"Hindi mo kelangan magsorry. Don't worry. Ngayon ko nalang ulit sasabihin yun. Pipilitin ko ng kalimutan yung nararamdaman ko sayo. Sana lang....wag kang lumayo sakin."
"B. Hindi ko gagawin yun sayo. Oo, minsan naiilang ako sayo dahil narin kay Daniel. Alam mo naman ikaw pinagseselosan nun. Pero hindi ko magagawang lumayo sayo.Bestfriend kita at masaya ako palagi kapag kasama."
"Ayun nga yung masakit. Masaya ka kapag kasama ako, pero alam kong may taong mas makakapagpasaya sayo. At alam kong hindi ko kayang tumbasan yung saya mo kapag kasama sya.. Mahal mo sya, at ako? Kaibigan mo lang...at hanggang dun lang."
Naalala ko na naman yung mga sinabi ni Vince. Naiipit ako. Nahihirapan din ako sa mga nangyayari. Hindi ko gustong masaktan sya, pero hindi ko rin magawang mahalin sya. Kung siguro noon pa nya sinabi, baka mabaling yung feelings ko sakanya. Kung sana sinabi nya noon pa na mahal nya ko, nung mga panahon na wala pa sa buhay ko si Daniel, sana..sana siguro hindi kami nasasaktan ngayon.
Napatingin ako kay Vince. Saturday ngayon, walang pasok pero magkasama parin kami. Nasa may yard kami at pinapadrawing ko sya ng background namin para sa foundation next week.
Aaminin ko, gwapo talaga si Vince. No doubt na maraming nagkakagusto sa kanya. Medyo may pagkabadboy yung dating nya dahil sobrang sungit nya tignan pero kahit ganun marami paring kinikilig sakanya. Varsity player pa sya ng soccer, tapos ang galing pang mag-gitara. Pano pa kapag kumanta sya? Eh di andami ng nainlove lalo sakanya. Ako nga lang yata yung hindi.
Bakit nga ba hindi ako nainlove sakanya tulad ng iba? Kung crush, pwede pa, pero wala talagang sparks akong nafifeel hindi tulad nung kay Daniel.
"Gwapo ko ba B? Hinay hinay sa pagtitig, baka tumulo laway mo"
Napatumba naman yung kamay ko sa sinabi nya. Nakalumbaba kasi ako at hindi ko namalayan na sobrang nakatitig na pala ko sa mukha nya.Nakakahiya! Ang yabang pa naman nito. Napaka-assuming!
"ewan sayo! May iniisip lang ako at nagkataon na napatingin ako sayo"
"sus. Wag mo kasi akong masyadong iniisip, nasa harap mo lang naman ako"
Nagpapacute pa sya sa harap ko. Yung parang pinapapungay nya yung mata nya. As if naman effective yun sakin. At nagsmile pa ang loko. Smile na pang-asar! Aish!
"B." lumapit ako para hawakan yung magkabilang pisngi nya. "Wag kang assuming dahil hindi ikaw iniisip koooo." at dahan dahan kong pinisil ng madiin yung pisngi nya. Mwahahaha! Ang cute cute ni Vince. Nanlilisik na mata nya pero hindi ko parin sya tinitigilan.
"ah! Ayaw mong tumigil ah"
Hinawakan nya bigla yung pisngi ko at kinurot din ako. Shet!! Patibayan! Mukha kaming ewan tignan ngayon sa may table. Baka kapag may napadaan na kapitbahay at makita kami baka akalain nasisiraan na kami. Mukhang tangek.!
"Ayoko na nga! Masakit na B!"
Tinigilan naman nya ko agad pero tinatawanan parin nya ko. Aww! Nabatak na yata pisngi ko.
"Sige lang. Tawa pa"
"Ahaha! Wala talo ka, weak."
Napasimangot ako habang himas-himas pisngi ko. Urgh! Bakit parang hindi sya nasaktan? Eh namumula na nga cheeks nya ngayon. Ang daya!
"che! Babawi ako. Patingin nga yang gawa mo. Tapos ka na ba?"
"Yes boss!"
napangiti naman ako sa pagsabi nya ng boss. Lumapit ako at tinignan yung drawing nya. OMO! Ang gandaaaaa! Kinuha ko bigla sakanya yung kartolina at tinignan ng mabuti.
"OMG B! Ang ganda! Galing mo talaga!"
May kasama panghampas habang namamangha ako sa gawa nya. Ginawa nyang chibi mukha namin. Ang kyut lang talaga.
"psh. Oo na. Tigilan mo nga yan, bigat ng kamay mo. Para mo kong sinusuntok."
"Sorry naman ah. Masyado lang ako natutuwa sa drawing mo. Ang ganda ko dito. Sobra! Ako magkoColor!"
Kinuha ko yung materials ko at ready to make a master piece na ko nung biglang hatakin nya sa kamay ko yung crayon. Whyyyyy!
"Hindi pwede. Dito ka na nga lang maganda, papapangitin mo pa?"
Napatingin ako sakanya. As in tinitigan ko sya sa mata.
"oh, bakit? Wag mo nga kong tignan ng ganyan para mo kong kakainin. Psh"
Napaatras pa sya at hinarang yung kamay nya sakin. Lalo naman akong lumapit sakanya.
"Ano ibig sabihin mo kanina?"
"oy. Totoo naman sinabi ko, papanget lang gawa ko,pang kinder kulay mo"
at talagang nilait pa talaga, eh di sya na magaling! Kelangan talaga idown ako? Nasa average parin naman yung pagkukulay ko ah. Masyadong o.a manlait.
"psh. The other one! Yung dito lang ako maganda, pakiexplain nga sakin kung ano gusto mong sabihin dun?!"
napaupo ako ng maayos sabay cross arms. Sumisingkit na nga mata ko nakuha pa nyang ngumiti! Shemay!
"Pa'no ako makakamove on nyan? Maganda ka na. That's too obvious."
lub.dub.lub.dub
Bakit ganito nalang yung nararamdaman ko? Diba dapat matuwa ako, kasi sinabihan nya ko ng maganda? Pero bakit pakiramdam ko mas gusto ko pang laitin nya ko kesa ganito.
"Ako na bahala dito. Pakita ko nalang sayo sa monday."
Kinuha na nya yung kartolina at niligpit yung mga gamit nya.
May gusto akong itanong sakanya. Gusto kong malaman yung isasagot nya.
"B. Bakit ako?"
Napatingin naman sya agad sakin. Tinitigan pa nya ko ng matagal. Iniisip nya siguro kung joke ba yung tanong ko. Pero seryoso talaga ako. Bakit ako pa yung minahal nya? Ang dami namang nagkakagusto sakanya. Saka lagi kaming magkasamang tatlo ni Trisha, bakit hindi si Trish?
Di hamak na mas maganda naman sakin si Trish. Mas mabait pa, kasi kapag magkakasama kaming tatlo laging nabubugbog si Vince sakin. Lagi ko syang sinusungitan at inaaway. But despite that, ako parin minahal nya. Lagi nyang sinasabi na ang taba ko kahit hindi naman! hindi daw ako papasa sa taste nya, hindi daw kami magkalevel masyado daw syang gwapo, hindi daw ako chix, at kung anu-ano pang-aasar na sinasabi nya. Pero bakit ngayon,....bakit nya ko minahal?
"B. Bakit ako minahal mo?"
Inulit ko pa yung tanong ko sakanya. Bahagya syang ngumiti sakin.
"Bakit sya at hindi ako?"
Nagulat naman ako sa tanong nya. Hindi ko alam yung isasagot ko. Nanatili lang akong nakatingin sakin. Bakit nga ba si Daniel? Bakit hindi si Vince? Lagi syang nasa tabi ko, masaya ako kapag kasama sya, magaan yung loob ko, at komportable sakanya, pero bakit hindi umabot sa punto na mahalin ko sya tulad ng kay Daniel. Hanggang bestfriend nga lang ba sya sakin?
"Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko" ginulo nya pa yung buhok ko bago tumayo at kunin mga gamit nya. "alis na ko. May date pa kami ni mama mamaya. Bye."
Nakaupo parin ako at hindi talaga ako kumikilos. Parang wala ako sa sarili. Nasa isip ko parin yung tanong nya.
"Wag mo ng isipin yun. We should go back on what we are before, on what we used to."
He smiled and kissed my forehead. Hindi man lang ako nagpaalam. Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad palayo sakin.
Bakit hindi nalang si Vince ang minahal ko? Para sana hindi ko sya nasasaktan ngayon. Para sana hindi rin ako nakakaramdam ng guilt.
****
Late. As usual.
Monday na monday late ako. Hindi na ko nakaabot sa flag ceremony. Pumunta na ko sa pinakadulong line kasama ng ibang mga nalate. May inna-announce sa stage, nung una hindi ko pinapansin yung mga sinasabi. Hinahanap ko pa kasi kung nasan sila Vince. Pero agad akong napalingon ng marinig ko yung familiar na boses ng nagsasalita sa stage.
Lub.dub.lub.dub.
Yung puso ko parang nagtatatalon sa tuwa ngayon. Nakafocus lang yung mata ko sa may stage. Hindi ko mapigilan yung ngiti ko. Yes, its him! Daniel. Nakauwi na pala sila. And he's now having a speech in the stage.
Kelan pa sya nakauwi? The last time we've talked is after their game. Too sad, they didn't make it. Pero proud na proud parin ako sakanya. Para sakin sila parin panalo. Sabi nya saturday daw uwi nila pero hindi man lang sya tumawag or nagmessage man lang sakin. Hayst.
Baka naman isusurprise na naman nya ko? Ohemgee!!!!
Ang ingay na naman sa buong campus. Congratulations and welcome back halos yung maririnig mo, plus yung other kalandian cheering nila. Nagtitilian habang pababa ng stage si Daniel. Ano toh may concert? Banda? Artista?! Makatili mga toh. May tulakan pa. Tss.
Any ways, magsstart na yung class kaya pinapabalik na kami sa mga rooms. Hindi ako makadaan. Gusto kong lapitan si Daniel pero ang daming nakasunod parin sakanila. Urgh. Pwede bang girlfriend muna bago kayo?
"Excuse me. Excuse me"
Hinahawi ko na sila pero parang hindi nila ko nakilala. Ghaad! Waeffect na yung tone ng boses ko sakanila. Hindi man lang nagpagtinag. Natulak pa ko.! Kung sinasampal ko kaya sila isa-isa?!
Pawis na pawis na ko. Nagsusumiksik parin ako makalapit lang. Nabibingi na ko. Sigawan ng sigawan!
"Ang gwapo nyo!"
"Daniel! Papicture!"
"Idol! Idol!"
Dugo't pawis na makalapit lang. Puro pasa na yata ako.Nasisiko na nila, ampoch! Daniel! Bakit ba kelangan pinagkakaguluhan ka?!
Nakalapit narin ako sa wakas. Medyo nakayuko sya na parang nahihiya pa. Nakahawak kasi sya sa may batok nya. But he's smiling. Tapos si Carlo naman feel na feel ang pagkaway. Kinakamayan pa nya yung iba.
Ang gwapooo ni Daniel. Lalo ba syang gumwapo or dahil ngayon ko lang ulit sya nakita?
Nakatingin lang ako habang papalapit na papalapit sila. Hinihintay kong makadaan sila. Yung puso ko..WAAAAH! sasabog na. Ayan na! Myghaad! Kinikilig ako. Ano ba una kong gagawin? Babatiin? Yayakapin? Or sasampalin? Waaaah! Namiss ko sya ng sobra. I don't care kung maraming tao. Yayakapin ko sya ng mahigpit!
Abot-abot sa tenga yung ngiti ko nung palapit na sya lalo na nung tumingin sya sa side ko.
Pero unti unting nawala yung ngiti ko ng magtama yung mga mata namin. I stepped back. Paatras ako ng paatras. Pakiramdam ko gusto ko ng maglaho sa mga oras na toh. Para akong nabibingi. Wala akong marinig kundi yung puso ko. Nanghihina ako. Hindi ko na nga pinansin kung natatapakan ako o nababangga. Ang alam ko lang ngayon, nasasaktan ako. Not physically, pero dito sa loob. Ang bigat sa dibdib.
There's something wrong! Ni hindi man lang sya ngumiti sakin. Tinignan lang nya ko sandali and then umiwas na at dinaanan lang ako. Like he doesn't know me. Like i'm just an ordinary student like the other.
Anong meron? Part ba toh ng surprises nya?
Kung oo, sana tama na…… masakit kasi.