Mga Binhi: Antolohiya ng Isan...

By zandcruzher

2.1K 201 200

Mga katagang pinagbuklod ng kaisipang mapang-alipin. Mga taludturang nililok ng mga karanasan. Mga saknong na... More

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing Makata
Paghihiganti
Hinanakit ng Isang Taksil
Nahuhusgahan rin ang Mapanghusga
Nagkakalamat, Nababasag, Natututo
Kung Naipagbibili Lamang
Sapagkat ang Salita
Kung sa Mundo'y Walang Pera
Bungkal sa Lupa, Lubog sa Dalita
Butil ng Kanin
Ang Baboy
Ugat, Umugat, Inugatan
Daang Matuwid, Nagkasanga-sanga
Tingkad
Dahong Nalalanta
Inuuod na Ngiti
Kapag Narating Na Ang Langit
Pinapasang Krus
Madarama
Mukha ng Kabutihan
Kalaban ang Araw
Pinaglalamayan, Pinagsusugalan
Suntukin ang Tuldok
Kinikilig, Dinidildil, Pinuputang Ina
Inaasam-asam na Taas-Baba
Napipiga ang Kutsara, Nagdurugo ang Luha
Nabubuhay sa Tinapay
Sugatan Mo si Nene
Nanlaban
Naglalakad na Bangkay
Mga Binhi
Pangwakas na Pananalita

Simbolo'y Ano?

204 6 9
By zandcruzher

Simbolo’y Ano?

Kung pambansang isda ay ang bangus na malinamnam,

Pagkat sumasagisag sa masaganang karagatan,

Magagawa ba nitong ang mga sikmura’y malamnan,

Makakaahon ba sa pagkalunod silang mayayaman?

Kung pambansang ulam ay ang adobong maalat,

Pagkain ng masa at sarap ay walang katapat

May silbi pa ba kaya kung hindi rin  naman lahat,

Nakatitikim nito’t sa gutom lang namumulat?

Kung pambansang hayop ang masipag na kalabaw,

Sumisimbolo sa kasipagan, umula’t umaraw,

Bakit marami pa rin ang sa putikan, nadudungaw,

Pagkadukha pa rin itong s’yang umaalingawngaw?

Kung pambansang sayaw,ang  maindak na carinosa,

Sumasalamin sa payak at makulay na kultura,

Bakit hanggang ngayon, sa indayog ay nadadala,

Sa halip na pag-unlad, sa pusali pa napupunta?

Pagkadami-dami man ng sagisag sa bayang sinilangan,

Nagpapakita ng tatak at pagkakakilanlan,

Lahat ito’y para saan kung nanatiling darang,

Sa malagitnit na apoy ng dalita’t kamangmangan?

Kung mananatiling bulag sa simbolong tinatangi,

Silbi nito’y ano, kung bansa nati’y nasasawi,

Baka kulang na lamang maging ang buwayang bungi,

Atin na ring sambahin sa pagkaitim ng budhi.

Edit:
Tinanggal ko na yung verse about sa national flower. Myghaad nakakahiya ako. Hahaha. Sorry guys, hahaha! :-)

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
28.4K 1.1K 101
I love writing poetries, that's why I made this section for my written works. Hope you enjoy reading! :)
10.8K 964 60
"The love that you are searching from someone else, will and must always start with yourself." (A collection of poem and prose about self-love, movin...