***
"kanina pa tayo dito pero hindi ka parin nagsasalita. Akala ko ba may sasabihin ka?"
Nakaupo lang kami sa may bench at hindi sya kumikibo kanina pa. Tinitignan ko yung oras, makakaabot pa ako.
Hindi ko naman kelangan mamili sakanila. May kelangan lang akong tapusin...May kelangan lang akong ayusin.
"Ashley... Hindi ko alam kung bakit mo ko ginaganito"
nakayuko parin sya at hindi tumitingin sakin. Gusto ko ng tapusin ito. Ayoko ng mahirapan pa sya.
"sinasanay ko lang yung sarili ko na wala ka."
"What do you mean?"
napahinga ako ng malalim. Hindi ko sya kayang titigan ng matagal habang sinasabi yung tunay na dahilan ko.
"ayokong lumayo ka pero gusto kong kunin mo yung scholarship Daniel. Sisisihin ko yung sarili ko kapag hindi mo kinuha yun"
"yun lang ba dahilan? Ayokong umalis. Ok na ba?"
simula kanina ngayon lang nya ko tinignan sa mga mata. He's on pain at hirap na hirap na sya.
"hindi mo naiintindihan Daniel. Kung ikaw nasa position ko, pipigilan mo ba ko sa pangarap ko? Pangarap mo yan, pangarap ng magulang mo, bakit tatanggihan mo? Ikaw na nga nagsabi diba na once in a life time opportunity yan. Masasaktan ako kapag tinanggihan mo ng dahil sakin."
"kapag umalis ako, pano ka? Wala narin si Vince"
Eto ba yung dahilan nya kaya hindi sya makaalis? Ako parin iniisip nya.
"kapag nag-stay ka dito ng dahil sakin, sa tingin mo ba magiging masaya ako? Hindi ako selfish para pati pangarap mo ipagkait ko pa sayo"
ayokong lumayo sya pero mas masasaktan lang ako kung araw-araw sisisihin ko yung sarili ko kung bakit hindi sya naglalaro sa States at tinutupad yung pangarap nya. Hindi ko narin kaya pang tanggapin yung sasabihin ng father nya.
"yun nga lang ba dahilan mo kaya nagkakaganito tayo?"
napayuko sya ulit at magkahawak na yung dalawang kamay nya. Parang kinakalma nya sarili nya.
Gusto kong sabihin sakanya lahat lahat... Pero ayokong magalit sya sa father nya.
"kapag ba hindi ko tinanggap makikipaghiwalay ka sakin?"
oo...kung yun lang ang paraan para mapapayag ka.
"gusto kong maging ok kayo ng daddy mo"
"Bakit? May sinabi ba sya sayo?"
sabihin mo sakanya yung totoo Ashley.
"wala.Hindi ka ba natutuwa magiging proud na sya sayo, ikaw na nagsabi na ngayon mo lang sya napasaya ng ganito"
Hindi yun ang gusto kong sabihin pero bakit yun ang lumabas sa bibig ko?
silence. Napuno na naman ng katahimikan kami, na lalong nagpapabigat sa dibdib ko. Habang tumatagal yung pag-uusap namin lalo akong nasasaktan.
"Mahal kita.."
napatingin ulit ako sakanya. Alam ko namang mahal mo ko, kasi iniintindi mo parin ako kahit na nasasaktan ka na.
"Hindi ako magsasawang mahalin ka, pero nakakapagod narin kasi ipilit yung sarili ko kung ikaw na mismo lumalayo"
napayuko ako sa sinabi nya. Eto na naman luha ko, kusang lumalabas kung kelan hindi dapat! Nasasaktan ako kasi hindi ko masabi sakanya yung tunay na nararamdaman ko. Hindi ko gustong lumayo sakanya, pero walang ibang paraan kundi eto lang.
"Mahal mo pa ba ako?"
hinawakan nya yung kamay ko. Ramdam ko yung pagtitig nya sakin habang hinihintay yung isasagot ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi. Parang lahat ng sakit bumara na sa dibdib ko.
"kung dahil lang sa scholarship kaya ka nagkakaganyan, hindi ako aalis. Once in a lifetime nga yun, pero ikaw.. Ikaw na buhay ko Ashley. Ayokong iwan ka"
Hindi pwede.. Hindi ko alam kung ano pang pwedeng mangyari kapag pinilit nya yung gusto nya. Pareho lang kaming masasaktan.
"Mahal mo ba sya?"
Lub.dub.lub.dub
Si Vince lang naman yung tinutukoy nya.
Bakit kelangan dumating sa point na mamimili ako sakanila?
"Kapag ba sinabi kong mahal ko sya tatanggapin mo na ba?"
tumingin ako sakanya at halatang nagulat sya sa tanong ko. Kung eto lang talaga yung solusyon, wala akong choice kundi sundin yung payo ni Vince.
"Bakit pa ko magsstay kung wala na dito yung buhay ko?"
Sakanya na talaga nanggaling na gusto nyang tanggapin yung scholarship kung hindi lang dahil sakin.. Pwede naman nyang kunin yun diba ng kami parin.. Kahit na mahirap.. Kahit na isikreto nalang sa daddy nya yung relationship namin.
Pero iba nga pala si Daniel.. Ayaw nyang malayo sakin.
"Sabihin mo lang na hindi mo na ko mahal, titigil na ko"
nagbrebreak na yung boses nya. Bakit ko kelangan gawin yun kung hindi naman yun yung nararamdaman ko?
Sabihin mong mahal na mahal mo sya Ashley..
"Ashley..please.. Hirap na hirap na ko. Sabihin mo naman sakin kung dapat na ba kong sumuko.. Pano ko maayos toh kung ayaw mo na? Mahirap kasi lumaban kung iba na yung laman ng puso mo.."
nahihirapan din naman ako. Nahihirapan na ko kung paano ko aayusin ng mag-isa lang. Nahihirapan akong makita syang nasasaktan.
"Mahal mo na ba sya?"
inulit pa nya yung tanong. Gusto ko syang yakapin. Gusto kong hawakan yung mukha nya. Ayoko syang nakikitang ganyan. Gusto kong sabihin na sya parin ang mahal ko.
Napapapikit ako.
Ayoko syang saktan. Pero bakit ganun? Kung ano yung nasa isip ko, iba sa lumalabas sa bibig ko... Bakit napatango ako sakanya?
"I'm sorry.. I'm sorry Daniel"
nakayuko ako habang patuloy na nagsosorry sakanya. Ayokong makita yung reaction nya.. Hindi ko kaya.. Parang pinipiga na yung puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Kapag ba pinalaya kita, magiging masaya ka na?"
Halata sa boses nyang umiiyak sya. Hindi! Kung alam lang nya kung gaano ako kasaya kapag kasama sya..na wala syang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako.
Naramdaman ko yung unti-unti nyang pagbitaw sa kamay ko.
"sabi ko naman sayo darating talaga yung araw na marerealize mo na mahal mo na sya. Ang pagkakamali ko lang hinayaan kita, kahit alam kong hindi ka mahihirapan mahalin sya."
mali ka Daniel. Mahal kita! Hindi ka naman nagpabaya sakin. Siguro nga mahal ko sya, pero tapos na yun, dahil ikaw na yung present ko at alam ni Vince yun. Alam nyang hindi pwede kasi andito ka na sakin.
"Thank you kahapon. Pinagbigyan mo ko. Kahit papaano gumaan yung pakiramdam..kahit alam kong kasinungalingan lang yun, napasaya mo parin ako."
Napatingin na ko sakanya. Kahapon? Totoo lahat nun. Totoong mahal ko sya. Yung kasinungalingan ay yung ngayon. Please.. Maniwala ka sa sinabi ko kahapon.. Kahit hindi ko man sabihin sayo yung nararamdaman ko, tandaan mo na mahal kita Daniel.
Hinawakan nya yung mukha ko at ngumiti sakin. Ngiting alam kong nasasaktan.
Bakit hindi ko magawang sabihin sakanya yung totoo?
Nakatitig lang sya sakin. Parang sinusulit yung oras. Masakit parin pala kahit anong paghahanda mo. Kahit gano mo ineexpect yung mangyayari, iba parin kapag actual na. Harap-harapan mong nakikitang nasasaktan yung mahal mo.
Pinakamasakit ito.. Nakikita mo syang nasasaktan pero wala kang magawa.
Unti unting lumapit yung mukha nya at hinalikan ako. For the last time.. Hinihiling ko na tumigil sana yung oras ngayon.
"Thank you kasi dumating ka kahit hindi ako pinili mo. Sige na. Baka hindi mo pa sya maabutan nyan"
Hindi ko sya maintindihan. Paanong alam nyang pupunta ako sa airport?
Parang hindi ko na katawan ito. Hindi ko alam ginagawa ko. Umiiyak ako habang naglalakad palayo sakanya. Wala akong naririnig. Parang naglalakad sa kawalan. Ganito pala mabrokenhearted, parang tumitigil pati pag-ikot ng mundo mo.
Naaalala ko yung mukha nya, kung gano ko sya nasaktan.. Naaalala ko kung yung mga sinabi nya..
Ang sakit. Parang gusto ko ng mawala sa mundo, kesa maranasan yung ganito kasakit. Parang nahihirapan akong huminga sa bigat ng nararamdaman ko.
"ASHLEY!!"
Napalingon ako nung marinig ko yung boses nya at dun ko lang narealize kung nasan na ko.
*screech*
Ang ingay. Biglang nagsilapitan yung mga tao. Nanginginig ako sa kinatatayuan ko.
Naulit lang ba ang lahat?
Naalala ko bigla si Vanessa.
Nakita ko kung paano sya tumama sa kotse. Lumalabo lalo yung paningin ko. Kada hakbang ko parang malapit narin huminto yung puso ko.
Hindi pwede...Hindi pwedeng mangyari ito.
Nakikipagsiksikan ako sa mga tao. Yung kaba ko hindi na mapaliwanag.
Napatakip ako ng bibig nang makita si Daniel na nakahandusay at duguan.
Hindi..hindi ito totoo..
"Daniel.. Daniel.. Gumising ka.. Wag mo kong iiwan.. Please Daniel"
Hawak-hawak ko yung kamay nya at pilit tinatapik yung pisngi nya para dumilat sya. Pero walang response.. Ang dami ng dugo sa ulo nya.
No..please Daniel.. Wag mo kong iiwan.
***
to be continued :)
LAST CHAPTER NA TALAGA! ISANG CHAPTER NALANG TALAGA PROMISE! WAAAAAHH! :'(((
VOTE.COMMENT.COMMENT.COMMENT.
♥Dreamer