Broken Marriage

By Dhummy

133K 3.4K 1.3K

Should I give up? or should I just keep chasing pavements? More

Prologue
Broken #01
Broken #02
Broken 03
Broken 04
Broken 05
Broken 6
Broken 7
Broken 8
Broken 9
Broken 9.5
Broken 11
Broken 12
Broken 13
Broken 14 Part 1
Broken 14 Part 2
Broken 15
Broken 16
Broken 17
Broken 18: A day before christmas eve
Broken 19: An afternoon with him
Broken 20: Family Dinner

Broken 10

7.3K 198 91
By Dhummy


Broken 10:

Sarah's Point of View

"Ay salamat at nandito na kayo!" Salubong kaagad saamin ni Trexie na halatang nagaalala. Kakarating lang namin sa resort at ang ganda pala dito tapos andami pang nipa huts

"Ha? Bakit?" Tanung ko kaagad sakanya

"I'll take this inside" sabi naman ni Isaac saakin at tumango lang ako kasi hinila na ako ni Trexie

"Bakla! Hindi makakarating yung singer sa wed ni nanay Lourdes!" Halatang nagaalala na siya kasi ganyan na ang tono at pagsasalita niya. Pero ano raw?

"Eh.."

"Kaya hinihintay kita ng bonggang-bongga kasi diba nanalo ka sa school? Nagguest kapa nung UN program natin" nanlaki yung mga mata ko at kaagad umiling-iling

"Ay nako ha!"

"Sige na! Please.. Para kay Lourdes?"

"Paano ako mageenjoy niyan? Kung kakanta ako?"

"Ay hindi pwedeng magenjoy habang kumakanta? Tsaka gusto mo naman ang pagkanta ah"

Napabuntong hininga ako at napatitig sa mukha niya na nakasimangot pero unti-unti naman ngumiti at tumalon-talon

"May magagawa paba ako?"

"Syempre wala! Hihi" hagik-hik niya

"Teka bakit pala tayo nandito? Pumasok na kaya tayo?" Yaya ko naman kaaga sakanya na kaagad naman niyang sinangayonan. Pumasok kami doon sa isang rest house yata tapos sa loob ang bonggang bongga na. Madami dami rin ang tao. May mga bata na naglalaro sa sofa tapos may mga matatanda na naguusap sa table tas meron ring mga teenagers na selfie ng selfie pero nagtatawanan naman pero hindi ko siya nakikita, asan kaya si Isaac?

"Ihja!" Napatingin ako kaagad sa gilid pagkarinig ko nun at nakita ko ang mommy ni Lourdes. Ngumiti naman ako at nakipagbeso sakanya

Thank god and you made it! Wait, where's your husband?" Sabi niya at magsasalita na sana ako ng biglang si Lourdes ang sumagot sa likuran nila

"Mommy, they traveled so far to came here and I bet they need to take some rest, right Sarah?" Sabi niya na may pasign pa sa mata na umu-o ka kasi hindi ka titigilan nito gusto ko man matawa pero pinigilan ko at ngumiti

"Yes po. I think he's upstairs already" sabi ko naman at ngumiti

"Bweno! take a deep rest because when the sun falls down, the party will start" sabi niya na nakangiti

"Mom I bet.."

Hindi ko na sila napakinggan kasi agad agad hinila ni Lourdes yung mommy niya. Napatingin naman ako kay Trexie na kanina pa palang wala sa tabi ko

"Iniwan talaga ako" sabi ko nalang at umakyat sa second floor. Pagkarating ko doon andaming pintuan ang nakikita ko tapos may 3rd floor pa yung bahay

Naglakad na ako doon pero hindi ko kinakatok. Paano ko kaya siya mahahanap?

"Isaac?" Sabi ko habang naglalakad pero walang sumagot. Naglakad nalang ako hanggang sa may narinig akong pagbukas sa likuran ko

"Ay nanjan ka lang pala!" Sabi ko at kaagad lumapit sakanya. Napatingin ako sa itaas ng punto at may nakalagay doon na Room 6

"I'm waiting for you" sabi niya na nakangiti kaya kaagad naman ako pumasok at napamangha sa loob

"Guest room paba 'to?"

"I guess so"

Sabi niya pero hindi ako makapaniwala. Eh kasi naman ang ganda, parang hindi guest room eh. Agad agad naman ako umupo sa kama at kaagad kong naconfirm na malambot talaga

"You look like a child" natatawa niyang sabi pero hindi ko nalang siya pinansin. Manunukso lang yun

"May party daw mamayang gabi" sabi ko sakanya pagkahinto ko sa pagtaas-baba habang nakaupo

"I heard about it but I bet it will start around 6pm" sabi niya at humiga sa kabilang side at tinanggal yung sapatos niya

"Magi-ikot ako mamaya" sabi ko naman sakanya kaso napatili ako bigla kasi bigla niya akong hinila kaya napahiga ako

"Let's take a rest first then we will roam around later" sabi niya at niyakap ako. Syempre ako paba ang hi-hindi eh nanglalambing siya kaya niyakap ko nalang siya

"Sabi mo ah" sabi ko nalang sakanya at pumikit na

***

Nagising ako dahil biglang may tumapik ng mukha ko yun nga lang mahina lang pero naiirita ako kasi natutulog pa yung tao tapos ginigising. Kaya naman tinakpan ko nang unan ang mukha ko pero nakaramdam ako na sinusundot sundot yung tagiliran ko kaya hinawakan ko ang daliri nun at unti-unting binuksan ang mga mata

"Don't you dare.." Banta ko sakanya pero ngumisi lang siya at kaagad ako kiniliti. Sensitive akong tao pagdating sa mga ganito kaya tudo tili naman ako at tawa habang pinipigilan siya

"T-tama hahaha naaaa hahahaha"

"Hahahaha ok ok!"

Hinga ako ng hinga habang nakatitig sakanya at siya naman nakangisi lang. At ngayon ko lang napansin na nakasando na pala siya na kulay puti at shorts na manipis, kanina pa yata siya nagising

"I was trying to wake you up normally but you are not cooperating" ay aba. So kasalanan ko pa

"Don't me ha.. Kaya ba kiniliti mo nalang ako kasi hindi ako kaagad gumising?" tanung ko sakanya at siya naman tumayo tapos inayos ang suot

"Yeah.. Baka kasi pag hindi kapa magising we can't see the sunset" sabi niya and by mentioning the sunset, kumiripas ako kaagad sa bathroom at agad agad naghilamos at toothbrush then kaagad lumabas doon at humarap sa wardrobe at naghanap ng pwedeng susuotin

"Maligo ka muna kasi.." Sabi niya at tinakpan ang ilong niya kaya napaamoy tuloy ako sa kili-kili ko at napagtantong niloloko lang pala ako

"'Langya ka! Hindi kaya! Hay nako talaga maliligo nalang ako para fresh!" Sabi ko at kinuha yung dala kong sabon at shampoo at ilan pang mga kagamitan

"Mga 30 minutes lang ha? I'll be waiting downstairs"

"Okay"

So I do everything what I need to do at good thing natapos naman ako ng hindi pa 30 minutes, mga 28 minutes pa but hey.. Hindi pa yun 30 monutes nuh

So pagkalabas ko, walang tao so nagbihis na ako kaagad tapos biblowdry yun buhok ko para hindi na basa at kaagad inayos ang damit na nakatingin sa whole body mirror

Inayos ko yung buhok ko, I make it into a messy bun then binabaan ng kunting buhok sa gilid to look fab then tinignan ko yung suot kong off-shoulder na kulay puti, a short shorts at slippers tapos bumaba na ako

Pagkababa ko nakikita kong sine-set up nila yung mga buffles at amplifier, may iba ring inaayos yug tables at kung ano ano pa. May party pala mamayan gabi kaya may ganitong pasabog

"Hon! C'mon! Malapit na" biglang nagpakita si Isaac sa harapan ko at agad agad akong hinila palabas ng rest house. Pagkalabas namin nakikita ko kaagad ang color orange na may pagkared na araw na lumulubog sa dagat or in short, horizon

"Tara!" Sabi niya at hinila ako palapit doon sa dagat at umupo kami doon

Sa pwesto namin mas gumaganda yung view. Nakaupo lang ako sa gilid niya habang siya nakaupo rin pero nakayakap naman yung kamay niya sa shoulders ko

"Ang ganda naman dito" sabi ko nalang habang nakatitig sa araw na kinakain ng tubig

Hini ko siya narinig sumagot pero mga ilang minuto lumipas bigla siyang nagsalita

"But sadly, we can't see this kind of sunset again" Mamamaalam naba siya? Ngayon naba yun? Bakit naman ganyan siya magtanung, sinisira niya yung moment

"Syempre naman nuh.. Eh 2 days lang kaya tayo dito" Sagot ko sakanya na parang energetic na energetic and tried to sound normal pero hindi ko siya tinignan baka kung saan pa pumunta. Hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin ako nagsalita

"Ay teka! Nagtagalog ka kanina!" Sabi ko naman habang nakangiti at nakita ko siyang ngumiti rin

"Ayaw mo ba?"

"Ayaw kasi alam kong nininerbyos ka"

"You really know me.." Sabi niya na nakangiti at unti-unti nang lumubog ng buo ang araw at dumidilim na pero sumagot ako sa sinabi niya

"Yeah.. At wala akong hindi nalalaman pagdating sayo" medyo creepy ang dating sa sinabi ko so I lighten it up dahil puzzled ang mukha niya

"Tara na! Pumasok na tayo, nagugutom na ako eh" sabi ko naman at siya naman ang hinila ko papunta ng rest house

"Binabagay mo talaga ang suot ko sa suot mo nuh?" Rinig kong sabi niya at humarap naman ako sakanya at tinignan ang suot ko

"Bagay naman ah"

"Sinabi ko bang hindi?"

"Ewan ko sayo"

Tumawa lang siya at naglakad kami ulit papuntang rest house. Habang papalapit kami, naririnig ko yung music sa loob and I guess magsisimula na yata

"Bilisan mo oy! Magsisimula na" sigaw ko sakanya habang siya naglalakad lang at ako tumatakbo na pero napahinto ako kasi nagsign siyang sasagutin niya yung tawag

"Oh sige. Mauuna nalang ako" sabi ko pero hindi pa nga ako natapos magsalita bigla siyang tumalikod at naglakad palayo

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad nalang ulit papunta sa rest house. Pagkarating ko, sinalubong ako kaagad nina ate Jillian at Trexie

"Ay nako kanina kapa namin hinahanap, magsisimula na kaya. Dapat hindi ka mawawala saamin kasi may videoke mamaya!" Excited na sabi ni Trexie

"Tumpak! At ikaw ang pambato namin!" Taas noong sabi niya at in a quick seconds, nawala sa isipan ko kung sino yung tumawag

"Ay talaga? Oh sige game ako jan! Sino ba yung mga kalaban natin?" Tanung ko naman sakanila at lumabas kami ng konti kasi maingay-ingay sa loob

"Yung mga gurangers! Narinig ko silang may premyo daw pag may makatalo doon sa pambato nila" sabi kaagad ni ate Jillian at medyo natawa naman ako doon sa gurangers

"Ay sige game ako jan! Kailan daw?" Excited kong sabi. Well.. Kakanta rin naman ako sa weeding ni Lourdes so bakit hindi ko pa tutuduhin?

"Mamaya daw. Basta mapapansin rin naman natin but first, magenjoy muna kayo kasi papunta na rito ang asawa mo" sabi naman ni Trexie na natatawa at kaagad ako napalingon sa tinitignan niya at nakita ko siyang naglalakad papalapit saamin

"Ciao!" Sabay nilang sabi at kumiripas ng takbo tapos biglang may nagsalita sa likuran ko

"Pinaguusapan niyo?" Bungad niya kaagad sakin

"Ay wala wala.." Sabi ko at winawagay-way pa yung kamay

"Pumasok na tayo" yaya niya saakin at pagkapasok namin. Pagkapasok namin nalaman kong tapos na pala ang mga sinasabi nung nasa harapan at kumakain na yung mga tao

"Gutom na talaga ako" sabi ko nalang at hinahanap yun upuan nila ate Jillian

"Ako na kukuha ng makakain natin. Go find my sister" sabi niya at sumang-ayon naman ako kaagad sakanya tapos hinanap ko ang table nina ate Jillian

"Sarah!" May narinig akong sigaw at pagkatingin ko sa likuran ko, nandoon sila, nagko-kompulan kasama ang mga jowa nila. Kaagad naman ako lumapit at napagtantong may vacant seat pala talaga para samin

"Bakit kapa kaya namin iniwan eh kasama naman pala tayong kakain" sabi ni Trexie at nagtawanan naman sila

Napatingin ako sa mga kasama nila. Si Trexie kasama ang isang lalaki na pamilyar, si ate Jillian na kasama si Michael pero wala si Josh, at si Lourdes na kasama si Adrian

"Teka asan si Josh?" Tanung ko kay ate na kumakain na

"Ah! Na kina mommy! Nandoon sa kabilang table" sagot niya naman

"Ay guys- ay later na nga" sabi naman ni Trexie at nagtawanan naman kami ng biglang may naglagay ng dalawang plato sa harapan ko. Ang isa puno ng fruits tas yung isa iba't ibang klase ng ulam at kunting kanin

"Kumain na tayo" sabi niya pagkaupo at medyo nagtaka ako kasi isang kutsara at tinidor lang kasi

"Susubuan kita" sabi niya at nagtawanan silang lahat

"Ano ba talaga ha!? Kami ba ang ikakasal o kayo?" Natawa naman ako sa sinabi niya at napatingin kay Isaac na ngumingiti lang

"Ay nako jumegs ganyan talaga pag in love" sabi naman ni Trexie na kasabay ng pagsubo ni Isaac sakin ng pagkain

"Kagaya mo?" Tanung ni ate Jillian sakanya at nagtawanan naman sila. Napangiti lang ako kasi may pagkain pa sa loob ngbibig ko

"Sino ba yang kasama mo ha Trexie?" Tanung naman kaagad ni Lourdes sakanya. Ngumiti naman na parang kinikilig si Trexie

"Okay sige! Guys I would like you to meet Ivan.. Manliligaw ko" sabi niya tapos agad agad silang nagtayuan tapos nagyakapan, hindi ako tumayo kasi kumakain pa ako tsaka gusto ko pang sinusubo niya 'ko

"Tahimik mo" sabi ko nung pagkatapos kong uminum ng tubig

"Kumakain syempre" sabi niya. Medyo alam ko namang hindi siya talkative na tao kaya sanay na 'kong tahimik siya

"Ay guys! Itaas ang mga champaigne glass natin" anunsyo naman ni ate Jillian kaya tinaas ko rin yung akin

"Para kay Lourdes na ikakasal na bukas!" Sigaw niya at natawanan naman kami

"Cheers!" Sigaw namin pagkalapit namin sa mga wine glasses namin at ininum yung tubig na nakalagay doon. Hindi naman talaga champaigne ang sinerve kundi tubig

"So kayong mga lalaki umalis muna kayo kasi magbo-bonding kaming mga babae" sabi ni Lourdes maya maya at kaagad pinagtutulakan yung mga jowa nila kaya napatingin ako kay Isaac

"Magbonding muna kayong mga boys" nakangiti kong sabi

"Hindi iinum ok?"

"Hindi.."

Sabi ko at may sasabihin pa sana siya ng bigla siyang hilahin nina Michael kaya wala na siyang magawa kundi ngumiti nalang at tumango tapos binatukan sila Micheal and I must say, ibang iba kumilos ang mga lalaki pag kasama nila ang mga kalahi nila

Pagkatingin ko kina ate Jillian natatawa ako kasi para silang may chinichismis na tao kasi ang lalapit nang ma ulo nila at parang may tintagong secreto kasi ang hihina ng boses

"Sarah dali! Ilang minuto nalang magsisimula na" excited na sabi ni ate Jillian kaya pumwesto rin ako tas nilapit ang ulo ko sakanila

"How much ba yung premyo?" Tanung ko naman

"10k daw! Wala daw kasing tatalo doon sa pambato nila kaya malaki ang prize" sagot naman ni Trexie

"Narinig ko nga rin yan at sasabihin ko nga rin sana sainyo pero alam niyo na pala eh push na natin this" sabi ni Lourdes saamin tapos maya maya narinig na namin na ino-on na yung videoke

"Tara na! Magsisimula na!" Tumayo kami kaagad at lumapit sa mga nagko-kompulang tao

"So Mrs. Gueverra have a challenge for you guys. If someone can beat her by singing a classic love songs or any genre but a classic song, she will give 10,000 pesos!" Rinig naming sabi nung lalaki at nawinding naman ang lahat or kami lang

Tumitingin pa rin ako sa harapan ng biglang may humila sakin pagkatingin ko eh yung tatlo lang pala na halatang namro-mroblema

"Paano yan? May alam ka bang kantang pang gurang?" Nagalalang tanung ni Trexie, ngumiti naman ako sakanila

"Konti"

"Oh dali push na natin yan!" Sabi naman niya kaagad at hinila ako ako palapit sa mga tao

"Dito! Kami!" Sigaw ni ate Jillian at nagtinginan ang mga tao saamin

"Dali dali!" Sabi nila at tinulak tulak pa ako hanggang sa nasa gitna na kami, napatingin saamin ang emcee

"Sino sainyo?" Tanung niya

"Siya po" tinuro nila ako at ngumiti nalang ako sa emcee

"What's your name ihja?"

"Sarah po"

"So Sarah anong kakantahin mo-"

"Let's change the mechanics, ako ang mauunang kakanta but I am the one who will choose the song for her" sabi nung babae na nasa late 40's na

Medyo na shock ako baka kasi hindi ko alam, napatingin ako sa tatlo at halatang nagulat rin sila

"Okay.." Sabi ko nalang at nagsimula nang pinatugtog yung kakantahin niya

"Through the fire.." Nasabi ko nalang like omg, matatalo ko kaya siya?

So habang kumakanta siya eh lumapit ako sa tatlo at nakipagchikahan

"kaya ba?" Tanung ni Lourdes saakin at napatingin sa matanda

"Let's just hope nga maganda ang mapipili niya at alam ko kasi itutudo ko na ito" sabi ko at nagtawanan kami

Nakinig lang kami at nung bumirit siya ay grabe, nagpalakpakan silang lahat at medyo kinakabahan ako kasi magaling siya baka hindi namin makuha yung 10,000

"Grabe! So what do you think Ms. sarah, makakaya mo bang talunin siya?" Nakangiting sabi ng emcee saakin kaya hinigyan ko siyang mapanghamong ngiti

"Kering keri ko! Whooo!" Energeti kong sabi at lahat sila nagtatwanan at parang naenergize

"So ngayon naghahanap na si Mrs. Gueverra- at nakahanap na nga siya! Kasalukuyan niyang nilalagay yung code at- Hopelessly devoted to you by Olivia Newton ang napili niya" napangiti ako ng lihim sa kanta, aba gusto niya ng pang broken hearted, pagbibigyan ko siya

"Take these girls" sabi ko sakanila pero hindi pa nakaplay yung kanta. Kinuha naman nila yung tsanilas na ibinigay ko

"May sinabi si Mrs. Gueverra saakin na dapat daw uminum muna ng limang shot ng tequila ang challenger" sabi nung emcee at tumingin saakin. Parang umateko na hinanap ng mga mata ko ang mga mata niya at nakita ko, nakatitig siya saakin kaya ngumiti nalang ako

"Sige ba! Free tequilla!" Sabi ko naman at nagtawanan lahat, napatingin ako sa tatlo na umiiling na pero binigyan ko lang sila ng thumbs up at tumingin doon sa waiter na may tequilla shots sa ibabaw ng dala dala niyang serving plate

"Cheers guys" natawa sila sa sinabi ko sabay taas pa ng shots at kaagad ininum yun. At first natatapangan ako pero nung nainum ko na ang pangatlo parang wala na hanggang sa naubos ko yung limang shots

"Whooo!!!" Sigaw ko naman pero hindi pa ako lasing. Hinanap ko siya pero hindi ko na siya mahanap, saan nanaman kaya siya pumunta? Naibalik ang atensyon ko sa emce pagkasabi niya ng..

"Get ready Ms. Sarah" sabi niya and push the play button

Nagsimila nang tumugtog yung instrumental at nagsimula na akong sme-sway ng bewang ko. Hinahanap ng mga ko ang mga mata niya pero hindi ko siya mahanap

"Guess mine is not the first heart broken. My eyes are not the first to cry. I'm not the first to know. There's just no getting over you" tinanggal ko yung nakatali sa buhok ko at ginugulo gulo un. Lumapit ako sa emce at hinila ko siya, nagsigawan sila at nagtatawanan at nakita ko ring natatawa rin yung emce

"You know I'm just a fool who's willing. To sit around and wait for you. But, baby, can't you see. There's nothing else for me to do? I'm hopelessly devoted to you" habang kinakanta ko yan napapatingin ako sa tatlo at ngumiti tapos napunta ang mata ko sakanya na nakatingin na sakin ngayon kaya mas ginanahan ako. Sumasabay yung mga tao sakin at napapangiti ako. Pumunta ako sa harapan ng emce na nakangiti at mas umingay

"But now there's nowhere to hide since you pushed my love aside I'm out of my head, Hopelessly devoted to you, Hopelessly devoted to you, Hopelessly devoted to you" kanta ko at tumalikod tapos unti unting ibinaba ang katawan, rinig ko yung tawanan at sigawan. Natatawa nalang ako sa sarili ko. Pagkatapos ng chorus humarap ako sa emce

"Thank you ha" sabi ko habang instrumental pa at natatawa naman siyang bumalik sa gilid. Napatingin ako ulit sa audience at nakita ko siyang nakatingin sakin pero bigla siyang umalis at nakita kong nilagay niya sa tenga niya ang cellphone niya. May tumatawag yata sakanya

"My head is saying, 'Fool, forget him.' My heart is saying, 'Don't let go. Hold on till the end.' And that's what I intend to do, I'm hopelessly devoted to you" kanta ko ulit at inayos yung buhok ko sa pamamagitan ng pagsuklay pataas ng buhok ko. Nahanap ko ulit ang mga mata niya pero ngayon nakita ko siyang nakatingin saakin na wala nang distractions at ngumiti. Hindi ko maiwasang mapangiti rin knowing the song ay parang ang buhay ko. Kahit na kasi nagsasaya akong kumakanta dito eh hindi ko na alam anu ang pinaparating ng kanta, kasi kung tutuusin lang alam na alam ko ang message ng kanta

"But now there's nowhere to hide since you pushed my love aside I'm out of my head, Hopelessly devoted to you Hopelessly devoted to you Hopelessly devoted to you" kanta ko with feelings na sobrang sobra at naririnig ko nang sumasabay ulit yung mga audience hanggang sa natapos ko na yung kanta. Hindi ko na siya tinignan ulit at nakipagusap nalang pagkatapos ko kumanta
***
  "Hati hati tayo later ha" sabi naman ni Lourdes saamin

"Oo na. But first magsaya muna tayo- ay hala!" Napasigaw kami kasi biglang nabuhos ni Trexie yung dala dala niyang tubig sa damit ko

"Oh my god! I'm sorry! T-teka sasamahan kitang magbihis-"

"Ano kaba naman, ok lang. Ako na magisa ang magbibihis"

"Sasamahan nalang kita"

"Ok lang talaga Trexie, ako nalang magisa tsaka tubig lang naman 'to"

"Oh sige ha. Bilisan mo girl ha?"

Tumango ako at nagpaalam sakanilang pumunta muna sa room namin. Habang papunta ako roon napalinga linga ako sa paligid baka kasi makita ko si Isaac at yayain ko na siyang magpahinga na baka kasi malasing pa yun, pero hindi ko siya nakita kaya dumiretso nalang ako sa kwarto namin

Pagkapasok ko doon, kinuha ko yung longsleeves na puti na may print sa harapan ng isang pusa at tinuck in yung upper ko sa lower ko para maganda tignan

Tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin at inayos ang buhok ko na dahilan para mapansin ko yung brown envelope sa loob ng bagahe ni Isaac. Nakabukas kasi yun at nagdadalawang isip akong kukunin ko ba o hindi. Ayoko namang makialam sa mga ginagawa niya sa companya kaya hindi ko nalang kukunin

Huminga ako ng malalim at tinapos ang pagaayos ng buhok ko. Niligpit ko yung mga kalat na ginawa ko kaso hindi ko talaga mapigilang hindi mapatingin sa envelope pero hindi ko talaga yun pakikialaman dahil business matter yun for sure at ayokong dagdagan pa yung problema

Kaya naman nung ok na ang lahat, lumabas na ako ng kwarto at naglalakad na palayo kaso hindi talaga ako mapakali at bumunton hininga

"Wala naman sigurong masama kung aalamin ko lang diba?" Nakangiti kong sabi at bumalik ulit sa kwarto

**

A/N: It's been a long time.. Again. Nagawa ko na kasi tong chapter na 'to kaso nakukulangan talaga ako at kagabi natapos ko na nga siya! At mahaba haba 'to ha

May nagbabasa paba? Hehe sana meron pa..

So much for that, Salamat sa mga naghihintay at nag p-pm na kailan ko raw e u-update yung Broken at sa mga nagpost sa wall ko, salamats ng marami! With S yung salamat para madami talaga

So...? Comment down below sa mga ideas and reactions niyo

Don't forget to comment,vote,share and love this story ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

33.9K 2.3K 7
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
148K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
242K 4.3K 22
Dice and Madisson
110K 5.2K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...