Dark Island Academy 1

By Graia_

912K 27K 1.2K

Highest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child... More

Mema Ni Author
Chapter 1
Chapter 2: Welcome
Chapter 3: Headmaster June
Chapter 4A: The Dark Cards
Chapter 4B: The Dark Cards
Chapter 5: Ice
Chapter 6: Bloody Welcome
Chapter 7: Demons
Chapter 8: Punishment
Chapter 9: Alex Vs. Ice
Chapter 10: Trouble
Chapter 11: DIA Group of Killers
Chapter 12: Reign Daves
Chapter 13: No, She's Not
Chapter 14: Headmaster's Warning
Chapter 15: Foundation and Valentines Day
Chapter 16: Bryan and Ashlie
Chapter 17: Letter
Chapter 18: Fruit Shake
Chapter 19: Library
Chapter 20: Draw Lot
Chapter 21: First Defeat
Chapter 22: Recitation
Chapter 23: Blood
Chapter 24: Sisters
Chapter 25: Awakening
Chapter 26: Warning For The Headmaster
Chapter 27: Dare
Chapter 28: Vince
Chapter 29: Memory
Chapter 30: Red and Black Mask
Chapter 31: Haunt
Chapter 32: Challenge
Chapter 33: Collaboration of Groups
Chapter 34: Meeting
Chapter 35: Clues
Chapter 36: Locked
Chapter 37: We Can Do This
Chapter 38: Black Rose
Chapter 39: Dark Cards Reapers
Chapter 40: Let's Play a Game
Chapter 41: It's You
Chapter 42: Red Mask
Chapter 43: King
Chapter 44: Command
Chapter 45: The True Queen
Chapter 46: Back to Enemies
Chapter 47: Countdown
Chapter 48: Start
Chapter 49: Date or Die
Chapter 50: I Hate You
Chapter 51: The Messages
Chapter 52: I Love You
Chapter 53: King and Queen
Chapter 54: Attack
Chapter 55: Decision
Chapter 56: The Truth
Chapter 57: Back
Chapter 58: Last Game
Chapter 59: Goodbye
Chapter 60: We're Going Back
Chapter 61: Surprise
Chapter 62: The Plan
Chapter 64: Darkiela
Epilogue
Afterword
GRA's Other Stories

Chapter 63: Win The Fight

10.2K 329 39
By Graia_

Author's Point of View~

"Nakahanda naba ang lahat?"- saad ni Ice sa mga kasama.

Tumango naman si Devin.

" Alam na nang lahat ang kani-kanilang pupwestuhan."- saad ni Devin.

Ngumiti naman si Ice.

"Mabuti."- saad nito sabay suot nya ng maskarang pula na tulad nang sa kanyang ina.

"5 minutes bago magsimula ang Meeting. Magpapakita na tayo sa buong DIA."- saad ni Ice.

Isinuot naman ni Devin ang maskara na tulad naman ng maskara nang Daddy ni Ice.

"Lahat kayo! Mag-iingat kayo! Walang dapat na mamatay! Sikapin nating mabuhay lahat at Magtagumpay! Babawiin natin ang DIA!"- sigaw ni Devin.

Nagsigawan naman ang lahat.

"3 Minutes!"- sigaw ni Ice.

Nagsisuotan naman ang lahat ng mga maskara. Pulang maskara sa babae at itim na maskara naman sa lalake.

"*smirk* Kakalat ang mga Red at Black Mask ngayon dito sa DIA."- saad ni Devin kay Ice.

"Makikipagtaguan tayo sa Headmaster. Hanapin nya tayo kung kaya nya, dahil kung hindi.... mamamatay syang hindi tayo nakikita."- saad ni Ice sabay tingin ulit sa orasan.

"1 Minute!"- saad nito sabay hawak nya sa sandata nya.

'Oras na! Oras na upang bawiin ko ang dapat na bawiin!'- sa loob-loob ni Ice.

"10 Seconds!"- sigaw ni Ice sabay tingin nya kay Devin.

"Let's win the fight."- saad ni Ice kay Devin.

Tumango naman ito.

"Yeah."- sagot ni Devin.

Ngumisi naman si Ice.

"Oras na!!"- sigaw ni Ice.

"LET'S WIN THE FIGHT!!"- sigaw nitong muli.

Sa Kabilang Banda~

"Oras na, Darating na sila ilang sandali lang."- saad ni Owen sa mga kasamahan sabay tingin nya sa iba pang mga grupo.

Handa na ang mga ito sa mangyayari.

"Mga Mahal kong istudyante ng DIA, Nais kong sabihin sa inyo na ititigil ko na ang pagpaparusa sa inyo sa ngayon. Pero.... mayroon akong kondisyon."- saad ng Headmaster sabay ngisi nito.

Nagbulungan naman ang mga istudyante, Samantalang sina Owen at ang iba pa? Mga seryosong nag-aabang sa susunod na sasabihin ng Headmaster.

"Nais kong Oras na mayroong manggulo rito sa ating paaralan.... Gusto kong paslangin nyo ang mga yun! Lahat sila at wala kayong ititira! Oras na gawin nyo yun? Magkakaroon kayo ng pagkakataon na makalabas at makaalis na dito sa DIA! Alam kong gusto nyo yun. Ngayon, Nais kong malaman..... Sang-ayon ba kayo sa gusto ko?"- saad ng Headmaster.

Nagkatinginan naman ang bawat pinuno ng bawat grupo.

"Tama si Devin, Lalasunin nga ng Headmaster ang isip ng ibang mga istudyante. Anong gagawin natin!"- mahinang saad ni Owen.

"Kailangan nating kontrahin ang Headmaster."- saad ni Henrick.

"Ngunit... paano naman?"- saad ni Dino.

"P- Pinuno! Tignan mo!"- saad ni Gilbert kay Owen sabay turo nya sa paaralan.

Agad namang tumingin si Owen at ang iba pa sa tinuturo ni Gilbert. Pagtingin nila doon, Nagulat sila. Nagsimula naman nang magbulungan ang iba pang mga istudyante ng makita nila kung anong meron sa paaralan.

"Anong pinagbubulungan nyo?"- saad ng Headmaster.

Dahan-dahan namang itinuro ng mga istudyante ang building ng paaralan kaya't agad humarap ang Headmaster roon upang tignan.

Pagtingin nya.....

"Anong!!"- gulat nyang sabi nang makita nya ang napakaraming Red at Black Mask sa paaralan.

Sa Balkonahe ng paaralan ay mayroong mga taong nakatayo, dalawa doon ay may hawak na pula at itim na bandila.

"Sino Kayo!"- sigaw ng Headmaster.

Tumuntong naman ang isang babaeng nakamaskarang pula sa Railings ng Balcony.

"Hindi mo alam? Kami ang kalaban mo. Kami ang magpapabagsak sayo at sa mga kasama mo sa kasamaan mo!"- saad ng babae.

Sinundan naman sya ng isang lalake na nakamaskarang itim sa pwesto nya.

"Kayong mga Istudyante ng DIA, makinig kayo sakin. Si Leo June Roque na tinatawag ninyong Headmaster ay ang tunay na kalaban dito! Hindi sina Red at Black Mask ang tunay na kalaban, kundi ang Headmaster mismo at ang mga pamilyang kasama nya!"- saad ng Lalake.

"10 Years ago nawala ang mag-asawang Killiano kasama ang Anak nilang si Darkiela. Ang dahilan ng pangyayaring yun ay dahil ang Headmaster ay nagtangkang patayin ang pamilyang Killiano dahil nais nyang makuha itong isla at itong paaralan! Isa syang masama at sakim na tao! Handa nyang patayin ang sarili nyang kapatid at ang pamilya nito para lamang makuha ang gusto nya! Kaya naman kayong mga istudyante dito... wag kayong magpapalinlang sa kanya. Tulad namin, Labanan nyo sya! Wag kayong maniwala sa mga sinasabi nya sapagkat puro kasinungalingan lamang ang lahat ng lumalabas sa bibig nya! Kung sasama kayo samin.... Makakaalis kayo dito sa DIA! Kayong lahat! Basta tulungan nyo lang kami na pabagsakin ang Headmaster. Talunin natin sya at ang mga kasama nya!"- saad ng babaeng nakamaskara na kulay pula at nakatuntong sa Railings ng Balkonahe.

Bigla namang tumawa ang Headmaster.

"Anong pinagsasasabi nyo!?"- saad ng Headmaster sabay tingin nya sa mga istudyante.

"Wag kayong maniwala sa pinagsasasabi nila! Sakin kayo maniwala! Hindi ko magagawa yun sa kapatid ko at sa pamilya nya! Wala akong alam sa pinagsasasabi nang dalawang yan! Sila ang may gustong makuha ang DIA! Gusto nila itong nakawin! Batid nilang wala nang magmamana nitong DIA oras na mamatay ako. Kaya naman nais nila kong patayin at ang mga kaibigan ko."- saad ng Headmaster sabay ngisi.

"Ito ang sinasabi ko sa inyo kanina, Ngayon mga mahal kong istudyante. Gagawin nyo ba ang nais ko? Paslangin nyo sila! Makakaalis na kayo ng DIA!"- saad ng Headmaster.

Napakuyom naman ng kamao ang babaeng nakamaskara na pula.

"Wag kayong maniwala sa Headmaster!!"- sigaw ng pinuno ng Souls na si Owen.

Napatingin naman sa kanya ang lahat.

"Nagsisinungaling ang Headmaster! Ang babae at lalake na nakamaskara ang tunay na nagsasabi ng totoo!"- saad ni Owen.

Bahagya namang napakuyom ng kamao ang Headmaster.

"At paano mo naman nasabi yan."- saad ng Headmaster.

Ngumisi naman si Owen.

"Dahil alam ko ang totoo!"- saad ni Owen.

"At hindi lamang sya ang nakakaalam ng totoo! Maging Kami!"- saad naman nang pinuno ng Phantomrick na si Henrick.

"Kaya naman kayong lahat, Kung sino man ang nararapat na tulungan dito ngayon...... Sila yun."- saad ni Owen sabay turo nya sa mga taong nakamaskara.

Tila hindi naman maintindihan ng mga istudyante ang gagawin, Lahat sila..... Naguguluhan.

"Wag kayong Makinig sa kanila! Sakin kayo Makinig! Ako ang paniwalaan nyo!!"- sigaw ng Headmaster.

"Hindi!"- sigaw ng isang babaeng nakamaskara rin na pula sabay tuntong nya rin sa Railings ng balkonahe.

"Wag nyo syang paniniwalaan. Kuya! Tumigil kana."- saad ng babaeng ito sabay hubad nya sa kanyang maskara.

Nagulat naman ang mga istudyante ng makita at mamukhaan nila ito.

"S-- Si Mrs.Killiano! Sya yun! Sya yung nasa larawan!"- sigaw ng isang istudyante.

"A- anong nangyayari! Naguguluhan na ko!"- sigaw pa ng isang istudyante.

Tinignan naman ng Seryoso ni Annaliza ang kanyang kapatid.

"Kuya.... tumigil kana! Ibalik mo na sa amin ang DIA. Dahil kung hindi.... mapipilitan kaming patayin ka."- saad ni Mrs.Killiano.

Panandalian namang natahimik ang Headmaster at pagkatapos ay.... bigla syang ngumiti.

"Annaliza, Mahal kong kapatid! Ikinagagalak kong muli kang makita. Miss na Miss na kita mahal kong kapatid."- saad nito sabay ngisi at tawa.

"Tungkol sa gusto mo mahal kong Kapatid! alam mo kasi... Napakahirap gawin nun eh. Masyadong malaki ang halaga na inilalagay ng DIA sa bulsa ko. Napakahirap pakawalan nun, Alam mo mahal kong kapatid? Pasensya na pero..... Hindi ko magagawa ang nais mo! Hindi ko ibabalik sa inyo ang DIA! Sa akin na 'to at hindi nyo na 'to mababawi sakin! Makikipagpatayan ako para dito! Kaya naman...... Bueno! Abad! Navida! Porstino! Fajardo! Patayin ang mga dapat patayin!"- sigaw ng Headmaster.

Pagkatapos nun, Sabay-sabay na naglabasan ng mga armas ang mga tauhan ng bawat pamilyang nasa panig ng Headmaster at inatake ang mga taong nakamaskara. Nagsigawan at nagsitakbuhan naman ang mga istudyante paalis.

"Sa akin ang Headmaster! Alam nyo na kung sino ang inyo!"- saad ni Ice habang nakacover.

Tumango naman si Devin.

"Oo, Mag-iingat ka."- saad ni Devin.

Tumango naman si Ice at pagkatapos ay tumakbo na ito paalis.

"Alex! Bryan! Brent! Ang pamilyang Navida!"- sigaw ni Devin sa mga kaibigan.

Tumango naman ang mga ito at pagkatapos ay mabilis silang tumakbo at hinanap ang pamilyang kanilang target.

"Mr.Navida!"- sigaw ni Devin nang makita na nilang Cards ang pamilyang kanilang target.

Pagkakita sa kanila ng pamilyang Navida, agad naglabas ang mga ito ng mga sandata.

"Magpaalam kana sa mundo!"- sigaw ni Devin sabay baril sana kay Mr.Navida ngunit humarang ang anak nito na tinamaan sa balikat.

"Aldrin!"- sigaw ni Mr.Navida sabay baril sana kay Devin ngunit nakailag ito.

"Ano bang tinatayo-tayo nyo dyan! protektahan nyo kami!!"- sigaw ni Mr.Navida sa mga tauhan.

Agad naman sila nitong kinoberan at pinaulanan ng bala nang baril ang Cards na mabilis na nakapagtago sa pader.

"King!"- tawag ni Bryan kay Devin sabay hagis dito ng isang tear gas.

Agad naman itong sinalo ni Devin at Ibinato sa mga kalaban.

"1 Minute!"- saad ni Devin sabay suot nya ng Gas Mask.

"Go!"- sigaw ni Devin sabay labas nya sa pinagtataguan at paulan ng mga bala ng baril sa mga kalaban na hindi parin bumabagsak.

Sa isang iglap lamang, bagsak na ang mga tauhan ng pamilyang Navida na pumoprotekta sa kanila at ang mag-amang Navida na lamang ang natira na kitang-kitang nahihirapan na sa kanilang paghinga dahil sa tear gas.

"Game over."- saad ni Devin sabay tutok nya ng baril sa mag-ama.

"W-- Wag.... H- Hindi na namin K-- kakampihan s-- si June! B- buhayin nyo l- lang kami!"- saad ni Mr.Navida habang nakahawak sa kanyang anak na unti-unti nang nawawalan ng malay.

Walang emosyon namang tinignan ni Devin ang mag-ama.

"Pasensya na, pero wala akong tiwala sa mga kalaban na biglang nagiging kakampi oras na gipit na sila."- saad ni Devin sabay baril nya sa mag-ama sa puso.

Agad namang tumalikod si Devin nang mawalan ng buhay ang mag-ama.

"Wala na ang Navida, Tulungan nyo na ang iba! Hahanapin ko si Ice!"- saad ni Devin sa mga kaibigan sabay hubad nya sa suot na gas mask.

Tumango naman ang mga ito kaya't agad syang tumakbo at hinanap si Ice.

"Nasaan ka Ice!"- saad ni Devin sabay baril nya sa kalaban na papasugod sa kanya at takbong muli paalis.

Pagdating sa tapat ng Garden, may tumawag sa kanya.

"Devin!? Ikaw ba yan?"- saad ng Isang babaeng nakamaskara na pula kay Devin.

Huminto naman ito sa pagtakbo at tinignan ang babae.

"Si Reigen 'to! Nasa labas si Ice!"- saad ni Reigen kay Devin sabay bali nya sa ulo ng isa sa mga kalaban.

Tumango naman si Devin.

"Sige! Salamat!"- saad ni Devin sabay takbo nya palabas ng paaralan.

Pagkarating nya sa labas, agad syang tumingin-tingin sa paligid at hinanap si Ice.

"Nasaan ka...."- saad ni Devin sabay tingin nya sa gilid na kung saan ay may kalaban na papalapit sa kanya.

Babarilin sana nya ito ngunit wala ng bala ang baril nya kaya naman agad syang bumunot ng kutsilyo at itinarak ito sa ulo ng kalaban.

"Ang Headmaster! Kung nasaan sya nandun si Ice!"- saad ni Devin sabay tingin nya ulit sa paligid.

Pagtingin nya sa lugar na kung saan ay malapit sa Gate ng DIA, nakita nya ang Headmaster na may kaharap na isang babae.

"Ice!"- saad ni Devin sabay takbo nya patungo roon.

"Tsk! Akala ko ba makikipagpatayan ka? Bakit ka tatakas? Iiwan mo sa kamay ng mga kakampi mo ang sarili mong laban?"- saad ni Ice sa Headmaster.

Ngumisi naman ang Headmaster.

"Hindi ako tatakas, May kukunin lamang ako sa labas na isang armas upang maubos kayong lahat!"- saad ng Headmaster.

Hinigpitan naman ni Ice ang pagkakahawak nya sa kanyang sandata.

"Sa tingin mo ba hahayaan kitang magawa mo ang gusto mo? Dumaan ka muna sakin!"- saad ni Ice.

Natawa naman ang Headmaster.

"Kung sino ka mang nasa likod ng maskara na yan, Napakatapang mo! Sa tingin mo ba kaya mo ko? Hindi!"- saad ng Headmaster sabay dukot nya sa baril nya at putok nun kay Ice.

Agad namang nakaiwas si Ice ngunit sinunod-sunod ng Headmaster ang pagpapaputok sa baril kaya naman may isang bala ang nakalusot at tumama kay Ice sa braso.

Natumba naman si Ice dahil dito at napahawak sa kanyang braso.

"Ice!"- sigaw ni Devin sabay takbo nya palapit sa Headmaster at hablot sa baril nito.

Nagulat naman ang Headmaster sa nangyari.

"Ang mga tulad mo, dapat binubura na sa mundo!"- mariing saad ni Devin habang tinututukan nya ng baril ang Headmaster.

Nagtaas naman ng dalawang kamay ang Headmaster na animoy sumusuko na ito.

"Oh? Nabobosesan kita! Devin? Ikaw ba yan?"- sarkastikong saad ng Headmaster.

Hinubad naman ni Devin ang maskara nya.

"Ako nga!"- saad nito habang gigil na gigil na nakatingin sa Headmaster.

Tila nais na nitong patayin ang Headmaster.

"Mabuti naman at buhay kapa, Di ko naisip na may tutulong sayo na makaligtas! At sigurado ako.... ang babaeng yan sa likod mo ang tumulong sayo."- saad ng Headmaster sabay tingin nya kay Ice.

Nagtanggal naman ng maskara si Ice at tinignan ng masama ang Headmaster.

"Tama ka, Ako nga ang tumulong sa kanya."- saad ni Ice sabay tayo nya at hawak nya ulit ng mahigpit sa kanyang sandata at tingin nya sa Headmaster ng masama.

Sa itsura nya, animoy wala syang tinamong sugat. Ngumisi naman ang Headmaster.

"Ms.Ice! Welcome back to DIA!"- tila may pang-asar sa tonong saad ng Headmaster.

Ngumiwi naman si Ice.

"Paano mo nagagawang maging ganyan gayong pwede ka ng mamatay sa mga oras na 'to."- saad ni Ice.

Bigla namang tumawa ang Headmaster at ibinaba ang kanyang mga kamay.

"Dahil batid kong hindi ako mamamatay, Matagal bago mamatay ang isang Demonyong tulad ko! Mas nauuna pang mamatay ang mga taong dating demonyo..... tapos biglang bumait ngayon."- saad ng Headmaster sabay sulyap nya kay Devin.

Napakunot naman ng noo si Ice.

"Ano....?"- saad ni Ice sabay tingin nya kay Devin.

Pagkatingin nya dito, may nakita syang isang kulay pulang ilaw sa bandang puso nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Ice.

"Devin!"- sigaw ni Ice sabay tulak sana dito nang.......

"Tabi!"- sigaw ng isang lalaking nakamaskara sabay tulak nito kay Devin patungo kay Ice na ikinadahilan ng pagkatumba ng Dalawa.

Pagkatumba nila Ice at Devin, Agad tinignan ni Ice ang lalaki na syang...... tinamaan ng bala ng Sniper.

"H- Hindi!"- sigaw ni Ice nang matumba ang lalake dahil sa tama nito.

Tumawa naman ang Headmaster kasabay ang pag-alingasaw ng mga putok ng baril sa rooftop ng DIA.

"Such a Hero!"- saad nito sabay ngisi.

"Alis na ko!"- saad pa nito sabay takbo ng mabilis patungo sa gate ng DIA at labas sa DIA.

Nataranta naman sina Ice at si Devin at agad na nilapitan ang lalakeng nagligtas ng buhay ni Devin.

"W- Wag kang bibitaw!"- saad ni Ice sabay tingin nya sa tama nito ng baril.

"Malapit sa puso ang tama nya! Kailangan nyang madala sa Medic sa Hideout bago mahuli ang lahat!"- saad ni Ice.

Tumango naman si Devin at agad na tumakbo paalis upang humingi ng tulong.

"Wag kang pipikit! Hindi ka pwedeng mamatay!"- saad ni Ice sa lalaki.

Itinaas naman ng lalake ang kanyang kamay at hinawakan ang mukha ni Ice.

"A- Ayos na sakin na mamatay.... I-- iniligtas ko.. a- ang buhay ng t-- taong mahal ng m- mahal ko! H- hindi sya pwedeng mamatay d- dahil..... a- ayokong malungkot ka! Ice...."- saad nito.

Bahagya namang natigilan si Ice at agad na tinanggal ang maskara ng lalaki, Nang makita nya kung sino ito... Bigla na lamang tumulo ang mga luha nya.

"V-- Vince! Hindi! Hindi ka pwedeng mamatay!"- lumuluhang saad ni Ice sabay tingin nya sa paligid.

"T- Tulungan nyo ko! Kailangang magamot ni Vince!!"- lumuluhang sigaw ni Ice.

Ngumiti naman si Vince.

"W-- wag kang lumuha.... H- hindi ko gustong lumuluha ka..."- saad ni Vince na tila unti-unti nang nahihirapan sa paghinga.

Nataranta naman si Ice at tila di malaman ang gagawin nya.

"H- Hindi! Wag kang pipikit! Parating na ang tulong! Vince!! Sa tingin mo ba magiging masaya ako kapag namatay ka! Hindi ka pwedeng mamatay!"- sigaw ni Ice.

Muli namang ngumiti si Vince.

"Lumuluha ka d-- dahil sakin.... H- hindi ko gusto yan... Ma-- Maging masaya ka... Ice..."- saad ni Vince kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata at pagkawala nya ng malay.

Tila nablangko naman si Ice.

"H- Hindi.... Vince! Vince gumising ka Vince!!"- sigaw ni Ice habang ginigising si Vince.

Ngunit hindi na ito magising.

"Hindi! Vince!! Gumising ka! Vincent Crewford! Hindi ka pwedeng mamatay! Vince! May gagawin pa tayo diba! Hahanapan pa kita ng babaeng para sayo! Vince gumising ka!!"- sigaw ni Ice habang lumuluha sabay yakap nya kay Vince.

Dumating naman si Devin kasama ang Red Skull.

"I-- Ice..."- saad ni Devin.

Agad namang tumingala si Ice at tinignan si Devin. Nang makita ni Devin kung sino ang lalaking nagligtas sa kanya, Natigilan na lamang sya dahil sa gulat.

"V- Vince...."- saad ni Devin sabay luhod nya at tingin nya sa pulso nito.

Nang may Maramdaman pa sya, agad nyang binuhat si Vince.

"Dalhin nyo sya sa Hideout! May Pulso pa sya! Kailangan nyang magamot! Kailangang tumibok muli ng puso nya! Kailangan nyang mabuhay!!"- sigaw ni Devin.

Nataranta naman si Luis at agad na kinuha si Vince.

"Skulls!"- saad ni Luis sabay madali nito sa pag-alis dala si Vince.

Agad naman syang sinundan ng mga kasamahan nya. Samantalang si Devin, Tinignan nya ang lumuluhang si Ice.

"I-- Ice... P- pasensya na..."- saad ni Devin sabay luhod nya at hawak nya sa mga kamay ni Ice.

"Iniligtas nya ang buhay ko, Kung hindi nya ginawa yun edi sana hindi sya nasa bingit ng kamatayan ngayon. Isa pa.... kung hindi lang sana ako pabaya at marunong akong makiramdam.. Hindi sana umabot sa ganito."- saad ni Devin.

Tinignan naman sya ni Ice.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Ginusto ni Vince yun! Ginawa nya yun dahil din sakin!"- saad ni Ice sabay tayo nya at kuha nya sa mga sandata nya.

"Samahan mo ko, Pumunta tayo sa Rooftop! Kailangang magbayad ng Sniper na yun ng Triple!"- saad ni Ice.

Tumayo naman si Devin.

"Paano ang Headmaster?"- tanong ni Devin.

Napakuyom naman ng kamao si Ice.

"Susundan ko sya sa labas pagkatapos nito. Gagamitin ko ang sikretong daanan!"- saad ni Ice sabay pulot nya ng baril at bigay nya nito kay Devin.

"Halika na! Kailangang magbayad ng taong may gawa nun kay Vince!"- saad ni Ice sabay lakad nito paalis.

Agad naman syang sinundan ni Devin.

Hideout~

"Bumababa ang Heartbeat nya!"- saad ng Nurse habang nakatingin ito sa patient monitor.

Napatingin naman ang nagdadasal na si Reigen sa Doctor.

"Doc gawin nyo lahat! Hindi sya pwedeng mamatay!"- saad ni Reigen.

"Give me 110 joules."- saad ng Doctor sa nurse ng biglang......

"Sandali."- saad ng isang babae sabay kuha at suot nya ng gloves.

Nagulat naman si Reigen ng makita ito.

"I- Ikaw...."- saad ni Reigen.

Ngumiti naman ang babae sabay nagsuot ng mask.

"Ikaw ang anak ni Tito Torne!"- saad ni Reigen.

"Ako nga!"- saad nito sabay palit nya sa puwesto ng Doctor.

"Doctor ako! Ako ang magliligtas sa kanya. Hindi sya pwedeng mamatay, Mahalaga sya kay Darkiela."- saad ng babae sabay tingin nya sa monitor ng Defibrillator.

"Give me 200 joules."- saad ng babae.

Nataranta naman ang nurse.

"Opo!"- saad nito.

Kinuha naman ng babae ang dalawang paddle electrodes at tinignan si Vince.

"Hindi ka pwedeng mamatay, Isa ka sa mga bida dito."- bulong ng Babae.

Likod ng School~

"Dante!"- saad ni Lorenzo Bueno ng harangan sya ni Mr.Killiano na walang suot na maskara, kitang-kita ang mukha nito na may peklat na gawa ng isang matalim na bagay.

Ngumisi naman ito.

"Lorenzo..."- saad nito sabay higpit nito sa pagkakahawak sa dala nyang pistol.

"Kamusta kana? Hanggang ngayon napakaganda parin talaga ni Annaliza. Napakaswerte mo talaga sa kanya."- saad ni Lorenzo Bueno.

Napangiwi naman si Mr.Killiano.

"Mabuti naman ako, Ikaw! Hanggang ngayon patay na patay ka parin sa kanya na ASAWA KO! Nahihibang kana Lorenzo, Ni hindi kana nagkaanak dahil sa kahibangan mo. Pero sa bagay... ayos narin na wala kang anak. Atlis hindi kakalat ang lahi mo."- saad ni Mr.Killiano.

Tinutukan naman ng baril ni Lorenzo si Mr.Killiano.

"Paanong magkakaroon ng anak! Eh kinuha mo sakin ang babaeng dapat na magbibigay sakin ng anak!"- saad ni Lorenzo.

Walang emosyon naman syang tinignan ni Mr.Killiano na tila napipikon na.

"Hindi mo ba talaga maintindihan oh sadyang ayaw mo lang intindihin? Hindi ka gusto ni Annaliza. At kahit kailan.... Hindi ka nya gugustuhin!"- mariing saad ni Mr.Killiano.

"Manahimik ka!!"- sigaw ni Lorenzo sabay putok nya ng baril nya kay Mr.Killiano.

Agad namang nakaiwas si Mr.Killiano at pinaputukan din si Lorenzo.

"Sumuko kana! Kahit mabuhay kapa at mapatay mo ko! Hindi parin mapapasayo ang gusto mo!"- sigaw ni Mr.Killiano.

"Nagkakamali ka! Makukuha ko sayo si Annaliza! Sa ayaw at sa gusto nyong dalawa makukuha ko sya! At ang anak nyo? PAPATAYIN KO SYA!"- sigaw ni Lorenzo.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Mr.Killiano at pagkatapos ay isang uri ng laro ang inalok nya kay Lorenzo.

"Lorenzo! Bakit hindi na lang natin daanin 'to sa Buwelo! Nakikita mo ang malaking hukay? Ihulog natin doon ang mga baril natin at pagkatapos ay sa bilang na lima! Mag-uunahan tayong makuha yun! Kung sinong maunang makakakuha ng baril nya ang mananalo. At ang hindi naman ay talo at mamamatay!"- sigaw ni Mr.Killiano habang sya ay nagtatago sa isang pader.

Nakumbinsi naman nya agad si Lorenzo.

"Maganda yang naisip mo! Sige! Gawin natin!"- saad ni Lorenzo sabay labas nya sa pinagtataguan nya.

Agad din namang lumabas si Mr.Killiano sa pinagtataguan nya at sabay sila ni Lorenzo Bueno na lumapit sa hukay.

"Sabay nating ihulog ang mga baril natin."- saad ni Mr.Killiano.

Ngumisi naman si Lorenzo.

"Sinasabi ko sayo, Ako ang mananalo!"- saad ni Lorenzo.

Malamig naman syang tinignan ni Mr.Killiano.

"Tignan na lamang natin."- saad ni Mr.Killiano at pagkatapos ay sabay nilang inihulog ni Lorenzo ang kani-kanilang hawak na baril.

"Sa bilang na lima, mag-uunahan tayo pababa."- saad ni Mr.Killiano.

Ngumisi namang muli si Lorenzo.

"Oh sige."- saad ni Lorenzo.

Nagsimula naman ng magbilang si Mr.Killiano na malamig parin ang emosyon.

"Isa."- bilang nito habang nakatingin kay Lorenzo.

"Dalawa."- bilang nitong muli sabay tingin nya sa mga baril nila ni Lorenzo.

"Tatlo."- bilang nitong muli.

"Apat."- saad nito sabay tingin muli kay Lorenzo at ngisi bigla.

"Lima!"- saad ni Mr.Killiano.

Pagkasabi nya ng lima, agad lumundag si Lorenzo Bueno paibaba sa hukay. Paglundag ni Lorenzo sya namang labas ng isa pang baril ni Mr.Killiano at inasinta si Lorenzo sabay putok nya ng baril nya dito.

Napabilis naman ang pagdausdos ni Lorenzo paibaba ng sya ay tumumba dahil sa tama nya ng baril sa balikat.

"D- DANTE!!!"- sigaw ni Lorenzo.

Ngumisi naman si Mr.Killiano at pagkatapos ay nagsalita.

"Kung anong gusto mo gusto mong mapasayo, Yun ang nakakainis mong ugali. Pero bukod doon... meron karin namang nakakatuwang pag-uugali. Nagiging isa kang uto-uto oras na despiradong-despirado kana sa gusto mo."- saad ni Mr.Killiano sabay kasa nya sa hawak nyang baril.

"Paalam."- saad nito sabay baril nya kay Lorenzo sa ulo na ikinadahilan ng agad nitong pagkamatay.

"Ang mga tulad nyo, Pinapatay na dapat agad at hindi pinapatagal pa."- saad ni Mr.Killiano.

Pagkatapos nyang sabihin yun, isang malakas na tunog ng pagsabog ang umalingawngaw mula sa Gate ng DIA.

Nagulat naman si Mr.Killiano dahil doon.

"Ano yun!"- saad ni Mr.Killiano sabay takbo nya patungo sa pinanggalingan ng pagbsabog.

Pagdating dun, laking gulat na lamang nya sa nakita.

"A-- Anong!!"- gulat na saad ni Mr.Killiano.

"Ngayon tignan na lang natin! Ano kayang mangyayari oras na pasabugan ko kayong mga nandito?! PAGPAPATAYIN KO KAYO!!"- sigaw ng Headmaster.

Narinig naman ni Ice ang malakas na sigaw na ito ng Headmaster, Pagtingin ni Ice dito mula sa rooftop ng paaralan na kinaroroonan nya, tila natigilan sya.

"Ice! Ano nang gagawin mo?"- tanong ni Devin kay Ice.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Ice.

"Isang nakakatakot na banta yang dala nya, Ngunit isa syang tanga at di na nya nagawang mag-isip dahil sa pagkadespirado nya."- saad ni Ice sabay tingin nya kay Devin.

"Bumalik tayo sa Balkonahe kanina, Bubuhayin natin at bibigyan natin ng huling pasya ang mga istudyanteng nanonood lamang at nagtatago. Bukod pa doon, Tatakutin natin ang Headmaster."- saad ni Ice.

"Tignan na lang natin kung makaalis pa ang Headmaster sa pwesto nya ngayon."- saad pa ni Ice.

Continue Reading

You'll Also Like

45.3K 1.7K 28
Isang virus ang unti-unting kumakalat sa buong panig ng Pilipinas. Ito ay unti-unti rin na umuubos sa papulasyon ng Pilipinas. Ang simpleng bakasyon...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.8M 63.1K 61
[ COMPLETED not yet EDITED] Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Mystery #2 in Adventure #3 in Thriller #8 in Powers #16 in Academy #20 in Mag...
247K 6.6K 47
"I'm the nightmare in everyone's wishful dream. A devil disguised as an angel. The merciless, brutal and pretty evil queen," THAT INFAMOUS GIRL Copyr...