Loving The Beast

By Sam_kutcher

714 42 22

Lack of self-confidence that's she is, all the time she think she can't do things others can. Gabrielle is af... More

author's note:
part one:
part two
part three:
Part Four
part five
Part Six
part seven
part eight
part nine
part ten
part eleven
part twelve
part thirteen
part fourteen
part fifteen
part sixteen
part seventeen
part nineteen
part twenty
part twenty one
part twenty two
part twenty three..
part twenty four
part twenty five
part twenty six
part twenty seven
part twenty eight
part twenty nine
part thirty
part thirty one
part thirty two
part thirty three
part thirty four
part thirty five
part thirty six
part thirty seven
part thirty eight
part thirty nine
part forty
part forty one

part eighteen

18 1 1
By Sam_kutcher

Sumilip muna ako mula sa kusina bago pumasok sa sala ng bahay. At ng makita kong walang tao, ay naglakad ako diretso sa kinalalagyan ng first aide kit. Kinuha ko mula sa built in cabinet ang betadine, cotton at band-aide. Inilagay ko sa black pouch para isang bitbitan lang. Pagkatapos ay naglakad ako pabalik ng kusina.

"Saan ka pupunta? At anong kinuha mo sa first aide cabinet."

"Ay kalabaw!" nagulat ako ng biglang nagsalita sa likuran ko si Santiago. Nilingon ko siya at nakita kong nakatayo siya sa puno ng hagdan.

"Ah eh, sa kubo. May sugat sa kamay ang kaibigan mo, si Emman. Gagamutin ko lang."

Mataman siyang nakatitig sa akin habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.

"Bakit siya nagkasugat?" tanong niya habang titig na titig pa din sa akin.

Problema kaya ng lalaking 'to. Kung makatitig wagas!

"Ah-ano kasi,"sasabihin ko ba? Parang ang panget naman. "Nadali lang sa upuan ang kamay niya."

Biglang taas ng kilay niya pakarinig sa sinabi ko.

"Really?"

Napakunot naman ang noo ko pagkarinig doon kanya. Para bang duda siya sa sagot ko.
"Yes po. Sige po Mr. Mariano i'll go ahead nag-aantay pa kasi doon sa kubo ang kaibigan ninyo. I need to attend the wound in his hand." tumalikod na ako at naglakad. May sinasabi pa siya pero mahina lang kaya hindi ko naintindihan.

-----**----------**-------

Pagkarating ko sa kubo, nakita kong nakasandal ulit sa upuan si Emman. Pikit ang mata.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. Maingat akong lumuhod sa gilid ng upuan, sinipat ko ang kamay niya na nakalaylay sa arm rest. It still bleeding pero hindi na gaano ka malakas.

Binuksan ko ang pouch, kinuha doon ang betadine at cotton. Naglagay ako ng betadine sa cotton at maingat kong nilinis ang sugat niya. Pagkatapos nilagyan ko ito ng waterproof na band-aide para sakali mang malagyan ng tubig ay hindi mababasa.

"Salamat Gab," mahinang sabi ni Emman. Akala ko nakatulog siya, gising pala.

"You're welcome. Akala ko nakatulog ka."

"Nope. I just close my eyes but im awake."
Dumilat ito at umayos ng upo. Ako naman ay tumayo na mula sa pagkakaluhod sa gilid ng upuan niya. Bitbit ang pouch ay naglakad ako sa pwesto ko kanina.

"Ayan nalinis ko na 'yang sugat mo. I hope next time hindi mo na gagawin 'yon ulit."
Inisa-isa kong niligpit ang mga gamit ko. Mukhang hindi ko magagawang tapusin ang pagpipinta ngayon. Pwede naman sa ibang araw na lang.

"I hope so.. "

Nilingon ko siya, nakita kong ngumiti siya sa akin.

"Pwede ka naman magshare sa mga kaibigan mo para malessen yung nararamdaman mo. No need to be violent on yourself."

"Kantiyaw lang aabutin ko sa kanila. They never saw me like this. Iba ang pagkakilala nila sa akin."

Mukhang may kahabaan itong usapan namin, kaya umupo ako sa isa pang upuang kawayan paharap sa kanya.

"Kapag sa mga kaibigan mong lalaki, i think siguro kakantiyawan ka. Pero sa mga babae maiintindihan ka nila."

"Ang kaso wala akong close friend na babae. Common friends merun, madami nga. Pero not that close."

"Ay ganun ba," ngumiti ako. "Ang swerte ko naman pala kahit di mo naman ako friend pero nai-share mo sa akin yung nararamdaman mo."

"Unang kita ko pa lang sayo kanina, ang gaan ng kalooban ko sayo. Kaya siguro hindi ako nahiyang maging transparent sa harapan mo. Sorry! Nakakahiya ako nuh?"

"No! Okay lang 'yon. Hindi ko nga ini-expect kanina na 'yang looks mo na mukhang you know.. Tapos emotero ka din pala. Akala ko extinct na ang mga tulad mo."

Napataas ang isang kilay niya habang nakangiti. "Mukhang ano..?"

"Hmmm mukhang manloloko! Peace! Pero sorry 'yon talaga unang impression ko sayo." I have said that straight to him. Ang gaan din ng pakiramdam ko ngayon sa kanya.

"Ganun? The looks is deceiving tandaan mo 'yan. Tsaka ano yung extinct na sinasabi mo. Parang sounds endangered species na ah."

"Eh kasi bibihira na ang mga lalaking umiiyak kapag na heartbroken. Yung tipong kita mo ang sincerity sa kanila. Kasi sa panahon ngayon, iba na. Kapag kasi mabigo sa isa walang problema kasi merun reserba."

"Akala nyo lang ganun ang mga lalaki. Nasasaktan din kami, sobra. Pero siyempre lalaki nga di ba? Kaya we will hide it. Kabawasan kasi yan sa pagkalalaki namin."

"Sa akin hindi. Kapag ang isang lalaki kasi umiyak ng dahil sa love, hindi kabawasan 'yon. It means mahal niya talaga. Saludo ako sa mga ganun." Mas nagiging manly kasi ang tingin ko sa mga lalaking umiiyak dahil sa mahal nila.

"Hindi lahat ng babae ganun. I know lots of women, at kadalasan ayaw nila sa mga lalaking ma emotion. Turn-off daw sa kanila ang ganung klase."

"Ay ibahin mo ako, saludo ako sa mga ganyang lalaki." Tumayo ako at sumaludo sa harapan niya.

Narinig ko ang malakas niyang tawa. I feel so happy kasi mukhang nadivert ko ang attention niya. When I saw people having a hard time or having sad moment andun yung eagerness na mapasaya sila.

"Bakit ka naman sumaludo sa harapan ko?" Biglang tanung niya while still laughing.

"Siyempre isa ka doon!"

"Anyways, maraming salamat Gab." sumeryoso ang mukha.

"Walang anuman, just always smile even though parang kay hirap ngumiti. Even when you are at the worst days of your life smile ka pa din. That was the thing I've learned from my mother." My mom would always remind me how a smile can help someone. Kapag kasi ngumiti ka, sinasabi mo sa sarili mo na "kaya mo yan and everything will be alright."

"From now on i will just smile." Nakita kung ngumiti siya ulit.

Tumayo naman ako, tiningnan ko ang oras sa relo ko, hapon na nga pala. Baka need ng katulong ni manang Adela sa paggawa ng meryenda.

"Good! Sige Emman babalik na muna ako sa kusina. Baka kailangan ng tulong ni manang Adela sa paggawa ng biko."

Napatingin din siya sa relo niya.
"Oo nga malapit na magmeryenda."

Tumayo na din ito. Sinipat ang kamay niyang may takip ng band-aide.

Itinuloy ko naman ang pag-aayos ng mga gamit ko. Inilagay ko sa kahon ang mga ito. Lumapit naman si Emman para tulungan ako. Pagkatapos naming mailigpit lahat nagpasalamat ako sa kanya.

"Thanks sa pagtulong, see you later. Pwede ka tumambay dito kung gusto mo. Tawagin na lang kita mamaya kapag meryenda na. O di kaya hatiran kita dito."

"Ayos lang na dito ako? Mukhang teritoryo mo kasi ang lugar na 'to. Nagtresspassing lang ako."

"Ayos lang, ang kaso baka magwala ka dito mamaya, dun malalagot ka talaga sa akin." sabay tawa ko ng malakas.

"Ganun? Ano naman gagawin mo sakali sa akin? " nakangisi ito. Mukhang may ibang naglalaro sa isipan ng loko.

"Aba eh di ipapa barangay kita. O di kaya babayaran mo lahat tapos ikaw din magkukumpuni."

"Aw ok. No sweat!" Mayabang nitong turan.

"Huh! No sweat daw. Yabang mo nuh? Akala mo madali mag-ayos dito, naku nagkakamali ka. At sa hilatsa mong sanay sa magagaan na gawain i doubt."

"Oi hindi ah. Sanay ako magbanat ng buto. Kita naman sa mga abs ko, wanna see?" akmang itataas na sana nito ang t-shirt ng pinigilan ko.

"Hep! Bawal maghubad uncensored yan, hindi ako naniniwala sa abs mo kung merun man. Pwede kayang ipa-belo yan."

"Oi hindi ah, pinaghirapan ko 'to. Di mo lang alam ang hirap na pinagdaanan ko ma-achieve ko lang ang katawang 'to." para siyang bata na nangangatwiran. I find him so funny. Natatawa tuloy ako sa kanya.

"Okay fine baby boy!" I like teasing him.

Napakunot ang noo niya nang marinig ang pagtawag ko sa kanya ng baby boy.
"What did you call me? "

"Baby boy! Problem with that?"

"Ikaw... Malalagot ka na sa akin.!" Humakbang ito palapit sa akin.

Tatawa-tawa naman akong mabilis na umibis papuntang pinto ng kubo.

"Oi joke lang, para ka kasi bata kung nangangatwiran."

"Bata ka diyan, wanna try?" Seryoso siya kaya natigilan naman ako.

"Oi sorry ha, naoffend ba kita? Joke lang 'yon."
Hindi siya umi-imik, seryoso pa din siya nakatitig sa akin. "Hala sorry talaga." Parang kinabahan naman ako. Napasobra ata ang pagbibiro ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko.

"Oi anu, jo-joke lang talaga pa-promise." Bigla akong nautal.. Gush for sure pulang pula na talaga ako.

Bigla niyang pinisil ang magkabila kung pisngi. Napasigaw ako dahil mejo masakit ang ginawa niyang 'yon.

Tumawa siya ng malakas.
"Ang cute-cute mo pala kapag namumula."

Napatingin ako sa kanya, dyahe akala ko kung ano na gagawin niya sa akin. Haist isipang madumi, badtrip. Parang napahiya ako sa sarili ko na iba ang nasa isipan ko.

"Loko ka!" nakitawa na lang din ako. Actually tinawanan ko ang sarili ko, assumera eh..

Habang nagtatawanan kami nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap. Natigilan ako kaya napahinto ako sa pagtawa.

"Thanks a lot Gab. With you i feel fine and can laugh a lot. Ngayon lang ako tumawa ng ganito simula ng maghiwalay kami ng kaisa-isang babaeng minahal ko ng husto."

"Welcome po. My pleasure po, knowing na may natulungan ako."

"Nice view!"

Kumalas ako bigla sa pagkakayakap ni Emman ng marinig ko na may nagsalita sa likuran ko. Kinabahan ako ng paglingon ng makita ko si Santiago na madilim ang mukha.

Napatingin ako kay Emman, kampanti lang itong nakatayo sa tabi ko.

"M-mr. Mariano ikaw pala." tanging sambit ko. Aywan parang feeling ko may nagawa akong mali sa paraan ng pagkatitig niya sa akin.

"Did i interrupt something? Then I'm sorry."

"Naku bro, wala may pinag-uusapan lang kami ni Gab." biglang sagot ni Emman.

"Ang intimate yata ng pinag-uusapan nyo, kasi may yakapan pang nangyayari."

"Nagpapasalamat lang ako kay Gab. For being nice to me."

"Pwede naman magpasalamat in words without body contact right.. Ms. Dela Paz?" Habang kausap si Emman sa akin siya nakatingin.

Tumango naman ako, gusto ko magsalita ang kaso natameme ata ako. At baka lalo lang mapasama kapag mangatwiran pa ako. I know him.

"Sana tandaan mo kung bakit ka nandito sa property ko Ms. Dela Paz. And i hope malinaw ang ibig kong sabihin. At sana alam mo na kasama doon ang bawal makipaglandian."

I do really know why I'm here, but it doesn't mean na lahat ng gagawin ko o kahit pakikipagkaibigan ko ay pakikialaman niya. Nais kong isatinig iyon sa kanya. The way those words flowed out from his mouth parang nanliit ako bigla. And the last word pakikipaglandian hurt me. Pakikipag landian ba ang pagiging nice sa isang tao?

Nandito ako para maging property niya, oo nga pala nakalimutan ko. The thought of it makes me realize na mababa talaga ang tingin niya sa akin.

"Hindi ako nakikipaglandian Mr. Santiago. Kung ano man ang iniisip mo sa nakita mo sa amin kani-kanina lang its up to you." Gusto ko pang dagdagan ang mga sasabihin ko but i choose to shut up. Ayoko mapaiyak sa harapan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
106K 3.7K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...