The Ultimate Crush: The Kilig...

By istoopidarmy

1K 397 105

#Wattys2017 Falling... Loving... Fighting... Sacrifing... Giving up... Letting go... Moving on... Lahat ng sa... More

Info
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
sorry?

Chapter Two

75 24 8
By istoopidarmy

THE ULTIMATE CRUSH
-Two-

"Grabe talaga, Gucci! Nahawakan ko ang crush ko! Hinawakan niya rin ako!" Kinikilig na kwento ko sa kaibigan kong si Gucci.

Oo. Gucci ang pangalan niya. Gucci North. Ang cute ng name niya no?

"Talaga? Tapos?" Tanong niya pero wala man lang gana.

"Ba't ganyan ka?! Wala ka naman yatang paki eh! May masabi kalang ba!" Nagkrus ako ng kamay at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi ah. May paki ako, kung wala hindi kita pinapakinggan ngayon." Wala pa ring emosyon na sabi niya! Tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya. Grabe! Nakakaistorbo yata ako sa kaibigan kong 'to!

"Hindi eh! Parang wala kang paki!" Ngumuso ako at bumusangot kahit pa hindi naman siya nakatingin sa akin. Kainis!

"Ipakilala mo muna kaya sa akin yan. Kwento ka nang kwento, di ko naman alam ang pangalan niyang 'ultimate crush' mo na yan!" Tinignan niya na ako saka tinaasan ng kilay. Ang taray niya talaga. Pero minsan lang! Hehe!

"Hindi mo pa?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Itatanong ko ba kung alam ko? Duh!" Pinaikutan niya ako ng mata. Yung roll lang ha? Baka isipin niyo umikot ng 360°.

"Okay. Heto ah! Ang aking knight in shining handsomeness. Ang aking nag-iisang asawa, pero hindi niya pa alam ay walang iba kung hindi ang sikat, gwapo, matalino, at saksakan ng galing sa sports na basketball ay walang iba kundi si..."

~Drumroll pls!!!~

"Versace! Hindi yung versace on the floor ha? Si Versace East Aviles! Nyahahah!!" Sigaw ko habang kilig na kilig. Nakatingin pa nga ako sa itaas habang nakasalikop ang mga kamay sa ilalim mg baba ko. Nananaginip lang ba, ganon!

"Ano?!" Gulat kong nilingon si Gucci na nanlalaki na ang mga mata. Napano 'to?

"Anong ano?!" Naguguluhan kong tanong. Nawala na ang kaninang mukhang nananaginip kong itsura.

"All this time ang unggoy lang na yon ang crush mo?!" Hindi pa rin makapaniwala ang itsura niya. Pero hindi ko mapapalagpas ang pagtawag niya sa hubby ko ng unggoy! Capital N-O W-A-Y! No Way!

"Hoy!" Pinalo ko ang lamesa sabay tayo. "Hindi unggoy ang asawa ko!"

"Tss!" Aba! Hayun na naman ang mga mata niya! Ikot-ikot lang?!

"May sama ka yata ng loob sa asawa ko, Gucci?!" Padabog akong umupo ulit at kunot noong tinignan siya.

"Hehe! Wala naman!" Natatawang sabi niya! Ang hindi ko lang maintindihan bakit naging ganon ang reaksyon niya?!

'Emeged! May gusto ba siya sa asawa ko?! No! That can't be! Sakin lang siya!'

"Gucci? Sabihin mo nga. May. Gusto. Ka. Ba. Sa. Asawa. Ko???" Nanlilisik ang mga matang tanong ko habang nakatingin sa kanya! Pero hayun! Ikot-ikot na naman ang mata!

"Sus!" Naiiling niyang sabi. "As if naman 'no?!! Duh!"

"Duh ka nang duh! Sumagot ka na lang!" Walang pasensyang sabi ko.

"Wala!"

Woooh! Mabuti naman!

"Good." Nakahinga ako nang maluwag! Salamat naman! Hindi ko makakaya kung ang kaibigan ko ang magiging karibal ko. That can't be!!

"I think, you really don't know me that well." Tumatango-tangong sabi niya. Bigla naman siyang natawa. Gosh! Baliw na this girl! So weird!

"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.

"You will know soon." Ngumiti lang siya at nagtuloy sa ginagawa niya.

'Ano pa ang hindi ko alam? Nakakakaba naman!'

(>_<)

÷÷÷÷÷
"Letse naman!" Sigaw ko matapos kong matapilok at masubsob sa putikan! "Ang tanga naman nung batong yon! Hindi kasi tumabi eh!!"

Sa isa na namang pagkakataon! Umiral na naman ang kalampaan ko! At dito na naman sa school! Malas!

Lumingon-lingon ako at nakita ang mga estudyanteng gulat na gulat sa nangyari sa akin! Nakakahiya! Lamunin na ako, ngayon na!!!

(>_<)

Puno na ng putik ang uniform ko! Pati katawan ko! Hindi naman lahat pero puro putik pa rin ako!! Kaasar!

Kung nagtataka kayo kung bakit ito nangyari. Ang tanging dahilan lang naman ay dahil may meeting kami ng troupe. Wag ka! Kasali ako sa dance troupe!

Pero sa kamalas-malasang pagkakataon bago pa man ako makapunta ng meeting ay nagdive na ako dito sa putikan na 'to! Kung bakit ba naman kasi umulan kanina eh!

'Napakaswerte mo talaga, Eiffel Schaznae Ruiz! Isa kang pinagpala!'

"Need help,Miss?" Napatingala ako sa nagsalita. Lumiwanag na naman siya! Alam niyo yung effect na sinusundo ka na papuntang langit? Ganon! Ganon ang dating niya para sa akin!

'My labs, my hubby! My knight in shining handsomeness! My savior!'

Nakatulala lang ako sa kanya at hindi namalayang tinutulungan niya na pala akong tumayo. Katula-tulala naman kasi talaga ang aura nito! Yieee!

"You're the girl yesterday?" Tanong niya matapos niyang mapagtanto na ako rin yung lampa kahapon. Nakakahiya dahil pangalawang beses na naming paghaharap ito pero kalampaan ko ang nakikita niya.

Nakakahiya. Sobrang nakakahiya! Lamunin ako, ngayon na!!

'Pero ang importante naalala ako ng pinakamamahal ko! Wahahahaha!'

"Hey, where are you going?" Tanong niya matapos kong tumalikod. Hinarap ko na muna siya at nginitian.

"Maliligo. Nakakahiya itsura ko eh." At pakiramdam ko namumula na ako sa sobrang pagkapahiya!

"Okay." Wala na namang emosyon na sabi niya! Ba't ganon? Nag-aalala ka tapos biglang ang cold ng treatment? My labs naman!

Iniwan ko na lang siya doon at tinawagan si Gucci.

"Hello,Gucci?" Bungad ko matapos kong malaman na sinagot niya ang tawag ko. "May ekstrang damit ka ba?"

"Meron sa locker ko. Bakit?" Dinig kong tanong niya.

"Pahiram naman ako oh! Emergency lang. Nangudngod kasi ako sa putikan eh." Maikling paliwanag ko.

"Ano?! Bakit?! Anong nangyari?!" Sunod-sunod na tanong niya na halatang nag-aalala.

"Long story, teh. Mamaya ko na ikukuwento." Sabi ko na lang at nakiayon naman siya. Matapos ng call na yon ay dumeretso na ako sa locker room kung saan kami magkikita ni Gucci.

÷÷÷÷÷
"Ano ba kasing iniisip mo at wala ka na naman sa sarili kung maglakad?!" Nag-aalalang tanong ni Gucci habang ako'y nagsusuklay matapos maligo.

"Ano ka ba?! Wala akong iniisip no! Sadyang haharang-harang lang talaga yung bato sa dinadaanan ko!" Pagsisisi ko sa batong nakakalat kaninan sa daanan ko.

"At sinisisi mo pa ang batong wala namang buhay?! Ang sabihin mo tatanga-tanga ka na naman!" Sigaw niya kaya natigil ako sa pagsusuklay ko.

'Ouch! Tanga raw ako!'

︶︿︶

"Hoy! Kinakausap kita!" Napanguso ako sa kanya pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

'Ang sama mo talaga sa akin, Gucci.'

T_T

"Woi! Tinatanong kita!" Nabalik ako sa realidad sa muling pagsigaw niya.

"H-Ha? Anong tanong?"

"Ayos ka lang ba kako?" Kunot noong ulit niya.

"A-Ah. Oo naman!" Sagot ko at muling tumingin sa salamin para magsuklay.

Naalala ko si Versace! Sinagip na naman niya ang buhay ko! Hahaha! Charing langs!

"At ano naman ang iningingiti mo ryan?" Nakangiwi na si Gucci nang nilingon ko ulit siya.

"Naalala ko si Versace. Tinulungan na naman niya ako! Yieee!" Kinikilig na naman na kwento ko sa kanya!

"Oh? Tapos?" Wala na namang pakialam na tanong niya! Kahit kailan talaga!

"Bakit kapag usaping Versace na ganyan ang itsura mo?!" Naiinis na tanong ko bigla. Bumuntong hininga naman siya sabay iling.

'Seriously?! What's her problem about Versace, my labs?!'

"Eiffel, anong pangalan ko?"

Ano? Ano raw?!

"Gucci! Bakit ba?!" Sigaw ko dahil hindi ko alam kung anong koneksyon ng pangalan niya sa tanong ko.

"Yung full name ko?"

"Gucci North Aviles." Sagot ko na lang.

"At anong pangalan ng ultimate crush mo?" Tanong na naman niya at hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng usapin na ito!

"Versace! Sinabi ko na sayo diba?!" Sagot ko pa!

"Full name niya,Eiffel." Mahabang pasensya na hintay niya sa sagot.

"Versace East Aviles." Tugon ko pa na lukot na ang mukha sa inis. Hindi ko malaman kung ano ba ang punto ng pagtatanong niya sa pangalan nila.

"Wala ka bang napansin?" Maya-maya ay tanong niya na naman.

"Anong napansin? Saan?"

"Sa pangalan, tanga!" Sigaw niya sa akin saka ako binatukan!

"Aray! Para saan yon?" Hinimas ko ang batok ko sa sobrang sakit ng impact ng kamay niya roon!

'In all fairness ha! Ang chakit!'

"Para sa katangahan mo, baliw! Hindi mo ba talaga napansin?" Tanong na naman niya! Ano ba kasi yon?!

"Ang alin ba kasi?!"

"Yung pangalan namin, tanga!" Hayun na naman ang masakit na salitang yon.

"Nakakarami ka na ha! Kung makatawag ng tanga wagas!" Reklamo ko.

"Totoo naman eh! Tanga lang ang hindi makakapansin doon!" Naiinis na talaga siya dahil nagpapapadyak na siya sa harapan ko.

"Sabihin mo na lang kasi!"

"Jusko,Eiffel! Anong pangalan ko? Gucci North Aviles! Anong pangalan ng crush mo? Versace East Aviles! Mahirap bang makuha yon?! Magkapatid kami tange!" Binatukan na naman niya ako!

"Hindi pala! Magkakambal kami! Tanga mo eh 'no?!"

Ano raw sabi?

Wala akong maintindihan. Magkapatid? Magkakambal? Sino? Sila?

Weh?!!!!

"Magkakambal kayo?!!" Nanlalaking mga matang tanong ko. Hindi ako makapaniwala! Totoo ba?!

"Ulit-ulitin, teh?! Sinabi ko na! Magkakambal! Versace East and Gucci North Aviles!" Sigaw niya pa pero hindi ko na siya nagawang pansinin pa.

Oh. My. God.
Magkakambal pala sila?!

Continue Reading

You'll Also Like

449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
388K 25.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]