Sure ako nabitin kayo hahahaha so heto na~
Enjoy reading.
Daniel's Pov
Kung sa simula palang naging okay ang lahat. Kung sa simula palang hindi ako nabangga noong mga bata naniniwala akong magiging kami.
Ngayong araw na eto, sabay ng pagtatapos namin ay ibibigay ko sa kanya ang sulat nong nadention kami.
--
"Daniel Garcia I love you I really do pero alam kong hindi ako ang mahal mo. I'm sorry kung nagconfess ako ngayon, at sa harap pa ng family mo at family nina Kylie. Don't worry okay lang. Hindi ko kailangan ng sagot mo. Kasi masaya na ako sa kung anong meron tayo."
What does she mean na mahal nya ako? Seriously? Nagpakatanga ako para sa wala. Akala ko hindi nya ako mahal.
Nakangiti ako ng ibinigay ko ang sulat na ginawa ko.
"Baby tawag na tayo nina Mommy, tara na?"
"No." may diin kong saad.
Ayoko ng magpa-uto pa sa kanila. Ayoko na. Tama na.
"I'm sorry Kylie pero alam kong wala kang sakit, nagpapanggap ka lang na meron. Kunyari wala kang natatandaan pero sigurado akong natatandaan mong may allergy si Sky sa hipon pero ginawa mo parin. Kylie hindi ako tanga, alam ko ang lahat. Ang lokohin mo ko, ang paikutin ako sa palad mo at ang tangkaing ipabagsak ang kompanya namin. Kylie pwede bang tama na? Tama na, hanggang dito nalang. Kasi wala na akong matatakbuhan pa. Wala ka nating maitatago sakin. Kylie tigilan na natin 'to. Kasi sa totoo lang? Nasasaktan na ako, nasasaktan na ang lalaking ito na willing gawin ang lahat ng gusto mo para sa lang sa taong mahal na mahal nya. Kylie, hirap na hirap na akong itago ang lahat. Wala akong problema sayo, wala akong hinanakit pero sorry hindi ako ang lalaking para sayo. Please Kylie let me go"
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.
"Kahit kailan never kong naggawa ang pagpunas ng luha sa taong mahal ko. Kaya please lang? Pakawalan mo na ako"
At sa huling pangyayari, niyakap ko sya ng mahigpit.
"Mahal kita bilang isang kaibigan" bulong ko.
Pumasok agad ako sa kotse at pinaharurot ito sa tree house.
I'm waiting for you.
Third Person's POV
(A/n: Hi~ first time kong mag-third person pov hahahaha pagpasensyahan nyo na hindi ako marunong seriously hahahahaha bear with me)
Ilang segundo, minuto, oras ang lumipas ngunit walang Skyler ang dumating. Walang Kyle na kababata nyang bulol sa S at R. Walang anino ang nagpakita. Ngunit kahit gaano katagal pa ang abutin desidido na si Daniel na hintayin ang mahal nyang babae.
*kring* *kring* *kring*
Isang tunog mula sa telepono nya ang nagpabalikwas sa ulirat nya.
(Mommy calling)
"Mommy please wag ngayon, inaatay ko s--"
[I'm sorry]
"Mommy?"
[I'm sorry walang naggawa si Mommy]
"Mommy what are you talking about?"
[Rodriguez Hospital]
Kahit may clue na sa utak si Daniel about sa hospital kung ano at sino at paano hindi sya naniniwala. Alam nyang walang nangyaring masama sa babaeng mahal nya.
Agad syang pumunta sa hospital na iyon.
Nadatnan nyang nag-iiyakan ang kaniyang magulang na nakaupo sa waiting area.
"Anak" hagulhol ng kaniyang Mommy at agad na yumakap rito.
"Mommy what happened?"
"I'm sorry to tell Mrs. and Mr. Garcia pero ginawa po namin ang lahat pero wala ni-isa sa kanila ang nabuhay. I'm sorry"
Napaluhod ang kaniyang Mommy. Nakita nya rin kung paano manginig ang kamay ng kaniyang Daddy.
Napasuntok ito sa pader.
"Anong wala ni-isa ang nabuhay? Ano bang sinasabi nyo? Buhay pa sila! Malakas na malakas pa sila! Malakas na malaka---" hindi na nya naituloy ang balak na sabihin sapagkat nakaramdam ng panghihina.
"I'm sorry" yon lang ang sinabi ng Doctor at umalis na.
Dahan-dahang naglakad sa Daniel sa isang room. Hindi nya alam kung ano meron dito. Hindi nya alam kung anong naghihintay kapag binuksan nya ito. Hindi nya alam kung bakit may nagtulak sa kaniya para maglakad papunta rito.
Marahas nyang pinihit ito.
Nanginig sya sa nakita. Tatlong bangkay. Isang lalaki na matanda at isang babaeng matanda rin kasama ang isang babaeng kasing edad nya lang.
Sa bawat hakbang na ginagawa niya, patuloy na pagtulo ang luha ang lumalabas sa mga mata niya. Wala siyang maggawa, hindi nya alam kung nanaginip ba siya o hindi.
"Skyler" mahina nyang bulaslas at niyakap ang babaeng wala ng buhay.
"Sky, you can't. Hindi pwede, hindi to pwede. Kyle andito na ako ang childhood friend mo. Ako to si Niel, ang batang mahilig sa lollipop, ang batang nagsabi sayong maganda ka. Kyle please gumising ka naman oh, I'm sorry if I ever tell you how much I love you. Please Sky"
Patuloy na pagbagsak ng luha galing sa mata nya.
"Skyler!" mas malakas nyang sigaw.
--
Mabilis na lumipas ang araw. Isang linggo na rin makalipas ng ilibing sila.
Lahat ng tao nagluksa, nalungkot ngunit wala naggawa kung hindi ang manalangin sa himala ng buhay. Na sana mabuhay pa ang taong namatay na. Naghihintay sa darating na panahon kung kailan sila makakabawi sa napakagandang naggawa ng pamilya Rodriguez sa kanilang lahat.
Umamin na rin si Kylie na sya ang may gawa ng lahat. Dahil sa tinding selos, galit at poot naggawa nyang patayin ito. Binayaran nya ang isang truck, at pinaandar ito ng walang taong nakasakay.
Dahil sa isang pagnanais ng isang tao sa isang bagay dumating tayo sa point na gagawin ang lahat makuha lang iyon. Ngunit nauwi sa isang trahedya, trahedya na kahit kailan walang may ginusto. Trahedya na panghabang-buhay na magluluksa ang mga tao. Trahedya na magdudulot ng pangungulila sa puso ng lahat. At trahedyang hindi na kayang ibalik pa ng panahon. Dahil ang trahedyang iyong ay nauwi sa isang masalimot ng pangyayari. Namatay ang ang pamilya Rodriguez.
--
"Bro, kung nandito si Sky ayaw nyang naglalasing ka. Kumain ka na please lang?"
"Wag mo ko pakielamanan"
"Pero Br--"
"Leave now!"
"If ever na nabuhay si Sky, bro mismong ako ang tutulak sayo, ako mismo ang magpapalayo sa inyong dalawa. Hindi mo deserve si Sky. Wala kang isip. Inuna mo kaagad ng takot mo kaya ayan namatay sya. Kung pinaglaban mo sana sya hindi mangyayari to. Hindi sya aalis ng bansang to para lang kalimutan ang feelings nya sayo. If ever na mabuhay muli sya, ilalayo ko na sya sayo tandaan mo yan" at umalis na si Miguel.
Sa inis ni Daniel pinaghahagis nya ang bote sa kung saan-saan. Dahil sapul ang sinabi ng kapatid nya sa kanya. Kung siguro nga pinaglaban nya ito magiging sila siguro at magiging masaya. Totoong nauna ang takot kaya hindi naipaglaban ang pagmamahal.
"Daniel? Daniel? May nakitang papel sa basurahan mo, mukhang hindi mo pa nababasa, naniniwala akong mahalaga yan"
Inilahad ng Mommy nya ang sulat na binigay sa kanya ni Skyler bago mangyari ang aksidente.
Pumikit muna sya bago basahin ang sulat.
Limang bagay na ayaw ko kay Daniel na bakla.
Una ayoko ng ugali nyang tarantado.
Pangalawa ayoko ng ugali nyang madaling mafall.
Pangatlo ayoko ng pagrorolled-eyes nya sa akin.
Pang-apat ayoko ng ugali nyang mahilig mang-asar lalo pa't ang tawag nya sa akin ay tanga.
Lastly, pinakaayoko ang bigla syang magiging cold o snob.
May nakita syang maliit na sulat sa likod kaya itinalikod nya ito.
Ayoko mang tanggapin pero lahat ng limang bagay na yan gusto ko sayo. Naiinis ako pero hindi ko aakalaing magiging ganto tayo kaclose. Naiinis akong noong sinabi mong crush mo ako nakaramdam ako ng pakiramdam kapag umiihi ako ah basta para ganun. Hindi ko alam kung ano tawag doon o baka naman kinilig ako? Ah ewan ko. Basta sana ingatan mo ang bestfriend kong si Kylie. Hindi ko talaga alam ang nararamdam kong 'to. Pero kung mahal na kita edi mahal. Hahaha. Joke lang pero kung totoo nga. Ganto ang sasabihin ko sayo. Mahal kita pero mas mahal ko ang bestfriend ko. Sana ingatan mo sya at mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Sorry.
Napangiti sya sa nabasa.
"Mahal nya parin talaga ang bestfriend nya kahit gaanong kasama ang ginawa neto sa kanya" sabi nya sa utak
Naalala nya na naman si Skyler. Ang babaeng mahal na mahal nya na kahit kailan hindi nya naggawang sabihin dito ang nararamdaman nya.
Nagpatak ang isang punit na papel. Naluha sya sa nabasa nya.
"If ever na magkita muli tayo? Ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko. Ikaw ang gugustuhin ko. Ikaw parin ang magiging childhood friend na mahal ko. Pero kung hanggang sa kamatayan hindi naging tayo. Sa pandalawang buhay, If ever na mabuhay muli tayong dalawa sa panibagong mundo, panibagong panahon at ibang katauhan naniniwala akong doon na tayo magiging masaya. I'm sorry"
-OFFICIALLY END-
Kamsaranghae sa lahat ng nagbasa neto. Thankful ako. Saranghaeyo~