Be Mine

By ainelabs

77.8K 1.6K 495

"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siy... More

Prologue
Chapter 1- The Flashback
Chapter 2- Bry the Jerk
Chapter 3- His Rival
Chapter 4- His Love
Chapter 5- Accident
Chapter 6 - Friends
Chapter 7- Jealous? OR NOT?
Chapter 8- Melalaine Beetch
Chapter 9- What is this I'm feeling?
Chapter 10- The battle has just started
Chapter 11- Move on, Steff
Chapter 12 and 13- He's gay
Chapter 14- Confession
Chapter 15- Another Postponed Lovestory?
Chapter 15.2- Another Postponed Lovestory 2??
Chapter 16- Bitchy attitude ACTIVATED
Chapter 17- To the rescue
Chapter 18- The FIRST.... What?!
Chapter 19- A bitch is always a bitch
Chapter 20- The Past
Chapter 21- Captain
Chapter 22- Guarding you
Chapter 23- This fight is for you
Chapter 24- Someone who cares
Chapter 26- Camp Training 2nd part
Chapter 27- Camp Training 3rd Part
Chapter 28- Camp Training 4th part
Chapter 29- Camp Training 5th Part
Chapter 30- Last day
Chapter 30.2- Short update
Chapter 31- Busted
Chapter 32- Begging
Chapter 33- I'm so BACK
Chapter 34- Suddenly
Chapter 35- Earn your trust
Chapter 36- Courting you
Chapter 37- Short update (DEAL)
Chapter 38- Then marry me
Chapter 39- Jollibee
Chapter 40- Friends dilemma
Chapter 41- When it started
Chapter 42- Bully
Chapter 43- Option
Chapter 44- Trouble
Chapter 45- Seafoods
Chapter 46- Fried Chicken
Chapter 47- Truth or dare
Chapter 48- Sheet of paper
Chapter 49- I'll be okay
Chapter 50- All of Me
Chapter 51- Contract
Chapter 52- Pregnant
Chapter 53- Take Me Away
Chapter 54- Rape
Chapter 55- Explanations
Chapter 56- My little shiny star
Chapter 57- Can I have this dance
Chapter 58- Protect
Chapter 59- Meet the parents
Chapter 60- Group Study
Chapter 61- Kissing
Chapter 62- Right
CHAPTER 63- Intoxicated
Chapter 64- Kami na
Chapter 65- TAM

Chapter 25- Camp Training 1st part

1.2K 21 4
By ainelabs

Hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo ng paulit-ulit. :)

"I don't know where I stand with you. And I don't know what I mean to you. All I know is every time I think of you, all I wanna do is be with you."

Believe me when I say that I'm inlove with you.

*******************************

2:30 am nung nagpagising ako sa kasambahay namin dahil hindi ako tinatablan ng alarm. 4 am ang call time.. Nagpahanda muna ako ng pagkain at nag-almusal.. Hindi ko na ginising sila Jm dahil baka bugbugin lang ako sa pang-iistorbo sa kanila. Ibinilin ko nalang sila sa mayordoma sa bahay na si Nana Susan at nagsimula ng mag-ayos ng sarili.

Hindi na ako naglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha dahil antok na antok pa talaga ako. Nagsuot lang ako ng isang tshirt tapos pinatungan ko ng black jacket ng Harris na medyo malaki sakin, maong shorts at white rubber shoes. Ipinuyod ko lang ng isa ang buhok. Uso naman messy hair. Hahaha. Ready to go na ako! :)

“Miss, hindi po talaga pwede na kayo lang.. Sasama na po ako..” pangungulit ni Manong Ding. Sinabi ko na ngang okay lang ako e. Kainis naman..

“Manong Ding, kailangan nga po kayo dito dahil walang maghahatid kela Jm.”

“Pero Miss andito naman po si Eddie para ipagmaneho po sila. Malalagot po ako kay Ma’am Amanda kapag nalaman nyang hinayaan kong umalis kayo ng mag-isa..” aniya

“Look, Manong. Hindi ako mag-isa, okay? Kasama namin ang Coach namin sa school and sobrang dami namin.”

Ang aga-aga at hindi talaga okay ang mood ko kapag kulang ako sa tulog. Pero diba nga good girl na ako ulit? Kaya heto ako at pinipilit pahabain ang pasensya dahil mukhang malapit ng maubos.

“Pero Miss..”

“Please naman Manong.. Don’t worry tatawagan ko sila Mommy mamaya to inform them..” even though alam ko na namang alam na nila.

“Miss.. Hindi kami mapapalagay ng ikaw lang ang aalis--” sabi pa nito in almost a pleading tone.

“Darn! Sige Manong maglokohan pa tayo dito! Kunwari nalang hindi ko alam na may mga hidden bodyguards ako na kahit ata sa may CR ay posibleng sinusundan ako.. Now, ngayon mo nga sabihin sakin na ako lang talaga ang mag-isang aalis?!” there. Hindi ko na talaga kayang pigilin yung inis ko e.

Yumuko naman ito na tila napapahiya..

*BEEP BEEP BEEEPPPPP*

“Miss, mayroon pong van sa labas, sabi ng security ay mga kasamahan nyo daw po..” sabi ng isang kasambahay.

Sinulyapan ko muna si Manong Ding na nakatungo pa din ang ulo and a sudden guilt thud in my chest. “Sige. I’ll be there.”

Hayss. Sorry, Manong. :(

Lumabas ako at tinignan kung sino ang mga dumating at pagkakita ko ay parang bigla ko nalang gusto tumakbo papasok sa bahay. =_=

Great. Hindi talaga magandang ideya ang messy hair kahit uso pa ito.. Nakakahiya. Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang malaking white van at may mala-prince charming na nakatayo at nakasandal dito, nakapamulsa pa ang prinsipe.

At ang yummy yummy nya tignan kahit madaling-araw samantalang panigurado akong mukha akong mangkukulam sa panahong to.

Lord.... Huhuhu. Bakit di Nyo naman po ako binigyan ng sign mag-ayos? Kahit magsuklay lang po. Huhuhuhu.

“A-Ah.. Goodmorning. A-Anong ginagawa mo dito?” Sinong nagsabing walang ako sa mood? Sige, Steffie. Mukha ka na ngang witch ay ipakita mo pang mukha ka ding abnoy sa pagiging utal mo tuwing umaga. (-_-“ )

“Fetching you..” simpleng sagot nya with his famous heart killing smile. Psh.

Biglang bumukas ang sliding door nung van. “Hi Steffieeee” sabay sabay na sabi ng teammates niya. Akala ko sya lang..

E bakit parang disappointed ka? Sabi ng epal na subconscious ko.

Duhhh. Hindi no.. >o< Hays. Sige na nga. Oo, medyo. Akala ko kasi kami lang dalawa.

“Uyy. Hello” ganting bati ko sa mga ito.

“Sabay ka na samin..” magiliw na sabi ni Kevin. Gwapo din ang mga lalaking ito kahit sa umaga, bakit ba parang ang unfair? May oras ba na pumapanget din sila? (__) Ka-inggit.

“Ha? A-ah.. E-Ehh. Ano kasi..” pwede kaya? Hmm. Sabagay.. Kakaaway nga lang din namin ni Manong Ding. Ang awkward naman kung ipagda-drive nya pa ako.

“Oo nga sabay ka na samin.” Sabi naman ng prinsipe ko na prenteng nakatayo at nakangiti sakin.

Wag ka ngang ngingiti-ngiti dyan.. Baka gahasain kita. Tss

“O sige. Makakatanggi pa ba ako e andito na kayo?” and I gave them a warm smile.

“Pero Miss.. H-Hindi po pwede..” singit ni Manong Ding na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.

“Manong, pagtatalunan pa ba natin to ulit?” naiinis kong sagot. “Wait lang guys, ibaba ko lang yung mga gamit ko..” at tumalikod na.

Dala-dala ng mga kasambahay ay isa kong maleta at bagpack habang ako naman ang may dala ng shoulder bag ko.. Kinuha naman ni Bryan ang mga dala kong bag at sya na rin ang naglagay nito sa likod ng van.

“Sige Manong, Nana Susan, alis na po ako. Kaya na po ang bahala kela Jm. Pakisabi nalang po na umalis na ako.”

“Dito nakatira sila JM??!” parang gulat na tanong ni Alvin.

“Ah.. Yep. Bakit?” mamamatay na ako sa curiousity kung ano ba talagang meron tong lalaki na to at si Cecille.

Bigla syang umayos at para nagulat din sa ginawa nyang pagtatanong. “Ah wala wala. Lika na. Baka mapagalitan pa tayo ni Coach.”

Nakasakay na ako at sa pinakadulo nila ako pina-upo. Nakapasok na ako ng sasakyan ay hindi pa pumapasok si Bryan at nakita kong kausap nya pa si Manong Ding.

Hayy. Pag-uwi ko mags-sorry nalang ako kay Manong.

Pumasok na si Bryan at nagulat ako na sa tabi ko sya umupo. Dmn. Bakit hindi ko nga naisip yun?? Lahat ng upuan ay occupied na maski ang passenger seat kaya malamang ay sa tabi ko sya uupo dahil dito nalang ang walang naka-pwesto. I stiffened. Kinakabahan ako at baka lumabas na naman ang puso ko sa sobrang pagtibok nito.

Mr. Heart, hinay hinay naman oh. Hindi ka pa ba nasasanay? Aba tatlong taon ka ng ganyan tuwing malapit sya ah. Hindi ka ba napapagod? :(

Hindi ko alam kung ano ba talagang meron ang isang Bryan Kiefer Harris at nabubuhay nya ang katawang lupa ko kahit madaling araw. (“ -_-)

“Teka nga.. Harris, Muse.. Nag-usap ba kayo?” tanong ni James ng magsimula ng umandar ang van.

“H-Huh?” sorry ha. Ako na slow. Di ko kasi talaga maintindihan.. Sorry po..

Napatingin ako kay Bryan at parehas ako ay parang wala din syang maintindihan sa sinasabi ni James. Bigla namang pumalatak ng tawa lahat ng teammates nya.

“Hahahaha! You should have seen your faces! Tae pare magkamukha sila no?” umapir pang sabi ni Alvin kay Kevin.

“Bagay na bagay sila. Bakit ganun? Huhuhuhu.” Halos magyakapan na sabi ni James at Matthew.

“Hoy! Kayo! Ano bang pinagsasabi nyo?” sigaw sa kanila ni Bryan

“Hahaha. Kasi tignan nyo yung suot nyo.. Bro, wag mo sabihin sakin na hindi kayo nag-usap nyan dahil kung hindi ay baka destined talaga kayo.. Steff, wag mo sabihing yellow shirt din ang nasa loob nyang jacket mo?”sabi ni Kevin habang hindi pa din tumitigil sa pagtawa.

Pakiramdam ko ay sabay pa kaming napatingin ni Bryan sa isa’t isa mula ulo hanggang paa. At yellow ang t-shirt nya dahil hindi naka-zipper ang jacket nya.. Naka-jacket na may Harris na black, naka-pants na maong at naka-white rubber shoes.

Gosh. Parehas na parehas kami ng suot. O_O

Agad-agad akong napatingin sa loob ng jacket ko.

O_O

YELLOW T-SHIRT.

“Ibig sabihin hindi talaga kayo nag-usap?” napansin marahil ni James na parehas kaming gulat ni Bryan.

Napatungo nalang ako.. Pakiramdam ko ay kahit madilim, posibleng makita nila ang pamumula ng pisngi ko..

Hindi ko maiwasan kiligin.. Waahhhh *o*

Sana dala ko ang diary ko para maisulat ko ang pangyayaring ito.. Para kaming..

“WOW. MEANT TO BE!!!” sabay-sabay na sigaw nila.

Napasulyap ko kay Bryan at mukha din siyang nahihiya.. Mabuti nalang at malaki ang space dito sa likod. Nasa magkabilaan kaming tabi ng bintana. Sayang.. Sana marami pang nakasakay para magkatabi kami. Tss. Chance ko na sana tsansingan siya.

Ohmygosh!! Nahahawa na ako kay JM!!! Huhuhuhu. Sorry po, Lord.

Nakarating kami sa parking lot ng school na hindi pa rin tumitigil ng panloloko sila Alvin saming dalawa kahit na ilang beses na silang nababatukan ni Bryan, pati tuloy ang squad ay tinutukso kami..

“Bagay na bagay kayo ni Bryan, Captain!” sigaw ni Elizabeth at ginatungan naman sya ng iba.

Eeeeee. Ane beee? Weg keyeng genyen, kenekeleg eke. <3

Isang bus lang ang sasakyan namin. Squad lang naman at varsity ng basketball ang kasama. Sabi nila na ang iba pang varsity ay sa susunod na pagkatapos namin. Dalawa-dalawang team lang daw kasi dapat.

“Oh, kumpleto na ba???”  sigaw ni Coach habang nakatayo kami lahat sa may parking lot at naghihintay.

Nagkaroon ng roll call tsaka kami pinasakay sa loob ng bus. Pinili ko sa pinakaunahang upuan at tumabi naman sakin si Ronnel, squad member na bisexual. Okay naman dahil close ko ito, para din kasi syang si Jm.

Nang nakasakay na lahat ay nagulat ako ng biglang may humila sakin at isinama pati ang shoulder bag ko.. Si Bryan.

“Hindi mo ba alam na delikadong pwesto yung inuupuan mo. Dapat sa gitna ka uupo tuwing sasakay ka sa bus..” sabi niya at tsaka ako iniupo sa may bandang gitna at katabi ang bintana, pagkatapos ay umupo din sya sa tabi ko.

Wag mo akong sanayin na katabi ka. *o*

“P-Pero...”          

“Wala ng pero-pero. Ohh..” sabay abot sakin ng unan na malaki at may drawing na Spongebob.. *o* Ang kyuuuuttt. Pano nya nalaman na paborito ko si Spongebob at handa akong pakasalan ito kung sakaling magkatotoo sya? “Magpahinga ka muna. Gigisingin nalang kita kapag andun na tayo.”

Syempre hindi na ako tumanggi at kinuha ko na agad yung unan. Aarte pa ba ako e baka hindi nya na ibigay sakin at tsaka inaantok na din ako.. 4 palang. Makatulog nga muna.. Hmm (-_-)zzzzzzzz

BRYAN’S POV

Tulad ng una ko syang makita na natutulog, mukha pa din syang anghel..

Hindi ko mapigilan mapangiti ng makita ko sya kanina paglabas ng bahay nila. Simple, walang make-up, magulong buhok, kahit na naligo na ito ay parang sinadya nito na magmukha lang na bagong gising.. Pero hindi nakabawas ito sa ganda nya. Ang totoo nyan ay mas naging maganda sya sa paningin ko.

At ang puso kong walang pinagbago at hindi matawaran ang pagkalabog kapag nasisilayan ko sya. Potek. Nagiging makata ako dahil sa babaeng to.

Steffie.. Ginayuma mo ba ako?

I sighed. Hindi naman talaga dapat magsasabay-sabay ng punta ang buong team ang kaso ay gusto kong makasigurong sasama si Steffie at makasabay sya kaya para hindi awkward ay pinasabay ko na ang lahat ng team at nagkita-kita nalang sa bahay namin.

Pumasok na si Steffie sa loob ng sasakyan ay hindi ko pa din mapawi ang ngiti ko.. Magpapaalam palang sana ako sa mga kasama nya sa bahay ng biglang may kasambahay ang nagmamadaling lumapit sa Nana Susan na tinawag ni Steffie kanina at may dalang paper bag.

“Ay mabuti at naisunod mo ito!” sabi ni Nana Susan at iniabot sakin ang paper bag. “Iho, maari mo bang iabot ito kay Steffie?”

“Ano po ito?” tanong ko.

“Pepero yan. At mga biscuit..” aniya at sinilip ko ito at nakita ko nga ang malaking box ng kulay green na pepero at mga biscuit.

“Ang dami naman po nito..” sabi ko. Mahilig pala sya sa pepero.

“Hindi kasi sya nakakatulog hangga’t hindi nakakapamapak ng pepero iho..” and Nana Susan smiled. Really?

Ang weird nya talaga pero hindi ko din mapigilan na hindi mapangiti..

Biglang tumikhim ang isang may edad ng lalaki na driver ata nila Steffie. “Iho, ikaw na ang bahala sa alaga namin.. Ako nga pala si Manong Ding, chauffeur ng pamilya Chua. Alagaan mo sana sya iho, may takot sya sa mga gubat at ahas..” seryosong sabi nito pagkatapos makipagkamay sakin..

“Po? Bakit po?”

“Dati kasi ay nagcamping din sila at natuklaw sya ng ahas. Kaya nga nagtaka ako nung nalaman kong sasama sya sa camping na ito samantalang ilang taon din niyang iniwasan ang mga ganitong activity sa school.”

So.. that explains why she sudden look so pale when Coach told us na kasama ang squad.. Akala ko ay dahil lang sa takot itong mangitim..

“Wag ho kayong mag-alala. Ako po ang bahala sa kanya..” ngumiti naman ito tsaka ako nagpaalam sa kanilang dalawa.

Nang makapasok ako ay hinayaan ko munang ilagay sa malaki kong bag ang paper bag na binigay nila Nana Susan. Baka kasi makalimutan ko o baka makalimutan nya kapag bngay ko sa kanya ngayon e mukha pa naman syang lutang marahil ay inaantok pa.

Nabigla talaga ako ng malaman na parehas kami ng suot. Takte. Ang bading pero pakiramdam ko bigla ay nakatadhana kami, ganun kasi sa mga palabas na ginagawa ko.. Iba pala pag sa totoong buhay na.. Mabuti nalang at madilim, hindi nila nakita ang pamumula ng mukha ko kung hindi ay sobrang pangangantyaw ang aabutin ko sa mga mokong na yun.

Natutuwa akong nagustuhan nya ang unan na binigay ko sa kanya kahit na parang nagseselos ako.. Pnyeta kasing Spongebob yan e.. +_+

Ganito kasi yun.. Minsan ay nagresearch ako about sakanya at nakita ko na na-feature sya sa isang kilalang magazine at ininterview sya nun at dun nya sinabi kung gaano nya kinahuhumalingan yung sponghang kulay dilaw na yun na butas butas naman. -_-“

Nung nakita nya nga ay literal na may sparks pa ang mga mata nya.

Nakakairita, diba? Psh.

Mahimbing itong natutulog. Inayos ko sya, marahan kong kinuha ang unan at nilagay ko ang unan sa may lap ko, tsaka ko sya iginiya na doon humiga. Hindi na halos nagising, antok na antok siguro..

“May chiks nga na nagchat sakin, pre..” pagbibida ni Kevin na nasa kaharap lang namin na upuan at busy naman na nakikinig ang mga mokong sa kanya.

“Talaga, tol? Ano sabi?” tanong ni Matt

“Sexy ba bro? Malaki ba?” alam nyo na kung sino ang nagtanong nyan. =_= Walang iba kundi ang manyak na si Alvin.

“Oo sexy.. Nagtext nga sakin, eto oh..” sabay pakita kela Alvin ng phone.

“Punta ka condo ko. Dala ka foods.” Basa ni Alvin ng malakas. “Potek, bro. Baka hindi ka na makalabas ng buhay nyan! Hahahaha”

Mga loko talaga to..

“Guys, gusto nyo bang kantahan ko kayo?” sabi ni Coach na may hawak na mic.

I heard a lot loud groans..

“Please coach.. Wag naman...” pagmamakaawa ni Kevin.

“Coach! Ayoko mapahamak! Baka madistract si Manong Driver, o biglang magkabagyo at maging madulas ang daan.. Please Coachh.. “ sabi ni James.

“Pero team, hindi pa naririnig ng squad na kumanta ako..” pangungulit ni Coach. Tss. Mabuti ngang wag na nila marinig ang boses nya, nakoo. Kawawa lang ang eardrums nila. Tsk.

Nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na tunog..

Oh shit!! Not again.. Ang aga-aga pa..

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang mga gustong kanta ni Coach samantalang kung titignan sya ay halos mukha lang syang kasing-edad namin.

“WAAHHH. Bababa na ako!!!” sigaw ng isang babae mula sa squad.

“Ayoko naaa.... Pahiram ng palakol, babasagin ko tong bintana.. Kelangan ko ng makababa ditoo..” sigaw ni Alvin.

“Di ko kayang tanggapin.. Na mawawala ka na saakin. Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akinnnn.. Wooohhh.” Tuloy pa din na pagkanta ni Coach kahit na ang sakit na talaga sa tenga ng boses nya at wala pa ito sa tono..

“Coach.. Itigil nyo na to... Mae-LSS ako sayoo. Huhuhu” maiyak-iyak na pakiusap ulit ng isang babae.

Nang matapos na ang nakakasuka at nakakasira eardrum na kanta ni Coach ay nagulat kami na may pumalakpak.

At si Steffie ang salarin.. Halata sa mukha nito ang bagong gising at parang half awake palang pero malakas na pumapalakpak..

WAG MO SABIHIN NA NAGUSTUHAN NYA!?????

“Oh Miss Chua.. Nagustuhan mo ba?” parang di makapaniwalang tanong ni Coach at teary eyes pa.

Steffie nodded. Lahat kami ay nakatingin dito na parang nababaliw na sya. Ano ba ang iniisip nito? +_+

“Ohmy.. Miss Chua, Napakabait mo talagang bata..” lalapit pa sana ito na naka-open arms at may balak pa yatang yakapin si Steffie nang tinignan ko sya ng masama.

Hug her and you’re dead. -__-

Tumigil naman ito at nagsalita nalang ulit. “Gusto mo pa bang kumanta ako?” nakatingin pa din kay Steffie na hanggang ngayon ay pumapalakpak pa din.

Tekaa.. Nasiraan na ba to? @_@

And she nod again..

“WAAAAHHHHHHHHHHHHHH” sigaw ng mga tao sa bus.. “AYAW NA NAMINNN... BABABA NA KAMIIII.”

“Guys.. Dahil si Miss Chua ang humiling ay pagbibigyan ko sya.”

ANG POTEK. @_@ Sabihin nyo sakin bakit ba parang nagugustuhan ko tong babaeng to na may sira ata ang tuktok? Huhuhuhuhu. Pakiramdam ko ay nakikita ko sa kanya si Mama..

God.... Bakit po? Huhuhu..

“Lordddd. Patawad.. Pagkat ako’y makasalanan. Makasalanang nilalang.” Patuloy na pagkanta ni Coach at lahat ata kami ay nakaheadset na pati ang driver. Namumukod tangi nalang si Steffie na nakikinig sa kanya at pumapalakpak pa.

Nakakasuka talaga. Hindi ko na ikukwento pa, hindi nyo kakayanin. Pramis..

Continue Reading

You'll Also Like

51.7K 943 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
446K 972 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...