Hasty Decision (Completed)

By beykmak

383K 4.5K 744

Magagawa mo pa kaya mapatawad ang tao pinakamamahal mo kung malaman mo pinagpalit ka nya sa iba? Magagawa mo... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note
Special Chapter [Julia & Diego]
ANNOUNCEMENT

Chapter 37

5.4K 74 13
By beykmak

Kath’s Pov

Time Check: 8pm

Nagdecide kami ni Albie na mamasyal muna sa labas. Nasabi ko din kay Albie na nandito sila Quen. Nagkita kita kami nung palabas na sila Mitzi may pupuntahan daw sila para dun sa tour. Hindi ko lang alam kung nakabalik na sila.

Naglalakad lang kami ngayon sa tabi ng dagat. Napaka presko ng hangin at ang daming stars ngayon. Napatingin ako kay Albie.

“Oh bakit nakangiti ka dyan?” Tanong ko sa kanya.

“Naalala ko lang nung first time natin mag meet ganito din sa tabi din ng dagat naglalakad lakad tayo.”

Napangiti din ako sa sinabi niya. Oo nga naman ganito yung set up nung una kami mag meet. Pero ang pinagkaiba nun umiiyak ako at miserable pero ngayon nakangiti na ako.

Nakakangiti na ako.

“Ang ganda dito noh? Parang ikaw lang” Sabi nito.

“Alam mo okey na sana eh. Nambola ka pa tss” tapos tumawa kami.

“Pero seryoso alam mo ba ngayon lang ako naglakas ng loob bumalik ulet dito?”

 

napatingin ako sa kanya. At napansin ko sumeryoso yung mukha nya.

“Dito ko kasi nakilala noon si Andi. Isa siya sa mga fangirl ko noon. Naalala ko pa nga nung nagkaroon kami ng show dito. Nandun siya VIP area at may hawak na Banner na I love You Albie. Sanay naman ako makakita ng ganon banner pero nung sa kanya ko nakita yun? Ewan ko ba. Para ako kinilig na ewan”

Huminto siya sa pagkwekwento tapos nakakita kami ng bench at umupo muna dun. Hindi ako nagsalita at hinintay ko ituloy nya ang kwento nya.

“And it all started there.. Pagkatapos ng show na yun nag effort ako mahanap ko lang siya sa buong resort noon. At alam mo ba nakakatawa yung una namin pagkikita?”

 

“Anong nangyare?”

 

“Sinampal nya ako”

 

“Bakit?”

 

“Sinampal nya ako para mapatunayan na totoo nasa harap nya daw ako. Nakakatawa noh? Kasi kung ibang tao yun dapat sarili nila ang sinampal nila pero siya? Ako ang sinampal nya.”

 

Tapos nagtawanan kami. Kakaiba pala yung Andi na yun. Kaya siguro ganun na lang siya kamahal nito si Albie.

“Albie if you don’t mind ano talaga ang nangyare sa inyo?” huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

“Birthday ko nun. At balak ko ng mag propose sa kanya. Pumunta ako sa condo unit nya nun para isurprise oh diba kakaiba? Birthday ko nun pero ako pa ang nag effort mag surprise. “

 

“Anong nangyare pagkadating mo dun sa unit nya?” yumuko siya bago magsalita.

“Wala siya sa condo nya. Kaya nagdecide ako maghintay. Naghintay ako hanggang 12mn. Hindi ko siya tinawagan dahil nga surprise diba? Kaya ayun naghintay ako. Tapos ilang oras makalipas nun. Narinig ko na ang boses ni Andi na palabas ng elevator. Nakangiti ako nung nakita ko siya. Pero nawala yun nung makita ko magkahawak sila ng kamay ng bestfriend nya. Si Ejay”

Napakalalim ng buntong hininga ulet ang ginawa nya.

“At ayun. Confrontation started. At sinabi nga niya hindi nya na ako mahal at si Ejay ang gusto nya. grabe nga birthday gift sakin yun eh. As in.at hanggang ngayon hindi ko pa din makakalimutan ang regalo yun”

 

At pinilit nya ngumiti ng pilit. Hindi ko alam kung ano pwede ko sabihin sa kanya para gumaan ang pakiramdam nya. napansin ko nagpupunas siya ng luha.

His crying. He really is.

“After that hindi mo na siya kinausap?”

 

“Hindi na. Bakit pa? Sapat na yung mga narinig ko sa kanya Kath.”

 

“Baka naman may dahilan siya kaya ganun?”

 

“Tss. Yun na nga ang dahilan nya hindi nya ako mahal”

 

“Per-“

 

“Let’s stop this. Fckin love story balik na tayo ng hotel” tumayo siya ang ngumiti sakin. Inalok nya ang isang kamay nya kaya hinawakan ko ‘to. At naglakad na kami.

Daniels’s Pov

Arghhhhhhhhhhhhhhhhh! Grabe talaga ‘to si Kuya! How dare him to do this to me! Pinaakyat ba naman nya ako dito sa puno ng niyog. Grabe. At hindi ko alam kung paano nya din ako napasunod.

“Kuya pag namatay ako dito. Nako!!” sagot ko habang nasa kalagitnaan ng pag akyat.

“Edi condolence Haha!!” sabay tawa nila ni Julia.

“Alam nyo kayo dalawa ano bang trip nyo? Gabi na kaya! And for pete’s sake naman bakit kailangan ko pa umakyat dito?“ pagrereklamo ko. Pero pilit ko pa din umaakyat.

“Gusto kasi ni Julia ng buko Juice” sagot ni Kuya.

“Eh bakit hindi ikaw ang umakyat dito kuya!!!? Bakit ako?!!”

 

“Trip ko lang. Bilisan mo na nga lang dyan. Simple pagkuha ng buko hindi mo pa magawa”

 

Naiinis na ako pero eto tuloy pa din ako sa pagpilit sa sarili ko na makaakyat dito sa puno diretso na ‘to. Grabe talaga.

Tuloy tuloy pa din ako sa pag akyat hanggang sa…

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!” Nalaglag ako. Buset -,-

“Sige na nga wag ka na umakyat” sabi ni Kuya. Tapos lumakad pabalik ng resthouse.

“KUYA!! ANG LAKAS NG TRIP MO AH!!! BUSET!!” sigaw ko pero nakita ko tawa pa din ‘to ng tawa habang naglalakad.

Ano kaya trip ng mga yun? Samantalang caldereta lang naman kinain namin for dinner. -,-

Tumayo na ako at pinagpagan ang short ko pagkatapos naglakad na pabalik ng resthouse at pagpasok ko pa lang pang aasar agad ang bumungad sakin.

“Kamusta buko boy?” sabi ni Julia

“Tigilan nyo nga ako!!!!”

 

“Babe sinisgawan nya ako oh” sabay kapit nya sa braso ni kuya.

“Hayaan mo na. medyo na frustrate sa pag akyat sa puno eh hahahahahaha” at padabog ako umakyat ng kwarto.

Grabe hindi ko maintindihan yung couples na yun. Bahala na nga mag shoshower na lang ako. Papasok na sana ako ng CR ng mapansin ko naka lock ang pinto ng CR. Kinatok ko ‘to. Pero medyo tanga lang ata? Kami lang tao dito.

0_0

Di kaya may multo?

“Daniel para ka tanga.” Sabi ko sa sarili ko. Kaya lumabas na ako ng kwarto at sumigaw mula sa taas.

“Kuya dun muna ako sa CR nyo magshoshower ah. Nalock yung pinto ko eh” sigaw ko. At narinig ko sumang ayon si Kuya.

Kaya pumasok na ako ng kwarto nila. At wow ang gulo ah? Ginawa na kaya nila ang trip to heaven? Nangingiti na lang ako sa iniisip ko. Tapos bigla ko na naalala na kami nga ni Kath hindi pa nakakapagtrip to heaven eh.

HOY DANIEL! NAPAKA PERVERT MO!!

Kaya napailing ako. At hindi sinasadya na masagi ko ang mesa na may nakapatong na bag at nalaglag ito.

Julia’s Pov

Tawa kami ng tawa dito ni Diego dahil sa kalokohan ginawa namin sa kay Daniel. Hindi namin maintindihan basta napagtripan lang namin siya.

“Grabe feeling ko gusto na tayo sakali ni Daniel” tapos tumawa kami pagkasabi ko nun.

“Ikaw naman kasi eh. Bakit trip na trip mo ang kapatid ko?”

 

“Anong ako? TAYO” tapos tumawa kami ulet. Baliw na siguro kami pero natatawa talaga ako eh. Hahahahaha

“Baliw ka talaga haha” at tumawa nanaman kami. Tapos bigla ko naalala yung cellphone ko.

“Babe nakita mo ba yung cellphone ko?”

 

“Diba iniwan mo sa kwarto?”

 

“Ahh oo nga. Hindi pa naman siguro nakakapasok ng CR si Daniel noh? Akyat muna ako” tapos tumango na lang ito.at tumayo na ako.

Paakyat na sana ako ng kwarto ng nakita ko palabas si Daniel.

“Tapos ka na agad?” Hindi ito sumagot.

“Hoy okey ka lang ba?” sabay tapik ko sa kanya. Pero hindi pa din siya sumasagot.

“Julia..”

 

“Oh?”

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Sino si Queenie? Anak mo ba siya?” napabitaw ako ng hawak sa balikat nya. Halos manigas ako. Paano nya nalaman? May nakita ba siya sa kwarto ko?

To be continued..

 

----

Author’s Update

Updated again. Wala ako magawa eh haha! So kamusta ang chapter na ‘to? Comments please malay nyo ganahan ako bukas. Haha

 13 chapters left..

-bakedmac(@imcheenajavier)

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
326K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
21K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴