Seducing My Husband

By frappiness

5.7M 55.3K 3.7K

Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang... More

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
SMH
Question :>

Chapter 7

126K 1.3K 42
By frappiness

CHAPTER 7

COMPANY PARTY

"Mr. Lim. Ano pong ginagawa nyo dito?" Gabi na rin kasi siguro importante rin ito kaya sinadyang ipadala ngayon.

"Young Lady. May pinapabigay po sa inyo ang parents nyo." Si Mom talaga. Si Mr. Lim ang pinaka pinagkakatiwalaang empleyado ni Dad. Ang tagal niya na rin nagtatrabaho sa amin kaya tinuturing na namin siyang pamilya.

"Mr. Lim naman eh. Diba sabi ko po sa inyo, Tin na lang ang itawag nyo sa akin? Pasok po muna kayo. Naku pasensya na ho kayo, kahit gabi na pumunta pa ho kayo dito." Si Mr. Lim talaga dati ko pa sinasabi sa kanya na Tin na lang.

"Hindi na ho ako papasok Young Lady. Ibibigay ko lang ito at aalis na din po ako." Nilabas nIya ang isang invitation at ibinigay sa akin.

"Teka. Para saan po ang invitation na ito Mr. Lim?" Tinignan ko iyong invitation, halatang may pagkabusiness theme.

"May company party po ang parents nyo bukas ng gabi. Dadating po ang iba't-ibang investors kasama na ang iba pang businessmen." Sabi niya ng nakangiti.

"Pero Mr. Lim, sigurado po ba kayong para sa akin 'to? Alam naman po nila mom and dad na wala akong interes sa kumpanya. Hindi naman po nila ako sinasama dati." Dati ko pa pinapaalahanan kay Mom and Dad na hindi naman ako sa mga ganyang bagay, maggusto ko pa ang nasa shop o kaya sa bahay nagpapaint.

"Para sa inyo po iyan ni Mr. Jefferson Lee. Since nagpakasal na po kayo, siya na po ang magiging future presidente ng kumpanya. Kaya dapat lang po na ipakilala kayo sa mga tao." Pagpapaliwanag niya.

"Ahh. G-ganun po ba. Sige po sasabihin ko na lang sa kanya bukas. Tulog na po kasi sya ngayon. Salamat po Mr. Lim"

"Sige po Young Lady mauuna na po ako." Sabi niya. Umalis na siya at sinara ko na ang pinto. Ngayon ko lang narealize na si Jeff na nga pala ang magmamanage ng kumpanya namin in the future. Okay lang ba sa kanya iyon? Ako kasi ayoko talaga ng mga business. Buti na lang mahal na mahal ako nila mom at hinayaan nila ako maging painter. Pero si Jeff napilitan lang siyang pakasalan ako. Mapipilitan lang din ba siyang pamahalaan ang kumpanya namin? Naguilty naman ako bigla.

Kinabukasan, pinakita ko kay Jeff ang invitation. Tumango lang siya then dadaanan niya na lang daw ako sa bahay tonight pagkagaling niya sa opisina. Hindi ko man lang madetect kung pumayag ba siyang pumunta dahil gusto niya talaga o dahil responsibilidad niya na 'to bilang future presidente ng kumpanya. Ang dami kong iniisip hindi ito kinakaya ng brain cells ko. Kaya naman pagkaalis ni Jeff, pumunta na ako agad sa shop.

"May nangyari ba sa langit kaya nahulog ang isang anghel dito sa lupa?" sabi iyon ng isang lalaki. Parang ang pamilyar ng boses. Pagkaharap ko nakita ko kung sino ito.

"KEVIN!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi. Kevin is really one of my most favorite people in the world.

"Kelan ka pa bumalik? Akala ko next month ka pa!" nagulat naman ako sa pagdating niya.

"Ganito talaga kapag gwapo, maparaan." Sabi niya at kumindat sa akin. Iba rin tong si Kevin.

"Naks! Ikaw na talaga Kev!!" sabi ko habang tinuturo turo siya gamit ang daliri ko.

"Naman! Ako na talaga ang gwapo. Ikaw Tin kamusta? Parang paganda ka ng paganda ah." Sinabi ko na ba na he's one of my most favorite people in the world. Kahit sinong tao ang bad mood or may problemang iniisip, kapag nakausap ito si Kevin, mapapangiti agad. Parang ako ngayon, nagblush pa kunwari pero abot tenga naman ang ngiti.

"Hay nako Kevs. Wag mong masyadong bobolahin yan si Tin at madaling maniwala 'yan." Napalingon naman kami pareho ni Kev. Lumabas na kasi si Anj galing sa office namin sa shop. Ang lola mo nagmake-up at nag-ayos ng buhok. Hindi naman nakita si Kev sa loob ng anim na buwan. Architect kasi si Kev and may ginawa syang project sa states for 6 months.

"Why babe, gusto mo bang ikaw lang ang sinasabihan kong maganda?" aniya at ngumisi.

"No thanks. Kahit di mo sabihin I already know." Anj said and crossed her arms.

"Ohh getting feisty again huh. Yan ba ang epekto sa'yo kapag hindi mo nakikita ang kagwapuhan ko?" aniya ni Kevin at ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Kapal mo talaga. Grabe ang kayabangan mo mas mataas pa sa building! Pasalamat ka..." napahinto si Anj.

"Mahal mo ako?" pagpapatuloy naman ni Kev.

"OO BAKIT MAY PROBLEMA?!" sigaw ni Anj at nag-blush. Ang cute naman talaga nila.

"Wala naman... Pasalamat ka lang din mahal kita" Kumindat pa ulit si Kevin.

"Hep hep! Tama na nga 'yan baka langgamin na yung shop eh." Kinikilig kong sabi sa kanila.

Sumingit na ako kasi kapag walang umawat, maglalandian buong araw 'yang dalawang 'yan. Boyfriend ni Anj si Kev and they are together for almost six years. Kaya nga tinatawag kong master 'yan si Anj. Kahit ilang beses na silang nag-away at nagbreak nitong ni Kev hindi pa rin sila naghihiwalay.

"Sige na Tin, aalis muna kami nitong dyosang 'to. Dadalhin ko muna sya sa langit." Nakangising sabi ni Kev.

"HOY YABANG! ANONG SINASABI MO DYAN KAY TIN?! Mamaya kung anong isipin nyan." Then humarap sa akin si Anj. "Tin ok lang ba ikaw muna dito sa shop? May pupuntahan lang kami ng mayabang na 'to."

"Oo naman noh. No problem! Sige na baka ma-late pa kayo sa date niyo." Nakangiting sabi ko kay Anj.

"HINDI KAMI MAGDADATE NOH!" Todo react naman itong si Anj. If I know excited na 'yan deep inside.

Inakbayan naman siya bigla ni Kevin. "Alam mo babe, wag ka na masyado mag-deny dyan. Masyado kang obvious eh." Namula naman si Anj tapos tumingin naman sakin si Kev at kinindatan ako. Nag-ok sign naman ako sa kanya. Then maya maya pa nagbeso sa akin si Anj at niyakap naman ako ni Kev then umalis na sila. Sana maging ganyan din kami ni Jeff. Tumagal ng six years at higit pa.

Pumasok na ako sa office namin. Ang shop kasi may receiving area, office namin ni Anj, painting room, then isang malaking room para sa mga exhibits. Pagdating ko sa table ko, napansin kong may isang puting papel na nakalagay. Isang note?

Be afraid. We're watching you.

Sino namang mag-iiwan ng ganitong note sa table ko? Para sa akin ba talaga 'to? Wala namang pangalan. Inikot ikot ko pa ang papel then inamoy amoy. 'Be afraid. We're watching you.' Sino namang gustong magsabi sakin nito. Baka prank lang 'to ni Anj. Psh, yung babaeng talaga na iyon. Nilagay ko muna iyong note sa drawer. Itatanong ko na lang kay Anj mamaya.

Bigla namang tumunog ang phone ko.

Mom calling...

"Hello Mom?"

"Hi Baby!! Did you receive the invitation? You and Jeff are coming right?"

"Ah opo. Pupunta na po kami dyan agad after nya lumabas sa office."

"That's good. So I'll expect you here around 7pm?"

"Yes Mom I think so. Pero Mom, required po ba talaga kami pumunta dyan? I mean, 17 pa po ako nang huli akong umattend sa mga company parties ni Dad eh. Ang boring naman po kasi ng mga pinag-usapan ng mga bisita then puro sosyalan lang." Baka makalusot at pwedeng hindi na pumunta.

"Baby, of course you need to be there. You're a married woman now and si Jeff na ang susunod na president ng company."

I let a sigh. "Yes mom I know."

"Don't worry baby. Pinadala ko na kay Mr. Lim ang susuotin mo tonight. Blue cocktail dress! Isn't that your favorite color? For sure Jefferson will be amazed when he sees you."Bigla namang nabuhay ang katawang lupa ko. Magugustuhan nga kaya ni Jeff ang isusuot ko mamaya? Dapat lang bagay kaya sakin ang blue. Then mag-aayos ako ng todo para kapag nakita niya ako, hindi na siya makakatingin pa sa ibang babae sa party. Lagot siya sakin, he can't look away from me tonight.

"Tin? Are you there? Hello?" Si Jeff lang talaga ang nagpapaspace ng mind ko.

"Ah yes mom. Sige po I'll see you tonight! Thank you po sa dress! Love you!" and the line went dead.

Medyo na-excite naman ako for tonight. Dumating naman agad si Mr. Lim para ideliver ang dress ko. Ang galing talaga ni mom pumili, tube siya then magiging flowy sa dulo. 2 inches above the knee kaya lagot ka talaga Jeff.

May mga dumating na customers. Ang iba nagpareserve na sila before kaya kukunin na lang nila iyong paintings. Ang iba magpapagawa pa lang. Then 'yung iba nililibot ko sa exhibit namin sa shop dahil may mga buyers na unang kita pa lang nila binibili na nila agad. Nasa kalagitnaan ako ng pag-eexplain ng isang painting sa mag-asawang interesado nung naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

Tinignan ko kung sino.

Jeff calling...

"Ah, please excuse me. I need to take this call." Ngumiti naman ang mag-asawa then naglibot libot pa sila ulit sa exhibit. Lumayo muna ako.

"Hi Jeff! Wow himala ikaw ang unang tumawag sakin ngayon. Ano bang—"

"DO YOU KNOW WHAT TIME IS IT?" Nilayo ko naman sa tenga ko ang phone. Bakit ba naninigaw na naman siya?

"Ahh, s-sorry. Ano bang problema? Bakit sumisigaw—"

"KANINA PA KITA TINATAWAGAN! KANINA PA DIN KITA HINIHINTAY DITO SA BAHAY DAHIL AKALA KO DITO KITA SUSUNDUIN!" Okay sorry. Sorry.

Pagtingin ko sa relo ko, 7pm na nakalimutan ko ang company party kapag talaga tungkol sa paintings ang pinag-uusapan, nawawalan ako ng sense of time. Kanina pa raw ako tinatawagan ni Jeff pero hindi ko man lang naramdaman ang phone ko na nagvivibrate. Hala naman Tin ano ka ba!

"S-sorry Jeff. Hindi ko kasi napansin yung oras eh. Please naman wag ka na magalit oh."

Narinig ko siyang humihinga ng malalim yan ang ginagawa niya tuwing nagpipigil siyang sigawan ako. "Fine. Then dadaanan na lang kita dyan sa shop mo. Be ready or else.."

Hindi ito pwede. Hindi pa ako nakakapagbihis at nakakapagmake-up or kahit ano. Magagalit iyon sa akin panigurado. Then may customer pa rito, hindi ko naman sila pwede paalisin na lang basta basta."Ahh, ano kasi Jeff eh, uhm. Ano kasi..."

"WHAT?! DO YOU KNOW NA 7PM ANG START NG PARTY?! WE'RE ALREADY LATE AS IT IS!" galit na talaga siya sa akin.

"T-teka, ganito na lang. Mauna ka na lang sa party. Hahabol na lang ako later. Tatawagan ko na lang sina Mom na ma-lalate ako." Request ko na lang para ako na lang ang late.

"FINE. Wala na akong pakialam. Just don't expect me to make excuses for you kapag tinanong nila kung asan ka." Binaba na niya ang phone. Galit nga talaga iyon. Binalikan ko naman agad ang mag-asawang customers. Maya maya pa may napili na silang painting then binayaran na nila. Ipapadala ko na lang sa bahay nila bukas. Sinara ko na ang shop. Doon na rin ako nagbihis at nagmake-up then nagulat ako nang sunduin ako ni Mr. Lim. Tinawagan ko na kasi si Mom na ma-lalate ako.

Nakarating ako sa party ng 8:30pm. May orchestra, chattering guests, cocktail drinks, mga waiter na lakad ng lakad to serve food. Plastic smile from everyone's faces, mga taong pasipsip na walang iniisip kung hindi ang mapalapit sa pamilya namin to gain more business. Well syempre hindi ko naman nilalahat. Iyan lang kasi ang sinasabi lagi ni Dad. Pero ako I'd like to believe na most of them are here with a pure smile and a kind heart.

Among this many people, isang mukha lang naman ang hinahanap ko. Iginala ko ang mata ko at nakita ko ang hinahanap hanap ng puso ko. Napapaligiran si Jeff ng mga tao in black suit. For sure mga businessmen din iyon at ang boboring ng mga pinag-uusapan nila. Pero si Jeff pa rin ang pinakagwapo sa kanila. Mukha naman kasi siyang model sa tuxedo niya ngayon. Take note, naka-blue tie siya. Ito na ba ang tinatawag na destiny? Tumawa siya sa isang sinabi ng mga tao sa paligid niya. Pero hindi naman ganyan ang totoong tawa niya parang pilit na tawa lamang.

"Why don't you go near him?" Biglang may nagsalita sa likod ko.

"Dad!" Niyakap ko siya at hinalikan sa cheeks.

"You're late." My Dad said.

"Sorry Dad. Ang dami kasing customer sa shop." Pagpapaliwanag ko habang nakangiti.

"Well I guess that's fine, since you look very pretty tonight." Ito talagang si Dad super sweet.

"Eh kanino pa po ba kasi ako magmamana?" Ngumiti naman si Dad then inoffer niya sakin ang kamay niya.

"Let's go, ipapakilala kita sa ibang guests."

Pinakilala niya nga ako then nung nakita ko rin si Mom, niyakap ako at sinabihang ang ganda ko daw. Naman ang parents ko, masyadong nagsasabi ng katotohanan. Inikot-ikot ko ang paningin ko. Nasaan na ba si Jeff bakit hindi ko na siya makita. Naglakad lakad ako around the hall. Where are you Jeff?

"So, you're Christine Villanueva?" Apat na lalake ang pinalibutan ako. Mga halos ka-age ko lang sila. Nginitian ko na lang sila.

"W-well yeah. And you are...?" I said.

"Pare hindi nya tayo kilala." Sabi ni guy na naka gray suit at ngumisi.

"Interesting. Konti na lang ang babaeng katulad nya." Sabi naman nung isang guy nakablack suit tapos red tie.

"What do we expect from the heiress of the Villanueva Corporations?" the guy naka two button men suit in black tie.

Nagtawanan sila then nakingiti na lang ako. Ano bang meron?

"It's really weird. Hindi mo kami kilala pero we know even the size of your shoes." The guy in gray suit said.

Napatingin naman ako bigla sa sapatos ko.

"Even the brand of your shampoo, alam namin." The guy na naka black suit in red tie.

Napahawak naman ako bigla sa buhok ko. "Bakit... P-paano nyo nalaman?" sabi ko nang nag-aalala.

"Well let's just say, our dads want to gain the favor of your family." The guy na naka two button men suit in black tie.

"That's why we know a lot of things about you. Even the size of your..." guy in black suit in red tie said.

Bigla syang tumingin sa may dibdib ko. Pero napatalon ang puso ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. "I wouln't look that way if I were you."

"Jeff!" Napalingon naman ang mga lalake sa direksyon ni Jeff. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa may bewang. OH MY GOSH. Nananaginip ba ako or what? Nilapit niya pa ako sa gilid nya. Kikiligin na sana ako ng tuluyan pero nang tiningnan ko siya, natakot ako sa mga mata niya. Nakatitig lang kasi siya sa mga lalake ng nakakatakot. Medyo naging uncomfortable naman ang mga lalake.

"Excuse us." Sabi ni Jeff ng nakakatakot tapos dumaan kami sa gitna nila at naglakad na kami papalayo. Hawak pa rin ni Jeff ang bewang ko. Ang tahimik naman niya.

"Jeff. Saan ba tayo pupunta? Kanina pa—"

"Kilala mo ba sila?" Sabi ni Jeff bigla. Tinanggal na niya ang hawak sa bewang ko at humarap sa akin. Kahit mahina ang boses niya nakakatakot pa rin.

"H-huh? Sino, yung mga lalake? Hindi ko nga sila kilala. Bigla na lang nila ako nilapitan tapos—" hindi na naman natapos ang sasabihin ko.

"Hindi mo sila kilala tapos kinakausap mo pa din sila?" Galit na ang boses niya pero mahina pa rin. Siguro kung wala kami sa party sinisigawan na niya ako ngayon.

"Pero, guests kasi sila nila Dad kaya—"

"Hindi ka ba talaga nag-iisip?! Binabastos ka na nga kanina, pero nakatayo ka lang dun!"

Ako? Binabastos? Kaya ba galit na galit siya ngayon? Dahil akala niya binabastos ako? Nag-aalala na naman ba siya sakin?

"Iha! Jeff! There you are! Kanina pa namin kayo hinahanap!" biglang pagsulpot ni Mommy.

"Mom."

"Don't tell me you're leaving, kakadating mo pa lang Tin. Jeff honey, why don't you dance with Tin? Other guests are already dancing." aniya

Tumingin ako sa gitna ng hall may mga guests na nagsasayaw in a lively music. For sure hindi naman sumasayaw si Jeff ng mga ganyan. Tiningnan ko si Jeff, nakapoker face pa rin.

"Ah mom. Hindi na po kami sasayaw. Ano po kasi eh, uhm.. ano—" Bigla namang hinawakan ni Mom ang mga braso namin ni Jeff at naglakad papunta sa gitna ng hall. Napilitan tuloy kaming sumama sa kanya.

"Of course you two should dance." Mom suggested.

"Pero Mom wag na po. Hindi na po—"

"You'll dance, right Jeff?" suggest pa ulit ni Mom.

Tumingin naman siya kay Jeff at ngumiti. Si Jeff naman mukhang napilitang tumango. Siguro dapat matuwa na lang ako dahil makakasayaw ko si Jeff. Pero kasi alam kong galit siya.

"Oh. The song just got slow. Perfect." Sabi ni mom tapos akala ko bibitawan na niya ang arms namin ni Jeff pero pinag hawak kamay niya kami. Nagkatinginan naman kami bigla ni Jeff then nag-iwas siya ng tingin.

"Let's go." Sabi na lang niya hanggang nasa gitna na kami ng dance floor. Medyo nagdim pa ang mga lights. Ang ganda pakinggan nung orchestra. Maya maya pa nilagay na ni Jeff ang mga kamay niya sa bewang ko. Nilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. Bigla naming nangarera ang ang bawat pintig ng puso ko.

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid

To fall

Nag-umpisa na rin ang kanta. "J-Jeff. Galit ka pa ba?" Hindi kasi siya nakatingin sa akin. Naiinis na ba siya sakin? Hindi siya sumasagot.

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

"Sorry." Bulong ko. Napatungo ako. "For making you dance, for making you angry, for being late. For everything. Siguro if hindi mo ako pinakasalan, hindi mo kailangan umattend ng party na 'to." Pagkatingala ko nakatingin na rin pala siya sakin. Nagkatinginan tuloy kami.

One step closer

I have died everyday

waiting for you

Darling don't be afraid

I have loved you for a

Thousand years

I'll love you for a

Thousand more

"Hindi naman ako galit sa'yo eh." Pabulong na sabi ni Jeff.

"Eh-hh?" Hindi ako makapaniwala kasi parang lagi siyang galit dahil nakasigaw siya.

Imagination ko lang ba 'to o parang hinigpitan ni Jeff ang yakap niya sakin? Nakapulupot na kasi ang kamay niya sa bewang ko tapos ang kamay ko naman naka-ikot na sa leeg niya. Hindi na ako humihinga. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.

Time stands still

beauty in all she is

I will be brave

I will not let anything

Take away

What's standing in front of me

Every breath,

Every hour has come to this

"Tsk. Bakit ka ba nila tinitingnan?" aniya

"Hmm?" tumingin ako sa paligid ko. May mga nakatingin nga sa amin ni Jeff. Bakit nga ba nila kami tinitingnan?

"Dapat kasi hindi 'yan ang sinuot mo eh." Sabi ni Jeff habang tinitingnan ang mga tao sa paligid.

"B-bakit? Hindi ba bagay sa akin?" pagtataka ko.

Tiningnan naman ako ni Jeff sa mata."Tsk. Masyadong maganda." Naramdaman ko na lang ang pag-init ng pisngi ko. Siguro pulang pula na ang mukha ko.

One step closer

I have died everyday

Waiting for you

Darlin' don't be afraid

I have loved you for a

Thousand years

I'll love you for a

Thousand more

And all along I believed

I would find you

Time has brought

Your heart to me

I have loved you for a

Thousand years

I'll love you for a

Thousand more

One step closer

One step closer

I have died everyday

Waiting for you

Darlin' don't be afraid,

I have loved you for a

Thousand years

I'll love you for a

Thousand more

And all along I believed

I would find you

Time has brought

Your heart to me

I have loved you for a

Thousand years

I'll love you for a

Thousand more

Natapos na ang kanta pero hindi pa rin kami bumibitaw ni Jeff. Para kasing nastuck na ako. Nagtitinginan lang kami sa isa't-isa. Parang may magic and fireworks and everything. Naputol lang ang moment nang biglang may nagsalita.

"Jefferson. Andito ka pala."

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 3.9K 52
Francine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to...
880K 26.6K 51
(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo...
4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
5.2K 217 37
CHASING SERIES #2 Status: Revising. Date: May 11 - June 16 2020. Ang madaldal na babae na kilala bilang takas girl ay sa unang pagkakataon hindi naga...