PASSWORD (Completed) (Raw)

Od dcmuch

37.4K 1.5K 1K

Highest rank#132 in Mystery - August 27, 2017 Alamin natin ang misteryo kung paano mapagtatagumpayan ni Shery... Viac

Password
PASSWORD : Chain Reaction
PASSWORD : Perfect Human
PASSWORD : Him
PASSWORD : Him II
PASSWORD : The Prognostication
PASSWORD : The Rationale
PASSWORD : Best Friend
PASSWORD : The Mission
PASSWORD : The secret
PASSWORD : Loving you from afar
PASSWORD : Lets enjoy the moment and forget the reality
PASSWORD : Jumble Emotion
PASSWORD : It Happens Again
PASSWORD : Struggle
PASSWORD : Weird Me. Weird Situation
PASSWORD : Am I dreaming?
PASSWORD : We meet again!
PASSWORD
PASSWORD : PINAM
PASSWORD : Craig Family
PASSWORD
PASSWORD : That curiosity makes me a sinful man!
PASSWORD : Clothe Man?
PASSWORD : Clothe Man II
PASSWORD : Her secret
PASSWORD : ONE DOWN! WHO'S NEXT?
PASSWORD : She's Back!
PASSWORD : Face off!
PASSWORD : Choose
PASSWORD : I miss you
PASSWORD : It's not too late!
PASSWORD : The Test!
PASSWORD : Realization
PASSWORD : Evo meet Shery!
PASSWORD : His Feelings!
SERCRET by: YURI and SEOHYUN
Finale : I am into you

PASSWORD : Becoming One

800 25 19
Od dcmuch

A/N Ipinagpapauna ko na pong may eksena sa chapter na itong hindi naaayon sa minorde-idad.  Kung ikaw ay hindi open minded pwede mong i-skip ang last scene, salamat.  Kasalukuyan akong nag-struggle sa story na ito, naghalu-halo kasi ang ideya ko rito at sa on-going kong I want to reset. Pasensiya na talaga! May nag-aabang pa ba ng story ni Shery? See the multI media, ang ganda ng shery natin ano? I hope you enjoy this chapter, do share and vote after you read. Thank you <3







NAGPUNTA sila sa likurang bahagi ng mansyon. Isa iyong malawak na espasyo na napapaligiran ng mga naggagandahang mga bulaklak at mamahaling halaman na bonsai. Bagaman sinakop na ng dilim ang paligid, ang mumunting ilaw na siyang nakapalibot sa gilid ang nagsilbing ilaw. Idagdag na rin ang tatlong main lights na nakaposte sa bawat kanto ng hardin.

Saglit na bumakas ang gulat sa reaksyon ni Evo nang matunghayan ang dami ng tao rito kumpara kanina na akala mo ay pwede ng tirhan ng masamang elemento ang mansyon sa dilim.

Nilingid niya ang paningin sa mga taong naroon at agad napanganga. Nakita kasi niya sa 'di kalayuan ang kaibigan na napapaligiran ng mga girls. Mukhang naging agresibo na ang kaibigan kong ito!

Lalapitan sana niya ito nang biglang mapahinto.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi na hinarap pa ni Evo ang nagsalita dahil alam niya kung sino ito.

Naunang tumalikod ang lalaki siyang harap ni Evo upang sundan ito. Dinala siya nito sa kabilang hardin na may mini bridge. Nakatalikod lamang sa kanya ito at nakapamulsa. Dahil madilim hindi malaman ni Evo kung galit ito o normal dito ang marinig ang paghinga.

"Nabalitaan kong hindi mo kapatid si Yvon!" panimula nito. Inalis nito ang pagkakapamulsa saka sumandal sa bakod ng bridge. "At malamang alam niya na rin 'yon."

I know. Sa daldal ni Cage at dahil sa tatlong maria na nakapaligid sa kanya wala ng lihim tungkol sa akin ang hindi malalaman ni Shery. Humakbang siya sa bridge, at gumaya sa binatang kausap. Parehas nilang tinatanaw ang kalangitan. Saglit na bumalot ang katahimikan at tanging tunog ng kulisap at pagdaloy ng tubig ang maririnig sa pagitan ng dalawa.

"Kailan ang kasal?" tanong nitong muntik magpalaglag sa pagkakasandal ni Evo.

Natawa tuloy ang binata dahil kahit madilim malinaw niyang nakita ang gulat sa reaction ni Evo. "Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maramdaman na ikaw na ang pinili niya." Anito habang iniisip ang kanyang natunghayan kanina noong makababa ng sasakyan.

Nakita kasi niyang magkahawak ng kamay ang dalawa nang makababa sa sasakyan. Bakas sa mukha ni Shery ang saya kapag tumitingin ito rito. Sayang hindi matutumbasan kung paano tumingin noon sa kanya ito. Aminin man niya o hindi sobrang sakit para sa kanyang natalo siya. At hindi na talaga siya ang tinitibok ng puso ni Shery.

Bumuntong hininga siya saka ulit tumawa. Tawang puno nang panghihinayang at inggit.

"Ang sarap sa pakiramdam na natutuklasan mo ang mga lihim niyang katangian hindi ba?" Ngumiti siya saka minasdan ang star na mas nangingibabaw ang ningning. "Katangiang hindi niya pinapakita sa iba. At nakakatuwang sa kabila ng pagiging cool niya o mukhang masungit, madaldal at maharot siya."

Dahil sa tinuran nito biglang napangiti si Evo. Naalala kasi niya kung paano niya tuksuhin si Shery tapos maasar ito at magdadabog.

"Mahilig pa siyang magbanta." Sabay nilang wika. Dahil sa gulat nagkatinginan silang dalawa. Sabay silang tumawa na siyang bumasag sa katahimikan.

"Tama. Tapos mahilig pa 'yon titignan ka ng matalim para sindakin ka ang kaso hindi sa'kin tumatalab 'yon kaya naasar siya lalo." Dagdag pa nito na siyang ikinatawa ni Evo. Naalala kasi niya 'yung ginawa nila kanina. Bigla tuloy niyang naramdaman ang pananakit ng katawan. Minsan naiisip ko may pagka-amazona talaga tsaka sadista. Sakit kaya ng katawan ko!

Biglang natahimik ang kasama niyang binata kaya nilingon niya ito.

"Pero alam mo sa tagal ng pinagsamahan namin noon. Kailanman hindi ko siya narinig na dumaing o magreklamo kahit pa hirap na hirap na siya o pagod na talaga siya." Tumayo ito saka ulit pumamulsa. Inaalala kasi niya ang panahong palagi niyang natutunghayan ang pagkapahiya nito sa kanilang lolo, kahit pa wala naman itong ginagawang mali. Gusto niya itong ipagtanggol kaso hindi niya magawa dahil magagalit pa si Shery sa kanya pag-nangialam siya. Kaya ang ginagawa niya hinayaan nalang niyang umiyak sa balikat niya ito. Iyon lang kasi ang maitutulong niya rito. Gusto niyang sabihan itong sabihin ang nasa loob nito pero hindi kasi ganoon si Shery, Sanay itong kimkimin ang problema at panay iyak lang ang ginagawa.

Tinignan niya si Evo, "Pagod na siya alam ko pero hindi niya 'yon pinapahalata o sinasabi kaya sana tama nang masaktan siya. Sana paligayahin mo siya dahil alam kong hindi ako ang makakagawa no'n."

Napatayo si Evo. Gaya ni Brent kanina nakatingin lang siya sa mga bituin at nakangiti.

"Nagreklamo na 'yon. Halos pumutok pa nga ang ugat sa leeg no'n kakasigaw." Aniya habang inaalala kung paano umiyak noon si Shery upang isigaw lang na nasasaktan siya at sana imbis na pagpuna ang gawin ay iparamdam naman daw sa kanya ang tuwa o at least pahalagahan ang ginawa.

Nagulat si Brent sa kanyang narinig pero agad siyang napangiti sa reyalidad, Walang duda. Siya nga ang mahal ni Shery dahil komportable itong gawin ang mga bagay na hindi niya kayang gawin sa harap ng iba, maging sa kanya.

"Matapos nang ginawa niyang 'yon alam mo ba napagtanto kong hindi lang pala ako o ang kapatid ko ang nakaranas nang pighati o gutom sa pagmamahal ng aming lolo. Kahit pala siya na kasama nito sa iisang bahay na akala namin ay buhay prinsesa at puno nang pagkalinga ay makakaranas ng katulad ng pait na dinanas namin. Mali pala kami ng hinala. Nagkamali kami. Nagkamali ako." Nawala ang ngiti sa labi ni Evo. Naalala kasi niya kung paano lumuha si Shery noong matapos ito sa pagsigaw. Mga luhang bakas ang pagkapagod at sumusuko na. "Hindi niya na kaya!" dugtong pa niya na para bang gusto niyang isampal kay Brent na hindi lang ito ang nakasaksi sa lahat nang pagpapagal ni Shery.

"Hoy kayong dalawa dali parating na ang birthday celebrant..."

Sabay silang napalingon sa sumigaw na si Cage. Kaalinsunod agad tumakbo ang dalawa upang humanap nang mauupuan.















NAGKAKANDARAPA pa si Evo sa paghila ng upuan habang hindi inaalis ang mata sa dalawang dalaga na lumalakad patungo sa stage. Natawa pa siya ng lihim dahil hinihila ni Shery ang maikling skirt sa likuran dahil halata ritong hindi sanay magsuot ng maikling skirt.

Tuloy napatingin siya sa nakakasilaw na binti nito. Halos mapalunok siya nang maalala ang nangyari kanina. Halos lumalim ang halikan nila kaya naglakbay ang kamay niya patungo sa maliit na bewang nito paibaba sa pwetan padausdos sa makinis na binti.

Agad niyang sinuway ang isipan. Idinako niya ang paningin sa kamay nito. Napangiti siya noong kumaway ito sa karamihan gamit ng kaliwang kamay, tuloy kapansin-pansin ang suot nitong singsing.

"Wait Shery what was that?" tanong ni Cage na siyang nagsilbing master of the ceremony. Lahat tuloy ng mata ay napako roon, siyang tack-in nito ng buhok.

"Sissy nag-propose na ba sa'yo si Evo?" agresibong tanong ni Katie, kaya lahat ng paningin ay dumako sa pwesto ni Evo. Namilog tuloy ang singkit na mata ni Evo kasabay nang pagnanais na manliit dahil sa hiya.

Napangiti si Shery saka tumango. Siyang palakpakan ng lahat upang ipabatid ang kanilang suporta at pag-congrats sa dalawa. Sa kabilang banda hindi mapigilan ni Brent ang mapangiti ng mapait.

"Okay double celebration guys, engagement party and birthday celebration." Anunsyo ni Cage na siyang ikinatayo ng lahat habang patuloy na pumapalakpak.















MATAPOS ng ilang minuto nakalayo si Shery sa kakambal at tinungo ang pwesto ni Evo. Agad naman siya nitong hinila sa 'di kalayuan saka hinalikan. Pinipigil pa ni Shery ito dahil baka may makakita kaya lumapit pa si Evo saka bumulong, "Saan ang kwarto mo?"

Hindi na nakapagsalita si Shery dahil hinila na siya nito papasok sa mansyon. Hindi alam ni Evo kung saan ang kwarto ni Shery kaya kung anong kwarto nalang ang mabuksan niya saka roon pumasok.

Magrereklamo sana si Shery kaso hindi na siya nakapalag noong buhatin siya ni Evo at halikan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan kusa namang kumilos ang mga binti niya upang yakapin niyon ang bewang ni Evo kaya lalong nagdikit ang kanilang katawan.

Naramdaman ni Evo ang ginawang iyon ni Shery kaya hindi niya na napigilang lalong mag-init, "Oh Shery!" bulong niya mula sa mainit na haplos nito sa kanyang batok.

Halos makiliti si Shery kaya napaiktad siya dahilan upang maramdaman ang sinasandalang pader. Malamig kasi iyon kabalintunaan ng init na hatid ng pagmamahal ni Evo. Buhat sa pagiging busy sa kanyang labi, naglalakbay naman ang mga kamay nito patungo sa kanyang likuran upang i-unzip ang dress na suot. Dinig na dinig ni Shery ang lagaslas ng zipper, kaya ganoon nalang ang bilis niya upang i-unbutton ang white polo na suot ni Evo.

Sa noo'y pagtayo niya siyang bagsak ng dress sa ibaba habang nakalantad naman sa kanya ang topless na si Evo. Muli itong lumapit sa kanya saka siya hinaplos sa pisngi, "I love you Shery." anito habang hindi inaalis ang paningin sa kanya, "I love you too." sagot niya naman habang nakapikit. Hindi niya kasi mapigilang mapapikit. May kakaibang sensasyon ang mahiwagang haplos ng kasintahan na para bang gusto niya itong makasama habang buhay.

Ramdam niya ang paggala ng kamay nito paibaba sa kanyang baba, leeg hanggang sa gitnang dibdib kaya hindi niya napansin ang kusang pagkilos ng labi upang banggitin ang pangalan nito, "Evo!"

Iyon ang naging senyales upang buhatin siya ni Evo. Maingat siya nitong inihiga at ngayon ay nakikiliti dahil sa malikot na dila nitong naglalakbay sa kanyang leeg at likod ng tenga. Halos malasing siya sa ginagawang iyon ni Evo

kaya hindi niya napansin ang pagkatanggal ng bra.

Halos mapasinghap siya noong mapunta sa dibdib ang kiliting halos magpaiktad sa kanya. It was pleasurable and makes her wanting for more.

"Ah Evo..." she said in unconscious husky voice.

Evo can't take it no more. He remove his pants just like Shery do to her undies.

"I love you!" They both said as they become one.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

28.3K 1.3K 58
[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga para...
7.5M 184K 45
"A woman who knows what she wants gets what she wants."
313K 5.6K 42
When people cross paths, it's never just an accident. [TheWattys 2018 - Longlist]
Numb is in Od asherinakenza

Tínedžerská beletria

1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...