganun din yung G6, pansin ko, Close talaga sila noh? Mayayaman kasi kaya malamang mga friendship sila, ako poorita kaya maid lang ang dating ko sa kanila.

"Ica, aren't you enjoying?" tanong naman sa akin ni Angela.

"Aah, enjoy naman."

"Really? You look sad eh." tanong naman ni Lance sa akin.

"Oo, wag nyo akong intindihin."

"You sure?" pagma-make sure naman sa akin ni Shuzette.

"Oo :)" sagot ko saka ako nagsmile ng pilit.

Ganito pala magparty ang mga elite teenagers nowadays? Sa mahirap kasi mas bongga sa tingin ko eh, fiesta ang dating. Napansin ko naman itong si Chris, bakit parang ang asikaso nya naman sa akin? Anong meron sa kanya? May nakain yatang kung ano ito eh. Pss.

Then habang nag-eenjoy ang lahat ng Students dito sa party bigla namang may pumasok dito sa loob ng Old Library, 4 man, malalaki ang katawan, kala mo bouncer, then pumasok yung girl na parang familiar sa akin taz may mga kasunod pa syang 4 big men, bale 8 silang kasama nung girl. Nang mapansin yun ng mga students saka sila nagtatatakbo, naghahanap sila ng daan palabas nitong Old Library, ako naman parang nagtataka lang hanggang sa sinabi ni Migs na...

"MGA TOL! Sibat na! Nandyan na yung Bruha! WAHAHAHAHAH"

"S-sinong bruha?" tanong ko naman.

"Ang tanga ka ba talaga o nagta-tanga tangahan lang? Sino pa nga ba? Edi si Ate!" sabi naman ni Jiro.

"E-eeh!" Pagtataka ko naman.

"Tara na!" hinugot ako ni Jiro sa right hand ko di ko naman inaasahan na pati si Chris huhugutin yung left hand ko, magkabila sila sa akin nakahawak sa kamay ko.

"Sakin sya sasama umalis dito!" Chris said.

"Gago ka ba tol? Alam mo namang sa bahay namin tumutuloy itong Poornget na toh diba, so sa akin sya sasama." sagot naman ni Jiro kay Chris, para silang nag-aaway.

"T-teka nga! Ano ba kasing nangyayari huh?" nagtatakang tanong ko sa kanila, hindi ko talaga alam yung nangyayari.

"Ica, yung Directress natin dito sa Richford na si Kara Clifford yung humuhuli sa mga Students na illegaly na nagpaparty dito sa school, bawal kasi ito dito." pagpapaliwanag naman sa akin ni Shuzette.

"E-eh?!! Ano! Bawal tohng party na toh? Bakit di nyo naman sinabi sa akin?"

"We don't have time para magexplain, tara na or gusto mong maiwan dito para sa Punishment?" sabi naman ni Jiro sa akin.

"Fine, Fine! Pero wait lang yung paa ko, may sprain pa, sandali lang."

"Tss. Bagal mo!"

"Ikaw kaya magkaSprain! Sinubukan ko na nga lang ilakad yung paa ko kanina papunta dito sa school eh. Tss."

"Pumasan ka nalang ulit sa akin, Ica, mabilis tayong makakatakas dito." sabi naman sa akin ni Chris.

"Pero.."

"Shut up tol! Maarte lang yan, tara na!" hinila na ako ni Jiro, naforce tuloy yung paa ko kaya sumakit lalo ito.

Sumunod nalang sa amin si Chris, kasama namin yung G6 sa pagtakas dito sa Old Library pero...

"And where do you think your going?" tanong ni Ate Kara.

"A-ate?"

"Oh, Nicca, bakit ka nandito? Kasali ka sa kanila?"

"Kaibigan ko po sila."

"What? Well, kasali ka sa mga nahuli namin kaya kaylangan mo rin na magface ng Punishment."

"No Choice! Nahuli tayo ng Bruha mong Ate Jiro." sabi naman ni Jun.

"Bruha?? Oh, I missed it, namiss ko yung pagtawag mo sa akin nyan Jun."

"Tss."

"All of you, go to my Office! NOW!"

Huhuhu! T^T Ba't ba ang malas ko ngayon? Una, nawala ako sa sarili ko sa pag-uusap namin ni Ate Kara, pangalawa nadapa ako sa Hallway tanga ko kasi eh, pangatlo, nagkasprain pa ako, pang-apat, naLate ako sa unang subject ng class ko. PangLima muntik pa akong manyakin nung mga schoolmates ko, taz ngayon, eto! Nag-violate ng School Rules, Tsk! Malas.

"A-aray..."

"Ica, okay ka lang?" tanong naman ni Chris sa akin.

"T-teka, yung paa ko, ba't parang lalong sumakit?"

"What?"

"Aw.. Teka! Masakit talaga eh."

"Papasanin na kita, tara na."

"Ouch.." napalingon naman sa amin ni Chris si Jiro habang naglalakad kami kasama ng G6 and 3 Girl Friends ko.

"Hoy! Anong ginagawa nyo?" tanong nung asungot.

"Papasanin ko na sya papunta ng Office ni Kara."

"Bakit naman huh? umaarte na naman yang Poornget na yan!"

"JIRO!"

"Ano!?"

"May sprain sya, di sya nagbibiro kanina pa habang sinasabi nya sayo!"

"Tss." di nalang kami pinansin ni Jiro, naglakad nalang sya papuntang Office ni ate Kara, ako naman nakapasan sa Likod ni Chris.

Nang makarating kami ng Office ni Ate Kara...

"You guys!"

"Oh?" asar na tanong naman ni Migs kay Ate.

"Bakit kayo nagpaparty sa loob ng school? Nagdala pa kayo ng Liquors, mahigpit na pinagbabawal yan sa school huh!" no one of us na nakasagot kay Ate, yung G6 nakatingin lang ng masama kay Ate.

"Oh! Also missed that look, parang nangangain. Ahaha, Pero di nyo ako masisindak dyan sa mga tingin nyong yan!"

"So-sorry po, Ms.Clifford." sabi naman ni Shuzette.

"Gosh! Ano bang problema nyo huh? At ang hirap nyong sabihan? And Ikaw Nicca, scholar ka pa man din, napasama ka pa dyan sa mga party boys and girls na yan! First warning toh Nicca, ulitin mo pa ito and say Goodbye to your Scholarship, ikaw lang ang kaisa-isang HS sa kanila."

"So-Sorry po talaga Miss Clifford, di na po ako uulit."

"Tss. Well, Nandito na rin naman kayong mga pasimuno ng illegal party, kaylangan nyong humarap sa Penalty."

"Ano naman yung penalty na yan? Paglilinisin mo na naman kami ng buong school?" sabat naman ni Jun.

"Tanga! Di na noh! Mukhang wala namang effect yung sa inyo eh."

"Eh, ano?"

"Ipapatapon ko kayong 10 sa Baguio for 1 week retreat! Ang magreklamo, makakarating sa Parents nyo ang mga ginawa nyo! or ipapabankrupt ko nalang kayo. Gusto nyo!"

"Edi safe si Jiro?" sagot naman ni Migs

"Bingi ka ba Mr.Lopez? Sabi ko kayong 10! Malamang kasama doon si Jiro, kaylangan nya rin matuto, hindi porket kapatid ko sya ay safe na sya, no way!"

"Grr. Mas Okay nang nandun ako sa Baguio kesa naman makasama yung bruha sa bahay."

"Ahaha, ang sweet mo talaga Jiro kahit kaylan! Anyway, pack your things na kapag naka-uwi na kayo, kaylangan ko pang ayusin yung mga dapat ayusin para sa Retreat, dahil bukas na bukas ipapadala ko kayo sa Baguio, at ako nang bahala sa mga parents nyo magsabi ng dahilan. Kung sino man ang disagree prepare yourself para sa galit ng parents nyo at sa hagupit ng demonyong kaharap nyo ngayon!" wala namang nagdisagree, takot lang namin na malaman ng parents namin yung mga kalokohang ginawa namin sa school noh. CORRECTION! NILA! Kalokohang ginawa nila sa school na nakijoin naman ako. Tss.

"Oh, Pwede na kayong umuwi, tandaan nyo, you are all undersurveillance."

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]