Seducing My Husband

By frappiness

5.7M 55.4K 3.7K

Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang... More

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
SMH
Question :>

Chapter 9

125K 1.2K 71
By frappiness

CHAPTER 9

DAY-OFF

Kinabukasan, nagising akong nakahilata sa sarili kong kama. Di ba nakatulog ako sa kwarto ni Jeff? Binuhat niya ba ako papunta dito? Pagtingin ko sa orasan 8am na. 8AM NA?! Dali dali akong tumayo sa kama ko. Hindi ko pa napagluluto si Jeff ng almusal. Palabas na ako ng kwarto nang narealize ko na siguro nakaalis na si Jeff. Nasa opisina na siya siguro ngayon, at nakakain na siya ng breakfast. Nice one Tin, nice one, paano maiimpress si Jeff niyan.

Bumalik na lang ako sa kwarto at naligo. Pagkatapos ay tinawagan ko si Anj na siya muna ang bahala sa shop ngayon since nakipag-date naman siya last time. Besides, naririnig ko pa ngang nagsasalita si Kev sa background, kaya for sure ayaw din naman niya akong nandun. Balak ko magpaint ngayon sa bahay. Pero nagugutom na ako kaya nagpagpasyahan kong bumaba para magluto ng makakain.

Muntik n akong mahulog sa hagdan nang may biglang nagsalita."Tsk. Ang tagal bumaba."

"JEFF?! Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa office ka na?" Si Jeff ba talaga to?

Tiningnan ko ang orasan, 8:40 na pero bakit naka-upo lang siya sa sofa at nagbabasa ng dyaryo? "Sunday ngayon."

"Ehh-h?" I can't even say a word.

"Tsk. Day-off ko ngayon." Hala! Galit na naman siya.

May day-off pala siya? Dati naman kapag Sunday nasa office pa rin siya. "Haist. Magluto ka na nga lang. Gutom na ako." Sabi ni Jeff habang naka-focus pa rin sa pagbabasa ng dyaryo.

"Teka, hindi ka pa kumakain? Sige sandali lang." Pumunta na akong kitchen at nagluto ng late breakfast. Ang weird talaga, hindi sya papasok sa office? Magugunaw na ba ang mundo? Dahil ba 'to sa nangyari kagabi? Naks, may nangyari Tin? Teka lang, hindi kaya dahil may pasa siya sa mukha kaya ayaw niyang pumasok? Kamusta na kaya ang sugat niya? Dali dali ko naman nilagay sa lamesa ang mga pagkain tapos lumapit ako kay Jeff. Umupo ako sa tabi niya kaya napatingin siya sa akin at binaba ang dyaryong binabasa niya.

Nilapit ko ang mukha ko para makita lalo ang sugat niya."T-teka. Ano sa tingin mong ginagawa mo?" pagtataka ni Jeff. Okay na ang mukha niya. May konting galos pero magaling na. Hindi na masyado halata ang mga suntok sa kanya kaya pwede na siyang pumasok.

"Hoy. Bakit mo ako tinitingnan? Ano bang prob—" napatigil siya ulit sa pagsasalita kasi hinawakan ko ulit ang mukha niya. Hinimas himas ko ang isa niyang pisngi. Kagabi ang laki ng pasa niya dito, ngayon halos wala na.

Napangiti naman ako."Wow ok na. Magaling na!"

Napansin ko na lang na nakatingin lang sakin si Jeff. Bigla kong tinanggal ang kamay ko sa cheek niya."Uh s-sorry. Chineck ko lang yung sugat mo. Uhm, hehe?"

Nakatingin pa rin siya sa akin. Hala! ayaw niya pa namang hinahawakan ko siya. Ito naman kasing kamay ko, pabigla-bigla. Sorry na.

Tumayo na lang ako. "G-gusto mo na ba kumain? Tara na?" tanong ko sa kanya.

Naglakad na ako papunta sa table. Sumunod na rin sya. Kumain na kami. Magkaharap kami kaya di ko maiwasang tumingin sa kanya. Minsan nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa akin, kaya nagkakatinginan kami then sabay pa kaming mag-iiwas ng tingin. Ang gulo lang namin.

Tapos na kaming kumain at nilalagay ko na ang mga pinggan sa lababo nang tumunog ang phone ni Jeff. "What now Bessie?"

Nagsisimula na akong maghugas ng pinggan. Pero naririnig ko ang boses ni Jeff kahit nandito ako sa kitchen."Look, it's my day-off Bessie. I don't need to.... uh huh... Well, send other guys! Asan ba sina Paul?... Ha? Tsk.... WHAT?! Haist!... Fine. Oo na pupuntahan ko na.... Ok sige. Fine..Bye."

Narinig kong umakyat si Jeff sa hagdan, magbibihis siguro. Ano kayang nangyari? Pagkatapos ko maghugas, pinuntahan ko agad si Jeff. Naabutan ko siyang palabas galing ng kwarto niya.

"Uhm, Jeff. Aalis ka ba?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kamay ko gamit ang twalyang hawak ko.

"May kailangan akong puntahan na kliente." Sabi niya habang inaayos ang damit niya.

Tiningnan ko ang suot niya. Naka-pants and t-shirt lang siya. Hindi naman siya mukhang pupunta ng meeting. "Pero, akala ko day-off mo?" Nagtataka naman ako akala ko pa naman masosolo ko na siya ngayon.

"Akala ko din. Tsk." Sabi niya at kinamot naman ang batok.

"Ganun ba. Sayang naman." Sayang talaga akala ko talaga magkakaroon na kami ng moment naming dalawa.Napatungo na lang ako. Sayang kasi akala ko makakasama ko siya ngayong araw. Sayang kasi once in a blue moon na nga lang siya magday-off, hindi pa ako ang makakasama niya. Sayang lang talaga.

"Gusto mo bang sumama?" Napa-angat naman ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi ni Jeff.

Napangiti ako ng pagkalaki-laki. "Talaga Jeff?! Pwede ba talaga akong sumama?! Talaga? Talaga?" Eto na ba ang sinasabi nilang moment. I need to capture this moment.

"Wag na lang pala. Hindi pwede."napabusangot naman ako sa sinabi niya. Sana walang bawian naman. Nagsimula na siyang maglakad palayo.

Hinabol ko siya. "Teka Jeff! Wala ng bawian!!! Sabi mo pwede akong sumama!!"

"Wala akong sinabi."Hala! Wala daw pero mayroon kaya.

"Sige na naman please!! Isama mo na ako! Promise tahimik lang ako. Hindi kita aabalahin. Promise talaga." I raised my right hand. Pumayag ka na Jeff minsan lang naman to. At saka hindi ko naman siya gagambalain.

Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ako ng maigi. "Sigurado ka bang gusto mong sumama?" sabi niya at tinitigan ako.

"Yup! Yup! Yup!" Todo tango pa ako.

Nagbuntung hininga sya."Fine. But don't tell me na hindi kita pinigilan." May pagbabantang sabi ni Jeff.

"YAY!" Tumakbo naman agad ako sa kwarto ko para magbihis. Kahit naman saan kami pumunta, basta kasama ko si Jeff, magiging masaya ako. Nagsuot ako ng casual dress then flats. Mukhang chill lang pero at the same time pwedeng iharap sa client ni Jeff. Konting lipstick lang then I grabbed my shoulder bag.

Pagbaba ko, tiningnan ako ni Jeff mula ulo hanggang paa. Ang ganda ko noh? "Sigurado ka bang ganyan ang isusuot mo?" pagtataka niya.

"Huh? B-bakit, hindi ba bagay?" Yumuko naman ako at tinignan ang damit ko. Okay naman ang dress ko pati ang flats ko.

Bigla namang tumunog ang phone niya. "Tsk. Fine pwede na 'yan." Sabi ko na nga ba maganda rin tong dress ko. Nagsimula na siyang maglakad papalayo habang sinasagot ang phone niya. Hindi ba niya nagustuhan ang damit ko? Maayos naman. Napansin ko na lang na nilagpasan na niya ang kotse niya pero naglalakad pa rin siya.

"Teka! Jeff! Lampas ka na sa kotse mo!" sabi ko habang tinuturo ang kotse niya. May kausap siya sa cellphone niya pero lumingon pa rin siya sa akin. Ang gwapo talaga ni Jeff, parang nagliliwanag ang background niya sa panigin ko. Tapos ngumiti pa siya. Ngumiti ba si Jeff sa akin? Nag-smile back naman ako.

"We're not taking the car!" nakangiti niyang sabi sa akin. So magco-commute kami. Wow!

For the first time in my life, I'm riding the MRT. Although airconditioned naman siya, ang sikip naman niya. Nakatayo pa kami habang nakahawak sa parang nakasabit. Habang tumatagal, mas lalo pang nagkakasiksikan. Grabe ganito pala rito. Kapag tumitingin naman ako kay Jeff, super relaxed lang niya at parang pinipigilan niyang ngumiti. Teka pinagtatawanan niya ba ako?

"Psst. Jeff. Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit hindi tayo pwede magkotse?" Masyado na ring nasisiksik ako ng tao dito sa MRT. Hindi naman ako nagrereklamo, nagtataka lamang ako.

"Hmm. Nagrereklamo ka na ba?" sabi niya at nagpipigil ngumiti

"Uy hindi ah! Wala kaya akong sinabi! Kahit nga madaming tao at siksikan at nakatayo dito sa MRT, wala akong sinasabi! Hindi ako nagrereklamo talaga." Paliwanag ko sa kanya. Hindi naman talaga ako nagrereklamo.

Ngumiti naman ang loko. Pasalamat siya gwapo siya kung hindi...Ano Tin gagawin mo? Napailing naman ako sa naisip ko. Sinuot naman niya ang earphones. Dapat pala nagdala rin ako ng ipod ko. Maya maya pa, may mga pumasok na namang mga tao, siksikan na talaga. Medyo may nanunulak pa, kaya napabitaw tuloy ako sa hinahawakan ko.

"Wait lang po. Excuse lang po. Jeff! Jeff!" sabi ko habang nakipagsiksikan at para makalapit kay Jeff. Naaanod na kasi ako ng mga tao palayo kay Jeff. Pinipilit ko naman bumalik ulit sa kanya pero natutulak ako ng mga tao. Hala! hindi pwede 'to.

"Jeff! Jeff!" sigaw ko ng mahina. Hindi niya ako naririnig dahil sa earphones. Natulak ako ng natulak hanggang sa napa-upo at napakandong ako sa isang tao. "ANO KA BA! BAKIT MO BA AKO INUUPUAN?!" Sigaw nung lalake. Tumayo ako agad at pinilit kumapit dun sa hawakan para hindi na ulit ako matumba.

"Naku pasensya na po kayo. Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya." Pagpapaumanhin ko. Hindi ko na rin mabalance ang pagtayo ko. Napatingin naman sa akin iyon lalakeng naupuan ko. Mga 40 years old na siguro 'yun tapos ang laki pa ng tyan.

Bigla naman syang ngumiti. Kinilabutan naman ako."Naku magandang binibini pala eh. Gusto mo bang umupo miss? Papaupuin sana kita kaya lang pagod ako eh. Pero.. pwede naman kitang kandungin kung gusto mo hehehe." Kumindat pa si kuya habang sinasabi iyon. Grabe ka manong. Ano na lang sasabihin ng asawa mo kapag narinig nya yan?

"Hindi na po. Salamat na lang po. Pasensya na po talaga kanina. Sige po aalis na ako." Makikipagsiksikan na sana ako ulit pabalik kay Jeff nang bigla niyang hawakan ang arm ko.

"Sandali lang miss. Wag ka muna umalis. Pinapakandong na nga kita o." sabi ni kuya at tinuro pa ang leg niya para maupuan ko. Grabe!

"Hindi wag na po. May kasama po ako. Baka po hinahanap na nya ako ngayon." Tinuturo ko naman si Jeff habang sinasabi ko iyon.

"Wala ka namang kasama miss eh. Dito ka muna. Usap muna tayo." Sabi ulit ni kuya habang tinuturo ang legs niya. hala!

Pinipilit kong makuha ang arm ko pero ang higpit ng hawak niya. Dumami ulit ang mga tao kaya natulak na naman ako at napakandong sa kanya. Pinilit ko ulit tumayo pero parang ayaw na niya akong pakawalan.

"Manong tatayo na po ako. Bitawan nyo po ako please." Pagpupumiglas ko pero ang lakas ni kuya kaya ang hirap makawala sa kanya.

"Wag muna miss. Dito ka muna. Nag-eenjoy pa tayo o." Hinimas himas niya ang arms ko. Nagpupumilit na ako ulit tumayo pero ang higpit ng hawak niya sa akin. Maya maya pa biglang may humatak sa kamay ko kaya napatayo na ako.

Naramdaman ko na lang na may braso na pumulupot sa bewang ko kaya napayakap ako sa kanya. "Jeff?" napaangat ang ulo ko.

"ANO SA TINGIN MONG GINAGAWA MO?" sigaw niya. Akala ko sa akin siya nagagalit. Pero nakatingin pala siya kay manong.

'Yung lalake naman parang naiinis na rin. "Teka nga bata. Wala akong ginagawang masama. Pinapa-upo ko lang yung babae. Dapat nga hindi mo ako sinisigawan. Mas matanda ako sa 'yo kaya dapat nirerespeto mo ako." Nakangising paliwanag ni Kuya.

"RESPETO?! Eh gago ka pala, hindi ka dapat nirerespeto!" sabi ni Jeff at tinitigan ng masama si Kuya.

"ABA MINUMURA MO BA AKO?! SUNTUKAN NA LANG!" napasigaw na rin si kuya. Tumayo na iyong lalake at parang makikipagsuntukan na nga. Si Jeff naman mukhang hindi aatras.

"Jeff wag mo na lang pansinin. Umalis na lang tayo." Bulong ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya gumagalaw. Nakatingin pa rin siya dun sa lalake. 'Yung lalake naman nagwawala na. Alam ko namang hindi mauunang sumuntok si Jeff. Pero for sure if sinunggaban siya nung lalake, siguradong susuntukin din niya. Magkakagulo na sana, buti na lang 'yung mga tao inaawat iyong mama. Pinaglalayo na sila ng mga tao. Hanggang sa naanod na kami ng mga tao palayo dun sa lalake.

Kumapit si Jeff dun sa hawakan, then napansin ko na hawak pa rin niya ang bewang ko. Nakasubsob pa din ang mukha ko sa chest niya. Hindi na ako masyado nagrereklamo ang bango ni Jeff kaya. Ang tahimik nga lang nya though. Galit pa rin kaya siya? "Jeff sorry."

Hindi pa rin siya nagsasalita. Patay galit pa rin 'to. Nung nandoon na sa last station, saka pa lang kami bumaba. Pagkababa naming ng hagdan nagulat na lang ako nang may kotse na naghihintay sa amin. Lumabas si Rey, 'yung ka-opisina niya galing sa kotse.

"Boss naman oh. Linggo ngayon pero tinawagan mo pa rin ako." Sabi ni Rey habang inaabot ang susi kay Jeff. "O, hi Tin!" Kumaway naman si Rey sa akin.

"Hi Rey! Bakit andito ka?" kumaway na rin ako sa kanya.

"Ewan ko nga rin dito kay Boss eh. Natutulog pa nga ako nang bigla akong tawagan na magdala dito ng kotse. Teka may date ba kayo ni boss ngayon? Kaya naman pala bigla sya nag day-off eh." Nakangiti nitong sabi.

Napatalon naman ako ng biglang nagsalita si Jeff."Sumakay ka na nga Tin." Biglang sabi naman nito ni Jeff. Nagpaalam na ako kay Rey at pumasok na ako. Papasok na rin si Jeff sa driver's seat nang biglang nagsalita ito si Rey. "Teka lang Boss. Iiwan mo ba ako dito? Wala akong kotseng dala." Reklamo ni Rey.

"Magcommute ka na lang." walang lingon lingo na sabi ni Jeff bago sinara ang pinto.

"Teka lang Boss! Boss!" Nakita ko pang humahabol si Rey habang pinapaandar na ni Jeff ang kotse.

"Ok lang bang iwan natin sya? Makakauwi ba sya?" Hinarap ko si Jeff.

"Kaya na nya ang sarili nya." Kalmado pa rin si Jeff at naka-focus sa daan.

"Peroo.. ok lang bang nakakotse tayo? Akala ko kasi magcocommute tayo eh."

"Hindi na. Nagbago na ang isip ko." Hindi ko alam ang lugar na tutunguhan namin. Iba na kasi sa paningin ko itong lugar na ito.

Mayamaya pa tumigil kami sa isang lugar. Humarap siya sa akin at inialis ang seatbelt. "Wag kang lalabas. Dito ka lang. Hintayin mo ako."

"Pero Jeff—" Bakit ba bawal akong bumaba?

Lumabas na siya ng kotse. Tumingin ako sa bintana nasa squatter's area kami. Dito ba nakatira ang sinasabi niyang kliente niya? Hindi nga bagay ang damit ko ditto kaya pala pinansin niya kanina. Pero kaya ba hindi niya ako pinapasama? Dahil akala niya hindi ko kayang pumunta rito? Friendly kaya ako. Hindi naman ako maarte. Kaya kong makipaghalubilo sa kanila. Bababa ako para ipakita kay Jeff na dapat talaga sinasama niya ako sa mga lakad niya.

Pagbaba ko, inikot ko ang tingin ko. Ang daming bahay saan ba pumasok dyan si Jeff? Hahanapin ko na lang siya. Nagsimula na ako maglakad. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Napansin kong kakaiba ang bahay nila kasi pinagtagtagping kahoy na lamang ito. Masyado rin maliit ito para sa kanila.

Mayamaya pa, pinalibutan ako ng mga batang nakahubad. Maliliit pa lang sila pero still bakit sila nakahubad?

"Bibigyan mo ba kami ng pera?" sabi noong batang naka berdeng short na may butas pa hata sa harap.

Nagulat naman ako sa tanong ng bata kaya napanganga ako.

"O pagkain?"sabi naman noong batang naka pulang short na may tagpi tagpi ng tela.

"Pagkain? Uh, wala akong dalang pagkain eh." Sabi ko at pinakita ang kamay ko sa kanila.

"Sige. Edi pera na lang." suggestion naman nung batang naka asul na short. Kalabit lang sila ng kalabit sa akin. "Uhh, sige sandali. May dala ako dito." Tumungo na akong kotse at kinuha ang bag ko. Ganito ba talaga dito? Bago makapasok kailangan magbayad? Magkano kaya ang binigay sa kanila ni Jeff? Puro 100 bills lang ang dala ko, so 'yun na lang binigay ko. Maya maya pa, dumami na ang batang nakapalibot sa akin. Bigay lang ako ng bigay. Ang cute naman nila siguro kapag nakita ako ni Jeff ngayon, matutuwa siya sa akin. Pero hindi niya na ako maabutan dahil may isang teenager na lalaki na nakashort ang humablot sa bag ko at tinakbo ito. "Teka! Teka! Yung bag ko! Bakit mo kinuha? Wait!"

Ito na ba 'yung feeling ng nanakawan? Tumingin ako sa mga batang nakapaligid sa akin. Nagtakbuhan na rin sila palayo. Ano ka ba Tin syempre hindi ka dapat humingi ng tulong sa mga bata. Napailing naman ako sa naisip ko baka mapahamak pa sila. Kailangan ako ang humabol sa kanya. Kahit kunin na niya ang laman ng bag ko ibalik niya lang yung bag mismo. Gift 'yun sa akin ni Mom nung birthday ko at saka favorite ko iyon.

Tumakbo tuloy ako ng mabilis, or so I think na mabilis 'yung takbo ko. Hinabol ko 'yung kumuha ng bag ko. "Wait lang kuya! Ibalik mo lang yung bag! Kahit yung bag lang please! Sa'yo na yung laman!" sigaw ko habang tumatakbo.

Hindi pa rin tumigil si kuya. Takbo pa rin siya ng takbo. "Kuya! Alam kong mabait kang tao! Alam kong ayaw mo talaga magnakaw! Sige na please. Ibalik mo na yung bag... Aray!" Ang lampa ko talaga. Natapilok at nadapa ako.

Pinilit kong tumayo."Ouch.." Hinawakan ko ang right ankle ko. Nasprain ata. Pano 'to? Hindi na ako makatayo tapos nanakaw pa ang phone ko. Hindi ko matatawagan si Jeff. Hinahawakan ko ang ankle ko nang naramdaman ko na lang na may taong nakatayo sa harap ko.

"Jeff?"

"Hindi ako si Jeff. Oh eto na." Binagsak niya sa akin ang bag ko. Yung bag ko! Ang ibig sabihin, siya 'yung lalakeng hinahabol ko kanina? "Bahala ka kung gusto mo akong isumbong sa pulis. Pero wala naman akong kinuha kaya wala kang maikakaso." Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad papalayo.

"Teka lang! Thank you ah! Sabi ko na nga ba hindi ka talaga masamang tao. Salamat ha." Huminto siya sa paglalakad at humarap ulit sa akin.

"Tanga ka ba? Muntik na nga kita nakawan, nagpapasalamat ka pa?" nakataas kilay niyang sagot sa akin.

Ngumiti ako para hindi na niya ako sungitan."Pero hindi mo naman ako ninakawan diba? Ako nga pala si Tin. Anong pangalan mo?"

"Bakit ko sasabihin?" Hala! Sungit naman niya.

"Uhm, ayaw mo ba? Sige ok lang." nakangiti ko pa rin sabi sa kanya kahit injured ako. Ang sakit niya pa rin.

"Eh ikaw, hanggang kailan mo balak umupo dyan?" Tinitigan naman niya ako at ang paa ko.

"Ano kasi eh, hindi ako makatayo. Nasprain ko ata yung ankle ko." Napakamot ako sa batok noong sinabi koi yon.

"Haist. Dapat di na ako bumalik." Narinig kong sabi niya. Pero inabot niya pa rin sa akin ang kamay niya at tinulungan ako tumayo. Siguro mga 16 lang itong batang 'to pero mas matangkad pa sa akin. Inalalayan niya ako hanggang sa nakaupo na ako sa bench sa tapat ng tindahan.

"Dyan ka na. Wag ka na lang umalis dyan kung ayaw mong may mangyari sa'yo. Sabihin mo sa kasama mo, dyan ka na sunduin." Papalakad na siya palayo.

Nagsalita ako bago pa siya makalayo. "Uy salamat talaga ah. Hindi mo ba talaga sasabihin yung pangalan mo?"

Humarap naman siya sa akin at nagsalita."Hindi."

"Tom!" May nagsalita galing sa loob ng tindahan. "Bakit ka nandito, may bibilihin ka ba?" Dumungaw ang isang medyo matanda nang babae.

"Haist! Aling Minda naman!" pinadyak pa ni Tom ang paa niya.

"Bakit? Ano bang nangyari Tom? O sino 'tong isang 'to?" Sabay tingin sa akin at ngumiti.

Ngumiti rin ako at nagsalita. "Ah hello po. Pasensya na po kayo. Pwede ho bang dito muna ako?"

"Dyan muna sya Aling Minda. Lalampa-lampa kasi, nadapa tuloy. Wag kayong mag-alala, bibili 'yan ng paninda nyo." Sabi iyon ni Tom at tinuro ang tindahan.

"Ah opo. Sige po bibili ako." Ano kayang mabili? Gutom na rin kasi ako.

"Ah sige iha ano bang bibilhin mo?" sabi iyong ni Aling Minda at tinuro turo ang paninda niya.

"Uhmm.." Teka. Ano nga ba ang nabibili sa mga ganitong tindahan? "Ikaw TOM, anong gusto mo TOM?" Alam ko na ngayon ang pangalan niya. Thanks Aling Minda!

"Haist. Nang-aasar ka ba? Sige Aling Minda. Bigyan nyo ako ng isang plastik ng Boy Bawang tsaka coke. Babayaran nya lahat." Sabi ni Tom sabay turo sa akin. Ano kaya yung Boy Bawang?

"Sige po Aling minda. Ako din po, pareho nung inorder nya." Sabi ko at ngumiti kay Tom.

Napatingin naman silang dalawa sa akin. May mali ba akong nasabi? Nakakatuwa naman. Nakakwentuhan ko pa sina Aling Minda pati na rin si Tom. Grabe ang sarap pala ng Boy Bawang. Nakapagbukas na ako ng lima, kain pa rin ako ng kain.

Nakalimutan ko na nga tawagan si Jeff, kaya nagulat na lang ako ng tawagin niya ang pangalan ko."Tin!"

Si Jeff hingal na hingal. Kanina pa ba niya ako hinahanap? "Jeff! Halika uminom ka muna ng coke. Mukhang pagod na pagod ka—"

"DIBA SABI KO SA'YO WAG KANG BABABA NG KOTSE?!" his jaw clenched.

Yumuko ako kasi naguilty ako hindi ako sumunod sa utos ni Jeff. "Uh, sorry ano kasi eh—"

"KANINA PA KITA HINAHANAP, TAPOS NANDITO KA LANG PALA AT KUMAKAIN?!" sigaw niya sa akin. Sorry na Jeff! Patay galit na galit siya. Tumungo na lang ako. Kailangan ko lang palipasin ang galit niya.

Pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Tom. "WAG MO NGA SYANG SIGAWAN!" Hala! Si Tom sinigawan si Jeff.

Pinuntahan ko si Tom. "Tom! Hala ano bang ginagawa mo?"

"Ikaw, ano bang ginagawa mo? Bakit nagpapasigaw ka sa lalakeng 'to?" Sabi ni Tom sa akin then humarap siya ulit kay Jeff. "HOY IKAW! KAHIT SINO KA PA, WALA KANG KARAPATANG SIGAWAN SYA!"

Hindi nagsasalita si Jeff. Nakatingin lang siya kay Tom. "Teka Tom, huminahon ka lang. Wala namang kasalanan si Jeff eh." Sabi ko ulit at tinignan si Tom. Kumalma ka na Tom.

"Tom? Tommy Sarmiento?" Biglang nagsalita si Jeff. Nagkatinginan sila ni Tom.

"Jeff. Magkakilala ba kayo ni Tom?" Papalit-palit ko silang tinitingnan.

"Hindi. Hindi ko sya kilala." Sabi ni Tom tapos bigla siyang tumakbo palayo.

"Tom! Tom! Teka!" Sigaw ko. "Jeff kilala mo ba siya? Bakit siya umalis?"

"Halika na." Sabi ni Jeff tapos nagstart na siya maglakad. Nagthank-you na lang ako kay Aling Minda tapos pinilit ko maglakad. Ang sakit pa rin ng ankle ko.

Napansin hata ni Jeff na ang bagal kong maglakad."Ano bang nangyari? May pilay ka ba?"

"Wala. Ano kasi, natapilok lang ako kanina. Kaya medyo masakit lang yung ankle ko." Hindi ko nakatinging sabi sa kanya.

"Kung saan saan ka kasi pumupunta. Diba sabi ko wag ka na bumaba sa kotse?" ire-ready ko na ulit ang tenga ko.

Yumuko ako at nagsalita. "Sorry Jeff. Sorry talaga."

Bumagal naman siya sa paglalakad. Sinabayan niya ako. Pagdating namin kung saan nakapark ang kotse, wala na kaming nakita. Hala naman! Nanakaw ba yung kotse namin? Wala tuloy kami nagawa kung hindi magcommute ulit. Nagtaxi kami at bumaba sa isang restaurant. Kahit mga 4pm na, ngayon pa lang kami kakain ng lunch. Gutom na gutom na kami.

"Jeff. Sino ba talaga si Tom? Bakit mo sya kilala?" Akala ko hindi siya sasagot pero natuwa naman ako dahil nagshare siya sa akin.

"Kailangan ko ang testimony niya laban sa mga Santoses. Siya ang star witness sa isa sa mga kaso na hinahawakan ko." Ito ba ang kaso na pinag-uusapan nila ni Tito Fernan dati?

Uminom ako ng tubig pagkatapos ay nagsalita. "Pero kasama ko siya kanina. Kung ganun... hindi mo siya nakausap?"

"Ayaw nya talagang tumistigo. Nahihirapan ang firm na kausapin sya." Umiiling iling na si Jeff.

"Sigurado naman akong kakausapin din nya kayo. Mabuting tao si Tom, kaya for sure tetestigo sya para sa tama." Ngumiti ako kay Jeff. Napatingin naman siya sa akin. After namin kumain, akala ko uuwi na kami. Pero nagtaxi kami at binaba kami sa hospital. Pinabenda ni Jeff ang ankle ko. Sabi ng doctor, gagaling daw agad, pero dapat daw iwasan ko ang pagpapagod at pagtakbo.

Nang umalis na ang doctor, nagulat ako ng biglang lumuhod si Jeff nang nakatalikod sa akin."Sakay na."

"Huh?" anong meron? Bakit ganito?

"Tsk. Bilis na. Nangangalay na ako."

"Pero.. ok lang ako Jeff. Hindi na kailangan—" Hinatak niya na ako, kaya napasakay na ako sa likod niya. Pakipot pa kunwari, pero gustong-gusto ko naman. Ang bango kasi ni Jeff, ano ba yan. Pinulupot ko yung arms ko sa leeg niya. Then I rest my head on his shoulder. Medyo gabi na rin paglabas namin ng hospital. Naglakad-lakad pa kami papunta sa waiting shed.Ang saya naman ng araw na 'to. Ang dami kong nagawa na first time then kasama ko pa si Jeff. Sana every Sunday day-off niya. Feeling ko naman, kahit hindi masyado nagsasalita si Jeff, nagiging mas close na kami.

Nang nakauwi na kami ng bahay, nagluto na ako then kumain na kami ng dinner. After that, umakyat na ako sa kwarto tapos matutulog na sana ako nang may nakita akong note na nakadikit sa salamin ko.

Smile now, cry later. Sino ba talaga ang nagpapadala ng mga notes na 'to?

Continue Reading

You'll Also Like

12.5M 153K 86
Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakaila...
51K 2.5K 50
Greg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar...
1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
86.3K 1.8K 65
Marie Rachel known as Dawn has a big secret in the past. She got pregnant, and she try to hide it from everyone, even on the father of the child, Ric...