My Rival My Lover (BoyxBoy)

By jwayland

204K 7.4K 811

Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa... More

Mr. Perfect
Pretend
Threaten
Not How I Roll
Not What I Expected!!!
Something About That Kiss
Last Subject
Losing My Mind
Doctor's Order
Face Your Fear
A Deal
My First Time
His Other Side
My Decision
Not An Update
A Request
My House
Finally
Secret
Bakit Siya?
In Love With My Best friend
Ang Mahalaga
A Picture
Obsessed
The Bestfriend
His Side of the Story
His Safety
I Love Him
Wait For Me
Paghihintay
Pagtakas
Can't Let Go
I'm Rich!
Graduation Day
A Decision To Make
After All

Rumor

4.3K 208 23
By jwayland

Kaway kaway sa mga matiyagang naghintay ng update ng story na ito, I'm sorry kung hindi ko natupad ang pangako ko na, tatapusin ang story na at saka ko iaupdate, parang kailangan ko kasi ng breather sa pagsusulat ng BXB kaya ayun, pero pipilitin kong at least three times a week makapag update.

Picture of Dexter Soriano on the right=====>>>>>>

Song is I Hate You I Love You by Gnash ft Olivia O'brien

===============================================================================

CHAPTER SIXTEEN

Chase's POV

"Good morning." walang kabuhay-buhay kong bati sa mga bumabati sa akin, habang naglalakad ako papunta sa unang klase namin.

Hindi ko maiwasang hindi humikab dahil sa antok na nararamdaman ko, hindi kasi ako agad nakatulog kagabi, muling naglalaro sa isipan ko ang huling pag-uusap namin ni Dexter, at muli ay naramdaman ko na naman ang sakit at panghihinayang sa pinakiusap ko dito, sa totoo lang hindi ko nga alam kung tutuparin ba niya ang hiniling ko sa kanya lalo na't hindi naman nito kinumpirma na gagawin nito ang paglayo sa akin.

"Hey Chase!" nadinig kong tawag sa akin, at kahit hindi ko tignan kung sino iyon ay alam kong si Bruce iyon.

"Morning." bati ko dito na sinundan ko nang mahabang hikab. 

"I badly needed a cup of coffee." sa loob loob ko na siya mismong sinabi ni Bruce.

Dahil maaga pa naman ay naisipan naming, dumaa sa cafeteria, agad naman akong umorder nang black coffee sa counter at ilang sandali lang ay papunta na kami sa una naming klase.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagkukumpula nang mga ilang estudyante, at mukhang focus sila sa mga pinag-uusapan nila, hindi ko na lang pinansin iyon, hanggang sa makarating kami sa classroom, kung saan ko nalaman ang pinag-uusapan ng mga estudyante sa school.

Napansin ko na lang ang patuloy na pag-iyak ni Zonia.

"Anong problema niyan?" tanong ko sa katabi ko nang makaupo na kami sa usual na puwesto namin.

"Hindi mo pa ba narinig ang balita?" hindi naman makapaniwalang tanong nito sa akin, tumingin ako kay Bruce trying to check kung alam din nito ang tungkol doon, ngunit nagkibit balikat lang ito.

"Ano ba iyon?" walang kainteres-interes kong tanong dito.

"Nagdrop out na si Dexter." parang bomba naman na sumabog sa pandinig ko ang bagay na iyon.

"A.....nong sinabi mo?" hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito, naisip ko na lang na baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig.

"Nagdrop out na si Dexter, may pinapunta lang na tao dito para maiasyos ang........." ngunit hindi ko na iyon natapos pakinggan.

"Saan ka pupunta Chase?! Magsisimula na ang klase!" narinig ko pang sigaw ni Bruce, pero hindi ko na iyon masyadong naintindihan dahil ang buong atensyon ko ay nasa nalaman ko.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, hindi ko na pinansin ang mga bumabati sa akin, may isang destinasyon ako sa isip, at hihingal pa ako nang makarating ako sa registrar office.

"Anong maipaglilingkod ko sayo Chase?" tanong naman ni Kimberly na siyang student assistant sa office na iyon.

"Totoo ba? Totoo bang nagdrop out na si Dexter?" tanong ko dito, pilit ko pa din hinahabol ang paghinga ko.

"Oo, totoo iyon, nandito ako ng may dumating na abogado si Dexter, ayon sa kanya ay gusto nang umalis sa school na to ang kliyente niya." parang nanghina naman ako ng makumpirma ko ang totoo.

"Ok ka lang ba?" nag-aalala naman na tanong ni Kimberly sa akin, hindi ko na iyon pinansin at basta na lang naglakad na tila ba walang patutunguhan.

"Why did you do this?" hindi ko namalayan na lumabas iyon sa bibig, hindi ko naman kasi akalain na, iyon ang gagawin nito para lumayo sa akin, hindi ko naisip na hilingin dito ang bagay na iyon.

Sa sobrang pagkatuliro ay nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko.

"Hello?" sinabi ko sa kabilang linya.

"Good morning po, ito po ba si Chase Montevista?" narinig kong tanong naman nito.

"O...opo, sino po sila?" balik tanong ko naman.

"Mga pulis po kami sa Pasay, may nakuha kaming footage kung saan pinagtangkaan kidnapin ang kapatid ninyo." sa narinig ay para naman akong nagising, agad kong kinuha ang impormasyon na kailangan ko, matapos non ay nagmamadali na akong naglakad palabas, ngunit bago ko pa man magawang makaalis ng campus ay may isang tao naman na sumalubong sa akin, taong pinakahuli kong gustong makita.

"Where do you think you're going?" tanong naman ni Anthony sa akin, base sa puwest nito ay mukhang hinihintay talaga ako nito.

"It's none of your damn business, wala akong oras sayo, may kailangan akong puntahan." sagot ko naman dito, sa totoo lang gustong-gusto ko nang bangasan ang mukha nito, kung hindi lang ako nagmamadali.

"Well I guess, you haven't heard the rumor today yet?" na sinundan naman nito nang nakakalokong tawa, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa sinabi nito, inisip ko na lang na tungkol sa pagdrop out ang sinabi nito, pero hindi ko pa din maalis sa dibdib ko ang kakaibang kaba.

"I don't have time for this." balewala kong sinabi dito, mabuti na lang at hindi na ako pinigilan nito dahil kung hindi ay baka nabigwasan ko na talaga ito.

Sakto naman na may nakatambay na taxi paglabas ko, kaya naman agad akong nagpahatid sa naturang presinto.

"Ako po si Chase.... Chase Montevista, may tumawag po sa akin tungkol sa video ng failed kidnapping sa kapatid ko." sinabi ko naman sa pulis na naroroon, ilang sandali lang ay may lumapit sa akin na isa pang pulis at ayon dito ay siya ang tumawag sa akin.

"Thank you for coming Mr. Montevista." salubong nito sa akin, ginaya naman ako nito sa maliit na opisina kung saan naroon ang computer sa presintong iyon.

"Walang anuman po, totoo po bang may video na kayo sa nangyari?" excited kong tanong dito, may gusto kasi akong malaman.

"Oo hijo, may gusto din sana kaming itanong sayo." sagot naman nito, hindi din nagtagal at plinay na nito ang naturang video.

Ilang sandali lang ay nakita ko ang sarili sa video, kasama ko pa si Kenjie doon, hinayaan ko itong mag-isa sa CR ng tumawag si Bruce para ipaalam sa akin na nasend na nito ang email para sa thesis namin, sandali lang akong tumalikod para kausapin ito, kitang kita sa video ang paglabas ng kung sinuman na lalaki na buhat buhat ang walang malay kong kapatid, ayon sa kapatid ko ay mga pinaamoy na kung ano dito kaya nawalan siya ng malay, hindi na nahagip ng camera ang pagtangay ng kung sinuman lalaking iyon sa kapatid ko.

"May video pa po ba kayo sa sumunod na nangyari?" tanong ko dito.

"Wala na hijo, sa lugar kasi kung saan nabugbog ang mga kidnappers ay walang CCTV kaya hindi kami nakakuha ng video, pero meron kaming isang video ang nakuha at gusto sana namin, itanong kung kilala mo ba ang taong iyon." sagot nito sa akin, agad naman nitong hinanap ang isang video, at sa nakita ko ay nahigit ko naman ang paghinga ko nang makilala ko ang taong buhat-buhat ang wala pa ding malay kong kapatid.

"Dexter....." wala ko sa sariling nasabi, hindi ako makapaniwala na tama ang hinala ko at ito nga ang nagligtas kay Kenji.

"Mukhang kilala niyo nga ang taong yan, kung ganoon?" nagulat na lang ako nang muli itong magsalita, sandali ko kasing nakalimutan kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko.

"O..opo classmate ko po siya." sagot ko naman dito, matapos non ay kinuhanan lang niya ako ng ilan pang impormasyon at hinayaan na ako nitong makaalis.

Litong-lito ang isip ko ng mga oras na iyon, mula sa pagdradrop out ni Dexter hanggang sa bago kong nalaman.

Mas lalong nililito ng nalaman ko ang emosyon na naglalaro sa dibdib ko ng dahil kay Dexter, at isang solusyon lang ang naisip ko at iyon ay puntahan at kausapin ito.

Mabuti na lang at nandoon pa din ang Taxi na sinakyan ko kaya naman agad akong sumakay doon at nagpahatid sa bahay ng mga ito sa Dasma Village.

Habang nasa biyahe ay muli na naman tumunog ang phone ko, at agad ko iyon sinagot nang mabasang si Bruce pala ang tumatawag na iyon.

"Hello Brad, pakitabi na lang ang gamit ko, pakisabi na lang din sa mg Prof natin na may emergency." bungad ko naman dito.

"Chase, I think kailangan mong bumalik dito sa school." seryosong seryoso naman nitong sinabi.

"Sorry Bruce, pero may kailangan pa akong puntahan." matigas ko naman na sinabi dito.

"Sorry Brad, pero kailangan kailangan mo talagang bumalik, there's a rumor here about you." sa narinig ay biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba, mabigat man sa dibdib ko ay pinabago ko na kay Kuya driver ang pupuntahan namin at iyon ay pabalik sa school.

Sakto naman na lunch break nang makabalik ako sa school, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate ng campus ay agad kong napansin ang muling pagkukumpulan ng mga estudyante at kapansin pansin ang bigla nilang pananahimik nang makita nila ako.

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ng isa sa mga iyon.

"What a liar." narinig kong sinabi nito nang tuluyan na akong makalagpas sa kumpol na iyon, mas lalo tuloy akong kinabahan ng dahil doon.

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa lugar na pinag-usapan namin ni Burce, agad naman akong sinalubong ni Bruce pagkakitang-pagkakita pa lang nito sa akin.

"What happened?" tanong ko naman dito, imbes na sagutin ay minabuti nitong ipakita sa akin ang pinag-uusapan ngayon ng buong school.

Bigla akong nanlamig nang tuluyan kong makita ang mga larawan na nakapaskil sa harap ng building ng bawat courses.

"Well.... well... well.... finally dumating ka na din." narinig kong may nagsalita sa likod ko, at nang tignan ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Anthony, hindi mahirap malaman kung kanino galing ang mga larawan.

"What do you want Anthony?" pigil-pigil ko ang emosyon na gustong umalpas sa dibdib ko.

"Hindi mo ba naenjoy ang mga pictures Chase? Ang guwapo mo kaya sa mga pictures at maliban pa doon ay parang at home na at home ka." natatawa nitong sinabi.

Ilang sandali lang ay nagsidatingan na ang mga schoolmates namin kabilang si Zonia na namumula pa din ang mga mata.

"Who would have thought......." naiiling nitong sinabi.

"Chase Montevista... pinakasikat.... pinakamatalino at pinaka athletic sa buong school...... well idagdag pa natin, pinakasinungaling na estudyante sa school!" biglang naningkit naman ang mga mata nito sa huling sinabi nito.

"How dare you fool the school na mayaman ka, gayong mas mahirap ka pa sa daga!" he said cruelly mas nilakas pa nito ang boses para marinig ng lahat.

"That's a lie." malamig ko naman na sagot dito, mahirap kami, pero hindi totoong mahirap pa kami sa daga, pero mukhang iba ang pagkakaintinding iyon ni Anthony sa sinabi ko.

"Talaga? Then paano mo maipapaliwag ang mga nasa larawan?" hamon naman nito sa akin.

Ang mga nasa pictures kasi ay mga pictures ko habang sakay ng jeep, at isang picture naman doon ay ang pagpasok ko sa bahay namin, maayos naman iyon pero malayong malayo iyon sa definition ng mga taong naroon.

Hindi ko alam kung paano ko malulusutan ang mga ito, lalo na't nasa harap na ng lahat ang totoo, na isa akong sinungaling at mapagpanggap na tao.

I was about to speak, nang may isang boses ang tumawag sa pangalan ko.

"Nakahanda na po ang kotse Master Chase." narinig ko at nang tignan ko kung sino iyon ay bumungad sa akin ang isang matandang lalaki na marahil ay nasa fourty plus na ang edad, nakasuot ito nang azul na polo at itim na pantalon.

Mas lalo akong naguluhan nang maanalyze ko ang tinawag nito sa akin, kasi naman tinawag ako nitong Master at maliban pa doon ay handa na daw ang kotse ko eh wala naman akong kotse.




Continue Reading

You'll Also Like

32.4K 2.9K 26
Tatlong taon - sa mahabang panahon na ito ay nagkukulong lamang si Jam sa sariling mundo nila ng kanyang nobyo. Sa bawat araw na lumilipas, iisa lang...
586K 768 3
#1 IN TEEN FICTION Mysterious and full of secrets, Eul decided to live independently---away from everyone who knows him. By his eagerness to hide fro...
639K 23.5K 42
|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng tao...
273K 11.1K 39
Laking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na...