Montalban Cousins: New Genera...

By DianeJeremiah

1.2M 26.9K 3.6K

Masayang masaya si Stephanie dahil sa wakas nakapasok na din siya sa prestisyosong unibersidad, ang Montalban... More

Author's Note
Montalban Cousins: New Generation
Chapter 1 Meeting the General
Chapter 2 The Player
Introducing Flynn Montalban
Chapter 3 The Swimming Lesson
Chapter 4 Everyday A Disastrous Day
Chapter 5 Better Match
Chapter 6 I Need You
Chapter 7 The Date
Chapter 8 I Like You
Chapter 10 After the Fire
Chapter 11 I'm Her First
Chapter 12 Hailey Day?
Chapter 13 You & Me
Chapter 14 What's with Jazmine?
Chapter 15 Making Me Feel Special
Chapter 16 Jealousy
Chapter 17 Meeting Her Family
Chapter 18 Her
Chapter 19 Text Messages
Chapter 20 Kiss and Make Up
Chapter 21 First Month
Chapter 22 First Game
Chapter 24 The 'Incredible' Stephanie
Chapter 25 Preparation for the Vacation
Chapter 26 Like Bestfriends
Chapter 27 Alone With You
Chapter 28 Keeping the Promises
Chapter 29 Roller Coaster Ride
Chapter 30 Pain is Real

Chapter 23 First Game Part II

22K 791 101
By DianeJeremiah

"I am hopelessly in love with you, no point giving me advice. I have drunk love's poison, no point taking any remedy. They want to chain my feet but what's the point when it is my heart that's gone mad."

Hailey POV

"You look delicious as hell, Montalban."

Kanina pa nagdi-dirty talk sa akin si Skylo just to provoke me. Pero pasensya na, nagbaon ako ngayon ng madaming pasensya dahil gusto kong ipanalo ang larong ito. Para makapagbakasyon kami ni Stef. Yun lang ang dahilan ko at wala ng iba.

"Why don't we try it some time." Mahalay na bulong pa niya sa akin habang binabantayan ako dahil ako ang may tangan ng bola. Minsan pa nga ramdam ko na sinasadya niya akong mahawakan sa dibdib pero binabalewala ko lang yun.

Pagkatapos ng laro, lagot siya sa akin. Bulong ko sa sarili ko.

Habang siya dada ng dada sa akin ng kung ano-ano, ako naman binabasa yung movements niya. Magaling si Skylo at madami akong nababalitaan tungkol sa kanya. Nakita ko na din siya minsan maglaro at isa lang ang masasabi ko, tuso si Skylo sa larong basketball. Physical din siyang makipaglaro.

Ipinasa ko yung bola kay Brianna, small forward namin. Napangisi sa akin si Skylo dahil dun. Pero di niya alam, may game plan na kami. Minsan ako ang ipinapain nila para ma clear yung iba at malayang makapag-shoot o umatake dun sa basket.

Mabilis akong tumakbo papunta sa left side at agad ipinasa sa akin ni Brianna yung bola at mabilis ko naman iyon pinakawalan.

Two-point shot from Hailey Montalban! Nakangising bulong ko sa loob loob ko.

Hiyawan naman ang crowd lalong lalo na ang mga taga suporta ng MGU. Naningkit naman ang mga mata ni Skylo sa akin. Hawak niya ngayon ang bola at alam ko na kung anong gagawin niya. Susubukan niya akong ma-foul. Dalawa na ang foul ko dahil di ako masyado nag-ingat kaninang first quarter at ngayon nga ay patapos na ang second quarter.

She dribbled the ball expertly. Inatake niya ako but I stood my ground at natumba ako sa lakas ng impact nun.

"Offensive foul!" Sipol nung referee.

Agad na nagreklamo si Skylo dun sa referee at narinig ko pa yung pagmumura niya.

"Technical foul." Na charge san ang St. Mary's ng technical foul.

Hayun pinaupo na tuloy siya ng coach nila. Tinulungan naman ako ng mga teammates ko na bumangon. Magfe-free throw ako ng isang beses dahil sa technical foul plus ball possession dahil naman sa offensive foul.

Naipasok ko naman yung free throw ko. Dikit talaga ang laban, 53-50. Lamang lang kami ng tatlo. Naka 18 points na ako, 2 steals at 9 rebounds hanggang second quarter.

"Last two minutes!" Narinig kong anunsiyo ng announcer.

Kailangan naming lumamang kahit sana sampu lang bago mag end ang first half. Pero di naman yun naipasok ni Charity, yung point guard namin. Na rebound tuloy nung kalaban at pinagpasapasaan nila hanggang sa inatake nila yung basket pero nasupalpal naman ni Hyacinth, center namin, yung tira sana nung player nila sa kabilang team. Na-foul siya dahil natampal niya yung kamay nung kalaban.

Nagpunta sa free throw line yung kalaban at magso-shoot ng dalawang beses. Naipasok niya yung una pero hindi na yung huli. Na-rebound naman agad iyon ni Hyacinth at agad sinecure yung bola. Sa pagpa-practice namin, nakita ko na may chemistry kami ni Hyacinth sa loob ng court. Kumbaga, kaya naming basahin yung senyas ng bawat isa. Kahit sa simpleng tingin lang.

Ipinasa niyang muli sa akin yung bola at aatake sana ako para i-shoot yun pero nakita kong tatlo na silang bantay ko kaya agad ko iyong ipinasa kay Hyacinth. Dinunk naman niya agad yun para sure na daw yung score.

Nagtapos ang second quarter sa score na 59-53. Ayos na rin yun kahit anim lang yung lamang namin. May oras kami para kahit papano makahinga at magpahinga.

Medyo sumasakit yung balikat ko na nabunggo kanina ni Skylo. Agad kong hinubad yung suot kong jersey, may sando naman ako na black sa loob kaya okay lang. Pinadampian ko ng ice pack iyon sa medics ng school para kahit papaano marelax ng konti.

Kinakausap kami ni coach dito sa dug-out. Nakasandal lang ako sa upuan habang may ice pack sa balikat ko. Magkakapasa ito tiyak. Iilang beses lang kaya ako umupo para magpahinga.

"Hailey, are you okay?" Narinig kong tanong sa akin ni coach.

"Yes coach." Sagot ko sa kanya.

"You did great back there." Sabi niya sa akin.

"We all did." Ganting sagot ko sa kanya.

Nakita ko naman kasi yung kagustuhan ng team ko na manalo. Yung determinasyon nila kahit pa most of them ay mas maliit kompara dun sa kalaban naming team.

"Kaya natin 'to." Sabi ni Hyacinth sa aming team niya.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid. "Kagaya sa practice?" Makahulugang sabi ko sa kanya.

Napangiti siya sa akin. Mabait siya at tsaka madali mo lang siyang makakagaanan ng loob. Isa siyang butch actually.

"Sure." Nakikipag fist bump siya sa akin.

Nakangiting dinikit ko din yung kamao ko sa kanya. "Kailangan ko itong ipanalo."

"Para kay Stef?" Nakangiting singit niya.

Tumango ako sa kanya. "Yeah."

"Okay guys, let's get ready!" Sigaw ni coach sa amin.

Tinanggal na ng medics yung ice pack sa balikat ko at muli ko ng isinuot yung jersey ko na natuyo na sa pawis.

"Go, go, go." Sabi sa amin ni coach at isa isa kaming tinapik palabas ng dug out.

Tumunog na yung siren hudyat na magsisimula na ang third quarter. Muli kaming kinakausap ni coach para sa mga gagawin namin. Nang sumulyap ako kina Stef, katabi na pala niya dun si mama Ana ko na kumakaway kaway pa sa akin. Di ko alam na pupunta pala siya para manood. Nakangiting kumaway din ako sa kanya.

Muli kaming pumasok sa loob ng court at tangan ng kalaban ang bola. Nakapagpahinga din ako kahit papaano kaya bumalik yung lakas ko.

Mukhang ngayon pa lang talaga magsisimula ang laban dahil panay ang puntos ng SMU. Naba-block din nila minsan yung shots ng kasamahan ko. Nakakabuwisit pa yung bantay ko, inasawa na niya yata ako eh.

"Hyacinth!" Tawag ko sa kanya ng hawak niya yung bola.

Tumango naman siya sa akin. Para kasing nag iba ng defense si Skylo. Di katulad kanina na basang basa ko yung mga galaw niya.

Dino-double team na naman nila ako. Ang lamang ko sa kanila, mabilis at maliksi ako gumalaw kaya minsan naiiwanan ko si Skylo at yung mga kasama niya. Nag-cross over ako saka bitaw nung bola. Huli na ng maharangan ako nung isa sa kalaban, at pagbaba ko, seven-feet jump shot, nadikit yung katawan niya sa akin. Foul!

Kailangan kong maipasok yung bola dahil lamang na ang kalaban ng tatlo. Sobrang dikit nung laban namin talaga. Pumasok naman. Wala pa akong nami-miss na free throws.

Palitan lang ng shots. Lamang pa rin sila sa amin. Parang na recharge sila ng half time. Hanggang sa natapos yung third quarter at lamang sila ng limang points.

"We can do this, okay?!" Sigaw ko sa team ko. "We need to win this game over the Thunders!" Pampalakas loob ko pa sa kanila.

Naghawakan kami ng mga kamay sa gitna. At pagpasok ng fourth quarter, tensyonado lahat. Lalo na't lamang ang kalabang kuponan. Naisip ko naman, na kailangan talaga ng team effort sa larong ito. Hindi pwedeng iisa lang yung nagtatrabaho para maipanalo ang laro.

Tangan ni Skylo yung bola. "Wala na, Hailey. Talo na kayo." Pang-aasar niya sa akin habang dini-dribble niya yung bola.

Inaalala ko naman yung mga practice namin dati ni Taz. Magaling kasi siya mag dribble at nahihirapan ako minsan mag steal sa kanya.

"Hindi pa tapos ang laban, Skylo." Sabi ko sa kanya. "Nagsisimula pa lang akong ganahan." Pagkasabi ko nun ay sim bilis yata ako ni flash na inagaw sa kanya yung bola saka tinakbo yun sa basket namin.

Alam kong nakahabol sa akin yung dalawang kalaban kaya naman ipinasa ko yung bola kay Brianna at siya ang nag-shoot nun dahil given na na ako ang binabantayan nung dalawa at libre si Brianna. Palakpakan naman ang mga taga suporta namin.

"Hindi na yun mauulit pa, Montalban." Banta naman sa akin ni Skylo.

"Yun ang akala mo." Nakangising sagot ko sa kanya.

Tumabla na yung score, 91-91.

"Last two minutes!" Sabi na naman nung announcer.

Kung kailan naman kelangan naming pumuntos, saka nai-turn over nung kasamahan namin yung bola. Tsk. Sayang yung possession. Naka score tuloy sila sa kabila ng three points. At nung bola ukit naman namin, na steal pa ni Skylo, two points na naman. Lamang na agad sila ng lima. Kulang kulang isang minuto na lang ang natitira sa oras.

Kinausap ko yung teammates ko ulit ng time out. Desperado akong ipanalo yung laban. I hate losing. I need to do something.

Ball possession namin. Di ako papayag na hindi maka shoot. Pinagpapasapasahan namin yung bola. Four seconds to shoot. Pinasa sa akin ni Charity yung bola at running three point shot ang pinakawalan ko.

"Yes!" Napasigaw ako ng pumasok iyon.

Dalawang points na lang hinahabol namin, may forty seconds pa sa orasan. Nagtime out ang kabilang team. Napa-sign of the cross ako ng muli kaming pumasok sa court. Bola ng kabilang team. Bantay na bantay ko si Skylo kaya di nila maipasa yung bola sa kanya. Narebound iyon ni Hyacinth ng di mai-shoot nung center nila. Takbo siya sa court namin at pinasa sa akin yung bola. Running lay up ang ginawa ko, pero bago ko yun makita kung pumasok kasi umikot ikot yung bola sa ring, naitulak ako papunta sa may poste ng ring. Pasok man o hindi yung tira ko, well sana pasok, nakatawag na yung referee ng foul.

Tumama yata yung ilong ko dun ang sakit. Kaya naman napahawak ako dun. May dugo. Naghiyawan ang mga tao. Pasok yung tira ko! Damn, worth it!

Agad na lumapit sa akin ang mga medics ng makita yung dugo sa ilong ko. Tiningnan nila yun kung nabali or what. Mukhang di naman sa pagkakaalam ko. Sandaling natigil yung laro para ma-check ako. Nang mapatigil na yung pagdurugo ng ilong ko at nalagyan ng plaster yung sugat sa may gitna ng mga mata ko, tinawag na ako para mag shoot ng isang free throw.

Panay ang buga ko ng hangin. Kinakabahan ako syempre. Nanginginig pa yata yung mga kamay ko ng hawak ko na yung bola at magso-shoot na.

Para kay Stef. Sabi ko sa isipan ko.

Pinakawalan ko na yung bola wishing na papasok iyon. Shit! Pumasok nga. Lamang na kami ng isang puntos.

Tumawag ng time out yung sa kabila. Last na nila yun. Ten seconds na lang ang natitira sa orasan. Alam kong kay Skylo ibibigay yung bola.

Pumito na yung referee at pumwesto na ulit kami sa loob ng court. In bound na. At tama nga ako, kay Skylo ipinasa yung bola pero bago pa niya iyon nahawakan, natalon ko na yun. Kaya lang natapon naman sa labas ng court. Na loose ball tuloy. Sayang naman. Inulit nila yung in bound pero bawas na yung oras kailangan nilang bitawan yun agad. Hindi na kay Skylo ibinigay. Sa center nila na magaling sa three-point shooting. Pero na-block agad iyon ni Hyacinth ng walang foul.

Nagsisigaw siya sa saya dahil tumunog na yung siren at ibig sabihin nun, tapos na ang laban. Panalo kami by one point. Nagsisigaw kaming magkaka-team na nagyakapan sa isa't isa.

Nang pormal na nai-announce na kami na ang panalo, 97-96, nakipagkamay na kami sa kabilang team.

"Montalban!" Tawag sa akin ni Skylo ng makalapit siya.

Nagbaling ako ng tingin sa kanya at hindi ko inaasahan yung gagawin niya. Hinablot niya ako sa batok saka hinalikan sa labi. Nanlaki yung mga mata ko kaya agad ko siya itinulak at kani-kanina ko pa 'tong gustong gawin sa kanya. Sinuntok ko siya sa panga at napahiga siya sa sahig. Pinagkaguluhan tuloy kami at kanya kanya ang awat sa amin.

"Kating kati na akong gawin yan sayo kanina pa, Skylo." Sabi ko sa kanya saka napadura ako sabay punas sa bibig ko dahil sa pandidiri sa halik niya sa akin.

"Hailey!" Narinig ko yung tawag sa akin ni Stef.

Nakita ko siyang sumisiksik sa crowd, nasa likod niya si mama Ana ko at si Spencer.

"Babe." Sinalubong ko siya at agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.

Naialis na si Skylo sa harapan ko at bago siya tumalikod ay narinig ko pa siyang nagbitiw ng salita.

"Hindi pa tayo tapos, Montalban!" Sigaw niya pero di ko na siya pinansin.

Ang mahalaga sa akin ngayon, panalo kami. Panalo ang team namin at ang school. At for sure, maglalaro ulit ako.


(Hello po. Baka po di ako makapag update bukas, Christmas party po kasi sa opisina and buong maghapon po yun. Salamat po sa pag iintindi 😊)

Continue Reading

You'll Also Like

276K 7.6K 29
[GirlxGirl] Live, Love, Life Series | COMPLETE A dark past has been keeping Atty. Jemimah Contreras afraid of showing her real self. She may have suc...
721K 13.7K 67
What's new? They all call me a mistress, kaya pinaninindigan ko yun kahit ang kapalit ang saktan ako ng taong mahal ko. My love for her is for eterni...
20.8K 636 8
I thought we had something Wala pala Pinaniwala niya ako na wala kaming hangganan. Ngunit basta ko nalang siya nakitang nakabubad kasama sa isang kwa...
802K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.