Ashley's POV
Ashley's POV
Pagpasok namin ng room ni Vince..
"Yyyiiieeeee!!"
"wooohh.!!Nice one Vince!!"
"naku.magbestfriend daw ohh..woot! woot!"
"Idol na talaga kita pre!"
and bla.bla.bla.
Halos lahat naghihiyawan.
Halos lahat nakatingin samin.
Ang siopao naman talaga oh. Nakita nilang lahat. HUHU! *sniff
kasi naman itong si Vince! mga kalokohan nya talaga. Tsk.
Pero,okay lang naman sana yun sakin. Normal na kasi samin yun ni Vince.
Pero sa mga hindi nakakaalam ng closeness namin, malamang bago yun sa kanila. Tapos, kasi ginagawan nila ng malisya. Ayan tuloy. INIS!
Napahinto ako bigla. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi dahil sa pang-aasar ng mga classmates ko.
Malamang.Ano pa bang dahilan?
Or, I may say
SINO pa bang dahilan..
Huminto na naman sa pag-ikot yata mundo ko.
Para na naman akong statue.
Nakatitig lang sa kanya.
Parang t@ng@ lang.
Bakit ba kasi sya nandito?
Ibig sabihin..
Nakita rin nya?!!!
Psh. Ano nga naman palang pakielam nya sakin di ba?
Nandito lang naman sya dahil sa Bestie ko. Asa naman ako na pumunta sya para sakin, diba? Baka pumuti na yung kalabaw, hindi parin nangyayari yun.
Nakatingin lang din sya sakin.Feeling ko matutunaw na ako sa pag-titig nya. AAAAHH!
Dapat ko ba itong ikatuwa?
Baka gusto nya ring mang-asar samin ni Vince?
Ok lang! Para masabi ko ring napansin na nya ko sa wakas!
Isusulat ko talaga ito sa diary ko mamaya.
Dear Diary,
Tinukso ako ni Crush... *0* Tinukso nya ko sa bestfriend ko. Engot nya! K. Bye!
Scraaaaatch!
"WHY ARE YOU TOO NOISY??!!"
ayayayy.!andito na pala c Ma'am Gie. Filipino teacher namin.
Buti nalang dumating na si Ma'am. Nakakaewan lang kasi talaga yung feeling na nagkatitigan kayo ng mahal mo na may mahal ng iba.
Hindi mo alam kung matutuwa ka ba? Malulungkot? Kikiligin? Masasaktan? O Majejebs eh.
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Bakit ganun?!
"Mr.dela Cruz and Mr.Sanchez. Why are you here? Don't you have a class?"
"ay.sori po ma'am. " nakangiti nyang sabi. AAAHH! Ang gwapo lang nya.
Bago sya lumabas, tumingin pa sya sakin.
kakaiba yung tingin nya. Yung ngiti rin nya kakaiba.
Parang may halong lungkot.
Hindi ko maintindihan kung anong gusto nyang sabihin. O baka naman nagiilusyon na naman ako?!
Sa akin nga ba sya nakatingin??
Nagfefeeling na naman ako. GEEZ!
Bakit nga naman nya ako titignan ng ganun, di ba??
Assuming lang talaga ako masyado. PSH! Oo na! Tanggap ko na. Assumingera ako.
"hoy B! Tignan mo talaga kalokohan mo. Humanda ka mamaya"
"Bakit? Sinave nga kita. You should thank me"
aba? Pasalamat pa ko ganun? Pasalamat pa ko sa pagpapahiya nya sakin! Psh.
Lumapit pa ako lalo sakanya dahil baka mapansin na nagdadaldalan kami.
"Thank you ha? Grabe B. Natouch ako sa ginawa mo kanina. You're my hero"
"You're always welcome B."
"geez! Nakakainis ka. Tignan mo baka akalain may something na tayo dahil sa kalokohan mo."
"why? Kung gusto mo totohanin natin"
napatingin ako bigla sakanya at halos magtayuan na yata balahibo ko. SHZ! Bwisit! Nang-iinis pa. Tinaasan pa ko ng kilay at kung makangiti lang.. AY GRABE! may mapapatay ako.
Pasimple ko syang kinurot sa may
braso nya, yung kurot na mapapangiwi ka talaga.
"sht Ashley. Tigilan mo nga yan. Joke lang yun."
"wag mo kong inisin B."
"psh. Wag ka nga kasi nagpapaapekto sa iba. Hayaan mo kung anong sasabihin nila..alam mo naman kung ano yung totoo"
natigilan ako bigla. Bakit nga ba ako masyadong affected?
***
Since then, hindi ko na sya nakikita. Ang galing lang! Hindi na sya pumupunta sa room. Hindi narin nya kasamang maglunch si Bestie. Or hindi ko lang ulit sila nakikitang magkasama?
Kapag uwian nga, dumadaan talaga ako sa gym kahit bawal hindi players, baka sakaling makita ko lang sya dun. Pero, wala talaga maski anino nya pinagtaguan na yata ako.
Mga barkada lang nya nakikita ko.
Eh ano naman gagawin ko sa mga kolokoy na yun? Hayst! Ano kayang nangyari sa kanya?
Imposible namang 2months na syang may sakit. OA lang ah.
Or baka naman nagtransfer na sya ng ibang school?
Pero dapat nabalitaan na yun sa buong campus.
Baka naman LQ sila ni Trish?
Aish. Bakit ko nga ba sya hinahanap? kung ako nga hindi nya alam na nag-eexist ako!
Mas better na yung wala sya.
Oo.! Tama.!
Siguro nga ito na yung way para makalimutan ko sya. 2months din walang distraction. Puro aral lang. Mas okay na ito..
Wala ring inspiration. HUHU!
Eh kung itanong ko kaya kay bestie kung anong nanyari sa kanya??
Aish. Pero diba nga kakalimutan ko na sya? Bakit kelangan ko pang itanong kay Trish?
Pero namimiss ko na siya.
bakit?! Hindi naman masamang mamiss sya ah. Kelangan ba kayo or friends kayo bago ka magkaroon ng karapatan na mamiss sya? Hindi naman diba?!
"HOY!BESTIE!! Ano nah?! Tulaley ka na naman. Andami na naming naiisip dito. Tapos ikaw,wala ka pang sinasuggest. Magsuggest ka naman dyan! Ang Problema nalang natin ay kung saan kukunin ang fund"
aish! Oo nga pala. Nasa meeting pala ako ngayon para sa Christmas Ball. Kami kasi yung SG's kya kami ang nkaassign na magorganize.
Napaupo ako ng maayos at kunwaring nag-iisip pa.
"nag-iisip po kaya ako dito"
talaga naman ah. Nag-iisip ako dito. Iniisip ko si Justine Daniel Sanchez. Hahaha!
"ok bestie. What do you think about our Christmas Ball? We're done with the programs and other events before the ball. What our problem now is where we can get the fund? There will be a lot of activities this semester, so we need to have atleast savings."
Panay paliwanag si Trisha, ako naman puro tango lang. Wala ako sa sarili ko ngayon. Mukhang nababadtrip na nga yan sakin, kung hindi lang nya ko bestie, kinutusan na siguro ako.
"hmm.Eh kung bayaran na lang natin?"
"What?! Bestie naman! Ayusin mo na kasi. Alam mo naman na hindi lahat satin afford yung expenses. And kabilin-bilinan ni Ma'am na wag nating gamitin yung power natin just to overcome this activities. We need to stand on our own feet, not on with our parents pocket"
I know, hindi lahat ng students dito ay rich. Yung iba scholar lang talaga.Kasi Science HS nga. So si Brainy lang ang kelangan. Baka hindi nila maafford yung gastos. But then, isn't too much? Kahit sabihing Science HS, hindi ba masyadong O.A?
Para lang naman masabing may project mga student councils. Mga echoss nila! Arteee!
"chillax President. Pinapagalitan mo naman yung Mahal ko eh"
"Isa ka pa Lee! Ano masusuggest mo!"
Napasimangot akong tumingin sakanya. Mahal ko?! MAHA-HAMPAS ko yang si Lee! Classmate ko siya since 1styear din.Ang saya lang! Every year nalang ayaw akong lubayan! Nakakabwisit! Parang kulang nalang ipamukha ko na sakanya na UTANG NA LOOB! LUBAYAN MO KO!
Pero dahil classmate ko sya at mabait naman din siya, hindi ko siya masyadong inaaway. Sinusuntok ko lang siya kapag hindi ako nakakapagpigil.
Hindi naman yan nanliligaw. Dahil ayokong magpaligaw.! BWAHAHAHA! Wala akong pinapayagang manligaw. AYOKO NGA! hindi naman dahil sa choosy ako or what. Ayoko lang may manligaw sa akin dahil kawawa naman sila kung papaasahin ko lang sila sa wala. You know ... may mahal na ako. Hinihintay ko lang din mahalin nya ako. Ituon nalang nila sa iba yung panliligaw nila sa akin. Dahil si Daniel lang ang mahal ko, at hindi yun magbabago. BOW!
***
Nakaupo ako sa swing sa playground ng school.. Hinihintay ko na lang kasi si kuya Jake.
Iniisip ko pa rin si Daniel. Pano kaya kung friends kami?magbabago kaya nararamdaman ko sa kanya?Pa'no kaya kung ako ang mahal nya,ano kaya yung feeling nun,noh? Sya lang naman kasi hinihintay ko, baka sakaling magkamali ng pagpana si Cupid. You know. Possible parin naman yun.
"oy B! Problema mo?"
hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Vince.
"wala. Nagsswing lang naman ako dito eh"*pout
pagsisinungaling ko sa kanya. Naturingan kong bestfriend pero hindi ko masasabi yung totoo kapag si Daniel ang pinaguusapan.
"sus. Ms.denial hindi pa po ba tayo uuwi?"
sumimangot siya at saka kinurot na naman yung pisngi ko. AAAHH! nawiwiling kurutin pisngi ko.
"arraayy! Uy B.Hindi ko pala nasabi sayo na hindi ako sasabay ngayon. Susunduin kasi ako ni kuya jake"
"ahh. Ganun ba? samahan nalang muna kita dito"
umupo sya sa kabilang swing.Dito lagi kaming nakatambay ni Vince.Para kasing ang ginhawa ng feeling kapag nakaupo ako dito. nakakapag-isip ako ng maayos.. kapag may problema din, dito takbuhan ko.. HAYST! bakit ba kasi nasstress ako? Kung ayaw nya magpakita, eh di wag! MOVE ON ASHLEY!
wow! Move on! Big Word! PSH
*Beep.beep
"ayan na si kuya!" tumakbo ako para salubungin si kuya. "bakit ang tagal mo?"
Pagkababa palang nya sinermunan ko na siya agad. Nakacross-arms ako at saka ko siya tinaasan ng kilay.
"pasensya na po boss.traffic po kasi "sabi ni kuya saka ginulo yung buhok ko.
"ahh.wala na magulo na naman buhok ko"
"hahaha!magulo naman talaga yan. Tara na nga"
"Hindi kaya! Wait lang kuya si B...Byiiee B!"
Lumingon ako sakanya at nagwave ng hands
lumapit naman samin si Vince.
"oh.andyan pala yung torpe mong bestfriend.hahaha!"
Inakbayan ni kuya si Vince. parang magkapatid lang eh nuh? PSH. Palibhasa magkasundo...magkasundong bullyhin ako.
"tss. Sadyang manhid lang sya kuya"
"Ligawan mo kasi tol"
"may mahal ng iba. Game over na."
"huy,sino yang pinag-uusapan nyo?"
Singit ko sa kanila. nakakacurious kasi. May crush pala tong si Vince. Akalain mo talaga yun?! Babae naman kaya Crush nya? PFFFT! hindi man lang sinasabi sakin. Damot! Buti pa si Kuya alam, ako na bestfriend walang kamalay-malay?!
Well, siguro dahil hindi rin ako nag-oopen sakanya about sa crush .
"Boys talk toh shaine,okay?"
"Psh.sige na.ako na O.P sa inyo" *pout
boys boys. tsh. mga babae na naman pinag-uusapan nila nyan eh -_____-
"hahaha!tara na nga.uwi na tayo. Gusto mo bang sumabay samin Vince?"
"oo nga B.sabay ka na samin" binuksan ko na yung pinto ng kotse at nilagay yung bag ko
"hindi na.next time na lang.Dala ko kasi Motor ko ngayon"
"oh cge B.bye. Ingat ka ah."
at umalis na kami. Another day na naman ang lumipas na walang Daniel.
Kahit anino,WALA.
Bakit ba ganito?
I miss him so much. :(((((
Namimiss ko na talaga siya. Iisang school lang naman kami pero bakit hindi man lang kami magkatagpo ng landas!psh
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*to be continued
[a/n kamustaaaaa watties? ^___^
VOTE.and COMMENT. poh.. :"">
Thank you.!]
♥Dreamer