"Kung galit ka sabihin mo sa'kin . . . sabihin mo sa'kin kung bakit. Kung nasaktan kita sampalin mo ako, gantihan mo ako. Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ako."
"Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako. Takbuhan mo kapag may problema ka, tagasunod, tagabigay ng advice . . . tagatanggap ng kahit na ano, and I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend. Dahil kahit kailan, hindi mo naman ako makikita e. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan."
Sa bawat patak ng luha, bawat pag hikbi at bawat salitang sinasabi ng karakter ni Jolina ay lumalalim ang paghinga ko. Ang hirap hirap huminga. Ang sakit na din ng lalamunan ko sa pagpigil ng mga hikbing nagpupumilit kumawala.
Bakit ba masyado akong apektado? Bakit lahat na lang ng bagay ay pinaglalaanan ko ng mga luha? Nakakainis, sakto lahat ng sinabi niya sa mga salitang gustong gusto kong sabihin sa kaibigan ko.
Tumayo ako at pinunasan ang ilang likidong kumawala. "K!" Nilingon ko si Anne na tumawag sa pangalan ko.
Nakita ko kung paano siya nag alala sa itsura ko. Hindi ko na nga malaman kung ano na ba ang itsura ng mukha ko. Kung namumula na ba ang mata ko ay hindi ko alam. Sobrang hapdi lang talaga ng mata ko at gusto ko na itong ilabas lahat . . . lahat lahat.
Silang tatlo ay nakatingin sa'kin . . . kasama si Vice. Kung alam ko lang na ito ang pinaplano ni Anne ay sana una palang ay tumanggi na ako.
Oo, gusto ko siya na makasama ulit. Pero hindi sa ganitong paraan. Ang bigat na nga ng pakiramdam ko, idagdag pa ang pelikula na si Anne mismo ang pumili. Hindi naman masyadong halata na pinagplanuhan niya 'to ng lubos.
Sa mga mata niya ay nabanaag ko ang pag-aalala. Ano, hindi na ba niya natitiis ang hindi pag pansin sa'kin? Sana nung nakita niya ang mata ko ay nabasa niya ang pinaparating nito. Na nasasaktan ako ng dahil sa kanya.
"Cr lang muna ako," pagpapaalam ko sa kanila. Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko kung paano siya yumuko. Hindi ba niya kinaya na makita akong ganito?
I looked at the mirror. Pinilit i-kurba ang mga labi para makabuo ng isang ngiti . . . isang ngiti na matatago ang lahat ng sakit.
Pero pilitin man pigilan ay kusang tumulo na lang bigla ang mga likidong nagmula sa mga matang pagod na sa pag-iyak. Sa mga matang nasaksihan lahat ang masasakit na pangyayari nitong mga nakaraang araw.
Ilang beses akong sumubok na kausapin siya. Pero sa huli ay iniiwasan niya lang ako. Sinubukan ko din na tawagan siya sa cellphone, pero nasaktan lang ako dahil pilit niya itong pinapatay. Konting konti na lang ay magiging manhid na lang din ako sa lahat.
Huminga ako ng malalim, pinahiran ang nabasang pisngi at ngumiti ulit. "I'm strong," pabulong kong saad at tuluyan ng kumawala ang mga luha.
Pinihit ko ang seradura ng pintuan na nakayuko ang aking ulo. Nakita ko ang pares ng paa niya. Baka gusto lang niyang mag cr, sa huli ay umalis ako para hindi makaharang sa daraanan niya. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay pinigilan niya ako bigla - sa pamamagitan ng pag-higit sa'king braso.
Nagtaas ako ng tingin at nagtataka siyang tinignan. "Let's talk," mababa ang tono ng boses niya. Kinilabutan ako kahit na hindi ko alam kung bakit.
Gusto kong tumawa, humagalpak sa tawa at umiyak dahil sa kakatawa. Noong mga panahon na gusto ko siyang makausap, mga panahong gulong gulo ako sa aksyon niyang ginawa at pati pride ko nilunok ko na para lang makausap ko siya maitanong kung bakit. Bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to. Pero ngayong siya na mismo ang nagkusa ay nakaramdam ako ng inis.
Bakit kapag siya ang nag-aaya na mag usap kami ay ang bilis kong mapapayag? Isang sabihan lang niya sumusunod kaagad ako.
Dehado ka, Karylle.
Hinila niya ako sa loob ng cr. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Tanging buntong hininga lang namin ang maririnig dito sa loob. Parehas kaming nakatingin sa repleksyon ng sarili namin.
Akala ko ba mag uusap?
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, humugot ako ng lakas ng loob para magsalita. "Bakit Vice? . . ." Tanong ko at tumingin sa kaliwang direksyon - kung saan makikita ang kanyang repleksyon sa salamin. Napatingin din siya sa repleksyon ko nang magsalita ako. "Bakit mo 'to ginagawa? Anong bang kasalanan ko para iwasan mo 'ko?" Hindi ko na napigilan mapahikbi.
Ilang araw ko din 'tong tiniis. At ngayong may oportunidad na akong ilabas ang lahat ay hindi ko na inaksaya.
"K," pagsita niya sa'kin dahil patuloy lang ako sa paghikbi.
"Kasi kung ikaw natitiis mo ko na hindi kausapin, ako hindi. Vice, ilang araw mo kong hindi pinapansin. Ilang beses mo 'kong tinanggihan sa mga alok ko. Tumigil na lang ako kasi pagod na ako. Baka kailangan ko lang ng kaonting panahon para mag pahinga. . . baka kailangan lang nating dalawa ng pahinga." Paglalahad ko ng aking saloobin.
Mas masakit ang mawalan ng kaibigan kaysa sa karelasyon.
"Karylle, hindi mo kasi naiintindihan."
"Kung gano'n ipaintindi mo naman sa'kin. Ipaintindi mo sa'kin lahat lahat kung bakit mo ko pinapahirapan ng ganito." Saad ko sa pagitan ng paghikbi.
Hinawakan niya ang magkabila kong braso at pinaharap sa kanya. "Kasi nga hindi na tayo 'yung dati. May Zen ka na, at ako naman may Renzo na."
"So ano? Gano'n na lang 'yon. Vice, magkaibigan tayong dalawa. At kahit na may Zen ako, ikaw pa rin eh." Kung sana naintindihan niya ang gusto kong iparating. "May Renzo ka na, ako pa rin ba?" Isang tanong na nagpabitaw sa kanya mula sa paghawak sa'kin.
Yumuko siya at huminga ng malalim. Umikot ako patalikod sa kanya para simplehang punasan ang nabasa kong pisngi.
"K naman, kaibigan kita." Dinig kong salita niya mula sa likuran ko.
"Kaya ba umiiwas ka sa'kin dahil mahal mo na siya ulit . . . o dahil hindi mo na ako kailangan sa buhay mo?"
"Karylle,"
"Alam kong Karylle ang pangalan ko, Vice. Ang tanong ko ang sagutin mo. Ako na kaibigan mo o siya na mahal mo na?" Hinarap ko siya at tinanong. Tiim baga akong naghintay sa sagot niya.
Umiling ang kanyang ulo at kinagat ang kanyang ibabang labi. "H'wag mo nang sagutin. Bakit ba kasi tinanong ko pa, alam ko naman kung ano ang sagot." I smiled at him, fakely.
Kahit malabo na isagot niya na ako pa rin ang kailangan niya ay umasa pa din ako.
"Please, h'wag mo 'tong gawin sa'kin." Nagmamakaawa niyang saad.
"Paki usap din, Vice. H'wag mo na rin tong iparamdam sa'kin ulit. Kasi durog na durog na ako! Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, kung ano ba ang gusto kong mangyari." Napatitig siya sa'kin habang nagsasalita ako.
"Durog na durog? Anong karapatan mong sabihin 'yan? Bakit may ginawa ka ba noong sinabi kong nagseselos ako? Hindi ba't wala? Ikaw mismo ang gumawa ng isang bagay para layuan kita." Seryosong salita niya, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Kung nadala lang ba siya ng kanyang emosyon ay hindi ko malaman.
Did he just say those words? Inamin niya talagang nag seselos siya.
Pakiramdam ko'y natuod ako. Nagulat marahil sa mga salitang kanyang binigkas. Sa sobrang tuwa ko ay napaiyak na lang ako. Napagtanto ko na tumalikod na siya sa'kin at naglakad palayo.
Ikaw lang ba may karapatang mag selos? Kung alam mo lang na araw-araw, minu-minuto, oras-oras ko kayong nakikitang magkasama ay nakakaramdam ako ng selos.
Sa sumunod na mga araw ay hindi na kami muling nagkita. Ilang beses na din humingi ng tawad sina Anne at Vhong. Pilit nilang inaako ang kasalanan na hindi naman sila ang may kagagawan. Hindi nila intensyon na pag awayin kaming lalo, ang tanging nais lang nila ay magkaayos kami ni Vice. Inamin ko sa kanila na nagkasakitan kami ni Vice sa pamamagitan ng salita. Hindi pisikal pero ang sakit sa damdamin. Buong pagkatao ko apektado.
"K, sorry talaga. Hindi namin sinasadya ni Vhong." At hanggang ngayon ay humihingi pa din si Anne ng kapatawaran kahit na ilang araw na din ang nakalilipas simula nang mangyari 'yon.
"Ano ka ba, Anne okay nga lang. Desisyon naming dalawa 'yon. Labas ka don." Sabi ko sa kaniya.
Isang araw ay nagpunta si Vice sa unit ko. Palihim pa akong napangiti dahil akala ko ay hihingi na siya ng sorry at magkakaayos na kaming dalawa. Pero ang lahat ng 'yon ay gumuho na lang kaagad nang sabihin niya sa'kin aalis na siya. Pupunta daw siya ng ibang bansa for a business purpose at para na din makapag pahinga. Tumango lang ako. At pagkatapos no'n ay umalis na siya.
Gustong gusto ko siyang habulin, yakapin, pigilan na sana ay h'wag na siyang umalis, at higit sa lahat ay aminin sa kanya ang totoong nararamdaman ko kahit huli na ang lahat . . . kahit na hindi na pwedeng remedyuhan pa. Pero ang ginawa ko lang no'n ay tumayo. Panuorin siyang maglakad palayo sa'kin. Pinanuod ko lang siya na iwan ako ng basta-basta.
Wala akong ginawa. Kaya deserve ko ngayong pagsisihan ang lahat.
"Pero kasi kung hindi namin ginawa 'yon, e di sana nandito pa din si wakla. Sana hindi siya nag ibang bansa para makalayo sa'yo." Konsensyang konsenya na sambit ni Anne.
Pinili niya magpakalayo-layo para makaiwas sa'kin. Kasi ako lang ang nagdudulot sa kanya ng sakit. Ako lang 'yung tao na binigyan siya ng malaking problema.
"Work muna, Anne. Okay lang talaga ako. Kalimutan mo na 'yon." Nginitian ko siya. Pinaniwala na okay lang ako.
Umaasa ako na sana dumating ang araw na maging masaya naman ako, katulad ng ginagawa kong pagpapanggap.
"Zen, roadtrip tayo." Sabi ko sa kanya nang makasakay ako sa kanyang sasakyan. Everyday ay hinahatid sundo niya ako sa trabaho. Ayoko na din munang gamitin 'yung sasakyan. Kasi kahit saan ako tumingin sa loob no'n ay may bahid ng alaala niya. Mas mabuti nang umiwas muna.
"Where do you wanna go?" Tanong niya habang nagkakabit ng seatbelt.
"Anywhere. Ilayo mo muna ko dito."
"Wala pa rin bang tawag o message mula sa kanya?" Saad niya habang nakatingin sa daan. Nalaman niya dahil inaya ko siya noon na samahan niya akong mag bar. Sinubukan ko lang naman na uminom ulit, kahit na nagkatrauma na ako sa pag-inom nito. Dahil sumagi sa isipan ko ang nangyari noong huling nalasing ako.
Ang sarap lang ulit makatikim ng alak. Ginawa ko lahat ng gusto ko, na ayaw niyang ginagawa ko. Ang sarap maging malaya. Pero ang hirap lumaya sa taong nakasama ko ng matagal na panahon.
Parang bigla-bigla na lang ay gumuho ang labing isang taon na pagsasama namin bilang magkaibigan. Ngayon lang kami nagkaganito.
Labing isang taon na pinuno namin ng masasayang alaala na ang sarap balik-balikan pero ang sakit nang isipin. Walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko. Pero kailangan kong magpakatatag, kasi baka kailangan lang ng space ng isa't isa.
"No communication at all. Hindi na din naman kailangan." Sagot ko sa katanungan niya. Anong pang silbi ng komunikasyon kung parehas kaming nakararamdam ng pagka ilang.
"Kailangan 'yon. Darating din 'yung time na magkakaayos kayo at babalik lahat sa dati." Matalinghaga niyang salita.
Tinuon ko ang atensyon ko sa tanawin na makikita sa labas ng bintana. Nakita ko ang sign board papunta ng Laguna. Ngumiti ako dahil kahit hindi ko diretsyahang sinabi sa kanya kung saan ko gustong pumunta ay nalaman pa din niya. Gusto kong umuwi sa bahay namin. Gusto ko nang makita ang pamilya ko.
Baka sakaling sumaya ako at mapawi ang lungkot, kapag nakita ko sila at nayakap.
Halo-halong boses ang naririnig ko sa loob ng bahay namin. Sigawan ng mga kapatid ko - na paniguradong naglalaro ng xbox. At ang boses ni Papa kasama ang mga bisita niya.
Kaarawan ngayon ni Papa, kaya ginusto ko din pumunta dito ngayon. Ayokong ma-miss kahit isa sa mga birthday nila. Gusto ko na habang nabubuhay ako ay nakakasama ko sila sa mga special na kaarawan.
Tulad ngayon, gusto ko silang makasama at maramdaman kung gaano kasarap makasama ang sariling pamilya.
"Pa!" Salubong ko kay Papa na nagbukas ng gate sa'ming dalawa ni Zen. Halata sa mga mata niya ang gulat - siguro'y hindi inaasahan ang pagdating ko. "Kamusta ka na, Pa? Namiss kita!" Nasasabik kong saad.
"O, napauwi ka. Wala ka bang trabaho?"
"Si Papa naman hindi na nasanay. Alam mo namang ayaw kong ma-miss ang bawat birthday niyong lahat." Nakangiti kong saad at kumalas na sa yakapan. Nag give way ako para kay Zen. "Pa, si Zen."
"Boyfriend mo ulit?" Nakakunot noong tanong ni Papa. Alam nila ang pinag daanan ko noon. Hindi nga nila natanggap na naloko ako. Ano daw bang karapatan ni Zen na saktan ang katulad ko na kamahal-mahal naman.
Nagkatinginan kami ni Zen. Gusto kong sumagot na hindi, pero ayokong makasakit sa gagawin kong sagot. "Uh . . . hindi po, nanliligaw pa lang po ako actually." Siya na mismo ang sumagot. Kinuha niya ang kamay ni Papa at nagmano dito. "Hello po, magandang gabi."
Nakita ko ang pag tapik ng bahagya ni Papa sa uluhan ni Zen. "Ingatan mo. H'wag ka na ulit magpapakita sa'kin kung hindi mo pahahalagahan." Napangiti na lang ako.
Kung ako mismo ang papipiliin, gusto kong mahalin na lalaki ay ang katulad ni Papa. Sobra sobra 'yan kung magmahal. Kahit nga ilang taon na silang kasal ni Mama ay wala pa rin siyang palya - palagi pa din niyang binibigyan ng bulaklak o kahit na anong regalo si Mama. Kung pwede lang talaga ako mamili. Pero kailan man hindi naman 'to natuturuan. Siya pa din, kahit anong mangyari.
"Ate!" Sabay sabay silang sumalubong sa'kin. Natawa na lang ako dahil literal na dinumog nila ako. Talong pares ng kamay ang nakayakap sa'kin.
"Bakit ngayon ka lang ha? Naghintay kaya kami nung laban namin sa school - hindi ka naman nanuod. Tinext pa kita no'n." Sumbat sa'kin ni Earl - sumunod sa'kin na nakakatanda. Kung pwede nga lang talaga na pumunta ako no'n ay ginawa ko na - pero nung mga panahon kasi na 'yon ay kasama ko si Vice. 'Yung panahon na kailangan na kailangan niya ng masasandalan.
Why can't my feelings leave me like everyone else does?
"Ito na nga bumabawi na. Kamusta ba 'yung game? Panalo ba? Nanalo ka na din ba sa puso ni Klea?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. All time crush niya 'yon. Katulad din ng sa'min, mag bestfriend din sila. Pero ang pinagkaiba nga lang, siya mismong lalaki ang nahulog hindi 'yung babae. Nasa genes ata namin 'to. Mahulog nang hindi sinasadya sa kaibigan namin.
"Ate naman. Wala 'yon. Magkaibigan lang talaga kami." Pag depensa niya. Kahit ngumiti man siya at ipakita na okay siya, hindi pa rin nakaiwas ang paningin ko sa mga mata niya. Taliwas ang pinaparating ng malulungkot niyang mga mata. Kilala ko na 'to, eh.
"Sus, kung maka chika ka sa'kin noon parang end of the word na kasi nahulog ka sa kanya." Tumawa ako. Inirapan niya lang ako na lalong nagpatawa sa'kin.
"Ate, wala manlang bang pasalubong?" Reklamo naman ng bunso kong kapatid na si Arphy.
"Wala nga e. Biglaan lang kasi. Hayaan mo, bukas lilibot tayo, okay ba 'yon?"
"Aba eh okay na okay ate." Nagtawanan lang kami dahil sa kakulitan ni Arphy.
"Ate sino siya? Siya ba 'yung Zen?" Binaling ko ang tingin ko kay Irvin na nagsalita.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Zen na nakangiti - habang pinapanuod akong makipag usap sa mga kapatid ko. "This is Zen." Pagpapakilala ko kay Zen sa mga kapatid ko.
"Zup mga bros?" Tumango ng maangas si Zen. Akala niya siguro na hanggang ngayon ay okay pa ang relasyon niya sa mga kapatid ko. Dati pa 'yon, at dati pa nila kinalimutan ang kabarkada nilang si Zen.
Binaling ko ang tingin ko sa'king mga kapatid. Binantaan ko sila na kausapin si Zen sa pamamagitan ng paglaki ng mata at pagkagat sa ibabang labi. Agad naman silang umalis sa harapan ko at nagtungo kay Zen para makipag apir sa kanya.
"Musta, bro?" Tanong ni Earl. Sila talaga ang close na dalawa. Mas matanda ako kay Earl ng apat na taon. Kaya hindi rin nagkakalayo ang edad nilang dalawa.
"Ito pogi pa rin," mahangin na sagot ni Zen.
"Musta Arphy? May nililigawan ka na ba?" Tanong niya sa nakababata kong kapatid. Senior high school pa lang si Arphy, heartthrob 'yan sa campus nila. Napuno na nga ang loob ng kwarto niyan dahil sa mga awards sa sinasalihan niyang mga contest. Palagi kasi siyang kinukuha ng mga teachers, kung may pageant contest man. Pero ang problema lang dito sa kapatid ko, torpe.
"Oks lang, Kuya. Wala ah. Aral muna, gagayahin ko si Ate eh." Pinanliitan ko ng mata si Arphy.
"Talaga lang, ha?"
"Oo kaya." Pag depensa niya.
Nag excuse muna ako sa kanilang lahat. Hindi ko pa nakikita si Mama simula nang dumating ako dito. Baka nasa kwarto lang 'yon natutulog.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto nila ni Papa. Nakita ko na ang himbing na ng tulog ni Mama - malalim na din kasi ang gabi. Nagpaalam na nga din kay Papa ang mga kaibigan niya dahil anong oras na din.
Nandoon silang dalawa ni Zen sa garden. Kailangan daw nila ng masinsinang pag uusap. Paniguradong ma ho-hot seat na naman si Zen.
Umupo ako sa kama - katabi ni Mama. Hinawi ko ang ilan sa mga hibla ng buhok niya na humaharang sa kanyang mukha.
Gusto kong magpayakap sa kanya. Miss na miss ko na si Mama.
Gumalaw ang talukap ng mga mata niya at nang makita ako ay ngumiti siya, kahit pa mapungay at alam kong hindi pa malinaw ang paningin niya. "Buti nakarating ka? Sino kasama mong pumunta dito?" Nakangiti niyang tanong
"Si Zen po." Magalang kong sagot.
"Teka, ipaghahanda ko kayo ng makakain. Hindi man lang ako ginising ng mga kapatid mo, 'yung mga 'yon talaga oo." Bago pa man makababa si Mama sa kama ay pinigilan ko na siya.
"Ma," puno ng lungkot ang tono ng boses ko. Napahikbi na lamang ako. "Okay lang po. H'wag na po kayong bumaba."
Heto na naman. Kailan ba 'to mauubos?
Walang sabi-sabi'y yinakap niya na lang ako. Hindi ako nagsalita, pero alam na alam niya kung ano ang gusto kong gawin niya sa'kin. Gusto ko ng yakap ng isang ina - isa 'to sa nagpapagaan sa nararamdaman ko.
"You can say whatever you want to say. Pwede mong sabihin sa'kin lahat ng hindi mo kayang sabihin sa kanya." Mama knows me well. Isa 'to sa binabalik-balikan ko sa kaniya.
Kahit pa saktan ako ng iba. May magulang at mga kapatid naman akong kaya akong ipagtanggol at ilayo sa lahat ng sakit.
"Mama. Pinigilan ko naman eh. Kasi alam ko na una pa lang mali na talaga. Ilang beses kong tinatak sa utak ko na mali 'tong nararamdaman ko para sa kanya . . . kasi magkaibigan kami." Pagsasalaysay ko. Bawat salitang binibigkas ko ay katumbas ng hikbing kumakawala. "Pero kahit anong gawin ko doon pa rin ako bumabagsak. Hanggang sa siya na mismo ang nagtakda na layuan ako."
Kumawala siya sa yakapan namin at sinakop ang magkabila kong pisngi - gamit ang dalawa niyang kamay. Pinunasan niya ang luha dito. "Kailanman ay hindi magiging mali ang pagmamahal. Alam ko kung saan ka nanggagaling - na natatakot kang umamin dahil ayaw mong masira ang pinagsamahan niyo. Pero noong isang beses na dumalaw ka dito kasama siya, nakaramdam ako ng tuwa. Kasi sa nakikita ko sa inyong dalawa ay mayroong mabubuong isang kwento ng pag-ibig. The way na tignan ka niya at kausapin ka niya ay iba ang dating sa'kin. Nung una ay hindi ko pa matanggap dahil iba ang kasarian niya - pero kalaunan ay buong puso ko na siyang natanggap. Nagkausap pa kami noon, sinabi ko sa kanya na thankful ako dahil nakilala mo siya, na masaya ako dahil natagpuan niyo ang isa't isa. Paano kung una pa lang ay inamin mo na, anak? Maari kayang hindi kayo humantong sa ganitong sitwasyon?" Mahaba-habang leksiyon ni Mama. Wala akong ibang ginawa kundi makinig at intindihin lahat ng salitang kanyang binibigkas.
"Ma, bakla si Vice. Hindi niya gugustuhin na magmahal ng isang katulad ko - isang babae." Bumagsak na lang ang balikat ko dahil sa panghihinayang na rin. Sayang naman kasi talaga.
Nasayang lang 'tong kinimkim ko nang pagkatagal-tagal. Dito rin pala kami hahantong sa huli.
"Hindi mo naman masasabi 'yan, anak. Oo, bakla siya at naniniwala ako na may damdamin din siya. Kahit pusong babae man ang kaibigan mo na 'yon alam ko na may babae ring tinitibok ang kanyang puso."
"Ma, naman e. Pinapaasa mo lang ako. Hindi naman nakakatulong 'yang mga sinasabi mo sa'kin." Pagta-tantrums ko na parang bata na inaasar sa kanyang all time crush.
"Anong masama sa umasa kung may patutunguhan naman?"
: sorry for the short wait lmao, 20 chapters lang 'to kaya pinag-iisipan ko bawat chapter. may nagbago, eldest si K nailagay ko ata sa chapter one na youngest siya, basta siya ang ate :))