Dark Island Academy 1

Graia_ tarafından

912K 27K 1.2K

Highest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child... Daha Fazla

Mema Ni Author
Chapter 1
Chapter 2: Welcome
Chapter 3: Headmaster June
Chapter 4A: The Dark Cards
Chapter 4B: The Dark Cards
Chapter 5: Ice
Chapter 6: Bloody Welcome
Chapter 7: Demons
Chapter 8: Punishment
Chapter 9: Alex Vs. Ice
Chapter 10: Trouble
Chapter 11: DIA Group of Killers
Chapter 12: Reign Daves
Chapter 13: No, She's Not
Chapter 14: Headmaster's Warning
Chapter 15: Foundation and Valentines Day
Chapter 16: Bryan and Ashlie
Chapter 17: Letter
Chapter 18: Fruit Shake
Chapter 19: Library
Chapter 20: Draw Lot
Chapter 21: First Defeat
Chapter 22: Recitation
Chapter 23: Blood
Chapter 24: Sisters
Chapter 25: Awakening
Chapter 26: Warning For The Headmaster
Chapter 27: Dare
Chapter 28: Vince
Chapter 29: Memory
Chapter 30: Red and Black Mask
Chapter 31: Haunt
Chapter 32: Challenge
Chapter 34: Meeting
Chapter 35: Clues
Chapter 36: Locked
Chapter 37: We Can Do This
Chapter 38: Black Rose
Chapter 39: Dark Cards Reapers
Chapter 40: Let's Play a Game
Chapter 41: It's You
Chapter 42: Red Mask
Chapter 43: King
Chapter 44: Command
Chapter 45: The True Queen
Chapter 46: Back to Enemies
Chapter 47: Countdown
Chapter 48: Start
Chapter 49: Date or Die
Chapter 50: I Hate You
Chapter 51: The Messages
Chapter 52: I Love You
Chapter 53: King and Queen
Chapter 54: Attack
Chapter 55: Decision
Chapter 56: The Truth
Chapter 57: Back
Chapter 58: Last Game
Chapter 59: Goodbye
Chapter 60: We're Going Back
Chapter 61: Surprise
Chapter 62: The Plan
Chapter 63: Win The Fight
Chapter 64: Darkiela
Epilogue
Afterword
GRA's Other Stories

Chapter 33: Collaboration of Groups

11.5K 378 35
Graia_ tarafından

Ice P.O.V

"Bad bad bad bet a bad bad girl, Bad bad bad bet a bad bad girl, Bad bad bad bet a bad bad girl. Eonje bwado cham nasseon yeojaya!"- kanta ni Ashlie habang sumasayaw.

"Waaahhh! ang gwapo talaga ni Myungsoo! Buti na lang naka-save 'tong mga video ng Infinite sa phone ko kaya nakikita ko parin siya at pati ang iba pa na kumakanta at sumasayaw!"- tili ni Ashlie na tila kilig na kilig.

Tss.. ingay.

Bigla namang sumulpot si Ylana mula sa kusina.

"HOY! NARINIG KO PANGALAN NG ASAWA KO!"- sigaw ni Ylana.

Agad namang hinarap ni Ashlie si Ylana at tinitigan ito ng masama.

"HOY KA RIN! sinong ASAWA MO? si MYUNGSOO? akin siya!"- sigaw ni Ashlie.

Dinuro naman siya ni Ylana at nilapitan.

"Walang sayo! AKIN SI KIM MYUNGSOO! AKIN! AKIN! AKIN!"- sigaw naman ni Ylana.

Tinabig naman ni Ashlie ang kamay ni Ylana.

"Aba! gusto mo ng away?"- saad ni Ashlie sabay taas niya sa sleeves ng uniform niya.

Nagtaas naman ng kilay si Ylana.

"Oo! GUSTO KO! akala mo uurungan kita? Tara!"- saad ni Ylana.

Nanggigigil namang itinaas ni Ashlie ang kanyang kanang kamay.

"AKIN SI MYUNGSOO!"- mariing sigaw ni Ashlie sabay banat na sana kay Ylana ng.....

"Bakit niyo pinag-aagawan ang asawa ko? hindi niyo ba alam na 5 years na kaming kasal at meron na kaming tatlong anak? Gusto niyong kumabit? halikayo dito at tatanggalan ko kayo ng mga buhok at paplantsahin ko yang mga mukha niyo!"- singit ko.

Natigilan naman sila at sabay na napatingin sakin.

"Hmp! Ice naman eh!"- emote ni Ashlie sabay ayos niya ng tayo.

"Shut up na ko, wala akong palag diyan kay Ice."- nakangusong saad ni Ylana sabay lakad papunta sa sofa at upo.

Ngumisi naman ako at nag-crossarms.

"Para kayong timang, pinag-aagawan niyo eh hanggang pangarap niyo lang yun. Di nga kayo kilala nung tao."- saad ko sabay ngiwi at sandal ko sa pader.

"Magsasakitan pa kayo diyan eh kung pag-untugin ko kayong dalawa?"- saad ko pa sabay tingin ko sa kanilang dalawa ng masama.

Ngumuso naman silang dalawa.

"Sarey okay? Sarey!"- saad nila.

Napailing naman ako.

Kahit kailan talaga... hayy!

Dumating naman ang kanina ko pa hinihintay na dumating.

Si Grey.

"Ice!"- hinihingal niyang saad.

Umayos naman ako ng tayo.

"Ano? anong balita?"- saad ko.

Tinignan naman niya sila Ylana at Ashlie, pagkatapos ay bumuntonghininga siya at tumingin sakin.

"Inilabas na ng Headmaster ang una sa sinasabi niyang mga importanteng bagay, at alam niyo? alam kong hindi niyo magugustuhan 'to pero pwede rin naman na Oo."- saad ni Grey.

Naguluhan naman ako at napakunot ng noo.

"Bakit? ano ba yang balita na yan?"- saad ko sabay lapit ko ng kaunti kay Grey.

Bumuntonghininga naman siyang muli.

"Hindi lang tayong Reapers ang kikilos para maitagumpay natin ang laro, may kasama tayo. Inilabas ng Headmaster ang mga grupong magiging magkasama sa larong para sating mga grupo at guys, magugulat kayo sa grupong makakasama natin sa laro. Hindi ko alam kung pabor ba satin ito o hindi."- saad ni Grey.

Kinutuban naman ako dahil sa sinabi niya.

Mukhang alam ko kung anong grupo..

Lumapit naman si Ashlie kay Grey.

"B- bakit? Sino ba ang grupong makakasama natin? Wag mong sabihing...."- saad ni Ashlie na tila kinutuban din sa kung sino ang grupong makakasama namin.

Tumango naman si Grey.

"Tama, ang Dark Cards nga."- saad ni Grey.

Narinig ko namang nagmura si Ylana.

"Puta! bakit sila pa?"- rinig kong saad ni Ylana.

Napaisip naman ako.

Sa tingin ko pabor samin ang nangyari na 'to. Mas maganda kung magiging malapit sila dahil mas maiimbistigahan namin sila at ako, baka mas makatulong sakin ito.

Pagkatapos nun, nagulat kami ng bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang apat na miyembro ng Dark Cards. Napatayo naman mula sa pagkakaupo niya sa sofa si Ylana.

"Alam niyo naman na siguro ang balita."- saad ni Devin pagkapasok niya dito sa dorm namin.

Tinignan ko naman siya ngunit sandali lamang at agad akong nag-iwas ng tingin.

"Hindi ba kayo marunong kumatok."- saad ko.

"Hindi."- sagot agad ni Devin.

Nagpoker face naman ako.

"Tss... Oo, alam na namin ang balita."- saad ko sabay tingin ko sa kanilang Dark Cards.

"Yun ba yung dahilan kung bakit kayo nandito?"- saad ko sabay lapit ko na ng tuluyan kay Grey.

Sinagot naman ako ni Alex.

"Oo, may iba pa bang dahilan?"- taas kilay na saad ni Alex.

Napatingin naman ako sakanya. Busangot na busangot ang mukha niya.

Problema niya?

"Gusto naming sabihin sainyo na bukas, pag-uusapan natin ang lahat ukol sa pagiging magkakampi natin sa laro. Kailangan nating mapagkasunduan ang lahat ng bagay nang sa ganun magtagumpay tayo."- saad ni Devin.

"Ganun ba, sige. Anong oras bukas?"- saad ko habang nakatingin ng diretso kay Devin.

Tsk... yung pakiramdam na naman na nararamdam ko kapag nakikita ko siya, nararamdaman ko na naman! nakakainis!

"After lunch, sa opisina naming Dark Cards. Don't be late."- saad ni Devin.

Tumango naman ako.

"Sige."- saad ko.

Nagtaka naman ako ng hindi pa sila umaalis, nakatayo lamang sila sa kinatatayuan nila at hindi lumalabas sa dorm namin. Tinignan at tinaasan ko naman sila ng kilay.

"May kailangan pa kayo?"- tanong ko.

Nagsalita naman si Bryan.

"Hindi niyo ba kami iimbitahang umupo at painumin ng juice? Kaming Dark Cards nag-abalang pumunta dito sa dorm niyo para lang sabihan kayo at para sabihin ko sainyo, hindi namin 'to ginagawa sa iba. Hindi niyo man lang ba kami ie-entertain bilang bisita niyo?"- saad ni Bryan.

Nagsalita naman si Ashlie.

"Maangas naman pala, pft.. oh sige!"- saad ni Ashlie sabay lapit sa kanila.

"Mga mahal naming bwisita este? Bisita *fake smile* Maupo po kayo sa sofa, nakakangawit pong tumayo alam niyo po ba? Ano po bang gusto niyo? Juice po ba? What flavor? Shake? What flavor? Pambara po gusto niyo? Magaling pong mag-bake ang pinuno namin ano po bang gusto niyo?"- saad ni Ashlie sa Dark Cards.

Umupo naman sa sofa ang Dark Cards.

"Cheesecake and Mango Shake."- saad ni Bryan.

"Pineapple pie and Pineapple Shake."- saad ni Alex.

"Cheesecake rin tsaka Mango Shake."- saad ni Brent.

"Brownies tsaka chocolate shake, pakibilis kasi papasok kami sa second subject."- walang emosyong saad ni Devin sabay dikwatro ng panglalaki at crossarms.

Napanganga naman si Ashlie at tumingin sakin.

Tsss.. bakit nagbiro pa kasi siya! Imbis na mapaalis niya lalo pang tumuloy! AYYYY EWAN!!

"Wala ka ng pera."- saad ko kay Ashlie sabay talikod ko at lakad ko patungong kusina.

Kainis!

FORWARD>>

"Wala na?"- saad ni Bryan pagkaubos niya sa cheesecake niya.

Tinignan naman siya ng masama ni Ashlie.

"Tch, kapal!"- saad ni Ashlie at pagkatapos ay may ibinulong siya kay Bryan na kung ano.

"Ahh.. Hehe! busog na pala ako."- saad ni Bryan sabay inom niya sa mango shake niya at ayos niya ng upo.

Tumayo naman si Devin.

"I'm full, salamat sa pagkain."- saad ni Devin sabay tingin sakin.

"Mahilig ka talagang mag-bake?"- tanong sakin ni Devin.

Nagtaas naman ako ng kilay.

"Oo, bakit?"- tanong ko sakanya.

Agad naman siyang umiling.

"Wala."- saad niya sabay ngisi at talikod sakin.

Nakaupo ako sa sofa sa gilid tapos sila naman sa dalawang mahabang sofa sa gilid ko.

"Cards tayo na, papasok pa tayo."- saad ni Devin sa mga kasama niya.

"Opo."- sagot naman nila Alex, Brent at Bryan.

May napansin naman ako mula sa bintana, ilaw na kulay pula. Sa tingin ko isa itong laser. Tinignan ko naman itong mabuti at tinignan kung saan ito nakatama at halos manikip ang dibdib ko ng makitang.... sa sintido ni Devin iyon nakatama.

Agad naman akong tumayo sapagkat kinutuban ako ng hindi maganda.

"Devin! Umalis ka diyan!"- sigaw ko sabay lundag ko at tulak kay Devin paalis sa kinatatayuan niya.

Saktong pagbagsak naming dalawa sa sahig, bigla na lamang nabasag ang maliit na vase na nasa lamesita dito sa dorm naming Reapers. Naging alerto naman sina Alex, Brent at Bryan at maging ang mga kaibigan ko.

"Sino yun!"- sigaw ni Bryan.

Agad naman akong umalis sa ibabaw ni Devin.

Pagkaalis ko, agad akong tumayo at tarantang lumabas ng dorm naming Reapers upang hanapin ang taong nagtangka sa buhay ni Devin.

Sniper yun panigurado!

Tumingin naman ako sa building sa harapan namin pero.. wala akong nakitang kahit isang tao.

Tsk! sino yun? Bakit niya gustong patayin ang Hari?

"Ice!"- rinig kong tawag sakin ni Devin.

Agad ko naman siyang nilingon.

"Wala akong naabutan."- saad ko sakanya.

Sandali naman niya kong tinitigan at pagkatapos ay nilapitan niya ko. Nagsilabasan naman ang iba sa Dark Cards at ang mga kaibigan ko.

"Salamat."- saad niya.

Tinignan ko naman siya ng diretso.

"W- wala yun, m- may kaaway kaba?"- tanong ko sakanya.

Napakunot naman siya ng noo.

"Wala, maliban kay Luis."- sagot ni Devin.

Napailing naman ako.

"Hindi magagawa ni Luis yung nangyari ngayon-ngayon lang, magkaaway kayo dahil kay Ate Reigen at sa tingin ko hindi naman aabot sa ganun ang away niyo. Kung sino man ang dapat at posibleng gumawa nun ay walang iba kundi ikaw Devin dahil ikaw ang talo sa inyong dalawa dahil si Luis ang pinili ni Ate Rei. Hindi si Luis ang gumawa nung kanina sigurado ako."- saad ko.

Nagsalita naman si Alex.

"Mukhang alam ko kung sino ang suspect."- saad ni Alex.

Tinignan naman namin siya.

"Sino?"- saad ni Devin.

"Yung lalaking bumaril sayo nung gabing nakaharap natin sila Red and Black Mask pati ang mga tauhan nila. Sa tingin ko siya yung kaninang muntik ng makapatay sayo King."- sagot ni Alex.

Napaisip naman si Devin.

"Sa tingin ko siya nga, nung gabing nakaharap natin sila pagkakita palang sakin nung lalaking nakamaskara na itim na yun ay agad niya kong binaril. Sino yun? bakit gusto niya kong patayin?"- saad ni Devin.

Bumuntonghininga naman ako.

"Malalaman natin yan kapag ginalingan natin sa laro, oras na ma-haunting natin sila Red and Black mask ay maha-haunting din natin ang mga tauhan nila. Malalaman rin natin doon kung sino yung tauhan nila na gusto kang patayin."- saad ko.

"Kaya galingan natin."- saad ni Ylana.

Tumango naman ang Dark Cards.

"Sige."- saad ni Devin.

Sana magtagumpay kami dahil hindi ko gusto 'tong nangyayari..

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

23.4K 1K 42
Complete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hi...
247K 6.6K 47
"I'm the nightmare in everyone's wishful dream. A devil disguised as an angel. The merciless, brutal and pretty evil queen," THAT INFAMOUS GIRL Copyr...
231K 6K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...
2.8K 98 70
WELCOME TO LIVEID HIGH ACADEMY Once you enter, you have only one chance to choose.. LIVE OR DIE! Sama-sama nating pasukin ang LIVEID HIGH ACADEMY.. A...