Seducing My Husband

By frappiness

5.7M 55.3K 3.7K

Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang... More

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
SMH
Question :>

Chapter 8

116K 1.3K 45
By frappiness

CHAPTER 8

SUCH A CRYBABY

"Jefferson. Andito ka pala."

"T-tito Fernan." Sabi ko. Alam ko naman na maaring nandito siya dahil kasosyo naming sila sa business.

"Ah Christine. Nice to see you again." Sabi ni Tito Fernan with his business smile. Si Jeff naman nakatayo lang at masama na naman ang tingin sa papa niya.

"Jefferson follow me. I have something to tell you." Nagsimula nang tumalikod si Tito Fernan, ineexpect na susundan siya ni Jeff.

"I have nothing to say to you." Napatingin naman ako bigla kay Jeff. Grabe ganito ba talaga sila mag-usap? Humarap ulit sa kanya si Tito Fernan at ngumiti nang nakakatakot niyang ngiti.

"Tumatanggi ka na ngayon Jefferson? Then... shall I talk to Christine instead? Have a little chat about you?" sabi niya sa akin at tumitig

Napansin ko naman na nagform ng kamao ang mga kamay ni Jeff sa gilid. Kinakabahan naman ako bigla kaya hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sa akin. "S-sige na Jeff. Mag-usap na kayo. Pupunta na lang muna ako kina Mom. Hintayin na lang kita." Nakangiti kong sabi.

Nagsimula na ulit lumakad si Tito Fernan palayo then sumunod na rin si Jeff. Ano kayang pag-uusapan nila? Noong nakalabas na sila ng hall, pumunta naman ako kina Mom. Nagkipag-kwentuhan, nakipag-ngitian sa ibang guests, at tumawa sa mga jokes ni Dad. Pero every now and then, nililibot ko ang mga mata ko, hinahanap kung nakabalik na si Jeff. Ang tagal naman niya.

"Si Jefferson Lee?" Napatingin naman ako sa likod ko noong narinig ko ang pangalan ni Jeff. May tatlong babae ang nagkukumpulan, pinag-uusapan hata si Jeff.

"Yeah. The lawyer who topped the bar exams! You don't know him? My gosh!" sabi ng isang babaeng naka red dress na super fit sa kanya.

"I know right! Saang planeta ka ba galing? He's very famous kasi hindi lang sya matalino but also super hot." Sabi naman iyon nung babaeng naka green tapos above the knee iyong dress niya at fit din katulad noong babaeng unang nagsalita.

"Wait. Siya ba yung andito kanina? The one with the blue tie? God, he's really hot!" nagtatalong sabi nung isang babae naka black dress.

"Exactly!!! He's quite snobbish though. Pero isa din yan sa charming qualities nya. It makes me want to go after him!" nakangising sabi nung babaeng naka green dress habang pinapalakpak pa niya ang kamay niya.

Aba! Aba!. Itong mga girlalu na ito, pinagnanasaan ang Jeff ko! Excuse me excuse me, asawa ko na kaya sya! Nagkumpulan pa sila tapos ay nagkuwentuhan ulit tungkol kay Jeff.

"But I've heard he's married? To the heiress of the Villanueva Corporations?" sabi ni girl naka red dress at pinalo pa si girl nan aka black dress.

Ayan tama yan. Kasal na sya, so hands off! I mean, thoughts off!

Umiwas naman siya sa palo nito at nagsalita. "So what? For sure it's an arranged marriage. And hindi ba mas masaya 'yun? Forbidden love." Aba't sinusubukan ako nitong babaeng naka black.

"Gosh girl! That's an awesome idea. Kahit mailap sya sa girls, siguradong he will fall head over heels sa kagandahan ko." Nikikilig naming sabi nung babaeng naka red at hahampasin na naman si girl na naka black dress.

"What? Baka sa akin. Ako kaya ang pinakasexy.." singit naman ni girl na naka green dress.

Puro payabangan na lang ang narinig ko. Grabe naman sila alam naman nilang kasal na si Jeff makaasta sila. Na saan na ba kasi si Jeff? Hinanap ko siya ng maiigi. Dapat makita ng mga froglets na 'to na kasal na kami noh. Kung anu-ano pa sinasabi nila. Lumabas ako ng hall then hinanap sila. Lakad ako ng lakad hanggang may narinig akong nagsisigawan sa may garden. Nagtago ako sa likod ng mga halaman at sumilip ako.Nakita kong si Jeff iyon at si Tito Fernan.

"AYOKO! HINDI KO HAHAWAKAN ANG KASO!" nakasigaw na sabi ni Jeff at inialis ang hawak ng papa niya sa kanya.

"TANGA KA BA TALAGA?! HINDI MO BA NAKIKITA NA MALAKI ANG KIKITAIN MO SA MGA SANTOS?" Bigla naming hinawakan ni Tito Fernan ang pulsuhan ni Jeff.

"WALA AKONG PAKIALAM KUNG GANON PA SILA KAYAMAN!" sabi iyon ni Jeff at inalis muli ang hawak ni Tito Fernan.

"THEY ARE ON THE WINNING SIDE! KAPAG NIREPRESENT MO SILA, YOUR MONEY AND FAME WILL GROW. WHAT IS WRONG WITH YOU?!" aniya ni Tito Fernan.

"IF THEY ARE SO CONFIDENT NA MANANALO SILA, BAKIT KAILANGAN PA NILA AKO?!" Lumayo na si Jeff sa kanya after niyang sabihin iyon.

Pero bigla namang hinawakan ni Tito Fernan sa kwelyo si Jeff. Kinabahan naman ako. Naging pabulong na lang ang pag-uusap nila kaya nilapit ko ang tenga ko para mas marinig ko at sumilip para Makita iyon. Mas nakakatakot pa ang usapan nila ngayon kaysa noong nagsisigawan sila.

"Just take the case before you regret it." Tito Fernan said.

"No. You know as well as I do that the Santoses are guilty as hell." May meaning na sabi ni Jeff. At inalis ang hawak ng kamay ng ama sa kuwelyo.

Pero kinuha naman ulit ni Tito Fernan iyon at hinawakan ng mahigpit ang kuwelyo ni Jeff. "Sinusuway mo na ako ngayon Jefferson? Bakit, akala mo makapangyarihan ka na dahil pinakasalan mo ang anak ng mga Villanueva? Nagkakamali ka." Natatawa pa si Tito Fernan habang nagsasalita.

Teka. Ako ba ang tinutukoy dun? Yung anak ng mga Villanueva na pinakasalan ni Jeff? So para lang talaga sa power ng pamilya namin kaya niya ako pinakasalan? Nalungkot naman ako doon. Alam ko namang hindi ako gusto ni Jeff kahit pinakasalan niya ako. Hindi naman ako galit sa kanya. Pero ang marinig yun mula sa ama niya, parang ipinamukha talaga sa akin ang buong katotohanan. Bakit pa kasi ako nakikinig sa usapan nila. Aalis na sana ako nang narinig kong tinanggal ni Jeff ang kamay ng papa niya sa kwelyo niya.

"Simula ngayon, gagawa na ako ng sariling desisyon ko. Hindi mo na ako hawak dahil buhay ko 'to. Siguro dapat matuto ka na ding manindigan. Hindi yung sunud-sunuran ka lang sa kahit anong ipagawa sa'yo ng mga Santoses." Sabi iyon ni Jeff habang tinitignan ng mabuti ang ama.

Hindi ko inaasahan, halos hindi ko nakita. Halos isang kisapmata lang nang nakatayo si Jeff pero biglang nakaupo na siya sa damuhan ngayon. Bigla na lang kasi syang sinuntok ni Tito Fernan sa mukha. Napasigaw siguro ako kung hindi ko nailagay ang mga kamay ko sa bibig ko. Pero feeling ko any moment now sisigaw na ako. Bakit niya ba sinuntok si Jeff? Anong nangyayari? Nakita kong tumayo na ulit si Jeff. Pinunasan nya yung dugo sa may labi niya. Nagulat ako nang nakita ko syang nagsmirk.

"Sasaktan mo na naman ako? Sa bagay, 'yan lang naman ang alam mong gawin diba? Lalo na kapag nagsasabi ako ng totoo?" nakangising sabi ni Jeff.

Sinuntok na naman siya ulit ni Tito Fernan. Napaupo na naman si Jeff sa sahig. Bakit ba hindi siya umiilag? Bakit ba hindi siya gumaganti? Hinawakan ulit siya ni Tito Fernan sa kwelyo at pinipilit siyang tumayo. Iyon na ang huli kong nakita dahil kusa ng umaatras ang mga paa ko hanggang sa tumakbo na ako pabalik sa hall. Kailangan kong tulungan si Jeff. Kailangan kong makahanap ng tulong. Tumakbo ako ng tumakbo. Kailangan kong makita si Dad. Siya lang ang makakapigil kay Tito Fernan. Nakarating na ako sa main hall pero mga nag-aayos na waiter na lang ang nadatnan ko. Teka, tapos na ang party? Hindi pwede, na saan si Dad, na saan sila? Hindi ko pa dala ang phone ko. Naiwan ko kasi sa shop dahil nagmamadali na nga ako kanina.

Nilapitan ko ang isang waiter na nag-aayos ng lamesa."E-excuse me. Alam nyo po ba kung asan si Mr. and Mrs. Villanueva? Saan po sila pumunta?"

"Ah ma'am, hindi ho ako sigurado eh. Pero baka po nasa tapat ng hall, hinihintay yung sasakyan nila pauwi. Alam ko po dun din naghihintay yung ibang guests." Sabi iyon ng waiter habang inaayos ang mesa.

"Sige po thank you po." Tumakbo naman ako papunta sa entrance ng hall. Sana hindi pa sila nakaka-alis. Please Lord, please. Pag dating ko halos ubos na ang mga bisita. Naka-alis na halos lahat. Nilibot ko ang mga mata ko. Na saan ba sila? Pasakay na sina Mom and Dad sa kotse. Tumakbo ako papalapit sa kanila. "Dad! Mom! Dad! Wait!"

Napatigil naman sila sa pagpasok at napatingin sa direksyon ko. "Tin?! Akala namin umalis ka na with Jeff? Bakit nandito ka pa?" pagtataka ni Dad.

"D-dad... S-si Jeff.." Hindi ko napansin. Hingal na hingal na hingal na pala ako. Hinabol ko muna ang hininga ko. Hinawakan naman ako ni Mom sa shoulders. "Tin baby are you okay? Bakit pagod na pagod ka? Ano bang nangyari?" pag-aalala ni Mommy.

"Mom, dad.. uh. k-kailangan po natin magmadali.. si Jeff, si Jeff.." I said while panting.

"Tin ano bang nangyari? Asan ba si Jeff, hindi ka namin maintindihan. Mabuti pa sumabay ka na sa amin. Ihahatid ka na namin pauwi." My Dad suggested.

"No Dad! Hindi po pwede.. uh..S-si Jeff po kasama si tito Fernan... s-si tito Fernan po.." Hinihingal pa rin ako habang nagsasalita.

"What about me, iha?" Halos tumigil naman ang puso ko dahil sa nagsalita sa likod ko. Napatingin sina Mom kay Tito Fernan habang dahan-dahan naman akong umikot hanggang sa makita ko na siya. Parang tumayo lahat ng balahibo ko nang nakita ko siyang nakangiti sa akin.

"Anong sinasabi mo Christine? Tungkol sa akin?" sabi niya iyon at nakangisi niyang sabi.

"Uh-h.. uhm.." Halos hindi ako makasalita. Kung dati konting takot lang ang nararamdaman ko sa kanya, ngayon full-blown na.

"Yan nga rin ang tinatanong namin kay Tin. Pero kanina pa namin sya hindi maintindihan." Mom said.

"Parang may gusto siyang sabihin tungkol sa'yo kumpadre at kay Jeff. Ano bang nangyayari Fernan?" Dad said.

Tumawa si tito Fernan ng malakas. Para naming natakot ako sa tawa niyang iyon. "Si Jeff ba? Ang batang 'yon kumpadre, nauna nang umalis mag-isa. Nakita siguro ni Christine habang pinagsasabihan ko siya kanina." Tumingin naman ng makahulugan sa akin si Tito Fernan. "Nagalit ako dahil dapat ay sabay silang umalis ng kanyang asawa."

"Haist. Ano bang problema ng anak mo kumpadre?! Siguraduhin lang nyang trinatrato nya ng mabuti ang anak ko." Ma-authority sabi ni Daddy kay Tito Fernan.

"Hayaan mo kumpadre at pagsasabihan ko pa sya hanggang sa matuto sya." Tito Fernan said while looking at me. Iba na talaga ang nararamdaman ko.

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Nakatingin pa rin kasi siya sa akin.

"Hon, tara na? Mukha kasing may sakit si Tin." Sabi ni Mom kay Dad then tumingin ulit siya sakin. "Are you okay baby? You look really pale."

Ano bang nangyari sa dila ko? Bakit hindi nagsasalita?!

"Sige na kumpadre. Umalis na kayo." Sabi ni tito Fernan then kinausap nya ako. "Magpagaling ka Tin. Mag-usap na lang tayo ulit sa ibang-araw." Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Tito Fernan. Lalo tumindi ang takot ko sa kanya.

"Sige kumpadre. Mauuna na kami." Dad said. Pinapasok na nila akong kotse.

Ewan ko kung paano ako nakapasok sa sasakyan. Siguro halos binuhat at tinulak na ako ni Mom. Bakit ba kasi hindi ako makagalaw at makapagsalita.

Nandito na ako sa bahay. Hindi pa rin ako makapagsalita nung nasa kotse ako pero parang natauhan ako nang narinig kong iuuwi na lang daw ako nila Mom sa bahay namin dati. Hindi pwede yun. Kailangan ko makita si Jeff. Speaking of Jeff, wala pa rin siya ngayon dito sa bahay. Kanina pa ako nandito sa sala at hinihintay siya. Kunwari nga nanunuod ako ng tv pero wala naman talaga akong maintindihan. Parang paulit-ulit sa utak ko ang nangyari kanina. Niyakap ko na lang yung legs ko tapos sinandal ang ulo ko sa tuhod ko. Hihintayin ko siya kahit anong mangyari.

Nakaidlip ako though. Halos alas dose na hata nang narinig kong bumukas ang pinto. Natigilan si Jeff nang makita niyang nasa sala pa ako. Ako naman kinukurap ko pa ang mga mata ko at inaadjust mula sa pagkapikit.

"Tsk. Bakit ba dyan ka natulog?" Tiningnan ko ang mukha niya. Tumalikod naman siya kaya hindi ko nakita.

"J-jeff. Ayos ka lang ba? Hinihintay kita kasi, uhm..." i stopped in the mid-sentence kasi bigla na siyang naglakad.

Naglakad na siya paakyat sa kwarto niya. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Hindi ko alam pero hindi na ako makagalaw nun.

"Wait lang! Jeff!" pagpipigil ko.

Tumakbo na rin ako papuntang hagdan. Pero naalala kong may sugat si jeff kaya kinuha ko muna ang first aid kit. Pagkatapos noon ay tumakbo na ako papuntang kwarto niya.

Kumatok ako. "Jeff?.." Kumatok muli ako. "...Jeff??" Katok lang ako ng katok pero parang walang naririnig si Jeff. O kaya hindi niya lang ako pinapansin. Pinihit ko na lang ang doorknob, hindi naman siya naka-lock

Pagkabukas ko ng kwarto niya ang dilim. "Jeff?"

NIlibot ko ang mga mata ko wala siya. Pero dito naman siya pumasok sa kwarto niya di ba? Pumasok na ako na ako sa loob. Tiningnan ko ang CR niya, wala rin siya doon. Binuksan ko ang cabinet niya, hindi naman siya nagtatago. Na saan ba siya? Hindi kaya nasa ibang kwarto siya? Lalabas na sana ako nang may narinig akong parang may umubo. Dahan dahan akong lumakad papunta sa kabilang side ng kama nya. Nakita ko siya doon, nakaupo sa floor at nakasandal sa kama. Nakapikit ang mga mata niya at grabe mukha niya ang daming pasa. Umupo ako sa tabi inya. Akala ko tulog na siya kaya nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. "Umalis ka na."

"Jeff.. uhm, m-may dala akong first aid kit." Sabi ko at tinitigan siya. Kawawa naman si Jeff.

Bumukas ang mga mata nya. Tapos tumingin sa akin. "Sabi ko, umalis ka na."

"Pero Jeff, yung sugat mo.." Hahawakan ko na sana ang mukha niya nang tinabig niya ang kamay ko.

"WAG MO AKONG HAWAKAN! UMALIS KA NA SABI!" sigaw niya at tila namang tumalon ang puso ko at natakot sa kanya. Pero hindi ako nagpadala doon.

"Pero Jeff hindi pwede, yung sugat mo kailangan gamutin yan, kailangan—"napatigil ako dahil sumigaw na naman siya.

"WAG MO NA AKONG PAKIALAMAN! UMALIS KA NA! IWAN MO NA AKO! KAYA KO NA ANG SARILI KO!" sigaw niya ulit.

Ganito ba siya kapag sinasaktan siya ni tito Fernan? Lagi ba siyang mag-isa at hindi tumatanggap ng tulong ng iba? Ito ba ang dahilan kaya ang lungkot niya lagi? Hindi ko namalayan, tumutulo na pala ang luha ko.

"Hindi. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan. Dito lang ako." Ayokong umiyak pinipigilan ko umiyak. Pero tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Kapag naiisip ko kasi ang ginawa ni tito Fernan kay Jeff, tapos ang lungkot na nararamdaman ni Jeff ngayon, hindi ko talaga mapigilan. Si Jeff naman mukhang natigilan at iniwas ang tingin sa akin. Ang tagal din na tumahimik kami, walang nagsasalita. Ang paghikbi ko lang ang tanging maingay.

"Wag ka na umiyak. Hindi naman ako galit sa'yo." Sabi ni Jeff habang naka-iwas pa rin ang tingin sa akin. Ako naman, parang mas lalong naiyak. Dahil sa paglakas ng iyak ko napatingin na sa akin si Jeff.

"Tama na nga 'yan! Wag ka na nga umiyak." Sabi ni Jeff na parang natataranta na. Obviously, hindi siya sanay magdeal ng pag-iyak ng mga babae. Pinunasan ko na ang luha ng mga mata ko. Pero sumisinghot singhot pa rin ako.

Hindi talaga mapigil ang mga luha ko. "I-ikaw kasi eh...Ayaw mo pa ipagamot sa akin yung sugat mo."

"Fine. Gamutin mo na basta wag ka na umiyak. Napaka-iyakin." Nakaiwas pa rin siya sa akin.

Natuwa naman ako at sinikap na tigilan ang pag-iyak. Pero nang dinampi ko na ang bulak sa sugat ni Jeff, naramdaman ko na nanigas siya at pinipigilan niya lang ipakita na masakit 'yun. Parang gusto ko na ulit umiyak. "Hoy. Iyakin. Subukan mo lang ulit umiyak. Papalabasin na kita dito sa kwarto ko."

Lumunok na lang ako at kinagat ang ilalim ng labi ko. Pinipigilan ko na umiyak. Dahan dahan ko namang ginagamot ang sugat ni Jeff para mabawasan ang sakit. Patapos na ako nang naramdaman kong nakatingin lang sa akin si Jeff habang ginagamot ko ang mga sugat niya. Ano kayang iniisip niya? Naiinis na naman ba siya sa akin dahil napakapakialamera ko?

Nang matapos ako, sumandal din ako sa gilid ng kama niya. Nararamdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin. "Sorry Jeff. Alam kong hindi naman ako dapat makialam. Pero kasi... alam kong masakit yung sugat mo eh." Ano ba yan naiiyak na naman ako. Kinagat ko na lang ang bottom lip ko. Tin wag kang iiyak, wag kang iiyak.

"Iyakin." Narinig kong sabi ni Jeff. Tapos sinandal na niya ang ulo niya sa kama at pinikit ang mga mata. Hindi naman niya ako pinapaalis di ba? Siguro hindi naman siya galit sakin. Ginaya ko na lang din ang ginawa niya at pinikit ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na napipikit ako.Pero parang sa kaibuturan ng utak ko, sa lugar kung saan naghahalo ang realidad at panaginip, parang narinig kong nagsalita si Jeff bago ako tuluyang nakatulog.

"Salamat Tin." At parang naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

Sana'y hindi to panaginip.

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 257K 71
Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credit...
880K 26.6K 51
(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo...
4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
2.7M 20.6K 57
A handsome and most sought bachelor, Ivo, turned away from love and become cynical against it. To drive away his swarming fans, he thought of a plot...