MY JOURNEY OF LOVE START WITH...

By akosilenpot

208K 4.7K 906

Dahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A pri... More

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR
NOL - CHAPTER 2 - NO ORDINARY ESCAPES
NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL
NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME
NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT
NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB
NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY
NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY
NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE
NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE
NOL - CHAPTER 11 - NO ORDINARY FEELINGS
NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR
NOL - CHAPTER 13 - NO ORDINARY HEARTBEATS
NOL - CHAPTER 14 - NO ORDINARY SELOSAN
NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY
NOL - Chapter 16 - NO ORDINARY FIESTA
NOL - Chapter 17
Chapter 18
NOL - Chapter 19
NOL - CHAPTER 20
NOL - CHAPTER 21
NOL - CHAPTER 22
NOL - CHAPTER 23
NOL - CHAPTER 24
NOL - CHAPTER 25
NOL - CHAPTER 26
NOL - Chapter 27
NOL - Chapter 28
NOL - Chapter 29
NOL - Chapter 30
NOL - Chapter 32
NOL - Chapter 33
CHAPTER 34 - KASSANDRA
NOL - Chapter 35
NOL - Chapter 36
NOL - CHAPTER 37
NOL - CHAPTER 38
NOL - CHAPTER 39
NOL - Chapter 40

NOL - Chapter 31

1.5K 68 5
By akosilenpot

Lareen

"Frank and I will be back at Kapri branch today" sagot ko kay Mommy habang nakakulumbot pa ako ng kumot. I looked at the clock placed near my bed. It's 5:00 am.

"Hmm..that's why you're up so early?"

"Yeah. 8am ang usapan namin ni Frank. Did I disturb you? Baka kasi wala na akong time mamaya to call you e" garalgal pa ang boses ko.

"No. You never disturbed me. We are already awake. Mamaya na ang operation ng Dad mo e kaya maaga kaming nagising dito"

"Have you slept? Your voice...it sounds tired, Mom" pinilit kong umupo at sumandal sa headboard.

"3 hours. I am thinking about the operation. I can't sleep"

"Awww. Take care of yourself, Mom. Baka naman ikaw na ang magkasakit niyan"

"Don't worry, your Ate Lala and Ate Renren are bombarding me with 'magpahinga ka" here. Anyway, how's your first day?"

"It is fine. I learned a lot from Frank but  I am excited to learn more pa, Mom"

"Good. I am happy to hear that" she said at nawala sa linya ng saglit.

"The doctor is here na Riri and I think your breakfast is ready na din" she said.

Kumunot ang noo ko at narinig ko na ang katok mula sa pinto ng kwarto. "Handa na ang almusal, Lareen" sabi ni Mrs. Tomas mula sa labas.

"Got it, Mom" sabi ko kay Mommy sa kabilang linya.

"Eat a lot. You need full-day energy and also, your Ates here are cheering for you"

"Go bunso!" I heard Ate Ren's and Ate Lala's voice.

"I miss you guys"

"We miss you too. Goodluck on your second day, my darling"

"Alright, Mom. I love you and Dad too"

"We love you too. I have to go. The doctor needs to talk to me pa" she said and hung up.

Ibinaba ko ang cellphone at isinuot ang tsinelas na nasa may baba ng kama. 5:15. 8am pa ang usapan namin ni Frank pero inagahan ko talaga ng gising. Ayokong ma-late on my second day.

Palabas ako ng kwarto ng masilayan ko ang isang picture naming magkakapatid sa isang sand castle naka frame sa side table ko. Hindi boracay ang naaalala ko sa picture na 'to pero nung makita ko yung sand castle, isang tao yung rumehistro sa utak ko.

Arkin.

Pia onced asked Arkin kung gusto niya ng malaking sand castle. Pero sabi nito, ayaw niya baka daw kasi mag-isa lang siya.

Barangkal is our sand castle. Na kagaya ng isang kastilyong gawa ng buhangin, nasira ito nung tinamaan ng alon. Barangkal represents our love and now I know na iniisip ni Arkin na mag-isa na lang siya.
Iniisip niyang tinangay na ako ng alon.

Hinawakan ko ang picture.

"Arkin, wait for me please. Bubuoin ko lang yung sarili ko then we will build our sand castle again" I whispered to myself.

"You deserve someone who can give you more than you expect from Reena"

I miss you.
A lot.

Kahit naman sobrang sungit niya minsan e hindi naman maitatangging sweet siya.

I miss his sungit face.
I miss his makapal na kilay.
I miss his possessiveness.
I miss him and everything about him.

I miss him, but for now yun lang yung pwede kong gawin. Yung mamiss siya.
It would be so unfair to Arkin kung babalik ako bilang si Reena. I want him to love me as Lareen.

"Lareen?" Si Mrs. Tomas na ulit.

Shems.

"Pababa na ako" sabi ko pa at tumuloy na sa dining para mag-almusal.

Nakakalungkot palang mag-almusal mag-isa. Now I realized n masyado akong dependent sa mga tao. Ganito pala yung feeling ng mag-isa, yung kahit Ate Madel wala ka.

After kong maghanda at magbihis ay lumabas na ako. Nag jeans na lang ako at simpleng polo shirt. I learned my lessons.

"Sa Kapri branch po tayo, Kuya" sabi ko sa driver at wala na siyang sinabi. Napangiti ako. I feel that I'm in control now.

"Yes, Miss"

Umayos ako ng pagkakasandal at aaktong pipikit ng tumunog ang cellphone ko. It's Kuya Phil.

"Hi Kuya. Good morning!"

"Hi Ri, you'll be in Kapri today?"

"Yeah"

"I'll visit you later at Kapri then. I really wanted to come yesterday kaso may mga meetings din ako e. Ang tight ng schedule because of the cruise"

"No, it's okay. We just visited two branches lang naman kahapon. Baka busy ka din today a, it's fine" I said pero parang I smell somethhing fishy here "Is it really me or hmmm"

I heard him laugh.

"Yeah! You got it, Ri. Your Ate Ren is so paranoid!!"

"God. She don't trust me?!" I exclaimed.

Sabi na e. Si Ate na naman.

"No. It's not that. She's worried about you. Kapri is not a good branch tho. Maliit, mainit -"

"Yeah. Super init" I cut him off. "Nag-aalala siya na hindi ko kayanin ang init?"

"Maybe. She even questioned Frank kung bakit ka sa Kapri dinala. She's worried about you so she nags me to go and check on you"

I smiled. So kaya yun yung pinasuot niya sa akin? Kasi di niya alam na doon ako pupunta kahapon?

So,  it's Frank's idea? Maybe.

"If you are busy don't come na. I can manage naman"

"No. You know your Ate Ren. She'll be here tonight to prepare for our cruise so pagbibigyan ko na siya. For sure magtatanong yon. Baka awayin lang ako non sa buong byahe namin e"

"Let's tell her na pumunta ka. Okay lang talaga ako, Kuya"

"No. Ri, please. Pagbigyan mo na ang Ate mo at ako. I can't lie to her. Para sa katahimikan nating lahat. Alright?"

I laugh.

"Shhh. Stop. I just want a peaceful vacation, yeah?"

Mas lumakas ang tawa ko. "Got it, Kuya. Hahahaha"

"Women, why are you so complicated? Why I have to deal with the Castillo women, my Lord?"

"Awww. I just like teasing you, you know? Di mo mahindian si Ate. Hahahaha"

"Laugh all you want, Ri. Listen, if you found that one guy, I tell you...it is really hard to say no to the one you really love"

I know, Kuya. Believe me, I know how hard it is.

Awww. I really admire Kuya Phil. Hindi kami nagkamali na ipush siya kay Ate Ren noon. Actually, Ate Ren doesn't like him at first pero dahil super bait kasi at gwapo kaya kami ni Ate Lala l, we played cupids.
Hindi naman kami nagkamali. He really do love my Ate Ren.

"I'll treat you out later"

"Yehey! May manlilibre sa akin ng lunch!"

He laughs.

"See you later, Ri and good luck on your second day"

"Thanks, Kuya. See you later" I said and pushed the end button.

Arkin, wag ka munang magpapakita sa akin ha. Kasi baka pagtinanong mo ulit ako, oo na ang maisagot ko.

"Miss andito na ho tayo" sabi ng driver at maya maya ay bumaba na ang dalawang bodyguard para alalayan ako sa pagbaba.

Pagbaba ko sa bandang likurang ng store ay andon na si Frank at nakaabang. Kasama niya si Nilda.  Nasa likod kasi ang employees entrance.

"Good morning, Lareen" bati niya.
"Good morning, Ms. Castillo" pormal na bati ni Nilda. Gahd. Maaga pa lang iba na ang vibes ko sa matandang ito a.

"Good morning Frank and -" I paused. Actually, I don't know what to call her.

"Mrs. Paras. Call me Mrs. Paras" she said.

Tumango ako at ngumiti. "Let's go?" Aya ni Frank pero napatigil silang dalawa at hinarap ako. "Kailangan mo pa ba sila hanggang sa loob, Lareen?" Frank was referring sa dalawang body guards na nasa likod ko.

I get it.

"Kuya, intayin niyo na lang ako dito sa labas or pwede kayong umuwi na muna tapos sunduin niyo na lang ako later" sabi ko sa dalawa kong bodyguards.

"Iintayin ka na lang namin dito sa parking, Miss" sabi ng isa.

Tumango ako st hinarap sila Frank.

"Let's get started?" I asked cheerfully.

Nagtinginan lang sila ni Mrs. Paras at pumasok na sa loob. Nagkibit balikat na lang ako.

"For your training, you'll be an ordinary employee here. I think it is better na walang nakakaalam na anak ka ng may-ari para mas maexperience mo ng totoo yung pagiging empleyado" sabi ni Frank habang nakaupo sa isang monobloc sa loob ng opisina ni Mrs. Paras.

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko.

Yeah, I  heard what he said pero parang hindi ma-process ng utak ko.

Nagtinginan sila. "You'll be an ordinary employee here" inulit ni Frank.

Finally nag-sink in na rin. Magiging empleyado ako dito. Simple at ordinaryong empleyado sa Kapri branch? Huh?

"U-until when?" Tanong ko. Ofcourse! Being an employee is new to me..tapos dito pa sa branch na ito. Wala ngang aircon dito e.

Nagkatinginan ulit sila tas medyo inayos ni Mrs. Paras ang eye glasses niya tas piangsaklop ang dalawang kamay na nakapatong sa mesa.

"Until when? Hindi ka pa nagsisimula, yan na ang tanong mo, Ms. Castillo?" Tanong ni Mrs. Paras sa akin.

I looked at Frank. He looks away. Damn.

Na-offend ba siya sa tanong ko? Mali bang tanungin kung hanggang kelan?

I clear my throat. "Sorry if you got offended. But let me ask one more thing, why do I need to be an employee here?"

"Lareen, if you want to learn everything then you have to start at the bottom" malumanay na paliwanag ni Frank.

Oh, Frank, pwede mo naman palang sagutin yung tanong ko e. Sus. Pero di parin tayo bati, may atraso ka pa sa pagdala sa akin dito kahapon.

"Naging bagger ang Chairman sa pioneering branch sa Milagros. Bakit hindi mo  ba kayang maging promodizer o kahera dito?" Si Mrs. Paras na naman. "Oh, Frank! Sigurado ka ba sa ginagawa mo?"

Gusto kong lumubog. This woman!

"I know what am I doing, Nilda" kalmadong sabi ni Frank. "Kaya mo diba?" Baling niya sa akin.

"Kaya" confident kong sabi. Masyado akong pinipressure nitong matandang to a
. "Kaya ko" direcho kong sabi kay Mrs. Paras.

Mabagal silang tumango at inabutan  ako ng puting polo shirt at isang name tag na gawa sa metal.

"This is your Day 1 as an employee. HR will be giving you orientation about the company and store policies later" sabi ni Mrs. Paras at inilahad ang kamay niya.
Natataranta kong hinawakan gamit ang isang kamay ang poloshirt at name tag para makipagkamay sa kanya.

"Welcome sa Kapri branch. I hope you do well here, Ms. Castillo"

Tumango ako at tinitigan ang metal name tag na binigay nila sa akin. "Castillo, L. - Trainee"

"Trainee. Treyyyy - niiiiii" paulit ulit kong binabanggit iyon ng mahina habang naglalakad kami papasok sa isang room para sa orientation.

The orientation last for about 15 minutes lang kaya dinala na nila ako sa store. Nakapagbihis na din ako nong binigay nilang white polo shirt at nakabun na rin ang buhok ko.

"Clarisse, Rico, Elena,  this is our new trainee, Lareen Castillo." pakilala sa akin ni Mrs. Paras sa dalawang babae at isang lalakeng halos kaedad ko lang.

"Kayo po yung anak ng Chairman?" Tanong ng isa.

"Ibay, C. - ASM" yon ang mga letrang nakalagay sa name tag niya.

Tumango ako.

"I'm Clarrise. Ako po ang Assistant store manager dito sa Kapri" sabi nito at inilahad ang kamay.

Inabot ko ito at isa isa na silang nagpakilala.

Elena is a manager trainee while Rico is the operations head dito.

Tinangap ko ang mga kamay nilang nakalahad. Mukang naiilang sila. Sabagay, I am the Chairman's daughter e.

"Treat her like a trainee not the chairman's daughter. She needs to learn how we work here.   Make sure no one will know that she is the Chairman's daughter" may authority na sabi ni Mrs. Paras.

Nagyukuan  sila at tumango. "Yes, Manay" sagot nila.

"Good. So kayo na ang bahala sa trainee. Pag wala siyang natutunan, kayo ang mananagot sakin" sabi pa nito.

"Yes, Manay" again, they said it in chorus.

"You are good with this?" Frank asked me. Oh, andito ka pala?

"Yes. I am good" sagot ko kay Frank at nagpaalam na sila ni Mrs. Paras. Naiwan na ako kina Clarisse.

"Ms. Castillo?" Naiilang na sabi ni Elena. "Lareen. You can call me Lareen"

"Pero kayo po yung anak ng -"

"No. For now, I am a trainee. As what Mrs. Paras had said, treat me as your subordinate not the owner's daughter" I cut Rico off. I thought the directives were clear with them?
"Alam kong marami akong matututunan sa inyo kaya umpisahan na natin?"

Tumango sila at dun na nagsimula ang isang nakakapagod na kalahating araw.

ARKIN

"Yes, bro?" Sagot ni Stephen mula sa kabilang linya.

"How's Barangkal pare?"

"The construction of their homes are on-going. They are very thankful for the financial support they've received"

"Hindi naman nila alam na galing sa akin diba?"

"Yeah. Like what you've wanted. Pinalabas naming galing sa different private sectors yung pera. Ang kukulit pare gusto pang malaman kung sino sino para daw makapagpasalamat"

"They are good people, Tep"

"Yeah. No wonder na-attached ka sa kanila. Pinagmeryenda pa nga kami nila Japs e" he said. Japs'one of my college friend too.

"How about -"

"Reena?" He cuts me off. Alam kong alam ni Tep na si Reena ang priority kong kamustahin.

"Yeah. How is she?"

"She's nowhere to find, bro. I asked everyone pati yung Samantha?"

"Yes. Samantha. Wait, what?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama.

"After ng demolition, umalis daw e. Di pa daw bumabalik kasama si Auntie Delia. Wala namang nakakaalam kung san pumunta. Baka natakot, di ba probinsyana yon? Baka naculture shock dahil sa demolition " paliwanag niya.

Dahil  hindi kami pwedeng gumalaw ni Andoy ngayon, si Tep na lang yung hiningan ko ng pabor para tingnan ang status ng Barangkal.

Kahit wala akong tiwala kay Tep pag dating kay Reena e wala naman akong choice. Kesa naman hindi ko malaman ang kalagayan niya.

Nasan ka Reena?

"Akala nga nila magkasama kayo e. Kinikilig pa si...si Aling Mildred"

Naglakad ako palapit sa bintana at tinanaw ang malawak na taniman ng kape.

"Asan siya?!" Nag-aalala kong tanong. "No one knows, pare" he said.

I don't understand.

"Bro?" May halong pagaalala na sa boses niya.

"I really want to go there but -" hindi ko talaga maiwasang hindi magalala. Parang mapapanatag lang ako kung ako mismo yung magchecheck kung asan siya.

"Your family won't allow you"

"Uhm" sabi ko sabay buntong hininga.

"Pagbigyan mo na muna ang pamilya mo, Arkin. I know you want to come here but we both know what you're family are capable of doing, right?"

"Kassandra is uncontrollable as of the moment kaya tama ka dapat pinagbibigyan ko muna siya. You know her."

"Hindi ko lang magets si Kassandra sa hugot niya. Dati kakampi mo yan nung sinabi mong titira ka sa Barangkal tapos ngayon" He pauses. "Tungkol pa rin ba dun sa -"

"Ako din, hindi ko din siya maintindihan pero pag humupa na yung tantrums niya e kakausapin ko siya. I want to understand her and I want her to understands me like the old times. Kakampi ko yon sa lahat ng bagay at kami ang pinaka close dito kaya alam kong pagnapagusapan namin to, ay maiintindihan niya na ako" I explained.

"Good luck, bro"

"Thanks. Thanks for all the help, Tep"

"Of course. Don't worry, pare. I can help you as long as you need me. I got your back"

"Bawi ako sayo next time" I told him and he laughs.

"Si Reena pwede na" pilyo niyang sagot.

"Te voy a matar"

I am going to kill you

"No! Don't! You can't pull out your spanish right now!" He shouted.

"Tu eres màs feo que el culo de un mono"

You are uglier than the butt of a monkey

"Fuck you, Arkin!"

I laugh. "What?! It means you're such a nice friend. Hahahaha"

"Shut the fuck up! I don't believe you, Moron!" He laughs.

"Seriously, Tep,  I really appreciate your help. Gracias, Amigo" I seriously said.

Thank you,  my friend

"Te amo" he said.

"What the fuck?!" I blurted out and we both laugh.

LAREEN

"So isa kang empleyado sa Kapri?" Gulat na tanong ni Kuya Phil nung sinundo niya ako maglunch. Masama pa nga ang tingin ni Mrs. Paras, akala ko di ako papayagan mabuti na lang at andon pa si Frank.

"Yeah" sabi ko sabay subo ng pagkaing inorder niya. Gutom na gutom ako. Ganon ata pag halos lahat na ng likido sa katawan mo e ipinawis mo na.

I tried maging bagger today. Ako yung taga lagay ng mga pinag-grocery ng mga tao sa eco bags nila. Ang hirap pala kasi ilang ulit kong inayos yung mga binili sa bag. Pasalamat na ako kung ang pinamili lang ay mga chips pero grabe pag parang pantindahan yung binili. Inaabot ako ng siyam siyam tapos may mga naiinis na kasi ang bagal ko daw.

"Nagulat ako ng nakita kitang nasa may counter area. Nagsecond thought pa ako na baka hindi ikaw yon"  sabi niya na hindi ko man lang siya tinitingnan. Gutom talaga ako at pinaalala ni Frank na one hour lang ang break time ko.

"Okay ka lang ba don? I can talk to your Ate if -"

"U-u-u-u" sabi ko habang umiiling. May laman kasi ang bibig ko kaya di ako makapagsalita ng maayos. Nag -okay sign ako to let him know na okay lang ako sa set-up na ito.

"Mama Luisa will freak out seeing you in that position, Riri. Hindi lahat ng customer mababait" sabi niya pa ng may pag-alala.

Kinuha ko ang isang baso ng tubig at uminom. "No. I'm good. Really. First day ko pa lang naman, Kuya"

"How can you assure me? Palagyan natin ng aircon?"

Napangiwi ako. "Tapos ano? Sasabihin nila don na pa-special treatment ako? No way!"

"You are the owner's daughter. You deserve a special treatment"

Umiling ako. "Kaya ko pa. First day pa lang. Wala kang tiwala na kaya ko?" Ngumuso ako kunwari nahuhurt.

"No. That's not what I mean, okay? Sige payag na ako basta pag hindi mo na gusto yung ganito then tell us. Okay?"

"Okay" I said sweetly.

Maya maya ay napansin kong nakatitig siya. "What?!"

"Lareen? Lareen Castillo, ikaw ba yan?" Nagpipigil siya ng ngiti.

Nagmake face ako. "Sobra naman 'to. Ako to!"

He laughs. "Really?"

Tumigil ako sa pagkain.

"No, Ri. Seriously, hindi ko akalain na magiging ganito ka radical yung mga decisions mo. Working at Kapri is not easy"

Nakatingin lang ako sa kanya.

"I've known you since you were 16 and I never thought na magiging ganito ka ka-responsible"

Umiling ako. "It's too early to say that, Kuya. And after all, I deserved this. I deserved all of these"

"Sus. Kain ka na" sabi niya at kinurot ako sa pisngi.

Ngumuso ako.

"Proud kami sa'yo. Sobrang proud. I know you can finished this training torment" he said at bumalik na kami sa pagkain.

Continue Reading

You'll Also Like

134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
21K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
5K 132 15
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
7.5K 241 15
AshMatt fanfic