Mga Binhi: Antolohiya ng Isan...

By zandcruzher

2.1K 201 200

Mga katagang pinagbuklod ng kaisipang mapang-alipin. Mga taludturang nililok ng mga karanasan. Mga saknong na... More

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing Makata
Paghihiganti
Hinanakit ng Isang Taksil
Nahuhusgahan rin ang Mapanghusga
Nagkakalamat, Nababasag, Natututo
Kung Naipagbibili Lamang
Sapagkat ang Salita
Kung sa Mundo'y Walang Pera
Bungkal sa Lupa, Lubog sa Dalita
Butil ng Kanin
Ang Baboy
Ugat, Umugat, Inugatan
Simbolo'y Ano?
Daang Matuwid, Nagkasanga-sanga
Tingkad
Dahong Nalalanta
Inuuod na Ngiti
Kapag Narating Na Ang Langit
Pinapasang Krus
Madarama
Mukha ng Kabutihan
Kalaban ang Araw
Pinaglalamayan, Pinagsusugalan
Suntukin ang Tuldok
Kinikilig, Dinidildil, Pinuputang Ina
Inaasam-asam na Taas-Baba
Napipiga ang Kutsara, Nagdurugo ang Luha
Sugatan Mo si Nene
Nanlaban
Naglalakad na Bangkay
Mga Binhi
Pangwakas na Pananalita

Nabubuhay sa Tinapay

11 4 2
By zandcruzher



Pakiusap, tulungan Mo akong imulat ang mga mata,

'Pagkat ako'y isang bulag sa mundong balot ng dalita,

Puso ko'y nabibikig ng kasalana't pagdurusa,

At maging sa pagpikit, kadiliman ang nakikita.


Pakiusap, ibukas Mo ang aking dalawang tainga,

Upang sa wakas ay madinig ko ang Iyong Salita,

'Pagkat ako'y bingi na sa mundong mapang-alipusta,

Sa sumisigaw na damdaming hindi makawala.


Pakiusap, turuan Mong magsalita ang aking bibig,

Tanggalin ang pangambang sa'kin ay dumadaig,

Upang mabigkas ko, mailabas ang aking tinig,

Ang Iyong Kabutihan, masambit ko sa daigdig.


Pakiusap, linisin Mo ang aking utak at puso,

Upang sa kasalanan,tuluyan nang makalayo,

Bigyan nawa ng pag-asang muling makatatayo,

Mabigat mang balakid ay hindi susuko.


Iyong abutin ang napapagal kong mga kamay,

Nawa'y hawakan ng mahigpit upang 'di na mawalay,

Pakiusap, tulungan Mong maayos ang aking buhay,

Upang ako'y hindi na nabubuhay lamang sa tinapay.

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
10.8K 964 60
"The love that you are searching from someone else, will and must always start with yourself." (A collection of poem and prose about self-love, movin...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
187K 6.6K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...