Nakatitig pa rin ako dun sa picture nang bigla akong tinawag ni mama para kumain ng hapunan...
Bumaba na rin ako dahil sa gutom na gutom na ako.
Dinala ko yung picture, gusto ko kasing itanong kay mama kung sino yung lalaki na kasama ko dun.
Bakit ba di ko siya maalala???!!
Ampupu ahh..
Sa bagay 3 years old lang ata ako nun ee..
Lumabas ako ng kwarto at bumaba...
Tinanong ko agad kay mama kung sino yun, naku-curious kasi talaga ako..
^________^
"Ma.." - Ako
"O, bakit?" - Mama
"Tignan mo to, nakita ko to kanina sa may lumang album sa kwarto ko.." - Ako
Tapos pinakita ko na yung picture...
"Ahh, andito pa pala yung picture na to, ang cute mo ohh, kinder ka lang dito ha.." - sabi ni mama ko na nakangiti...
"E mama, sino yung kasama kong batang lalaki dyan?" - tanong ko
"Ah di mo na ba siya natatandaan? Sa bagay, bata ka pa rin nun e." - sagot ni mama..
Eeee.. >___< Di naman niya sinagot yung tanong ko...
"E mama, sino siya?" - sabi ko ulit
"Ahhhh...siya ba?? :) " - mama
Tapos ngumiti lang siya..
-______-
Eeeee.... Binibitin niya ako...
=_____=
Nag-iisip rin ata siya kung sino yun.
Tapos nagsalita na siya..
"Nakalimutan ko na rin anak e, hehe..." - sagot ni mama..
Eeee... ampupu..
Nalungkot ako bigla.. bakit ba kasi ganun na lang yung impact ng picture na yun sa akin...
Di ko rin alam..
Nung nakita ko kasi yun...
parang.....
para bang....
parang...
hihihi.. iba e, may lukso ng dugo... ay lukso ng picture pala.. hahaha..
Paalis na sana ulit ako para pumunta sa dining table nang magsalita ulit si mama..
"Ahh.. natandaan ko na anak.. " - mama
"Si EJ yang kasama mo sa picture, tama.. EJ nga pangalan niya.. kaklase mo rin siya sa kinder nun. " - mama
Nabuhayan ulit ako.. .^____________^
Kilala ko na siya.. :)))
EJ pala ahh...
"E asan na siya mama?" - Ako
"Basta ang alam ko lang, yung picture na yan yung huling kuha niyong dalawa. Pumunta na rin kasi sila ng pamilya niya sa America. Tapos wala na rin akong naging balita sa kanila. Ano nga ba yung apelyido nila???? Ay, di ko na rin matandaan, teka bakit mo ba tinatanong ha?" - mama
"Ah, wala naman mama, na-curious lang" - sagot ko.
Tapos pumunta na ako sa dining table namin.
Asan na kaya si EJ ngayon..
?_____?
Naisip ko lang..
Nasa America pa kaya siya??
Ano na kaya hitsura niya ngayon???
Mabait kaya siya???
Cute????
Single????
Tanda pa ba niya ako????
.
.
.
.
.
.
Teka teka Alexa... Bakit ba kasi ang dami mong tanong??!!!!
Malay kasi natin siya pala yung prince charming ko diba?..
Hihihihi..
Syempre joke yun..
Makakain na nga lang..
^__________^
__________________________________
Erik's POV
(nagda-drive pauwi....)
Ang sakit pa rin ng sinuntok sa akin ni Carlo.
-________-
Sa totoo lang, first time nangyari sa akin to.
Never pa akong nakipag-away o napa-away.......wew.....ngayon pa lang..
Pero di ko yun pinagsisisihan...
Ginawa ko naman kasi yun para kay Alexa...
Naiinis ako kay Carlo..
Kasi niloko niya lang si Alexa...
Pero..
Naiinis rin ako sa sarili ko..
Kasi yung ginawa ni Carlo, nagawa ko na rin sa ibang babae...
Hindi ko alam na ganun pala ang epekto nun..
Tingin ko tuloy sa sarili ko ang sama ko... ay hindi.. masama pala talaga ako..
Sa akin kasi, laro lang ang lahat...
Pero bakit ba nang nakilala ko siya...
Parang naiba...
Nakakainis...
Ano bang nangyayari sa akin??!!!
Binuksan ko yung radyo...
Tapos biglang tumugtog yung "Sa isang sulyap mo by 1:43"
Lalo tuloy akong napaisip..
Nagpapaka-emo nga rin pala kaming mga lalaki.. lalo na kung dahil ito sa isang babae...
Naalala ko yung nangyari kanina...
Sinabi niya kay Carlo na boyfriend na niya ako..
Natuwa ako nun...
Di ko alam kung bakit..
..........
♫ ♪ ♫
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punong-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako...
...........
Tapos nung nagkatitigan kami...
Naramdaman ko na naman yun..
Yung biglang bumilis yung tibok ng puso ko...
Napapadalas na yun... Teka Erik??!!! Baka may sakit na ako sa puso??!!!
Di ko alam...
Di ko na maintindihan yung sarili ko...
Basta masaya ako....
masaya ako pag kasama ko siya...
Sa totoo lang, ngayon ko lang to naramdaman...
Feeling ko nga matagal na kaming magkakilala...
Himinga ako ng malalim...
Ano bang ginawa mo sa akin Alexa....?
Ano na ba itong nararamdaman ko???
Bakit?
.....
_____________
A/N:
Pasensiya na po kung ngayon lang ulit nakapag-update..
Sobra kasi akong naging busy...
Sana nagustuhan niyo itong Chap. 16..
^____________^
Sino si EJ????
Ano na ang nararamdaman ni ERIK para kay ALEXA???
Marami pang mangyayaring kaabang-abang..hehehe
VOTE o COMMENT po kayo pleaseeee :))
Salamat ng marami ^_______^
misskomplikado :)