Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30: His Ex
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 57.5 First

2.1K 34 1
By kevayDREAMER

"Ang sarap talaga ng libre! Busog na busog ako"

"loche! Ako gutom pati wallet ko gutom!"

nakakainis talaga itong lalaking toh. Mag-date daw kami, pero wag daw akong assuming masyado dahil friendly date lang naman ANG KAPAL! Ako pa talaga assuming?! Tapos dahil Champion naman daw sila, itreat ko daw sya. Whattheff! Yung P500 ko, naging P75 nalang! ANG KAPAL LANG TALAGA NI VINCE! Andami nyang inorder na puro sya lang talaga kumain!

"B may tatanong ako sayo"

"Ano naman yun? Wala na kong pera. Wag ka ng magpalibre!"

Nasa may parking lot na kami. Kukunin ko na sana yung helmet ng biglang pigilan nya ko.

"wait lang muna. Sagutin mo muna tanong ko"

"ano ba yun? Wala ka pa ngang tanong"

"ano kasi...Diba may tiwala ka naman sakin kahit hindi mo ko mahal?"

"Ano namang tanong yan?!"

Jusko! Out of nowhere bigla syang nagtatanong ng ganito. Eto na naman tuloy yung puso ko, nagpapanic na naman.

"Basta sagutin mo nalang"

nakaramdam naman ako ng pagkailang sa kanya. But I think he's serious. Based narin sa pagtitig nya sakin.

"Oo naman. Tiwala ako sayo saka mahal naman kita--"

"oh. Tama na. Wag mo ng ituloy. Mas ok na yan"

Ngumiti pa sya at may kinuhang panyo sa bulsa nya.

Masaya ako kapag kasama si Vince. Gusto ko lagi syang kasama. Pero sya kaya? Feeling ko lahat ng sinasabi ko, lahat ng kilos ko, nagiging cause para masaktan ko sya.

Tulad ngayon, mahal ko naman talaga sya.....pero bilang kaibigan lang.

"May pupuntahan pa tayo pero dapat nakablindfold ka,ok lang ba?"

"bakit kelangan pa nyan?! Anong trip mo?!"

"Basta. Tiwala ka naman sakin diba?"

Ano na naman kayang plano nito?! Pinasakay nya muna ko bago ikabit yung blindfold at helmet sakin.

Kinukulit ko sya pero surprise daw kaya wag daw akong magulo. Ano naman kaya yun? Baka naman eto na yung tunay na date! OMG! Baka sa isang bonggang restaurant nya ko dadalhin. KYAAAHH!

Pero baka naman ibebenta ako ni B?! O kaya baka itapon nya ko sa pasig river, o ipasalvage na nya ko! WAAAHH!

"B! San ba kasi tayo pupunta?!"

"relax lang. Kumapit ka ng maayos"

Kinakabahan ako. Wala talaga akong idea kung saan kami pupunta. May tiwala naman ako sakanya pero hindi ko maiwasang kabahan. Lalo na kung maloko tong si Vince. Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko.

"B. Sabi ko kumapit ng maayos, hindi yumakap ng mahigpit."

masyado palang mahigpit yung kapit ko sakanya. Eeeee! Wala kong makita. Natatakot ako mahulog.

"Hindi makahinga abs ko B."

"loche! Abs ka dyan! Baka tabs"

Kinurot ko pa yung tyan nya. Ahaha! Abs abs. Napakayabang talaga nito. Well, may abs naman talaga sya. Syempre soccer player sya, nabibuild up yung body nya. Saka nakita ko narin naman yun dati. Oy ah! Walang malice yun. Swimming with my family last year syempre nakatopless sya.

Ang tagal! Kung anu-ano na nga pinag-uusapan namin ni Vince habang nasa byahe. Pero nakakamiss din yung ganito. Parang ang tagal-tagal naming hindi nagkasama. Sana ganito lang kami palagi, sana pagbalik ni Daniel ganito parin kami ni Vince.

"B! Tanggalin ko na kasi toh. Ayoko na! Natatakot na ko uh"

Kapit na kapit ako sa braso ni Vince. Ang higpit pa ng hawak ko sa kamay nya. Natatakot na kasi ako. Ang tahimik ng paligid baka kung nasan na kami.

"chill ka lang. Kung makahawak ka naman sa kamay ko. Sabi ko na nga ba, kunwari ka pa--aray!"

"Loche ka! Sasapakin talaga kita mamaya B! Kapag ako talaga hindi natuwa dito sa surprise mo!"

kinurot ko yung braso nya pero tinatawanan lang nya talaga ako. Bwisit.! Tinatakot pa ko. Binibitawan nya kamay ko.

"eto na nga. Tatanggalin ko na po"

dahan-dahan ko namang binuksan yung mga mata ko pagkaalis nya ng panyo.

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Hindi ko ineexpect yung nakikita ko ngayon. Napatakip nalang ako ng bibig habang tumulo yung luha ko.

Lumapit pa ko lalo sa may puno. May mga ilaw na nakapaikot sa puno na nagsisilbing liwanag sa paligid. Para tuloy malaking Christmas Tree. May bouquet pa at stuffed toy na piglet na nakabasketball shirt. Tapos may nakaukit pa sa lupa.

Happy 1st Monthsary!

"Nautusan lang ako. Pinagplanuhan nya yan bago sya umalis"

Sa sobrang saya ko ngayon! Wala akong masabi sa ginawa nya. Sobrang nasurprised ako. Lahat ng ito plinano nya? Eto pala yung lagi nilang pinag-uusapan ni Vince.

Kukunin ko na sana yung stuffedtoy ng maramdaman ko yung pagvavibrate ng cellphone ko.

Private number calling....

OHEMGEE!! nagtatalon na yung puso ko. For sure si Daniel toh! Ehemm. Ehemm! Tinignan pa ko ni Vince na parang sinasabing sagutin ko na.

"hello?"

[Happy Monthsary Baby!]

lub.dub.lub.dub

Yung puso ko.. Ngayon ko lang ulit narinig yung boses nya. Namiss ko sya lalo. Hindi ko tuloy mapigilan yung pagluha na naman ng mata ko.

"Happy Monthsary too Baby! I love you!"

[I love you too! Umiiyak ka ba?]

Pinunasan ko naman yung luha ko. Halata pala sa boses ko. Anubayan! Natotouch naman kasi ako.

"Ikaw kasi! May mga ganito ka pangginagawa! Nakakainis ka talaga!"

[ahaha! Sorry na po. Mahal lang kasi kita. Tingin ka sa langit baby]

"bakit?"

[wala lang. Para kunwari magkasama tayo ngayon. Iisang moon lang naman tinitignan natin]

tumingin naman ako gaya ng sabi nya. Isang buwan narin pala kami. Parang dati lang, sinong mag-aakala na magiging kami? Yung lalaking tinatanaw ko lang dati sa malayo, yung lalaking minahal ko ng palihim, ngayon kami na. At sobrang sarap sa feeling na maging girlfriend nya.

Habang nakatingin ako sa langit,may nakita akong fireworks.

"Baby may fireworks! Ang ganda! Sayang hindi mo nakikita"

Inggitin daw ba? Ang ganda naman kasi talaga. Naalala ko tuloy nung New Year, super memorable talaga yun sakin. Syempre kasama ko sya.

[Sayang nga. Hindi ko nakikita reaction mo ngayon]

"eh? Bakit ako? Fireworks sinasabi--"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng mabasa ko yung mga letters na nagliliwanag sa kalangitan.

I LOVE YOU BABY!

Parang may fireworks narin sa puso ko ngayon. Kinikilig na ko naiiyak na natatamemeng hindi malaman! Sobrang saya ko na hindi maexplain! Ano ba Daniel! Bakit ba sobra ka kung magpakilig?!

[Ayos ba baby? Akala mo nakalimutan ko na nuh?]

"Nakakainis ka talaga! 5days?!5days kitang hindi makausap tapos kanina hindi ka pa nagreply, tapos eto! Nakakainis ka talaga! Ang dami mong pakulo!"

sinusumbatan ko pa talaga sya pero naririnig ko lang yung tawa nya. Aww. Namimiss ko na sya.

[nakabawi naman diba?]

"aaahh! Naman kasi Daniel! Nahihiya ako. Super nag-effort ka talaga para sakin tapos ako, wala man lang akong gift sayo."

Wala talaga sa isip ko na magbigay ng gift dahil wala naman sya dito. Pero sya, niready nya pa talaga.. Planadong-planado.

[ok lang yun. Nag-effort ka rin naman gumising ng maaga para batiin ako diba? Saka I love you mo lang sapat na]

eeeeeee!!! Nag-effort talaga ako dun! Mahirap gumising ng 5am! Dapat nga saktong 12 ko sya babatiin kaso inaantok na ko.

Tumalikod ako kay Vince at medyo lumayo pa sakanya. Nakakahiya kasi marinig nya sasabihin ko.

"I love you baby! I love you so much! Miss na miss na miss na kita"

[I love you too! Pano ba yan, namimiss mo na pala ko]

"Ahmmm.. Oy ang mahal na ng babayaran mo, magonline ka nalang later"

emeyghed! Masyado akong nadala sa sweetness nya! Wala na! Talo na ko sa pustahan namin. Inamin ko ng namimiss ko na sya.

[palusot. Ayos lang yan, mas mahal naman kita kesa sa babayaran ko]

"sige lang. Ipush mo lang yung word na mahal"

[aww.Hindi ba benta? Haha! Namimiss na kita baby. Hindi pala tayo pwedeng magLDR]

"Bakit may balak kang magstay dyan?! Malapit ka ng umuwi. Diba friday flight nyo?"

[Hindi nuh. Naisip ko lang na mahihirapan ako kapag malayo ka. Yes, 2days nalang mayayakap kita ulit]

"Sinong may sabing makakayakap ka?"

[Bawal ba? Sinong gusto mong yakapin? Si Vince? Yakapin mo na sya habang wala ako, pagdating ko dyan, hindi na pwede]

"huh? Bakit ko naman gagawin yun?"

Ayan na naman. Si Vince naman topic namin. Aish! Wala naman akong sinabi na gusto kong yakapin si Vince.

[Sige na. Ayos lang naman sakin. Ibigay mo yung phone kay Vince. May sasabihin ako]

URGH! Nagseselos na naman ba sya? Pero wala naman akong ginagawa. Sya nga tong nag-utos kay Vince na samahan ako dito eh.

"B! Kausapin ka daw"

Inabot ko naman kay Vince yung phone ko. Nagtataka pa sya, eh malay ko din sa sasabihin ni Daniel.

"ok lang...oo..huh?.....bakit?...ayoko nga....bakit ko nga gagawin yun?.... Bahala ka....f*ck you!...."

Dapat pala niloudspeak ko. Ano kaya sinasabi ni Daniel? Sama ng tingin sakin ni Vince eh.

"psh. Bahala ka nga.. Geh na. Balik ko na toh sakanya. Ingat dre"

"Ano sabi?"

nagkibit-balikat lang sya at inabot sakin yung phone. Ayos ah. Mga sagot talaga nito! Aish!

"uy ano sinabi mo kay B?"

[samin nalang yun. Haha. baby, bye na! Imissyou!.]

"tss. Andaya! Sige na, bye! Galingan mo sa game ah? Yung kamay mo mag-ingat ka. Tapos magpahinga ka muna bago ka magshower. Update mo ko agad kapag nanalo kayo, ok?"

[yes boss! I love you. Bye!]

"I love you too, bye"

Inend call na nya. Hayst. Ayun lang. Ganun lang talaga katagal pag-uusap namin.

"oh? Bakit ang lungkot mo?"

Napatingin naman ako kay Vince. Kanina umooverload yung saya ko, ngayon bigla nalang nawala. Pero hindi dapat ako malungkot. Dati nga hindi kami nag-uusap ni Daniel pero nakakaya ko.

"hmm. Ako? Hindi ah. Ano pala sabi sayo nun? Sabihin mo na"

Kinukulit ko na syang sabihin sakin. Ayoko na ng lagi silang may sinisikreto sakin.! Nadala na ko.

"Ano nga kasi?! Isa!"

"psh. Yakapin daw kita sabi nya. Ano bang problema ng boyfriend mo? Pinamimigay ka na yata, umay na sayo"

Sinabi nya talaga yun?! Ano bang naisip nun. Makokonyatan ko talaga sya pagbalik nya. Aish! Sya gumagawa ng ikaseselos nya. Tch.

Umupo sya sa may puno kaya napaupo narin ako.

"Ang kapal! Umay ka dyan." kinurot ko yung braso nya tapos may kasamang suntok pa. Kawawa. Bugbog sakin.

"Aray ko! Tigilan mo nga yan. Tanggapin mo na kasi B, nagsasawa na yun sayo"

"Hindi kaya!"

"so, anong rason nya bakit sinabi nya yun?"

"Nagseselos yata yun sayo. Ewan ko dun. Labo minsan. Lagi nalang ikaw pinagseselosan. "

Natahimik naman sya sa sinabi ko kaya hindi narin ako nagsalita. Mali bang sinabi ko pa yung about dun? Totoo naman yung sinabi ko, at hindi ko talaga alam kung bakit sya pinagseselosan nun.

Magkatabi kami pero hindi kami nag-uusap. Ang tahimik tuloy. Nakatingin lang kami sa langit. Stargazing ba ito?! Ang awkward!! Wala naman akong maisip na pwedeng pag-usapan.

"hmm. Tara na B, gabi na. May pasok pa tayo bukas"

Niyaya ko na sya. Nakakailang din pala yung hindi kayo nag-uusap. Hayst. Tumayo na ko para kunin na sana yung mga bigay ni Daniel kaso napalingon ulit ako sakanya ng magsalita sya.

"B.Eto pala yung pera mo kanina"

Iniabot pa nya yung P500 sakin. Napakunot noo naman ako sakanya. Bakit nya binabalik? Libre ko na nga yung kanina.

"uy! Wag mo ng bayaran. May pera pa ko. Libre ko na nga yung kanina"

"Niloloko lang kita kanina. Hindi ko naman talaga ginamit yung pera mo. Papayag ba kong ikaw ang gumastos?"

Ginulo pa nya yung buhok ko. At bigla syang ngumiti ulit. Yung ngiting hindi mapang-asar, basta iba yung ngiti nya. May something na alam mong masaya sya talaga ngayon.

" Treat ko na nga yun sayo dahil nanalo kayo'"

"Ayos lang. Gusto lang talaga kitang makasama kanina. Tagal narin nating hindi lumalabas at saka.." parang nag-aalangan pa sya kung sasabihin nya sakin. Napahawak pa sya sa buhok nya. "...saka nakakamiss narin. Tinignan ko lang kung pwedeng pang-ibalik yung tulad dati"

Hindi ko maintindihan yung sinasabi nya. Anong ibabalik sa dati? May pinabago ba talaga samin?

"B. Alam ko hindi na tayo laging magkasama. Pero ikaw parin naman yung B ko...yung bestfriend ko."

Bahagya lang syang ngumiti at lumapit sakin. Hinawakan nya yung mga kamay ko.

Lub.dub.lub.dub

Eto na naman yung puso ko. Pakiramdam ko tumitigil yung oras kapag hinahawakan nya kamay ko. Natutulala ako. Hindi ako makakilos.

"Kapag ba hinawakan ko ng ganito yung kamay mo, hindi ka maiilang?" Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa mga mata nya.

Binitawan nya yung kamay ko at hinaplos naman yung pisngi ko.

"Kapag ba hinalikan kita dito, hindi mo bibigyan ng meaning?"

Hinalikan nya ko sa pisngi. Hindi ko alam kung ano na yung nangyayari. Para akong nahihypnotize. Ni hindi ako makasagot sa mga tanong nya.

Lumapit pa sya lalo at niyakap ako.

"Kapag ba niyakap kita,yayakapin mo din ba ako?"

Ramdam na ramdam ko yung hininga nya sa leeg ko. Ang higpit ng yakap nya. Kelan nga ba yung huling beses na niyakap nya ko? Gusto ko syang yakapin pero parang nanghihina ako. Parang hindi ko maigalaw yung mga kamay ko.

"Kapag ba sinabing kong mahal kita, hindi ka lalayo?"

Halos pabulong na yung tanong nya. Bakit ba ganito? Yung boses nya parang hirap na hirap na sya. Hanggang ngayon nasasaktan ko parin sya.

"Mahal parin kita hanggang ngayon Ashley."

Pagkasabi nya nun, kusa nalang tumulo yung luha ko na parang may sariling isip. Na parang hinihintay lang marinig yun bago tumulo.

Pilit kong ginalaw yung mga kamay ko para yakapin sya. Kahit man lang sa paraan na ito maramdaman ni Vince na mahalaga sya sa akin. Na mahal ko sya...Pero hindi katulad ng pagmamahal na nararamdaman nya sakin.

"I'm sorry Vince.."

***

to be continued :)

K. k. bangag! XD will edit. 

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 21 1
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.4M 56.6K 18
"LIFE begins when I met you. DESTINY starts when I saw you in my office wearing a sinful two-piece red bikini. My FOREVER triggered when you smiled a...
9.7M 162K 62
Highest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was ev...