My Rival My Lover (BoyxBoy)

By jwayland

206K 7.4K 811

Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa... More

Mr. Perfect
Pretend
Threaten
Not How I Roll
Not What I Expected!!!
Something About That Kiss
Last Subject
Losing My Mind
Doctor's Order
Face Your Fear
A Deal
My First Time
His Other Side
My Decision
Not An Update
A Request
Rumor
My House
Finally
Bakit Siya?
In Love With My Best friend
Ang Mahalaga
A Picture
Obsessed
The Bestfriend
His Side of the Story
His Safety
I Love Him
Wait For Me
Paghihintay
Pagtakas
Can't Let Go
I'm Rich!
Graduation Day
A Decision To Make
After All

Secret

5K 197 18
By jwayland

Maligayang araw nang kalayaan! Ipaglaban ang karapatan maging malaya hehehe, pero seriously we should honor the people behind our freedom. Ano ba yan nagiging makata na ako hehehe, badtrip natalo Ginebra pero mamaya naman ay laban uli nila kaya sana manalo :)

Picture of Bruce Cuerva on the right=====>>>>>>

Song is Pasulyap Sulyap by Tootsie Guevara

===============================================================================

CHAPTER NINETEEN

Chase's POV

"Hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako." narinig kong sinabi ni Bruce, papunta na kasi kami sa una naming klase para sa araw na iyon.

"Saan ka naman naguguluhan?" tanong ko naman dito, I tried to focus lalo na't naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"Handa na akong subukan kung anong meron sa atin, hindi na ako takot na sundin kung anong nararamdaman ko, pagod na akong labanan ang sarili ko na lumayo sayo dahil alam ko sa puso ko na ikaw at ikaw lang ang hahanapin nito."

Aminin ko takot pa din ako, dahil ngayon ko lang naramdaman ito at hindi ko alam kung paano kikilos ngayong kami na ni Dexter.

"Wait kami na nga ba ni Dexter?' bigla kong naisip, ni wala naman kasi kaming napag-usapan nito kung ano bang meron kami, kung magboyfriend na ba kami or mutual understanding lang.

Sa lalim nang pag-iisip kong iyon ay nagulat na lang ako nang muling magsalita si Bruce.

"Kay Dexter." sagot nito, bigla naman akong napatingin dito, naisip ko kasing baka may nasabi ako habang nag-iisip ako ng malalim.

"Anong meron kay Dexter? Wala kaya." wala sa sarili kong sagot dito, kita ko naman ang pagkunot ng noo nito ng dahil sa sinabi ko.

"Ok ka lang ba?" naguguluhan naman nitong tanong na hindi ko naman nasagot, mabuti na lang at nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Tinanong mo ako kanina kung saan ako naguguluhan, naguguluhan ako kay Dexter, kasi naman kahapon lang nagdrop out siya, pero ngayon hindi na pala." naiiling naman nitong sinabi.

Hearing Dexter's name brought a wide smile from my face, that I tried to hide, ngayon naging tapat na ako sa sarili ko ay hindi ko maiwasang hindi maitago ang saya na dulot ng pagdating sa buhay ko ni Dexter.

Hindi ko alam kung napansin ba ni Bruce ang naging reaksyon pero hindi na din ito umimik, kaya naman tahimik na kami nang makarating kami.

Pagkarating sa classroom ay awtomatiko namang dumako ang paningin ko sa lugar kung saan alam kong nakaupo ang taong labis kong pinapanabikan.

Agad naman nagtama ang aming mga paningin, bigla ang pagrigudon ng puso ko habang nakatitig sa maiitim nitong mga mata, pakiramdam ko nga ay biglang tumigil ang mundo sa pag-inog habang magkaniig ang aming mga mata.

"Tara na Chase." nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang paghatak sa akin ni Bruce, agad ko siyang tinignan kung napansin niya ba ang sandali kong pakikipagtitigan kay Dexter pero mukhang wala naman itong napansin kaya naman sumunod na lang ako dito, sandali ko naman nakita ang paglipad ng tingin ni Dexter sa kamay ni Bruce na nakahawak sa akin na tila ba sinasabi nitong alisin ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Bruce na agad kong ginawa, mahirap na.

Kahit anong pilit ko sa sariling huwag tumingin sa direksyon ni Dexter ay hindi ko naman iyon magawa, namamalayan ko na lang na awtomatikong kumikilos ang ulo ko patungo sa direksyon ni Dexter, agad naman nagtama ang mga mata namin, muli ay nahulog ako sa mga mata nito, ilang minuto din siguro iyon bago ako magbalik sa wisyo, sandali akong tumingin sa paligid kung may nakapansin ba si pagtitinginan namin ni Dexter, ngunit mukhang wala naman, ngunit bigla ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko nang makita ko ang kakaibang tingin sa akin ni Bruce, ngunit agad din naman itong tumingin sa harap.

"Huwag kang masyadong obvious!" inis kong sinabi sa sarili ko, pero muli ay natagpuan ko na naman ang sarili kong nakatingin kay Dexter.

Nang matapos ang klase ay agad akong dumiretso sa malapit na CR, hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Bruce at muli ay ramdam ko ang matiim na pagtitig sa akin ni Dexter.

Agad akong dumiretso sink at agad naghilamos ng mukha, I tried to shake this intense attraction para kay Dexter.

"Pull yourself together." muli ay galit kong sita sa sarili ko. "Ay anak nang......." muntik na akong mapasigaw nang pag-angat ko ng uli ay tumambad sa akin ang taong kanina ko pa ninanakawan ng tingin.

Nakasandal ito sa pinto ng cr, habang magkacross naman ang mga braso nito sa dibdib, I can see an amused expression on his face which kind of pisses me off.

"What the hell are you doing here?" inis kong tanong dito, dumiretso naman ako sa dryer para magpatuyo ng kamay ko, ngunit bago pa man ako makalapit doon ay agad ako nitong hinatak palapit dito, agad naman lumapat ang mga kamay ko sa matigas nitong didib.

"Ano ba....." ngunit agad iyong naputol nang maramdaman ko ang labi nito na nakalapat sa mga labi ko.

"Sandali lang baka may taong...." pero katulad kanina ay hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang muli na naman nitong angkinin ang mga labi ko, ilang sandali lang ay nawala na sa isip ko na baka may makakita sa amin, ang mahalaga ay ang oras na iyon kung saan pinaparamdam sa akin ni Dexter ang nararamdaman niya.

"You're driving me crazy." halos hinihingal nitong sinabi sa akin, para naman nag-init ang buong katawan ko nang makita ko ang pagnanasang nasa mga mata nito, I felt the thing between my legs woke up ng dahil doon.

"Aalis na ako at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko." seryoso naman nitong sinabi at matapos nga noon ay umalis na din ito, naiwan naman akong parang wala sa sarili.

"Paano na ako makakapagfocus nito?" namomoblema ko namang bulong sa sarili ko.

Tila wala naman ako sa sarili ko nang lumabas ako ng cr, nagulat na lang ako ng makasalubong ko si Bruce.

"Nandiyan ka lang pala, tara na at late na tayo sa next class natin." aya naman nito sa akin, tumango na lang ako at sinundan tahimik itong sinundan, pakiramdam ko lutang ako ng mga oras na iyon, mabuti na lang talaga at mukhang hindi napapansin ni Bruce ang mga kinikilos ko, kasi naman tong si Dexter tama ba naman halikan ako sa CR, but who's complaining, kasi naman nang tinanggap ko na sa loob ko na may nararamdaman ako kay Dexter ay mas naging maluwag na sa akin ang lahat, mas naging masaya na ako.

As much as possible ay pinilit kong magfocus sa mga lessons at iwasang titigan si Dexter, ang guwapo kasi nito eh.

"Wait! Does it mean I'm already gay?" sandali akong natigilan ng maisip ko ang bagay na iyon, kasi naman inamin ko nang attracted ako kay Dexter, well more than that actually pero ibig ba nitong sabihin na bading na ako?

"Why are you staring at me like that?" nawiweirduhan na tanong sa akin ni Bruce, hindi ko naman ito pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagtitig dito.

Masasabi ko kasing guwapo din ang best friend ko na ito, ito iyong sinasabi nilang Mr. Nice guys, iyong tipong boy next door, madami din naman nagkakagusto dito, pero ni isa wala itong pinapansin.

Oo guwapo si Bruce pero bakit wala akong nararamdaman na kahit ano dito, ibang-iba kapag si Dexter ang tinititigan ko, so ibig bang sabihin partial gay lang ako?

Naiiling na lang ako sa mga naiisip ko, minsan naisip kong kailangan bang magkaroon ng label ang mga bagay bagay, hindi ba puwedeng nagmahal ka lang  dahil iyon ang naramdaman mo?

Bigla naman nanlamig ang buong katawan ko nang may maramdaman akong hindi maganda, agad naman lumipad ang tingin ko sa puwesto ni Dexter at kita ko naman ang pagsasalubong ng mga kilay nito.

"Patay!" sa loob loob ko, mukha kasing nakita nito ang ginawa kong pagtingin kay Bruce at mukhang nagselos ito.

Weird ba kung makaramdam ako ng kaba at kilig at the same time? Kasi iyon mismo ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

"Bakit mo nga ako tinitignan kanina?" pangungulit sa akin ni Bruce hanggang sa matapos ang second class namin.

Sinubukan kong maghintay ng tamang pagkakataon para makausap si Dexter, pero parang nananadya naman ang pagkakataon dahil naging abala kami ng araw na iyon hanggang sa pinakahuling klase namin, kaya simula pa kanina ay ramdam na ramdam ko na hindi naging maganda ang araw ni Dexter at dahil lang iyon sa pagtitig ko ng matagal kay Bruce.

Finally tapos na ang huli naming subject kaya naman dali dali akong nag-ayos ng mga gamit ko, gusto ko na kasing maging maayos ang lahat, gusto kong magpaliwanag kay Dexter kung paano ay hindi ko alam.

"Chase! Wait I need to tell you something!" tawag naman sa akin ni Bruce, palabas na kasi ako ng classroom dahil lumabas na din si Dexter, mahirap na at baka basta na lang itong umuwi na hindi man lang kami nagkakausap.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Bruce at agad na akong lumabas, sandali kong inikot ang mga mata ko hanggang sa mamataan ko si Dexter at kung tama ang hinala ko ay papunta ito sa isang bakanteng lote kung saan nakatambak ang mga lumang gamit na hindi na kailangan.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko nang makita kong lumiko na ito, mahirap na at baka mali ang kutob ko at sa iba pala ito pupunta, inabot din siguro ako ng mga limang minuto, ngunit laking panlulumo ko nang hindi ko ito doon nakita.

Mukhang hindi ako makakatulog ng maayos dahil hindi ko man lang naipaliwanag ang part ko kay Dexter, ngunit laking gulat ko nang may maramdaman akong kamay sa balikat ko, ngunit mas lalo akong nagulat nang iharap ako nito at angkinin nito ang mga labi ko.

Ramdam ko ang mapagparusa nitong mga halik na hinayaan ko lang hanggang sa maramdaman kong mas naging banayad ang mga halik nito.

"Don't make me jealous like that again." bulong nito sa akin, sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon, magkadikit ang aming mga noo habang magkaniig ang aming mga mata, naputol lang iyon nang makarinig ako ng ingay sa bandang harapan ko.

Bigla ang pagkabog ng dibdib ko kaya naman dali dali akong lumayo kay Dexter, ramdam ko ang pagtutol nito pero mabuti na lang at hinayaan ako nito.

Mas lalo akong kinabahan sa nakita ko, likod lang ang nakita kong iyon pero hinding hindi ako puwedeng magkamali.

"Bruce." sagot ko kay Dexter kahit hindi pa man ito nagsasalita, pinilit kong huwag ipahalata ang takot na nararamdaman ko.

Nagkasundo kami nito na itago ang relasyon namin hanggang sa makagraduate kami kaya malaking problema ito lalo na't best friend ko pa ang nakahuli sa amin!







Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
5.2M 183K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
2.4M 79.2K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
1.5M 68.6K 56
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din...