Kryshll’s POV
Good Morning sunshine! What a wonderful Monday to start with! Makabangon na nga! Siyempre, daily na gawain, bumaba, kumain, mag-tooth brush, maligo, mag-ayos and pooof! Off to school!
“ Bye ma! Alis na po ako! ” Sabi ko.
“ O sige anak, ingat ka ha. Yung kuya mo, nauna ng pumasok eh. ” Sagot ni mama.
“ Ganun po ba? Si kuya talaga. Sige po mama. Una na ako. Ingat ka. ” Sabi ko then umalis na.
Sa school
“ Krysh! Anjan ka na pala, di ka nagpaparamdam. ” Sabi ni Shay.
“ Multo? ” Sagot ko.
“ Mukha eh. Papasa na ba? ” Hinarap ako ni Shay kayla Jam at Mika at tinuro yung mukha ko.
“ Oo. Alam ko in demand yang mukhang yan eh. Audition ka kaya. ” Sabi ni Jam
“ Bastos kayo. Che! Ang aga-aga, pinagtritripan niyo ako. ” Sabi ko.
“ Ikaw nagumpisa eh. Tinapos lang namin. Ble. ” Sabi ni Mika.
“ Whatever. Tara na? Pasok na tayo ng classroom. ” Sabi ko.
“ Okay! ” Sagot nila.
Naglalakad kami sa hallway papuntang classroom. Ano ba naman! Kaaga-aga, nagpapatugtog! Ano nanaman kaya ang meron? Ang pangit pa ng kanta, Break Your Heart! Malapit na ang Valentines, pero eto parin ang tinutugtog? Ang gulo ha!
Now listen to me baby, oh oh oh
Before I have to leave yah, oh, oh, oh
They call me heart breaker, oh oh oh
I don’t wanna deceive yah, oh, oh, oh
If you fall for me
I’m not easy to please
I might tear you apart
Told you from the start
Baby from the start
I’m only gonna break, break
your break break your heart
I’m only gonna break, break
your break break your heart
I’m only gonna break, break
your break break your heart
I’m only gonna break, break
your break break your heart
What a song! Haay. Naglalakad kaming apat ng bigla akong binunggo ng isang lalaking nakayuko. Sino ba to?
“Sorry! ” Sabi ko. Nang bigla niyang inangat ang ulo niya. And…
“ Ethan? ” Sabi ko bigla.
“ Hi, Sorry ha. ” Sabi niya. Ano daw? Sorry? Kelan pa natutong nag-sorry ang nilalang na to? Wait, time ko na to para tarayan. Makaganti nga. Masakit yun ha!
“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba, ha? ” Sabi ko sabay taas ng kilay.
“ Sasabihin mo bang bulag ako kung may pagtingin ako sayo? ” Tapos, ngumiti siya ng nakakaloko and I was… dumbfounded.
“ Ano?” WTF. Tama ba ang narinig ko?
“ See? Nabibingi ka na ata sa tibok ng puso ko. Ikaw kasi ang sinisigaw neto eh. ” Sabi niya. Sabay turo sa dibdib kung asan ang puso niya. What the hell.
“ Hoy. Kung wala kang magawang matino, lumayas ka sa harapan ko. ” Sabi ko.
“ Ah, ayaw mo ba? Teka, dito nalang ako sa tabi mo. ” 0_0. Lahat ng tao sa paligid, nakatingin na sa amin! Oh my gosh! Jam, Mika at Shay, Help me! Natutunaw nako sa tingin ng mga bitches sa paligid!
“ Tss. Tara na nga. Alis na tayo dito. Baka kung ano pa ang magawa ko sa taong to! ” Sabi ko. Paalis na sana kami kaso hinatak ni Ethan ang kamay ko at nilapit ako sa kanya.
“ Bakit? Anong gagawin mo? Hahalikan ako? ” 0_0. What the!
“ Ano ba, bitawan mo nga ako. ” Binitiwan niya ako. Yes! Mamamatay na ata ako sa mga tingin ng mga tao sa paligid. Paalis na talaga ako pero may binulong pa siya.
“ Sige, I’ll let go of you sa ngayon. Pero kapag nagkita ulit tayo hindi na kita papakawalan. See you later. ” Aba, ang kapal neto! See you later pang nalalaman!
“ What the Hell. Ano yun? Hala ka sis, wag na wag kang papa-apekto sa ginawa niyang yun. ” Sabi ni Jam.
“ I know. I won’t. I promise. ” Sagot ko.
“ Pero, may sasabihin sana ako sa inyo. Pero mamayang break nalang. Punta na tayong classroom. ” Sabi ko.
“ Okay. Mamayang break. Umbrella tree. ” Sabi ni Jam.
“ San pa ba? Dun lang naman tayo palagi eh. Haha. Tara, ayokong ma-late. ” Sabi ko. Pumunta na kami ng classroom.
Riiiiiing!
“ Tara dali! Ano ba ang sasabihin mo? Excited na ako. Ano ba yun? ” Sabi ni Shay.
“ Oh eto. Wag sana kayong mabibigla. Kasi si Christian.. ” Sabi ko kaso pinutol ni Jam.
“ Bakit? Ano ginawa niya? Sinaktan ka ba niya? Naku, sinasabi ko na nga ba, wala talaga silang dugo! Masasama talaga ang mga yun. ” Sabi ni Jam
“ Teka kasi, patapusin moko. Chill! Wag OA! Hindi niya ako sinaktan. In fact, we’re already friends. ” Sabi ko.
“ Anooooo? Friends? ” Sabay-sabay sila.
“ Kelan pa? Ano pinakain niya sayo? Ha? ” Sabi ni Mika.
“ Isa ka pa eh. Teka kasi. Ganito kasi yun. Basta, nagkita kami sa park kagabi. Tapos yun, nagpaliwanag siya na hindi daw siya kasing sama ng iniisip natin. Sana daw pagbigyan natin siya. And I did! Di naman natin ikamamatay ang pagbigay ng chance diba? ” Sabi ko.
“ At nagpauto ka? ” Sabi ni Jam.
“ Ang kulit! Pagbigyan nalang natin yung tao. Sigi na please! Nakakaawa na eh. Hinuhusgahan natin ng di pa talaga natin nakikilala. ” Sabi ko.
“ Asus! Iisa lang sila. ” Sabi ni Mika.
“Uh-uh. Kapag ba masama ang isa, masama na ang lahat? Hindi naman diba? Kaya pagbigyan na natin yung tao. ” Sabi ko.
“Sige na nga! Nakakainis! Kung hindi ka lang malakas sa amin. ” Sabi ni Jam.
“ Yey! Salamat! ”
Riiiiing!
“ Ha? Bell na ka agad? Ano ba yan! 20 minutes na agad yun? Kainis ha! ” Sabi ni Mika.
“ Mika, kaya ka tumataba eh. Wala tuloy nagkakagusto sayo. ” Tumahimik nalang si Mika.
“ Tara na nga. ” Sabi ko.
“Inaasar niyo nanaman si Mika eh. Pag yan, nagka-boyfriend, lagot kayo. Hahaha. ” Dagdag ko.
“ Oo nga. Mabigla nalang kayo, may boyfriend nako isang araw, sige. ” Sabi ni Mika.
Nagtawanan nalang kaming lahat papuntang classroom.
“Uwian na! Yes! ” Sabi ni Shay.
“ Oo nga! Nakakaloka talaga! Atleast, uwian na. Teka, ano nga pala yung assignment nat- ” Tatanungin ko na sana kung tungkol saan yung assignment naming ng biglang may dumating na guard.
“ Excuse me, dito ba si Ms. Kryshll Xyz Ruiz? ” Tanong nung guard. Ako ang hinahanap nila? Bakit?
“ Opo. Bakit po? ” Sabi ni Jam.
“Pinapatawag kasi siya ni Mr. Torralba. ” Mr. Torralba? Ha? Bakit? Anung meron sa president? Paalisin na ba ako?
“ Kuya, ako po si Kryshll. Bakit po ako pinapatawag?”
“ Di ko po alam Miss. Basta ang utos lang po sa akin ay dalhin ka kay Mr. Torralba. Halika, sama ka na po sa amin. ” Sabi nung guard.
“ Uy, tawag daw ako ni Mr. Torralba. Hala, ano kayang meron? ” Sabi ko sa kanila.
“ Ewan ko. Pero, goodluck sis!” Sabi ni Jam.
“ Salamat! Kuya, para saan po ba?” tanong ko sa guard.
“ Hindi ko po alam Miss eh. Eto na po tayo. ” Pagtingin ko, may black car sa harapan ko. Pumasok ako dun kasi sabi nung guard. Hindi ko pa nakikta ang presidente. Asan kaya yun? Naka-upo na ako sa tabi ng salamin kasi sinara na yung pinto. May pumasok sa kabilang pinto. Pagtingin ko…
“ Ethan? Bakit andito ka?”
“ Why? This is my car. ” Sagot niya. What? Kotse niya?
“ Ha? Asan si Mr. President? Asan si Mr. Torralba? ” Sabi ko.
“ Hmm. Hahaha. Sabi ko na nga ba. Si papa ang iisipin mo. Tama ang naisip ko. Kapag alam mo kasing ako, hindi ka sasama. Torralba din ako diba? Baka nakakalimutan mo. ” Ay, oo nga pala! Ambobo mo talaga Krysh! Naging scholar ka pa!
“ Ayoko ng ganitong biro ha. Aalis na ako. ” Bubuksan ko na sana yung pinto kaso nag-automatic lock.
“ What the Hell? Ethan, palabasin mo ako. Ayoko na ng ganitong biro. Isa.” Banta ko. Pero di niya ako pinansin.
“ Sa bahay. ” Sabi niya dun sa driver.
“Ha? Teka manong, pababain niyo muna ako dito. ” Sabi ko dun sa manong pero ngumiti lang siya. Ano ba!
“ Ethan, ayoko na talaga. Swear! ” Sabi ko sa kanya.
“ Diba sabi ko sayo, I won’t let go of you this time? Ngayon pa namang nasa tabi kita. Hmmmm. ” Tapos lumapit siya sa akin. As in 2 inches away ang mukha niya. Tinabig ko ang mukha niya at tinulak palayo.
“Pangalawang beses mo na ako tinulak ha! ” Sabi niya.
“ Manyak ka talaga eh! Manyak! ” Sigaw ko sabay biglang nagsara yung sa may harapan namin. Hindi ko na makita yung driver.
“ Ethan! Anong bang ginagawa mo? Pababain mo na ako, marami pa akong gagawin! ” Makaawa ko pero di niya parin ako pinapansin. Nakangiti lang siya ng nakakaloko. Help! Huhu. T_T
After 20 minutes siguro yun.
“ We’re here! ” Ha? Asan?