Bulong ng Puso (She Holds the...

By Shan_sky

115K 3.9K 393

March 2016 ~ Dec. 22, 2016 Book2 of She Holds the Key More

Prologue
BNP 1: Returning
BNP2: Refreshed
BNP3: Insecurity
BNP4: THOUGHTS ~ Meeting Myles and CJ
BNP5: Visions
BNP6: Warning of a Past
BNP7: Mixed emotions
BNP8: Drummer
BNP 09: Mag~usap tayo...
BNP 10: Sukdulan
BNP11: Nagsimula Na
BNP12: Ayaw Papigil
BNP13: My Bad
BNP15: Maaabot na Kita
BNP16: Possible?
Chapter 17: Fear and Intimacy
Chapter 18: Huwag na Huwag
BnP19: Hihintayin ka namin
Bnp20: Nakaw na sandali
BNP 21: Yes it's ME
BNP22: Obsession
BNP23: Losing hope
BNP24: REVENGE
BNP 25: TURNS and Shortcuts
BNP26: Yours and Mine
BNP 27: Tiny Tummy
BNP 28: Not Again!!!
BNP 29: Deep In My Soul
BNP 30: Vow
BNP 31: Two as One
A letter
BNP 32: KAPIT LANG
BNP33: Tests
BNP 34: DAPITHAPON
Bnp : Thankful
BNP 35: Sa Piling Mo
EPILOGUE: RAINBOW AND SUNRISE

BNP14: HIGIT PA

2.3K 86 6
By Shan_sky

JANNA MARIE'S POV:

       Pinili ko na lang mahiga at hayaan ang tampo niya. Kasalanan ko naman. Naoverwhelmed ako masyado. 

       Paghiga ko ay binuhay ko ang ilaw ng lampshade. Niyakap ko ang unan ko. Tiningan ko kung nagreply si Cissy.
Natuwa ako ng mayro' naman - sabi niya, "Goodnight Janna, pahinga ka na, pagod ka."

       Pero bakit gano'n? Nagreply nga siya pero parang ang cold cold naman niya. At tinawag niya akong Janna ha? Mukha ngang galit. Haay! Ganito 'yung nangyari kanina...alam kong may usapan kaming magpapa-salon ni Cissy after her work. Ang kaso, after lunch, sobrang bilis ng pangyayari.

         Nagpunta sa store si Marcy. Tapos na raw ang tutorial nila ni Lianna at tinawagan daw siya biglaan ng manager ng banda. Ngayon na  raw ako magdemo. Naexcite ako ng sobra.

      Pagdating ko sa studio nila ay pinakilala sa akin ang handler ng band, si  Jowy, hard butch. Nailang ako ng sobra dahil ang titig niya sa akin mula ulo hanggang paa ay gano'n na lang. Gusto ko namang maniwala na nakapasa ako hindi dahil sa ganda ko, chos!  They got me because I can and of my talent.  Sa simulang pagtapik ng stick sa drum, medyo kinakabahan ako. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling tumugtog pero nang tumagal ay parang naging magaan na ang galaw ng kamay at paa ko. 

         "Congratulations Janna! Look what a gem that we got here? Tsk! You're brilliant!" Comment ni Jowy. 

          "Ayos na ang kontrata, ifi-fill-out na lang. C'mon, let's do business. Pack up then we'll drive to Malate, let's celebrate!" 

        Ambibilis nilang kumilos. Sa isang iglap ay nasa isang private function na kami. Ang band mates ko nga pala as a singer ay si Lerix, Primo as Bass, George on guitar. Kaya pala PRimeGroove Band dahil tinayo ito ng magbestfriend na sina Primo at George. Kababata naman nila si Lerix.  Lahat sila ay boys, at magiging astig na package nga naman na babae ang kanilang drummer. Maganda at sexy na drummer...Echos ulit! :)

        So, it's official. Ako na ang drummer ng banda. Hindi ko maisip na ganito kabilisa t may kontrata ng naganap. Two years.  Pinainom nila ako pero tumanggi ako. Tsaka ko lang naalala si Cissy at gabi na pala.

        Iniinterview nila ako sa personal kong buhay pero hindi ako naging madetalye.Mabuti at narendahan ko pa ang bibig kong magkuwento. Nirespeto naman ni Macry 'yun. 

         "Boys, trabaho lang ha. Walang personalan," sabi ni Marcy ng ginigisa na ako ng mga lalaki.

          "Eh baka kasi may magalit na boyfriend si Janna, sa ganda niyang 'yan?" ayuda ni Lerix. 

         "Eh di tayo guguwardiya sa kanya, bawal ligawan, masisira ang carreer, hehehe!" biro naman ni Primo. 

        "Eh guys, Jowy, puwede na ba akong umuwi? Hindi kasi alam sa amin ang nangyari. Hindi ako  nakatext. Ang alam nila, bukas pa ang audition," pakiusap ko. 

         "Ow sure sure! Text kita bukas kung tuloy ang conference. Kailangan kasi nating humabol sa mid-year promotions," sagot ni Jowy. 

        Hinatid ako ni Jowy, dinrop namin si Marcy sa bahay niya. Hanggang ito nga't nakauwi ako at nadatnan si Louie at Cissy. Pero alam ko namang pagkukulang ko. And narealize kong mali ako. Babawi na lang ako. 

//////

         Kinabukasan, maaga akong nagising. Madaling araw pa lang ay nauna na ako kay Aling Maring sa kusina.

         "Oh Janna, natulog ka ba? Maaga pa ha," bati niya nang makita akong nag-basag ng itlog sa bowl. 

        "Opo, para po makabawi kay Cissy."
         "Mahal na mahal mo siya no?"

          "Opo Manang, sobra ko po siyang mahal. Gagawin ko ang lahat para hindi kami magka hiwalay."

        "So pa'no? Ayusin ko muna ang mga nakasampay, ikaw na muna bahala dyan." 

         Umalis si Manang at tinuloy ko na ang pagluluto. After kong ma-prepare lahat ay kumuha ako ng tray.  Sana lang, hindi nag lock ng door niya si Cissy.

        Tahimik akong pumasok ng kuwarto niya. Nakita ko siyang nakatagilid sa kama.  Pagtingin ko sa wallclock ay 6:30 a.m. pa lang. Nilapag ko sa coffee table ang pagkain at tinabihan siya sa kama. 

        Natatakpan ng kumot ang katawan niya hanggang leeg. Namiss ko siya.  Tumabi ako sa kanya at inikot ang braso ko sa ibabaw ng braso niya. Sinuksok ko ang ulo ko sa batok niya at nasamyo ang mabango niyang buhok. Nag-init ang pakiramdam ko sa pagkakadikit ng balat namin. 

          "Uhmmm....." ungot niya at gumalaw ang ulo niya.   Sumiksik pa rin ako sa kanya at himas-himas ko ang braso niya.

          "By.....by....gising na.."
           "Uhmmm....maaga pa." 
           "Maaga pa ba? Lalamig 'yung hinanda kong almusal." 
          "Hmmmm...bakit?" 

        Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Ayaw kong lumayo.  "Namiss kita babe..," lambing ko sa kanya.

        "Yakapin mo naman ako oh..pelase?" 

       Mabagal siyang gumalaw dahilan sa naalis ang braso kong nakapatong sa braso niya. Umikot siya paharap sa akin atsaka niya ako niyakap. Nakokonsensiya naman ako dahil dapat galit siya sa nagawa ko kahapon.

       Pagyakap niya sa akin ay lumipat ang pagkakasiksik ko sa leeg niya. Hmmmm....ambango lang niya!  Gusto ko rin ang amoy Cissy na galing kama. Fresh pa rin. 

       Nakayakap siya sa akin pero nakapikit pa rin siya. Napangiti ako. This is  my undone Cissy. Tiningala ko siya at kinagat-kagat ko ng pino ang baba niya.  Gigil na gigil na akong romansahin siya kaso baka bigla akong ilaglag sa kama.

          "Uhmmmm...Janna huwag..." 

          Janna pa rin? Tsk!  Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. "I love you babe, mahal mo ba ako?" 

          "Janna...matulog ka pa, maaga pa." 
        "Baby mahal kita, sorry na please..."  
         "Janna it's okay, ano ba 'yang niluto mo?" 
          "Dilat ka na by, sige naaaa...ako nagluto lahat ng paborito mo, o." 

          Niyakap ako ng mahigpit ni Cissy. Aaaahhh....ang sarap talaga sa piling ni Cissy!  Hinalikan niya ng noo ko tsaka nakita ko ng mulat ang mata niya. Nginitian ko siya. 

           "Goodmorniiinggg!!!" bati ko. She smiled pero hindi umabot sa mata ang smile niya. May tampo pa rin siya. 

          "Kiss?" Ngumuso ako. Gusto knog mawala na ang pader sa aming dalawa. Ayoko ng ganito kami. She gave me a quick kiss sa cheek then sa lips. 

        "You love me?" lambing ko. 

        "Always," sagot niya. "Ano ba 'yun? Tara pagsaluhan natin. Minsan lang 'yan." 

          Tumayo ako at umayos na siya ng upo sa kama. Kinuha ko ang tray at nilapag sa paanan niya. "Breakfast in beeedd  darling!" 

        "Wow! Ikaw may gawa niyan?" 

          "Of course golf course!!! Wala ng iba kundi ang maganda mong mahal," sabi ko sabay kinindatan ko siya.  Tinukod ko ang kaliwang palad ko sa kama.  Nalaglag ng bahagya sa balikat ko ang maluwag kong tshirt. 

         "Yan ba talaga ang almusal ko?" tanong niya.
         "O naman, bakit?" 

          "Sini-seduce mo yata ako at laylay na tshirt mo, labas ang makinis mong balikat. Kagatin ko 'yan." 

           "Try it?" 

          "Wala ka pang bra! May gusto ka yatang palabasing iba eh." 

         "Puwede rin tayong humantong do'n pero kumain ka muna dali," sabi ko sabay buhat ulit ng tray palapit na sa tabi niya. 

        "What's that ba?"
         "Hot choco, srambled egg, tuna sandwich, and choco banana crepe." 

           "Akala ko nag-imbento ka na naman ng recipe eh." 

          "Hindi naman, simple lang naman yan. Parang ako..simple lang ang gusto ko sa buhay... IKAW." 

       "Sus! Pumick-up ka pa." 
        "Galit ka pa rin ba Ciss?" 

         "Im not, tampo lang. Well, alam ko namang alam mo kumbakit. Oaky na 'yon, kumain na nga tayo." 

        Nag-palaman ako ng tuna sa tinapay at sinubo ko sa kanya. "Babe...ang sweet ko diba?" tanong ko sa kanya matapos kong humiwa ng maliit na crepe. 

        "Anyare sa yo? Naging drummer ka lang, anging sweet ka bigla?" 

       "Oo naman. Naging drummer man ako, sisiguruhin kong sa 'yo lang tatambol ang puso ko."  

         "Corny mo Janna..." at nakit ko na ang isang tunay na ngiti mula sa kanya. 

         "Kacornihan ko lang pala makakapag patawa sa 'yo eh." 

        Kinurot ni Cissy ang dulo ng ilong ko. "Ang kulit mo, pero....salamat. Salamat sa almusal." 

        Masaya na kaming nagbreakfast. Kinuwento ko sa kanya ang buong nangyari kahapon mula ng sunduin ako hanggang sa makauwi ako.  Nilaktawan ko na lang ang selos ko sa kanila ni Louie. Siya naman ang nagkuwento tungkol sa pagkikita nila ni CJ, Myles, Billy at Wella.  Naging magaang muli ang pakikitungo niya sa akin. 

         "I want to see Wella first, namiss ko siya ha. Then this Billy? Are yous ure with him? Diba sabi mo gay siya?" 

         "Silahis lang. Wala pa siyang nakarelasyon talaga kahit isa. Puro lang gano'n si Billy. We can meet him today if you want. Ang sabi niya kasi one month lang siya eh." 

        "Okay sige, ano'ng oras?" 

         "After lunch siguro, may sgort meeting lang ako kay Louie mamaya then we can meet somewhere." 

         "Meeting na naman?!" Hindi ko napigil ang sarili ko.  "Nandito na siya kagabe, di pa rin niyo napag-usapan?" 

         "Hon please..." 

        Okay, tiklop na ako. Hon na ang tawag sa akin eh. Kesa Janna lang. tsk! 

          "Ikaw? Wala ka bang aasikasuhin sa JLC?" 

        "Wala naman. Punta na lang muna ako ng mall, may bibilin lang ako." 

        "Okay." 

        After naming masayang kumain ay niligpit  ko na ang tray. Siya naman ay nagpunta ng CR. Lalabas na sana ako ng makita ko ang isang folder sa computer desk niya. Nakita kong hawak niya kasi ito kagabi. Binuksan ko ang folder. Nagtaka  ako sa laman ng folder. Siya namang labas ni Cissy sa banyo at naabutan niyang hawak ko ang dokumento. 

          "Pinaiimbestigahan mo si Marcy?

         "Wala naman, baka lang kasi modus operandi gano'n." 
          "Nang dahil lang  sa banda ko?" 
           "Isa 'yon." 

        Sinalansan niya ang mga unan sa kama.  "So...that's why you're meeting with Louie isn't it?" 

          "Yeah," sagot niya. Pinatay niya ang aircon at tumapat sa akin. "Look Hon, I am doing what is right. I will do anything....a-ny-thing to protect you and Lianna. Whatever the result of the investigation, I will terminate her service as a tutor." 

         "Don't you think you're being harsh?" 

         Hinawakan ni Cissy ang magka-bila kong pisngi. "Janna, you asked a while ago kung mahal kita, oo, mahal na mahal kita. At lagi kong titiyakin ang kaligtasan mo. Ngayon, may masasabi ka pa ba sa gusto kong mangyari kay Marcy?"

      Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Kung makakapag-panatag ng loob at isip mo, wala akong tutol. Sigurado naman akong wala kang matutuklasan dahil mabuti siyang tao." 

         "Well...then good kung gano'n. At least nga, panatag ako. O siya, maligo ka na at mag mall. Promise, saglit lang kami ni Louie."

        Umalis na nga si Cissy at tinuloy ko nang mamili ng bagong rugged na pants para pandagdag sa outfit ko. Ang sabi niya ay imi-meet namin si Billy na friend niya. Oo, gusto kong magka anak, pinipilit ko siya pero paano ang banda? Pero habang nasa mall ako, nagigiliw ako sa mga batang cute na namamasyal.

        Nakita ko si Ciisy at ako, na balang araw ay hawak namin ang kamay ng anak namin at namamasyal din. Nasa counter ako para magbayad nang tumunog ang cellphone ko. 

         "Janna, nasa'n ka? Jowy 'to."
         "Hi! Nasa mall ako."

          "Can you make it for the press conference at six pm?" 
         "Oh!  I ill check muna, may lakad ako."
         "Janna, if you want to work this out, i-prioritze mo muna."

         "O-okay sige." 

        Pagbaba ng telepono, ay agad kong kinontak si Cissy.  "Hello Hon! K-kamusta ang report ni Louie?" 

         "Ahm...okay naman. Legit naman ang mga dokumento." 
       "Hay salamat naman." 
       "So tapos ka na magshopping?" 

        "Uhm..oo just now. Eh By, tumawag 'yung manager ng banda. May press conference mamaya." 
          "Saan?" 
         "Sa Hard rock, Glorietta." 
          "Okay, magkita tayo sa Dad's at four." 
            "Ha?" 
           "Sasama ako sa press conference, ayaw mo?" 
           "Wow! Really?!" 
            "O naman, unless ikahiya mo ako?" 
            "P-pero, okay lang ba ipakilala kita as friend muna?" 
           "Yup I understand." 
            "Okay! Napasaya mo ako baby!!!" 
          "Gusto kong lagi kang masaya." 
           "I love you by...." 
            "I love you more Janna....higit pa sa akala mo." 

 ***********************************

Continue Reading

You'll Also Like

9.9K 1.1K 13
[On-going] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.
607K 13.8K 52
Labstory - Book II ❤MaxGel❤
964K 23.1K 43
Clarise Laine Montenegro: A student from engineering department, she's gorgeous, oozing with sex appeal and damn hot, there's no human being will not...
58.8K 1.3K 32
Katulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo...