Dark Island Academy 1

By Graia_

912K 27K 1.2K

Highest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child... More

Mema Ni Author
Chapter 1
Chapter 2: Welcome
Chapter 3: Headmaster June
Chapter 4A: The Dark Cards
Chapter 4B: The Dark Cards
Chapter 5: Ice
Chapter 7: Demons
Chapter 8: Punishment
Chapter 9: Alex Vs. Ice
Chapter 10: Trouble
Chapter 11: DIA Group of Killers
Chapter 12: Reign Daves
Chapter 13: No, She's Not
Chapter 14: Headmaster's Warning
Chapter 15: Foundation and Valentines Day
Chapter 16: Bryan and Ashlie
Chapter 17: Letter
Chapter 18: Fruit Shake
Chapter 19: Library
Chapter 20: Draw Lot
Chapter 21: First Defeat
Chapter 22: Recitation
Chapter 23: Blood
Chapter 24: Sisters
Chapter 25: Awakening
Chapter 26: Warning For The Headmaster
Chapter 27: Dare
Chapter 28: Vince
Chapter 29: Memory
Chapter 30: Red and Black Mask
Chapter 31: Haunt
Chapter 32: Challenge
Chapter 33: Collaboration of Groups
Chapter 34: Meeting
Chapter 35: Clues
Chapter 36: Locked
Chapter 37: We Can Do This
Chapter 38: Black Rose
Chapter 39: Dark Cards Reapers
Chapter 40: Let's Play a Game
Chapter 41: It's You
Chapter 42: Red Mask
Chapter 43: King
Chapter 44: Command
Chapter 45: The True Queen
Chapter 46: Back to Enemies
Chapter 47: Countdown
Chapter 48: Start
Chapter 49: Date or Die
Chapter 50: I Hate You
Chapter 51: The Messages
Chapter 52: I Love You
Chapter 53: King and Queen
Chapter 54: Attack
Chapter 55: Decision
Chapter 56: The Truth
Chapter 57: Back
Chapter 58: Last Game
Chapter 59: Goodbye
Chapter 60: We're Going Back
Chapter 61: Surprise
Chapter 62: The Plan
Chapter 63: Win The Fight
Chapter 64: Darkiela
Epilogue
Afterword
GRA's Other Stories

Chapter 6: Bloody Welcome

15.3K 512 18
By Graia_

Ashlie P.O.V

"Ngayon na."- saad ni Ice.

Naging seryoso naman ang mga mukha naming lahat.

"Ngayon na ang simula ng laro, kailangan nating magpakaalerto sapagkat hindi natin alam kung anong ipalalaro satin. Isa pa, walang hihiwalay."- saad ni Ice sabay paikot niya sa sandata niya na binigyan pa niya ng pangalan.

Red, yan ang pangalan ng sandata ni Ice.

Si Red ay isang metal na kasing haba lamang ng ballpen ngunit kasing taba ng isang tubo ng tubig, Mayroon itong tatlong pindutan sa gilid. Ang unang buton ay para sa patalim, kapag pinindot mo ang unang buton ay may lilitaw na patalim sa tuktok ng metal na ito. Ang pangalawang buton naman ay para sa kuryente, kapag ito naman ang pinindot mo ay may lalabas na mapayat at manipis na tila latigo na kasing haba lamang ng sinturon ng isang bata. Nagpo-produce ito ng kuryente na sapat para ma-paralyze ka at ang pangatlong buton naman ay para sa paghaba nito. Oras na pindutin mo iyon, hahaba ang metal, magiging kasing haba nito ang isang arnis.

"Naiintindihan niyo ba ko?"- saad ni Ice sabay tingin niya samin.

Ngumiti naman kaming tatlo nila Ylana at Grey.

Hindi man halata kay Ice dahil sa itsura at pangangatawan niya, Si Ice.. isa syang nakakatakot na tao. Isang taong magaling makipaglaban, magaling mag-isip at mautak. isa rin siyang mapagmahal na tao at maalaga. Mabait si Ice, mabait na masama kung magalit.

"Naiintindihan namin."- saad ni Grey sabay suot niya sa sandata niya na kung tawagin niya ay Gold.

Si Gold ay isang baril na singsing. Si Grey ay magaling sa combat, tulad ko.

"Guys, sa totoo lang wala ako sa mood na pumatay. Pwede bang patulugin ko lang sila?"- saad ni Ylana na may hawak ng katulad kay Ice.

Isa rin itong metal na kasing haba ng ballpen ngunit kasing taba ng tubo ng tubig ngunit iba ang kakayahan ng kay Ylana. Isa lang ang kaya nito, oras na pindutin mo ang nag-iisang buton sa ilalim nito ay may lalabas na patalim dito na kasing haba lamang ng isang ruler.

Silver ang tawag ni Ylana dito dahil narin sa kulay nito.

Tulad ng kay Ylana, ganun din ang akin. Ang pinagkaiba lang ay kung sa kanya Silver ang pangalan at kulay, ang sa akin naman ay Pink.

"Nakadepende yan sa Headmaster, kapag sinabi niyang pumatay edi papatay tayo."- saad ko.

Ngumiwi naman si Ylana.

"Tss... hindi ko pa nararanasang pumatay pero para mabuhay ako, sige gagawin ko."- saad ni Ylana sabay tayo niya ng maayos.

"Hindi paba tayo papasok?"- saad niya.

Tumayo naman si Ice.

"Pumasok na tayo, basta yung sinabi ko kanina wag niyong kalilimutan."- saad ni Ice.

Nagsitanguan naman kami at pagkatapos ay lumabas na kami ng dorm namin at naglakad papunta sa building ng school.

Pagkatapak na pagkatapak namin sa building ng school, isang mabigat na aura agad ang sumalubong samin.

"Masyadong intense."- mahinang saad ni Grey.

"Anong oras na?"- tanong ni Ice.

"20 minutes bago mag-start ang klase."- sagot ni Grey.

"Nagugutom ako"- nakangusong saad ni Ice.

Napapoker face naman ako.

Sinabi kong nakakatakot siya hindi ba? Nakalimutan kong sabihin, may pagka-isip bata rin siya.

"H- huh? Tara, pumunta muna tayo sa cafeteria."- saad ni Grey.

"Tsk! Pinapakain ka kasi kanina ayaw mo."- saad ni Ylana kay Ice.

Ngumiwi naman si Ice.

"Panong hindi aayaw! ikaw ba naman hainan ng kanin at hotdog na sunog hindi kaba aayaw nun?"- saad ni Ice.

Natawa naman ako.

"Actually maging ako hindi rin ako kumain."- saad ko.

Magaling magluto si Ylana, ang kaso tuwing nagluluto siya ay palagi niyang nakakalimutan yung niluluto niya kaya naman madalas nasusunog yung niluluto niya.

"Sorry na, eh sa nakalimutan kong may niluluto pala ko eh."- saad ni Ylana.

Bumuntonghininga naman si Grey.

"Pumunta na lang tayo sa cafeteria, kailangang magkalaman yang mga tiyan niyo."- saad ni Grey.

Ngumisi naman ako.

"Palibhasa kasi busog ka, hindi kasi kami katulad mo. Ang hilig sa sunog na pagkain."- saad ko.

"Shut up."- saad niya.

Di ko naman na siya pinansin.

Pagdating namin sa cafeteria, agad kaming umupo sa upuan sa dulo.

"Anong oorderin niyo? Ako nang bibili."- saad ni Grey.

Sasagot pa lang sana kami ng biglang tumunog ang lahat ng speaker sa buong Academy.

"Goodmorning Students/Players of DIA. Today is the start of our first day but oh? don't be so nervous. Because the first game is for the new students only! the first game is for the Reapers only!"- saad ng Headmaster na ikinalaki ng mga mata namin.

What the fuck! Ano? Sa amin lang?

Nagtinginan naman samin ang lahat ng mga estudyante dito sa cafeteria.

Nakakatakot ang mga tingin nila..

"The first game is called bloody welcome. Now, i'm calling all of the Rank C groups of DIA. All of you, KILL the Reapers! If you failed, you will lost 50 points, but if you die then you die. Now, Reapers and all of you Rank C groups of DIA. The game starts NOW!"- saad ng Headmaster.

Pagkatapos nun, agad kaming napatayo nila Ice.

"Maghanda kayo."- saad ni Ice.

Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang bumukas ang pinto ng cafeteria at tumambad samin ang limang Rank C groups dito sa DIA.

Sa pagkakaalala ko sa nabasa ko kahapon sa bulletin board bago kami bumalik sa dorm nila Ice nung uwian na, meron lamang apat na miyembro ang lahat ng grupo na nasa Rank C maliban sa isang Grupo na nasa lima ang miyembro.

Lima ang mga grupo na nasa Rank C. Ibig-sabihin...

Bente uno lahat ang kalaban namin ngayon.

"Aww, such a cutiepies. Sayang di na kayo magtatagal dito sa mundo."- nakangising saad ng isang babaeng mukhang pokpok.

"I'm gonna take that face of yours Ms.Ice Rogiano and put that to my collection of beautiful faces. Your face will be my 100th collection."- saad naman ng isang lalaking mukhang adik.

Tinignan ko naman si Ice.

Naka-pokerface siya.

"Tss... nagugutom ako."- saad ni Ice sabay talikod sa mga ito.

Tila hindi siya natatakot, walang bahid ng takot o kahit kaba sa mukha niya. Ang makikita mo lang ay kalungkutan dahil nagugutom siya.

"S- she ignore you Babe!"- saad nung babaeng mukhang pokpok dun sa lalaking mukhang adik.

Nabanas naman ito.

"Tch! umatake na tayo."- saad nung lalaking mukhang adik.

"Kayo muna, kami pagkatapos."- saad nung lalaking nakasandal sa pintuan ng cafeteria.

Gwapo ito at tila parang buryong-buryo.

"Maganda 'to, hindi sila susugod ng sabay-sabay. Group by group ang atake nila."- mahinang saad ni Grey.

Tumunog namang muli ang mga speakers.

"One more thing, pwedeng sumuko. Yun nga lang, 100 points ang mawawala sa inyo. At sa mananalo, makakakuha kayo ng 500 points na sapat para mapunta kayo sa Rank B. Goodluck and enjoy the game."- saad ng Headmaster.

Nagsalita naman si Ice.

"Sige na, lumaban na kayo."- saad ni Ice sabay lakad niya papunta sa counter.

"Hoy! San ka pupunta!"- sigaw nung babaeng mukhang pokpok ngunit hindi siya pinansin ni Ice at nagtuloy-tuloy lang ito sa counter at bumili ng pagkain.

Ngumisi naman ako.

"Okay! kahit gutom ako makakalaban parin ako ng maayos. Lapit sakin yung mga gustong mahiwa ang tiyan!"- nakangisi kong sabi sabay patunog ko sa mga daliri ko at tingin dun sa babaeng mukhang pokpok.

"You bitch, wanna fight me?"- hamon ko dun sa babaeng mukhang pokpok.

Nagbanggaan naman ang mga ngipin nito sa inis.

"Don't call me bitch! sugod Crows!"- sigaw nung babaeng mukhang pokpok at pagkatapos ay sumugod na sila ng mga kagrupo niya.

"Time to kill."- saad ko sabay dila ko sa labi ko at sugod din

Agad din namang kumilos si Grey. Si Ylana naman, nakatayo lang sa daanan papunta sa kinaroroonan ni Ice at naghihintay na may lumapit sa kanya.

"Sisirain ko yang mukha mo!"- sigaw nung babaeng mukhang pokpok sabay suntok sana sa mukha ko gamit ang kamao niyang may brass knuckle pero agad akong kumilos at inikutan siya.

"That's my line bitch!"- saad ko sabay sipa ko sa likod niya ng sobrang lakas, dahilan para sumubsob sa sahig ang pagmumukha niya.

"Yan, diyan bagay yung mukha mo. Sa lupa! You know why? Kasi mukha kang lupa!"- saad ko.

Agad namang tumayo yung babae at sinugod ako.

"Fuck you!"- sigaw nung babae sabay suntok sana sakin ulit ng ilabas ko ang sandata kong si Pink at pindutin ang buton nito.

"Boring."- saad ko at sa isang iglap lang..

Bumagsak sa sahig ang katawan nung babae. Pagbagsak niya, agad na umagos ang dugo mula sa kanyang tiyan na hiniwa ko.

"One down."- saad ko sabay kuha ko ng tissue sa isang lamesa at punas ko kay Pink.

"Lana!"- sigaw nung lalaking mukhang adik.

Napatingin naman ako dito.

"Magbabayad ka!"- sigaw nung lalaki sabay sugod sana sakin ng...

"You can't go anywhere."- saad ni Grey at sa isang iglap lang tumalsik ang lalaking mukhang adik sa isang lamesa dito sa cafeteria.

"I'm your opponent kaya ako ang dapat mong labanan, wag mo kong lalayasan."- saad ni Grey sabay taas niya sa kanan niyang kamay kung saan nandun ang sandata niyang si Gold.

"Samahan mo na yung girlfriend mo sa impyerno."- saad ni Grey sabay baril niya dun sa lalaki gamit si Gold.

Tinamaan naman ng diretso sa ulo yung lalaki.

"Two down."- saad ko sabay tingin ko sa dalawang natitira na nakatayo sa harapan ni Ylana at tila nanginginig sa takot.

"Huh? Lalaban pa kayo?"- saad ni Ylana dun sa dalawag natitira sabay labas sana niya sa sandata niya ng...

"S- suko na kami!"- sigaw nung dalawang natitira sabay takbo palabas ng cafeteria.

Natawa naman ako.

"Weaklings."- saad ko.

May nagsalita naman kaya't napatingin ako dito.

"Lions, Eagles and Wolves. Sa tingin ko mas maganda kung sabay-sabay tayong susugod.'- saad nung lalaking long hair.

Ngumisi naman yung lalaking nakasandal sa pintuan ng Cafeteria.

"No, kayo na lang. Huling lalaban ang Wolves."- saad nung lalaking nakasandal sa pintuan ng cafeteria.

"Masyado ka yatang confident Vince."- nakangising saad nung lalaking long hair dun sa lalaking nakasandal sa pintuan ng cafeteria na Vince daw ang pangalan.

Hindi naman ito nagsalita at ngumiti lang.

"Kung ganun, tayo na lang Lions and Eagles."- saad nung long hair at pagkatapos ay sabay-sabay nilang inilabas ang kanilang mga kamay na nakatago sa kanilang mga likod.

Naging seryoso naman ang mukha ko ng makita ko kung ano ang mga nasa kamay nila.

"Claws."- saad ni Grey.

"Hmm... X-men?"- rinig kong saad ni Ice.

Pagtingin ko sa kanya....

Nakatayo siya sa tabi ni Ylana habang kumakain ng malaking cup noodles.

"Tch. Leo! Evan! Siguraduhin nating lalaban ngayon ang pinuno nila pati yung isang babae!"- saad nung lalaking long hair.

Halata ang banas sa mukha nito.

"Oo!"- sagot naman nung dalawang lalaki na sa tingin ko ay ang pinuno ng Lions at Eagles.

"Sugod!!"- sigaw nung long hair na lalaki.

"Shield."- saad ni Ice sabay hagis niya ng tray kay Grey.

Nasalo naman ito ni Grey.

"Tayo na!"- sigaw ni Grey.

At pagkatapos, sabay kaming sumugod.

"Hoy! Anak ka ng nanay mo Ylana! Tulungan mo kami ni Grey!"- sigaw ko kay Ylana sabay iwas ko sa atake ng isa sa mga kalaban at hiwa ko dito sa beywang.

Labingdalawa ang kalaban namin ngayon, Oo kaya namin ni Grey na magpatumba ng ganoon kadami pero damn it! Masyadong delikado ang mga sandata nila.

"Kaya niyo yan, tiwala lang."- walang ganang saad ni Ylana sabay upo sa isang upuan at subsob ng mukha niya sa lamesa.

Dafuck! Yari ka sakin mamaya!

Nakita ko naman yung lalaking long hair na papunta sa kinaroroonan nila Ylana at Ice, yung dalawa naman kunwari na walang alam.

Nakita ko pang tumingin sakin sandali si Ice at ngumiti.

Bakit sila ganyaaaaaan!? Well ayos lang na si Ice ay hindi mangealam. Nakakatakot kaya siya kapag nakikipag-away! Pero si Ylana? buseeett! yari talaga sakin yan mamaya!

"Haaystt! Hanggang diyan ka laaaang!"- sigaw ko sabay lundag ko at pakawala ng isang flying kick sa mukha nung lalaking long hair.

Natumba naman ito dahil sa ginawa ko.

"Wala sila sa mood makipaglaban kaya wag mong pilitin!"- banas kong sabi sabay hiwa ko sa tiyan nito.

Napasigaw naman ito sa sakit.

"Sa likod mo."- sabi sakin ni Ice sabay higop niya sa sabaw ng cup noodles.

Agad naman akong umiwas at sinaksak yung nagtangkang umatake sakin.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito. Tss.. ang babagal niyo."- saad ni Ice sabay lapag ng kinakain niyang cup noodles sa lamesa at tayo.

Sumigaw naman si Grey. Ako naman, nanlaki ang mga mata ko.

Shit!

"No Ice! Kami ng bahala dito!"- sigaw ni Grey sabay baril niya sa ulo ng dalawang kalaban na nasa harapan niya.

Sobra naman ang kaba ko habang nakatingin ako kay Ice na nakakunot ang noo.

"Ashlie!"- sigaw ni Grey at pagkatapos ay pinanlakihan niya ko ng mata.

Nataranta naman ako.

I know Ice, nakakatakot siyang makipaglaban. Oo at hindi siya brutal makipaglaban at pumatay pero nakakatakot parin kaya naman kung saka-sakali hangga't kaya namin ni Grey, gagawin namin ang lahat ngayon para di siya sumali sa laban. At kung nagtataka kayo tungkol sa pagpatay namin, Oo at may experience na kami nila Ice at Grey dito samantalang si Ylana ay never pang pumatay. Hindi lang sa isla na ito nagaganap ang patayan kundi maging sa labas lalo na kung kasapi ka sa isang ilegal na organisasyon pero para sa kaso naming tatlo nila Ice at Grey. Pumapatay kami dahil sa proteksyon, may kaugnayan parin sa isla na ito ang dahilan. Dahil para hindi kami mapili o makuha ng gobyerno para ipasok dito sa lugar na 'to, kailangan naming lumaban.

Pero sinong mag-aakala na dito rin pala kami babagsak sa huli at kami pa ang kusang pupunta dito.

"Kaya na namin to."- saad ko sabay harap ko sa tatlong lalaki na nasa likuran ko na nagpaplano ng sugurin ako.

"Tapusin na natin to, Bullet!"- saad ko kay Grey sabay sugod ko sa tatlong lalaki.

Agad din naman akong sinugod nung tatlong lalaki at inatake ako, mabuti na lamang at magaling akong umiwas. Salamat narin sa pagiging stretchable ng katawan ko *smirk*

"Tinatawag ko 'tong.. Circle of Death! Buseeeet!"- nakangisi kong sabi sabay stretch ko sa kamay kong may hawak sa sandata at ikot.

Sabay-sabay namang nagtumbahan yung tatlong lalaki na pare-parehong hiwa ang tiyan. Pagtingin ko kay Grey, ayun at binalian niya ng leeg yung mga kalaban niya.

Napatingin naman siya sakin.

"Ubos na yung bala ko."- sabi niya sabay pakita niya sakin kay Gold.

Nagkibit-balikat naman ako.

"Mas okay nga yung wag mo ng gamitin yang si Gold."- sabi ko.

Hindi naman sya nagsalita at tumingin na lang sa natitirang grupo na nasa Rank C, napatingin din naman ako dun at nakita ko yung Vince na nakatingin kay Ice at nakangisi. Si Ice naman, di mo maipinta yung mukha. Para syang natatawa na naiinis na ewan.

"Okay? Ayoko na. Sumusuko na ang Wolves, di namin kayo lalabanan."- natatawang sabi nung Vince sabay ayos niya ng tayo.

"Nakakatuwang makita ka dito."- saad nito sabay alis nila ng grupo niya.

Napataas naman ako ng kilay.

Okay ano yun?

"The Reapers win! And because you defeat all the Rank C groups here in DIA, You're now in Rank B with a total points of 500 points! Congrats, the first game is now over. Thank you and go to your classes now!"- saad ng Headmaster mula sa speakers.

"Tara na Ashlie, Grey. Ayusin niyo na yung mga sarili niyo."- saad ni Ice na hindi parin maipinta yung mukha.

Bakit ba?

Hindi naman na kami nagsalita at sumunod na lamang sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
460K 2.2K 7
A Mafia Reaper was sent to Mayhem High to protect the cold, and emotionless Mafia boss. Will she be able to complete her mission?
214K 6.7K 64
White Magic Academy, a magical school for a peculiars student. Everything here seems surreal and enchanted. Anastasha Snow decided to study here, she...
2.8K 98 70
WELCOME TO LIVEID HIGH ACADEMY Once you enter, you have only one chance to choose.. LIVE OR DIE! Sama-sama nating pasukin ang LIVEID HIGH ACADEMY.. A...