Kryshll’s POV
Haaaay. Sa wakas! Naka-uwi narin ako. Kagagaling lang naming apat sa mall. Kumain, namasyal at kung anu-ano pa. Ang saya talaga ng mga nangyari ngayong araw na to!
“ Mama! I’m home! ” Sigaw ko sabay takbo kay mama.
“ Kamusta ka anak? Kamusta ang quiz bee ngayon? ” Tanong sa akin ni mama.
“ Ma, nanalo po kami! Natalo po namin ang Class A! ” Proud kong sinabi.
“ Talaga anak? Ang galing taling ng anak ko! Ang talino! Mana sa mama niya ” Echos ni mama.
“ Asus, ma, feeling ka nanaman eh. Haha. Pero, talaga Krysh? Naka-CHAMBA ka? ” Asar nanaman ni kuya. Kailangan, idiin ang word na chamba?!
“ Chamba? Ang kapal mo! FYI, pinaghirapan kong i-review yun no! Kainis! ” Panira talaga!
“ Joke lang Krysh! Alam ko namang magaling ka talaga eh. Kaya ka nga natanggap sa scholarship diba? Lika, labas tayo ulit, treat kita ng ice cream. Haha. Nagbigay ng advance yung boss ko eh. Magaling daw kasi ako. Promise ko sayo to diba? Tara! Ma, alis muna kami saglit. ” Sabi ni kuya. Oh yes! Ice cream!
“ Haaaay, sige na nga! Kahit pagod ako. Baka sa susunod, wala na akong libre kapag tinanggihan ko to. Bye ma! ” Sabi ko.
Ayun, umalis na kami ni kuya at pumuntang Mini stop. Kahit kailan, kuripot talaga to! Akala ko naman sa DQ na kami pupunta eh. Haaaay, sige na nga, at least meron! Kakausapin ko na sana si kuya about sa trabaho niya kaso lang biglang nag-ring yung phone niya.
“ Hello? Pre, bakit? ” Blahblahblah. Panira ng date namin ni kuya. Anong meron?
“ Okay. Sige, pupunta ako. ”Ano?
“ Lil Sis, kailangan ko ng umalis. Kailangan ako ng kaibigan ko sa kanila eh. Importante daw. ” Haaaay, panira talaga yun. Kung sino man siya.
“ Ah, okay. Iiwan moko dito? ” Baka naman kasi importante. Pagbigyan ko na nga.
“ Kung gusto mo, hatid na kita para makapagpaalam ako kay mama. ” Ayoko pa lumakad, katamad!
“ Ha? Ako nalang uuwi magisa. Kaya ko naman eh. Ako na bahala magsabi kay mama na may pinuntahan ka. ” Sabi ko.
“ Good sister. At least, nagkakasundo tayo. Sige, ingat ka sa pag-uwi ha. Alis na ako. ” Matagal na akong good noh!
“ Sige, bye kuya! ” Umalis na siya pero bago nun, ginulo niya muna yung buhok ko sabay takbo palayo.
“ Di na ako grade schooler! Kung maka-gulo ka ng buhok kuya, wagas! ” Sigaw ko kasi malayo na siya.
“ Pahangin nga muna ako. San ba maganda pumunta? Ay, sa playground nalang sa may park! ” Nice idea, Krysh. Makapunta na nga.
Christian’s POV
“ Ma, na-enjoy mo ba ang dinner tonight? ” Sabi ko kay mama habang nagdra-drive.
“ Sobra, anak. Hatid mo na ako sa bahay. Dun ka ba matutulog ngayong gabi? ” Tanong sa akin ni mama.
“ No Ma, Dun ako sa condo ko. Next time nalang po siguro.” Sagot ko.
“ Alright. We’re here. Una na ako sa loob. Goodnight my son! Alagaan mo sarili mo, okay? ” Sabi ni mama.
“ Opo. Goodnight ma! Bye. Ingat din kayo. ” Sabi ko at nag-drive na pauwi.
While driving, napadaan ako sa isang park. Pagtingin ko sa playground, may babae. Naka-upo sa swing. Wait, I know her. Siyempre, kilala ko siya! Si Krysh! Ano ginagawa niya dito? Delikado dito ah! Gabi na. Mapuntahan nga! Lumabas ako ng sasakyan ko at pinuntahan siya. Nakatulala sa taas. Malapit na ako sa kanya kaso, bigla siyang pumukit at nagsalita kaya nagtago muna ako sa puno.
“ Starlight, starbright. The first star I see tonight. I wish I may, I wish I might. Have the wish I wish tonight. ”Sabi niya. Ano yun? Tongue twister?
“ Lord, sana, bumalik na siya. I miss him so much! ” Pagdilat niya, nasa harapan na niya ako kaya nagulat siya at muntikang mahulog sa swing. Siyempre, ako naman si superhero, naalalayan ko agad siya. Pogi points! Yes! ^_^
“ Krysh. Talk to me. ” Sabi ko.
“ I have to go Chris. I’m sorry. ” Sagot niya.
“ Please Krysh. What can I do para making ka sa akin? ” Sabi ko sa kanya.
“ Wala. Sorry, I have to go. ” Sabi niya ulit.
“ Wala naman pala eh. Simpleng pakikinig lang, di mo ba mabigay? 5 minutes lang talaga. Please! ” Sabi ko.
“ Haaaay. Osha. Ano ba kailangan mo? ” Sabi niya sa akin. Umupo ako sa swing at umupo narin siya.
“ Krysh, ako si Christian Tolentino. ” Pauna ko.
“ I know that. Nagbibiruan ba tayo dito? ” Sabi niya.
“ Wait, patapusin mo muna ako. Kapag tapos na ako, pwede ka ng magsalita. Ayos ba? ” Tumango nalang siya.
“ Alright. Yes, I’m rich, stockholder ng school ang parents ko, at isa ako sa mga kaibigan ni Ethan. In fact, close friend pa. Pero Kryshll, kapag ba iba ang ugali ng mga kaibigan mo, kapareho mo na? Kryshll, if you give me a chance to prove to you that I’m not like them, that I still have the good in me, promise, di na kita guguluhin pa. Please! Just a chance to prove to you na hindi ako kasing sama ng iniisip mo. ” Paliwanag ko.
“ Ganun ba? Chris, I’m sorry for treating you badly at kung masama ang first impression ko sayo. Akala ko kasi, dahil isa ka sa kanila, hindi ka na pwedeng pagkatiwalaan. I’m sorry talaga. ” Sabi niya sa akin.
“ Ayos lang. Pagbibigyan mo ba ako? ” Tanong ko.
“ Yes. Sorry. Hindi mo na siguro kailangang i-prove sa akin. Umpisa palang, feel ko ng sincere ka. Kaso nga lang, kaibigan mo si Ethan kaya nagdalawang- isip na ako. Sorry talaga. Sana maging maayos na ito kahit na kaibigan mo si Ethan. ” Sabi niya.
“ Yes! Whoooo! Thank you talaga Krysh! Pero kahit na hindi ko na kailangang i-prove, I’d still be a good person to you and your friends. Promise ko yan! ” Sabi ko sa kanya sabay raise ng one hand.
“ Hahaha. Ikaw talaga. Oo na! At first, ako naman talaga ang may kasalanan eh. Hindi muna ako nakinig. Promise yan ha. Ipagtatanggol mo din kaming apat sa lahat ng aaway sa amin. Haha. Ang demanding ko. ” Ang ganda talaga ng mga ngiti niya. Nakakahumaling. Pero, hindi ko dapat to madaliin.
“ Ayos lang. So, friends na ba tayo? Ayos na ba ang lahat? ” Tanong ko sabay alok ng kamay ko.
“ Yes. Friends. Thank you Chris. Siguro, kung hindi pa kita pinagbigyang kausapin ako, di parin magiging clear sa akin na hindi ka kasing sama ng iniisip ko. ” Sagot niya sabay tanggap sa kamay ko. Yes daw? Yessssssss!
“ Yesssss! Whoooo! Kaibigan ko na si Krysh! Kayong mga stars, kayo ang witness na kaibigan ko na siya ha! Tandaan niyo yan! ” Sigaw ko sa stars habang tumatalon na parang bata at paikot-ikot.
“ Hoy, tumigil ka nga jan! Gabi na oh! Ang ingay mo! Hahaha. Big deal bang maging kaibigan ako? ” Tanong niya. Ooops! Wag kang pahalata Chris!
“ Ah, masaya lang talaga na maging kaibigan ka. ” Palusot ko.
“ Anong kinasaya nun? ” Tanong niya.
“ Wala lang. Basta, kapag nalaman to ni Ethan, he’d be THRILLED! ” Sagot ko.
“ Thrilled? Hahaha. Abnormal ka rin pala. I thought, you were one of those cool guys na ewan! Kung kumilos parang hari ng daan or whatsoever. Yun pala, baliw ka rin. ” Oo, baliw ako. Baliw sayo.
“ At isa pa! Don’t ever talk to my friends like that! ” Sabi niya.
“ Ha? Bakit? Anong ginawa ko kayla Juriel? ” Tanong ko.
“ No, not them. Not my tangible friends ” Kinilabutan ako sa sinabi niya. NOT my TANGIBLE friends daw? Eh ano?
“ Hahahahaha! Halatang natakot ka ah! Hindi naman kasi multo or whatsoever eh! Yun oh, tingin ka sa taas. Kaibigan ko lahat yan! Sila ang pinagsasabihan ko ng wishes and secrets ko sa gabi. ” Sabi niya. Hay, akala ko kung ano na!
“ You know, you’re weird but, you’re different. ” Sabi ko.
“ Exactly. I’m weird because I’m different and I’m different because I’m weird!" sabi niya.
“ Wow! Hahaha. Kulit mo. Hatid na kita sa inyo. Di ka pwedeng bumalik mag-isa. Pano ka ba napadpad dito? ” Tanong ko.
“ Si kuya kasi, nag-treat ng ice cream, tumawag yung friend, iniwan ako. Hahaha. Sige, hatid mo na ako. ” Sabi niya sa akin.
Yes! Feel ko tuloy, Girlfriend ko siya. Hinatid ko na siya sa bahay nila. Madali lang palang puntahan at itanan to eh. Joke! Chris, umayos ka nga!
“ Salamat sa paghatid ha! Bye! Bukas ulit! ” Sabi niya.
“ Bye! Goodnight! Thank you ulit! ” Sabi ko.
“ Thank you din! Goodnight din! ” Bumusina muna ako bago umalis.
" Yes! Wohoooooooooo! Kaibigan ko na si Krysh! " Sigaw ko sa loob ng sasakyan.