Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 59: I exist

1.9K 36 4
By kevayDREAMER

Lutang na lutang yung isip ko. Pinipilit kong maging ok pero hindi ko talaga kaya. Naguguluhan ako. Bakit hindi man lang nya ko pinansin kanina? Imposibleng hindi nya ko nakita dahil nagkatitigan pa kami. Wala naman akong maisip na dahilan para iwasan nya ko.

"uy Ashley, ok ka lang ba talaga?"

Kinalabit ako bigla ni Khate. Kanina pa sila nagtatanong kung anong nangyari sakin, kasi may mga pasa ako saka ang gulo gulo ng buhok ko pagkakita ko sakanila. Kinwento ko yung nangyari, pero hindi ko sinabi na hindi ako pinansin ni Daniel. Sabi ko lang hindi ko sya nalapitan.

"Ah okay lang. Ano ba kakainin nyo? Tara dali. Mamaya wala na tayong table nyan"

Hinila ko si Khate. Napatingin ako kay Vince at alam kong alam nya na pinipilit ko lang ngumiti.

Pumunta na kami sa canteen. Naghanap pa muna kami ng mauupuan. Kinakabahan ako. What if kumain din sila dito?

Hindi mapakali yung mata ko. Halatang may hinahanap.

"Vince ayaw mong magpabili samin?"

"Hindi na, kayo na muna umorder mamaya nalang ako"

bantay table ngayon si Vince. Pffft. Tagalan ko kaya yung  pag-order?

Patayo na sana kami ng mapalingon ako sa mga bagong dating. Ang dami nila kaya agaw atensyon yung ingay. Pero sa isang tao lang ako nakatingin.. Kay Daniel na papalapit na sa table namin.

"Hi Khate! I miss youuu!" yayakapin na sana ni Carlo si Khate pero inunahan ko na sya sa pagyakap. Namiss ko toh. Ang asarin si Carlo. "psh. Ashley naman!"

tinaasan ko lang sya ng kilay. Napatingin ako kay Daniel, hindi man lang sya tumitingin sakin at hindi man lang talaga sya nagsasalita.

"Welcome back tol"

walang ganang bati ni Vince. Yung tipong bored na bored sya. Sungit na naman.

"Thanks"

Bahagya lang syang ngumiti kay Vince. Hindi ko maintindihan. Parang hindi sya si Daniel na kilala ko. Kahit dati na hindi pa kami close, hindi ko sya nakitang ganyan. He's so cold. Meron ba kong nagawa para ikagalit nya?

"Captain, dito!"

"Uy guys dun na kami. Balik kami dito mamaya. Bye Khate!"

Nagpaalam na si Carlo pero hindi man lang sya nagsalita. Tumingin lang sya kila Khate saka kay Vince. Whatthe! Hindi talaga sya tumitingin sakin na parang hindi ako nageexist sakanya! Shettttt! Ang sarap nya sapakin para makita nyang andito ako!

"Ayos lang ba kayo ni--"

"Tara na Khate. Gutom na ko. Dito ka lang B ah."

Ayoko munang magsalita dahil hindi ko rin alam yung dahilan nya. Pumunta na kami sa counter. Nauna sakin si Khate, gumagaya nalang nga ko sa mga kinukuha nya. Wala ako sa mood para mag-isip pa kung anong kakainin ko.

"oh? Kumakain ka na pala ng gulay Ash?"

napatingin naman ako sa plato ko. Ohmyghaad! Bakit may gulay?!!

"a-ah.Oo. He-he!"

gross! Hindi ko naman pwedeng ibalik, nakakahiya.

"Hi Manang. Long time no see. Namiss nyo po ko?"

Napalingon ako sa katabi ko. Feeling ko huminto sa pagtibok puso ko. Sht! Bakit ba kinakabahan ako? Si Daniel lang naman toh! At Boyfriend ko sya.

..But not this time. Feeling ko strangers turingan namin ngayon. Kelangan ba ako muna mag-approach sakanya? Pero kanina ko pa sya gustong kausapin kaso hindi ko magawa dahil sa kilos nya. Sya nga tong umiiwas ng tingin.

Hindi ko napansin na ang tagal ko na palang nakatitig sakanya. Kaya nung tumingin sya sakin hindi ko alam sasabihin ko.

Lub.dub.lub.dub

The fudge! Nakipagtitigan lang din sya sakin. He didn't even smile at me! Hindi ko sya maintindihan! Diba dapat ako ang magalit sakanya dahil hindi nya sinabi na nakabalik na pala sila dito. Sht!

"B. Ang tagal nyo naman. Gutom na ko" biglang sumingit si Vince sa pagitan namin. Nakita ko pangnapakunot noo si Daniel habang nakatingin kay Vince. Pero nag-iba rin agad expression ng mukha nya ng mapansing nakatingin parin ako sakanya. Umiwas sya ng tingin at kumuha na ng food.

"Kelan ka pa kumain ng chopseuy? Psh. Oh, palit nalang tayo"

Pinagpalit ni Vince yung plato namin. Parang bigla akong pinagpawisan. Napakagat pa ako sa labi ko. Baka kasi lalong magalit nyan sakin si Daniel.

Nagmamadali akong magbayad. Ang awkward na kasi. Wala talagang pansinan. Nakahinga lang ako ng malalim nung makabalik kami sa table.

"Magkagalit ba kayo ni Daniel, Ash?"

"Ewan ko dun. Hayaan nalang natin sya. Nga pala, nakita mo na yung gawa ni B? Yun yung magiging background natin"

Iniiba ko yung topic namin. Ayoko syang pag-usapan. Pinipilit ko ngang tumawa para ipakita na ok lang ako. Eto ang gusto nya diba? Then, ipapakita kong hindi rin sya nageexist sakin.

"psh. Daldal. Kumain ka nga muna. Tignan mo uh, may sauce ka pa sa bibig. Baboy."

Ay anak ng siopao! Makababoy lang?! Kinuha ko yung panyo ko para punasan yung bibig ko.

"Akala mo naman sya wala, ikaw nga may kanin pa sa bibig. Ahahaha! Baboy ka rin"

kinapa naman nya yung bibig nya. Joke lang naman yun. Pffft. Wala naman talaga syang kanin sa bibig.

"psh. May sauce ka parin. Dito kasi uh"

Lumapit sya at kinuha yung panyo ko saka sya na mismo nagpunas ng bibig ko. Hindi ako agad nakareact sa ginawa nya. Kusang napatingin yung mata ko sa table nila Daniel. Bakit ba parang takot na takot akong makita nya kami ni Vince na ganito? Diba nga wala syang pakielam?

As expected, wala talaga syang pakielam. masaya sya ngayon kasama mga kateam nya. Hinihintay kong lumapit sya samin at pagalitan ako, na amining nagseselos sya. Pero pano nya magagawa yun, kung kausapin nga lang ako hindi pa nya magawa.

"Pinunasan ko lang bibig mo, natulala ka na? Ganyan ba talaga kalakas dating ko sayo B?"

what the hell! Ang lakas ng trip talaga nito. Lumapit din ako sa may table at pinisil ko ilong nya. Napakahangin!

"Aww. Sht! Babaliin mo ba ilong ko?"

"oh. Great! Buti sinabi mo"

"ops! Tama na. Kumain ka na nga. Bagal mo. Iwan na kaya natin Khate?"

"hindi. Take your time Ash. Hihintayin ka namin"

aww. Buti pa si Khate. Napabehlat ako kay Vince. Ahaha! Bakit kaya ganun. Ang sungit nila sakin pero pagdating kay Khate ang bait nila. Sila nila Carlo at Lawrence, mga stress sa buhay! tsk. si Daniel nga lang kakampi ko sa mga guys. Pero ngayon, mukhang wala yata.

"Yung boyfriend mo B,nababading na sakin. kanina pa tingin ng tingin. Psh. Gusto yata akong tunawin"

napahinto naman ako ulit sa pagkain. Pano mangyayari yun hindi nga tumitingin dito. And besides, hindi ko nakitang nakatingin sa may table nila si Vince.

"what do you mean? Sa sobrang gwapo mo pati yung ibang gwapo piniling maging gay para sayo? Ang hangin B!"

"parang ganun na nga. Tignan mo kasi."

tumingin naman ako pero hindi naman sya nakatingin. Hindi kasi kalayuan yung table namin sakanila, mga 2tables from the left lang pagitan kaya kita ko parin sya.

"baka ikaw nababading? Omg B! Bakit sya? Ahahaha!"

"tss. Ang pahalata mo kasi tumingin. Wag kang lumingon. Tignan mo lang sa peripheral vision mo."

"hay naku B! Illusion mo lang yan. Ikaw ba Khate nakikita mo?"

"Hindi rin. Hindi ko napapansin."

"Do you want proof? Give me your hand"

Seriously? Bakit ba pinipilit ni Vince? At kelangan talaga kasama kamay ko?

Pinahawak ko naman sakanya yung kamay ko. Ang sama ng titig sakin, ayaw talaga magpatalo.

Lumapit sya sa may table at pinalapit nya rin ako. Magkatapat kasi kami kaya parang may pinaplanong masama. Nagbubulungan pa.

"so anong plano? Sino papatayin natin?"

"lol. Wag kang magulo, Khate tignan mo na. Wag kang pahalata"

"Bakit si Khate lang? Dapat ako din"

Diba dapat ako yung makakakita? Psh. Mga trip! Dapat pala nakipagpustahan ako. Hindi sya titingin samin.

"Just wait and smile B"

Ngumiti pa sya sakin pero imbis na ngumiti ako, ngumuso ko. Ahaha! Derp face.

Napafacepalm naman si Vince habang pinipigilan yung tawa. Achuu. Dapat pala nakaderp face ako palagi para mapatawa sya, hindi yung ang sungit sungit nya.

"Ashley, oo nga. Nakatingin. Pero hindi sayo, kay Vince."

Lilingon na sana ako kaso biglang hinawakan ni B magkabilang pisngi ko.

"Don't. Just wait and see kung anong mangyayari"

"Ano ba pinagsasabi mo?"

"1...2... Malapit na. Kung nakakamatay nga lang yung tingin, kanina pa nya ko pinatay."

totally confused na ko sa mga sinasabi ni Vince. Kinakabahan ako. Parang may mali. Bakit ba toh ginagawa ni Vince?

"B." hinawakan ko rin mukha ni Vince at pinisil pisil. "hindi po kita gets"

Napangiti naman sya at lalong lumapit. As in sobrang lapit na, kung wala lang talaga yung table baka inch lang pagitan sa mukha namin.

"..6...7..Smile B"

May counting pa? Ngumiti naman ako. As in pinakamaganda kong smile, hindi na derp.

"10"

After nyang sabihin yun, narinig ko yung pag-atras ng upuan. Yung parang padabog na inatras yung upuan. Ang lakas kasi ng tunog tapos biglang tumahimik pa sa canteen.

Agad akong lumingon nung binitawan ni Vince mukha ko. Kaso pagtingin ko sa table nila, wala na sya......

Naglalakad na sya palabas ng canteen.

***

Naiinis ako! Gusto kong lapitan nya ko, gusto kong kausapin nya ko, gusto kong aminin nyang nagseselos sya, pero hindi nya ginawa yun. Umalis lang sya kahit hindi pa sya tapos kumain.

Tinanong ko si Carlo kung ano bang problema ni Daniel pero hindi rin nya alam. Naguguluhan ako...at nasasaktan na ko.

After ng class, nagdecide akong kausapin si Daniel. Pinauna ko ng umuwi sila Vince, dahil sasamahan nya pang magpacheck up si Khate. Binaba ko na nga yung pride ko. Ako na tong magsosorry kahit wala naman akong ginawang kasalanan. First time ko sanang gagawin yun, kaso nawalan na ko ng gana.

Bwisit lang! Nakakabadtrip lang na ako super duper nag-aalala sakanya, tapos makikita ko na kausap nya si Trisha. Hindi lang kausap, may something ngiti ngiti pa. URGH! Ano toh, gantihan? Pero hindi ko naman plinanong pagselosin sya kanina. Sya nga tong hindi ko maintindihan.

Pinatong ko yung ulo ko sa may desk. Ako nalang mag-isa dito sa room.  Nakatingin lang ako sa may bintana habang iniisip kung anong gagawin ko. Ayoko namang umuwi ng hindi pa kami nagkakaayos ni Daniel. Pero pano kami magiging ok kung hindi nga kami makapag-usap man lang. Baka nga nakauwi na yun.

Hinihintay ko na dumating sya. Sobrang excited na nga kong makita sya ulit tapos ganito pala mangyayari. Nakakatawa lang, parang hindi kami magkakilala ngayon. Inis! Ok naman kami diba? Bakit bigla nalang sya hindi mamansin?

Hindi kaya nangyari yung kinatatakutan ko? Yung kay Trisha. Hindi imposible na makuha nya agad agad si Daniel. It's 2weeks. Malay ko ba kung lagi silang magkasama dun. AHHHH! Ayokong mag-isip ng ganun. Kumikirot puso ko.

Pero what if, hindi na pala ako mahal ni Daniel? Narealize nyang mas gusto nya si Trish kesa sakin.

Hindi ko napigilan yung luha ko. Urgh! Kung anu-ano nasa isip ko. Naiinis ako! Hindi ba nya alam na ang sakit sa pakiramdam na hindi ka pinapansin ng taong mahal mo. Nakakabaliw isipin kung ano yung ginawa ko para ikagalit nya. Ang hirap nyang intindihin!

Narinig kong may nagbukas ng pinto. Hayst! Sino na naman kayang classmate ko ang pumasok ng room? Dito nga ko pumunta para wala ng makakita sakin. Tsk.

Pinikit ko na lang yung mga mata ko para kunwari nakatulog ako. Ayoko ng magtatanong pa sila. Nakakasawa yung paulit-ulit. Lalo na kapag about samin ni Daniel. May issue na nga agad na break na kami, na si Daniel at Trish na. Ghaaad! Bakit alam na nila? Nauna pa sila sakin?!

Lub.dub.lub.dub

Naririnig kong papalapit sa may upuan ko yung pumasok. Gusto kong idilat yung mata ko para tignan kung sino, kaso parang ayaw ng mga mata ko. Kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit pero yung tibok ng puso ko.... nagkakaganito lang naman toh kapag malapit sakin si Daniel.

Hindi kaya sya tong pumasok? 

Yung amoy ng pabango, familiar na familiar sakin. Sigurado na kong si Daniel toh. Pero..paanong andito sya? Paanong nalaman nyang andito ako?

Pakiramdam ko nakatitig sya sakin. Yung feeling na may nakatingin sayo habang nakapikit. Nanatili lang akong nakapikit. Pinapakiramdaman ko lang sya. Alam kong sya toh at hindi ako pwedeng magkamali.

Eh pano kung mali? Ghost pala toh? WAAAAH! Ididilat ko na sana yung mata ko ng maramdaman ko yung pagdami ng labi nya sa labi ko.

Lub.dub.lub.dub

"I missed you Baby"

***

To be continued J

Vote.comment.follow. 

<3Dreamer

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.7K 133 26
Different kinds of one-shot stories. Enjoy Reading!
227K 7.4K 44
Paano kung isang araw ay ma-meet mo ang hindi pangkaraniwang STUDYANTE? Ilang mga ABNORMAL NA LALAKI? Makakaya mo ba silang MAPAKISAMAHAN??? Kaya ba...
59.4K 2.3K 45
A life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nil...