Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 63: Love me?

2K 34 1
By kevayDREAMER

Last week pa toh sa draft ko. haha. hindi lang napublish. sorry po *chichay tone* AHAHA!

***

"Hindi ako susuko hanggang sa mapatawad mo ko"

Hindi ako agad nakareact sa sinabi nya. Parang ang tagal ko pang nakipagtitigan. Wala akong marinig kundi yung pintig ng puso ko ngayon.

Lub.dub.lub.dub.

Natauhan ako ng hawakan nya yung kamay ko. Dali dali kong kinuha yung papel sa may table nya at ako na gumawa nung activity namin. Ang diin ng pagkakasulat ko. Parang yung galit ko napupunta sa sinusulat ko.

Nagfflashback sa isip ko yung video. Bakit ba hindi mawalawala sa memory ko yung lecheng video na yan?!

Tumayo agad ako pagkatapos kong pagsamahin yung mga ideas namin. 

"Bahala ka na magpasa. Kung may idadagdag ka, ikaw narin bahala"

nilapag ko yung paper sa may desk nya ng hindi man lang tumitingin sakanya. Nagpaalam ako kay Ma'am na pupuntang restroom, pero yung totoo, ayoko ng bumalik ng room hanggat andun sya.

Pasalamat nalang din pala ako, hindi ko sya classmate sa lahat ng subject! Kundi, mawawalan ako sa pagiging honor student.Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa kong magcut ng class, LOCHE SYA!

Naglalakad ako sa may hallway ng makasalubong yung dalawang sophomore students. Nakangiti sila sakin kaya bahagya akong ngumiti.

"Hello Miss Vice, nakita po namin tong wallet kanina sa may field. Kay kuya Vince po yata ito. Natatakot naman po kaming lumapit sakanya kanina kaya kayo nalang po magbalik nito sakanya."

Iniabot naman nila sakin at agad na umalis. Pati mga lower year takot kay Vince. Ahaha! Ang sungit kasi.. Mas masungit pa sya sakin. MagBestfriends nga talaga kami, masungit sya sa mga girls na lumalapit sakanya, ako naman sa mga boys. Pero kami lang talaga nakakatiis sa kasungitan ng isa't isa. 

Naisipan kong magpalipas muna ng oras dun sa may playground, malapit sa elem. building. Ang tagal narin nung huling punta ko dito para magswing, kasama ko pa si Vince nun.

At dito rin yung time na umiiyak ako ng dahil kay Daniel. Nung first time kong marinig syang kumakanta at yung favorite song ko pa, nung makitang kasama nya yung bestfriend ko with matching yakap pa. Sakit lang ano po?

What if joke nga lang talaga lahat samin. What if si Trisha pala talaga mahal nya at napagtripan lang nya ko. What if puro kasinungalingan lang yung sinabi nya at pinaramdam nya sakin. Malay ko nga naman kung ako lang tong assuming. In the first place, mas nauna nga naman si Trish kay Daniel. They're friends before. At bigla bigla nalang ako sumingit. SO, ako pala kontrabida dito?

Ang bilis din naman kasi ng pangyayari. Dati puro tingin lang ako sa malayo, hanggang sa naging friends kami dahil sa play, tapos bigla syang nagtanong kung pwedeng manligaw, hanggang sa niligawan nya nga ko at sinaktan lang din after. Dahil din yun kay Trisha, with the same reason. Almost 2weeks din yata yun na tiniis ko sya. Pero hindi ko pala talaga kayang mawala sya, sa effort nya araw araw na pumunta sa bahay para kausapin ako, I think that will be enough to give him another chance. Naging kami at inamin kong mahal ko sya. Pero ano ngayon? One month palang may ganito ulit?

Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang sya mabigyan ng chance magpaliwanag pa. Pakiramdam ko lahat ng sinabi nya, lahat ng pinaramdam nya sakin hindi totoo.

Hindi ko na napigilan pagtulo ng luha ko. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa para punasan luha ko, ng mapansin ko yung wallet ni Vince.

Nacurious ako bigla sa loob ng wallet nya. Kahit magbestfriends kami, may privacy kami sa wallet, phones at iba pang bagay. Hindi ko nga magamit phone nya without his permission.

Pagkabukas ko palang, nakita ko naagad yung picture naming dalawa. Napangiti ako. Sabi nya ang panget ko dito, pero tinago nya parin pala.

Kinuha ko yung picture para arborin sana, ng mapansin ko pa na may iba pang pictures na kasama. Picture naming tatlo ni Trish. Sa tagal naming magkaibigan, ganun lang pala kadaling masira. Tinignan ko pa yung iba at puro ako na. Stolen picture na nakasimangot ako habang kumakain. Kelan toh? Bakit hindi ko man lang napansin? Meron pa na natutulog ako. Tapos yung isa nakasmile ako pero stolen parin. Ang galing nya talaga magnakaw ng shots! Naalala ko pa meron syang folder sa laptop nya na puro stolen ko.. HAYST! Vince. Pasaway.

Napatitig ako sa isang picture. Kamukha nung batang lalaki yung kapatid ni Vince. Si Jasper ba toh? Pero imposible. Dahil kilalang kilala ko yung batang babaeng kasama nya. Hindi ako pwedeng magkamali. Bakit may picture sya nito?

Hindi kaya...si Vince at ako ito?

***

Hindi ako nagsasalita simula kaninang umaga. Hindi ko pinapansin si Vince kahit anong kulit nya. Pati si Khate hindi ko rin kinakausap. Buti nga hindi nagpapakita sakin si Daniel, dahil madagdagan lang yung galit ko sakanya.

Binalik ko yung wallet ni Vince pero hindi ko magawang itanong sakanya yung about sa picture. Pagkauwi ko nalang hinanap yung mga albums nung bata ako. Tagong-tago pa nga, halatang ayaw nilang ipakita sakin.

Umiiyak pa si mhie kahapon sakin. Naiintindihan ko naman sila. Alam kong ayaw lang nilang bumalik ako sa dati. But it's too late. Dahil alam ko na... Alam ko na ang lahat.

At sinisisi ko parin ang sarili ko.

Almost 2years din bago daw ako makarecover. Akala nila hindi na ko makakapagsalita ulit. Fortunately, hindi nangyari yun.. Pero nagkaroon ako ng repressed memories. Dahilan para makalimutan ko yung nangyari, at makalimutan ko si Vince.

"Ashley, are you sure you can do this?"

Ngumiti nalang ako sakanya at sinuot na yung placard na may nakasulat na 'Give me 10 and Hug me for 5'

P10 for 5seconds hug para makapasok dun sa booth, kung saan may binebenta kaming pangsouvenir. Hindi ko nga alam kung bakit andito ako sa booth na toh. Part ng activity namin sa Economics itong booth, kaya no choice. Kelangan pumasok.Kagroup ko sila Vince pero kelangan ko pangmakigroup sa iba dahil gusto ko syang iwasan. At mukhang mali pa yung napuntahan kong group.

"Yes! Yes! Ako na next!"

Tatlo kaming nasa entrance at sakin pinakamahaba. Dapat naiirita ako ngayon at pinagsasapak ko na mga toh. Hindi ko talaga gusto na may yumayakap sakin na kung sino. Pero parang ang manhid ko na ngayon. Wala na kong pakielam sa mga nangyayari. Ibang iba ako ngayon, sa Ashley na kilala nila.

"Ashley! Ano ba tong ginagawa mo?!"

Bigla nalang sya nag-appear sa harap ko. Halos lahat kami napatingin sa pagsigaw nya sakin. Halatang halata yung galit sa mukha nya.

"ahmm. D-daniel...A-ano.. Wala kaming kasalanan ah. Paulit-ulit namin syang tinatanong kung ok ba sya sa gagawin nya...."

"Alam kong galit ka sakin, pero wag mo namang gawin yan!"

Hindi nya pinansin pageexplain nung classmate ko. Tinignan ko lang sya sandali tapos back to business na ko. Parang walang galit na Daniel sa harap ko.

"Excuse me lang pre, wala ka sa pila"

"Pucha! Ano ba?!"

Pinapaalis na sya pero ayaw parin nyang magpatalo. Nakita kong napaclosed fist na sya kaya nagsalita na ko.

"Umayos nga kayo! Pumila kayo kung gusto nyo. Andun po yung dulo ng pila."

Hindi ko direct sinabi sakanya. Pati yung iba dinamay ko na. Ayoko ngang kausapin sya, kahit ano pa yan!

"Magkano ba oras mo Ashley?!" napatingin lang ako sakanya. Kumuha sya ng P500 sa wallet nya at padabog na nilapag sa table. "ayan! Sapat na ba yan para tigilan mo toh?!"

Pakiramdam ko ang baba baba ko. Napakababaw ko para gawin toh. Sa ginawa nya, narealized ko kung anong kaengotan ang ginagawa ko ngayon. Nakikisama ako para lang sa grade, pero alam ko namang hindi ko toh gusto! Hindi ito ang ginusto ko.

Napaiwas ako ng tingin. Baka maiyak na ko kapag tinitigan pa sya ng matagal.

Lumapit sya sakin at inalis yung nakalagay na placard. Nanginginig yung mga kamay ko. Gusto ko ng umalis dito. Feeling ko napapahiya na nya ko.

"Baby.." niyakap nya ko bigla.

Lub.dub.lub.dub

Nanghina ako lalo sa pagkakayakap nya. Pakiramdam ko sasabog na ko.

"Wag mo na tong gawin." lalo nyang hinigpitan yung yakap nya sakin. Nanlalambot talaga ako. Hindi ko man lang magawang itulak sya. "Ayokong makitang yakap yakap ka ng iba. Ako lang pwedeng yumakap sayo. Akin ka lang diba?"

Halos pabulong lang sya kung magsalita. Parang naramdaman ko bigla yung pain na nafifeel nya.

Akin ka lang diba?

Yun din gusto kong itanong sakanya. Gusto kong malaman kung akin parin ba sya.. o kung naging akin nga ba sya.

"Ilayo nyo sya sakin" malumanay lang pagkakautos ko at diretso lang tingin ko. May dalawang lalaking humila sakanya paalis sakin. Hawak hawak nila sa magkabilang braso si Daniel.

"Ano ba?! Bitawan nyo nga ko!..Ashley.. Baby, please! Kausapin mo ko."

ayokong tignan sya sa mga mata nya dahil baka lumambot bigla puso ko sakanya. Ayoko pa naman ding nakikita syang nasasaktan.

"Dude, ex mo na sya. Next time kasi, kung gagawa ka lang din ng kasalanan, siguraduhin mong walang video. Para hindi mahuli."

Pinanlakihan ko na ng mata yung isa para tumigil sya sa pagsasalita, pero waeffect. Alam ko kung pano magalit si Daniel that's why I give him a warning look! Eh eng-eng naman ng loko, tumawa pa sya sa sinabi nya.

As expected, siniko nya yung isang may hawak sakanya at sinuntok naman yung nagsalita, na kagad naman din natumba.

Nagkakagulo na sa may booth namin. Naririnig ko na nagpapatawag na sila ng guard. Walang pumipigil kay Daniel. Lahat lumayo sakanila, except me na nakatayo parin sa pwesto ko.

"May alam ka bang g@go ka?! Wag mo kong huhusgahan dahil wala kang alam sa nangyari!"

Kitang kita mo yung galit nya. Tinayo nya yung lalaki at hinawakan sa may kwelyo. Hindi naman din makalaban yung isa. Dugo pa yung labi.

"So..sorry. Nagbibiro lang ako dude"

"Sorry din. Biro lang din tong suntok ko."

sinapak nya ulit. Ang sarcastic na nya. Ayokong nagkakaganito sya. Ayokong masira pa good moral nya dahil sakin. Baka hindi sya makagraduate kapag hinayaan ko lang ito.

Lumapit na ko sakanya nung aktong susuntukin nya ulit yung lalaki. Agad ko syang niyakap mula sa likod.

"Tama na Daniel"

napastiff sya sa ginawa ko. At agad binitawan yung lalaki. Hinawakan ko yung kamay nya na nakaclosed fist parin baka sakaling kumalma na sya.  Hinihintay kong magsalita sya pero tanging narinig ko lang ay yung pagbuntung hininga nya. Humarap sya sakin at hinila ako paalis dun sa booth.

Hindi ako makapagreklamo dahil natatakot ako na baka sakin nya ibuhos yung galit nya. Ang higpit ng hawak nya sa wrist ko. Nasasaktan na ko sa pagkakahawak nya pero hindi man lang sya natinag para tignan man lang ako. TheEff! Ang bilis pa nya maglakad, patakbo tuloy lakad ako.

Papunta na sana kami sa may building pero bumalik ulit kami papunta naman sa may bench. Parang nalito pa sya kung saan ako dadalhin.

Hinawakan nya magkabilang braso ko at inupo nya ko sa may bench. Tinignan nya ko sandali bago lumuhod sa harap ko.

"Ano na naman yan?! Tumayo ka nga!" Nakakneeled down, isang tuhod lang nya pero kahit na! pareho lang yun. Ayokong may lumuluhod sa harap ko. Tama na yung pagluhod nya kahapon.

"Baby ayokong pwersahin ka na makinig sakin,kaya nga nagmamakaawa na ko sayo. Pakinggan mo naman ako please!"

"Pwersahin? Anong tawag mo dito?"

Nagulat sya ng makita yung wrist ko. Nagmark yung pagkakahawak nya sakin kanina. Tignan mo! Wala syang kamalay malay na nasasaktan na nya ako.

"I'm sorry Baby.. Napahigpit yung hawak ko sayo.. Sorry.. Sorry.."

Hinihaplos nya yung kamay ko tapos hinahalikan. Paulit-ulit lang yung sorry nya sakin.

Hinatak ko yung kamay ko sakanya. Sorry? After nya kong saktan. Ganun lang yun?

"Tumayo ka na dyan"

"Ashley, wala kaming relasyon ni Trisha. Yung nangyaring yun sya lang may gawa nun. Hindi ko alam kung sino gumawa nung video pero lahat nun nakacut lang."

nakaluhod parin sya habang nagpapaliwanag. Wala ako sa mood para pakinggan sya. Hindi ko alam, parang sarado na yung isip ko. Naguguluhan ako. Gusto ko syang pakinggan, gusto ko syang paniwalaan pero wala talaga! Nangingibabaw yung galit ko.

"Kahit anong sabihin mo hindi rin kita papakinggan ngayon"

"Ashley alam mong mahal kita. Hindi kita niloloko. Seryoso ako. Sinubukan kong lumayo kay Trisha pero sya tong lumalapit sakin. Sinabihan ko na sya pero inulit nya parin. Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa yun" kinuha nya ulit yung kamay ko. Wala akong ginawa kundi titigan din sya. Para akong hinihigop ng mata nya. Hindi ko maalis tingin ko.

"Gusto kong sabihin sayo yun last week,dahil pakiramdam ko may nagawa akong kasalanan. Pero hindi ko kaya, baka iba isipin mo. Kaya nga naiilang akong kausapin ka dahil baka mahalata mong may nililihim ako sayo."

kaya ba ayaw nyang magvideochat? Kaya ba ilang minutes lang kung tumawag sya? Andami nyang reasons nun, na dahil pagod sya, busy, daig pa may trabaho sa sobrang wala syang time!

"ah. Ok. So, pano mo naman ipapaliwanag kung bakit nasa bahay ka nila Trisha nung isang gabi?"

halatang wala akong gana kausap sya. Natigilan sya sa tanong ko. Nagtataka pa sya kung pano ko nalaman yun.

" Before ng game ko lang nalaman yung about sa migraine nya. Hindi pa daw masyadong malinaw yung result sabi ng doctor pero dapat daw wag syang maistress dahil baka lalong lumala at magkaroon ng damage yung brain nya. Alam mo naman na nasa abroad parents nya diba? Mag-isa lang sya kaya kahit may kasalanan sya sakin, pinapakisamahan ko parin sya."

"Talaga? May sakit pala sya sa utak kung ganun."

napakasarcastic ko na. Anong magagawa ko? Hindi ko talaga kayang paniwalaan mga pinagsasabi nya. Totoo man yun o hindi wala na kong pakielam. Kung si Khate nga hindi masabi sa iba yung sakit nya, para hindi sya kaawaan. PSH! hindi kapanipaniwala.

"Ashley! Totoo yung sinasabi ko"

"Oh? Tapos? Anong gusto mong gawin ko? Maawa rin sakanya?"

Napasabunot sya sa buhok nya. Halatang inis na inis na sya sa pakikipag-usap sakin. Eeh eto ang gusto nya diba?!

"Kung wala ka ng sasabihin. Aalis na ko"

"Ashley, mahal kita! Hanggang dito nalang ba tayo? Papayag ka ba na masira yung relationship natin dahil lang dun?! Ashley naman! Ang tagal kitang hinintay, wag mo naman akong iwan ng ganun lang"

napapatong na yung ulo nya sa may tuhod ko. Nagbbreak na yung boses nya. Hindi nya na ko tinitignan kaya for sure naiiyak na sya.

"Akala ko ba hanggang forever tayo? Akala ko ba mahal mo ko?"

Naiiyak narin ako pero ayoko na talaga. Ang sakit sakit nya mahalin. Maraming kumokontra. Ang dami mo paring kaagaw kahit na kayo na. At saka hindi rin ako sigurado kung ako nga ba talaga ang mahal nya.

"sabi mo diba papakinggan lang kita tapos titigil ka na? Pinangkinggan na kita. Ok na. Pwede na kong umalis diba?" tumayo na ko pero pinigilan parin nya ko umalis. "Bitawan mo ko!"

Hawak-hawak lang nya kamay ko. Nakakainis! Bakit ba ang higpit ng hawak nya!

"Kapag binitiwan kita para ko naring sinabi na ganun kadali kita ilet go"

"Ano ba?! Ayoko na nga eh. Tapos mo na tayo. Wala ng tayo!"

"Mahal mo pa ba ako?"

"Bitawan mo na ko!"

Hindi ko sinagot tanong nya. Hinahatak ko parin yung kamay ko pero ayaw talaga nya kong bitawan.

Oo. Mahal ko sya. Hindi naman magbabago yun. At hindi rin ganun kadali sakin para ibreak sya. Pero naguguluhan talaga ako. Masakit naman sakin kung malalaman ko pa yung dahilan nya kung bakit ako ang minahal nya. Na hindi buo yung pagmamahal nya sakin.

"oo o hindi lang yun Ashley!"

"tigilan mo na nga ko Daniel!"

"B!"

napalingon ako nung marinig si Vince. Anong ginagawa nya dito? Matutuwa ba kong andito sya?

"Daniel, tol. Bitawan mo na sya. Palipasin mo muna yung issue"

lalapit sana sakin si Vince kaso tinago ako ni Daniel sa likod nya. Hindi parin nya binibitawan yung kamay ko.

"Hindi pwede. Once na ibigay ko sya sayo, alam kong hindi na sya babalik sakin"

Kita mo yung tension sakanila ngayon. Ako naman kinakabahan sa mangyayari. Ipit na ipit na ko sakanila.

"psh. Ang g@go mo tol. Hindi ko sya aagawin sayo dahil alam kong ikaw ang mahal nya. Umpisa palang alam kong talo na ko sayo, kaya nga hindi  ko sinubukan na ligawan sya."

nag-uusap sila tungkol sakin. Parang hindi ko naman naririnig. Parang wala ako dito kung mag-usap sila.

Lumapit si Vince at hinawakan yung isang kamay ko. Ano to? Tug of war? Ni hindi sila tumitingin sakin. Nagtitigan lang sila, walang gustong kumurap man lang.

"Hindi imposibleng mahalin ka rin nya."

"Bakit? Natatakot ka? Natatakot ka ba sa sinabi kong ilalayo ko sya sayo kapag sinaktan mo sya?"

napasmirk si Vince. Alam na alam nya kung paano mang-inis. Humihigpit yung hawak ni Daniel sa kamay ko. Hindi ko maintindihan yung sinasabi ni Vince. Wala namang sinasabi sakin si Daniel tungkol dun. Urgh! Ano pa bang hindi ko alam?!

"Tigilan nyo na nga yan! Bitawan nyo na ko. Pareho lang naman kayo. Hindi naman ako prize para pagtalunan nyo!"

Hindi talaga nila ako binibitawan. Mga ayaw magpatalo.

"Sabihin nyo nga sakin, kelan nyo pa ko niloloko?" tinignan ko sila at halata yung pagtataka nila sa sinasabi ko. "Vince, kilala mo na ko bago pa ko magpakilala sayo diba? Nung enrollment, nung muntik mo na ko masagasaan.. At ikaw Daniel, hindi by accident yung pagkakabunggo mo sakin dati? Sinadya mo ba talaga yun?"

"hindi ko maintindihan sinasabi mo Ashley"

Hindi nya magets o nagmamaang-maangan? Eto yung masakit. Hindi talaga ako yung minahal ni Daniel. Umpisa palang hindi na talaga ako ang minahal nya.

Tinignan ko si Vince. Ayaw nyang tumingin sakin. Mukhang alam na nya pinopoint ko.

"Mahal mo ba talaga ako Daniel?...

o mahal mo ko dahil nakikita mo sakin si Vanessa?"

**

to be continued :)

Vote.comment. follow.

♥Dreamer

Continue Reading

You'll Also Like

628K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
106K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
22.6K 378 23
"Kahit kailan ay hinding hindi ako maiinlove sa isa sa mga Montenegro Brothers" yan lang naman ang laging tinatandaan ng ating bida.Ang ating bida na...
227K 7.4K 44
Paano kung isang araw ay ma-meet mo ang hindi pangkaraniwang STUDYANTE? Ilang mga ABNORMAL NA LALAKI? Makakaya mo ba silang MAPAKISAMAHAN??? Kaya ba...