ICE PRINCESS MEETS HER ICE PR...

By ELLEcray

523K 8.1K 368

THIS IS A WORK OF FICTION. kung may Makita or mabasa man kayong sa tingin niyo katulad ng sa iba. sarili ko... More

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE
CHAPTER 1 : INTRODUCTION
CHAPTER 2 : AT THE BALL
CHAPTER 3 : PANYO
CHAPTER 4 : NEW FRIEND :-)
CHAPTER 5 : DATE SA MALL
CHAPTER 6 : SHE'S DIFFERENT
CHAPTER 7 : IM OFFICIALLY COURTING YOU MISS LIM
CHAPTER 8 : CLIFF
CHAPTER 9 : *UBO*
CHAPTER 10 : HE'S DYING
CHAPTER 11 : DIAMOND
CHAPTER 12 : BLOODY LIPS
CHAPTER 13 : GRADUATION DAY...........
CHAPTER 14 : the best gift
CHAPTER 15 : angel keychain
CHAPTER 15.5 : oras na niya?
CHAPTER 16: the promise
CHAPTER 17: forever and always
CHAPTER 18: he's gone
CHAPTER 19: panaginip
CHAPTER 20: FIRST ENCOUNTER WITH THE ICE PRINCE
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: the secret
CHAPTER 24: debut
CHAPTER 25: the dark side
CHAPTER 26: THE ACCIDENT
CHAPTER 27: I LOST MY LIFE
CHAPTER 28: SLIPPED AWAY
CHAPTER 29: THANKS TO JELLIE
CHAPTER 30: arrange marriage
CHAPTER 31
CHAPTER 32: SENT TO MY NEW HOME
CHAPTER 33: TOGETHER
CHAPTER 34
CHAPTER 35: PATRIK
CHAPTER 36: ELECTRIC SHOCK
CHAPTER 37: DARKEST side
CHAPTER 38: MONSTER
CHAPTER 39: MY FIANCÉE IS IN DANGER
CHAPTER 40: It's more than that
CHAPTER 41 : weird!
CHAPTER 42: FIRST MISUNDERSTANDING
CHAPTER 43 : THINKING OF YOU
CHAPTER 44 : HEART TO HEART TALK
CHAPTER 45: Papa's reason
CHAPTER 46 : FEELINGS 1.0
CHAPTER 47 : FEELINGS 2.0
CHAPTER 48 : BUTI NALANG NAKILALA KO SIYA. (JaLie moment)
author's sorry note.
CHAPTER 49: HE CONFESSED!
CHAPTER 50 : AGAIN.
CHAPTER 51: He's back?!
CHAPTER 52 : THREAT
CHAPTER 53
CHAPTER 55: UNEXPECTED REACTION
CHAPTER 56: RACE FOR A SECOND CHANCE
CHAPTER 57: NERD COCO [CoNe moment]
CHAPTER 58: I MISSED YOU LIKE CRAZY
CHAPTER 59: Spare me my Life.
CHAPTER 60
EPILOGUE
THANK YOU FROM THE BOTTOM OF MY HEART
Thank You!
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 54: MOST PRECIOUS GIFT

7K 108 10
By ELLEcray

CHAPTER 54: MOST PRECIOUS GIFT

 

                                                                            

DECEMBER 24, 20**

 

 

CHASE’S POV

 

“Manang asan si Kien?”  tanong ko kay manang na nag aayos ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree namin.

Galing ako sa mall may mga pinamiling para sa surpresa ko mamaya sa kanya.

Sana magustuhan niya! Haha!

“oh! Andyan ka na pala. Andun siya sa kwarto nya. Nagkukulong.” Sagot ni manang.

“po?! Bakit?”

 

“aba’y kanina ka pa hinahanap. Nang hindi makatiis ay nagtanong na sakin. Nung sabihin kung lumabas ka, ayun. Nakasimangot na pumasok sa kwarto at ayaw lumabas.”

 

Eh?! Seryoso? Tss! Haha! Simula ng maging kami officially, unti-unti na nyang napapakita sakin kung ano talaga sya. Yung akala nyong parating seryoso at matured mag-isip na Kien na nakilala nyo. Iba na ngayon. Hahaha! Though oo, matured siya mag isip sa mga seryosong bagay. Pero, malakas po sapak nun at napaka isip bata pala! Haha.

Kahit yung parents nya at mga kapatid nagulat ng malaman at Makita ang ganung ugali sa kanya. Nang dahil daw sa nangyari sa kanya noong mawala si Bryan ay naging malakas at matured na siyang kumilos at tingnan pero sa likod ng lahat ng yon ay isang mahina at napaka-isip batang Kien.

Meron siyang dalawang personality. Ang seryoso at matured na Kien at ang isa ay ang kabaliktaran naman nun.

“ganun po?! Haha! Sige po, kakausapin ko lang. Haha! Mas mukhang mapapadali ang plano natin. Ah... oo nga pala manang, wala ka namang nabanggit diba? Diba po?”  nag- aalala kong tanong kay manang.

Hindi nya kasi kayang magsikreto kay Kien. Takot siya kay Kien. Pero sakin hindi. Ayos eh no?

“haha! Wag ka mag-alala hijo. Wala akong sinabi sa kanya. Basta galingan mo. Hahaha! Dahil walang kwenta preparasyon mo kung susumpungin yon. Alam mo naman yon.” – manang.

Pagkasabi ni manang nun ay sabay kaming natawa. Haha! Sira talaga plano pag sinumpong siya. Kaya dapat mapagoodmood ko to.

Nakangiti akong iniwan si manang sa may sala at umakyat papunta sa kwarto ni Kien.

*toktoktok*

 

Ilang sandali ay bumakas ang pinto.

“bakit?” sabi niya.

Napangiti naman ako sa itsura nya. Halatang bagong gising lang. Haha!

“nakatulog ka?” nakangiting tanong ko.

“hmm! Boring eh. Saktong kakamulat ko lang nung kumatok ka.” Kalmado nyang sabi.

Manang, eto ba may topak?

“hanap mo daw ako sabi ni manang?”

“oo kanina. Kaso wala ka. Kaya si Pards nalang tinawagan ko.” sagot niya.

ANOOOOO?! PARDS!!? Bwisit! Pards na naman. -_-

Bigla akong nakaramdam ng inis kaya nawala ang ngiti ko.

“wag ka sumimangot dyan. Tinanong ko lang kung pano mag update ng software ng S4. Kinakain na ako eh haha! Wala ka naman, kaya siya nalang tinawagan ko. malay naman ni manang kung pano yun diba?” paliwanag nya.

Nanatili akong nakasimangot kaya naman hinila niya ako papasok ng kwarto nya.

Umupo kami dun sa couch tapos humarap siya sakin at hinawakan ang noo ko. tinanggal nya ang pagkakakunot ng noo ko.

“babylove, wala nga lang kasi yun. Sige, mag inarte ka! Christmas eve na mamaya tapos mag aaway tayo gusto mo?”

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Lintek na! para na akong baliw haha! Kanina nakasimangot tapos ngayon napangiti.

Lumabas na naman si matured Kien eh. Eh kanina lang sa sinabi ni manang para siyang bata diba?

 

Haha!

“eh sabi ni Manang, nagkulong ka daw nung di mo ko Makita?” tanong ko.

“eeeh?! Nagkulong talaga? Haha! Akala lang ni Manang yun. May ginawa lang ako kaya ako naglock ng pinto. Haha!” sagot niya sakin.

Ang ganda ng mood nya ngayon. Kahit may moodswings to. Basta ngumiti siya lalo ako naiinlove.

Natahimik lang kaming dalawa. Tinamad na naman kaming magsalita. Mas gusto naming magtitigan. Haha! Adik no?

Ayaw kong magsalita kasi, baka masabi ko pa yung surprise ko mamaya. At tsaka ang sarap nya titigan ngayon kasi sobrang ganda ng mood niya.

Kailangan nilang umalis ni Jellie ngayon para maset-up ko na lahat. Ibabalik nya lang dito si Kien pag naiayos na naming lahat. Ang tagal mo Jellie! Tsk! Baka kapusin kami sa oras ng pag seset-up.

Habang nakahiga siya sa lap ko, ako naman ay nakasandal sa sandalan nung couch nya. nakatingin siya sakin tapos ako naman ay hinahaplos ang buhok nya. Nagiging uneasy na rin ako dahil sa tagal ni Jellie. Tsk! Jan, sabihan mo yang chiks mo.

“babylove bakit parang di ka mapakali?” biglang tanong ni Kien sakin. Nahalata nya pala.

“ha? Hindi naman. Excited lang ako para sa first Christmas nating dalawa.” Oo, totoong excited ako. pero kasi kailangan mo talagang umalis muna eh.

Mag sasalita pa sana si Kien ng biglang nagring yung phone niya kaya tumayo sya papunta dun sa may sidetable nya at sinagot ang tawag nya.

Sana si Jellie na yan. Please lang!

“best? Bakit?” sabi ni Kien pagsagot sa phone.

Adik talaga to. Di uso hello eh. Haha!

Ayos! Tumawag na si Jellie. Buti naman.

“ha? Bakit?........eh!? Christmas eve na mamaya tapos mamimili ka palang?....... hindi naman sa ganun......oo na! Mag-aayos na ako...oo na nga eh! Sige na. bye.”

Tapos nakasimangot siyang humarap sakin.

“babylove, aalis ako ah. nagpapasama si Gelay sa mall eh.” Sabi nya sakin.

Umarte naman ako na parang nalungkot.

“ganun ba? Sige. Kala ko pa naman magbobonding tayo ngayon.” Sabi ko. syempre kailangan magdrama ng konti. Haha!

“sige kung ayaw mo di ko na siya sasamahan.”

Aww! Mali atang nagdrama pa ako.

“hindi! Okay lang. Basta balik ka agad ah?” hehe. Kailangan mong umalis babylove kahit ayaw ko sana.

“oo naman! Sige na, labas na at magbibihis ako.”

Bigla naman akong nakaisip na mang asar.

“ayoko. Dito nalang ako. papanuorin kita magbihis.”

Pagkasabi ko nun bigla siyang namula. Binato niya ako ng unan pero nasalo ko naman kaya di ako nasaktan.

“loooooooooooool! Pervert ka! Lumabas ka nga!” sigaw niya.

Haha! Halatang halata ang inis at hiya sa kanya.

“bakit? Makikita ko din naman yan eh. Edi pakita mo na sakin ngayon. Hehe” natatawa kong sabi.

Yung mukha nya nangangamatis na sa sobrang pula. Hahaha!

Hinila nya ako patayo sa couch at tsaka marahas na tinulak palabas ng pinto.

“BASTOS!” sigaw nya saka isinara yung pinto pero...

“ARAAAAAAAY!” sigaw ko. inipit ko kasi yung paa ko para di nya maisara yung pinto. Pero wrong move ulit. Full force pag sara nya kaya ang sakit.

Napatalon talon ako sa sakit. Huhu! Masakit yun ah. puro wrong move ako. walanjo!

“halaaaa. Babylove, sorry po. Sorry. sorry. ikaw kasi eh.” Nag-aalala siyang lumapit sakin.

“a-aaaah.” impit kong sigaw. Ambakla naman kung ilalakas ko diba?

“babylove sorry na. hindi nalang ako aalis para maalagaan kita. Okay? Sorry na ha. Di ko sadya.” nag-aalala na talaga sabi nya.

Bigla akong napatayo ng diretso. Kailangan niyang umalis para maayos ko na yung garden namin.

“okay lang ako babylove. Acting ko lang yun. Hehehe.” Pagkukunyari ko. kamagat ka Kie. Kumagat ka.

Bumalik yung inis sa mukha nya. Yes! Kumagat nga.

“tss. Bwisit ka talaga! Ang arte mo. Dyan ka na nga.” Sabi niya tapos tumalikod na sakin.

Papasok na siya ulit sa kwarto nya ng hilahin ko siya. Mukhang galit eh. Bawal siya magalit ngayon. Give love on Christmas day diba? Haha!

“wag ka na magalit. Nagbibiro lang naman ako kanina. Alam mo namang anlaki ng takot at respeto ko sayo eh. Smile na. pretty please?” sabi ko sa kanya.

Unti-unti siyang ngumiti. Haha! Huli na kiliti mo balbon! Nagpuppy eyed look kasi ako sa pagsasabi ng pretty please. haha.

“haha. Ampangit. Oo na! sige. Magbibihis na ako.”

Tumango nalang ako tapos pumasok na siya sa kwarto nya.

Sirang sira naman ang mukha ko na bumababa ng hagdan.

Nakahalata ata ni Manang kaya tiningnan nya ako ng nag aalala pero sinenyasan ko siyang okay lang ako kaya lumabas na siya papunta sa garden.

Naupo ako sa sofa sa sala. Haist! Kailangan mawala yung sakit. Mag seset-up pa kami eh.

Ilang sandal lang ay may bumusina na. Si Jellie na yan.

Pumasok si manang at tinawag si Kien dahil andyan na nga daw si Jellie.

Nakarinig nalang ako ng tumatakbong labag kaya sinita ko siya.

“hoy Kie!! Sinabing wag kang tatakbo sa hagdan ah!” inis na sigaw ko.

Eh kasi naman. Hilig na hilig nya yang tumakbo sa hagdan, eh pano kung maaksidente siya? Ano nalang diba?

“hehe. Sorry na po. Eto na, lalakad na lang ako.” sabi niya.

Inirapan ko naman siya. Oo, marunong ako umirap. Bakit babae lang ba pwede?

Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. medyo nawawala na din naman yung sakit ng paa ko.

“uy! Wag ka na sumimangot dyan. Sorry na nga po eh. Aalis na po ako. i love you poooo!”  panunuyo nya. Ang isip bata talaga nito.

Ang gulo ng ugali! Ngayon isip bata, mamaya matured naman. Hahalikan ko na to eh! Wahahaha

“oo na! hahalikan kita dyan eh. Sige na. ingat ka ah? subukan mong umuwing may kahit anong damage kahit sa dulo ng daliri mo, mananagot sakin si Jellie!” sabi ko na may kahalong pagbabanta pero nakangiti naman. Bigla siyang natawa sa sinabi ko kaya nagtaka naman ako.

 

“hahaha! Ako yung di nag ingat tapos si Jellie mapaparusahan? Grabe ka naman Cha! Hahaha!” sabi nya. Tuwang tuwa? Umalis ka na kasi Kie! Kailangan ko ng mag set up!

Kung alam lang ni Kien tong mga pinagsasabi ko, nakooo! Malamang bali na buto ko. haha. Nakarate na ko nito malamang kung malalaman nyang pinagtatabuyan ko na siya hahaha.

“biro lang yun. I love you!” sabi ko sa kanya.

Sasagot pa sana siya ng biglang pumasok si Jellie at sumigaw. Kita ko siyang pumasok eh hahaha.

“HOY, LOVE BIRDS! PWEDE BA TAMA NA MUNA YAN? AALIS TAYO KIEN! ANG TAGAL AH!” inis na sabi ni Jellie. Natatawa nalang tuloy kami ni Kien.

“sige na. galit na oh. Haha!” sabi ko kay Kien. Tumango lang sya tapos nag wink sakin. Ano sya? Lalaki? Lakas makawink ah! ako lalaki dito Kien! Hindi ikaw!

Nung makaalis na sila, tinawagan ko agad si Cole at Jan pati yung mga kabanda ni Kien para sa pagset-up namin sa garden.

KIEN’S POV

Medyo weird si Chase ngayon. Alam mo yun? Nakikipaglambingan pero parang tinataboy ako? ano kayang kalokohan ginagawa nun? Is he cheating on me? mapapatay ko siya nakoooo!

Nakarating kami sa mall after an hour. Oo AN HOUR! Ampupu! Ang traffic eh. Nakakabwiset!

“best ano ba talagang bibilin mo?” Sabi ko. actually umalis kami ng bahay 4 na. so aabutin kami ng gabi dito. Naku po! Tutulong pa naman akong maghanda para sa noche Buena namin!

“basta best! Iikot muna tayo sa mall.” sabi nya.

Nagbibiro ba sya? Iikot pa sa mall? Edi ginabi naman kami. Makokonyatan ko to eh.

“gagabihin tayo best!” – ako.

“okay lang yun. Tara dun!” tapos hinila nya ako. hays! Sige na nga. Kesa magtampo pa to. Paskong pasko!

Kung saan saan nya ako hinila. Andaming shop na pinuntahan. Bawat shop na daanan nya may binibili siya. Yung totoo? Christmas shopping o talagang shopping for herself? Eh puro para sa kanya naman binibili nya eh. Adik na babaeng to.

Kung saan saan nya pa ako dinala. Leche! Sakit na ng paa ko ah!

Hinila nya ako sa forever 21. Tss! Ang babaeng to, di pa tapos? Andami ng bitbit eh. Habang namimili siya naupo muna ako. pagod na ako! ano ba yan!

Habang nakaupo ako, napatingin ako dun sa wrist watch ko. at halos lumuwa ang mata ko ng makitang alas nuwebe na!!! takte!

Sisermonan ko na sana siya nung lumapit siya sakin pero di natuloy dahil sa pagbibigay nya ng phone nya sakin. Tumatawag daw kasi si Chase.

CHASE: baby! Asa mall ka pa?

Andaming callsign! Baby naman ngayon?

AKO: oo, di pa ata tapos tong si Best mamili. Sorry ah.

CHASE: ganun ba? Sige. Okay lang. Tapos narin naman naming ayusing yung pagkain para mamaya kakain nalang tayo.

AKO: okay po. Sorry di ako nakatulong.

 

CHASE: nakatulong ka kaya! laking tulong mo nga eh.

HUH?! Nagtaka naman ako dun! Pano ako nakatulong eh wala nga ako? sarcasyic ba sya? Batukan ko sya.

 AKO: huh?!

CHASE: haha wala! Bakit mo pala iniwan phone mo?

Pagkasabi nya nung kinapa ko bulsa ko at boom! Wala nga si phone. Card holder lang dala ko na pinaglalagyan ko ng mga cards ko. kahit cash pala wala ako. ayos na buhay. *sarcasm*

AKO: akala ko nadampot ko. sorry ah. may papabili ka ba kaya ka napatawag?

CHASE: ah oo nga pala. Haha! Nakalimutan ko. bili ka ng dress at shoes mo tapos isuot mo na dyan. baka maipit kayo sa traffic mamaya di ka umabot ng ayos yung damit mo. Hehe.

Nagtataka naman ako. bakit kailangan pang nakadress ako?

AKO: bat magdedress? Ayaw ko nun babylove!

CHASE:  sige na kasi! Pumayag ka na. basta dapat pag uwi mo nakaayos ka na ah? sige na. ba-bye! Mahal na mahal na mahal po kita! Muaaaaks! Haha!

AKO: eh teka lang...

*TOOTTOOT*

Busit yun, pinatayan ako ng phone! Mayayari ko siya e.

Pero kinilig ako dun sa huling sinabi nya ah! hihihi. May muaaaks pang nalalaman. Nabakla na naman hihihi. Ang cute nya talaga!

Habang ngingiti ngiti ako dun biglang lumapit si Best sakin.

“best, sukat mo to dali! Bilisan mo!” sabi nya sabay tulak sakin. Ang adik ng babaeng to! Hmmp!

Di na ako nakaimik at sinukat nalang yung binigay nya dun sa loob ng fitting room.

Pagkasukat ko dun ko lang naappreciate yung itsura nung dress. Ang gandaaaaaa! Akalain mong comfortable syang suotin. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin dahil gandang ganda ako sa sarili ko. haha. Sorry naman ah!

“oy best! Natulog kana ba dyan? Labas nga para Makita ko. daliiiiiiii! Magsasara na sila!” pang-aatat ni best. Tss! Magpapagabi siya tapos ako mamadaliin. Batukan ko sya eh.

Binuksan ko yung pinto ng fitting room para Makita nya ako.

“OH. MY. GOSH!”  paputol putol na tili nya. Haha nakakatawa itsura nya. Muntanga.

“wag mo nga kong titigan ng ganyan!” sabi ko naman sa kanya.

“natitibo na ata ako. pwedeng akin ka na lang?” sabi niya habang nakatulala sakin.

*PAK*

Batukan ko nga! Ang adik eh. Tibo tibong nalalaman nya.

“aray naman!” reklamo nya.

“eh ang gaga mo kasi eh! Anong tibo ka dyan. Di tayo talo at tsaka wala akong balak iwan si Chase para lang maging lesbian nu!” deretsong sabi ko naman.

“kyaaaa! Kinikilig naman daw ako Best! Hahaha. Di iiwan si Chase para sakin? Yieeee! Iba na talaga nagagawa ng love! Samantalang dati. Halos mapagkamalan kang tibo dahil sa mga pinaggagawa mo. Mag martial arts daw ba? Haha. Happy ako talaga para sayo best!” – Jellie.

“malakas kasi powers ng tinatawag na love. Wahahaha” pagkasabi ko nito pareho na kaming tumawa.

“ah mga ma’am, magsasara na po kasi kami.” Sabi nung sales lady.

“ah sige sige. Isa nalang. Pwede isuot nya na to? Babayaran ko nalang.” –Jellie.

Tumango yung sales lady tapos may pinasuot na flat shoes si Jellie. Para syang silver glittered na flat shoes tapos may ribbon sa top. Basta ganun. Imagine nyo nalang haha!

Pagkasuot ko, deretso kaming counter. Hindi na yung mga pinamili ang pinabalot nya kundi yung damit na suot ko kanina. Pinasuot na nya kasi sakin yung dress at shoes kaya ang ending nakabihis na ako.

Dumiretso kami ni Jellie sa parking lot. Nagsasara na kasi talaga yung mall eh. Pagkasakay namin ng kotse dun ko naalalang tumingin sa relo ko.

“anak ng pucha! Gelay, 10:30 na!!!” sigaw ko. bakit ganun? Ang bilis naman ata? Waaaaaaah. Baka di ako umabot! Kailangan magkasama kami ni Chase ngayon! Baka magtampo yun!

“oo na, eto na nagmamadali na nga eh.”

“bilisan mo talaga! Pag di tayo umabot bago mag 12 yari ka sakin!” pananakot ko. pero imbis na matakot ngumiti pa.

Nasa daan na kami ng maipit kami sa traffic. Nak ng teteng naman eh! 11 na for pete’s sake!

Naku! Pano ba to!!!

After 30 mins... halos 500m palang ang naiigagalaw ng kotse simula kaninang 11. Argh! 11:30 na. malayo pa bahay namin. Bwisit naman eh.

“Gelay baba. Ako magdadrive.” Sabi ko kay Jellie. Tinangnan nya pa ako na parang nagtataka pero di na ako nagsalita. Bumaba na ako ng front seat at umikot sa driver seat. Si Gelay sa loob nalang lumipat.

“Kien, relax. Makakaabot tayo.” Sabi niya pagkasakay ko ng driver’s seat.

“30 mins nalang at 12 na. di pwedeng dito tayo abutan.” Sabi ko nalang.

Nagtake ako sa u-turn na malapit samin at tsaka nagsuot dun sa short cut na alam ko. alam ni Jellie na mabilis akong magdrive pero sa mukha nya ngayon, mukhang kabado. Haha! Kinakarera ko na kasi lahat ng sasakyan.

“best relax. Nasa mabuting kamay ang auto mo. Di ‘to magagasgasan.” Sabi ko. pero ngumiti lang sya ng pilit.

10mins before 12 midnight nakarating na kami sa gate ng subdivision namin. Alam kong sa bahay magcecelebrate ng noche Buena si best kaya di na siya uuwi.

Makalipas ang 5 mins nasa tapat na kami ng bahay. Pero nakapagtataka na ang dilim?

Hala! Baka nagtatampo na sakin si Babylove. Agad akong bumaba at pumasok sa loob ng gate. Pagbukas ko ng pinto madilim ang buong bahay. Bakit ganun?

Biglang may suminding ilaw na maliliit na akala mo ay mga kulisap. Para nya akong binibigyan ng direksyon.

“best! Dali. Asan kaya sila?” sabi ko. pero pag lingon ko, wala rin si best. Hala! Ano bang nangyayari. Bahala na nga.

Sinundan ko yung ilaw na patungo sa garden namin. Eh? Anong meron sa garden? Pagdating ko sa garden sobrang dilim naman. Peste! Sinong may pakana nito? Wala akong Makita!

Halos mapatalon ako ng biglang may malakas na nagbilang. Parang count down.

“5...4...3...2...1... MERRY CHRISTMAS!”

Biglang nagliwanag yung paligid. Sa harap ko ay may stage at may banda, which is ang mga kabanda ko. anong ginagawa ng mga kulokoy na to dito? Pag nalaman to ni Chase nakuuu! Si mr. Selos pa naman yun.

Lahat ng kabanda ko ay ngumiti sakin. Ang gaganda ng ngiti. Kung magpeperform sila eh bakit walang mic sa stage? Mic stand lang. Ang weird ah!

Napalingon ako sa paligid ko at dun ko nakitang may mga set of tables din pala. Andun ang family ko at family ni Chase kasama si manang. Si best. Yung dalawang bestfriend ni Chase. Yung fiancée ni Patrik at yung mga girlfriend pa nung iba kong kabanda. Lahat sila ay may magagandang ngiti.

Napansin ko silang lahat pero may isang taong nawawala. Nasan ang babylove ko?!

Biglang nagsimula nang tumugtog ang mga kabanda ko. gusto kong tumutol kasi di ko pa nakikita si Chase!

Pero....

(play the video sa side :>>>>>>>>>)

OUT OF MY LEAGUE

 

It's her hair and her eyes today

 

May tumapat na spot light sa likod ni Patrik. At dun sumulpot ang taong hinahanap ko.


That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way

 

Naglalakad na sya papunta doon sa gitna ng stage at iika-ika. Nakatingin lang sakin at mukhang masayang masaya sya. Pero bakit siya IIKA IKA?!


All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes and she plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say

Sa totoo lang speechless ako ngayon, bakit nya ginagawa to? Plinano nya ba to lahat? Bakit di ko manlang to nahalata? Bakit di ko manlang to napansin?

At bakit sya iika-ika? Haha!


'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cause she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again

 

Kyaaaah! Sana hindi nila napapansin na kinikilig na ako. haha! Waaah. Babylove please!!! wag mo ko pakiligin ng ganito. Utang na loob!! Hihihi! Ang sweet na ng kanta with matching titig pang malagkit! Hihi.

Yung kanta. Napakameaningful nya. Sa kantang yan feeling ko sinasabi nya sakin lahat lahat ng nararamdaman nya. Feeling ko tuloy ako na ang pina espesyal na babae sa buong mundo. Kinabog ko pa ata ang Princess ng England sa ginagawa nyang to. Haha! Natotouch talaga ako sa ginagawa nya. Napaka sweet nito. Most memorable and best Christmas ever!



It's a masterful melody when she calls out my name to me
As the world spins around her she laughs,
Rolls her eyes and I feel like I'm falling
But it's no surprise

 

Halata ang pagtawa nya habang kinakanta ang part na yan ng kanta. Haha! Relate much lang babylove? Haha! Lalo din akong nafafall sa kanya, ang galing nya talaga kumanta! Siya na kaya gawin kong vocalist ng the knight? Haha ang gwapo laloooooo! ^_^



'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea
But I'd rather be here than on land
Yes she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again.

 

Totoo ba to babylove? Totoo bang you’re out of your league once again? So tulad ko, totoo bang na let go na nating dalawa ang nakaraan natin? Ang pagkawala nila? Haha! Shunga ko lang ngayon pa ako nagtanong ng ganito. Pero sa totoo lang naiiyak na ako. naiiyak ako sa sobrang saya at tuwang nararamdaman ko. sobra mo kong pinasasaya ngayon babylove! Iloveyou! I love you so much! :*



It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love makes me shiver, but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
As she purses her lips, bats her eyes
And she plays with me sitting there slack-jawed and nothing to say

 

Nagsimula na sya ulit maglakad pababa ng stage at palapit sakin. Simula sa umpisa ng nakatingin lang kami sa isa’t isa. At ngayong palapit na siya sakin lalong hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya kahit sobra na akong kinakabahan pero at the same time kinikilig din ako ng sobra sobra.


'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea
But I'd rather be here than on land
Yes she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again

“I LOVE YOU KIEN!”  sabi nya after nyang kumanta.

At ng sabihin nya yun, nagsimula ng mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. luha dahil sa sobrang saya at kilig na nararamdaman ko.

“bakit ka umiiyak?” tanong nya.

Niyakap ko sya agad at tsaka ko sinagot ang tanong nya.

“kasi po, kinikilig ako. naiiyak ako sa kilig at sa tuwa ng ginagawa mo. Mahal na mahal na mahal kita!”  sabi ko.

Naramdaman ko ang pagbaon nya ng mukha nya sa balikat ko. haha! Kinikilig din to. Panigurado na ako dyan hahaha.

“kinikilig ka no?”  pang aasar ko kahit medyo umiiyak pa ako.

Naramdaman ko nalang yung pagtango nya kaya napatawa ako ng tuluyan hahaha.

“adik ka talaga Cha. Patingin nga!” sabi ko sabay bitaw sana sa yakap para Makita mukha nya pero lalo nyang hinigpitan yung yakap nya kaya di ako makawala.

“wag na. nakakahiya. Dami kayang tao.” Sabi nya. Halata talagang nahihiya syang makitang kinikilig sya hahaha kaya hinayaan ko nalang.

After mga ilang seconds pa. Bumitaw na siya at tsaka tumingin sakin. Kitang kita ko ang pamumula ng tenga nya at pinkish na mukha. Hahaha nagblush si loko.

“kainan na aba! Gutom na ko! maya na yan lovebirds!” sigaw ni Cole na dahilan para tumawa ang lahat. Hahaha! Adik talaga ng isang yan.

Kaya naman naglakad na kami ni chase papunta dun sa buffet para kumuha ng pagkain din.

Matapos magkainan ay nagpalaro sila Papa at yung Daddy ni Chase. Lahat ay active sa game, ang gagara naman kasi ng premyo. May pera, gadgets and many more.

Eto na ata ang pinakamasayang Christmas na naicelebrate ko. sobrang saya. Walang katulad. Hindi ako humiling ng ganito pero sobra pa yung binigay sakin ni Lord. Kaya Lord, thank you po. Sobra! ^_^

Napakasaya po, at napaka gandang regalo ang binigay nyo sakin. Si Chase.

Thanks for the MOST PRECIOUS GIFT. ^___^

[A/N: waaaaaah! T_T sorry na talaga kung medyo matagal. Nablock kasi ako. As in nawala ako, yung tipong nagsusulat na ko tapos biglang nawawala. Ganun pala yun. Ang hirap. Sorrrrrrrrry pooooo! Sana pwede na tong pambawi. Super late na yung date kasi. Sorry talaga. Sana isupport nyo pa din ang story ko. :* thanks guys! Salamat sa pag intindi. Sorry ulit. Enjooooooy! ^_^]

Continue Reading

You'll Also Like

33.3K 1.3K 20
For early notice, this is a VAMPIRE story. Sa mga kapwa ko adik sa mga vampire diyan, basahin niyo na po :) I'm sure makakarelate kayo dito. A/N: Bag...
54.3K 1.6K 27
The lost princess of lightsky kingdom book2 Janna Saphire Ammetys the new princess of Lightsky Kingdom. Janna Saphire grew up in mortal world, they t...
46.6K 3.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
475K 14.3K 47
Limang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinali...