MY JOURNEY OF LOVE START WITH...

Oleh akosilenpot

208K 4.7K 906

Dahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A pri... Lebih Banyak

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR
NOL - CHAPTER 2 - NO ORDINARY ESCAPES
NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL
NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME
NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT
NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB
NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY
NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY
NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE
NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE
NOL - CHAPTER 11 - NO ORDINARY FEELINGS
NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR
NOL - CHAPTER 13 - NO ORDINARY HEARTBEATS
NOL - CHAPTER 14 - NO ORDINARY SELOSAN
NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY
NOL - Chapter 16 - NO ORDINARY FIESTA
NOL - Chapter 17
NOL - Chapter 19
NOL - CHAPTER 20
NOL - CHAPTER 21
NOL - CHAPTER 22
NOL - CHAPTER 23
NOL - CHAPTER 24
NOL - CHAPTER 25
NOL - CHAPTER 26
NOL - Chapter 27
NOL - Chapter 28
NOL - Chapter 29
NOL - Chapter 30
NOL - Chapter 31
NOL - Chapter 32
NOL - Chapter 33
CHAPTER 34 - KASSANDRA
NOL - Chapter 35
NOL - Chapter 36
NOL - CHAPTER 37
NOL - CHAPTER 38
NOL - CHAPTER 39
NOL - Chapter 40

Chapter 18

2K 57 14
Oleh akosilenpot


CHAPTER 18

LAREEN'S POV

Pareho kaming nakatahimik sa loob ng taxi niya sa paghatid niya sa akin pauwi ng Barangkal. Parehong nakatingin sa unahan at hindi nagsasalita. Letting our heart beats ang breathing do the talking. He said, he loves me. "Mahal na yata kita" yun ang tamang word. Umiikot ikot yon sa utak ko at nagiging magandang melody sa utak ko. "Mahal na yata kita". Napagiti ako. Yung lalakeng inaakala kong takot tumalon sa dagat, nakahanap ng salbabida at handang handa na sa paglangoy, "Mahal na yata kita" paguulit ng utak ko. Tumalon ba ng kusa si Arkin? May tumulak ba sa kanya? O hinila ko siya? Paano ba siya napunta sa dagat kung nasan ako? Kung paano man wala na akong pakialam.

Nang marating namin ang kanto ng Barangkal ay doon niya ako kinausap. "Hindi ko ginusto, pero anong magagawa ko? nahulog na ako sa'yo." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa tuhod ko.

Parang gusto kong maubo. Bawat salitang binitawan niya parang may 1 minute interval bago maadopt ng utak ko. Kami na ba? Hindi ko alam. Ang sabi niya "mahal na yata niya ako" dapat bang sagutin ko na ring "mahal na rin yata kita?"

HINDI.

Diba dapat may ligawan munang mangyari? Lareen, hindi porket wala ka sa poder ng mga magulang mo, hindi mo na gagawing tama ang pagrerelasyon. Pigilin mo! Unti unti kong binawi ang kamay ko. Lumungkot ang mukha niya."Hindi mo ako madadaan sa mukha mong ganyan" pinilit kong maging seryoso.

His jaw dropped.

"Ligawan mo ko. Dumaan ka sa tamang proseso" sabi ko at parang pinigil niya ang pagtawa. "Tinatawanan mo lang yung sinasabi ko??!" tinaasan ko siya ng kilay. Unbelievable!"Year 2012 na. Uso pa ba yong ligawan?"

Hindi ako makapaniwala sa lalakeng to. Hindi na lang ako kumibo.

"Sinabi ko sa'yong mahal na kita –

"Correction. 'MAHAL NA YATA KITA' yong sinabi mo" I stressed out the 'YATA'.

"Okay. Okay!" naghands up siya. "Sinabi ko ngang mahal na yata kita. Yung sagot mo na lang yung kulang, Reena. Say it....and this taxi driver will be yours,:" nakangiti siyang bumaling sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko sa lambing ng pagkasabi niya. Say it , and he's mine. Reena........you are such a lucky woman. Poor Lareen.

I cleared my throat. Kailangan mong tatagan ang loob mo. Tumalon na nga siya sa dagat Lareen, pero hayaan mo munang lumangoy siya papunta sa'yo. Yun ang sinisigaw ng utak ko. "Kung hindi ka manliligaw, mapipilitan akong bastedin ka kaya -.

"Roses and chocolates?"

Natigilan ako. "Harana?" tanong pa ulit niya at nagets ko na.

"Fruits, mineral water, paracetamol, ceelin at chocolate cake na may get well soon Pia" sabi ko at tuluyan na akong bumaba sa taxi at nangingiting pumasok sa Barangkal – my new world. Sa huling silip ko kay Arkin na nasa loob ng taxi niya ay nakangiti siya. Sus...kinikilig.

"Mukha kang inspired huh" bati ni Manong Chris ng maabutan ko silang nakatambay sa harap ng tindahan nila, kasama sila Manong Ino. "Ay sows hinatid yan ni Arkin kaya nakangiti" nagulat ako sa pagsulpot ni Aling Ising sa likuran ko. marahil ay nakita niyang bumaba ako sa taxi ni Arkin. Mukha siyang galing sa palengke dahil sa mga daladalahin niya.

Hindi na ako sumagot. "Bakas ang kilig mo Reena" banat pa nila. Wala na akong magagawa. Hay, paano ko ba kasi aalisin ang ngiti ko?? Hindi ko talaga alam. "Sus, si Mang Ino talaga"

"Ay Reena, kamusta naman pala si Pia? Mabuti na ba siya?" tanong ni Aling Mildred sabay abot ng kape kay Manong Chris. "Mabuti na ho ang lagay niya. Bumaba na ho ang lagnat. Salamat ho pala kagabi"

"May pambayad na ba si Jo? Meron kaming konting ipon, baka pwedeng makatulong sa kanya" sabi ni Aling Mildred habang nakangiti sa akin. I was stunned. Ang mahihirap na tulad nila, kaya pa palang tumulong sa iba? Napahiya ako sa sarili ko dahil all this time, natanim sa utak kong ang mahihirap, puro hingi lang ang alam.

"Oy, okay ka lang?" hinawakan ako ni Aling Ising sa balikat. "Dadalaw kami mamaya kay Pia, ano palang room number niya?"

"R-243 po"

"Sana magustuhan niya tong mga 'to" sabi ni Aling Ising habang tinitingnan ang mga pinamili niyang prutas. Napangiti ako. "Aling Ising, Aling Merly, Aling Mildred, Manong Chris, Mang Ino, Kuya Ryan, dito na ho ako at papasok pa ho ako sa mga Rodrigo"

Ngumiti sila at nagpaalam na. Halos ng makasalubong ko ay kinakamusta si Pia, yung pangangamusta nila....lahat yon sincere. Kagabi nung sumigaw ng tulong si Jo, nagulat ako ng handa na ang taxing sasakyan papunta ng hospital. Lahat sila ay handang tumulong, hindi man sa mga bagay na malalaki pero sa maliliit na efforts nila ay pwede nilang resolbahin ang lahat ng problema. Nakaka-inspire.

Pagkatapos kong makapagbihis ay madali na akong pumunta sa bahay ng mga Rodrigo. Medyo maeextend ako nito ng oras dahil late na akong pumasok. "Hayyyy, ano kayang pinakain mo kay Sir Tep noh? At nabilog mo ang ulo niya?" banat ni Analyn pagkadating na pagkadating ko sa bahay ng mga Rodrigo. Tapos ng makapagalmusal si Tep kaya ang pagdidilig at paglilinis na lang ng garden ang gagawin ko ngayong umaga.

"Hindi ako magugulat kung bukas bukas hindi ka na papasok dahil baka sustentuhan ka na ni Sir–

Tumayo ako at hinarap siya. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, tigil tigilan mo ako. Dahil kung hindi, baka ikaw ang tabasin ko kesa sa damong to" pagkasabi ko non ay binalik ko ang atensyon ko sa pagtatabas ng damo. Nilakihan niya ako ng mata. Aalis na siya ng tawagin ko siya. "Kahit malaman mo pa yung sikreto ko, hindi mo mo yon magagaya"

"Ano?!"

"Pang maganda lang kasi yon" sabi ko at padabog siyang pumasok ng bahay.

ARKIN'S POV

"Te, kailangan ko talaga ng pera. Pautangin mo na ako...please babayaran ko naman e"

"Babayaran? E paano mo naman ako babayaran kung sa pagiging driver ka lang aasa? Arkin, I know that you know kung ano ang dapat mong gawin to get that 20 thousand na kailangan mo"

"Ate Kass, eto naman e. Sige na pautangin mo na ako"

"Arkin, you should –

"Sige na. Kung ayaw mo kay Karl na lang ako uutang" I cut her off. Nawawalan na ako ng pag-asa para makuha ang 20 thousand pesos na kailangan ni Pia para sa pagpapagaling niya. Pinatay ko ang telepono. Alam ko na ang sasabihin ni Ate Kassandra at hinding hindi ko yon gagawin.

"O, anong sabi?" tanong ni Andoy na nakatanghod sa akin mula kanina pa. Umiling ako. Napakamot siya sa ulo. "Hay, bakit kasi sinabi mong may pera ka? E di ngayon namomroblema tayong dalawa?"

Hindi ako sumagot. Wala akong maisip kung sino pa ang pwede kong lapitan bukod kay Cassandra. Apat na taon ang tanda niya sa akin at habang lumalaki kami siya na ang halos nagalaga sa akin. Ewan ko ba at tinatanggihan niya ako ngayon bukod sa siya ang laging nagtatakip sa mga pagkakamali ko ay siya rin ang lagi kong natatakbuhan sa tuwing may problema ko.

"Umaasa na si Ate Jo na may pambayad tayo. Narinig mo lang na tatawagan ni Reena si Tep, nagprisinta ka na"

"Alam mo Doy, masyado kang nakakatulong" patayo ako ng tumunog ang telepono. "Who told you to hung up????" inis na inis na bungad ni Kass. "Kailangan ko ng pera, babyahe pa ako. 'Di mo naman ako papautangin diba?"

"Sinabi ko bang hindi??!"

Napangiti ako. "Alam mo Arkin, kung malapit ka lang nasabunutan kita. Kunin mo na lang yung pera"

"Sabi na e. Da best ka talaga ate!!!"

"Kelan ba kita natiis? Ikaw lang naman ang nakakatiis"

"Yan na naman tayo e"

"Basta. Pag may kailangan ka, alam mo na. Okay?"

"Oo na. Mag ingat ka palagi" sabi ko at nagpaalam na siya sa kabilang linya. "May sasabihin ka pa ba Doy?" pagmamayabang ko kay Andoy na tumatango tango na lang ito.

Nakangiti akong tumuloy sa taxi ko. "San ka pupunta?" habol ni Andoy.

"Magsusundo" sabi ko at kumindat na lang sa kanya.

LAREEN'S POV

"Parang sobrang saya mo" banat ni Ate Madel sa akin. Tinutulungan ko siyang magsampay sa likod ng bahay. "Ano na naman 'yon?" habang hawak ang isang t-shirt ni Tep na ilalagay ko sa spinner. "May iba sa'yo e. Kanina, kahit na anong banat ni Analyn parang hindi man lang naapektuhan yun mood mo"

"Nasanay na siguro ako"

"Ouch!" nagulat ako ng paluin niya ako sa braso. "Bakit?"

"May nililihim ka! May niliihim ka!"

Natawa ako sa reaction niya. "Wag ka ngang OA!" I rolled my eyes at her. "OA? OA? Sabihin mo may itinatago ka!" "Wag kang masyadong paranoid. Please" aakto akong aalis ng biglang sulpot ni Analyn. "Mahal na prinsesa, tawag ka ni Sir Tep" tumingin ako kay Ate Madel at tumango na lang siya.

Nagpahain si Sir Tep ng lunch sa may garden, hindi naman niya madalas tong ginagawa dahil mas gusto niyang kumain sa labas pag lunch. Ewan ko nga ba at naisipan niyang magpahain dito. "Anong oras ka uuwi, Reena?" tanong niya habang nilalagyan ko ng tubig ang baso niya.

"Mga 2:00 PM po, late na po kasi ako nakapasok kanina dahil nanggaling pa po ako sa hospital"

"Kamusta na pala yung bata?"

"Okay na po siya"

"May pera na ba kayo na pang gastos? I mean pambayad sa hospital bills niya?" he took a bite of his pork steak. "Ah, meron na po" tumango tango lang siya. "Sir kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang po ako"

"Hmmm...seat"

"Po?"

"Eat with me" he smiles na kita ang mapuputi niyang ngipin. Kung iba akong babae, siguro ang sasabihin ko, who can resist the charm? Siguro dapat tumatalon na ang puso ko sa mga oras na 'to, pero hindi ako yung ibang mga babae. Ako si Lareen. Ako si Reena at ang gusto nila......si Arkin.

"Reena?"

Ngumiti ako. Ayokong iparamdam kay Tep na nirereject ko siya, besides puro kabaitan lang din naman ang pinapakita niya. Maliit na bagay lang ang sabayan siyang kumain. "Kamusta ang buhay mo sa Barangkal?" "Okay naman po. Mababait sila, akala ko dati hindi ko kayang mabuhay don kasi sanay akong tahimik ang buhay sa probinsiya"

"Yan nga rin ang tanong ko kay Arkin e. Sa dami dami ng pwedeng upahan, sa barangkal niya pa naisip na tumira. Pambihira"

Masayang kausap si Tep. Malakas ang bilib niya sa sarili niya pero hindi yung maiintimidate ka. Gentleman siya kahit na nagsasalita at majoke din kahit medyo corny. Hay..bakit ba nasa Manila ang mga lalakeng pwedeng mapangasawa ni Lareen Castillo? Bakit kayo nagsisiksikan dito? Yan tuloy si Arnulfo yung nakita ng Daddy ko. "Okay ka lang?" nagulat din siya sa pagtahimik ko. Tumango ako.

Patayo na ako ng dumating si Arkin. Nagkatinginan kami at madali niyang iniwas ang tingin niya. "Pre, nagtanghalian ka na?" tumango lang si Arkin sa tanong ni Tep. "Pasok na ko" sabi ko at parang wala sa sariling pumasok sa loob. Whew! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang gusto kong magpaliwanag na ewan! E bakit naman ako magpapaliwanag kung wala naman akong ginagawang masama? At kung meron man bakit parin? Hindi kami. Wala akong pakialam sa iisipin ni Arkin. As in! Wala talaga.

Wala talaga.

Wala dapat.

Hay....

"Ikaw ang kasalong kumain pero ako ang nagpasok ng mga pinagkainan niyo? May araw ka din sa akin, Reena" sabi niya at padabog na nilagay ang mga pinggan sa sink. Hindi ko na siya inintindi dahil sa magulo ang isip ko. natetetempt akong sumilip sa may garden pero palabas pa lang ako ng kusina ng makita kong papasok ng bahay si Tep at Arkin. May pinaguusapan sila at paakyat sila ng kwarto ni Tep. Halos magkatumba-tumba pa ako sa pagtago. Lumabas lang ako ng tuluyan na silang makapasok sa kwarto ni Sir Tep.

After kong maghugas ng pinggan ay hindi pa rin sila lumalabas mula sa kwarto ni Tep. Si Arkin hindi na bumyahe, tumambay na lang dito. Sus.

"Te, may tanong ako sa'yo....kasi may friend ako na naguguluhan"

"O ano yon?" tanong niya habang ngpaplantsa. "Yung kaibigan ko may manliligaw, tas yung manliligaw na 'yon nakita yung kaibigan ko na may kasama na lalake pero naglulunch lang naman sila. Lunch lang, wala namang masama sa lunch. Sa tingin mo, anong mafefeel nung nanliligaw?"

Medyo nagisip siya. "Mafefeel nung manliligaw na may ibang gusto yung girl? At pwedeng hindi na niya ituloy ang panliligaw niya"

"Agad agad??? Gusto agad na iba?? Lunch lang naman e"

"Alam niya bang lunch lang? Syempre hindi niya alam yon"

"Kung ganon hindi siya sincere kung iisipin niyang may gusto na agad na iba yung kaibigan ko"

"e di magpaliwanag ka na agad. Para din a lumalala pa, okay?"

Tumayo ako. "Hindi ako yon, yung friend ko yon"

"Si Sam?"

Umiling ako,

"E di ikaw nga. Reena, si Sam lang ang kaibigan mong babae sa Barangkal" sabi niya at tumawa. Oo nga pala no? Sa sobrang hiya ay iniwan ko na lang siya at lumabas na muna.

Nagwawalis ako sa labas ng lumabas si Arkin mula sa kwarto ni Tep. Mukhang seryso ang pinaguusapan nila kaya hindi nila ako napansin ng maupo na sila sa may garden kung saan kami naglunch ni Tep kanina. Kung ikukumpara ko si Arkin kay Tep, wala naman sila halos pagkakaiba. Kung si Arkin ang isasakay ko sa magagarang sasakyan ni Tep ay babagay naman sa kanya at kung hindi ko siya kilala ay baka mapagkamalan ko rin siyang amo. Gwapo, matangkad at moreno. Yon si Arkin. Hindi man siya mestiso ay lalo namang nakadagdag sa appeal niya ang kulay ng balat niyang pinoy na pinoy.

"Magpaliwanag ka na" halos mabitawan ko ang walis sa pagsulpot ni Ate Madel. "Si Lareen, never ko pang nakitang natulala sa lalake"

"Sobra ka. Napatitig lang ng matagal, tulala na agad?"

Bahagya siyang tumawa. "Oras na ng pag-uwi mo. Dadaan ka pa sa hospital diba?"

"Ay oo nga pala!" Sabi ko at patakbo akong pumasok ng mansyon para maghanda na sa pag-alis.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako mapakali sa pagsuklay sa buhok ko. Nasanay akong magpaalam kay Tep bago umalis pero ngayon lang ako naconcious sa itsura ko. Kaasar kasi 'tong eye glassess na 'to e. "Hindi ka pa tapos?" Si Ate Madel na naman.

"Alam mo aatakihin ako sa'yo. Bigla ka na lang sumusulpot"

"Uuwi na lang magpapaganda pa?"

Hindi ako sumagot.

"Nacoconcious sa amo o sa kasama nung amo?"

Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. "Bakit ako macoconcious e sinabi na nga niyang mahal na yata niya ako!" Yun talaga ang gusto kong sabihin pero sa halip ay "Aalis na nga!"ang sinabi ko at lumabas na rin . Seryoso pa rin ang usapan ni Arkin at Tep ng lumabas ako.

Tumigil sila ng makita ako. "Aalis ka na?" Tanong ni Tep. "Yes Sir. Dadaan pa po ako sa hospital" tumango si Tep. "Ako rin Tol aalis na" nagulat ako sa biglang pagtayo ng lalakeng "mahal na yata ako".

"E kung ganon isabay mo na si Reena" kadalasan kasing nagpapatawag si Tep ng roving security para maihatid ako sa labasan.

"Okay" sagot ni Arkin pero sa akin siya nakatingin.

I nod to Tep for the last time at naglakad na kami ni Arkin papunta sa taxi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako.

Wala akong narinig sa kanya hanggang paglabas namin ng village. Pahapyaw ko siyang sinusulyapan. Nasa pagmamaneho ang buong atensyon niya.

"Kung hindi mo ako kakausapin, ipara mo na ako sa tabi"

"Seryoso ka?"

Hindi ako sumagot at nagulat ako ng bigla niyang igilid ang sasakyan at huminto. Aba! Aakto akong bubuksan ang pinto ng pigilan niya ako. Nakahawak siya sa kamay ko at nakatitig sa akin. "Syempre joke lang" sabi nya at ngumiti. Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Konti lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa tuwing magsasalita siya.

"Bibili lang ako ng makakain. Di pa ako nanananghalian e. Ikaw may gusto kang ipabili?"

Umiling ako. "Sabagay naglunch ka na" hindi ko alam kung assuming lang ako na talagang may diin sa 'lunch' o talagang may pinapahiwatig siya.

Ngumiti lang siya ng makita ang reaksyon ng mukha ko. Sinara niya ang pinto at pumunta sa foodchain na hinintuan namin. Hinabol ko siya ng tingin. Hindi ko inakalang magiging ganito siya kabait sa akin. Compared sa una naming pagkikita parang masasabi kong mali ang impression ko sa lalakeng 'to. Nakakaramdam ako ng kilig. Arkin...sana intayin mo si Lareen huh? Sana pagnagkaalaman na, matanggap mo ako...matanggap mo kung sino talaga si Lareen Castillo.

Habang inaantay ko si Arkin ay isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Ayoko munang isipin ang pagtatapos ng kwento ni Reena. I-e-enjoy ko muna ang palabas. I-e-enjoy ko muna kung ano ang nasa gitna ng bawat pahina ng kwentong pinili ko. Bahala na sa finals...ang importante ngayon, masaya ako. Hindi naman siguro masamang minsan, piliin kong maging masaya. Mga bagay na hindi ko pagsisisihan - maging masaya at magmahal.

"Pagod ka?" Nagmulat ako sa pagkakarinig ng mga salitang iyon. "Siguro dapat sa barangkal kita ihatid e"

Umiling ako. "Inaantay tayo ni Pia"

Ngumiti siya. "O binilhan kita. Makakatulong sayo yan" sabi niya at isinara na ang pinto at umikot para sumakay na rin. He bought me a chocolate ice cream. "Salamat" sabi ko sa kanya ng pagkaupong pagkaupo niya. Ngumiti lang siya bilang pagtugon.

Hindi na niya muli pang binuksan ang topic ng "awkward na lunch". Binuksan niya lang ang radyo ng taxi para magbigay ng music na pweden magtanggal ng awkwardness sa pagitan namin. Awkwardness na parang feeling ko ako lang ang nakakaramdam. Kasi naman, 'tong lalake sa gilid ko ay pinapahapyawan ng pagsabay ang music.

Pinilit kong hindi siya titigan dahil syempre pag nahuli niya ako, mas awkward yun no. Kaya pagkaubos ko ng ice cream na binili niya sa akin ay isinandal ko na ang ulo ko at pumikit.

"Mauna ka na sa loob" sabi ni Arkin ng marating namin ang ospital."Huh? Ba't san ka pa pupunta?" medyo pupungas pungas pa ako.

"May importante lang akong gagawin" cool na cool niyang sabi.

"E hahanapin ka din ni Pia" natataranta kong sabi. Ewan ko ba, yung feeling na hindi ko siya makakasama sa pagbabantay ay nagdudulot ng lungkot sa akin.

Ngumiti siya. Pilyo.

"Ang bilis mo naman akong mamiss"

I rolled my eyes at him. "Si Pia ang iniisip ko. Anong pinagsasabi mo" I crossed my arms. Lumapit siya at hinawakan ako sa dalawa kong balikat. "Sabihin mo kay Pia na malalate ang kuya Arkin niya dahil manliligaw pa. Okay?"

Hindi ako nakasagot. Yumuko siya para kunin ang supot ng pagkain na binili niya kanina. "Para kay Josephine yan..pakainin mo tapos pauwiin mo na muna" sabi niya at inabot sa akin ang mga supot na iyon.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Sinundan ko na lang siya ng tingin pabalik sa taxi niya.

Manliligaw? Diba ako yung nililigawan niya? E san siya pupunta??? Arkin bumalik ka dito!!! Gusto kong magiskandalo kaso nakakahiya. Sa inis ay padabog akong tumungo sa kwarto ni Pia.

"Ate si Kuya Arkin po?" Di na ako nagulat ng hanapin ni Pia si Arkin. Ayon kay Josephine, si Arkin ang pinakapaboritong tao ni Pia. Well hindi ko siya masisisi.

"Ah e may kinukuha lang sa Barangkal" pagsisinungaling ko. "Pero pupunta siya sabi niya" ngumiti si Pia. "Jo, pinapabigay pala niya at kung gusto mo pwede ka munang umuwi. Ako na muna bahala kay Pia"

"Napakabait talaga ni Arkin. Salamat pero mamaya na lang siguro ako uuwi"

Tumango ako at hinayaan ng kumain si Josephine. Umupo ako sa tabi ng kama ni Pia. Inilipat namin siya mas private kasi sensitive ang kalagayan niya. Baka kung ano pa ang makuha niyang sakit kung sa ward siya nagkakwarto. Paano ang bills? Sabi ni Arkin 'wag ng magalala. Kung si Josephine nga hindi na nagaalala e ako pa ba? Tsaka sabi na ni Arkin e. Hindi ko alam kung hindi na ba nagwoworry si Josephine dahil wala na siyang choice o dahil si Arkin mismo ang nagsabi. Arkin...

"Ate Reena, para pong prince si Kuya Arkin no?"

Ngumiti lang ako. "Pag kailangan po namin siya ni Mama lagi po siyang andyan. Diba Ma?"

Tumingin ako kay Josephine. Ngumiti siya at tumango. "Sabi po ni Kuya Arkin, kinausap daw po siya ni Papa ko na alagaan ako"

"Talaga?"

"Opo. Sabi po niya na sabi ni Papa na 'Arkin, alagaan mo si Pia Nicole Palaruan' " nilakihan pa ni Pia ang boses niya. Natawa kami ni Josephine. "Kaya po paglaki ko, maggagawa ako ng kainan, yung maganda..yung -

"Restaurant?" Pagtutuloy ko.

"Opo yung restro - retstrorant! Yun tapos ipagluluto ko po siya. Tapos hindi ko siya sisingilin pati si Kuya Andoy. Pagtitimpalahan ko sila ng kape bago sila magbiyahe"

"E paano ako?"

"Syempre ikaw din Ate Reena. Ipagluluto kita ng masarap. Dapat magkasabay kayong kakain ni Kuya Arkin huh"

"Bakit naman kami magsasabay?"

Nagulat ako ng hawakan ni Pia ang mukha ko. "Kasi po ikaw po ang princess"

Napatingin ako lay Josephine. Nagpipigil siya ng kilig. "Gusto ko po ikaw ang princess...pwede po ba Ate?"

I smiled. Tatango na ako ng magbukas ang pinto. And there was the prince este Arkin. Hirap na hirap siya sa mga dala niya.

"Get well soon Pia!!" Nakasmile niyang bati. May dala siyang lobo at cake kasunod si Andoy na may dalang mga supot ng kung ano ano. Nakatitig ako sa kanya.

"Pwede patulong?" Nakangiti niyang request. "Ay sorry!" Nataranta kong kinuha ang cake sa kanya at inabot iyon kay Josephine. May dala din siyang stuff toy para kay Pia.

"Kuya Arkin!!!!" Napapalakpak si Pia ng makita ang prince charming niya. Kinuha ko rin ang mga lobo para makayakap si Arkin kay Pia. Itinali ko ang mga lobo sa uluhan ng kama ni Pia.

"Thank you po!!" Sabay yakap ng mahigpit kay Arkin. "E paano naman ako?" Nagiinarteng sabi ni Andoy pagkalapag ng pinamili nila. "Thank you din!"

"Napakadami naman niyan Arkin. Sa dami ng tulong mo kahit wala ng ganito e"

"Ayos lang yon Josephine. Nanliligaw kasi ako" sabi niya sabay ngiti sa akin. Ngumiti rin si Josephine at alam kong alam niya na. "Nanliligaw? Pre, si Pia nililigawan mo?"

Ngumuso si Pia. Nagtawanan kami. "Ang dumi ng isip mo. Sige umalis ka na at babyahe ka pa" pagtataboy ni Arkin kay Andoy.

"Ay sabay na ako Doy. Okay lang ba?"

"Ayos na ayos, Te Jo. Tara na. Bye Pia." Yumakap ulit si Andoy. "Magpakipot ka muna kay Kuya Arkin huh? 'Wag easy to get"

"Ano po yung easy to get?" Tanong ng bata. "Ah e...magpa-chix ka muna. H'wag kang papadala sa kagwapuhan ni Arkin huh?"

"Po?" Clueless ang bata sa mga banat ni Andoy. "Doy tigilan mo na yung bata" sabi ni Arkin at natawa na lang si Andoy. "Nak, babalik si Mama bukas huh?" Paalam ni Josephine sa anak. "Kumain ng mabuti mamaya at makikinig ka kina Ate Reena at Kuya Arkin"

"Opo" sagot ng bata. "Don't worry Jo, kami na bahala sa kanya" sabi ni Arkin. "Salamat" sagot ni Josephine. "Arkin, paalala lang si Pia ang may sakit huh...baka iba yung mabantayan mo e"

"ANDOY!!!!!" Sigaw ni Arkin at tuluyan na silang umalis.

"Ba't ka tumatawa?" Tanong ni Arkin.

"A? E...wala..."

He pouts.

"Wala nga" sabi ko at inayos ang mga dala dala niya.

Halos buong maghapon kaming magkasama. Tuwang tuwa siya kay Pia. Feeling ko nga, kahit sila lang ang magkasama, walang mababagot. Mahal nila ang isa't isa.

"O ba't natahimik ka?"

"Mahilig ka talaga sa bata no?"

Ngumiti lang siya. Nakatulog na rin si Pia kaya nakakausap ko na siya ng maayos. "Oo. Dahil sila ang pinakatotoong tao sa mundo. Si Pia, lahat sinasabi niya. Hindi ako nagaalala kasi alam kong pag may problema sasabihin niya. Pag masaya siya, alam ko din"

Napapalunok ako.

"Gusto ko ng totoo"

Sabi niya at tumingin sa akin. Hindi nagsalita basta nakatitig lang. Gusto kong maconcious. Gusto kong matunaw pero mas ninais kong tumitig lang din sa maiitim na matang yon. Those eyes...I really can't be on those eyes. I am not me. I am not Reena...I am Lareen. Kakasabi niya lang...he likes people who are real. He will hate me for lying to him.

Maya maya ay naramdaman kong hinawakan niya ang mukha ko. "Umiiyak ka"

Isang statement. Hindi tanong. Don ko lang naramdamang namamasa ang mga mata ko.

"Ah..sorry" mabilis akong iiwas pero mabilis niyang pinunasan ang mukha ko. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak. Gusto kong magsumbong kay Arkin. Isumbong ang tatay ko. Ipagtanggol niya ako. Sabihin sa kanya ang totoo. Magsorry at magmakaawang wag akong iwan.

"Ah wala yon..naiiyak talaga ako pagmatagal na nakikipagtitigan"

Ngumiti siya. "Pag dating ni Josephine, iuuwi na kita. Alam kong pagod ka"

Tumango ako at bahagyang sumandal sa kama ni Pia. Pagod nga ako at maya maya ay naramdaman kong pumipikit na naman ang mga mata ko.


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

21.2K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
182K 7.9K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
5.4K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
5K 132 15
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...