Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 60: He's back

2K 29 0
By kevayDREAMER

Hello. Update ulit. hoho! Read vote comment follow  THANK YOU! :")

**

"I missed you baby"

Pagkarinig ko sa boses nya, automatic na napadilat ako bigla. Nagulat pa nga sya dahil agad syang napatayo.

Napakamot pa sya sa ulo na parang nahihiya sa ginawa nya. Ngumiti sya sakin.

Tama ba ko? Nakangiti sya sakin ngayon?

Umayos naman ako ng upo at tinignan lang sya. Hindi ako nagsasalita. Hinihintay ko lang magpaliwanag sya sakin.

"u-uhmm. Sorry nagising pa kita.. A-ano kasi. Bakit andito ka pa? Tara, hatid na kita"

Ano daw?! Ganun lang yun? Matapos nya kong hindi pansinin kanina, 'Tara hatid na kita' ganun nalang? Walang palipaliwanag?! So, kapag trip nya kong pansinin dun lang nya ko papansinin?

Akala nya madadala nya ko sa I miss you nya saka nakaw na halik, huh! Magaling! Pagpatuloy lang nya yun, at baka forever na kaming hindi magpansinan.

"Hindi na. Kaya kong umuwi ng mag-isa"

Ang bitter lang ng pagngiti ko sakanya. Tumayo ako at kukunin ko na sana gamit ko ng bigla nyang hawakan kamay ko.

"Baby, hindi mo ba ko namiss?"

namiss? Theeff! Try kaya nya munang magpaliwanag, diba? Para hindi naman ako mukhang eng-eng kakaisip ng dahilan nya.

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Alam kong alam nya na galit ako, kaya hindi sya makaangal sakin.

"Hindi. Baka kaninang umaga pwede pa, pero nagbago na isip ko. Bakit nga pala bumalik ka pa? Sana dun ka nalang."

Nakukuha ko pa talagang ngumiti pero halata namang pilit na pilit dahil halos taasan ko na sya ng kilay.

Balak pa nyang hawakan ulit kamay ko kaya napaatras ako at nagcross arms.

Napahinga sya ng malalim. Bahagya syang ngumiti at pinamulsa nalang yung mga kamay nya. Ang lungkot ng titig nya sakin, nadadala ako pero hindi pwede. Gusto kong malaman reason nya!

"Sorry. Sorry dun sa nangyari kanina. Ano kasi..ahmm."

Hindi nya matuloy sasabihin nya. Ano ba?! Nabibitin ako!

Hindi nya ko matitigan ng matagal. Titingin sakin, then sa floor, sakin tapos sa floor. Urgh! Hindi naman mahirap magexplain, unless may nililihim sya.

"May sasabihin ka ba? Kung wala mauna na ko--"

"nagseselos ako."

And that’s it!. Sa wakas inadmit na rin nya. Pinipigilan kong wag ngumiti. Masira moment ng pagdadrama nya, sayang. Ahahaha! Tinitigan ko lang sya like saying you need to explain everything to me.

"Nung saturday, kahit masakit pa ulo ko at medyo nahihilo dahil sa byahe pumunta ako sainyo."

"Saturday? Nasa bahay lang ako nun ah"

Iniisip ko pa kung ano ginawa ko nung sabado. Bakit hindi ko alam na pumunta sya, eh hindi naman ako umalis nun.

"Oo nga. Nakita nga kita. Kaso may bisita ka, hindi na ko tumuloy baka makaistorbo pa ko."

Ang bitter lang ng ngiti nya. Psh. Gaya-gaya. 

Sino bang bisita yun? Eh ang pumunta lang nung saturday eh si.... Ok fine. Si Vince na naman. Jusko po! Bakit ba lagi nalang nya pinagseselosan yun?! Kaya pala ang sama ng titig kay Vince kanina.

"Tungek ka rin nuh? Andun ka na, hindi mo pa ko tinawag. Nakakainis ka! Si Vince lang naman yun. Ano namang masama kung andun sya sa bahay? Ayan tuloy--"

"wait lang. Patapusin mo na muna ko"

Aish! Ok! Ok! Moment pala nya toh. Bawal sumingit.

"Ayos na yun sakin. Kakalimutan ko na nga sana kaso nga lang kaninang umaga pagkabukas ko ng locker, eto agad nakita ko."

May kinuha sya sa bulsa nya inabot sakin.

Nanlaki naman yung mga mata ko ng makita yung mga pictures. Kami ni Vince... Paanong.... Sino kumuha ng mga ito?!

"Hindi ko alam kung sinong may gawa nyan at kung bakit nya ginawa yan.. Ang alam ko lang, masakit pala talagang makitang masaya yung mahal mo kasama ng iba"

Parang biglang nag-init yung ulo ko. Nanginginig yung kamay ko habang tinitignan yung mga pictures. Merong nasa canteen kami at nakangiti ako habang nakatingin kay Vince. Meron din yung hawak-hawak ni Vince yung kamay ko. Dun sa may loob ng classroom na magkalapit kami. Tapos meron din nung humiga sa lap ko si Vince after ng game nila. At meron pang iba na nakangiti ako at puro kaming dalawa lang yung nasa pictures.

The fudge! Sino naman gagawa ng ganito?! Nag-effort pa talaga para sundan-sundan kami.

"Akin na yan. Itapon nalang natin"

Kinuha nya ulit yung pictures at tinago sa bulsa nya. Nakuha pa nyang ngumiti sakin pero ramdam na ramdam kong nasasaktan sya. May karapatan nga naman sya magalit. Kahit sinong makakita ng pictures, iba maiisip.

"Pero Daniel alam mo na bestfriends lang kami ni Vince. Ganyan na kami kaclose bago pa maging tayo. At alam mo rin naman na iba ka sakanya. Iba yung feelings ko sayo. Kung sino man gumawa nito, gusto lang nya kong siraan sayo. Gusto lang nyang masira tayo--"

"oh, puso mo. Wag high blood. Ahaha! Halika nga dito"

"Promise Daniel hindi ako nagcheat sayo"

Niyakap nya ko bigla. Urgh! Naiiyak na nga ko sa sobrang inis, tinatawanan pa nya ko.

Halos kulungin nya na ko sa mga braso nya. Namiss ko yung ganitong yakap nya saka paghaplos nya sa buhok ko.

"May sinabi ba kong nagcheat ka sakin?"

Napailing ako. Pero baka yun ang isipin nya. Ayokong isipin nya na niloloko ko sya. Ayokong mawala yung trust nya sakin.

"Alam ko naman kung ano tayo saka kung ano kayo ni Vince. Pero hindi mo ko masisisi. Masakit talaga dito oh." tinuro pa nya yung dibdib nya kung nasan yung puso. "Sorry kung nagpadala ako sa selos ko"

Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko. Ang lapit na ng mukha nya sakin. Naduduling na naman ako sa titig nya.

"Bati na tayo?"

Napasmile naman ako sa tanong nya. Hinalikan nya ko sa may noo at niyakap ulit.

"Aaahh. Namiss kitang yakapin. Sobra sobra kitang namiss. Wala kasing ganito dun, kaya hahanap-hanapin talaga kita"

"Bakit naghanap ka ng iba dun?"

"Hindi nuh! Ikaw lang gusto kong i-hug. Yakapin mo nga din ako."

Kinuha pa nya yung mga kamay ko at pinayakap ako sakanya. Sapilitan lang? Ahaha! Niyakap ko nalang din sya ng mahigpit. Sa totoo lang kanina ko pa talaga sya gustong yakapin ng ganito. I super duper missed him!

Yung amoy ng pabango nya, yung higpit ng yakap nya. Sobrang saya ko na bumalik na sya.

Sinandal na naman nya ulo nya sa balikat ko. Ramdam ko na naman tuloy yung init ng paghinga nya. Tapos yung tiyan ko, may mga paru-paro na naman.

"Welcome back baby! MVP ng buhay ko. You're always my MVP. Wala silang binatbat sayo. Sa puso ko pa nga lang, panalong-panalo ka na. I love you"

"Aww. Bumabanat ka na ah. I love you more my Princess"

aktong hahalikan na nya ko ng bigla kong hinarang yung kamay ko sa mukha nya.

"Bawal. Nasa school tayo. Mamaya yung stalker ko pictureran tayo."

"Ayos lang yan. Tayo naman eh. Wala namang magagalit. Baka ipaframe ko pa picture natin pagganun"

Hinawakan nya yung kamay kong nakaharang, kaya bahagya akong lumayo sakanya.

"No! Hindi pwede. Student Council po ako. Kapag may nakakita satin mamaya maguidance tayo"

"Sus. Daming gumagawa nito. At saka hindi tayo papagalitan, kakampi natin si Principal, malakas ako dun"

Talagang pinagpipilitan nya talaga. May panapat lagi sya sa mga sinasabi ko. Pasaway! Pati Principal namin, dinamay. Porket tita nya. Bias!

"Kahit na. Pano nalang susunod sakin yung ibang students, kung ako mismo tinotolerate ko yung ganyan?"

"Daya. Miss Vice, diba talo ka sa pustahan natin?"

Gasp. Akala ko nakalimutan na nya yan. Seryoso talaga sya dun?

"Pwede utang?"

"Utang? Pwede pero kelangan may downpayment ka parin."

may pakindat kindat pa syang nalaman. At yung ngiti nya, pang-asar. Parang panalo na talaga sya.

Ano kaya yun?! Downpayment eh yung hinihingi nya Kiss. Ganun din yun. Psh.

"Wait.Wala ka bang pasalubong sakin?"

"Meron, ikaw pa. Kaso nakalimutan ko dalhin, mamaya nalang pagkahatid ko sayo. May ibibigay din ako kila Tita"

"Yehey! Bukas mo nalang ibigay, hassle pa sayo pabalik-balik ka. Ano bibigay mo kila Mhie? Akala ko ba wala kang pera?"

"Hindi ako natiis nila ni mommy. Sobra sobra pa nga para daw may pasalubong ako sa family mo"

aww. Ang sweet ni tita. Ang legal lang namin. Pwede na.. Jooooke! After 10years more pa. 

Nag-iisip ako ng ibang sasabihin para hindi na nya ko kulitin sa deal namin.

"Ahmm. Ok na ba yung kamay mo? Hindi ba sumakit nung game?"

"Ayos na. Wag mo ng iniiba yung topic baby. Yung pustahan natin."

luhhhh. Walang kawala? Baka kasi may nanunuod samin. Nakakakaba. Lalo na nga yun na may letcheng stalker ako.

"Hindi po pwedeng mamaya nalang po?"

"Ayoko nga. Bantay sarado ako sa daddy mo. Bakit ba hindi pwede dito? Tayo lang naman po yung andito saka isa lang naman po. mabilis lang. Promise"

Tinataas pa nya right hand nya pero yung ngiti nya hindi convincing.

"Yung mabilis nyo po kasing bilis ng takbo ng pagong, diba po?"

Natawa naman sya sa sinabi ko. See? Mga balak nya talaga.

"Ahaha! Tara na nga. Alam na alam mo na nasa isip ko."

Ginulo pa nya yung buhok ko. Bibitbitin nya pa sana bag ko kaso ayoko. Ayokong pinagdadala sya ng gamit ko, pwera lang kung marami akong bitbit.

"Dapat pala sinulit ko na yung kanina. Sayang"

Hinawakan nya yung kamay ko. ayan na. Nagpout na sya. Yay! Namiss ko yung pagpapout nya.

"hmm. Tingin mo baby, wala si Stalker?"

Binuksan nya yung pinto pero sinarado ulit nung marinig yung tanong ko. Napalingon siya sakin sabay ngiti. Akala mo may sparks sparks mga mata nya. Ankyuuut!

Hinapit nya pa yung bewang ko kaya napalapit ako ulit sakanya.

"Mukha namang wala sya baby"

"ah. Wala lang. Natanong ko lang naman baby"

Napasimangot sya bigla. Napakagat labi tuloy ako para pigilan tawa ko. Ang sarap nyang asarin.

"Don't do that. Natetempt ako"

Natigilan ako sa sinabi nya. Yumuko sya at halos magkadikit na yung noo namin sa sobrang lapit. Pinikit nya yung mga mata nya at parang ninonose to nose ako.

Sana lang walang makakita talaga samin. I place my hands around his neck and close my eyes. Then I kiss him softly.

I missed this guy. Pakiramdam ko ayoko ng lumayo sakanya ulit. Ayoko ng malayo sya sakin kahit isang araw lang. Humihigpit yung yakap nya at kapit ko sakanya. Hindi parin nagbabago yung tibok ng puso ko everytime na kasama ko sya. Ang bilis parin na parang lagi nalang naeexcite. Parang lagi nalang first time.

"I love you"

"I love you too, Ashley"

"So, wala na kong utang. Ok na?"

"Medyo bitin."

aba. Humihirit pa. Lumayo ako at hinila na sya palabas.

"wag na. Next time na lang. kelangan na po natin umuwi "

"kelan kaya yung next time? Baby sasabay pala satin si Trish"

napahinto naman ako at napatingin sakanya. "ahmm. Wala daw kasi syang kasabay. Eh parang masama pakiramdam nya nung nakita ko. Ok lang ba?"

napatango nalang ako. Bakit sya sasabay? Dati naman kahit wala syang kasabay pauwi at may sakit sya, hindi sya sumasabay samin. Baka naman sakit sakitan lang yan ah. PSH

***

Medyo late na nung umalis sa bahay si Daniel. Pano kasi tuwang-tuwa si Mhie sakanya, pinagluto pa sya ng paborito nyang tinolang manok. Mas namiss pa yata ni Mhie kesa sakin. Tch. Pinakwento pa yung mga experiences nya sa Japan.

Aish! Yung lalaking yun! Hindi nya pala binalik headband ko. Napakabading! Nakita lang nya yun sa may tabi ng t.v, sinuot na agad. Mga trip nya! Ang cute daw kasi. Kung alam lang nya, si Vince pumili nun. AHAHA! kasama ko kasi si Vince nun, eh sabi nya maganda daw kaya binili ko. Simple lang kasi saka hindi masyadong girly. Pffft. Baka magtampo kapag sinabi ko. Hihi!

Kinuha ko yung cellphone para tawagan sya. Oh-em! Seriously? Nakaheadband sya lumabas ng bahay. HAHAHAHA!

"Girl! Yung headband ko balik mo bukas ah?" pinipigilan ko yung tawa ko pero hindi ko na kaya. Girl talaga pangbungad ko.

Nakakapagtaka, bakit kaya hindi sya nagsasalita. Tinignan ko phone ko pero naka-use parin naman "hello? Hello?"

wala paring nagsasalita hanggang may narinig ako sa kabilang line.

"Trish nasan ba mantika nyo?"

Trish? Magkasama sila ni Trisha? Nasa bahay ba sya nila? Pero past 8 na, ano namang gagawin nya dun?

Hindi kaya pinagseselos lang ako nito? Aynaku. Mga trip. Gustong gumanti. Ahahaha!

"Baby, waley.Konting practice pa--"

"ah. S-sa may taas. Dun sa drawer"

Natigilan ako bigla ng marinig yung boses na yun. Si Trish? P-pero paanong... Bakit sila magkasama?!

***

tobecontinued :)

<3 Dreamer

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 482 20
The Story of Married couples Ruru and Kylie may anak na sila babae name Lira pero wala nakakaalam na mag asawa na sila isang lihim ang wedding and tu...
629K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
88.1K 1.6K 42
Okay... before you read the story... Hi, I am Gabbie Madrideo... I am a fearless gangster... but I have been assigned by my tito to pretend to be a n...
227K 7.4K 44
Paano kung isang araw ay ma-meet mo ang hindi pangkaraniwang STUDYANTE? Ilang mga ABNORMAL NA LALAKI? Makakaya mo ba silang MAPAKISAMAHAN??? Kaya ba...